Normal namang lumipas ang isang linggong pagtatrabo ko rito sa Bar. Hindi na rin ako nag-abalang magkwento pa kay Winnie at buti na lang din ay hindi siya nagtangkang magtanong sa kung anong nangyari ng gabing ‘yon.
“Kari?” natigil naman ako sa pag-iisip dahil sa pagtawag sa’kin.
“Ronald, bakit?” tanong ko.
“Girl, kanina ka pa tinatawag ni Sir,” agad naman akong nagpunta sa opisina ni Sir Gio.
“Pasensya na po, Sir. Ano po pala ‘yon?” tanong ko pagkatapos umupo. Bahagya naman akong naginhawaan dahil sa lamig ng opisina ni Sir. Ramdam na ramdam ko ang mga pawis na tumutulo sa noo ko, gano’n din sa likod at leeg.
“Wag!” nagulat naman ako sa biglaang pagpigil ni Sir Gio sa’kin habang nagpupunas ng pawis. “It’s uh—rug.”
“Putcha—sorry!” sobrang nahihiya na ‘ko sa pagiging lutang ko at napamura sa kawalan ng bigla. Wala akong magawa kundi ang yumuko na lang.
“You can rest if you’re that tired,” aniya na agad ko namang tinanggihan.
“Bakit mo po pala ako pinatawag, Sir?” pagbabalik ko sa tunay na dahilan kung bakit ako nandito ngayon.
“Ah! Yes. About my proposal lang naman hehe, ano? Payag ka na ba?” napabuntong hininga na lang ako.
Simula ng gabing ‘yon na kumanta ako ay kinukulit na ako ni Sir Gio na kumanta rito sa Bar kahit acoustic lang para hindi gaanong nakakapagod. Nag-offer din siya na dagdagan ang sahod ko.
Hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako nakakapagdesisyon kung tatanggapin ko ba ang alok niya. Pero naiisip ko ang anak ko, gusto ko na siyang mailabas sa ospital at ayaw ko ng umasa sa mga tulong na ibinibigay ni Winnie.
Hindi ko na rin dapat pa inuuna ang hiya kaysa kapakanan ng anak ko, tama!
“Sige po, Sir,” nakita ko ang malawak na ngiti ni Sir dahil sa pagpayag ko.
“Don’t worry, it won’t be tough. Sa acoustic lang kita ilalagay at every other day ka lang naman maggi-gig kaya pinapangako kong ‘di ka mapapagod ng sobra. Thank you so much, Kari!” aniya at tumayo saka naglahad ng kamay sakin. Tumayo naman ako at ngumiti pabalik.
“Tinanggap mo na ba? No’ng nakaraang linggo ka pa kinukulit no’n eh, pati ako pinipilit na kumbinsihin ka,” ani Winnie habang naglilinis ng mesa.
“Oo, tinanggap ko na. Sayang din ‘yong kikitain eh, gusto ko na mailabas sa ospital si Ali at para na rin makauwi ako ng isla.”
“Sure ka na talaga? Anong balak mo pag-balik mo ng isla?”
“Ita-try ko ulit sa resort. Kung ‘di palarin baka balik gig na lang,” ‘yan na ang matagal kong plano pag umalis na ‘ko dito sa Bar. Ayaw ko ng kumanta sa totoo lang pero kung hindi man ako matanggap ulit sa resort bilang staff papatusin ko na ang mga gig.
Naalala ko noon kung gaano ako kadalas kumakanta sa resort na pinagtatrabahuhan ko, halos gabi-gabi walang palya ang mga tao sa pakikinig sa’min at wiling-wili na panoorin ako sa isang maliit na entablado.
---
“Di pa rin kayo antok? Sige kakantahan ko kayo ng pampaantok hahaha,” tanong ko sa mga guest na nanonood sa gig namin ngayon. Umusbong na naman ang isang hiyawan at iilang kantyaw.
“Ayaw pa namin!”
“Kantahan mo pa kami!”
I saw an old friend of ours today
She asked about you, I didn’t quite know what to say
Heard you’ve been making the rounds ‘round here
While I’ve been trying to make tears disappear
Isang taon at kalahati simula nang umalis si Clyde dito sa isla ng walang pasabi sakin. Sobrang sakit para sakin noong mga panahon na ‘yon pero nakaya kong kalimutan siya ng paunti-unti.
Tatlong buwan na rin ang nakakalipas nang pumutok ang balita na ikakasal na siya at dito mismo sa isla magaganap.
Now I’m almost over you
I’ve almost shook these blues
So when you come back around
After painting the town
You’ll see I’m almost over you
You’re such a sly one with your cold, cold heart
Maybe leaving came easy, but it tore me apart
“Time heals all wounds”, they say, and I should know
‘Cause it seems like forever, but I’m letting you go
Ilang buwan na rin ang nakalipas. Kaya ko ng kantahin ang mga kanta na hindi siya inaalala o nakakaramdam ng sakit dahil sa tuluyang pagpapalaya sa kanya.
Sa muling pagmulat ng mata ko ay iyong lalaki na naman ang una kong nakita. Dahil sa dalas ko siyang makita rito na nanonood sa gig namin ay nasaulo ko na ang itsura niya kaya naman ‘di ako nag-atubiling ngitian siya sa gitna ng pagkanta ko.
Pagkatapos ng isa pang kanta ay nagligpit na kami para maka-uwi. Nakakaramdam ako ng pagod at antok kaya naman nagmamadali na ako sa pagtulong na magligpit dito.
“Nakita mo ba ulit ‘yong gwapong lalaki kanina? Grabe he’s such a die hard fan,” tanong ni Miuki sa’kin. Si Miuki ay ang basahista namin at boyfriend naman niya ang drummer na si Ravi.
Maski sila ay pansin din ang palagiang pagnood ng lalaking ‘yon dito.
“Sus! Fan ka dyan. Baka isa lang din yan sa mga guest,” sagot ko naman.
“Iyon na nga eh! Sa sobrang pagka mangha sa’yo talagang dinadayo ka pa dito sa resort palagi,” sabat naman ni Ravi sa usapan.
“Fan natin ‘yan, hindi lang sa’kin namamangha ‘yan ‘no!” sabi ko habang patuloy sa pagtulong sa kanila magligpit ng mga instrumento at ibang gamit.
“Malay mo siya na ang kapalit ni Clyde?” panunukso ni Miuki sa’kin. Alam din nila ang tungkol sa’min ni Clyde dahil sila mismo ang tumugtog sa kasal kaya naikwento ko sa kanila ang dahilan kung bakit hindi ako sasama o kakanta kasama nila noong araw na ‘yon.
“Napaka gwapo nun ‘no! Malabo pa sa imposible. Kumbaga sa alon, di ko ‘yan makukuha, hanggang tanaw na lang ganon,” saad ko. Napaka-imposible naman kasi talaga, gwapo ‘yon at mukhang mayaman kumpara naman sakin na normal na tao lang dito sa isla.
“Malay mo lang naman. Besides, Ravi might help you with that one,” Miuki.
Tumango-tango naman itong si Ravi habang nakangiti sa akin.
Napag-alaman kong madalas makita ni Ravi ang lalaking ito sa school at medyo matunog daw ang pangalan nito sa buong eskwelahan.
Napapaisip tuloy ako kung anong klase ng tao ito at kung bakit naging matunog ang pangalan.
---
Naghanda ako ng anim na kanta para sa gig mamaya. Mayroon akong isang singer na kapalitan kaya sapat na itong anim na kanta. Pagka-ganitong acoustic night dito sa Bar ay hindi gaanong dagsa ang tao hindi gaya kapag party night.
“Mareee! Ready ka na? Nae-excite ako! Sa wakas madalas na kita maririnig kumanta gaya ng dati,” tuwang-tuwang salubong ni Winnie sakin sa labas ng kwarto ng apartment namin.
‘Di ko maiwasang mapangiti dahil mula pa noon ay sinusuportahan na niya ako sa mga gig ko kung saan-saan.
Makalipas lang ang dalawang oras ay sumalang na kami sa entablado, naunang kumanta ang kapalitan ko ng mga dalawang kanta. Nasabi ko na rin sa banda ang mga kantang hinanda ko.
I’ve been walking through a world gone blind
Can’t stop thinking of your diamond mind
Careful creature made friends with time
He left her lonely with a diamond mind
And those ocean eyes
No fair
You really know how to make me cry
When you give me those ocean eyes
I’m scared
I’ve never fallen from quite this high
Fallin’ into your ocean eyes
Those ocean eyes
Sa pinakahuling kanta ay dumating ang isa pang tao na mula noon ay hindi nagsawang pakinggan ang pagkanta ko. Gaya ng dati ay nasa malayo siya, nakatanaw, marahang nakikinig sa mga kantang inaawit ko mula rito sa entablado.
Gaya lang ng dati, lahat ng pakiramdam at mga alala ay nagsisibalikan gaya ba ng mga dating pangyayari.
Para bang nagsisimula muli sa simula, pero ito ang simula na alam kong hindi na dapat pang ipagpatuloy at kailangan putulin agad. At dapat ng putulin ang mga pangyayaring nagbabadyang umulit.
Mabilis na lumipas ang linggong ‘yon at malaki ang pasasalamat ko na walang hakbang na ginawa si Aki para lapitan o guluhin ako. Pero kada gig ko ay nahuhuli kong naroroon siya at nanonood.Hindi tuloy mawala ang kaba at pagiging ilang ko habang kumakanta dahil sa mga malalalim at matatalas niyang tingin.Ngayong linggong ito ay ang ika-dalawang buwan kong nagtatrabaho rito sa Bar. Sa susunod na buwan ay binabalak ko ng umalis, sa ngayon mag-iipon pa ako ng kaunti para pag-uwi sa isla ay may magagamit kaming pang-gastos.Masyadong nakatulong ang pagkanta ko rito sa Bar dahil sa palagian at malalaking tip na nakukuha ko mula sa mga costumer na masyadong natutuwa sa pagkanta ko.“Kari, luluwas ka ba mamaya?” si Winnie. Nasabi kong itong linggong ito ay dadalaw ako sa anak ko sa hospital dahil sa susunod na linggo ay maaari na siyang ilabas.“Oo. Bakit pala?” usisa ko.“Makikiabot naman sana nito kay Lola,&rd
Naging maayos ang trabaho ngayong araw dahil sa Sir Jed daw muna ang papasok at hindi si Sir Gio. Aniya’y may importanteng lakad daw sa Maynila kaya’t dalawang linggo itong mawawala.“Biglaan naman ata ang lakad ni Sir Gio?” kuryoso kong tanong.“Maaring pinauwi na naman ‘yon ng mga magulang niya,” sagot ni Steffi na nasa tabi ko na ngayon. “Politician kasi ang daddy nila Sir Jed at Gio, gusto ng daddy nila ma-involve rin sila sa politika pero itong si Sir Gio masyadong sutil ‘di gaya ni Sir Jed.”“Bakit si Sir Gio lang ang umuwi kung ganon?” ako.“May posisyon na kasi iyang si Sir Jed sa business nila sa Maynila. Hindi man na-involve sa politika, nagtrabaho naman para sa family business nila. Itong Bar na ‘to, si Sir Gio lang nagpasimuno. Walang koneksyon ang Bar na ‘to sa family business nila,” paliwanag niya. Napatango na lang ako sa mga nalaman ko. Sobrang
“Welcome back, Sir Gio,” sabay-sabay na sigaw naming mga empleyado nang pumasok si Sir Gio sa Bar.Isang linggo matapos ang pagliban ni Sir Gio dahil sa pagpunta sa Maynila para ayusin ang tungkol sa kaniyang pamilya kaya naman labis na natuwa at na-excite kami sa muling pagbabalik niya.Lumapit naman si Winnie kay Sir Gio dala ang isang cup ng kape gano’n din si Steffi. Nakita ko pang nagkatinginan silang dalawa sa ginawa. Hindi naman nakaimik agad si Sir sa nangyari.“Uh... thank you, guys. I’ve missed all of you,” wika niya at nginitian kaming lahat. Naiwan naman si Steffi at Winnie roon. Ang ibang empleyado ay ‘di na rin nakiusisa pa sa nangyari at nagsibalikan sa kani-kanilang trabaho.“Winnie halika na,” sambit ko dahil hanggang ngayon ay magkatitigan pa rin silang dalawa ni Steffi.Tinitimbang ko ang mood niya ngayon dahil nananatili pa rin siyang tahimik. Hindi ko na rin siya pipilitin k
Kabado akong pumasok ngayon dito sa Bar dahil sa hiya. Ilang beses ko na kinumbinsi ang sarili na hindi ako ang dahilan at maaaring may ibang dahilan pa kung bakit sila nag-away kahapon pero heto ako at nahihiya pa rin.Humingi ng tawad si Hannah sa’kin, aniya’y hindi raw siya nag-ingat maigi kaya may nakarinig pa ng usapan namin at nila ni Winnie. Siniguro ko sa kaniya na wala siyang kasalanan sa mga nangyari at na ako naman talaga ang pinakapangunahing dahilan. Kung naging handa sana ako sa buwanang dalaw ay ‘di ko na kakailanganin pa na pakiusapan siya na bilhan ako ng napkin.Pumasok ako sa opisina ni Sir Gio nang nakayuko matapos ang ilang katok.“Uh... pasensiya na po sa nangyari kahapon, Sir. Naikwento po sa’kin ni Winnie ang buong detalye,” panimula ko. Kahit pa hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang malalalim na tingin niya sa’kin, lalo tuloy akong ginapangan ng hiya at kaba.“Maayos na ba
Parang mabilis na apoy na kumalat ang balitang inihatid kami ni Sir Jed kahapon sa apartment. May iilang lumapit sa’kin para magtanong at kumpirmahin kung totoo ba ‘yon.“Oo naman! Bait nga ni Sir Jed, e. ‘Di ba, Kari?” si Winnie ang panay sumasagot sa mga tanong na ibinabato sa’kin. Kaunti na lang at makukurot ko na itong si Winnie sa sobrang kadaldalan.“At alam niyo ba, bago umuwi si Sir may pahabol pa!” anunsyo niya kaya naman namilog ang mga mata ng katrabaho at lalong lumapit dahil naiintriga sa sasabihin ni Winnie. Subukan lang nito sabihin na nanghingi ng numero ko si Sir---“Hiningi ni Sir—aray!” kinurot ko na sa tagiliran dahil walang preno ang bibig dahil pati ang bagay na iyon ay ipagsasabi pa, hay naku!“Ng ano, Winnie? ‘Wag ka naman KJ, Kari dali na! Sabihin mo na.”“Oo nga, hindi namin ipagkakalat. Pangako!” patuloy ang pangungulit nila.
Narito sa kwarto ko ngayon si Winnie dahil maaga siyang natapos maghanda para pumasok kaya naman hinihintay niya ‘ko. Simula kagabi ay hindi niya ako tinigilan kakaasar sa mga nakaraang araw na pangyayari.Hindi ko pa rin kinukumbinsi ang sarili ko na para sa’kin ang ginagawa nila Sir Jed at Aki roon sa Bar. Ayokong isipin ang ganoong bagay dahil empleyado lang naman ako katulad nila, walang espesyal sa’kin para tratuhin nila ng kakaiba. Talagang mababait lang sila sa’ming mga empleyado nila. Natural lang iyon.“Naku! Malapit na nga pala birthday nila Sir Gio,” saad ni Winnie habang nakatutok sa cellphone niya.“Talaga? Kailan naman ‘yon?” usisa ko habang sinusuklay ang buhok.“Sa isang linggo na iyon. Sana may pa-outing ulit, saka anniversay din ng Bar iyon kaya sana talaga mayroong outing!” excited na wika niya. Mukhang masaya nga iyon. Nakakatuwa naman inabot ko ang selebrasyon ng aniber
Magkatabi kami ngayon ni Winnie sa bangka. Parehas kaming excited na makauwi rito sa isla at hindi iyon maitatago sa aming mga mukha.“Grabe! Daig ko pa ang nangibang bansa, pakiramdam ko ang tagal kong nawala rito,” saad pa niya nang natatanaw na namin ang isla.“Matagal ka naman talagang nawala rito, Winnie,” sambit ko at tinitigan ito ng seryoso.Magdadalawang taon na siyang nasa siyudad. ‘Di kagaya ko ay hindi na nakatungtong pa ng kolehiyo si Winnie dahil sa pagkakasakit ng kaniyang lolo at lola. Mas pinili niyang magtrabaho na lamang dahil hindi niya raw kakayaning mag-aral ng apat na taon habang inaatake ng sakit ang kaniyang lolo’t lola.Napakadalang lang din ng pagkakataon na maka-uwi dahil sa pag-iiba iba niya ng trabaho. Aniya’y ‘di siya uuwi hangga’t walang sapat na ipon. Pero ngayong sa Bar na siya nagtatrabaho ay kahit papaano nakaka-uwi na siya rito.Sinalubong ako nila Nanay at A
“Kari, dalhin mo ito at ibigay sa amo mo,” bilin ni Nanay habang inaabot sa akin ang isang paper bag na naglalaman ng ilang tupper ware. Kinuha ko naman iyon at nagpaalam na aalis na.Kagabi pa nagpupumilit si Nanay na magluluto raw siya ng ube para kina Sir Gio at Sir Jed, bilang pasasalamat na rin daw sa pagtrato ng maayos at pagtanggap sa akin sa Bar.“Ali, pupunta lang si Nanay sa Langub ha. Ayos lang ba na dito ka muna?” kinakabahang tanong ko sa anak ko.“Uuwi ka rin ba agad, Nanay?” ignora niya sa tanong ko.“Opo, anak. Babalik agad si Nanay at Tita Winnie mamayang gabi,” saad ko kahit pa walang kasiguraduhan kung makakabalik nga ba agad ako. Baka tulog na siya sa oras na makauwi ako.Matapos ang ilang pagpapaalam sa anak ko ay tuluyan na kaming tumulak ni Winnie papuntang Langub kasama ang ibang katrabaho na kadarating lang din. Hindi ako mapakali, kanina pa ako palinga-linga sa paligid dahil