All Chapters of Ocean Waves: Chapter 1 - Chapter 10

46 Chapters

Kabanata 1

Pasado alas-nuebe ng umaga ako nakarating dito sa Bar na pinag apply-an ko dahil kagabi lamang ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kanila na ako raw ay hired at pwede na mag-start kinabukasan. “Uh, hello po. Ako po ‘yong bagong hire na waitress dito,” bati ko sa isang staff na nahagip ng mata ko. “Kari?” tawag ng isang babae mula sa likod ko, “Kari, ikaw nga!” masiglang bati ni Winnie nang makita ako. Siya ang nag-alok sa’kin na magtrabaho rito, kaya naman agad akong nag-apply dahil kailangang-kailangan ko na rin talaga. “Tara! ihatid kita sa opisina ni Boss,” aya niya sabay hila sa braso ko. Nang makarating sa tapat ng opisina ay akma na akong kakatok pero pinigilan niya ako, “Bakit?” tanong ko. Bago magsalita ay humugot muna siya ng malalim na paghinga. Pakiramdam ko naman tuloy napakasungit ng boss namin dahil sa lalim ng buntong hininga niya. “Pagbabantaan na kita ha, gwapo ang boss natin kaya the moment na makita mo siya ‘wag kang titili
Read more

Kabanata 2

Maaga kaming nakarating ni Winnie dito sa bar kaya naman tumulong na kami sa pag-aayos ng mga lamesa at upuan. Nang matapos sa ginagawa ay pansamantala kaming umupo sa may counter, naghihintay sa pagpasok ng mga customer. Sa ilang minutong paghihintay maya-maya ay may pumaradang itim na sasakyan sa labas at iniluwa no’n si Sir Gio na nakasuot ng black leather jacket na may white t-shirt sa loob, at ang pang-ibaba naman niya ay simpleng itim na pants. Nakita ko pang iniabot niya sa isang crew ang susi ng sasakyan para siguro iparada iyon sa parking area. “Good morning!” nagulat naman ako sa biglaang pagsasalita ni Winnie sa tabi ko habang sinusundan ng tingin ang naglalakad na si Sir Gio papasok dito sa loob ng bar. “Nalasing na naman siguro ng bongga ‘yan si Sir,” aniya nang mabalik sa ulirat. “Paano mo naman nasabi?” takhang tanong ko. “Usually, maaga ‘yan pumapasok. Alam mo ba, super cute niyan tuwing umaga? Never niya tatakpan ang mukha niy
Read more

Kabanata 3

Si Maam Solange ba? Siya ba? Bakit siya nandito? At may kasama pa siya. Ang dami, ang dami-dami kong gustong itanong pero pinangunahan na naman ako ng pagkabato rito. Hindi pa ako handa para sa pangyayaring ‘to.Yung galit at sakit na matagal ko ng kinalimutan ay bumalik simula nang makita ko siya ulit.---“Ano na Kari? Kwento ka na dali. Gwapo ba? Matangkad?” pangungulit ni Winnie sa akin habang naglalakad kami pauwi galing sa raket namin.Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong hinanap sa bulsa at tinignan kung sino ang nag-text. ‘Di ko maiwasang kiligin at ma-excite dahil baka si Aki ang nag-text.“Si Aki ba ‘yang nag-text? Anong sabi? Huy! Magsalita ka naman.” Niyuyugyog ako ngayon ni Winnie dahil nabato na ako sa kinatatayuan ko dahil sa natanggap kong mensahe.“Ano ba ‘yan? Patingin nga!” agaw ni Winnie sa cellphone ko. &ld
Read more

Kabanata 4

“Hi, Kari!” nagulat naman ako sa masiglang bati sakin ni Sir Gio, ngiting ngiting ito kaya’t nginitian ko rin pabalik kahit ‘di ko alam kung bakit.“Can we talk?” aniya kaya agad naman akong tumango at sumunod sa kaniya papasok sa office.“Kumusta pala anak mo?” pambungad na tanong ni Sir Gio.“Bumubuti na po kahit papaano Sir,” nakangiting sagot ko.“Is there anything I can help? Besides baka pamang---kidding!” napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Umiling ako bilang pagtanggi sa inaalok niyang tulong.“Anyway, I have a favor to ask and I hope pumayag ka,” seryosong saad ni Sir Gio. Ano naman kayang pabor ang hihilingin ni Sir Gio sakin? “ano po ba ‘yon?” tanong ko.“It’s about last weeks’ incident, you know, you, Joaquin and Solange.” Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya, nahihiya akong nasaksihan ‘yon ni
Read more

Kabanata 5

Bukas ang huling araw ng paghahanda namin para sa event dito sa Bar kaya naman abalang-abala ang lahat. Ito ang ika-apat na araw na uuwi kami ng madaling araw, at ito rin ang ika-apat na beses kong makikita ang sasakyan na palaging nagpa-park malapit sa Bar.Napansin na iyon ni Winnie pero wala siyang pangamba dahil siguro ay nakikita  na niya ito noon pa man kaya hindi ko na rin pinairal ang takot at kaba na nararamdaman ko sa tuwing makikita ang sasakyan na iyon. Hindi na rin ako nag-abalang i-kwento pa kay Winnie ang nangyari ng gabing iyon dahil ayaw kong pag-alalahanin siya at isiping kasalanan niya kung sakali man may mangyari.“Naku! Saglit lang mare ha? Naiwan ko sa locker ‘yong cellphone ko.” Tumango ako kaya dali-dali siyang pumasok sa loob.Hindi ako nagkamali, ang itim at tinted na sasakyan ay pumarada na naman sa di kalayuan. Paanong hindi ko mapapansin, e rinig ko ang takbo ng sasakyan at umaabot sa’kin ang ilaw ng sasa
Read more

Kabanata 6

Lahat ng empleyado sa Bar ay naatasan magtrabaho para mamayang gabi. Meron din namang iba na hindi tinanggap ang alok ni Sir Gio na magtrabaho mamaya kahit pa may dagdag kita ito.“Nae-excite na ‘ko, Kari!” hindi mapaglagyan ang saya ni Winnie ngayon. Kanina pa siya hindi mapakali rito sa loob ng kaniyang kwarto.Maging ako man ay excited din para sa mamaya, ngayon lang ako makakadalo sa ganito. Kahit pa trabaho ang ipupunta namin ay ‘di ko pa rin maiwasang sumaya at ma-excite.“Wait lang ha?” paalam niya at lumabas ng kwarto. May tumawag ata sa kaniya.Pinagmamasdan ko lang ang mga kolorete na pinamili ni Winnie kahapon sa Mall. Nakalatag na rin sa kanyang higaan ang uniporme na susuotin namin pati ang mask na binili niya. Di nga siya nagkamali, magmumukha siyang sexy sa napili niya.‘Di ko naman makakaila na maganda talaga ang kaibigan ko, morena ito pero lutang na lutang ang kanyang ganda. Lalo pang nagp
Read more

Kabanata 7

“Bro ano ba ‘yan? Para kang tanga hubarin mo na nga ‘yan nasa loob na tayo,” wika ni Sir Gio sa kaniyang katabi.Napaawang ng bahagya ang mga labi ko kasabay ng panlalaki ng mata ko sa nakita ko. Nagtaas ito ng kilay saka ngumisi.“Maiwan ko na po kayo, Sir, Maam.” Paalam ko dahil wala naman na akong ibang gagawin pa.“Wait lang, Kari!” pigil sakin ni Sir Gio.“Since you’re new, I want you to meet my twin, Jed. Boss mo rin sya, so don’t get confuse ha? At itong isang manong dito ay boss mo rin,” aniya. Sa kabuuan, silang tatlo ang nagpapatakbo ng Bar na ito, at si Aki ang pangatlong. Karamihan sa mga empleyado ay hindi kilala si Aki at napaka-dalang daw nito dumalaw dito.'Di gaya ni Sir Gio ay napakatahimik niya. Mukhang masungit pa at strikto. Muli na namang napadako ang tingin ko kay Aki na ganoon pa rin ang ekspresyon. Malalalim ang tingin sakin at diretsong diretso.
Read more

Kabanata 8

Humugot ako ng malalim na hinga bago magsimula ang kanta. Kasabay na rin ang pagdarasal na sana ay maki-ayon ang boses ko ngayong gabi.Nagsimula na ang pagtugtog ng banda kaya inihanda ko na ang sarili ko sa pagkanta. Hindi ko akalaing kakantahin ko ang kantang ‘to sa pangalwang pagkakataon.---He is sensible and so incredibleAnd all my single friends are jealousHe says everything I need to hearAnd it’s like I couldn’t ask for anything betterHe opens up my door and I get into his carAnd he says “You look beautiful tonight”And I feel perfectly fine Napukaw ng isang makisig na lalaki ang atensyon ko habang kumakanta, hindi ko alam pero mukhang pamilyar siya sa’kin.
Read more

Kabanata 9

Normal namang lumipas ang isang linggong pagtatrabo ko rito sa Bar. Hindi na rin ako nag-abalang magkwento pa kay Winnie at buti na lang din ay hindi siya nagtangkang magtanong sa kung anong nangyari ng gabing ‘yon.“Kari?” natigil naman ako sa pag-iisip dahil sa pagtawag sa’kin.“Ronald, bakit?” tanong ko.“Girl, kanina ka pa tinatawag ni Sir,” agad naman akong nagpunta sa opisina ni Sir Gio.“Pasensya na po, Sir. Ano po pala ‘yon?” tanong ko pagkatapos umupo. Bahagya naman akong naginhawaan dahil sa lamig ng opisina ni Sir. Ramdam na ramdam ko ang mga pawis na tumutulo sa noo ko, gano’n din sa likod at leeg.“Wag!” nagulat naman ako sa biglaang pagpigil ni Sir Gio sa’kin habang nagpupunas ng pawis. “It’s uh—rug.”“Putcha—sorry!” sobrang nahihiya na ‘ko sa pagiging lutang ko at napamura sa kawalan ng bigl
Read more

Kabanata 10

Mabilis na lumipas ang linggong ‘yon at malaki ang pasasalamat ko na walang hakbang na ginawa si Aki para lapitan o guluhin ako. Pero kada gig ko ay nahuhuli kong naroroon siya at nanonood.Hindi tuloy mawala ang kaba at pagiging ilang ko habang kumakanta dahil sa mga malalalim at matatalas niyang tingin.Ngayong linggong ito ay ang ika-dalawang buwan kong nagtatrabaho rito sa Bar. Sa susunod na buwan ay binabalak ko ng umalis, sa ngayon mag-iipon pa ako ng kaunti para pag-uwi sa isla ay may magagamit kaming pang-gastos.Masyadong nakatulong ang pagkanta ko rito sa Bar dahil sa palagian at malalaking tip na nakukuha ko mula sa mga costumer na masyadong natutuwa sa pagkanta ko.“Kari, luluwas ka ba mamaya?” si Winnie. Nasabi kong itong linggong ito ay dadalaw ako sa anak ko sa hospital dahil sa susunod na linggo ay maaari na siyang ilabas.“Oo. Bakit pala?” usisa ko.“Makikiabot naman sana nito kay Lola,&rd
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status