Share

Ocean Waves
Ocean Waves
Penulis: mirai_desu

Kabanata 1

Pasado alas-nuebe ng umaga ako nakarating dito sa Bar na pinag apply-an ko dahil kagabi lamang ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kanila na ako raw ay hired at pwede na mag-start kinabukasan.

“Uh, hello po. Ako po ‘yong bagong hire na waitress dito,” bati ko sa isang staff na nahagip ng mata ko.

“Kari?” tawag ng isang babae mula sa likod ko, “Kari, ikaw nga!” masiglang bati ni Winnie nang makita ako. Siya ang nag-alok sa’kin na magtrabaho rito, kaya naman agad akong nag-apply dahil kailangang-kailangan ko na rin talaga.

“Tara! ihatid kita sa opisina ni Boss,” aya niya sabay hila sa braso ko. Nang makarating sa tapat ng opisina ay akma na akong kakatok pero pinigilan niya ako, “Bakit?” tanong ko.

Bago magsalita ay humugot muna siya ng malalim na paghinga. Pakiramdam ko naman tuloy napakasungit ng boss namin dahil sa lalim ng buntong hininga niya.

“Pagbabantaan na kita ha, gwapo ang boss natin kaya the moment na makita mo siya ‘wag kang titili ok? I have my eyes on him, maganda ka naman, e ipaubaya mo na siya sa’kin hehe.” Babaeng ‘to talaga, napasapo at napabuntong hininga na lang ako sa pinagsasabi niya.

“Winnie, alam mo namang wala akong interes sa mga ganyang bagay. Oo na sa’yo na siya, okay? Doon ka na nga at baka mapagalitan pa tayo,” natatawang sambit ko saka siya itinulak palayo at tuluyang kumatok sa kaharap kong pinto.

“Kaya mo ‘yan, Kari!” sabi ko sa aking sarili.

Matapos ang ilang katok ay nakatanggap ako ng paanyaya na makapasok sa loob. Humugot muna ako ng isang malalim na paghinga bago tuluyang pumasok, “Good morning po, Sir...” bati ko, bahagyang natigilan na napansin niya naman agad.

“Gio” maagap niyang sagot.

“Sir Gio,” ngiting bati ko saka ako inalok na umupo. Napukaw naman ng atensyon ko ang pangalan na nakasulat sa metal name plate na nasa lamesa, ‘Geoffrey B. Angue’.

“So! You are Kalea Rei Gilbuena, right?” tanong niya, tumango naman ako bilang tugon. “Good, alam mo na ba kung anong klase ng Bar itong pinapatakbo ko?” sa totoo lang hindi ko talaga alam um-oo na lang ako basta kay Winnie nang alukin niya ‘ko ng trabaho.

Bigla akong kinabahan at natakot, paano pala kung ito ‘yong klase ng Bar na nagpapatable? ‘Yong babayaran ako kapag pinayagan kong hawakan ako sa kung saan? Pero hindi e, kung gano’ng klase ng bar ito, hindi dito magtatrabaho si Winnie at lalong hindi niya ako yayayain na magtrabaho rito.

“You’re spacing out. Ano ba ang iniisip mo, Miss Kalea?” mapanutyang tanong niya habang nakangisi.

“Wala po,” matipid na sagot ko dala ng hiya.

“Huwag kang mag-alala, hindi ito ‘yong klase ng bar na naiisip mo. Morals in morning, so we serve a food to fill up the customer’s satisfaction. Much of a snack bar,” aniya. Kaya pala maghapon nagbubukas itong Bar.

“Ano naman po ang gagawin sa gabi?”

“Malice, alcohol and party hard. Freaking. Really. Hard. So choose, are you in Morals or in Malice? You can pick both if you desire.”

Wala naman akong ibang trabaho kaya okay lang naman siguro na umaga at gabi ako magtrabaho dito, sadyang kailangan ko na talaga ng pera.

“Both po,” sagot ko. Nakita ko ang ngiti sa kanyang mukha saka tumayo sa kinauupuan saka nag-alok ng kamay sakin. Agad naman akong tumayo at nakipagkamay sa kaniya.

“You’ll enjoy Malice. You may start,” aniya at nagpaalam na akong lumabas.

---

Mabuti na lang pala at pareho kong pinili ang trabaho dahil nagtatrabaho din sa Malice si Winnie. Nagtanong tanong ako sa kanya kung ano ang nagaganap dito sa Bar tuwing gabi, at gaya ng sinabi ni Sir Gio na ‘You’ll enjoy Malice’, gano’n din ang sinabi ni Winnie sa akin. Para na nga raw hindi trabahador ang crew dahil kadalasan mga lalaking crew ang kumikilos at nag-a-assist lang ang mga babae, kaya may pagkakataon na maki-party din kami at hindi naman iyon ipinagbabawal ng boss namin, ‘wag na ‘wag lang talaga gagawa ng gusot, mahigpit na paalala ni Winnie.

“Gusto mo bang umuwi muna? 7 o’clock pa naman ulit magbubukas itong bar, maglilinis at maghahanda lang ang mga janitor at bartender dito, walang ganap ang mga waiter at waitress dito sa mga ganoong oras,” pag-aaya ni Winnie sakin. Pumayag naman ako dahil kailangan ko pa maghanap ng matutuluyan.

“Siya nga pala Kari, naipagpaalam na kita sa landlord ko. Ipina-reserve ko ang isang kwarto para pareho at sabay tayo ng uuwian.” Para namang hulog ng langit itong kaibigan ko. Grabe sa konsiderasyon, napangiti na lamang ako sa effort na ginawa niya at nagpasalamat.

Nang makarating sa sinasabing uupahan ay agad kong inilapag ang mga gamit ko. Pang isang linggo lang muna ang dinala ko dahil uuwi ako doon sa linggo at kukuha ulit ng ilan pang gamit.

Nahiga ako sa komportableng kama at ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pagod sa katawan. Nakarinig ako nang katok kaya agad akong bumangon para pagbuksan si Winnie.

“So, ano na?” pambungad na tanong niya nang makaupo sa higaan ko.

“Anong ‘ano na?’” naguguluhang tanong ko. Hinila niya ako paupo sa higaan saka ako inakbayan.

“Tsk! Ano ba naman ‘to! Ano na?! Kumusta ang love life? May bago na ba? Yieeee,” nang-aasar na tanong niya. Inalis ko naman ang braso niyang nakaakbay sakin.

“Bruha! Kanina ko pa sinasabi sa’yo wala akong panahon para sa iba,” pagtanggi ko sa tanong niya.

“Walang panahon sa iba, kasi? Siya pa rin ba?” kung alam mo lang Winnie, ‘yan din ang paulit-ulit na tanong ko sa sarili.

“Winnie!” pagtawag ko sa kaniya at tinitigan siya ng masama. “Ito naman! Biro lang hehe. Ano na nga? Kumusta ang buhay?” pag-iiba niya ng usapan.

“Heto at problemado,” tipid kong sagot at napayuko na lang. Naramdaman ko naman ang braso niyang bumalot sa’kin. “Matatag si Ali maniwala ka, gagaling din agad ang anak mo,” aniya.

Ayoko na sana pag-usapan pa ang anak ko dahil nanghihina lang ako. Kailangan kong maging matapang at matatag para makapag trabaho para sa anak ko.

Pinili kong magtrabaho dito sa city dahil hindi sapat ang kinikita ko doon sa isla bilang isang staff sa resort. Masakit na mawawala ako pansamantala sa tabi ng anak ko, wala ako sa tabi niya sakaling mahirapan siya pero kailangan kong magtrabaho at mag-ipon para sa kanya.

Matapos ang halos isang oras na kwentuhan ay pumunta si Winnie sa kanyang kwarto para raw magpahinga at makapag-ayos na. Ako naman ay ipinagpatuloy ang pagpapahinga ko kanina. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang anak ko, nasasaktan ako kapag naaalala ko ang sitwasyon niya.

Ramdam ko ang biglaang pag-init ng sulok ng mata ko. Nagsimula sa isang maliliit na patak ng luha hanggang sa naging agos ito na hindi na mapigilan. Nalulungkot ako at nanghihina. Gusto kong mayakap ang anak ko ngayon.

Umidlip ako ng ilang minuto dala ng pagod at pagkalungkot.

---

Halos masilaw ako sa mga iilang ilaw na nakabukas. Ang bawat beat ng tugtog ay halos mag pakabog na rin sa d****b ko sa sobrang lakas. Ganito pa lang ang sitwasyon nakakaramdam na ako ng pagod at kaba, ano na lang mamaya kapag nag-party na talaga? Baka ikabulag ko pa kapag nabuksan ang mga laser at ang ibang ilaw.

Natanaw ko sa di kalayuan si Sir Gio na lumalagok sa baso niyang may alak, napansin naman ako nito at itinaas ng bahagya ang baso nya. Umiling naman ako at sumenyas bilang pagtanggi sa alok niyang uminom. Ngumisi ito at nakapamulsang naglakad papasok sa isang VIP room.

‘Di nagtagal ay dumarami na ang customers na nagsisipasok. Ang mga laser ay nagsasayawan na rin kasabay ng mas pinalakas na mga tugtog.

Napansin kong lima lamang kaming babaeng crew dito at nasa anim naman ang waiter na abala sa paglilibot libot upang kumuha at maghatid ng mga order. Ang dalawang babaeng crew ay malapit sa bukana ng entrance, sumasalubong at bumabati sa mga customers na patuloy sa pagpasok, ang iba ay inihahatid nila sa reserved tables o VIP rooms.

“Tawag tayo ni Sir Gio, baka may iuutos sa’tin, tara!” ani Winnie kaya sinundan ko habang nauunang naglalakad. Inilabas niya ang maliit na salamin at lipstick na siguro ay palagi niyang bitbit saka ito ipinahid sa kanyang labi. Babaeng ‘to talaga.

“Ladies, this is Solange. Apparently, she wanted to be served by a girl, so I’m putting my trust with you two,” bilin ni Sir Gio habang nakangiti. Bago umalis ay kumindat ito kay Winnie kaya agad akong napalingon para makita ang magiging reaksyon nito sa ikinilos ni Sir Gio.

Kahit pa kakapraso lang ang sinag ng liwanag sa amin ay kitang-kita ko ang pamumula ng mga pisngi ni Winnie. Napailing na lamang ako dahil nilamon na ito ng sistema sa sobrang tuwa at kilig kay Sir Gio.

“Ladies, favor. Can you get me some nice snacks and uhm…..mixed berry smoothies please. And oh! By the way, gusto kong ikaw lang ang maghatid ng mga pagkain ko,” utos nito habang nakangiti sa’kin. Syempre ako talaga magse-serve dahil itong kasama ko ay lutang na.

Pero iba ang napi-feel kong aura nitong babaeng ‘to. Ewan ko ba, pakiramdam ko may galit ‘to sakin o trip ako? Hindi naman siguro kasi baguhan lang ako dito at bakit nga ba ako nagrereklamo, e parte naman talaga ito ng trabaho ko.

Dinalhan ko siya ng nachos at ang sinasabi niyang mixed berry smoothie. Nagpasalamat ito sakin at nang akmang aalis na ako ay pinigilan niya ako.

“Leaving already? A servant like you can’t just leave without my permission!” aniya na medyo nagpakulo ng dugo ko. Kung maka-servant naman ito sakin akala mo siya ang amo ko, sobra naman ata itong tawag at trato niya sa’kin.

Pero kailangan kong magtimpi dahil VIP customer ito at first day ko dito, at kabilin-bilinan ni Winnie na ‘wag na ‘wag gagawa ng gusot dahil iyon ang pinakaayaw ni Sir Gio.

Halos mag-iisang oras na akong inuutus-utusan nitong VIP customer hanggang sa may tumawag sa cellphone niya.

“Babe!” aniya

“Ok, I’ll wait for you here.”

“I lov-- aish,” iritableng saad niya. Pinagbabaan ata ng kausap niya sa kabilang linya.

“You may leave na!” aniya at akmang tatalikod na ako pero muli niya akong tinawag.

“Pwede bang wag ka muna magpakita sa area na ‘to? Can you? Especially in this room?!” bilin nito na sinunod ko naman kahit pa ‘di ko ma-gets kung bakit.

Nang makababa ako mula sa mga VIP rooms ay pumwesto ako malapit sa tabi ng bar area. Dito ay tanaw ko ang mga walang kapaguran na customer sa pagsasayaw pati na ang mga taong patuloy na pumapasok sa loob.

Napukaw ng tingin ko ang lalaking naka t-shirt at pants na may suot na sumbrelo. Hindi ko maintindihan kung bakit pero may isang taong pumasok sa isip ko, kinabahan at nanlambot ako sa naisip ko.

Hindi naman siguro siya ‘yon, paano naman iyon mapapadpad sa ganitong lugar ‘di ba? Siguro ay kamukha lang niya iyon. Isa pa, hindi pa ako handa na makita siya ulit.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status