Share

Kabanata 2

Maaga kaming nakarating ni Winnie dito sa bar kaya naman tumulong na kami sa pag-aayos ng mga lamesa at upuan. Nang matapos sa ginagawa ay pansamantala kaming umupo sa may counter, naghihintay sa pagpasok ng mga customer.

Sa ilang minutong paghihintay maya-maya ay may pumaradang itim na sasakyan sa labas at iniluwa no’n si Sir Gio na nakasuot ng black leather jacket na may white t-shirt sa loob, at ang pang-ibaba naman niya ay simpleng itim na pants. Nakita ko pang iniabot niya sa isang crew ang susi ng sasakyan para siguro iparada iyon sa parking area.

“Good morning!” nagulat naman ako sa biglaang pagsasalita ni Winnie sa tabi ko habang sinusundan ng tingin ang naglalakad na si Sir Gio papasok dito sa loob ng bar.

“Nalasing na naman siguro ng bongga ‘yan si Sir,” aniya nang mabalik sa ulirat.

“Paano mo naman nasabi?” takhang tanong ko.

“Usually, maaga ‘yan pumapasok. Alam mo ba, super cute niyan tuwing umaga? Never niya tatakpan ang mukha niya unless may ayaw siyang makita ng ibang tao. Katulad niyan, siguro puyat siya at lamlam pa ang mata kaya nakasuot siya ng sunglasses,” pagpapaliwanag ni Winnie na akala mo ay napakatagal na niya itong kasama at lahat ng galaw at gawin ni Sir Gio ay kabisado na niya.

“In short, iniingatan niya ang image niya. Ayaw niyang may natu-turn off sa kanya. E kung sa akin lang naman gwapo naman siya sa lahat ng pagkakataon,” dagdag pa niya habang kilig na kilig sa paparating na si Sir Gio.

Tumayo kami ni Winnie saka binati si Sir Gio. Nakangiti naman itong bumati sa amin pabalik.

Bago pumasok sa loob ng kanyang opisina ay nag-utos ito na pagtimplahan siya ng kape at gawan ng almusal. Mukhang tama nga si Winnie, may hang over si Sir Gio.

“I got this!” nakangising sabi ni Winnie habang hawak ang tray ng pagkain ni Sir Gio na ako sana ang maghahatid. Mapapansin din na sobrang pula na naman ng mga labi nito. Nang mapunta sa harap ng pinto ng opisina ay tumigil ito saglit at iniayos ang kanyang damit saka siya kumatok at tuluyang pumasok sa loob.

Habang naghihintay sa pagbalik ni Winnie ay may isang pamilyar na customer akong napansin papunta dito sa direksyon ko.

“Good morning!” masiglang bati niya. Siya na naman, iyong babaeng maka ‘servant’ na akala mo ay direktang nagpapasweldo sa akin.

“Please make some breakfast naman I’m going to my husband’s office, he didn’t take any food before leaving, e. Thank you!” utos nito sabay dire-diretsong pumasok sa office ni Sir Gio.

Bakit gano’n? Kahit anong bait niya sa pagsasalita parang nakikita ko pa rin kung gaano----aish! Ayoko manghusga. Ang aga-aga, tama na nga.

Bukas ay Sabado, binabalak kong umuwi para kumuha ng mga karagdagang gamit. Miss na miss ko na rin ang anak ko kaya bukas ng madaling araw ay uuwi agad ako.

“Tss, ambisyosa!” nagulat naman ako sa ismid ng isang babaeng katrabaho na nasa likuran ko. Nilingon ko ito saka binigyan nang nagtatakhang tingin.

“Ah! Hindi, hindi. Pasensiya na, hindi ikaw ang sinasabihan ko,” agad niyang pagtanggi. Nginitian ko siya at akmang aalis pero narinig kong nagsalita siya ulit kaya huminto ako.

“Ambisyosa ‘yong babaeng ‘yon talaga. Husband, husband e hanggang ngayon nga ayaw pa rin siyang pakasalan, tsk!” pakinig ko sa sinasabi niya habang binabalot ang almusal na in-order ni Maam Solange

Hindi pa pala kasal itong si Maam Solange. Bigla akong na-curious sa kwento pero nahihiya naman akong magtanong. Nakakapagtaka lang dahil maganda naman si Maam Solange, mayaman at mukhang matalino.

---

            Kanina pa ako pabalik balik dito sa harap ng opisina ni Sir Gio, gusto ko sanang magpaalam kung pupwede akong umuwi ng kahit alas-onse ng gabi para makapaghanda ng gamit dahil bukas nga ay uuwi ako sa isla.

“Yes?” nagulantang naman ako sa pagbukas ng pintuan at pagsasalita ni Sir Gio.

“Uh, kasi po Sir...” sambit ko nang tuluyang makapasok sa loob at maka-upo. Teka nakakahiya naman ito. Isang linggo pa lang akong nagtatrabaho pero babali ako agad.

“Uuwi ka na?” nakangiting sabi niya na ikinagulat ko naman.

“Opo sana, pero mamayang eleven pa naman po, kung ayos lang?” nahihiyang tanong ko at ‘di ko makuhang tumingin nang diretso kay Sir.

“Pwede ka naman na umuwi ngayon. And uh… I want to give you my apologies for eavesdropping,” aniya na mas ikinagulat ko.

“Uh, narinig ko kasi kayo ni Winnie na nag-uusap. I’m sorry, I’ve heard about your daughter. May anak ka na pala? What happened to her?” hindi pa ma-proseso ng isip ko ang mga sinasabi at itinatanong sa akin ni Sir Gio.

“No! Don’t answer me; it’s none of my business. I’m sorry for asking those stupid questions. Nasanay na kasi akong kausapin nang kaswal ang mga empleyado ko kaya sana hindi kita gaanong nabigla. You may go, and I wish for your daughter’s health,” aniya sabay tapik ng mahina sa ulo ko at pumasok na ulit sa kanyang opisina.

Ang swerte ko masyado para magkaroon ng boss na katulad ni Sir Gio. Mabuti na lang at hindi mahigpit si Sir, kung tutuusin bawal itong hinihiling ko at ‘di dapat pagbigyan dahil bago pa lang ako nagtatrabaho rito.

Kahit pa pinayagan na akong umuwi ni Sir ay hindi ko sinunod at ginawa ang naunang plano ko na alas-onse ng gabi umuwi.

“Kumusta? Pinayagan ka ba?” usisa ni Winnie nang makarating ako sa kinauupuan niya. Tumango naman ako bilang sagot.

“Sabi sa’yo e, mabait ‘yang si Sir. Halos lahat ng nagtatrabaho dito ay nakakabali ng gano’n kay Sir,” nakangiting saad niya.

“Isa pa, narinig pala niya tayong nag-uusap tungkol sa plano kong pag-uwi at sa sakit ni Ali kanina,” pagkekwento ko.

“Pagpasensiyahan mo na, may sa chismoso din talaga ‘yang si Sir Gio,” aniya. Ngumiti naman ako bilang pagpapakita na wala lang ‘yon sa akin.

Inaya niya naman ako na magpunta roon sa entrance, “Tara, doon tayo sa entrance. Nawala ‘yong naka duty, baka naki-party na hahaha.”

Nang makarating sa bukana ng entrance ay makailang beses kaming umalalay sa customer patungo sa reserved room and tables nila, kung wala mang reservation ay hinahanapan namin ng mesa base sa kagustuhan nila.

“Kumusta na pala ang sitwasyon ni Ali?” pagbasag ni Winnie sa katahimikan.

“Isang linggo na sa Cebu Provincial Hospital si Ali, kahit papano raw ay bumubuti na ang lagay niya. Bukas ay magkikita kami ni Nanay sa Kinatarcan dahil kukuha siya ng gamit ni Ali, ako naman kukuha rin ng gamit ko. Sabay na kami pupunta sa ospital pagdating ng tanghali,” pagkekwento ko sa kanya.

“Sabi sa’yo e, manang-mana sa’yo ‘yang si Ali, napaka tapang. Alam kong ‘di mo tatanggapin ‘tong ibibigay ko kaya uunahan na kita, maagang pamasko ko kay Ali ‘to kaya di mo pwedeng tanggihan, okay? Go na, kuhanin mo ‘to!” aniya sabay kuha sa kamay ko at ipinatong doon ang sobre na may lamang pera.

            Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko. Ilang minuto akong hindi nakapagsalita sa ginawa ni Winnie. Gusto kong maiyak sa tuwa at sobrang pagpapasalamat.

“Kari, hindi ka lang naman basta kumare ko lang. Bata pa lang tayo kasabay na kita maligo. Si Ali, halos tunay na anak na rin ang turing ko sa kanya kaya gustong-gusto kong makatulong. Mahal ko si Ali kaya kung ano ang makakaya ko ibibigay ko para lang maging maayos siya palagi,” saad niya habang yakap yakap ako. Ramdam ko na naman ang pag-init ng gilid ng mga mata ko.

Doon na pumatak ang luha ko dahil kahit anong problema ang dumadating sa akin palaging nandiyan si Winnie sa tabi ko. Ni minsan hindi ako napagdamutan niyan. Ika nga ng marami, isusubo na lang ay ibibigay pa.

Naputol naman ang pag-uusap namin nang may pumasok na customer muli. Sa postura at pananamit pa lang ay nakilala ko agad.

“Good evening Maam Solange,” bati ko habang bahagyang nakayuko. Chineck naman agad ni Winnie kung may reserved room o table si Maam Solange.

“The usual,” aniya at pumaok nang dire-diretsos sa loob ng Bar, “Come with me!” pagtawag niya sa’kin kaya agad naman akong sumunod. Ako na naman ang nakita nito.

Mahahalata sa mukha niya ang inis at pagka-badtrip. Baka nag-away sila ng ‘husband’ niya?

“Get me something to drink, a hard one please. Thank you!” utos nito na agad ko namang sinunod.

Makailang beses akong nag akyat baba sa VIP Room papunta sa counter para ikuha ng alak si Maam Solange hanggang sa isang bote ng alak na ang ipinakuha niya. Ayaw ko naman sana sumunod dahil baka malango siya sa alak pero kanina pa niya ako sinisigawan na ikuha ko siya ng mas maraming alak.

Pababa pa lang ako ay nakasalubong ko na si Sir Gio. Nagdesisyon akong sabihin na kay Sir Gio na lango na sa alak si Maam Solange. Pumasok ito sa loob kasama ako at nilapitan ang lasing na si Maam Solange.

“Solagnia Marie!” mapanutyang tawag ni Sir Gio kay Maam Solange. Tinignan naman niya ito ng masama. Solagnia? Parang narinig ko na ang pangalang ito noon. Pamilyar.

“Fuck you, Geoffrey! Shut up!”

“Should I call Joaquin? I don’t wanna give you a ride, baka sukahan mo ang napakagandang kotse ko, e.”

Bigla namang namutawi ang kuryosidad ng isipan ko sa nabanggit na pangalan ni Sir Gio. Joaquin...

Siguro naman kapangalan lang, paano naman ‘yon mapapadpad dito ‘di ba? Ibinaling ko na lang ang atensyon ko kina Maam Solange at Sir Gio na nagtutuksuhan pa rin.

“Kari, akala ko ba uuwi ka na, bakit nandito ka pa? Lagpas alas-onse na,” wika ni Sir Gio nang malipat naman ang atensyon niya sakin.

“Obviously Gio she’s my servant and still under my command. She can’t go until I say so,” Si Maam Solange na ang sumagot. Ramdam kong namumula na ako dahil sa pagtitimpi ng inis sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Maam Solange.

“Then pay her!”

“Why would I? She’s your employee.”

“Then you don’t have the right to call her your ‘servant’. She works for everyone, not on your command.”

“My husband runs this bar too! I have the rights.”

“YOUR husband, not you. He’s not even your husband.” Dinig kong bulong ni Sir Gio

“Shut up!”

“HAHAHAHA---oh! Joaquin is here,” saad ni Sir Gio matapos tignan ang cellphone.

“Kari don’t leave, baka makatakas ang pasyente natin hahaha,” bilin ni Sir Gio bago lumabas ng VIP Room.

Halos limang minuto naging tahimik ang kwarto nang biglang magising si Maam Solange at tumayo. Nilapitan ko ito at inalalayan makaupo ulit.

“You should leave! Get out of this room! Quick!” paninigaw niya sa’kin na ikinagulat ko naman.

Ipinagtulakan niya ako palabas pero nagpupumiglas ako dahil bilin ni Sir Gio na hindi pwedeng makaalis si Maam Solange dito at bantayan ko ito.

Makailang beses pa niya akong itinulak palabas ng pinto at sa kamalas-malasan ay may nabangga pa ako. Agad naman akong humingi ng paumanhin.

Halos mabato ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang nasanggi ko. Bakit... paanong nandito siya? Si Maam Solange ba ang ipinunta niya...

“Babe! C’mon!” hila ni Maam Solange sa kaniya paalis hanggang sa nawala na sila sa paningin ko.

Halos mapaluhod ako sa panlalambot. “Aki...”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status