“Hi, Kari!” nagulat naman ako sa masiglang bati sakin ni Sir Gio, ngiting ngiting ito kaya’t nginitian ko rin pabalik kahit ‘di ko alam kung bakit.
“Can we talk?” aniya kaya agad naman akong tumango at sumunod sa kaniya papasok sa office.
“Kumusta pala anak mo?” pambungad na tanong ni Sir Gio.
“Bumubuti na po kahit papaano Sir,” nakangiting sagot ko.
“Is there anything I can help? Besides baka pamang---kidding!” napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Umiling ako bilang pagtanggi sa inaalok niyang tulong.
“Anyway, I have a favor to ask and I hope pumayag ka,” seryosong saad ni Sir Gio. Ano naman kayang pabor ang hihilingin ni Sir Gio sakin? “ano po ba ‘yon?” tanong ko.
“It’s about last weeks’ incident, you know, you, Joaquin and Solange.” Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya, nahihiya akong nasaksihan ‘yon ni Sir Gio dito sa Bar niya.
“I just hope that it doesn’t affect your performance here on our Bar and please, don’t quit your job, you’re a big loss.” Hindi ko alam ang sasabihin kay Sir Gio, binabalak ko pa mandin mag-resign agad kapag nakapag-ipon na ako pambayad sa mga utang.
“Propesyunal naman po ako pagdating sa pagtatrabaho, Sir. Pero di ‘ko po maipapangakong hindi ako aalis dito, pasensiya na po,” saad ko dahil may mga plano na akong nagawa at ayokong baguhin ‘yon.
“Anong pwede kong gawin para makumbinsi ka?” saad ni Sir Gio habang seryosong nakatingin sa’kin. Umaandar na naman ang pagiging makulit ni Sir.
“Wala po, Sir. May mga plano na po ako at wala na po akong balak baguhin ‘yon. Pasensiya na po talaga.” Paumanhin ko dahil ayoko na talagang malayo sa anak ko ng mas matagal.
“Okay! I’ll respect that,” aniya habang nakangiti.
Matapos ang usapan namin na ‘yon ay bumalik na ako sa trabaho. Agad naman nang-usisa si Winnie tungkol sa pag-uusap namin. Nangangamba siyang baka inaalam ni Sir Gio ang tungkol sa nakaraan namin ni Aki.
--*
Kasalukuyan kaming nandito ni Winnie sa apartment na inuuwian namin para magpahinga para sa susunod na trabaho mamayang gabi. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang pitaka.
Nalulungkot akong makita na wala pa sa kalahati ang naiipon ko para mailabas sa ospital ang anak ko. Napapaisip ako kung kakayanin pa ba ng katawan ko kung kukuha pa ako ng isa pang trabaho. Gustong-gusto ko na mailabas ng ospital ang anak ko at makasama.
Ano kaya ang mangyayari kapag humingi ako ng tulong kay Aki? May parte sa’kin na gustong ipaalam sa kaniya na may anak kami lalo na nung nalaman kong nandito siya, pero mahigpit kong pinipigilan ang sarili ko. Ayokong lumapit sa kaniya dahil lang kailangan ko ng pera at tulong, ayokong isipin niya na gano’n ang dahilan ng paglapit at pagpapaalam ko sa kaniya na may anak kami. Siguro sa tamang oras at panahon? Pwede rin namang hindi na at hayaan ko na lang sila ni Solange na mamuhay.
Hindi ko maiwasang malungkot para sa anak ko, alam kong napaka makasarili kong ina dahil pilit kong pinagkakaitan ng pagkakataon ang anak ko na malamang may ama siya at nandito lang malapit sa amin. Alam kong dadating ang araw na kukulitin niya ako tungkol sa tatay niya at magsisimula siyang mag imbestiga, dahil ‘di ko makakailang matalino ang anak ko kaya’t inaasahan ko na ang pangyayaring ‘yan.
Hindi ko na namalayan si Winnie na kumakatok pala at sinilip ako sa pintuan, “Mare? Lungkot naman! Tara labas tayo.” Tuluyan ko siyang pinapasok.
“Pwede mo i-share sa’kin mga iniisip mo mare,” aniya, siguro ay napansin niyang kanina pa ako tahimik.
“Ang dami, ang dami-dami,” saad ko at pinipigilang maigi pumatak ang luha ko.
“Ano ano ba ‘yon? Handa ako makinig hanggang sa gumaan ang loob mo.”
“Naisip ko lang Winnie, ano kayang mangyayari kung malaman ni Aki na may anak siya sakin? Na meron kaming Ali na nabuo. Naiinggit ako, naiinggit ako para sa anak ko dahil wala siyang maipagmamalaking pamilyang buo. Naiinggit ako kasi wala siyang matawag na ‘tatay’, walang magpaparamdam sa kaniya ng pagmamahal ng isang ama. Naiinggit ako Winnie, sobra. Gusto ko rin magkaroon ng sariling pamilya,” naiiyak kong wika, halo-halo ang nararamdaman kong emosyon ngayon. Inggit, sakit, lungkot at panghihinayang.
“Kari, marami kaming nagmamahal sa anak mo at sa’yo. Kung ako nasa posisyon mo ganiyan din ang mararamdaman ko pero ipaglalaban ko ang karapatan ng anak ko. Bahala na kung ano maging tingin nila sakin basta ligtas at nabigyan ko ng karapatan ang anak ko na malamang may tatay siya,” aniya, napaisip ako kung ganoon na ba ako kahina o sadyang mataas ang pride ko dahil lang sa nararamdaman ko.
“Pero Kari, naiintindihan din naman kita. Alam kong hindi madali para sa’yo na pagdaanan ang mga ganitong bagay. Alam kong gustong-gusto mo rin ipaalam kay Aki na may anak kayo pero may mga bagay kang kinatatakutan na pilit pumipigil sa’yo. Napakatapang at tatag mo dahil pilit mong pinamumukha kay Aki na hindi mo siya kailangan sa buhay mo at pilit mong tinataguyod mag-isa si Ali. Alam ko rin na nahihirapan kang magdesisyon para sa magiging kapalaran ng anak mo.” Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko sa sinabi ni Winnie sakin.
Halos makalimutan kong napakaraming nagmamahal sa anak ko, pero may punto rin si Winnie. Hindi ko pwedeng ipagkait sa kay Aki na may anak siya sakin, lalong di ko pwedeng ipagkait kay Ali na may tatay siya.
“Wala ka mang pamilya na binubuo ng mag-asawa at anak, may pamilya ka naman sa mga kaibigan mo palagi mong tatandaan ‘yan,” aniya sabay yakap sakin.
“Salamat ng marami, Winnifred. Palagi kang nasa tabi ko, tumutulong. Salamat!” taos pusong pasasalamat ko dahil nagkaroon ako ng isang tao na laging malalapitan.
“Sabihan ko na ba si Aki?” pagbibiro niya kaya marahan ko itong hinataw sa braso.
Bumalik naman kami agad pagkatapos maglakad lakad at mag-usap ng masinsinan. Nagsimula na akong mag-ayos at maghanda.
--*
Bago makauwi ang lahat sa kani-kaniyang bahay ay tinipon muna kami ni Sir Gio, mukhang may ia-announce.
“Alam nating lahat kung anong petsa na ngayon, hindi ba?” pagsisimula niya. Nakita ko namang nagsitanguan ang ibang empleyado. “I just want to remind everyone our annual valentine’s event. Kaya gusto kong bukas sana ay masimulan na ang pagde-decorate dito sa bar.”
“Gaya po ba ng dati, Sir?” tanong ng isa naming ka-trabaho.
“Yes, Steffi. Since everyone is requesting na maging masquerade na naman ang tema.”
Masquerade?
“May limang araw tayo para maghanda sa magiging disenyo ng ating Bar. That’s all, tell me everything you need para makapag-laan ako ng pera na kakailanganin.”
“Sir!” nagulat naman ako sa biglaang pagtataas ni Winnie ng kamay sabay tawag kay Sir Gio.
“Yes?”
“Hindi ba po ay uulitin natin ang tema ng event? Naisip ko lang Sir, paano kung lagyan natin siya ng kaunting twist?” ano na naman kaya ang isusuhestiyon ng babaeng ‘to?
Nakita ko naman ang mga pagtataka sa mukha ng iba naming ka-trabaho, may ibang tumatango at nakapako ang paningin kay Winnie, naghihintay para sa mga susunod nitong sasabihin. Maski ako ay naiintriga sa iniisip niya.
“Since ang party ay mangyayari sa gabi which is Malice. Bakit hindi natin gawing wild ng kaunti? I mean, gano’n naman sistema ng ating Bar sa umaga ay inosente at pagdating sa gabi ay party party na,” seryoso nitong saad. Mukhang nakukuha ko na ang gustong iparating nitong si Winnie.
“Oo nga po, Sir. Naisip ko pong mag conduct ng promo dates sa Morals tapos pagsapit ng gabi ay party hard sa Malice,” pag sang-ayon ni Steffi.
“Everyone likes the idea of this two ladies?” tanong ni Sir Gio. Lahat naman ay sumang-ayon.
“I actually like your suggestions Ms. Winnifred,” aniya habang mariing nakatitig kay Winnie, na kahit hindi ganon kaliwanag sa silid na ito ay napansin ko pa rin na malalim ang kaniyang tingin.
“Innocent and pure for Morals, wild and sexy at Malice. That’s final. I want you to supervise the upcoming event along with Steffi,” dagdag pa ni Sir Gio na ikinatuwa naman ni Winnie.
“Winnie, suggestion lang, gusto mo bang maghati na lang tayo sa trabaho para naman hindi ka mahirapan?” tanong ni Steffi ng makalapit kay Winnie.
“Oo ba, ano bang naiisip mo?”
“Naisip ko kasing ako na lang mag-supervise sa Morals at ikaw sa Malice. Kung ayos lang naman sa’yo?” oo nga naman, magandang ideya.
“Sure! Pag-usapan na lang natin ang mga kakailanganin sa paghahanda para naman hindi gano’n kabigat ang magiging trabaho natin.”
“Salamat at pumayag ka. Sige, sasabihan na lang kita, ako rin ay sabihan mo para alam ko kung ano ang pwede kong maitutulong.”
Pagkatapos din ng maikling meeting na iyon ay nagsi-uwian na kami. Naka-receive ako ng text mula kay Winnie na humihingi ng pasensiya dahil daw hindi siya makakasabay sa’kin umuwi. Bukod doon ay wala na siyang sinabi kung nasaan siya kaya naman isinukbit ko na ang backpack ko at nagsimulang lumakad palabas ng Bar.
Ilang minuto akong naghintay ng tricycle na masasakyan pauwi sa apartment na tinutuluyan namin ni Winnie, ang ilan sa mga ka-trabaho ko ay nauna ng makaalis dahil may dala silang kani-kaniyang motor.
Tumingin akong muli sa aking cellphone upang tignan kung anong oras na. Malapit na mag alas-dos ng umaga, kaya pala wala ng dumadaan na tricycle. Nagdesisyon akong maglakad na lang, tantiya kong nasa trenta minutos ang mauubos ko bago makarating sa apartment.
Nagsimula na akong lumakad nang mapansin ang isang itim na sasakyan na kaka-park lamang sa ‘di kalayuan sa Bar, tinted ito. Nakakapag takha dahil ngayon lang may nag park doon ng dis-oras ng gabi, ang hilera kasi ng kalsada na ito ay puro kainan at ibat-ibang building. Iniisip ko na lang na baka isa siya sa mga may-a*i ng buildings dito at may kinailangan kuhanin sa opisina.
Sobrang pinagtaka ko lang ay hindi ko manlang narinig na bumukas o sumara ang kaniyang sasakyan samantalang dinig na dinig ko na kakarating lang niya.
“Hatid na kita?” nagulat naman ako sa biglang nagsalita. Sa lalim ng iniisip ko ay ‘di ko na napansin na may sumusunod sa’king sasakyan. Si Steffi pala, nakasakay siya sa motor, may suot na helmet at jacket.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na bumukas ang pinto ng sasakyan at may lumabas doon na pigura ng isang lalaki kaya ‘di ko napigilang ibaling ang mga mata ko roon. Sa takot ay pumayag ako sa pangungulit ni Steffi na ihatid ako, habang paalis ay narinig ko rin na nag start ang kotse pero ‘di ko na ito nilingon pa.
Bukas ang huling araw ng paghahanda namin para sa event dito sa Bar kaya naman abalang-abala ang lahat. Ito ang ika-apat na araw na uuwi kami ng madaling araw, at ito rin ang ika-apat na beses kong makikita ang sasakyan na palaging nagpa-park malapit sa Bar.Napansin na iyon ni Winnie pero wala siyang pangamba dahil siguro ay nakikita na niya ito noon pa man kaya hindi ko na rin pinairal ang takot at kaba na nararamdaman ko sa tuwing makikita ang sasakyan na iyon. Hindi na rin ako nag-abalang i-kwento pa kay Winnie ang nangyari ng gabing iyon dahil ayaw kong pag-alalahanin siya at isiping kasalanan niya kung sakali man may mangyari.“Naku! Saglit lang mare ha? Naiwan ko sa locker ‘yong cellphone ko.” Tumango ako kaya dali-dali siyang pumasok sa loob.Hindi ako nagkamali, ang itim at tinted na sasakyan ay pumarada na naman sa di kalayuan. Paanong hindi ko mapapansin, e rinig ko ang takbo ng sasakyan at umaabot sa’kin ang ilaw ng sasa
Lahat ng empleyado sa Bar ay naatasan magtrabaho para mamayang gabi. Meron din namang iba na hindi tinanggap ang alok ni Sir Gio na magtrabaho mamaya kahit pa may dagdag kita ito.“Nae-excite na ‘ko, Kari!” hindi mapaglagyan ang saya ni Winnie ngayon. Kanina pa siya hindi mapakali rito sa loob ng kaniyang kwarto.Maging ako man ay excited din para sa mamaya, ngayon lang ako makakadalo sa ganito. Kahit pa trabaho ang ipupunta namin ay ‘di ko pa rin maiwasang sumaya at ma-excite.“Wait lang ha?” paalam niya at lumabas ng kwarto. May tumawag ata sa kaniya.Pinagmamasdan ko lang ang mga kolorete na pinamili ni Winnie kahapon sa Mall. Nakalatag na rin sa kanyang higaan ang uniporme na susuotin namin pati ang mask na binili niya. Di nga siya nagkamali, magmumukha siyang sexy sa napili niya.‘Di ko naman makakaila na maganda talaga ang kaibigan ko, morena ito pero lutang na lutang ang kanyang ganda. Lalo pang nagp
“Bro ano ba ‘yan? Para kang tanga hubarin mo na nga ‘yan nasa loob na tayo,” wika ni Sir Gio sa kaniyang katabi.Napaawang ng bahagya ang mga labi ko kasabay ng panlalaki ng mata ko sa nakita ko. Nagtaas ito ng kilay saka ngumisi.“Maiwan ko na po kayo, Sir, Maam.” Paalam ko dahil wala naman na akong ibang gagawin pa.“Wait lang, Kari!” pigil sakin ni Sir Gio.“Since you’re new, I want you to meet my twin, Jed. Boss mo rin sya, so don’t get confuse ha? At itong isang manong dito ay boss mo rin,” aniya. Sa kabuuan, silang tatlo ang nagpapatakbo ng Bar na ito, at si Aki ang pangatlong. Karamihan sa mga empleyado ay hindi kilala si Aki at napaka-dalang daw nito dumalaw dito.'Di gaya ni Sir Gio ay napakatahimik niya. Mukhang masungit pa at strikto. Muli na namang napadako ang tingin ko kay Aki na ganoon pa rin ang ekspresyon. Malalalim ang tingin sakin at diretsong diretso.
Humugot ako ng malalim na hinga bago magsimula ang kanta. Kasabay na rin ang pagdarasal na sana ay maki-ayon ang boses ko ngayong gabi.Nagsimula na ang pagtugtog ng banda kaya inihanda ko na ang sarili ko sa pagkanta. Hindi ko akalaing kakantahin ko ang kantang ‘to sa pangalwang pagkakataon.---He is sensible and so incredibleAnd all my single friends are jealousHe says everything I need to hearAnd it’s like I couldn’t ask for anything betterHe opens up my door and I get into his carAnd he says “You look beautiful tonight”And I feel perfectly fineNapukaw ng isang makisig na lalaki ang atensyon ko habang kumakanta, hindi ko alam pero mukhang pamilyar siya sa’kin.
Normal namang lumipas ang isang linggong pagtatrabo ko rito sa Bar. Hindi na rin ako nag-abalang magkwento pa kay Winnie at buti na lang din ay hindi siya nagtangkang magtanong sa kung anong nangyari ng gabing ‘yon.“Kari?” natigil naman ako sa pag-iisip dahil sa pagtawag sa’kin.“Ronald, bakit?” tanong ko.“Girl, kanina ka pa tinatawag ni Sir,” agad naman akong nagpunta sa opisina ni Sir Gio.“Pasensya na po, Sir. Ano po pala ‘yon?” tanong ko pagkatapos umupo. Bahagya naman akong naginhawaan dahil sa lamig ng opisina ni Sir. Ramdam na ramdam ko ang mga pawis na tumutulo sa noo ko, gano’n din sa likod at leeg.“Wag!” nagulat naman ako sa biglaang pagpigil ni Sir Gio sa’kin habang nagpupunas ng pawis. “It’s uh—rug.”“Putcha—sorry!” sobrang nahihiya na ‘ko sa pagiging lutang ko at napamura sa kawalan ng bigl
Mabilis na lumipas ang linggong ‘yon at malaki ang pasasalamat ko na walang hakbang na ginawa si Aki para lapitan o guluhin ako. Pero kada gig ko ay nahuhuli kong naroroon siya at nanonood.Hindi tuloy mawala ang kaba at pagiging ilang ko habang kumakanta dahil sa mga malalalim at matatalas niyang tingin.Ngayong linggong ito ay ang ika-dalawang buwan kong nagtatrabaho rito sa Bar. Sa susunod na buwan ay binabalak ko ng umalis, sa ngayon mag-iipon pa ako ng kaunti para pag-uwi sa isla ay may magagamit kaming pang-gastos.Masyadong nakatulong ang pagkanta ko rito sa Bar dahil sa palagian at malalaking tip na nakukuha ko mula sa mga costumer na masyadong natutuwa sa pagkanta ko.“Kari, luluwas ka ba mamaya?” si Winnie. Nasabi kong itong linggong ito ay dadalaw ako sa anak ko sa hospital dahil sa susunod na linggo ay maaari na siyang ilabas.“Oo. Bakit pala?” usisa ko.“Makikiabot naman sana nito kay Lola,&rd
Naging maayos ang trabaho ngayong araw dahil sa Sir Jed daw muna ang papasok at hindi si Sir Gio. Aniya’y may importanteng lakad daw sa Maynila kaya’t dalawang linggo itong mawawala.“Biglaan naman ata ang lakad ni Sir Gio?” kuryoso kong tanong.“Maaring pinauwi na naman ‘yon ng mga magulang niya,” sagot ni Steffi na nasa tabi ko na ngayon. “Politician kasi ang daddy nila Sir Jed at Gio, gusto ng daddy nila ma-involve rin sila sa politika pero itong si Sir Gio masyadong sutil ‘di gaya ni Sir Jed.”“Bakit si Sir Gio lang ang umuwi kung ganon?” ako.“May posisyon na kasi iyang si Sir Jed sa business nila sa Maynila. Hindi man na-involve sa politika, nagtrabaho naman para sa family business nila. Itong Bar na ‘to, si Sir Gio lang nagpasimuno. Walang koneksyon ang Bar na ‘to sa family business nila,” paliwanag niya. Napatango na lang ako sa mga nalaman ko. Sobrang
“Welcome back, Sir Gio,” sabay-sabay na sigaw naming mga empleyado nang pumasok si Sir Gio sa Bar.Isang linggo matapos ang pagliban ni Sir Gio dahil sa pagpunta sa Maynila para ayusin ang tungkol sa kaniyang pamilya kaya naman labis na natuwa at na-excite kami sa muling pagbabalik niya.Lumapit naman si Winnie kay Sir Gio dala ang isang cup ng kape gano’n din si Steffi. Nakita ko pang nagkatinginan silang dalawa sa ginawa. Hindi naman nakaimik agad si Sir sa nangyari.“Uh... thank you, guys. I’ve missed all of you,” wika niya at nginitian kaming lahat. Naiwan naman si Steffi at Winnie roon. Ang ibang empleyado ay ‘di na rin nakiusisa pa sa nangyari at nagsibalikan sa kani-kanilang trabaho.“Winnie halika na,” sambit ko dahil hanggang ngayon ay magkatitigan pa rin silang dalawa ni Steffi.Tinitimbang ko ang mood niya ngayon dahil nananatili pa rin siyang tahimik. Hindi ko na rin siya pipilitin k