Magkatabi kami ngayon ni Winnie sa bangka. Parehas kaming excited na makauwi rito sa isla at hindi iyon maitatago sa aming mga mukha.
“Grabe! Daig ko pa ang nangibang bansa, pakiramdam ko ang tagal kong nawala rito,” saad pa niya nang natatanaw na namin ang isla.
“Matagal ka naman talagang nawala rito, Winnie,” sambit ko at tinitigan ito ng seryoso.
Magdadalawang taon na siyang nasa siyudad. ‘Di kagaya ko ay hindi na nakatungtong pa ng kolehiyo si Winnie dahil sa pagkakasakit ng kaniyang lolo at lola. Mas pinili niyang magtrabaho na lamang dahil hindi niya raw kakayaning mag-aral ng apat na taon habang inaatake ng sakit ang kaniyang lolo’t lola.
Napakadalang lang din ng pagkakataon na maka-uwi dahil sa pag-iiba iba niya ng trabaho. Aniya’y ‘di siya uuwi hangga’t walang sapat na ipon. Pero ngayong sa Bar na siya nagtatrabaho ay kahit papaano nakaka-uwi na siya rito.
Sinalubong ako nila Nanay at Ali sa may dalampasigan. Pagkababa na pagkababa sa bangka ay agad kong niyakap ang anak ko.
“Nanay ‘wag ka na tatakas ulit, ha!” aniya at binigyan ako ng isang nakasimangot na mukha.
Kinurot ko naman ang kaniyang pisngi, “Sorry na anak, opo hindi na tatakas ang Nanay,” saad ko at hinalikan siya sa pisngi.
“Ay! Nakakatampo naman wala akong hug,” pagpaparinig ni Winnie sa likuran ko.
“Waaah! Nanay kasama mo si Tita Winnie!” tuwang-tuwa ang anak ko nang makita si Winnie. Agad itong bumaba sa pagkakabuhat ko at tumakbo kay Winnie. Yumuko siya para masalubong ng yakap si Ali.
“Wala ka sana pasalubong kung hindi mo ‘ko niyakap,” pananakot pa niya. Niyakap naman siya ni Ali lalo ng mahigpit kaya natawa kami.
“Maigi naman Winnie at naka-uwi ka,” bati ni Nanay sa kanya habang tinutulungan akong kuhanin ang iilang gamit.
“Kaya nga po, e. Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon kaya sinulit na,” sagot naman niya.
Habang naglalakad ay naririnig ko pang nagkakamustahan silang dalawa, natanong din ni Winnie ang lagay kaniyang lolo at lola at sinagot naman iyon ni Nanay.
Nang makarating sa bahay ay agad kong inilapag ang mga gamit sa higaan, inilabas ang mga gamit na binaon at itinabi iyon sa aking cabinet. Lumabas ako para sana tumulong kay Nanay na ayusin ang mga pinamili ko.
“Anong meron at umuwi kayo ni Winnifred dito? ‘wag mo sabihing wala na kayong trabaho?” kinakabahang tanong ni Nanay. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
“Hindi po. Birthday po ng amo namin at anibersaryo ng Bar kaya mag-a-outing daw,” paliwanag ko, nakita ko namang umalwan ang reaksyon niya dahil doon.
“Gano’n ba? Saan naman daw kayo pupunta?” Nanay.
“Uh... sa Langub ho. Doon sa resort nila Miuki,” sagot ko. Oo nga pala, dadaan ako roon kila Miuki para personal na makapagsabi at para na rin mangamusta.
“Kailan naman sila tutulak rito?”
“Sa Linggo pa raw po ng hapon.”
Matapos ang kaunting usapan namin ni Nanay ay nagpaalam ako na tutungo muna kay Miuki. Si Ali ay nandoon ngayon sa bahay nila Winnie, nawili sa pasalubong na laruan. Pinayagan ko na dahil hindi naman malayo ang bahay nila Winnie sa bahay namin.
Nagtawag ako ng habal-habal at sumakay doon, sinabi kong ihatid ako roon sa resort nila Miuki. Maimpluwensya ang pamilya niya rito sa isla kaya naman kilala na siya at ‘di ako nahirapang ituro sa mga driver ang papunta sa kanila.
“Kari!!!” masiglang salubong ni Miuki sa akin matapos ang ilang katok sa kanilang gate.
“Hindi ka manlang nagpasabi na dadaan ka para sana nakapaghanda ako ng merienda,”aniya nang makapasok sa loob.
“Naku! Hindi na Miuki ayos lang ‘yon,” saad ko.
Kahit pa sinabi kong ayos lang iyon ay nagtawag pa rin siya ng kasambahay at narinig kong inutusan niya iyon na bumili ng pagkain.
“Sensya na, ah. ‘Di pa nakakapag grocery ulit,” sabi pa niya nang makabalik sa sofa. Ilang beses pa kaming nagtalo na hindi na siya dapat pang mag-abala, ako pa nga dapat ang humingi ng pasensiya dahil biglaan ang pagpunta ko.
Nagsimula ang usapan namin at saktong dumating ang kasambahay na inutusan niya. Nagkamustahan lang kami saglit at kaunting kwentuhan na rin at isang bagay lang ang napansin ko, si Ravi. Wala si Ravi at hindi niya rin ito nababanggit pero hindi na ako nag-abala pang itanong iyon sa kaniya.
“Yeah, Ate Michie received a call from that Bar. I didn’t know that you work there,” aniya. Simula kasi nang umalis ako sa resort nila ay nawalan na rin ako ng balita sa kaniya, ni hindi ko rin sigurado kung gumagana pa ang numero na ibinigay ko kay Sir Gio kaya naman hindi ko siya nagawang kumustahin, pero mukhang gumagana pa iyon dahil nasagot naman daw ng Ate ni Miuki ang tawag.
“Uh... oo, e. Doon na ako nagtatrabaho ngayon, bigla kasing na-ospital ang anak ko kaya kinailangan magtrabaho roon,” paliwanag ko. Tumango-tango naman siya.
“At bakit hindi ka nagsabi sa’kin?! Nagkasakit pala ang inaanak ko hindi ko manlang nabalitaan,” aniya na pabirong naiinis sa’kin. Sinabi ko namang hindi na ako nag-abala dahil alam ko noong mga panahon na iyon may problema rin siya.
“I’ll entertain you personally on your stay here, ako na ang bahala pambawi manlang sa’yo,” aniya.
Hindi ako sumang-ayon sa sinabi niya dahil baka maabala lang siya. Sinabi niya naman na wala siyang ibang pinagkaka-abalahan rito sa isla at ang dahilan naman talaga ng pag-uwi niya rito ay para magsanay sa paghawak ng resort nila.
“You said it was you boss’ birthday, right?” tanong niya.
“Oo, birthday nila ni Sir Jed at anniversary din ng Bar kaya manlilibre sila Sir,”pagkekwento ko.
“I see, ako na ang bahala roon, Kari. Do not stress yourself na, okay?” ngumiti naman ako habang tumatango
Matapos ang mahigit isang oras na pagkekwentuhan at kumustahan ay nagpaalam na ako sa kaniya na uuwi na ako. Nagpasalamat ako sa kaniya at humingi ng pasensiya sa abala.
Pagkauwi’y tumulong ako kay Nanay sa paghahanda ng hapunan. Naroon na rin sa bahay si Ali, abala sa paglalaro ng mga laruan na binigay ni Winnie sa kaniya.
“Inimbita ko sila Winnie na maghapunan dito, maya-maya lang ay darating na ang mga iyon,” saad ni Nanay kaya naman nagligpit ako ng kaunting kalat. Hindi pa man nakakatagal ay dumating na nga sila.
Naging masigla ang hapunan na iyon dahil sa dami ng kwento ni Winnie na ikinatuwa naman maigi ng kaniyang lolo at lola pati na si Nanay.
Pati ang mga pangyayari tungkol kay Jed at Aki ay hindi nakaligtas, isiniwalat niya iyon kay Nanay kaya naman binalingan ako no’n at binigyan ng masamang tingin.
“Ni hindi mo ipinaalam sa’kin na amo mo rin si Joaquin!” sumimangot naman ako sa sinabi ni Nanay. Hindi ko na talaga sinabi dahil kukulitin lang niya akong sabihin na kay Aki ang totoo lalo’t sobrang lapit lang pala namin.
“Huwag niyo na ngang pag-usapan iyon, mamaya marinig pa ni Ali,” saway ko sa kanila at hindi naman nga nila pinag-usapan pa.
Nakaupo ako ngayon malapit sa dalampasigan. Hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi pero wala na gaanong tao ang nasa labas pa tanging ang mga mangingisda na lamang na nag-aayos ng kanilang lambat at bangkang gagamitin.
“Mare!” binalingan ko ang tumawag sa’kin, si Winnie. May dalang dalawang bote ng beer. Umupo ito sa tabi at iniabot sa akin ang isa, tinanggap ko naman.
“Nakaka-miss ‘no? Yung mga ganitong oras madalas natin ubusin lang sa pagtambay dito,” pagkekwento niya, sumang-ayon naman ako. Noong kabataan namin ay madalas kaming nagtitipon-tipon dito kasama ang iba pang kaibigan.
Alam kong mahirap ang buhay dito sa isla pero wala akong ibang pipiliin na lugar kundi rito pa rin para manirahan. Kalmado ako kapag nandito, nandito ang puso ko pati na ang buhay ko.
Dito ako lumaki at natuto, gano’n din ang gusto kong maranasan ng anak ko. Pero hindi ko ito pipigilan kung sakaling gusto niyang kumawala rito at diskubrehin ang ibang mundo.
“Nakausap ko nga pala si Miuki kanina,” pag-iiba ko ng usapan.
“Talaga? Nandito na pala siya sa isla, akala ko’y nasa Manila pa rin,” aniya, hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Oo. Tapos na siguro sa pag-aaral, nasabi niyang nagsasanay na siya sa paghawak ng resort kaya personal niya tayong aasikasuhin sa susunod na araw,” saad ko.
“Mabuti naman kung gano’n.”
Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa, kaniya-kaniyang lumalagok sa inumin na dala. Humugot ako ng isang malalim na paghinga saka nagsalita.
“Winnie, anong gagawin ko?” tanong ko habang nakatanaw sa dagat. Kalmado ang dagat ngayon at maliwanag ang sinag ng buwan.
“Ayaw kitang pangunahan sa mga desisyon mo, Kari. Maski ako’y ‘di rin alam ang gagawin. Ang sakit kasi na itatanggi ko ang sariling anak sa maraming tao,” aniya. Hindi ko rin kaya iyon. Ayokong isipin ng anak ko na ikinahihiya ko siya kaya ko siya tinatanggi sa iba.
“Sasabihin ko na ba kay Ali ang tungkol sa tatay niya?” tanong ko ulit. Kailangan ko ng mga opinyon dahil ayokong magkamali sa mga gagawin ko.
“Pwede naman, Kari. Dalawa lang naman ang kalalabasan niyan. Pwedeng kamuhian ka niya dahil itinago at nagsinungaling ka sa kaniya, pwede rin namang hindi.”
Nalilito ako. Hindi ko alam ano ang gagawin ko. Kapag sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa tatay niya ay pwede ngang magalit siya sa’kin dahil sa panloloko ko sa kaniya. Kung sasabihin kong nandito ang tatay niya kaya hindi siya pwedeng lumabas ay hindi rin uubra.
Alam kong lalo lang iyon magpupumilit na makita ang tatay niya. Ayoko rin namang kamuhian niya si Aki dahil wala namang alam iyon sa mga nangyayari.
---
Narito kami ni Winnie ngayon sa daungan dahil ito ang oras na darating sila Sir Gio. Nauna silang dalawa ni Sir Jed na magpunta rito para i-check at ayusin ng personal ang transaksyon kina Miuki.
Tahimik naman si Winnie na pinagmamasdan ang bangkang papalapit at sakay na nga no’n sina Sir Gio at Sir Jed. Sa tabi naman niya ay si Ali na nagpumilit sumama sa amin. Hawak-hawak ni Winnie ngayon ang kamay niya.
“Hi po!” bati ni Ali na nauna pa sa amin ni Winnie. Nakita ko ang ngiti ni Sir Gio at makahulugan akong tinignan.
“Hi!” bati ni Sir Jed sa’kin. Binati ko naman ito pabalik.
Hindi pa sana ako sasama na salubungin sila dito sa daungan dahil sa takot na baka kasama na nila si Aki ngayon, siniguro naman sa akin ni Winnie hindi raw kaya heto ako ngayon sa harap ng kambal.
“Hi, Ali?” tanong ni Sir Gio sa anak ko. Bahagya itong nakayuko ngayon para maging magkapantay sila ng anak ko. Tumango naman ang anak ko na ikinangiti ni Sir Gio sabay pisil sa pisngi nito.
“Sorry, I forgot to bring any gift. Babawi ako next time, ayos ba iyon?” tanong pa niya. Agad naman akong tumanggi.
“Hindi na po kailangan, Sir,” saad ko kaya binalingan ako nito.
“Haha, your Mom doesn’t like it but, but I’ll still get you one, ‘wag ka lang maingay, okay? This is our secret...” bulong niya sa anak ko kaya tinignan ko ito ng matalim ngunit nginitian lang ako at tumayo na.
Naiuwi ko na si Ali kaya naman bumalik ako sa kung nasaan sila. Nangako akong sasamahan sila papunta roon sa resort ngayon.
“Hop on, Kari,” anyaya ni Sir Jed na ngayon ay nakasuot ng helmet, nakasakay sa habal-habal at hinihintay ang pagsakay ko.
Nakita ko naman si Winnie na nakasakay na sa likuran ni Sir Gio, parehas silang nakatitig sa akin ngayon at hinihintay ang susunod na gagawin ko. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya agad na tinanggap ang helmet na iniaabot ni Sir Jed sa akin at sumakay na.
Nang makarating doon ay sinalubong kami agad ni Miuki sa may bungad. Binati kami nito isa-isa pagkatapos kong ipakilala sina Sir Gio at Sir Jed. Pagkatapos ng iilang usapan at transaksyon ay agad niyang iginiya ang dalawa sa kwarto na pwede nilang tuluyan ngayon hanggang sa matapos ang bakasyon. Nagpasalamat kami sa kaniya para sa personal na pag-aasikaso nito sa amin.
“It’s fine. It is my pleasure to personally serve the very special guests,” saad pa niya. Bago makauwi nang tuluyan ay pinasalamatan namin siya ni Winnie ulit. Inihatid pa niya kami palabas.
Natigilan kami sa paglalakad nang may tumawag sa’kin, “Kari!”
“I have something for you,” aniya at inilabas ang isang paper bag. Sinulyapan ko naman si Winnie na nanunutyang nakatingin kahit pa na nasa malayong banda namin.
“Ako po ang dapat nagbibigay ng regalo sa’yo, Sir,” saad ko.
“It’s not my birthday yet, pwede ka pang humabol sa pagbibigay ng regalo if you want haha. For now, accept this... please?” aniya. Matapos ang ilang pangungumbinsi niya ay tinanggap ko na rin ang ibinibigay niya. Isa iyong dress, napakagandang dress na sa tingin ko’y magandang isuot para bukas. Bilang pasasalamat na lang ay napagdesisyunan kong isuot iyon.
“Kari, dalhin mo ito at ibigay sa amo mo,” bilin ni Nanay habang inaabot sa akin ang isang paper bag na naglalaman ng ilang tupper ware. Kinuha ko naman iyon at nagpaalam na aalis na.Kagabi pa nagpupumilit si Nanay na magluluto raw siya ng ube para kina Sir Gio at Sir Jed, bilang pasasalamat na rin daw sa pagtrato ng maayos at pagtanggap sa akin sa Bar.“Ali, pupunta lang si Nanay sa Langub ha. Ayos lang ba na dito ka muna?” kinakabahang tanong ko sa anak ko.“Uuwi ka rin ba agad, Nanay?” ignora niya sa tanong ko.“Opo, anak. Babalik agad si Nanay at Tita Winnie mamayang gabi,” saad ko kahit pa walang kasiguraduhan kung makakabalik nga ba agad ako. Baka tulog na siya sa oras na makauwi ako.Matapos ang ilang pagpapaalam sa anak ko ay tuluyan na kaming tumulak ni Winnie papuntang Langub kasama ang ibang katrabaho na kadarating lang din. Hindi ako mapakali, kanina pa ako palinga-linga sa paligid dahil
Mabilis na lumipas ang araw na ito, walang gaanong naganap. Pakinig ko’y abala sila Sir Gio para sa isang program na magaganap sa gabi kasama ang ibang katrabaho at isa na roon si Winnie.Nagboluntaryo akong tumulong sa kanila pero ipinagtulakan lang ako ni Winnie palabas, aniya’y kunin ko ang pagkakataon na ito para makapagpahinga kasama ang anak.“Hi!” nagulat ako sa biglaang pagbati ni Sir Jed na ngayon ay nasa tabi ko. Binati ko naman ito pabalik.“Your daughter seems to enjoy the vacation with you, huh?” aniya.“Uh... opo.”“I’m sorry for this but, can I ask who the father is?” binalingan ko ito dahil sa pagkabigla na mukha namang nahalata niya, “It’s okay if you don’t want to answer,” aniya.Nanatili akong tahimik sa tabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa kaba at hiya. Malapit kami sa dalampasigan, nakaupo sa isa sa mga lounge chair haban
Maaga kaming bumyahe ni Winnie mula sa isla patungo rito sa siyudad. Saglit kaming pumunta sa apartment para ibaba ang mga dalang gamit saka tumungo nang tuluyan sa Bar.“Good morning!” bati namin ni Winnie matapos pumasok sa loob. Inabutan namin doon ang iba na ginagawa na ang kani-kanilang mga trabaho.Habang nagtatrabaho ay panay ang usapan nila tungkol sa bakasyon na nangyari. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa kanila ang saya sa naganap kaya naman ‘di na rin naiwasan ni Winnie na makipagkwentuhan. Naupo naman ako sa isang upuan at pinakinggan sila.“Naloka ako sa Banana Boat mga mars!” ani Ronald na umaarte pa habang nagkekwento.“Halata nga, nakadalawa ka nga, e! Hilig mo talaga sa saging!” puna naman ni Hannah.“Diyos ko, Hannah! Sino ba naman ang tatanggi sa malaking saging?!” untag ni Ronald kaya naman ‘di ko naiwasan makitawa.“Iyong isa nga dyan dalawang saging pa a
Agad niyang hinila ang pala-pulsuhan ko nang walang sabi-sabi, ni hindi ko na nakuhang magpumiglas pa dahil mabilis akong binalot ng kaba at takot at dahil na rin sa lakas niya kaya walang kwenta kung magpupumiglas pa ako.Nasa labas kami ngayon ng Bar at medyo malayo para makalayo sa ingay na nanggagaling sa Bar. Malapit kami sa isang lamp post kaya nasisinagan kami ng ilaw, sapat para makita ang isa’t-isa.Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman. Pakiramdam na parang anong oras ay bibitayin na ako o ano.Hanggang saan kaya ang narinig niya? Simula kaya sa una? O yung bandang huli na kung saan pinag-uusapan namin si Ali? Natatakot ako. Hindi ito ang tamang oras para malaman niya ang tungkol sa anak namin. Hindi pa ako handa.“Speak,” marahan pero may bahid ng awtoridad ang boses nito. Lalo lang akong natakot dahil sa dilim ng ekspresyon ng kaniyang mukha, para bang ito ang pinakasukdulan ng galit na m
Pagkarating sa isla ay pinakiusapan ko siya na hayaan muna ako na kausapin saglit ang anak ko.Hindi rin kami nakaligtas sa mata ng mga mangingisda na ngayon ay nag-aayos ng bangka at lambat. Mayroon ding nakadungaw sa kani-kanilang mga bintana pero hindi iyon alintana kay Aki at tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad.“Ate Ning, sila Nanay ho, nasaan?” tanong ko kay Ate Ning na naglilinis sa kaniyang bakuran.“Tumungo roon sa Hagdan kanina pa, maya-maya nandito na rin sila,” sagot niya. Nagpasalamat naman ako sa kaniya at inaya si Aki na pumasok sa loob.“Nasa kabilang barangay pa raw sila, hintayin na lang natin. May gusto ka bang kainin?” tanong ko habang pinapapagpagan ang upuan na uupuan niya.“Nothing, I’m full,” kaprasong sagot niya.Tumungo ako sa kwarto para magpalit ng damit dahil amoy pawis na ako kanina pa dahil sa suot kong uniporme. Habang nagbibihis ay narinig ko ang pagdating ni
Excited na excited ngayon si Ali dahil ano mang oras ay dadating muli ang kaniyang ama gaya ng pinangako nito kagabi bago umalis.“Nanay inimbatahan ko po ang mga kaibigan ko pumunta rito mamaya,” saad ni Ali na abala sa pag-aayos ng kaniyang mga laruan ngayon.“Bakit naman? ‘Di ba kayo ni Tatay ang maglalaro mamaya? Kaya bakit inimbitahan mo pa sila?” tanong ko at pansamantalang tumigil sa pagwawalis.“E, kasi Nanay sabi ko sa kanila meron na akong Tatay pero ayaw nila maniwala, kaya sabi ko punta sila rito mamaya,” pangangatwiran niya. Napailing na lang ako sa sinabi niya.“Sige, pero ayos lang ba na hindi magtagal ang mga kaibigan mo rito? Gusto kasi ni Tatay ikaw lang kasama niya. Ayos po ba ‘yon?” konsulta ko sa kaniya.“Opo naman! Papauwiin ko sila agad, baka agawin pa nila si Tatay sa akin,” nakanguso nitong saad kaya ngumiti ako.Muli ay naging abala siya sa kani
Inasahan ko na ang magiging reaksyon ng anak ko para rito at hindi ako nagkamali. Kasalukuyang naliligo si Ali ngayon habang ako naman ay inaayos ang mga gamit na dadalhin namin.“Nakakasiguro ka ba dyan? Mamaya itakbo ni Aki ang bata,” paniniguro ni Nanay na abala sa paghahanda ng kakainin namin bago umalis.“Hindi rin naman po ako gano’n kasigurado, Nay. Pumayag na lang din po ako dahil para naman kay Ali ito. Hindi pa naman po siguro gano’n kasama si Aki para itakas ang anak ko,” sagot ko. Walang ibang importante sa akin ngayon kundi ang kasiyahan at mararamdaman ng anak ko, kaya kahit nakakaramdam ako ng takot at pangamba ay pumayag pa rin ako.Pero hindi ibig sabihin no’n na papabayaan ko na lang din basta ang anak ko sa mga kamay niya.Hindi na naalis pa ang ngiti sa labi ng anak ko simula pa kanina nang sabihin ko sa kaniya na maglilibot sila ng tatay niya sa siyudad.Sa sobrang excited ng anak ko ay
Inasahan ko na ang magiging reaksyon ng anak ko para rito at hindi ako nagkamali. Kasalukuyang naliligo si Ali ngayon habang ako naman ay inaayos ang mga gamit na dadalhin namin. “Nakakasiguro ka ba dyan? Mamaya itakbo ni Aki ang bata,” paniniguro ni Nanay na abala sa paghahanda ng kakainin namin bago umalis. “Hindi rin naman po ako gano’n kasigurado, Nay. Pumayag na lang din po ako dahil para naman kay Ali ito. Hindi pa naman po siguro gano’n kasama si Aki para itakas ang anak ko,” sagot ko. Walang ibang importante sa akin ngayon kundi ang kasiyahan at mararamdaman ng anak ko, kaya kahit nakakaramdam ako ng takot at pangamba ay pumayag pa rin ako. Pero hindi ibig sabihin no’n na papabayaan ko na lang din basta ang anak ko sa mga kamay niya. Hindi na naalis pa ang ngiti sa labi ng anak ko simula pa kanina nang sabihin ko sa kaniya na maglilibot sila ng tatay niya sa siyudad. Sa sobrang excited ng anak ko ay mas nauuna pa itong kumilos kaysa sa