Mabilis na lumipas ang araw na ito, walang gaanong naganap. Pakinig ko’y abala sila Sir Gio para sa isang program na magaganap sa gabi kasama ang ibang katrabaho at isa na roon si Winnie.
Nagboluntaryo akong tumulong sa kanila pero ipinagtulakan lang ako ni Winnie palabas, aniya’y kunin ko ang pagkakataon na ito para makapagpahinga kasama ang anak.
“Hi!” nagulat ako sa biglaang pagbati ni Sir Jed na ngayon ay nasa tabi ko. Binati ko naman ito pabalik.
“Your daughter seems to enjoy the vacation with you, huh?” aniya.
“Uh... opo.”
“I’m sorry for this but, can I ask who the father is?” binalingan ko ito dahil sa pagkabigla na mukha namang nahalata niya, “It’s okay if you don’t want to answer,” aniya.
Nanatili akong tahimik sa tabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa kaba at hiya. Malapit kami sa dalampasigan, nakaupo sa isa sa mga lounge chair haban
Maaga kaming bumyahe ni Winnie mula sa isla patungo rito sa siyudad. Saglit kaming pumunta sa apartment para ibaba ang mga dalang gamit saka tumungo nang tuluyan sa Bar.“Good morning!” bati namin ni Winnie matapos pumasok sa loob. Inabutan namin doon ang iba na ginagawa na ang kani-kanilang mga trabaho.Habang nagtatrabaho ay panay ang usapan nila tungkol sa bakasyon na nangyari. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa kanila ang saya sa naganap kaya naman ‘di na rin naiwasan ni Winnie na makipagkwentuhan. Naupo naman ako sa isang upuan at pinakinggan sila.“Naloka ako sa Banana Boat mga mars!” ani Ronald na umaarte pa habang nagkekwento.“Halata nga, nakadalawa ka nga, e! Hilig mo talaga sa saging!” puna naman ni Hannah.“Diyos ko, Hannah! Sino ba naman ang tatanggi sa malaking saging?!” untag ni Ronald kaya naman ‘di ko naiwasan makitawa.“Iyong isa nga dyan dalawang saging pa a
Agad niyang hinila ang pala-pulsuhan ko nang walang sabi-sabi, ni hindi ko na nakuhang magpumiglas pa dahil mabilis akong binalot ng kaba at takot at dahil na rin sa lakas niya kaya walang kwenta kung magpupumiglas pa ako.Nasa labas kami ngayon ng Bar at medyo malayo para makalayo sa ingay na nanggagaling sa Bar. Malapit kami sa isang lamp post kaya nasisinagan kami ng ilaw, sapat para makita ang isa’t-isa.Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman. Pakiramdam na parang anong oras ay bibitayin na ako o ano.Hanggang saan kaya ang narinig niya? Simula kaya sa una? O yung bandang huli na kung saan pinag-uusapan namin si Ali? Natatakot ako. Hindi ito ang tamang oras para malaman niya ang tungkol sa anak namin. Hindi pa ako handa.“Speak,” marahan pero may bahid ng awtoridad ang boses nito. Lalo lang akong natakot dahil sa dilim ng ekspresyon ng kaniyang mukha, para bang ito ang pinakasukdulan ng galit na m
Pagkarating sa isla ay pinakiusapan ko siya na hayaan muna ako na kausapin saglit ang anak ko.Hindi rin kami nakaligtas sa mata ng mga mangingisda na ngayon ay nag-aayos ng bangka at lambat. Mayroon ding nakadungaw sa kani-kanilang mga bintana pero hindi iyon alintana kay Aki at tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad.“Ate Ning, sila Nanay ho, nasaan?” tanong ko kay Ate Ning na naglilinis sa kaniyang bakuran.“Tumungo roon sa Hagdan kanina pa, maya-maya nandito na rin sila,” sagot niya. Nagpasalamat naman ako sa kaniya at inaya si Aki na pumasok sa loob.“Nasa kabilang barangay pa raw sila, hintayin na lang natin. May gusto ka bang kainin?” tanong ko habang pinapapagpagan ang upuan na uupuan niya.“Nothing, I’m full,” kaprasong sagot niya.Tumungo ako sa kwarto para magpalit ng damit dahil amoy pawis na ako kanina pa dahil sa suot kong uniporme. Habang nagbibihis ay narinig ko ang pagdating ni
Excited na excited ngayon si Ali dahil ano mang oras ay dadating muli ang kaniyang ama gaya ng pinangako nito kagabi bago umalis.“Nanay inimbatahan ko po ang mga kaibigan ko pumunta rito mamaya,” saad ni Ali na abala sa pag-aayos ng kaniyang mga laruan ngayon.“Bakit naman? ‘Di ba kayo ni Tatay ang maglalaro mamaya? Kaya bakit inimbitahan mo pa sila?” tanong ko at pansamantalang tumigil sa pagwawalis.“E, kasi Nanay sabi ko sa kanila meron na akong Tatay pero ayaw nila maniwala, kaya sabi ko punta sila rito mamaya,” pangangatwiran niya. Napailing na lang ako sa sinabi niya.“Sige, pero ayos lang ba na hindi magtagal ang mga kaibigan mo rito? Gusto kasi ni Tatay ikaw lang kasama niya. Ayos po ba ‘yon?” konsulta ko sa kaniya.“Opo naman! Papauwiin ko sila agad, baka agawin pa nila si Tatay sa akin,” nakanguso nitong saad kaya ngumiti ako.Muli ay naging abala siya sa kani
Inasahan ko na ang magiging reaksyon ng anak ko para rito at hindi ako nagkamali. Kasalukuyang naliligo si Ali ngayon habang ako naman ay inaayos ang mga gamit na dadalhin namin.“Nakakasiguro ka ba dyan? Mamaya itakbo ni Aki ang bata,” paniniguro ni Nanay na abala sa paghahanda ng kakainin namin bago umalis.“Hindi rin naman po ako gano’n kasigurado, Nay. Pumayag na lang din po ako dahil para naman kay Ali ito. Hindi pa naman po siguro gano’n kasama si Aki para itakas ang anak ko,” sagot ko. Walang ibang importante sa akin ngayon kundi ang kasiyahan at mararamdaman ng anak ko, kaya kahit nakakaramdam ako ng takot at pangamba ay pumayag pa rin ako.Pero hindi ibig sabihin no’n na papabayaan ko na lang din basta ang anak ko sa mga kamay niya.Hindi na naalis pa ang ngiti sa labi ng anak ko simula pa kanina nang sabihin ko sa kaniya na maglilibot sila ng tatay niya sa siyudad.Sa sobrang excited ng anak ko ay
Inasahan ko na ang magiging reaksyon ng anak ko para rito at hindi ako nagkamali. Kasalukuyang naliligo si Ali ngayon habang ako naman ay inaayos ang mga gamit na dadalhin namin. “Nakakasiguro ka ba dyan? Mamaya itakbo ni Aki ang bata,” paniniguro ni Nanay na abala sa paghahanda ng kakainin namin bago umalis. “Hindi rin naman po ako gano’n kasigurado, Nay. Pumayag na lang din po ako dahil para naman kay Ali ito. Hindi pa naman po siguro gano’n kasama si Aki para itakas ang anak ko,” sagot ko. Walang ibang importante sa akin ngayon kundi ang kasiyahan at mararamdaman ng anak ko, kaya kahit nakakaramdam ako ng takot at pangamba ay pumayag pa rin ako. Pero hindi ibig sabihin no’n na papabayaan ko na lang din basta ang anak ko sa mga kamay niya. Hindi na naalis pa ang ngiti sa labi ng anak ko simula pa kanina nang sabihin ko sa kaniya na maglilibot sila ng tatay niya sa siyudad. Sa sobrang excited ng anak ko ay mas nauuna pa itong kumilos kaysa sa
Isang linggo na akong kinukumbinsi ni Aki tungkol sa pagpapalipat kina Nanay at Ali dito sa apartment na tinutuluyan ko pero paulit-ulit ko lamang itong tinatanggihan.“Hindi nga pwede ‘yang gusto mo,” pagod na sabi ko sa kanya.Mababakas sa mukha niya ang pagka-irita sa bawat pagtanggi ko sa gusto niyang mangyari.Saglit kaming binalot ng katahimikan nang napagpasyahan niyang magsalita. “Talaga bang ipagkakait mo sa’kin ang anak ko?”Mabilis ko itong binalingan ng tingin. Kitang-kita sa mga mata niya ang kaseryosohan at may kaunting bahid ng lungkot.“Hindi sa gano’n, Aki...” nag-aalalang sambit ko. Hindi ko naman talaga intensyon na ipagdamot sa kanya si Ali pero sobra na ang gusto niyang mangyari.“There’s a lot of chances to take away Ali from you but I never did. This is the least you can do for me, Kari. ‘Wag mo na sanang ipagdamot pa,” dama ang lungkot at pa
Ilang araw ko na napapansin na napakatahimik ng paligid ko. O tanging ako lang ang nakakaramdam no’n dahil para sa kanila ay normal na araw lang naman sa trabaho? Baka masyado lang akong naaapektuhan sa mga nangyayari? “You seem a little bit off this past few days? Ayos ka lang ba?” tanong ni Sir Jed habang kumakaway sa harap ng mukha ko. Kasalukuyan kaming nagmemeryenda ngayon dahil muling bumisita si Sir Jed sa Bar. Hindi na rin sikreto pa sa kanila ang panliligaw ni Sir Jed sa akin kaya hindi na nila ipinagtataka ang mga ganitong eksena. “Sorry,” iyan na lang ang tangi kong nasabi sa kanya. “Do you wanna go somewhere else? Hindi ka ba komportable rito?” nag-aalalang tanong niya, hindi pa rin binabago ang distansya sa aming dalawa. Lalo akong hindi makapagsalita kapag ganito siya kalapit sa akin. “Hindi, ayos na rito,” untag ko. Tumango naman ito at bumalik sa pagkakasandal sa kanyang upuan. Sa wakas ay napakawalan ko rin ang hiningang kanin