Ilang araw ko na napapansin na napakatahimik ng paligid ko. O tanging ako lang ang nakakaramdam no’n dahil para sa kanila ay normal na araw lang naman sa trabaho? Baka masyado lang akong naaapektuhan sa mga nangyayari?
“You seem a little bit off this past few days? Ayos ka lang ba?” tanong ni Sir Jed habang kumakaway sa harap ng mukha ko.
Kasalukuyan kaming nagmemeryenda ngayon dahil muling bumisita si Sir Jed sa Bar. Hindi na rin sikreto pa sa kanila ang panliligaw ni Sir Jed sa akin kaya hindi na nila ipinagtataka ang mga ganitong eksena.
“Sorry,” iyan na lang ang tangi kong nasabi sa kanya.
“Do you wanna go somewhere else? Hindi ka ba komportable rito?” nag-aalalang tanong niya, hindi pa rin binabago ang distansya sa aming dalawa. Lalo akong hindi makapagsalita kapag ganito siya kalapit sa akin.
“Hindi, ayos na rito,” untag ko. Tumango naman ito at bumalik sa pagkakasandal sa kanyang upuan. Sa wakas ay napakawalan ko rin ang hiningang kanin
Trigger and content warnings: Contains violence, and sensitive use of words.
Naging tahimik ang ilang araw namin na nandito sa isla. Walang Jed o Aki na nanggulo at nagparamdam.“Nanay, susunduin mo na po ba si Tatay?” usisa ni Ali habang pinapanood akong nag-aayos.Napagpasyahan kong bumalik ng siyudad at sa Bar para makapagpaalam ng mas maayos na aalis na ako nang tuluyan sa trabaho. Siniguro muna ni Winnie na wala roon si Jed o kahit na sinong kasali sa aming gulo.Sa ilang araw din namin sa isla ay naging bukang bibig na ni Ali ang tungkol sa kanyang tatay. Palagi ko lamang itong sinasagot na masyadong abala si Aki kaya huwag na niyya itong hanapin.Hindi ko kayang magpikit mata na lamang sa lungkot at pangungulila na ipinapakita ng anak ko sa tuwing sasabihin kong abala ang kanyang tatay. Maging ako ay nasasaktan para sa kanya dahil sa kaprasong oras lang ay malalim na agad ang kanilang naging relasyon.Sinalubong ako ni Winnie sa labas ng Bar para daluhan sa pagpasok sa loob ng opisina ni Sir Gio. Hindi ri
Totoo ngang paglipas ng 5 araw ay bumalik muli si Jed dito sa isla.Kung makaasta ito ay parang walang nangyari, na para bang hindi iniinda ang sakit ng mga ipinapakita ko sa kanya.“May balita na ba kay Joaquin?” tanong ni Nanay habang kinokolekta ang mga isdang ibinilad niya.Pagkatapos naming bumalik dito sa isla ay naging bukambibig na ni Nanay at Ali si Aki. Nauubusan na ako ng palusot at paliwanag sa anak ko para pagtakpan si Aki.Hindi ko na rin alam kung ilang linggo na nga ba ang nakalipas simula nang huling pag-uusap namin ni Aki.Para na lang siyang bulang biglang naglaho pagkatapos ng mga pangyayari rito.Ilang beses kong pinagtangkaang tawagan ang numero ni Aki pero sa huli’y ‘di ko itinutuloy dahil sa dami ng rason na naiisip ko.Una, sinugod ako ni Solange dahil kay Aki kaya ayoko nang dagdagan pa ang galit niya. Iniisip ko rin na baka inaayos nila ngayon ang pamilya nila, isa pa naaksidente ang
Pagdating sa parking lot ng isang sikat na condo unit dito ay sabay-sabay kaming bumaba pero pinigilan ako ni Aki.“I don’t need help, pwede niyo na akong iwan dito,” pagtataboy nito sa amin.“Bro, look at yourself. Hindi ka nga makatayo ng maayos,” sabat ni Sir Gio kaya mabilis itong tinapunan ni Aki ng matatalim na tingin. “Chill, I’m just saying,” dagdag pa nito habang itinataas ang dalawang kamay na para bang sumusuko.“Huwag ka nang magkulit Joaquin, hayaan mong alagaan ka ni Kari kahit ngayong gabi lang,” nakisali na rin sa pangungumbinsi si Winnie.“Uh... oo nga, wala naman akong gagawin bukas kaya ayos lang,” pag-gatong ko sa usapan pero mukhang lalo lang tumindi ang iritasyon niya.“See? She’s willing to take care of you. Kaya I’m telling you, kung ayaw mo na mapahiya kay Kari then fix yourself,” ramdam na ang kaseryosohan sa tono ng pananalita
SPG Warning (R18+)(contains pornographic and malicious scenes)“Ayos ka lang?” Natigil ako sa pag-iisip sa pagtatanong niya at pagkaway sa harap ng mukha ko.“A-ano ka ba? Ako dapat nagtatanong niyan, ayos ka lang ba?”“Hindi, but somehow, the burden inside me lessen,” aniya. Kita ko naman ang kaunting sigla sa mukha nito kaya kahit papaano ay nakampante ako.“Ano na ang balak mo ngayong nalaman mo ang mga pinaggagawa ni Solange?”Bumalik sa pagkakabusangot ang kanyang mukha nang dahil lang binanggit ko ang pangalan ni Solange.“Nothing, I’ll let Xandros do the thing, besides, he’s the father and he’s a lawyer. Masyado lang ako naiinis at nagagalit on how she played and manipulated my life for the past years, she made me her prisoner. Ngayong nakawala na ‘ko sa k
Hindi ako nagkamali sa hinala ko, nang gabing iyon rin ay tumawag sa akin si Winnie dahil pinuntahan daw siya ni Aki para hanapin ako.Mahigit isang linggo na rin nang umalis ako sa lugar na iyon. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa’kin ang mga pangyayari noong araw na iyon.“Nanay kailan ulit pupunta rito si Tatay?” sa loob din ng isang linggo ay madalas akong kinukulit ng anak ko tungkol kay Aki.Hindi ko na alam anong isasagot ko sa anak ko, nauubusan na naman ako ng ipapalusot sa kanya.Hindi na naging mahirap para sa’kin na taguan si Aki dahil nagsisimula na ang trabaho ko kila Miuki.“Kari, napapagod na ‘ko sa pagsisinungaling kay Joaquin, ha?! Kapag hindi mo pa sinabi sa’kin ang nangyayari ilalaglag na kita,” dito naman sa mga banta ni Nanay ako hindi makatakas.Siniguro kong nasa malayo ang anak ko at hindi maririnig ang pag-uusapan namin.“Ano ba ang nangyayari sa inyong d
Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga para mas maka-usap ng maayos si Winnie. “Hi, mangangamusta lang,” ang babaeng ito talaga. “Hindi ba makakapaghintay ‘yan bukas? Maayos ako rito, maayos kami,” saad ko at ibinalot ang cardigan na suot ko sa aking katawan at umupo sa upuan sa labas ng aming bahay. Ang kalmadong dagat at maliwanag na buwan ay nagbibigay ng sobrang kaginhawaan sa akin ngayon. “Hindi. Alam mo na ba ang nangyayari kay Joaquin ngayon?” tanong nito sa’kin. Para na namang hinampas ng malakas na alon ang puso ko dahil sa pagbigkas ni Winnie ng pangalan niya. Umayos ako sa pagkaka-upo para mas makapakinig sa sasabihin niya. Sa ilang araw kong pagpapaka-abala sa trabaho ay hindi ko na namalayang hindi na nga nakakabisita muli si Aki rito. “Nasa Maynila siya, kahapon lang umuwi. Nagkaro’n ng malaking problema ang kompanya nila dahil sa biglaang pagpull-out ng shares ng pamilya ni Solange sa kanila. Sabi ni Gio may tyansang bumagsak ang kompanya
Naki-usap ako kay Miuki kung pupwede munang dito si Ali kasama ko sa trabaho dahil wala si Nanay, abala masyado sa pagtulong sa livelihood ng aming barangay. Walang naging problema iyon kay Miuki ay mas natuwa pa dahil magkakaroon daw sila ng panahon ni Ali na magkasama. Hinarap ko ang anak ko bago siya umalis. Ani Miuki ay isasama niya ito sa kanila para makalaro ang iba niyang pamangkin na sinang-ayunan ko naman. “Ali, ‘wag magkukulit doon kila Ninang, ha? Susunduin kita roon mamaya kaya huwag kang aalis doon,” bilin ko sa kanya. Ngumiti ito at tumango. “Pag ba sinundo mo ako roon Nanay ay tatawagan na natin si Tatay?” kitang-kita ko ang sayang bumabalot sa kanyang mukha dahil sa bagay na iyon. “Hmm, hindi pa. Mamaya po pag-uwi natin sa bahay, doon natin tatawagan si Tatay,” saad ko. Napawi ang ngiti nito at para bang may iniisip na malalim. Saglit akong tumahimik at hinintay ang sunod niyang sasabihin kaya nagkaroon ako pagkakataon na titigan ang kanyang m
Abot-abot ang paghingi ko ng pasensya kay Miuki nang makarating ito kasama ni Ravi pabalik. Abala sina Ravi at Jed sa isang bagay at medyo malayo sila sa amin.“Wala ‘yon. Wala naman gaanong guests so it’s fine. Isa pa, may pa-meryenda oh!” aniya habang tumatawa. Napapangiwi naman ako.“Pero... ano bang meron sa inyo?” tanong niya habang nginunguya ang kinagat niya sa isang slice ng pizza.Ikinuwento ko sa kanya na dati kong manliligaw si Jed, na nakilala ko ito sa trabaho. Hindi ko na isinama sa detalye ang panlolokong ginawa niya sa akin dahil ayokong sumama ang tingin ni Miuki sa kanya.“Talaga ba? Aba, mahal na mahal ka pala niyan kung gano’n? Well, it’s obvious naman binibisita ka pa niya mismo sa work mo,” napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sinabi niya.“Iyon nga ang problema, ayoko na sanang palalimin ang nararamdaman niya sa’kin dahil wala naman akong maisusukli sa pagmamahal niya.”Natahimik na ako pagkatapos n