Totoo ngang paglipas ng 5 araw ay bumalik muli si Jed dito sa isla.
Kung makaasta ito ay parang walang nangyari, na para bang hindi iniinda ang sakit ng mga ipinapakita ko sa kanya.
“May balita na ba kay Joaquin?” tanong ni Nanay habang kinokolekta ang mga isdang ibinilad niya.
Pagkatapos naming bumalik dito sa isla ay naging bukambibig na ni Nanay at Ali si Aki. Nauubusan na ako ng palusot at paliwanag sa anak ko para pagtakpan si Aki.
Hindi ko na rin alam kung ilang linggo na nga ba ang nakalipas simula nang huling pag-uusap namin ni Aki.
Para na lang siyang bulang biglang naglaho pagkatapos ng mga pangyayari rito.
Ilang beses kong pinagtangkaang tawagan ang numero ni Aki pero sa huli’y ‘di ko itinutuloy dahil sa dami ng rason na naiisip ko.
Una, sinugod ako ni Solange dahil kay Aki kaya ayoko nang dagdagan pa ang galit niya. Iniisip ko rin na baka inaayos nila ngayon ang pamilya nila, isa pa naaksidente ang
Pagdating sa parking lot ng isang sikat na condo unit dito ay sabay-sabay kaming bumaba pero pinigilan ako ni Aki.“I don’t need help, pwede niyo na akong iwan dito,” pagtataboy nito sa amin.“Bro, look at yourself. Hindi ka nga makatayo ng maayos,” sabat ni Sir Gio kaya mabilis itong tinapunan ni Aki ng matatalim na tingin. “Chill, I’m just saying,” dagdag pa nito habang itinataas ang dalawang kamay na para bang sumusuko.“Huwag ka nang magkulit Joaquin, hayaan mong alagaan ka ni Kari kahit ngayong gabi lang,” nakisali na rin sa pangungumbinsi si Winnie.“Uh... oo nga, wala naman akong gagawin bukas kaya ayos lang,” pag-gatong ko sa usapan pero mukhang lalo lang tumindi ang iritasyon niya.“See? She’s willing to take care of you. Kaya I’m telling you, kung ayaw mo na mapahiya kay Kari then fix yourself,” ramdam na ang kaseryosohan sa tono ng pananalita
SPG Warning (R18+)(contains pornographic and malicious scenes)“Ayos ka lang?” Natigil ako sa pag-iisip sa pagtatanong niya at pagkaway sa harap ng mukha ko.“A-ano ka ba? Ako dapat nagtatanong niyan, ayos ka lang ba?”“Hindi, but somehow, the burden inside me lessen,” aniya. Kita ko naman ang kaunting sigla sa mukha nito kaya kahit papaano ay nakampante ako.“Ano na ang balak mo ngayong nalaman mo ang mga pinaggagawa ni Solange?”Bumalik sa pagkakabusangot ang kanyang mukha nang dahil lang binanggit ko ang pangalan ni Solange.“Nothing, I’ll let Xandros do the thing, besides, he’s the father and he’s a lawyer. Masyado lang ako naiinis at nagagalit on how she played and manipulated my life for the past years, she made me her prisoner. Ngayong nakawala na ‘ko sa k
Hindi ako nagkamali sa hinala ko, nang gabing iyon rin ay tumawag sa akin si Winnie dahil pinuntahan daw siya ni Aki para hanapin ako.Mahigit isang linggo na rin nang umalis ako sa lugar na iyon. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa’kin ang mga pangyayari noong araw na iyon.“Nanay kailan ulit pupunta rito si Tatay?” sa loob din ng isang linggo ay madalas akong kinukulit ng anak ko tungkol kay Aki.Hindi ko na alam anong isasagot ko sa anak ko, nauubusan na naman ako ng ipapalusot sa kanya.Hindi na naging mahirap para sa’kin na taguan si Aki dahil nagsisimula na ang trabaho ko kila Miuki.“Kari, napapagod na ‘ko sa pagsisinungaling kay Joaquin, ha?! Kapag hindi mo pa sinabi sa’kin ang nangyayari ilalaglag na kita,” dito naman sa mga banta ni Nanay ako hindi makatakas.Siniguro kong nasa malayo ang anak ko at hindi maririnig ang pag-uusapan namin.“Ano ba ang nangyayari sa inyong d
Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga para mas maka-usap ng maayos si Winnie. “Hi, mangangamusta lang,” ang babaeng ito talaga. “Hindi ba makakapaghintay ‘yan bukas? Maayos ako rito, maayos kami,” saad ko at ibinalot ang cardigan na suot ko sa aking katawan at umupo sa upuan sa labas ng aming bahay. Ang kalmadong dagat at maliwanag na buwan ay nagbibigay ng sobrang kaginhawaan sa akin ngayon. “Hindi. Alam mo na ba ang nangyayari kay Joaquin ngayon?” tanong nito sa’kin. Para na namang hinampas ng malakas na alon ang puso ko dahil sa pagbigkas ni Winnie ng pangalan niya. Umayos ako sa pagkaka-upo para mas makapakinig sa sasabihin niya. Sa ilang araw kong pagpapaka-abala sa trabaho ay hindi ko na namalayang hindi na nga nakakabisita muli si Aki rito. “Nasa Maynila siya, kahapon lang umuwi. Nagkaro’n ng malaking problema ang kompanya nila dahil sa biglaang pagpull-out ng shares ng pamilya ni Solange sa kanila. Sabi ni Gio may tyansang bumagsak ang kompanya
Naki-usap ako kay Miuki kung pupwede munang dito si Ali kasama ko sa trabaho dahil wala si Nanay, abala masyado sa pagtulong sa livelihood ng aming barangay. Walang naging problema iyon kay Miuki ay mas natuwa pa dahil magkakaroon daw sila ng panahon ni Ali na magkasama. Hinarap ko ang anak ko bago siya umalis. Ani Miuki ay isasama niya ito sa kanila para makalaro ang iba niyang pamangkin na sinang-ayunan ko naman. “Ali, ‘wag magkukulit doon kila Ninang, ha? Susunduin kita roon mamaya kaya huwag kang aalis doon,” bilin ko sa kanya. Ngumiti ito at tumango. “Pag ba sinundo mo ako roon Nanay ay tatawagan na natin si Tatay?” kitang-kita ko ang sayang bumabalot sa kanyang mukha dahil sa bagay na iyon. “Hmm, hindi pa. Mamaya po pag-uwi natin sa bahay, doon natin tatawagan si Tatay,” saad ko. Napawi ang ngiti nito at para bang may iniisip na malalim. Saglit akong tumahimik at hinintay ang sunod niyang sasabihin kaya nagkaroon ako pagkakataon na titigan ang kanyang m
Abot-abot ang paghingi ko ng pasensya kay Miuki nang makarating ito kasama ni Ravi pabalik. Abala sina Ravi at Jed sa isang bagay at medyo malayo sila sa amin.“Wala ‘yon. Wala naman gaanong guests so it’s fine. Isa pa, may pa-meryenda oh!” aniya habang tumatawa. Napapangiwi naman ako.“Pero... ano bang meron sa inyo?” tanong niya habang nginunguya ang kinagat niya sa isang slice ng pizza.Ikinuwento ko sa kanya na dati kong manliligaw si Jed, na nakilala ko ito sa trabaho. Hindi ko na isinama sa detalye ang panlolokong ginawa niya sa akin dahil ayokong sumama ang tingin ni Miuki sa kanya.“Talaga ba? Aba, mahal na mahal ka pala niyan kung gano’n? Well, it’s obvious naman binibisita ka pa niya mismo sa work mo,” napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sinabi niya.“Iyon nga ang problema, ayoko na sanang palalimin ang nararamdaman niya sa’kin dahil wala naman akong maisusukli sa pagmamahal niya.”Natahimik na ako pagkatapos n
“Siya pa rin ang gusto mo, don’t you? That’s why kaibigan na lang ang kaya mong ibigay sa’kin. Stop using the child para sa mga pansirili mong rason at kagustuhan. I can be more better than that asshole! Pinapangako kong sa’kin ang bagsak mo, Kari and I might need to use force if needed. You will never be happy unless you’re with me, tandaan mo ‘yan!”“A-anong ibig mong s-sabihin?” hirap na hirap kong iniluwa ang mga salitang iyon kahit pa alam kong masama ang ibig sabihin niya sa mga sinabi niya.Pilit kong inaalis ang takot na epekto ng galit niyang mukha at tono ng pananalita. Imbis sagutin ang tanong ko ay sumakay na lamang siya sa habal-habal at mabilis na pinaandar iyon paalis.“Jed!” sigaw ko at umamba pang hahabulin siya.“Kari, sinong kausap mo riyan?” naputol ang pagtanaw ko sa habal-habal na papalayo nang may magsalita sa likod ko. Si Nanay pala.Hindi ko na siya sinagot pa at hinila na lang pauwi sa bahay dahil bigla akong nakaramdam ng takot sa paligid ko. Isa pa, nag-iis
Trigger and Content Warnings! (contains kidnapping/abduction, violence, and sensitive use of words)Mas naging kampante ako sa pag-uwi ni Winnie rito sa isla dahil hindi ko na kailangang isama ang anak ko sa trabaho para lang maging ligtas.“Sige na umalis ka na, dito muna si Ali sa akin ako na ang bahala sa anak mo,” pagtutulak niya sa akin pasakay sa habal-habal na nag-aabang para ihatid ako sa resort.“Salamat talaga, Winnie. Pasensya na sa abala,” saad ko bago umalis.“Ano ka ba? Anong abala ka dyan? Mas gusto ko pa ngang wala ka para naso-solo ko itong si Ali. Sige na umalis ka na, manong ihatid mo na po ‘yan!”Natatawa naman ako sa inasta niyang iyon. Pakiramdam ko lahat ng taong nakakakilala sa anak ko ay gusto nilang agawin iyon. Nahihiya pa nga ako dahil sobrang kulit ng anak ko pero lahat naman sila ay natutuwa.Simula nang makauwi si Winnie dito ay pakiramdam ko naging ligtas ako, kahit papaano ay nabawasan ang bumabalot na kaba at takot sa sistema ko. Ang hiling ko na lan