Naki-usap ako kay Miuki kung pupwede munang dito si Ali kasama ko sa trabaho dahil wala si Nanay, abala masyado sa pagtulong sa livelihood ng aming barangay.
Walang naging problema iyon kay Miuki ay mas natuwa pa dahil magkakaroon daw sila ng panahon ni Ali na magkasama.Hinarap ko ang anak ko bago siya umalis. Ani Miuki ay isasama niya ito sa kanila para makalaro ang iba niyang pamangkin na sinang-ayunan ko naman.“Ali, ‘wag magkukulit doon kila Ninang, ha? Susunduin kita roon mamaya kaya huwag kang aalis doon,” bilin ko sa kanya. Ngumiti ito at tumango.“Pag ba sinundo mo ako roon Nanay ay tatawagan na natin si Tatay?” kitang-kita ko ang sayang bumabalot sa kanyang mukha dahil sa bagay na iyon.“Hmm, hindi pa. Mamaya po pag-uwi natin sa bahay, doon natin tatawagan si Tatay,” saad ko. Napawi ang ngiti nito at para bang may iniisip na malalim.Saglit akong tumahimik at hinintay ang sunod niyang sasabihin kaya nagkaroon ako pagkakataon na titigan ang kanyang mAbot-abot ang paghingi ko ng pasensya kay Miuki nang makarating ito kasama ni Ravi pabalik. Abala sina Ravi at Jed sa isang bagay at medyo malayo sila sa amin.“Wala ‘yon. Wala naman gaanong guests so it’s fine. Isa pa, may pa-meryenda oh!” aniya habang tumatawa. Napapangiwi naman ako.“Pero... ano bang meron sa inyo?” tanong niya habang nginunguya ang kinagat niya sa isang slice ng pizza.Ikinuwento ko sa kanya na dati kong manliligaw si Jed, na nakilala ko ito sa trabaho. Hindi ko na isinama sa detalye ang panlolokong ginawa niya sa akin dahil ayokong sumama ang tingin ni Miuki sa kanya.“Talaga ba? Aba, mahal na mahal ka pala niyan kung gano’n? Well, it’s obvious naman binibisita ka pa niya mismo sa work mo,” napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sinabi niya.“Iyon nga ang problema, ayoko na sanang palalimin ang nararamdaman niya sa’kin dahil wala naman akong maisusukli sa pagmamahal niya.”Natahimik na ako pagkatapos n
“Siya pa rin ang gusto mo, don’t you? That’s why kaibigan na lang ang kaya mong ibigay sa’kin. Stop using the child para sa mga pansirili mong rason at kagustuhan. I can be more better than that asshole! Pinapangako kong sa’kin ang bagsak mo, Kari and I might need to use force if needed. You will never be happy unless you’re with me, tandaan mo ‘yan!”“A-anong ibig mong s-sabihin?” hirap na hirap kong iniluwa ang mga salitang iyon kahit pa alam kong masama ang ibig sabihin niya sa mga sinabi niya.Pilit kong inaalis ang takot na epekto ng galit niyang mukha at tono ng pananalita. Imbis sagutin ang tanong ko ay sumakay na lamang siya sa habal-habal at mabilis na pinaandar iyon paalis.“Jed!” sigaw ko at umamba pang hahabulin siya.“Kari, sinong kausap mo riyan?” naputol ang pagtanaw ko sa habal-habal na papalayo nang may magsalita sa likod ko. Si Nanay pala.Hindi ko na siya sinagot pa at hinila na lang pauwi sa bahay dahil bigla akong nakaramdam ng takot sa paligid ko. Isa pa, nag-iis
Trigger and Content Warnings! (contains kidnapping/abduction, violence, and sensitive use of words)Mas naging kampante ako sa pag-uwi ni Winnie rito sa isla dahil hindi ko na kailangang isama ang anak ko sa trabaho para lang maging ligtas.“Sige na umalis ka na, dito muna si Ali sa akin ako na ang bahala sa anak mo,” pagtutulak niya sa akin pasakay sa habal-habal na nag-aabang para ihatid ako sa resort.“Salamat talaga, Winnie. Pasensya na sa abala,” saad ko bago umalis.“Ano ka ba? Anong abala ka dyan? Mas gusto ko pa ngang wala ka para naso-solo ko itong si Ali. Sige na umalis ka na, manong ihatid mo na po ‘yan!”Natatawa naman ako sa inasta niyang iyon. Pakiramdam ko lahat ng taong nakakakilala sa anak ko ay gusto nilang agawin iyon. Nahihiya pa nga ako dahil sobrang kulit ng anak ko pero lahat naman sila ay natutuwa.Simula nang makauwi si Winnie dito ay pakiramdam ko naging ligtas ako, kahit papaano ay nabawasan ang bumabalot na kaba at takot sa sistema ko. Ang hiling ko na lan
Trigger and Content Warnings! (contains kidnapping, violence, and sensitive use of words)Pagdilat ko ng mata ay iginala ko agad ang paningin ko, masusi kong sinuri ang paligid. Nang mapagtanto kong hindi ako pamilyar sa lugar ay agad akong tumayo pero nakaramdam ako ng sakit sa braso at paanan ko.Nakatali ako...Nagpakawala ako ng mga sigaw kahit pa may busal ako sa bibig. Nawalan lang ako ng malay kanina naging ganito na ang itsura ko?Hindi ako tumigil sa pagpupumiglas kahit pa nakatali ako. Gusto kong makaalis at makawala rito, gusto ko na umuwi. Gusto kong masiguro na ligtas ang anak ko. Gusto ko nang makita ang anak ko...“You’re wasting your energy,” isang pamilyar na boses ang nakapagpatigil sa pagpupumiglas ko. Nilapitan niya ako saka tinanggal ang telang nakabusal sa bibig ko.“Pakawalan mo na ‘ko, Jed parang awa mo na,” pagmamakaawa ko sa kanya dahil sobra na akong natatakot sa mga nangyayari.Saka ko lang napansin ang hawak niyang bote ng alak sa kaliwang kamay. Ngayon k
“Kari!” bulyaw ni Aki at mabilis na tumakbo papalapit sa akin.Nagulat ako sa biglaang pagliwanag ng paligid. Napuno ng asul at pulang kulay ang paligid kasabay ng maingay na tunog ng mga sasakyan.Anong nangyayari?Mapait akong ngumiti nang tuluyan akong sakupin ng mga braso ni Aki na para bang pinoprotektahan sa kung anong masamang mangyayari. Ang sarap sa pakiramdam ng mainit niyang katawan.Ang kirot ng tagiliran ko, bakit ganito? Pakiramdam ko ay may mainit na likidong gumagapang sa katawan ko. Muli kong tinignan si Aki na puno ng pag-aalala ang mga mata.“Are you okay? Anong nararamdaman mo?”Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang dugong nagbabagsakan sa sahig... at mula iyon sa’kin...Nabaril ako? Sa akin tumama iyong putok ng baril? A-ako ang tinamaan?Mabilis akong binalot ng takot nang mapagtanto ang mga nangyayari.“Aki ‘yong anak natin...” nangingilid na luhang sambit ko. Gusto kong mayakap ang anak ko. Wala akong ibang gustong makita ngayon kundi ang anak ko.Biglang n
Halos dalawang linggo na akong nakaratay dito sa ospital pero hindi pa rin ako pinapalabas. Pinayo naman ng doktor na pwede na akong umuwi anomang oras dahil bumalik na ang lakas ko pero itong si Aki ay gsutong makasiguro na mahilom na ang sugat ko.Mahigpit iyon sinang-ayunan ni Tatay kaya naman mas lalo akong naburo rito sa higaan ko.Kayang-kaya ko na ngang tumakbo at magtrabaho ulit, sadyang makulit lang ang dalawang ito. Hindi pa naman tuluyang naghilom ang sugat ko pero wala na akong kirot at sakit na nararamdaman mula roon.“Nanay kailan tayo uuwi?” tanong ng anak kong nakahiga ngayon sa binti ko. Nakaupo ako ngayon habang hinahaplos ang buhok niya.Maski ang anak ko ay sobra na ang pagkakaburyo rito sa ospital kaya halos araw-arawin ang pagtatanong sa’kin kung kailan kami makakauwi.“Pag magaling na si Nanay,” nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Aki na kakapasok lang ngayon dito sa loob.Inihatid niya sa labas kanina si Tatay, hindi ko namalayang napatagal pala siya ng kaun
Eksaktong dalawang linggo na ngayon at sobra ang pagpapasalamat ko ng napapayag ko rin sina Tatay at Aki na pauwiin na ako. Sa tagal ko ba naman sa ospital ay mabilis na naghilom ang sugat ko, sadyang nag-oover react lang itong si Aki.“Give me that,” aniya at marahas na hinablot sa akin ang bag na isusukbit ko na sana sa aking balikat.Lahat na lang ng damputin o hawakan ko ay inaagaw niya, aniya’y bawal akong magbuhat ng mabibigat dahil baka mabinat at bumuka ulit ang sugat. Kaya heto, halos lahat ng gamit ko ay nasa kanya, idagdag pa na buhat-buhat niya ngayon ang anak kong tulog na tulog pa.“Hindi ka ba nahihirapan? Buhat mo pa si Ali,” nag-aalalang tanong ko sa kanya habang isinusukbit niya ang bag na puno ng mga gamit ko.Tinaasan ako nito ng kilay at ngumisi sa akin. “I built my body for this, Kari,” saad pa niya at niyaya na akong lumabas ng silid.Napabuntong hininga na lang ako sa pagyayabang niya sa akin tungkol sa kanyang katawan.“I don’t have my car here. Tito Lorenzo i
Ilang araw ko na kinukulit si Miuki na babalik na ako sa pagtatrabaho pero lagi nila iyon kinokontra, anila’y hindi pa raw bumabalik ng husto ang lakas ko kaya wala pa akong kakayahan na makapagtrabaho ulit.Kaya ngayon, kung hindi ko sila mapipilit na payagan ako ay bubulagain ko na lang sila sa biglaang pagpasok ko. Sigurado naman akong wala na silang magagawa kung makita nilang nandoon na ako.Kailangan ko na rin talagang magtrabaho dahil hindi pupwedeng si Aki ang gumastos ng gumastos para sa amin. Bisita namin siya kaya dapat ay siya ang pinagsisilbihan namin.Hindi na ako nagulat kung maagang nagising si Aki. Simula nang magtigil siya rito ay nauuna na siyang magising para paghandaan kami ng almusal.Ilang beses na akong nagsuhestiyon sa kanya na magpa-book sa resort-hotel nila Miuki dahil alam kong hindi siya sanay sa buhay na mayroon kami rito, isa pa wala rin siyang maayos na natutulugan dito. Ilang gabi na siyang nagtitiyaga sa sofa naming gawa lamang sa kawayan kaya sigurad