Ella Gatchalian life takes an unexpected turn after a single reckless night. Tricked into drinking medicine, she unknowingly crosses paths with a powerful and enigmatic man, Rico Velasquez, in the most scandalous way imaginable. What she assumes will remain a one-night mistake soon becomes a tangled web of fate when she discovers two months later that the man she wronged is none other than her aloof, high-profile boss. The situation spirals further when Rico catches her during a moment of supposed morning sickness. Instead of condemnation, he offers a shocking proposition: marriage. Though Ella initially believes it’s out of obligation, Rico's intentions soon become clear. Beneath his cold and calculative exterior lies a man determined to claim her, not just as the mother of his heir, but as his partner for life. As Ella tries to navigate the chaos of her hidden marriage while maintaining her professional identity, Rico is relentless in proving his love and commitment, even publicly declaring their bond. Will their unconventional union survive the scrutiny of the workplace and the complexities of their past, or will their growing connection lead to something deeper than either of them expected?
view morePagdating ni Ella sa kumpanya, nakaupo na ang lahat ng mga sekretarya sa kanilang mga pwesto. Kaya naman thimik na pumasok si Ella sa kanyang workstation at naupo, nakatingin sa itim na screen ng computer, naghihintay kay Rico na dumating.Ilang minuto lang ang lumipas nang bumukas ang pinto ng elevator mula sa malayo, at isang matangkad na lalaki ang naglakad papalapit. Habang dumadaan siya, napansin ni Rico si Ella, na tila kabadong-kabado. Nang makita ni Ella ang anino ni Rico mula sa gilid ng kanyang mata, pinilit niyang bawasan ang kanyang presensya, ikinubli ag sarili sa kaharap na monitor ngunit pasimple paring sumusulyap.Matapos magluto ni Rico ng pagkain para sa kanya kaninang umaga, tinanggihan ni Ella ang alok nito na isama siya sa kotse papuntang trabaho. Gayunpaman, dahil sa pag-aalala ni Rico, hindi siya nito pinayagan. Ngunit dahil hindi madaling magpatinag si Ella, wala rin siyang nagawa sa huli. Pinili nalang niyang sundan ang mabagal na pagmamaneho nito hanggang sa
Pagkagising, dinampot ni Ella ang telepono sa tabi ng kama at tumingin dito. Nagising siya nang higit kalahating oras na mas maaga kaysa sa karaniwan. Mula nang manirahan siya rito, hindi siya makatulog nang maayos sa gabi. Ngunit sa kabila nito, tila nahuhumaling siya sa lambot ng kama.Malapit lang naman ang Repulse Bay sa kumpanya, ngunit naalala niyang nagpaalam si Manang Merry, kaya naisip niyang bumangon na at mag-ayos. Isinuot niya ang isang crescent-shaped na puting damit na may tulle na disenyo at may mga perlas na nakapalibot sa neckline. Malinis at dalisay ang dating ng damit, at ang laylayan nito ay umaalon sa taas lamang ng kanyang mga bukung-bukong.Pagpasok sa kusina, binuksan ni Ella ang refrigerator at tiningnan ang mga frozen food. Napansin niyang napakarami nito. Marahil ay nag-imbak si Manang Merry, natatakot na wala silang oras para magluto. Mayroong maliliit na wonton, dumpling, at iba pang tinapay na handang i-steam o iprito.Nagpakulo si Ella ng tubig para sa
Naalarma si Ella habang pigil-hiningang pinagmamasdan si Rico. Sa sobrang pagkabahala niya, nakalimutan na niyang kumilos nang naaayon. Ni hindi niya ginagamit ang sariling chopsticks sa pagkuha ng pagkain pag kaharap ang mayayamang tao, gaya sa trabaho. Ngunit ngayon, sa harap pa ng boss niya nalimutan.Habang hindi siya mapakali, nanatiling kalmado si Rico. Walang anumang pagbabago sa ekspresyon nito. Wari’y hindi man lang nito napansin ang pagkakamali ni Ella. Kalma niyang kinuha ang cola chicken wing gamit ang sariling chopsticks at kinain ito nang walang alinlangan.Sa tagpong iyon, lihim na napabuntong-hininga si Ella. Ibinalik niya ang chopsticks na kanina’y nakabitin sa ere at nagpatuloy sa pagkain. Ngunit sa pagbaba ng kanyang tingin, hindi niya napansin ang saglit na pagkakapako ng malamig na mata ni Rico sa kanyang mukha. May bahagyang kislap sa mga mata nito—isang emosyon na mabilis ding naglaho.Pagkatapos ng hapunan, masiglang nagligpit si Ella ng mga pinagkainan. Inilag
Ipinarada ni Ella ang sasakyan sa underground garage. Ang ibang mga brand ay masyadong kapansin-pansin, kaya pinili niya ang pinakamurang modelo ng Mercedes mula sa hanay ng mga mamahaling kotse. Pagkatapos niyang iparada, biglang may narinig siyang katok sa bintana ng sasakyan. Tumingala siya at nakita ang isang lalaking kumakatok gamit ang mga daliri. Mukhang kaswal at walang bahid ng kahit anong emosyon ang ekspresyon nito, ngunit hindi inaalis ang tingin ng mga mata nito sa kanya. Binuksan ni Rico ang pintuan ng kotse at bahagyang ngumiti ang manipis na labi. “Baba ka na.”“Bakit ka nandito sa underground garage?” tanong ni Ella habang inilalabas ang susi ng kotse, may bahagyang pagtataka sa mukha.Isinara ni Rico ang pintuan gamit ang isang kamay bago lumapit sa kanya. “Hinintay kitang umuwi,” sagot nito, na parang normal lang ang tono.Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Ella. Nang sabihin nitong maghihintay siya sa telepono, akala niya’y sa hapag-kainan siya nito aantayin, ngu
Hindi na naglakas-loob si Ella na kumuha ng marami. Sa mababaw na porselanang mangkok, ilang kutsarang sabaw lamang ang inilagay niya.Hinipan niya ang init ng sabaw at nagtanong, “Nasaan si Nurse Nita, Ma?” Tinutukoy niya ang nurse na kinuha upang mag-alaga sa kanyang ina.Dahil kailangang magtrabaho ni Ella upang kumita ng sapat na pera para sa malaking gastusin ng pagpapagamot ng cancer. Wala siyang naging oras upang personal na alagaan ang kanyang ina, kaya naman kumuha siya ng nurse para alagaan ito tuwing wala siya. Hindi naman siya nababahala dahil si Nurse Nita ay masayahin at maalalahanin. Sa loob ng maraming taon, mahusay niyang inalagaan ang ina ni Ella, kaya’t hindi na ito pinalitan ni Ella.“Umalis siya para sunduin ang apo niya sa school. Siguro, pabalik na rin iyon,” paliwanag ni Christy. Hindi naman siya nangangailangan ng alalay sa lahat ng oras. Kapag hindi masusundo ng mga magulang ng apo ni Nurse Nita, siya mismo ang nagsasabi kay Nita na siya na ang sumundo.Tuman
Matapos ilagay ni Rico ang vase sa kwarto, kumuha siya ng manipis na card mula sa drawer, tumakbo papunta sa kabilang kwarto, at kumatok sa pinto.“Tuloy ka,” tugon ni Ella.Pagpasok niya, nakita niyang abala si Ella gamit ang laptop, halatang naiirita sa paulit-ulit na pagsubok na maka-connect sa internet. Pagkakita kay Rico, kumislap ang saya sa kanyang mga mata. Balak na sana niyang i-chat ito para tanungin ang Wi-Fi password.Tiningnan ni Rico ang ibabang bahagi ng screen ng laptop ni Ella at itinaas ang baba. “The first one is the home network. Ang password? One to eight.”Napatigil si Ella sa gulat. “Seriously?” Napaisip siya kung bakit ganoon kasimple ang password ng internet sa bahay ng isang tulad ni Rico. Inasahan niyang magiging kasing-kumplikado ito ng serial number ng kumpanya.Napansin ni Rico ang reaksyon niya kaya kinamot niya ang ilong, bahagyang nahiya. “Sa negosyo, mas mabuti nang maingat kaysa walang pakialam,” sagot nito na sinang-ayunan na lang ni Ella.Nang maka
Pagkatapos mag-checkout sa supermarket, dumiretso si Rico sa isang malapit na flower shop. Ang kurtina ng pintong gawa sa mga wind chime beads, ay umalun-alon sa hangin, at ang tunog nito’y nagpatigil sa babaeng may-ari ng shop mula sa pag-aayos ng flower rack. Tumingin siya sa pinto at nakita ang isang matangkad na lalaki na nakasunod sa isang babaeng nakangiti. Maingat na iniunat ng lalaki ang kanyang braso upang alisin ang anumang sagabal sa daraanan ng babae.Kahit kapansin-pansin ang diperensya nila sa tangkad, tila nakakatuwang tingnan ang magkasamang gwapo at magandang babae. Kaya naman agad na ngumiti ang may-ari ng shop at bumati, “Anong bulaklak ang nais ninyong bilhin?”Sinulyapan ni Ella ang mga makukulay na bulaklak sa shop at mahinang nagsalita, “Pwede bang mag-match ka ng ilang bouquet na may maliliwanag at masasayang kulay?”“Oo naman, madam,” sagot ng may-ari, muling tinitingnan ang dalawa. Napansin niyang habang nagsasalita si Ella, si Rico’y nakatingin lamang sa kan
Para bang tinamaan ng kidlat si Ella. Hindi niya maitago ang gulat sa kanyang mukha. Sa huli, ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata at dinampot ang gamot at baso ng tubig. Ngunit nang ilang sentimetro na lang ang layo niya rito, hindi pa rin niya magawang inumin. Nakikita pa lamang ay parang nalalasap na niya sa kanyang dila ang mapait na lasa nito, dahilan para mapaatras siya nang hindi sinasadya.“May kendi ka ba?” tanong niya.“Wala, pero may rock sugar dito sa bahay. Gusto mo ba?” sagot ni Rico na bahagyang nagulat. Hindi niya inaasahang ganito kalaki ang takot ni Ella sa gamot. Wala talagang kendi sa bahay dahil hindi siya mahilig sa matatamis.“Hindi na,” sagot ni Ella habang umiiling. Hindi niya gusto ang rock sugar dahil mahirap nguyain.Nang makita ni Rico na ayaw na talagang inumin ni Ella ang gamot, malalim siyang napabuntong-hininga. “Mamaya mo na inumin. Isasama kita sa supermarket para bumili ng candy.”Magaan ang tono niya, pero kung pakikinggan nang mabuti, may ba
Ang sasakyan ay pumasok sa Shallow Water Bay. Sa paligid, puro mga single-family villa ang tanawin. Napakataas ng vegetation coverage; maraming puno, malamig ang lilim, at kakaiba ang ganda. Para itong isang paraiso na malayo sa ingay ng siyudad.Ang Shallow Water Bay ay kilalang lugar para sa mga mayayaman. Matatagpuan ito sa labas ng abalang business district at karaniwang tirahan ng mga negosyanteng gumagastos nang marangya kapag nasa trabaho.Dito tuluyang naliwanagan si Ella na ang lalaking pinakasalan niya ay talagang mayaman.Hanggang sa makarating ang sasakyan sa underground garage ng villa, unti-unti nang nanlumo si Ella. Sa dami ng mamahaling sasakyan, halos hindi na siya makahinga sa dami ng klase. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit palaging iba-iba ang kotse na ginagamit ni Rico. Ang mga kotse niya nitong mga nakaraang araw ay hindi rin pare-pareho.Binuksan ni Rico ang trunk at kinuha ang mga bagahe. Nang mapansing nakatitig si Ella sa mga kotse, tinanong niya, “Malaki
“Sir, pahiram ako ng gamit mo?”Isang mapang-akit na tinig ng babae ang nagmula sa nakaparadang itim na Sarao jeep sa gilid ng kalsada. Paos ngunit puno ng alindog, malambing ngunit may halong panunukso.Sa loob ng malamlam na sasakyan, si Rico Velasquez ay malamig ang titig at walang bahid ng emosyon habang nakatingin sa babaeng nasa kandungan niya. Mabilis na kumalat naman agad sa maliit na espasyo ang amoy ng alak.“Get out.”Ang malamig na boses na iyon ay tila bumalik sa diwa ni Ella Gatchalian. Ngunit, palibhasa at lasing at wala sa sarili, kumapit pa siyang lalo sa leeg ng lalaki, desperado, habang ang mapuputing braso ay nanghihina at mahigpit ang pagkakakapit. Ang hininga niyang may samyo ng alak ay mapang-akit na dumadampi sa leeg nito.“I beg you, please... tulungan mo ‘ko. Babayaran kita kahit magkano.”Damang-dama ni Ella ang init na umaakyat sa kanyang katawan na siyang unti-unting sinisira ang kanyang katinuan. Hanggang sa ang mapuputi niyang kamay ay kusang gumalaw pab...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments