“Sir, pahiram ako ng gamit mo?”
Isang mapang-akit na tinig ng babae ang nagmula sa nakaparadang itim na Sarao jeep sa gilid ng kalsada. Paos ngunit puno ng alindog, malambing ngunit may halong panunukso.
Sa loob ng malamlam na sasakyan, si Rico Velasquez ay malamig ang titig at walang bahid ng emosyon habang nakatingin sa babaeng nasa kandungan niya. Mabilis na kumalat naman agad sa maliit na espasyo ang amoy ng alak.
“Get out.”
Ang malamig na boses na iyon ay tila bumalik sa diwa ni Ella Gatchalian. Ngunit, palibhasa at lasing at wala sa sarili, kumapit pa siyang lalo sa leeg ng lalaki, desperado, habang ang mapuputing braso ay nanghihina at mahigpit ang pagkakakapit. Ang hininga niyang may samyo ng alak ay mapang-akit na dumadampi sa leeg nito.
“I beg you, please... tulungan mo ‘ko. Babayaran kita kahit magkano.”
Damang-dama ni Ella ang init na umaakyat sa kanyang katawan na siyang unti-unting sinisira ang kanyang katinuan. Hanggang sa ang mapuputi niyang kamay ay kusang gumalaw pababa.
“Click.”
Tunog ng bakal na sinturong tuluyan na niyang nakalas.
Hindi alintana ang nangunguyom na mukha ni Rico, hinawakan niya ito ng mahigpit at, hinalikan ang umbok sa ng leeg ng lalaki na siyang nakapag pa gulat dito.
Sa isang iglap nagising nito ang pinakamalalim na pagnanasa sa lalaki.
Makalipas ang ilang saglit, isang garalgal at paos na boses ang muling bumasag sa katahimikan sa loob ng sasakyan.
“Siguraduhin mo lang na hindi ka magsisisi.”
“Wag ka nang magsalita. Gagawin mo ba o hindi? Kung hindi, maghahanap ako ng iba—”
“Mmmp—”
Hindi na naituloy pa ni Ella ang kanyang sasabihin. Ang sasakyang Sarao na dati ay tahimik, ay bahagyang yumanig. Hindi ito huminto sa loob ng matagal na oras, hanggang sa may kumatok sa bintana ng jeep.
Tok! Tok!
Nagkaroon ng saglit na pag-impit ang pagyanig ng sasakyan. “May tao ba diyan? Ayos lang po ba kayo?” tanong ng dumaraang lalaki na bakas sa mukha ang pag-aalala.
“Get out!” malakas na sigaw ni Rico, mas malamig pa kaysa sa hamog ng taglamig.
Namutla sa gulat at agad ring namula ang dumadaang tao bago dali-daling nagtakbuhan palayo. Muli ay bumalik naman sa hindi pangkaraniwang ritmo ang loob ng sasakyan.
Sa pagkakataong ito, walang sinumang nangahas na manggulo muli sa sumunod na kalahating oras.
Nakasandal si Rico Velasquez sa upuan, gusot ang damit at pulang-pula ang mga mata. Tinitigan niya nang walang emosyon ang babaeng nasa harapan niya na maingat na inaayos ang damit nito.
“Salamat sa gamit mo,” tipid na sabi ni Ella habang isinusuksok ang punit na stockings sa kanyang bag, tinitiis ang sakit ng katawan at halos kawalan ng boses.
Dahil madilim sa loob ng sasakyan, hindi niya maaninag nang maayos ang itsura ng lalaking nasa tabi niya. Ngunit ang matigas nitong mga linya sa mukha ay nagbibigay ng impresyong gwapo ito. Sa kaniya isip, mukhang hindi naman siya nalugi.
Samantala, itinaas ni Rico ang isang kilay. Nagtataka na hindi siya kilala ng babae.
Nang akmang bubuksan na ni Ella ang pinto para bumaba, nagsalita si Rico. Ang boses niya ay mababa, paos, at punong-puno ng magnetismo.
“Where’s my payment?”
Natigilan si Ella. Napalingon siya sa lalaking halos natatago sa madilim na parte ng sasakyan. Napapataas ang kilay dahil mukha naman itong hindi kinakapos sa pera.
Ngunit dahil pinilit niya ito, at pinangakoang babayaran, wala siyang magagawa. Kung tutuusin, para lang siyang nagbayad sa isang lalaking bayaran.
Iniabot ni Ella ang lahat ng pera sa loob ng kanyang bag—mga nakatiklop na 500 pesos—at isiniksik ito sa kamay ng lalaki. Pagkatapos ay mabilis siyang bumaba, diretsong lumakad palayo, dala-dala ang konting dignidad.
Tinitigan ni Rico ang nakasiksik na perang may lukot sa kaniyang kamay at napatawa siya nang bahagya.
“Hindi naman pala gaano kahalaga ang gamit na’to.”
Dahan-dahan niyang inunat ang mga pera, maingat na tinupi, at isinilid sa bulsa ng kanyang suit. Muli niyang ibinaling ang tingin sa bahid ng dugo sa upuan. Dumilim ang kanyang mga mata habang walang imik na kinagat ang loob ng pisngi.
Sa labas, malamig ang ihip ng hangin. Napapilig si Ella nang bumaba siya ng sasakyan. Hinila niya pababa ang suot na fitted na blazer, umayos ng lakad sa kanyang mataas na stilettos, at pumasok sa pinakamalapit na botika sa kanto.
“Pabili ng pills,” bulong niya sa tindera. Hindi na niya pinansin ang nagtatakang tingin nito. Kinuha niya ang gamot, tinungga ito sa mismong lugar, saka lumabas.
Ano bang klaseng teknik ‘yon? reklamo niya sa isip habang masakit ang balakang na naglakad pabalik sa tindahan. Kailangan rin niyang bumili ng ointment para sa pasa.
Hindi pa natapos ang gastos niya. Bumunot siya ng malaking halaga para sa taxi pauwi sa inuupahan niyang kwarto.
Mula sa maliliwanag na ilaw at maingay na gabi ng siyudad, ang kanyang tahimik at lumang tinutuluyang bahay ay tila naging dalawang linyang pumapagitan sa kanilang dalawa.
Kinapa ni Ella ang switch ng ilaw sa dilim. Sa isang “click,” na tunog, sumiklab ang nakakasilaw na liwanag ng bumbilya at binaha ng liwanag ang buong kwarto. Tumambad sa harapan niya ang inuupahan niyang bahay ay may isang kwarto, sala, at banyo na halos 20 metro kuwadrado lamang ang sukat. Nagkalat rin ang samu’t saring gamit sa loob.
Pagkatapos maipikit nang saglit ang kanyang mga mata upang masanay sa liwanag, pagud na iminulat niya ito, saka hinubad ang suot na aprikot na high heels. Isinuksok niya ang kanyang mga paa sa lumang tsinelas na may disenyo ng ulo ng kuneho. Matapos nito, kinuha niya ang malambot na puting pantulog at dumiretso sa banyo.
Ang dilim ng gabing iyon ay tila mas mabigat kaysa karaniwan. Si Ella ay humihingal sa ilalim ng malamig na tubig ng shower. Ang malamig na pag-agos ay umaabot sa bawat sulok ng kanyang balat, ngunit hindi nito kayang tanggalin ang mga marka ng kabangisan sa kanyang katawan. Ang mga bakas ng daliri sa kanyang baywang ay sobrang halata, at ang kirot sa kanyang katawan ay tila hindi mapapawi ng malamig na tubig.
“Halimaw,” bulong niya habang ang tubig ay hinahaluan ng mga luha na tahimik na dumadaloy sa kanyang mukha. Sa kabila ng lahat, pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili at, iwinawaksi sa isipan ang pangyayari kanina lamang.
Hindi niya malilimutan kung paano siyang nalasing habang nagkakaroon ng pagtitipon sa isang restaurant para sa trabaho. Isang kliyente mula sa isang kilalang grupo ng ospital ang kanyang kausap. Kung magtatagumpay siyang ma-secure ang kontrata para sa mga kagamitang medikal, malaki ang kanyang makukuhang komisyon. Ngunit pagkatapos ng ilang tagay, nagsimula siyang makaramdam ng kakaiba.
Nang maglaon, napagtanto niyang may inilagay na kung ano sa kanyang inumin. Sa gitna ng pagkakabighani at kawalan ng lakas, naramdaman niya ang mapanlinlang na kamay ng kliyente. Sa kabila ng kanyang kahinaan, nagawa niyang makawala sa pamamagitan ng malakas na pagsipa at mabilis na tumakbo palabas ng restaurant.
Sa kanyang pagtakas, nakita niya ang isang kotse na binubuksan ng isang lalaki. Walang pag-iisip, pumasok siya sa sasakyan at dito na nagsimula ang di-inaasahang kaganapan sa gabing iyon.
---
Pagkatapos maligo, isinuot ni Ella ang kanyang malinis na puting pajama at tinungo ang sala. Kailangan niyang kumilos, kaya tumawag siya sa restaurant upang kunin ang CCTV footage at nagdesisyon na magtungo sa ospital para magpa-test ng dugo. Ngunit bago siya makapagdesisyon na tumawag sa pulis, tumunog ang kanyang telepono.
Pag-tingin niya, si Lani Pascua ang tumatawag—ang kasamahan niya sa trabaho na nagdala sa kanya sa restaurant na iyon.
Sa kabila ng galit, sinagot niya ang tawag. Tahimik sa una, ngunit si Lani ang unang nagsalita.
“Ella, wala kang mapapala sa pagrereklamo. Kung gusto mo pang manatili sa industriya at kumita, huwag kang mang-involve ng mga bigatin,” madiing sabi ni Lani. “At tungkol sa nangyari kagabi, lahat tayo’y uminom. Sadyang naging agresibo si Mr. Miranda, pero hayaan na natin iyon. Sana alagaan mo na lang ang sarili mo.”
Hindi siya nakapagsalita dahil agad na ibinaba ni Lani ang tawag, ngunit malinaw ang mensahe: Walang CCTV footage na makakakita ng nangyari, at kung magrereklamo siya, malamang siya pa ang baligtarin.
Sa ilalim ng maliwanag na ilaw, nakaramdam si Ella ng malamig na pagkalos at ng kawalang pag-asa. Ngunit sa halip na sumuko, nagdesisyon siyang manahimik—hindi para magparaya, kundi upang mag-ipon ng ebidensya para sa tamang pagkakataon.
---
Kinaumagahan, suot ang isang pulang bestida ay maingat na inayos niya ang kanyang alon-alon na buhok. Ang kanyang pulang labi ay tila naghahamon habang naglalakad siya sa opisina.
“Grabe, Ella! Ang ganda mo ngayon ah!” bati ng ilang kasamahan.
Hindi niya pinansin ang mga ito at deretso siyang pumunta sa lamesa ni Lani Pascua, na walang kamalay-malay sa mga mangyayari.
“Ella, anong problema?” tanong ni Lani, na may bahagyang ngiti sa kanyang labi, tanda ng paniniwalang nagtagumpay ang babala niya kagabi.
Ngunit si Ella ay ngumiti lamang ng malamlam—isang ngiting puno ng tinik. “Salamat sa ‘pag-aalaga’ mo kagabi, Ate Lani. May regalo ako para sa’yo.”
Bago pa makapagsalita si Lani, mabilis na dumapo ang kamay ni Ella sa kanyang mukha.
“Plak! Plak!”
Dalawang malutong na sampal ang narinig sa buong opisina. Tumigil ang lahat sa ginagawa, at nanlaki ang mga matang, hindi makapaniwala sa eksena.
Tulalang hawak ang mapulang pisngi ni Lani dahil sa malalakas na sampal mula kay Ella. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito.Nang makabawi siya sa gulat, binalak niyang tumayo upang lumayo, ngunit mahigpit na hinawakan ni Ella ang kanyang pulsuhan. Yumuko ito at bumulong sa kanyang tainga, “Kung maglakas-loob kang magsumbong, ang pinakamasamang mangyayari ay pareho tayong mamamatay.”Kung may nagtangkang pagsamantalahan siya, dalhin sa kama ng lalaki, kailangan saluhin ni Lani ang pagkabigo at galit niya ngayon.Kung iisipin, ang dalawang sampal na natamo nito ay maliit na kabayaran lamang kumpara sa katotohanang nawala ang kaniyang pinagkakaingat-ingatang dangal.Salamantala, ang malamig na boses ni Ella ay parang bulong ng mga kaluluwang ligaw mula sa impiyerno para kay Lani. Tila pilit na nilulubog siya sa isang walang hanggang bangin. Ngunit, napatigil si Lani at nanatiling nakatitig kay Ella nang may pagkamuhi ngunit walang magawa. Ni hindi niya makayanang magsalita o lumaban. Ba
Habang nag-iisip si Ella, biglang pumasok si Jasmine Ortiz, ang kanilang secretary general. Professional ito sa lahat ng kilos at nasa 30 years old na, masipag at matalas din ang diskarte. Matapos tanawin ang mga sekretarya sa opisina, malakas itong nagsalita, “Let’s move! All of you! Alam niyo naman kung gaano ka-strikto si President Velasquez. Huwag kayong tatamad-tamad dito.”“Danika, ipadala mo kay Assistant Danceco ang schedule ni Mr. Velasquez para sa hapon. Clay, ayusin mo naman ang lahat ng mga dokumentong isinumite ng iba’t ibang departamento sa nakaraang dalawang buwan. May posibilidad na basahin ito ni Mr. Velasquez. At ikaw naman, Mariz, ikaw ang bahala sa report tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kumpanya.”“At ikaw naman, Ella…” Napahinto si Jasmine nang banggitin ang pangalan niya.Tumakbo sa kaniya isip ang insidente noong nasa Development Department pa si Ella—ang pagsampal niya sa kasamahan na mabilis na kumalat sa mga maliliit na grupo sa kumpanya. Kaya naman ang
Ang boses na iyon ay nagdulot ng pagtataka at pagbaling ng tingin ng tatlong iba pang tao sa opisina patungo sa kinatatayuan ni Ella. Biglang nahinto ang pag re-report ni Mariz. Dahilan upang tuluyang mabalot ng di-pangkaraniwang katahimikan ang paligid.Dahan-dahang humarap si Ella, pilit pinanatili ang isang simple at maaliwalas na ngiti, at direktang tiningnan ang malamig na mga mata ni Rico Velasquez.“Sir, mayroon po ba kayong ipag-uutos?”Sa unang pagtama ng malamig niyang mga mata sa mukha ni Ella, saglit na lumitaw ang bakas ng pagkabigla dito. Matapos ang ilang segundo ng pagkatulala, inilapag ni Rico ang tasa ng kape at nagsalita sa malamlam na boses. “Ikaw ba ang gumawa ng kape?”Ang tanong na ito ay parang tumama sa dibdib ni Jasmine Ortiz, na biglang nakaramdam ng pag-aalala. Dati, si Clay ang gumagawa ng kape, kaya naman inisip niyang baka hindi nagustuhan ni Rico ang gawa ni Ella ngayon. At dahil ayaw niyang mapagalitan si Ella sa unang pagkakataon nitong makaharap si R
Napansin ni Rico ang kanyang kilos bago nagsalita sa malinaw na boses, “Hindi mo ba gusto ang pagkain? Kung hindi mo gusto, mag-order ka pa ng iba.”Habang sinasabi iyon, handa na ito para tumawag ng waiter.Agad naman siyang pinigilan ni Ella, umiling at sinabing, “Ayos lang po. Siguro nagka-trangkaso lang ako nitong mga nakaraan. Medyo nasusuka ako at hindi makakain ng karne.”Sa loob ng dalawang araw, tila hindi niya matiis ang mamantikang pagkain. Siguro ay dahil ito sa biglaang pagbabago ng panahon. Mabuti na lang at hindi naman ito malala, kaya hindi niya masyadong inintindi.Bahagyang namang kumunot ang noo ni Rico, tinitigan siya ng ilang sandali nang tahimik, at saka tumawag ng waiter.“Pakihanda ng brown sugar ginger water. Huwang mong kalimutang tanggalin ang luya bago i-serve.”“Opo, sir,” sagot ng waiter sabay alis.Napatingin si Ella kay Rico, hiyang hiya dahil tila naabala pa niya ang boss niya.Mukhang nabasa naman ni Rico ang iniisip nito kaya't ngumiti nang bahagya.
Binuksan ni Rico ang bag ng gamot at nakita ang higit sa isang dosenang pregnancy test sticks sa loob. Napagtanto niya na binili ni Cedric ang lahat ng brand ng pregnancy test sticks mula sa mga botika malapit sa kanila."Sinigurado kong lahat ng posibleng pagpipilian ay narito," paliwanag nito.Tumingin si Ella sa mga pregnancy test sticks sa loob ng bag at nagtatakang nagtanong, "Kailangan ba talaga ng ganito karami?"Matapos silipin ni Rico ang laman ng bag, iniabot niya ang mga pregnancy test sticks kay Ella."Pumili ka ng ilan para subukan," sabi niya. "Nandoon ang lounge ko, may banyo sa loob."Pagkasabi nito, itinaas niya ang kanyang baba at itinuro ang secret door sa tabi ng bookshelf.Hinawakan ni Ella nang mahigpit ang tali ng bag habang nakatingin sa direksyong tinuro ni Rico. Tila nag-ipon siya ng lakas ng loob para maglakad papunta roon, ngunit nang dumampi ang kanyang kamay sa pinto, umatras siya, tumalikod, at muling tumingin kay Rico. Ayaw niyang mabuntis.Nakita ni Ri
“Magpakasal? You mean, magpapakasal… tayo? Ako at ikaw?" Bahagyang lumaki ang mga mata ni Ella, at nanginginig niyang itinuro si Rico, pagkatapos ay inilipat sa kaniyang sarili.Pakiramdam niya’y mali ang narinig niya.“Oo, papakasalan kita,” sagot ni Rico sa matibay na tono, may bahagyang ngiti sa kanyang malinaw na mga mata.Hindi agad nakapag-react si Ella at naibulalas ang iniisip niya, “Hindi ba dapat bigyan mo ako ng cheque at sabihan akong ipanganak ang bata, pero huwag nang magpakita sa mundo mo kahit kailan?"“Mukha ba akong ganoong klaseng tao?” Tanong ni Rico, tila naguguluhan. Pakiramdam niya, hindi naman niya ibinigay kay Ella ang ganitong impresyon.Awkward na napangiti si Ella, at naramdaman niyang sumiklab ang hiya sa kanyang puso. Paano niya sasabihing masyado siyang maraming nabasang mga nobelang tungkol sa mga mapangahas na CEO?“Balik tayo sa usapan. Tungkol sa kasal—kalimutan na lang natin. Ang isang kasal na nakatali dahil sa bata ay hindi magiging masaya.” Diret
Habang nakaupo sa kotse ni Rico, nakaramdam ng matinding pagkailang si Ella. Sa isip niya, may posibilidad na baka ito ang parehong kotse noong gabing iyon.Ngunit iba ang pagmamaneho ni Rico ngayon—mas mabagal, mas maingat, at halatang iniisip ang kapaligiran niya. Pakiramdam ni Ella, alam nito ang pinagmumulan ng kanyang pag-aalala.Ngumiti si Rico at tumingin sa kanya. “Hindi ito ang kotse na iyon.”Biglang nanigas ang katawan ni Ella at nagpanggap na hindi naintindihan ang sinabi nito. “Huh? Sorry, hindi ko gets,” aniya sabay kuha ng telepono, kunwari’y nag-check ng messages, kahit nasa home screen lang naman ito. Sa isip niya, basta piliin niyang kalimutan at itago ang nararamdaman, pwede siyang magpanggap na walang nangyari.Narinig naman niya ang mababang tawa ni Rico—isang mahina pero malinaw na tawa na tumagos sa maliit na espasyo ng sasakyan. Namula ang maputi niyang tainga at mabilis na iniwas ang tingin sa bintana, kunwari’y abala sa tanawin sa labas.Nang makarating sila
Nagbago nang bahagya ang ekspresyon ni Rico, ngunit agad niya itong napigilan at nagsalita sa mabagal na tono, "Dapat ba akong magpasalamat, Mrs. Velasquez?" Walang pinagkaiba ang tono niya sa dati, ngunit naramdaman ni Ella ang kakaibang panganib sa kanyang boses. Dahil may kinalaman ito sa kanilang kinabukasan, mas maiging maging maingat siya. "Gusto ko lang naman maging handa kung sakali. Saka, alam kong kailangan ko ang pera, pero ako ang may kasalanan kaya napipilitan ka ngayon sa sitwasyon natin. Kaya kung mag-aasawa ka na ng iba, baka maaari mong huwag kalimutan sustentuhan ang anak natin, kahit siya lang," tugon ni Ella. Halos mapatawa si Rico sa inis. Parang ang tingin ni Ella, responsibilidad lang ng pagiging ama ang kaya niyang akuin. "Ganoon ba ang tingin mo sa’kin? Kung ganun, aakuin ko na rin ang responsibilidad at obligasyon bilang asawa mo." "Ano? Hindi, hindi ko—" Napalawak ang mga mata ni Ella at pilit na naghanap ng tamang sagot. "Hindi natin mahal ang isa't
Mula sa bulsa ng mamahaling bistidang suot ni Lola Gina, marahan niyang hinugot ang isang kapirasong papel—kulubot na sa dami ng beses na marahil niyang hinawakan. Seryoso ang kanyang mukha habang inaayos ang salamin sa ilong, bago tumikhim nang malakas para makuha ang buong atensyon ng mag-asawa.“Oo, bilin! At kailangan mong sumunod, kundi, ako mismo ang magbabantay sa’yo araw-araw,” matapang na pahayag ni Lola Gina, sabay hampas ng papel sa kanyang palad para bigyang-diin ang kanyang babala.Nagkatinginan si Rico at Ella. Si Ella ay mariing napalunok, habang si Rico naman ay mukhang aliw na aliw sa nangyayari. Alam niyang hindi basta nagpapatawa si Lola Gina—seryoso ito pagdating sa mga ganitong bagay. Pero sa kabila ng lahat, hindi niya maiwasang mapangiti.“La, alam na namin ang gagawin. You have nothing to worry about. Saka, baka hindi kayanin ni Ella ang ganyang bantay-sarado. Masyadong strict,” aniya, nagtatago ng ngiti habang pasimpleng nililingon si Ella.“Tumigil ka, Rico,”
Habang nginunguya ang mansanas sa bibig, nangunot ang noo ni Ella nang mapansing may nanunuksong kislap sa mga mata ni Rico. Agad siyang nagduda. Kilala niya ang asawang ito—may binabalak na naman.Sa ilalim ng dapithapong langit, kung saan ang ginintuang sinag ng araw ay marahang bumabalot sa kanilang paligid, naramdaman niya ang init ng yakap ni Rico nang hinila siya nito palapit. Mahinang ihip ng hangin ang dumaan, bahagyang niyugyog ang mga dahon ng puno sa kanilang hardin, habang ang pabugso-bugsong awit ng mga ibon ay tila nag-aambag sa kanilang munting mundo ng katahimikan at kasiyahan.Pinayagan niyang sumandal ang ulo sa dibdib ng asawa, ramdam ang mahinang pagtaas-baba nito sa bawat paghinga. May kakaibang kapayapaang dala ang presensya ni Rico, ngunit sa sandaling ito, may halong kutob siyang nararamdaman—lalo na’t narinig niyang humagikgik ito bago biglang nagtanong.“Naalala mo ba kung paano tayo unang nagkita?” tanong nito, may bahagyang tawa sa tinig.Napakunot-noo si E
Tatlong araw na ang lumipas mula nang huling pumasok si Ella sa opisina para pormal na magpaalam at ipakilala ang sarili bilang asawa ni Rico. Sa kabila ng iba't ibang reaksyon ng mga empleyado, hindi niya malilimutan kung paano siya malugod na tinanggap ng secretarial department. Si Trixie nga ay agad na nagprisintang maging ninang ng kanyang anak, habang si Jasmine, sa kabila ng pagiging kalmado, ay ipinakita ang respeto at maingat na pakikitungo sa kanya. Hindi rin niya maitatanggi ang pasasalamat kay Jasmine sa pagiging mabuting kasamahan.Ilang beses na siyang naabutan ni Rico sa opisina, ngunit hindi ito nag-ingay tungkol sa kanilang relasyon. Tahimik lang, parang walang nangyari, pero alam niyang aware ito sa mga usap-usapan.Ngayon, nasa bahay na siya, at ramdam niya ang kakaibang katahimikan. Sanay siya sa maingay na mundo ng trabaho—mga meeting, tawag, at kung ano-anong inaasikaso. Pero ngayon? Tahimik. Walang deadlines, walang report na kailangang ipasa, at higit sa lahat,
Muli siyang napasinghap nang maramdaman ang palad ni Rico sa kanyang hita, banayad na hinahaplos ang balat niya habang ang mga halik nito ay bumaba pa lalo sa kanyang leeg. Hindi niya alam kung paano siya nakakapit pa sa lalaki—parang natutunaw siya sa init ng bawat pagdampi ng labi nito sa kanyang balat."You're so beautiful," bulong ni Rico habang hinahaplos ng hinlalaki niya ang kanyang panga. "And you're mine, Ella."Alam niyang dapat siyang magprotesta sa huling sinabi nito—pero paano, kung sa bawat paghawak nito sa kanya ay parang sumasang-ayon ang buong pagkatao niya?Dahan-dahang bumaba ang kanyang kamay, hinaplos ang matigas na dibdib nito sa ilalim ng mamahaling suit. Saglit na natigil ang paghinga ni Rico at tinitigan lang niya si Ella—nagniningning ang kanyang madilim na mga mata sa pagnanasa, paghanga, at isang mas malalim pang damdamin.Hindi niya na napigilan ang pagngiti. "What?"Ngumisi si Rico, hinagod ng hinlalaki niya ang kanyang pang ibabang labi. “You’re dangerou
Tahimik ang buong opisina, tanging ang bahagyang ugong ng air conditioning ang maririnig. Nakatayo pa rin si Ella sa harap ni Rico, ramdam pa rin sa kanyang balat ang init ng mga bisig nitong yumakap sa kanya kanina. Hindi niya alam kung ang tindi ng damdamin niya o ang lalim ng titig ni Rico ang nagpapahirap sa kanya para makagalaw.Ang lalaking ito… siya ang dahilan kung bakit nagbago ang mundo niya sa paraang hindi niya inakala.Mabagal ngunit sigurado ang kilos ni Rico nang lumapit ito sa kanya. Inabot nito ang kanyang pisngi, hinaplos iyon ng marahan gamit ang hinlalaki. Napapikit siya sa lambing ng dampi nito—parang hinuhubad ang lahat ng pangamba at pagdududa sa kanyang sistema."You’re mine, Ella. And I’ll make sure you feel it every single day," bulong ni Rico, malalim at puno ng pangako.Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit niyang labi sa kanyang noo—hindi minadali, hindi pabigla. Isang halik na puno ng kasiguruhan, isang halik na nagsasabing pag-aari na siya nito, at
Sa kabila ng malalakas na palakpak na umaalingawngaw sa buong hall, hindi pa rin mapigilan ni Ella ang pangangatal ng kanyang dibdib. Hindi ito dahil sa kaba o takot—kundi dahil sa bigat ng bagong realidad na ngayon ay hindi na niya matatakasan.Mula sa entablado, tanaw niya ang samu’t saring reaksyon ng mga empleyado. May mga tapat na natuwa, gaya nina Trixie at iba pang kasamahan niya sa secretarial office, na nakangiti habang pumapalakpak. May ilan namang nakakunot-noo, tila hindi pa rin makapaniwala. At syempre, may mga matang nag-uusisa, nagtatantiya kung sino nga ba talaga siya sa buhay ni Rico.Ang lahat ng ito ay parang malabong tunog sa kanyang pandinig, ngunit ang tanging naririnig niya nang malinaw ay ang mahihinang tibok ng kanyang puso—paulit-ulit, bumibilis.“Thank you for your time,” muling sabi ni Rico, walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses. At bago pa niya maiproseso ang susunod na nangyari, marahang hinila siya ng asawa pababa ng entablado. Mahigpit ang hawak nito
Pagsapit ng umaga, nagising si Ella sa banayad na dampi ng mga labi ni Rico sa kanyang noo. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at bumungad sa kanya ang maamong mukha nito—nakangiti, ngunit may bakas ng pananabik sa mga mata."Good morning, love," bulong ni Rico bago muling dampian ng halik ang kanyang noo. "Are you ready?"Bahagyang nag-inat si Ella at huminga nang malalim. "Wala na akong choice, ‘di ba?"Napangiti si Rico, sinakop ng init at saya ang kanyang mukha. "Lagi kang may choice, Ella. But this time, you chose to stand beside me."Hindi siya agad nakasagot. Sa halip, hinaplos niya ang kanyang tiyan, ramdam ang mahinang galaw ng kanilang anak sa loob. Kahapon, sigurado na siya. Pero ngayong nandito na ang sandali, hindi niya maiwasang makaramdam ng bahagyang kaba.Naupo siya sa kama, habang si Rico naman ay maingat na lumuhod sa harapan niya, hinawakan ang kanyang mga kamay. "You're not alone in this, Ella," malambing na sabi nito. "Whatever happens, I'm right here. We face t
Isang mahinang pagkatok ang pumukaw sa kanyang pansin. Bumuntong-hininga siya bago tumayo at binuksan ang pinto.Si Rico.Nakatayo ito sa harapan niya, suot pa rin ang kanyang puting dress shirt na bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones. Mula sa ekspresyon nito, halatang alam na niyang gising pa si Ella at hinihintay siya.Walang salitang dumaan sa pagitan nila sa loob ng ilang segundo. Tila binabasa ni Rico ang kanyang mukha, naghahanap ng kahit anong bahid ng pangamba o pag-aalinlangan. Pero wala siyang makikita.Ella stepped aside, giving him silent permission to come in.Pagkasara ng pinto, marahan siyang lumapit kay Ella at hinaplos ang kanyang pisngi. "You're thinking too much again," bulong nito.Napangiti siya, kahit may bahagyang lungkot sa kanyang mga mata. "Paano ba hindi mag-isip kung alam mong malapit nang magbago ang lahat?"Hinila siya ni Rico papalapit, ipinatong ang kanyang baba sa tuktok ng ulo nito habang marahang hinihimas ang kanyang likod. "Change isn't a
Kahit pa gaano kalihim sina Rico at Ella sa relasyon nila, hindi na napigilan ang paglaganap ng tsismis sa buong building. Mabilis na kumalat ang bulungan—sa bawat departamento, bawat mesa, at kahit sa pantry kung saan ang mga empleyado ay kunwaring nagkakape pero palihim na nag-uusap tungkol sa “asawa” ni President Velasquez na bumisita kanina.“Buntis daw ‘yung babae,” bulong ng isang secretary habang nilalagyan ng gatas ang kanyang kape. “At ang sabi, nutritionist siya?”“Nutritionist pero parang donya kung umasta?” sagot naman ng isa, sinabayan pa ng bahagyang pagtaas ng kilay. “Kita mo ba ‘yung suot niya? Hindi naman pang-nutritionist ‘yun.”Sa kabilang panig ng opisina, dalawang empleyado naman ang palihim na nag-uusap habang inaayos ang mga dokumento sa file cabinet.“Ikaw ba, naniniwala kang hindi niya asawa ‘yun? Kita mo naman kung paano siya tiningnan ni Pres kanina.”“At si Mr. Salcedo pa ang nagsabi! Kung totoo ‘yung hinala niya, ibig sabihin, matagal nang kasal si Sir Ric