Napansin ni Rico ang kanyang kilos bago nagsalita sa malinaw na boses, “Hindi mo ba gusto ang pagkain? Kung hindi mo gusto, mag-order ka pa ng iba.”
Habang sinasabi iyon, handa na ito para tumawag ng waiter. Agad naman siyang pinigilan ni Ella, umiling at sinabing, “Ayos lang po. Siguro nagka-trangkaso lang ako nitong mga nakaraan. Medyo nasusuka ako at hindi makakain ng karne.” Sa loob ng dalawang araw, tila hindi niya matiis ang mamantikang pagkain. Siguro ay dahil ito sa biglaang pagbabago ng panahon. Mabuti na lang at hindi naman ito malala, kaya hindi niya masyadong inintindi. Bahagyang namang kumunot ang noo ni Rico, tinitigan siya ng ilang sandali nang tahimik, at saka tumawag ng waiter. “Pakihanda ng brown sugar ginger water. Huwang mong kalimutang tanggalin ang luya bago i-serve.” “Opo, sir,” sagot ng waiter sabay alis. Napatingin si Ella kay Rico, hiyang hiya dahil tila naabala pa niya ang boss niya. Mukhang nabasa naman ni Rico ang iniisip nito kaya't ngumiti nang bahagya. “Ang kalusugan ang puhunan sa trabaho. Kung bumagsak ka, sino ang gagawa ng trabaho mo?” Nawala ang pagkabalisa ni Ella, pero nagpapasalamat pa rin siya sa pagiging maasikaso ni Rico. “Huwag kang mag-alala, sir, magtatrabaho po ako nang husto para sa Velasquez Group hanggang sa aking huling hininga. Hindi ko po kayo bibiguin.” Habang sinasabi ito, halata ang pagkalma niya. Umuuli naman sa malalim na mga mata ni Rico ang isang ngiti. Talagang masaya siyang asarin si Ella ngayon. “Kalma lang. Huwag mo nang isama ang hanggang kamatayan. Trabaho lang nang mabuti.” “S—sige po.” Ang pagkain nilang iyon ay hindi naging mabigat o awkward gaya ng inaakala ni Ella. Sa halip, tila mas napalapit sila sa isa’t isa. Pagbalik sa opisina, may sampung minuto pa bago magsimula ang trabaho. Kailangan niyang maghanda ng notes para sa meeting sa hapon, kaya nagdala siya ng tasa papunta sa tea room para gumawa muna ng honey water. Pagka-buhos pa lang niya ng honey sa tasa, biglang sumiklab muli ang hindi komportableng pakiramdam sa kanyang tiyan. Bago pa siya makakilos, naramdaman niya ang pag-akyat ng kung ano sa kaniyang sikmura. Yumuko siya, at napaiyak habang nagtatangkang pigilan ito. Matapos masuka ng dalawang beses, napansin ni Ella ang isang tisyu at butuhang kamay na iniaabot sa kanya. Bahagyang lumitaw ang mga ugat dito, na tila kakaiba ang ganda. Napatingin siya pataas, at sa kabila ng malabong imahe ng lalaki sa kanyang paningin, alam niyang si Rico ito. Ngunit hindi gaanong malinaw ang mukha ng lalaki sa usok ng tea room. Ang matitigas na anggulo nito’y tila nagtatago sa dilim ng gabi. Isang kakaibang pakiramdam ng pagiging pamilyar ang naramdaman niya. Bahagya siyang nahiya dahil dalawang beses siyang nakita ng kaniyang boss sa ganitong sitwasyon sa loob ng isang araw. Kinuha ni Ella ang tisyu mula sa kanyang kamay at pinunasan ang gilid ng kanyang bibig. Bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang boses nito malapit sa kanyang tainga, at tila sumabog ang kanyang ulo sa kaba. “Hindi ka kaya… buntis?” tanong ni Rico na bahagyang nag-aalinlangan, walang ekspresyon sa kanyang mukha, ngunit bahagyang kumunot ang kanyang noo. Ang pagsusuka nang paulit-ulit sa isang araw ay maaaring hindi simpleng trangkaso lamang. Napako si Ella sa kinatatayuan, nanlaki ang mga mata, at unti-unting lumitaw ang takot sa kanyang paningin habang naaalala ang hindi kapani-paniwalang nangyari noong gabing iyong dalawang buwan na ang nakalipas. Pero, nasisiguro naman niyang uminom siya ng gamot pagkatapos nun! Pinutol ni Rico ang pagkatulala niya para mag salita. Dahan-dahan, napunta ang tingin nito sa flat na tiyan ni Ella, at medyo seryoso ang boses nang tanungin, “Gaano na katagal mula noong huli kang dinatnan?” “Ha? Ahm- Hindi po, uminom naman ako ng—” Naputol ang sinasabi niya nang ma-realize niyang nasa harap niya ang boss niya. Agad siyang tumahimik, ngunit halata ang pagkunot ng noo. Bakit nga ba kailangan niyang magpaliwanag dito? Nabasa naman agad ni Rico ang iniisip ni Ella. Bahagya siyang napailing. Noong gabing iyon, nagawa pa nitong pilitin siya nang hindi man lang siya nakikilala. Sobrang tapang pero hindi iniisip ang magiging resulta. Nanahimik ang tea room. Makalipas ang ilang sandali, binalot ng mabigat na atmosphere ang paligid habang nagsalita si Rico nang mabagal, “Hindi mo ba naaalala kung sino ang tumulong sa’yo noong gabing iyon?” Biglang nanigas ang katawan ni Ella. Napatingala siya sa gulat, tumingin nang diretso sa mahinahong mga mata ng lalaki. Kumalabog ang baso sa kanyang kamay, at nabasag ito sa sahig dahilan upang magkalat ang pira-pirasong bubog. Siya ba ang lalaking nasa kotse noong gabing iyon??? Sa mga sandaling iyon, pakiramdam niya’y kinakagat ang kanyang puso ng libu-libong langgam. Halos huminto ang pintig ng kanyang dibdib. Bumaba ang tingin ni Rico sa nagkalat na pira-pirasong bubog sa sahig. Inabot nito ang mahabang braso at niyakap ang manipis na baywang ng babae. Napasigaw si Ella sa gulat, pero buhat siya nito gamit ang isang kamay, inilayo mula sa kalat sa sahig, at maingat siyang ibinaba sa isang ligtas na lugar. “Pumunta ka muna sa opisina ko. Aayusin ko ito. Pag-uusapan natin ang iba mamaya.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, hinaplos niya ang magulo nitong buhok at itinuro ang pinto gamit ang kanyang baba bilang hudyat na lumabas na ito. Nanatili si Ella sa kinatatayuan, tulala, bago tumalima na parang naengkanto. Pumunta siya sa opisina nito na parang zombie, umupo nang maayos sa sofa, at nag-isip. Kaya pala pamilyar ang boses niya. Kaya pala inimbita niya ako sa pagkain. At kaya pala ganito ang reaksyon niya sa pagsusuka ko. Hindi siya makapaniwala. Siya pala ang lalaking pilit niyang pinagsamantalahan noong gabing iyon? Sa puntong iyon, naramdaman niyang parang nalalapit na ang katapusan ng buhay niya. Kung nagawa niyang pagsamantalahan ang boss niya, baka hindi na niya makita ang araw kinabukasan! At sa totoo lang, hindi pa siya dinatnan sa loob ng dalawang buwan. Madalas siyang irregular kaya hindi niya ito napansin. Napatingin siya sa kanyang tiyan, natatakot na baka may bata nga sa loob. Paano niya bubuhayin ang isang bata kung wala siyang pera? Samantala, pinatawag ni Rico ang cleaning lady para ayusin ang tea room. Pagkatapos, tumawag sa kaniyang Assistant na si Cedric Danceco. “Boss,” sagot ni Cedric. “Kailangan ko ng pregnancy test kit. Dalhin mo agad rito sa opisina. Maghanda ka na rin ng prenuptial agreement,” malamig na utos ni Rico. Natigilan si Cedric sa kabilang linya. Ilang sandali bago ito nakapagsalita ulit. “Ano po ang pangalan ng babae?” “Ang bagong sekretarya, si Ella Gatchalian,” sagot ni Rico. Nanahimik ulit si Cedric bago nagtanong, “Kailangan po bang manatiling lihim ito?” “Sa ngayon, oo,” sagot ni Rico habang nakatingin sa matataas na gusali sa labas ng salamin. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Ella, kaya mas mabuting panatilihing pribado ito. “Sige po, gagawin ko agad,” sagot ni Cedric. Pagkababa ng tawag, isinilid ni Rico ang isang kamay sa kanyang bulsa at tumitig sa bintana. Bumalik sa isip niya ang absurdong nangyari sa loob ng kotse noong gabing iyon, at tila naririnig pa niya ang mahihinang ungol sa kanyang alaala. Makalipas ang ilang minuto, bumalik siya sa tea room, gumawa ng panibagong tasa ng honey water, at dinala ito sa opisina.Binuksan ni Rico ang bag ng gamot at nakita ang higit sa isang dosenang pregnancy test sticks sa loob. Napagtanto niya na binili ni Cedric ang lahat ng brand ng pregnancy test sticks mula sa mga botika malapit sa kanila."Sinigurado kong lahat ng posibleng pagpipilian ay narito," paliwanag nito.Tumingin si Ella sa mga pregnancy test sticks sa loob ng bag at nagtatakang nagtanong, "Kailangan ba talaga ng ganito karami?"Matapos silipin ni Rico ang laman ng bag, iniabot niya ang mga pregnancy test sticks kay Ella."Pumili ka ng ilan para subukan," sabi niya. "Nandoon ang lounge ko, may banyo sa loob."Pagkasabi nito, itinaas niya ang kanyang baba at itinuro ang secret door sa tabi ng bookshelf.Hinawakan ni Ella nang mahigpit ang tali ng bag habang nakatingin sa direksyong tinuro ni Rico. Tila nag-ipon siya ng lakas ng loob para maglakad papunta roon, ngunit nang dumampi ang kanyang kamay sa pinto, umatras siya, tumalikod, at muling tumingin kay Rico. Ayaw niyang mabuntis.Nakita ni Ri
“Magpakasal? You mean, magpapakasal… tayo? Ako at ikaw?" Bahagyang lumaki ang mga mata ni Ella, at nanginginig niyang itinuro si Rico, pagkatapos ay inilipat sa kaniyang sarili.Pakiramdam niya’y mali ang narinig niya.“Oo, papakasalan kita,” sagot ni Rico sa matibay na tono, may bahagyang ngiti sa kanyang malinaw na mga mata.Hindi agad nakapag-react si Ella at naibulalas ang iniisip niya, “Hindi ba dapat bigyan mo ako ng cheque at sabihan akong ipanganak ang bata, pero huwag nang magpakita sa mundo mo kahit kailan?"“Mukha ba akong ganoong klaseng tao?” Tanong ni Rico, tila naguguluhan. Pakiramdam niya, hindi naman niya ibinigay kay Ella ang ganitong impresyon.Awkward na napangiti si Ella, at naramdaman niyang sumiklab ang hiya sa kanyang puso. Paano niya sasabihing masyado siyang maraming nabasang mga nobelang tungkol sa mga mapangahas na CEO?“Balik tayo sa usapan. Tungkol sa kasal—kalimutan na lang natin. Ang isang kasal na nakatali dahil sa bata ay hindi magiging masaya.” Diret
Habang nakaupo sa kotse ni Rico, nakaramdam ng matinding pagkailang si Ella. Sa isip niya, may posibilidad na baka ito ang parehong kotse noong gabing iyon.Ngunit iba ang pagmamaneho ni Rico ngayon—mas mabagal, mas maingat, at halatang iniisip ang kapaligiran niya. Pakiramdam ni Ella, alam nito ang pinagmumulan ng kanyang pag-aalala.Ngumiti si Rico at tumingin sa kanya. “Hindi ito ang kotse na iyon.”Biglang nanigas ang katawan ni Ella at nagpanggap na hindi naintindihan ang sinabi nito. “Huh? Sorry, hindi ko gets,” aniya sabay kuha ng telepono, kunwari’y nag-check ng messages, kahit nasa home screen lang naman ito. Sa isip niya, basta piliin niyang kalimutan at itago ang nararamdaman, pwede siyang magpanggap na walang nangyari.Narinig naman niya ang mababang tawa ni Rico—isang mahina pero malinaw na tawa na tumagos sa maliit na espasyo ng sasakyan. Namula ang maputi niyang tainga at mabilis na iniwas ang tingin sa bintana, kunwari’y abala sa tanawin sa labas.Nang makarating sila
Nagbago nang bahagya ang ekspresyon ni Rico, ngunit agad niya itong napigilan at nagsalita sa mabagal na tono, "Dapat ba akong magpasalamat, Mrs. Velasquez?" Walang pinagkaiba ang tono niya sa dati, ngunit naramdaman ni Ella ang kakaibang panganib sa kanyang boses. Dahil may kinalaman ito sa kanilang kinabukasan, mas maiging maging maingat siya. "Gusto ko lang naman maging handa kung sakali. Saka, alam kong kailangan ko ang pera, pero ako ang may kasalanan kaya napipilitan ka ngayon sa sitwasyon natin. Kaya kung mag-aasawa ka na ng iba, baka maaari mong huwag kalimutan sustentuhan ang anak natin, kahit siya lang," tugon ni Ella. Halos mapatawa si Rico sa inis. Parang ang tingin ni Ella, responsibilidad lang ng pagiging ama ang kaya niyang akuin. "Ganoon ba ang tingin mo sa’kin? Kung ganun, aakuin ko na rin ang responsibilidad at obligasyon bilang asawa mo." "Ano? Hindi, hindi ko—" Napalawak ang mga mata ni Ella at pilit na naghanap ng tamang sagot. "Hindi natin mahal ang isa't
Nakatayo si Rico sa pintuan, bahagyang pinakikiramdaman ang loob. Sa huli, binuksan na niya ang pintuan ng ward. Gulat at sabay na tumingin kay Rico si Ginang Gina Velasquez at si Yaya Mila. Agad namang nilunok ng matanda ang lugaw sa kanyang bibig, habang inilapag naman ng katulong ang mangkok sa maliit na mesa. Nagkatinginan ang dalawa, halatang bihasa na sila sa pagpapanggap sa harap ni Rico. "Aray! Ang sakit ng puso ko! Ang sakit!” Agad na nagkunwaring may sakit si Ginang Gina. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at umarte na may kirot. "Madam, ayos lang po ba kayo? Tatawag po ako ng doktor para sa inyo," sabi ni Yaya Mila na kunwaring nag-aalala at dali-daling lumapit. Habang nag-aarte, sinulyapan ng matanda si Rico at nagsalita nang may lungkot, "Ayos lang ako, lumala lang ang luma kong karamdaman. Kung makikita ko lang si Rico na magpakasal at magka-anak bago ako mawala, mamamatay akong walang pagsisisi!" Magaling ang pagtatambalan ng dalawa, pero si Rico ay nanatiling wala
Kinabukasan, tumunog nang eksakto ang alarm ng cellphone sa tabi ng kama. Nakapikit pa rin si Ella habang kinakapa ito. Nang mahawakan ang screen, agad niyang pinatay ang alarm gamit ang muscle memory saka tumagilid at bumalik sa pagtulog nang payapa.Pagkalipas ng ilang sandali, may narinig siyang kakaibang tunog sa tahimik na kwarto. Biglang dumilat si Ella. Sa kabila ng antok, malinaw ang kanyang mga mata na may bahid ng kaba.Napatalon siya mula sa kama, kinuha ang cellphone sa tabi, at tiningnan ang oras. Alas-nuwebe na ng umaga.Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi—pabalik-balik ang kanyang pag-ikot sa kama at naidlip lang nang saglit. Kung dati ay sinusunod na lang niya ang kaniyang body clock, kagabi ay kinailangan pa niyang mag-set ng alarm. Pero nabalewala rin naman ito.Habang chine-check ang mga mensahe sa cellphone, napansin niyang may bagong pangalan sa kaniyang friend list. Tahimik na naka-add doon ang pangalan ni Rico. Friend request iyon na naipadala ng hatinggabi.
Ang sasakyan ay pumasok sa Shallow Water Bay. Sa paligid, puro mga single-family villa ang tanawin. Napakataas ng vegetation coverage; maraming puno, malamig ang lilim, at kakaiba ang ganda. Para itong isang paraiso na malayo sa ingay ng siyudad.Ang Shallow Water Bay ay kilalang lugar para sa mga mayayaman. Matatagpuan ito sa labas ng abalang business district at karaniwang tirahan ng mga negosyanteng gumagastos nang marangya kapag nasa trabaho.Dito tuluyang naliwanagan si Ella na ang lalaking pinakasalan niya ay talagang mayaman.Hanggang sa makarating ang sasakyan sa underground garage ng villa, unti-unti nang nanlumo si Ella. Sa dami ng mamahaling sasakyan, halos hindi na siya makahinga sa dami ng klase. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit palaging iba-iba ang kotse na ginagamit ni Rico. Ang mga kotse niya nitong mga nakaraang araw ay hindi rin pare-pareho.Binuksan ni Rico ang trunk at kinuha ang mga bagahe. Nang mapansing nakatitig si Ella sa mga kotse, tinanong niya, “Malaki
Para bang tinamaan ng kidlat si Ella. Hindi niya maitago ang gulat sa kanyang mukha. Sa huli, ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata at dinampot ang gamot at baso ng tubig. Ngunit nang ilang sentimetro na lang ang layo niya rito, hindi pa rin niya magawang inumin. Nakikita pa lamang ay parang nalalasap na niya sa kanyang dila ang mapait na lasa nito, dahilan para mapaatras siya nang hindi sinasadya.“May kendi ka ba?” tanong niya.“Wala, pero may rock sugar dito sa bahay. Gusto mo ba?” sagot ni Rico na bahagyang nagulat. Hindi niya inaasahang ganito kalaki ang takot ni Ella sa gamot. Wala talagang kendi sa bahay dahil hindi siya mahilig sa matatamis.“Hindi na,” sagot ni Ella habang umiiling. Hindi niya gusto ang rock sugar dahil mahirap nguyain.Nang makita ni Rico na ayaw na talagang inumin ni Ella ang gamot, malalim siyang napabuntong-hininga. “Mamaya mo na inumin. Isasama kita sa supermarket para bumili ng candy.”Magaan ang tono niya, pero kung pakikinggan nang mabuti, may ba
Sa Silid ng Ospital, nakatayo sina Ella at Rico sa harap ng kama ni Christy, ang ina ni Ella. Magkahawak-kamay ang dalawa, at kahit halatang may karamdaman si Christy, bakas pa rin sa kanyang mga mata ang kasiyahan. Sa isip niya, tunay ngang nakakamangha ang lalaking nakuha ng kanyang anak. Ang maayos nitong hitsura at perpektong postura ay bagay na bagay sa kagandahan ni Ella."Hello po, Mrs. Gatchalian. Ako po si Rico, 29 taong gulang. CEO ng Velasquez Group. May simpleng pamilya, walang bisyo, may bahay, kotse, at ipon." Bahagyang yumuko si Rico. Bagama't maayos ang kanyang tindig, halata ang tensyon sa kanyang mukha, at mabilis ang tibok ng puso niya.Habang sinasabi ang mga salitang iyon, napaisip si Rico kung bakit parang awkward itong pakinggan. Mukhang nasayang yata ang oras na ginugol niya kagabi sa paghahanap online ng "paano ma-impress ang biyenan."Pinipigilan naman ni Ella ang mapatawa. Ngayon lang niya nakita si Rico na kinakabahan. Samantalang sa opisina, kalmado at maa
Tinitigan ni Ella ang malamig ngunit kalmadong mga mata ni Rico. Alam niyang hindi ito naaakit sa kanya—sigurado siyang isa na naman ito sa mga pang-aasar nito.Kaya’t hindi siya maaaring magpatalo. Kailangan niyang makaganti, kahit na sa maliliit na paraan lamang. "Ang utak mo, puro kalokohan. Napagod lang ako, okay? Gusto ko lang umupo nang sandali," sagot ni Ella, pilit pinapanatili ang kanyang composure.Mabagal siyang bumaba mula sa mesa, kunwaring kalmado, at kunwari'y maglalakad palabas ng opisina.Napatawa naman si Rico. Ang kanyang tawa ay mababa at bahagyang paos, may halo pang init na tila nang-aakit. "Uminom ka muna ng gamot bago ka umalis," aniya.Huminto si Ella sa paghakbang. Tila bumalot ang lamig sa kanyang likuran. Napabuntong-hininga siya at naupo sa mesa malapit sa French window. Binuksan niya ang takip ng water tumbler ni Rico, kinuha ang baso, at siya na mismo ang nagsalin ng tubig.Paglingon niya, napansin niya ang bukas na kendinsa lamesa. Sanay na siya sa rout
“Wala akong sinabing ganyan,” sabi ni Ella habang umiinom ng gatas. Napalibutan ng manipis na puting linya ang kanyang mga labi, at hindi sinasadyang dinilaan niya ito. Nagdilim ang mga mata ni Rico habang lihim siyang napalunok. Uminom siya ng kape, sabay kuha ng pahayagan, at nagkunwaring nagbabasa muli, ngunit wala ni isang salita ang pumasok sa isip niya. Pagkatapos ng almusal, sabay silang lumabas ng bahay upang pumasok sa trabaho. Habang sinusundan ni Ella si Rico papunta sa underground garage, natigilan siya sa harap ng garahe at napako sa kanyang kinatatayuan. Sino ang makakapagsabi kung bakit isang kotse na lang ang natira sa garahe? At masaklap pa, ito ang huling sasakyang nais niyang sakyan. “Nasaan ang mga kotse?” tanong ni Ella habang mabilis na tumingin-tingin sa paligid. Ang umaasa niyang tingin ay biglang nadurog nang mapagtantong wala na ang ibang sasakyan. Binuksan ni Rico ang passenger door ng natitirang kotse at may mapanuksong ngiti sa mga labi. “Pinadala ko
Namuo ang pawis sa noo ni Melord habang halinhinang tinitingnan ang mag-asawa. Bigla niyang naalala ang mga pinagsasabi niya kay Ella kanina. Ang lakas pa ng loob niyang tanungin si Rico na ilipat ang asawa nito sa kumpanya niya. Ngayon lang niya napagtanto na may ibang kahulugan pala ang pagsusungit ni Rico sa kanya kanina.Ayon sa pagkakakilala niya kay Rico, hindi ito basta-basta nagbibigay ng pabor, lalo na kung walang dahilan. Habang binabalikan niya ang mga sinabi at ginawa niya, nararamdaman niyang baka maghiganti ito mamaya.Subalit inisip niya na wala naman siyang ginawang masama. Kung alam lang niya na asawa ito ng kaibigan niya, tiyak napigilan niya ang sarili.Matapang siyang lumapit sa dalawa, dala ang pilit na matamis na ngiti.“Pasensya na, sister-in-law. Puwede bang kalimutan mo na lang ‘yung sinabi ko kanina? Alam mo naman, minsan hindi ko mapigilan ang bibig ko. Kaya, peace?”Si Ella, na matagal nang sanay sa pakikisalamuha sa mundo ng negosyo, ay nakarinig na ng mas
Nang sumapit ang dapit-hapon, unti-unting lumambot ang sikat ng araw, nagiging banayad at mainit sa paligid. Isang mapusyaw na pink na Ferrari ang pumasok sa underground garage ng Velasquez Group. Mula rito, bumaba ang isang matangkad na lalaki—may malapad na pangangatawan, kayumangging balat, at pilak na buhok na agaw-pansin lalo na’t naka-light pink na polo siya.“Humanda ka sa’kin ngayon, Rico,” mahina niyang sambit habang diretso siyang pumasok sa elevator patungo sa pinakamataas na palapag.Hindi nakadalo si Rico sa kanilang salu-salo kagabi, kaya nagdesisyon si Melord na personal itong puntahan upang tanungin kung kailan nila makikilala ang misteryosang Mrs. Velasquez.Paglabas pa lang ni Melord sa elevator, bago pa man siya makarating sa opisina ng mga sekretarya, agad nang napansin ng karamihan ang kanyang presensya. Ang aura niya’y tila hindi maaaring balewalain. Agad siyang sinalubong ni Clay, ang senior secretary ng kumpanya."Mr. Chavez, nasa meeting pa po si Mr. Velasquez
Pagdating ni Ella sa kumpanya, nakaupo na ang lahat ng mga sekretarya sa kanilang mga pwesto. Kaya naman thimik na pumasok si Ella sa kanyang workstation at naupo, nakatingin sa itim na screen ng computer, naghihintay kay Rico na dumating.Ilang minuto lang ang lumipas nang bumukas ang pinto ng elevator mula sa malayo, at isang matangkad na lalaki ang naglakad papalapit. Habang dumadaan siya, napansin ni Rico si Ella, na tila kabadong-kabado. Nang makita ni Ella ang anino ni Rico mula sa gilid ng kanyang mata, pinilit niyang bawasan ang kanyang presensya, ikinubli ag sarili sa kaharap na monitor ngunit pasimple paring sumusulyap.Matapos magluto ni Rico ng pagkain para sa kanya kaninang umaga, tinanggihan ni Ella ang alok nito na isama siya sa kotse papuntang trabaho. Gayunpaman, dahil sa pag-aalala ni Rico, hindi siya nito pinayagan. Ngunit dahil hindi madaling magpatinag si Ella, wala rin siyang nagawa sa huli. Pinili nalang niyang sundan ang mabagal na pagmamaneho nito hanggang sa
Pagkagising, dinampot ni Ella ang telepono sa tabi ng kama at tumingin dito. Nagising siya nang higit kalahating oras na mas maaga kaysa sa karaniwan. Mula nang manirahan siya rito, hindi siya makatulog nang maayos sa gabi. Ngunit sa kabila nito, tila nahuhumaling siya sa lambot ng kama.Malapit lang naman ang Repulse Bay sa kumpanya, ngunit naalala niyang nagpaalam si Manang Merry, kaya naisip niyang bumangon na at mag-ayos. Isinuot niya ang isang crescent-shaped na puting damit na may tulle na disenyo at may mga perlas na nakapalibot sa neckline. Malinis at dalisay ang dating ng damit, at ang laylayan nito ay umaalon sa taas lamang ng kanyang mga bukung-bukong.Pagpasok sa kusina, binuksan ni Ella ang refrigerator at tiningnan ang mga frozen food. Napansin niyang napakarami nito. Marahil ay nag-imbak si Manang Merry, natatakot na wala silang oras para magluto. Mayroong maliliit na wonton, dumpling, at iba pang tinapay na handang i-steam o iprito.Nagpakulo si Ella ng tubig para sa
Naalarma si Ella habang pigil-hiningang pinagmamasdan si Rico. Sa sobrang pagkabahala niya, nakalimutan na niyang kumilos nang naaayon. Ni hindi niya ginagamit ang sariling chopsticks sa pagkuha ng pagkain pag kaharap ang mayayamang tao, gaya sa trabaho. Ngunit ngayon, sa harap pa ng boss niya nalimutan.Habang hindi siya mapakali, nanatiling kalmado si Rico. Walang anumang pagbabago sa ekspresyon nito. Wari’y hindi man lang nito napansin ang pagkakamali ni Ella. Kalma niyang kinuha ang cola chicken wing gamit ang sariling chopsticks at kinain ito nang walang alinlangan.Sa tagpong iyon, lihim na napabuntong-hininga si Ella. Ibinalik niya ang chopsticks na kanina’y nakabitin sa ere at nagpatuloy sa pagkain. Ngunit sa pagbaba ng kanyang tingin, hindi niya napansin ang saglit na pagkakapako ng malamig na mata ni Rico sa kanyang mukha. May bahagyang kislap sa mga mata nito—isang emosyon na mabilis ding naglaho.Pagkatapos ng hapunan, masiglang nagligpit si Ella ng mga pinagkainan. Inilag
Ipinarada ni Ella ang sasakyan sa underground garage. Ang ibang mga brand ay masyadong kapansin-pansin, kaya pinili niya ang pinakamurang modelo ng Mercedes mula sa hanay ng mga mamahaling kotse. Pagkatapos niyang iparada, biglang may narinig siyang katok sa bintana ng sasakyan. Tumingala siya at nakita ang isang lalaking kumakatok gamit ang mga daliri. Mukhang kaswal at walang bahid ng kahit anong emosyon ang ekspresyon nito, ngunit hindi inaalis ang tingin ng mga mata nito sa kanya. Binuksan ni Rico ang pintuan ng kotse at bahagyang ngumiti ang manipis na labi. “Baba ka na.”“Bakit ka nandito sa underground garage?” tanong ni Ella habang inilalabas ang susi ng kotse, may bahagyang pagtataka sa mukha.Isinara ni Rico ang pintuan gamit ang isang kamay bago lumapit sa kanya. “Hinintay kitang umuwi,” sagot nito, na parang normal lang ang tono.Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Ella. Nang sabihin nitong maghihintay siya sa telepono, akala niya’y sa hapag-kainan siya nito aantayin, ngu