“Magpakasal? You mean, magpapakasal… tayo? Ako at ikaw?" Bahagyang lumaki ang mga mata ni Ella, at nanginginig niyang itinuro si Rico, pagkatapos ay inilipat sa kaniyang sarili.
Pakiramdam niya’y mali ang narinig niya.
“Oo, papakasalan kita,” sagot ni Rico sa matibay na tono, may bahagyang ngiti sa kanyang malinaw na mga mata.
Hindi agad nakapag-react si Ella at naibulalas ang iniisip niya, “Hindi ba dapat bigyan mo ako ng cheque at sabihan akong ipanganak ang bata, pero huwag nang magpakita sa mundo mo kahit kailan?"
“Mukha ba akong ganoong klaseng tao?” Tanong ni Rico, tila naguguluhan. Pakiramdam niya, hindi naman niya ibinigay kay Ella ang ganitong impresyon.
Awkward na napangiti si Ella, at naramdaman niyang sumiklab ang hiya sa kanyang puso. Paano niya sasabihing masyado siyang maraming nabasang mga nobelang tungkol sa mga mapangahas na CEO?
“Balik tayo sa usapan. Tungkol sa kasal—kalimutan na lang natin. Ang isang kasal na nakatali dahil sa bata ay hindi magiging masaya.” Diretsahang sabi niya. Hindi mali sa kanyang pananaw na ang kasal para lamang sa bata ay hindi tama.
Ang pagpunta sa ospital ang pinakamainam na opsyon dahil wala siyang nararamdamang koneksyon sa bata sa kanyang sinapupunan.
Nang makita ni Rico na binago ni Ella ang paksa, hindi na niya pinansin ang hiya sa mukha nito, at kalmado niyang sinabi, “Handa ka bang ipalaglag siya? Ayaw mo bang makita niya ang mundo?”
Pagkatapos ng mga salitang iyon, tahimik ang opisina sa loob ng ilang saglit.
Tiningnan ni Ella ang kanyang tiyan na wala pang ipinapakitang pagbabago, pinag-isipan ang kanyang mga salita, at sa huli, sinabi nang dahan-dahan, “Inaamin ko na ang pagbubuntis sa kanya ay isang aksidente, at hindi ito patas para sa kanya. And I know that killing him is being selfish of me, pero hindi ibig sabihin na kailangan niyang maging pabigat ko habang buhay.”
“I'm willing to offer you marriage for him, at handa rin akong baguhin ang kinabukasan ko para sa kanya. Ella, hindi rin ito patas para sa akin,” sambit ni Rico. Klaro ang isip niya at hindi siya nadadala ng ilang emosyonal na salita. Siya ay isang independiyenteng tao at hindi dapat magsakripisyo para kanino man. Ang pamilya, kasal, at mga anak ay maaaring maging sagabal sa kaniya.
Samantalang alam ni Ella ang sarili. Ang kanyang pinanggalingan at kakayahan ay hindi maihahambing kay Rico, at tila magkaibang mundo ang kanilang kinabibilangan. Ang isang kasal sa pagitan ng magkaibang estado sa lipunan ay tiyak na hindi magtatagal.
Napatigil si Rico at may bahagyang paghanga sa kanyang mga mata. Bigla niyang napagtanto ang pagiging makitid ng kanyang pananaw, at tama si Ella.
“Kung gano’n, you want to abort our child?” tanong niya.
"Oo." Tumango si Ella, bahagyang nagdalawang-isip bago nagsalita, "O kaya naman, sa'yo na ang bata, at sa akin ang pera."
Kung siya ang masusunod, ayaw niyang ipa-abort ang bata sa kanyang sinapupunan. Masyadong malupit para sa bata ang pasanin ang kanyang pagkakamali. Ngunit wala rin naman siyang pera para palakihin ito.
“Hindi ka ba natatakot na baka ang magiging asawa ko ay hindi siya tanggap? Paano kung saktan siya? Paboran ko ang iba?" Bahagyang ngumiti si Rico, ngunit nanatiling walang pagbabago ang ekspresyon niya. Ang mga mata niya, gayunpaman, ay nagdilim nang kaunti.
“Basta’t makapagpakasal tayo, anong masama kung mawala ang reputasyon ko?” giit muli ni Rico.
"Ako..." Hindi nakapagsalita si Ella. Hindi mo malalaman ang puso ng isang tao, pero makikita mo ang kanyang mukha. Wala siyang maibibigay na garantiya kung ano ang magiging trato ni Rico sa batang ito.
Ilang saglit ang lumipas, dinilaan ni Ella ang tuyong labi niya, “Kung gano’n... ipa-abort na lang?”
Maingat niyang sinabi iyon, hindi dahil sa takot, kundi dahil biglang sumimangot si Rico matapos niyang magsalita.
Naiintindihan ni Rico ang ibig niyang sabihin—ayaw nitong magkaroon ng anumang kaugnayan sa kanya. Marahang pinukpok ni Rico ang tuhod niya gamit ang mga daliri at sa kalmadong boses ay nagtanong, "May gusto ka bang iba?"
“Wala.” Hindi maintindihan ni Ella ang tanong niya, kaya’t mabilis siyang sumagot. Kahit pa mayroon, para lang itong ulap na lilipas, dahil nagbago na ang lahat.
Ngumiti si Rico, tumayo mula sa kanyang upuan, at nilibot ang mesa. Sa ilalim ng mapagtanong na tingin ni Ella, pinindot niya ang switch ng dispenser at kumuha ng isang tasa ng maligamgam na tubig.
Habang nagtataka si Ella, inilagay ni Rico ang tubig sa harap niya at marahang sinabi, "Basa-basain mo ang lalamunan mo."
“Salamat.” Sa gitna ng pagiging maalalahanin ni Rico, bahagyang ngumiti si Ella at s******p ng ilang lagok mula sa tasa.
Totoo namang uhaw siya.
Pagkaraan ng ilang saglit, yumuko si Rico, isang kamay ang nakapatong sa likod ng upuan niya, at dumikit ang mukha nito sa tainga niya. Ang mainit na hininga niya’y dumampi sa balikat at leeg ni Ella, dahilan upang mamula ang kanyang maputing balat.
Natigilan si Ella, at narinig lamang ang banayad na boses ng lalaki na pumasok sa kanyang pandinig, “Ella, bakit hindi mo na lang piliin na makipagrelasyon sa akin?”
Bahagyang nanginig ang mga pilikmata ni Ella. Ang makapal at nakaayos na pilikmata niya’y tila maliit na bentilador na unti-unting humihip sa kanyang pusong matigas. Sa sandaling iyon, tila may gumuho at nawala sa kanyang isipan.
Si Rico ay walang duda na isang kahanga-hangang lalaki—parang isang anak ng langit kumpara sa kanya. Sa saglit na pagkakataon, alam niyang mabuti itong boss kahit na may pagkaistrikto sa trabaho. Kahit papaano, matapos ang araw na ito, masasabi niyang bibihira ang makakilala ng ganitong uri ng tao.
Ngunit alam niyang hindi niya kayang kontrolin ang ganoong klaseng lalaki, at ayaw rin niyang mag-alala tungkol dito.
Nang makita ni Rico na tila hindi siya naaapektuhan, bumulong ito nang mas banayad, “Ayaw mo ba sa buhay na kaya kong ibigay sayo at sa anak natin? Sa pagiging asawa at ama, tingin ko, qualified naman ako.”
"At saka, wala ka namang talo kung pakakasalan mo ako. Alam mo naman kung alin ang mas praktikal hindi ba? Agarang cheque o ang pangmatagalang benepisyo," ani Rico.
Tinumbok niya ang kahinaan ni Ella: ang kakulangan nito sa pera. Simula nang makilala niya ito, napansin niyang halos umiikot ang mga desisyon ni Ella sa pera.
Mahilig si Ella sa pera, at hindi niya iyon kinamumuhian. Lahat naman ng tao sa mundo ay may minamahal. Nagkataon lang na pera ang gusto ni Ella. Sa katunayan, pakiramdam niya’y masuwerte siya dahil may pera siya.
Kahit ayaw aminin ni Ella, tinamaan siya ng mga huling sinabi ni Rico. Totoo, kailangan niya ng pera.
Kung pakakasalan niya si Rico, bilang presidente ng Velasquez Group, masasagot nito ang lahat ng problema niya sa kasalukuyan—maging ang pagpapagamot ng ina niya sa ospital at ang bata sa kanyang sinapupunan.
"Pero bakit kailangang ako ang pakasalan mo?" tanong niya.
Nakita ni Rico ang bahagyang pagluwag ng tensyon kay Ella. Bahagyang ngumiti si Rico, ang sulok ng kanyang mga labi ay may pahiwatig ng kasiyahan, "Pinipilit na akong magpakasal ng pamilya ko."
Tumango si Ella bilang tugon. Bilang presidente ng Velasquez Group, nauunawaan niyang kinakailangan talaga ng tagapagmana para sa malaking negosyo ng pamilya. Makatuwiran lang na pilitin itong magpakasal ng mga nakatatanda.
Tumayo si Rico at pinindot ang intercom sa mesa, "Cedric, get inside. Dalhin mo ang ipinahanda ko sa’yo."
Ilang sandali pa, pumasok si Cedric kasama ang isang abogado. Apat silang naupo sa sofa. Inilabas ng abogado ang isang makapal na dokumento na naglalaman ng kasunduan sa pagitan nina Rico at Ella, at sinimulan itong ipaliwanag.
"Nakasaad dito ang lahat ng ari-arian, maging ang lupa at bahay, na nakapangalan kay Mr. Velasquez, pati na rin ang shares sa kumpanya..."
Isa-isang ipinaliwanag ng abogado ang mga nilalaman ng dokumento. Ngunit dahil hindi nag-aral ng batas si Ella, nalito siya sa maraming teknikal na termino. Makalipas ang higit sampung minutong pakikinig, hindi na niya napigilan.
"Tama na, sabihin mo na lang kung saan ako pipirma." Nahihilo na si Ella sa sobrang dami ng detalye. Wala naman siyang pera, kaya paano siya maloloko nito?
Bahagyang nagulat si Rico at nagtanong, "Sigurado ka bang ayaw mong basahin muna ang laman ng kasunduan?"
“May pera ba ako?” tanong ni Ella, tila isang tanong na tumatagos sa kaluluwa, habang kumikislap ang inosente niyang mga mata.
Ano bang meron siya na kailangang kalkulahin ni Rico?
Hindi napigilan ni Rico ang matawa. Ang ngiti niya’y parang malamig na simoy ng hangin sa tagsibol. Natulala si Ella sandali at muntik nang dilaan ang sariling labi.
Totoo nga, mas maganda ang mga gwapong lalaki kapag nakangiti.
Matapos ang mahagyang pagtawa ni Rico, nagsalitang muli ito. "Baguhin n’yo ang nakasaad sa kasunduan tungkol sa ari-arian bago magpakasal. Gusto kong ang ari-arian bago ang kasal ay magiging pag-aari ng parehong panig pagkatapos ng kasal."
Sa narinig na salitang iyon, tatlo silang napatingin kay Rico nang hindi makapaniwala.
Nag-alinlangan si Cedric na magsalita, at bahagyang nag-iba ang tingin niya kay Ella.
Kahit hindi naiintindihan ni Ella ang kabuuang nilalaman, alam niya ang kahulugan ng sinabi ni Rico. Ang pahayag nito ay naging isang konkretong regalo. Ibig sabihin, sa hinaharap, kung magdiborsyo sila, maaari niyang makuha ang kalahati ng lahat ng ari-arian ni Rico, maging ito’y nakuha bago o pagkatapos ng kasal.
"Sigurado ka ba? Hindi ka ba natatakot na isa akong manloloko?" tanong ni Ella na may takot, habang walang malay na lumunok.
Alam niyang ang halaga ng ari-arian na nakapangalan kay Rico ay higit pa sa anumang kayang abutin ng kayamanan niya.
Hindi nagbago ang ekspresyon ni Rico, at itinuro nito sa abogado na baguhin ang kasunduan.
"Sabi ko naman sa'yo, wala kang talo kung pakakasalan mo ako."
Napangiti si Ella nang pilit, biglang nakaramdam ng kaunting hiya sa pagtanggi niya sa alok ni Rico na magpakasal.
Sa harap ng pera, kaya niyang talikuran ang kasal.
Bigla niyang napansin na sobrang makamundo pala niya.
Matapos baguhin ng abogado ang kontrata, maayos na nilagdaan nina Ella at Rico ang mga dokumento. Kasunod nito, umalis na sina Cedric at ang abogado upang ipa-notaryo ang kasunduan.
"Tara na, kunin na natin ang certificate," sabi ni Rico matapos tingnan ang kanyang telepono.
Halatang wala pa sa ulirat si Ella, at tumayo itong tulala, "Hindi ko dala ang aking household registration book."
"Dala mo ba ang iyong ID?"
"Oo."
"Then good. Based on the new protocol, hindi mo na kailangan ng household registration book para kumuha ng marriage certificate. ID lang ang kailangan mo.”
Habang nakaupo sa kotse ni Rico, nakaramdam ng matinding pagkailang si Ella. Sa isip niya, may posibilidad na baka ito ang parehong kotse noong gabing iyon.Ngunit iba ang pagmamaneho ni Rico ngayon—mas mabagal, mas maingat, at halatang iniisip ang kapaligiran niya. Pakiramdam ni Ella, alam nito ang pinagmumulan ng kanyang pag-aalala.Ngumiti si Rico at tumingin sa kanya. “Hindi ito ang kotse na iyon.”Biglang nanigas ang katawan ni Ella at nagpanggap na hindi naintindihan ang sinabi nito. “Huh? Sorry, hindi ko gets,” aniya sabay kuha ng telepono, kunwari’y nag-check ng messages, kahit nasa home screen lang naman ito. Sa isip niya, basta piliin niyang kalimutan at itago ang nararamdaman, pwede siyang magpanggap na walang nangyari.Narinig naman niya ang mababang tawa ni Rico—isang mahina pero malinaw na tawa na tumagos sa maliit na espasyo ng sasakyan. Namula ang maputi niyang tainga at mabilis na iniwas ang tingin sa bintana, kunwari’y abala sa tanawin sa labas.Nang makarating sila
Nagbago nang bahagya ang ekspresyon ni Rico, ngunit agad niya itong napigilan at nagsalita sa mabagal na tono, "Dapat ba akong magpasalamat, Mrs. Velasquez?" Walang pinagkaiba ang tono niya sa dati, ngunit naramdaman ni Ella ang kakaibang panganib sa kanyang boses. Dahil may kinalaman ito sa kanilang kinabukasan, mas maiging maging maingat siya. "Gusto ko lang naman maging handa kung sakali. Saka, alam kong kailangan ko ang pera, pero ako ang may kasalanan kaya napipilitan ka ngayon sa sitwasyon natin. Kaya kung mag-aasawa ka na ng iba, baka maaari mong huwag kalimutan sustentuhan ang anak natin, kahit siya lang," tugon ni Ella. Halos mapatawa si Rico sa inis. Parang ang tingin ni Ella, responsibilidad lang ng pagiging ama ang kaya niyang akuin. "Ganoon ba ang tingin mo sa’kin? Kung ganun, aakuin ko na rin ang responsibilidad at obligasyon bilang asawa mo." "Ano? Hindi, hindi ko—" Napalawak ang mga mata ni Ella at pilit na naghanap ng tamang sagot. "Hindi natin mahal ang isa't
Nakatayo si Rico sa pintuan, bahagyang pinakikiramdaman ang loob. Sa huli, binuksan na niya ang pintuan ng ward. Gulat at sabay na tumingin kay Rico si Ginang Gina Velasquez at si Yaya Mila. Agad namang nilunok ng matanda ang lugaw sa kanyang bibig, habang inilapag naman ng katulong ang mangkok sa maliit na mesa. Nagkatinginan ang dalawa, halatang bihasa na sila sa pagpapanggap sa harap ni Rico. "Aray! Ang sakit ng puso ko! Ang sakit!” Agad na nagkunwaring may sakit si Ginang Gina. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at umarte na may kirot. "Madam, ayos lang po ba kayo? Tatawag po ako ng doktor para sa inyo," sabi ni Yaya Mila na kunwaring nag-aalala at dali-daling lumapit. Habang nag-aarte, sinulyapan ng matanda si Rico at nagsalita nang may lungkot, "Ayos lang ako, lumala lang ang luma kong karamdaman. Kung makikita ko lang si Rico na magpakasal at magka-anak bago ako mawala, mamamatay akong walang pagsisisi!" Magaling ang pagtatambalan ng dalawa, pero si Rico ay nanatiling wala
Kinabukasan, tumunog nang eksakto ang alarm ng cellphone sa tabi ng kama. Nakapikit pa rin si Ella habang kinakapa ito. Nang mahawakan ang screen, agad niyang pinatay ang alarm gamit ang muscle memory saka tumagilid at bumalik sa pagtulog nang payapa.Pagkalipas ng ilang sandali, may narinig siyang kakaibang tunog sa tahimik na kwarto. Biglang dumilat si Ella. Sa kabila ng antok, malinaw ang kanyang mga mata na may bahid ng kaba.Napatalon siya mula sa kama, kinuha ang cellphone sa tabi, at tiningnan ang oras. Alas-nuwebe na ng umaga.Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi—pabalik-balik ang kanyang pag-ikot sa kama at naidlip lang nang saglit. Kung dati ay sinusunod na lang niya ang kaniyang body clock, kagabi ay kinailangan pa niyang mag-set ng alarm. Pero nabalewala rin naman ito.Habang chine-check ang mga mensahe sa cellphone, napansin niyang may bagong pangalan sa kaniyang friend list. Tahimik na naka-add doon ang pangalan ni Rico. Friend request iyon na naipadala ng hatinggabi.
Ang sasakyan ay pumasok sa Shallow Water Bay. Sa paligid, puro mga single-family villa ang tanawin. Napakataas ng vegetation coverage; maraming puno, malamig ang lilim, at kakaiba ang ganda. Para itong isang paraiso na malayo sa ingay ng siyudad.Ang Shallow Water Bay ay kilalang lugar para sa mga mayayaman. Matatagpuan ito sa labas ng abalang business district at karaniwang tirahan ng mga negosyanteng gumagastos nang marangya kapag nasa trabaho.Dito tuluyang naliwanagan si Ella na ang lalaking pinakasalan niya ay talagang mayaman.Hanggang sa makarating ang sasakyan sa underground garage ng villa, unti-unti nang nanlumo si Ella. Sa dami ng mamahaling sasakyan, halos hindi na siya makahinga sa dami ng klase. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit palaging iba-iba ang kotse na ginagamit ni Rico. Ang mga kotse niya nitong mga nakaraang araw ay hindi rin pare-pareho.Binuksan ni Rico ang trunk at kinuha ang mga bagahe. Nang mapansing nakatitig si Ella sa mga kotse, tinanong niya, “Malaki
Para bang tinamaan ng kidlat si Ella. Hindi niya maitago ang gulat sa kanyang mukha. Sa huli, ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata at dinampot ang gamot at baso ng tubig. Ngunit nang ilang sentimetro na lang ang layo niya rito, hindi pa rin niya magawang inumin. Nakikita pa lamang ay parang nalalasap na niya sa kanyang dila ang mapait na lasa nito, dahilan para mapaatras siya nang hindi sinasadya.“May kendi ka ba?” tanong niya.“Wala, pero may rock sugar dito sa bahay. Gusto mo ba?” sagot ni Rico na bahagyang nagulat. Hindi niya inaasahang ganito kalaki ang takot ni Ella sa gamot. Wala talagang kendi sa bahay dahil hindi siya mahilig sa matatamis.“Hindi na,” sagot ni Ella habang umiiling. Hindi niya gusto ang rock sugar dahil mahirap nguyain.Nang makita ni Rico na ayaw na talagang inumin ni Ella ang gamot, malalim siyang napabuntong-hininga. “Mamaya mo na inumin. Isasama kita sa supermarket para bumili ng candy.”Magaan ang tono niya, pero kung pakikinggan nang mabuti, may ba
Pagkatapos mag-checkout sa supermarket, dumiretso si Rico sa isang malapit na flower shop. Ang kurtina ng pintong gawa sa mga wind chime beads, ay umalun-alon sa hangin, at ang tunog nito’y nagpatigil sa babaeng may-ari ng shop mula sa pag-aayos ng flower rack. Tumingin siya sa pinto at nakita ang isang matangkad na lalaki na nakasunod sa isang babaeng nakangiti. Maingat na iniunat ng lalaki ang kanyang braso upang alisin ang anumang sagabal sa daraanan ng babae.Kahit kapansin-pansin ang diperensya nila sa tangkad, tila nakakatuwang tingnan ang magkasamang gwapo at magandang babae. Kaya naman agad na ngumiti ang may-ari ng shop at bumati, “Anong bulaklak ang nais ninyong bilhin?”Sinulyapan ni Ella ang mga makukulay na bulaklak sa shop at mahinang nagsalita, “Pwede bang mag-match ka ng ilang bouquet na may maliliwanag at masasayang kulay?”“Oo naman, madam,” sagot ng may-ari, muling tinitingnan ang dalawa. Napansin niyang habang nagsasalita si Ella, si Rico’y nakatingin lamang sa kan
Matapos ilagay ni Rico ang vase sa kwarto, kumuha siya ng manipis na card mula sa drawer, tumakbo papunta sa kabilang kwarto, at kumatok sa pinto.“Tuloy ka,” tugon ni Ella.Pagpasok niya, nakita niyang abala si Ella gamit ang laptop, halatang naiirita sa paulit-ulit na pagsubok na maka-connect sa internet. Pagkakita kay Rico, kumislap ang saya sa kanyang mga mata. Balak na sana niyang i-chat ito para tanungin ang Wi-Fi password.Tiningnan ni Rico ang ibabang bahagi ng screen ng laptop ni Ella at itinaas ang baba. “The first one is the home network. Ang password? One to eight.”Napatigil si Ella sa gulat. “Seriously?” Napaisip siya kung bakit ganoon kasimple ang password ng internet sa bahay ng isang tulad ni Rico. Inasahan niyang magiging kasing-kumplikado ito ng serial number ng kumpanya.Napansin ni Rico ang reaksyon niya kaya kinamot niya ang ilong, bahagyang nahiya. “Sa negosyo, mas mabuti nang maingat kaysa walang pakialam,” sagot nito na sinang-ayunan na lang ni Ella.Nang maka
Sa Silid ng Ospital, nakatayo sina Ella at Rico sa harap ng kama ni Christy, ang ina ni Ella. Magkahawak-kamay ang dalawa, at kahit halatang may karamdaman si Christy, bakas pa rin sa kanyang mga mata ang kasiyahan. Sa isip niya, tunay ngang nakakamangha ang lalaking nakuha ng kanyang anak. Ang maayos nitong hitsura at perpektong postura ay bagay na bagay sa kagandahan ni Ella."Hello po, Mrs. Gatchalian. Ako po si Rico, 29 taong gulang. CEO ng Velasquez Group. May simpleng pamilya, walang bisyo, may bahay, kotse, at ipon." Bahagyang yumuko si Rico. Bagama't maayos ang kanyang tindig, halata ang tensyon sa kanyang mukha, at mabilis ang tibok ng puso niya.Habang sinasabi ang mga salitang iyon, napaisip si Rico kung bakit parang awkward itong pakinggan. Mukhang nasayang yata ang oras na ginugol niya kagabi sa paghahanap online ng "paano ma-impress ang biyenan."Pinipigilan naman ni Ella ang mapatawa. Ngayon lang niya nakita si Rico na kinakabahan. Samantalang sa opisina, kalmado at maa
Tinitigan ni Ella ang malamig ngunit kalmadong mga mata ni Rico. Alam niyang hindi ito naaakit sa kanya—sigurado siyang isa na naman ito sa mga pang-aasar nito.Kaya’t hindi siya maaaring magpatalo. Kailangan niyang makaganti, kahit na sa maliliit na paraan lamang. "Ang utak mo, puro kalokohan. Napagod lang ako, okay? Gusto ko lang umupo nang sandali," sagot ni Ella, pilit pinapanatili ang kanyang composure.Mabagal siyang bumaba mula sa mesa, kunwaring kalmado, at kunwari'y maglalakad palabas ng opisina.Napatawa naman si Rico. Ang kanyang tawa ay mababa at bahagyang paos, may halo pang init na tila nang-aakit. "Uminom ka muna ng gamot bago ka umalis," aniya.Huminto si Ella sa paghakbang. Tila bumalot ang lamig sa kanyang likuran. Napabuntong-hininga siya at naupo sa mesa malapit sa French window. Binuksan niya ang takip ng water tumbler ni Rico, kinuha ang baso, at siya na mismo ang nagsalin ng tubig.Paglingon niya, napansin niya ang bukas na kendinsa lamesa. Sanay na siya sa rout
“Wala akong sinabing ganyan,” sabi ni Ella habang umiinom ng gatas. Napalibutan ng manipis na puting linya ang kanyang mga labi, at hindi sinasadyang dinilaan niya ito. Nagdilim ang mga mata ni Rico habang lihim siyang napalunok. Uminom siya ng kape, sabay kuha ng pahayagan, at nagkunwaring nagbabasa muli, ngunit wala ni isang salita ang pumasok sa isip niya. Pagkatapos ng almusal, sabay silang lumabas ng bahay upang pumasok sa trabaho. Habang sinusundan ni Ella si Rico papunta sa underground garage, natigilan siya sa harap ng garahe at napako sa kanyang kinatatayuan. Sino ang makakapagsabi kung bakit isang kotse na lang ang natira sa garahe? At masaklap pa, ito ang huling sasakyang nais niyang sakyan. “Nasaan ang mga kotse?” tanong ni Ella habang mabilis na tumingin-tingin sa paligid. Ang umaasa niyang tingin ay biglang nadurog nang mapagtantong wala na ang ibang sasakyan. Binuksan ni Rico ang passenger door ng natitirang kotse at may mapanuksong ngiti sa mga labi. “Pinadala ko
Namuo ang pawis sa noo ni Melord habang halinhinang tinitingnan ang mag-asawa. Bigla niyang naalala ang mga pinagsasabi niya kay Ella kanina. Ang lakas pa ng loob niyang tanungin si Rico na ilipat ang asawa nito sa kumpanya niya. Ngayon lang niya napagtanto na may ibang kahulugan pala ang pagsusungit ni Rico sa kanya kanina.Ayon sa pagkakakilala niya kay Rico, hindi ito basta-basta nagbibigay ng pabor, lalo na kung walang dahilan. Habang binabalikan niya ang mga sinabi at ginawa niya, nararamdaman niyang baka maghiganti ito mamaya.Subalit inisip niya na wala naman siyang ginawang masama. Kung alam lang niya na asawa ito ng kaibigan niya, tiyak napigilan niya ang sarili.Matapang siyang lumapit sa dalawa, dala ang pilit na matamis na ngiti.“Pasensya na, sister-in-law. Puwede bang kalimutan mo na lang ‘yung sinabi ko kanina? Alam mo naman, minsan hindi ko mapigilan ang bibig ko. Kaya, peace?”Si Ella, na matagal nang sanay sa pakikisalamuha sa mundo ng negosyo, ay nakarinig na ng mas
Nang sumapit ang dapit-hapon, unti-unting lumambot ang sikat ng araw, nagiging banayad at mainit sa paligid. Isang mapusyaw na pink na Ferrari ang pumasok sa underground garage ng Velasquez Group. Mula rito, bumaba ang isang matangkad na lalaki—may malapad na pangangatawan, kayumangging balat, at pilak na buhok na agaw-pansin lalo na’t naka-light pink na polo siya.“Humanda ka sa’kin ngayon, Rico,” mahina niyang sambit habang diretso siyang pumasok sa elevator patungo sa pinakamataas na palapag.Hindi nakadalo si Rico sa kanilang salu-salo kagabi, kaya nagdesisyon si Melord na personal itong puntahan upang tanungin kung kailan nila makikilala ang misteryosang Mrs. Velasquez.Paglabas pa lang ni Melord sa elevator, bago pa man siya makarating sa opisina ng mga sekretarya, agad nang napansin ng karamihan ang kanyang presensya. Ang aura niya’y tila hindi maaaring balewalain. Agad siyang sinalubong ni Clay, ang senior secretary ng kumpanya."Mr. Chavez, nasa meeting pa po si Mr. Velasquez
Pagdating ni Ella sa kumpanya, nakaupo na ang lahat ng mga sekretarya sa kanilang mga pwesto. Kaya naman thimik na pumasok si Ella sa kanyang workstation at naupo, nakatingin sa itim na screen ng computer, naghihintay kay Rico na dumating.Ilang minuto lang ang lumipas nang bumukas ang pinto ng elevator mula sa malayo, at isang matangkad na lalaki ang naglakad papalapit. Habang dumadaan siya, napansin ni Rico si Ella, na tila kabadong-kabado. Nang makita ni Ella ang anino ni Rico mula sa gilid ng kanyang mata, pinilit niyang bawasan ang kanyang presensya, ikinubli ag sarili sa kaharap na monitor ngunit pasimple paring sumusulyap.Matapos magluto ni Rico ng pagkain para sa kanya kaninang umaga, tinanggihan ni Ella ang alok nito na isama siya sa kotse papuntang trabaho. Gayunpaman, dahil sa pag-aalala ni Rico, hindi siya nito pinayagan. Ngunit dahil hindi madaling magpatinag si Ella, wala rin siyang nagawa sa huli. Pinili nalang niyang sundan ang mabagal na pagmamaneho nito hanggang sa
Pagkagising, dinampot ni Ella ang telepono sa tabi ng kama at tumingin dito. Nagising siya nang higit kalahating oras na mas maaga kaysa sa karaniwan. Mula nang manirahan siya rito, hindi siya makatulog nang maayos sa gabi. Ngunit sa kabila nito, tila nahuhumaling siya sa lambot ng kama.Malapit lang naman ang Repulse Bay sa kumpanya, ngunit naalala niyang nagpaalam si Manang Merry, kaya naisip niyang bumangon na at mag-ayos. Isinuot niya ang isang crescent-shaped na puting damit na may tulle na disenyo at may mga perlas na nakapalibot sa neckline. Malinis at dalisay ang dating ng damit, at ang laylayan nito ay umaalon sa taas lamang ng kanyang mga bukung-bukong.Pagpasok sa kusina, binuksan ni Ella ang refrigerator at tiningnan ang mga frozen food. Napansin niyang napakarami nito. Marahil ay nag-imbak si Manang Merry, natatakot na wala silang oras para magluto. Mayroong maliliit na wonton, dumpling, at iba pang tinapay na handang i-steam o iprito.Nagpakulo si Ella ng tubig para sa
Naalarma si Ella habang pigil-hiningang pinagmamasdan si Rico. Sa sobrang pagkabahala niya, nakalimutan na niyang kumilos nang naaayon. Ni hindi niya ginagamit ang sariling chopsticks sa pagkuha ng pagkain pag kaharap ang mayayamang tao, gaya sa trabaho. Ngunit ngayon, sa harap pa ng boss niya nalimutan.Habang hindi siya mapakali, nanatiling kalmado si Rico. Walang anumang pagbabago sa ekspresyon nito. Wari’y hindi man lang nito napansin ang pagkakamali ni Ella. Kalma niyang kinuha ang cola chicken wing gamit ang sariling chopsticks at kinain ito nang walang alinlangan.Sa tagpong iyon, lihim na napabuntong-hininga si Ella. Ibinalik niya ang chopsticks na kanina’y nakabitin sa ere at nagpatuloy sa pagkain. Ngunit sa pagbaba ng kanyang tingin, hindi niya napansin ang saglit na pagkakapako ng malamig na mata ni Rico sa kanyang mukha. May bahagyang kislap sa mga mata nito—isang emosyon na mabilis ding naglaho.Pagkatapos ng hapunan, masiglang nagligpit si Ella ng mga pinagkainan. Inilag
Ipinarada ni Ella ang sasakyan sa underground garage. Ang ibang mga brand ay masyadong kapansin-pansin, kaya pinili niya ang pinakamurang modelo ng Mercedes mula sa hanay ng mga mamahaling kotse. Pagkatapos niyang iparada, biglang may narinig siyang katok sa bintana ng sasakyan. Tumingala siya at nakita ang isang lalaking kumakatok gamit ang mga daliri. Mukhang kaswal at walang bahid ng kahit anong emosyon ang ekspresyon nito, ngunit hindi inaalis ang tingin ng mga mata nito sa kanya. Binuksan ni Rico ang pintuan ng kotse at bahagyang ngumiti ang manipis na labi. “Baba ka na.”“Bakit ka nandito sa underground garage?” tanong ni Ella habang inilalabas ang susi ng kotse, may bahagyang pagtataka sa mukha.Isinara ni Rico ang pintuan gamit ang isang kamay bago lumapit sa kanya. “Hinintay kitang umuwi,” sagot nito, na parang normal lang ang tono.Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Ella. Nang sabihin nitong maghihintay siya sa telepono, akala niya’y sa hapag-kainan siya nito aantayin, ngu