Binuksan ni Rico ang bag ng gamot at nakita ang higit sa isang dosenang pregnancy test sticks sa loob. Napagtanto niya na binili ni Cedric ang lahat ng brand ng pregnancy test sticks mula sa mga botika malapit sa kanila.
"Sinigurado kong lahat ng posibleng pagpipilian ay narito," paliwanag nito.
Tumingin si Ella sa mga pregnancy test sticks sa loob ng bag at nagtatakang nagtanong, "Kailangan ba talaga ng ganito karami?"
Matapos silipin ni Rico ang laman ng bag, iniabot niya ang mga pregnancy test sticks kay Ella.
"Pumili ka ng ilan para subukan," sabi niya. "Nandoon ang lounge ko, may banyo sa loob."
Pagkasabi nito, itinaas niya ang kanyang baba at itinuro ang secret door sa tabi ng bookshelf.
Hinawakan ni Ella nang mahigpit ang tali ng bag habang nakatingin sa direksyong tinuro ni Rico. Tila nag-ipon siya ng lakas ng loob para maglakad papunta roon, ngunit nang dumampi ang kanyang kamay sa pinto, umatras siya, tumalikod, at muling tumingin kay Rico. Ayaw niyang mabuntis.
Nakita ni Rico ang kaba sa mukha ni Ella kaya tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa kanya. Nang malapit na siya rito, sinabi niya nang mabagal, "Huwag kang matakot. Kahit ano ang resulta, haharapin natin."
Pagkatapos niyang magsalita, binuksan niya ang lihim na pinto ng lounge para kay Ella at sumunod dito sa loob.
Hindi na tumingin pa si Ella sa paligid ng lounge. Dumiretso siya sa banyo. Kinuha niya ang ilang pregnancy test sticks at sinubukan ang mga ito nang sabay-sabay para masigurado ang resulta.
Samantala, nanatili si Rico sa labas ng banyo. Bahagya siyang nakasandal sa dingding malapit sa pintuan, ang isang paa ay nakataas, at nakayuko, tila malalim ang iniisip. Maya-maya, lumapit siya sa bedside table, kinuha ang kaha ng sigarilyo, at binuksan ito.
Hindi madalas manigarilyo si Rico, ngunit ito ang paraan niya upang maibsan ang kanyang inis. Sa tunog na "pop," nagningas ang pilak na lighter sa kanyang kamay. Ang ginintuang apoy ay patuloy na sumasayaw. Hawak niya ang sigarilyo gamit ang dalawang daliri at dahan-dahang inilapit ito. Kitang-kita ang pagbalanse ng kanyang mahahabang daliri sa manipis na sigarilyo. Ngunit nang halos isang sentimetro na lang ang layo, huminto siya.
Sa huli, ibinalik niya ang sigarilyo sa kaha, at pinatay ang apoy. Pagkatapos mag-isip ng ilang saglit, itinapon niya ang parehong bagay sa basurahan.
Sa loob ng banyo, sinunod ni Ella ang instructions, pagkatapos ay isa-isang inihanay ang limang pregnancy test sticks sa ibabaw ng lababo at naghintay sa mga resulta.
Ang bawat minuto at segundo ay parang napakabagal. Halos hindi kumurap si Ella habang nakatitig sa mga pregnancy test sticks. Ang una sa mga ito ay nagpakita na ng resulta—isang malalim na linya at isang mapusyaw, nangangahulugang hindi ito tiyak na resulta.
Nang makita ito ni Ella, nagkaroon siya ng kaunting pag-asa. Ngunit nang lumabas ang dalawang pulang linya sa huling dalawang test sticks, tuluyang gumuho ang kanyang mundo.
"Hindi!" Sa gulat, aksidente niyang naihulog ang isa sa mga test sticks. Habang yumuko siya upang pulutin ito, narinig niya ang mababang boses ni Rico mula sa labas ng pinto, "Ayos ka lang ba?"
Sumagot si Ella nang aligaga, nanginginig pa ang kanyang boses, "O-okay lang, okay lang."
Nakatayo si Rico sa labas ng pintuan at napansin niyang tila may mali. Bago pa siya makapag-isip nang mabuti, bumukas ang pinto mula sa loob. Doon niya nakita ang mukhang balisa ni Ella na nakatingin sa kanya nang may kaba.
Ibinaling ni Rico ang kanyang tingin sa pregnancy test stick na hawak ni Ella. Nang makita ang maliwanag na pulang linya dito, alam na niya ang sagot.
Ilang sandali ang lumipas bago siya nagsalita. Siya lang ang nakakaalam kung gaano kabigat ang kanyang boses. Ang kamay niyang nakalaylay sa gilid ay bahagyang nanginig.
"Mag-usap tayo," ani Rico.
"Okay," sagot ni Ella.
Nang magkatapat na silang nakaupo sa mesa, hindi pa rin alam ni Ella kung paano haharapin ang bata sa kanyang sinapupunan, lalo na kung ano ang iniisip ni Rico. Tumingala siya nang may kaba at nagtagpo ang kanilang mga mata.
Nang makita niyang nakatitig ito sa kanya, pakiramdam ni Ella ay lalabas ang puso niya sa kanyang dibdib. Mahigpit niyang hinila ang laylayan ng kanyang damit, dahilan upang malukot ito.
Tahimik silang nagtitigan. Ang paligid ay napuno ng katahimikan. Pagkalipas ng isang minuto, si Rico ang unang nagsalita.
"Hindi ko balak magkaroon ng anak sa labas."
Malalim at seryoso ang boses ni Rico, walang bahid ng biro. Bawat salita ay malinaw niyang binigkas, at ang tingin niya kay Ella ay nakakakilabot sa sobrang kalmado.
Bahagyang nanginig ang mga talukap ng mata ni Ella. Bigla niyang hinigpitan ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay, at nagsimula nang magpawis ang kanyang mga palad. Sa kaloob-looban niya, alam na niya ang susunod na sasabihin nito.
Sino ba naman ang matutuwa na magkaroon ng anak sa labas, lalo na kung bunga ito ng pananamantala? Isa itong napakalaking kahihiyan sa buhay.
Isa pa, wala rin siyang nararamdamang koneksyon sa bata sa kanyang sinapupunan. Kahit ipanganak pa niya ito, hindi niya kakayaning buhayin, at maaaring masira pa ang kanyang trabaho.
"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin. Kung ayaw mo sa bata, pwede ko naman ipalaglag. Pero sana ay hati tayo sa gastos, pati na rin ang mga gastusin para sa pagpapalakas ng katawan ko pagkatapos." Tumingin siya nang may kaba kay Rico.
Sa totoo lang, siya ang may kasalanan sa nangyari, at si Rico ang lubos na naapektuhan. Alam niyang medyo nakakahiya ang hiling niya, pero wala siyang magagawa.
Malapit na siyang mawalan ng trabaho, at may ibang pinaglalaanan ang kanyang ipon. Dahil maaalis narin naman siya sa trabaho, wala na siyang pakialam kung magiging bastos siya sa huling pagkakataon. Alam niyang hinding-hindi narin naman sila muling magkikita.
Iniisip ito, naglakas-loob si Ella at matapang na tumingin kay Rico. Sa sobrang pag-aalala, hindi niya napansin ang gulat sa mga mata ng lalaki.
Sanay na siya sa pagiging prangka at malupit nito, ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganito rin ito ka-sakim.
Ngunit totoo namang kuripot ang kabayaran noong gabing iyon.
Habang hinihintay ang sagot, dahan-dahang itinapik ni Rico ang kanyang maayos na mga daliri sa mesa, bahagyang yumuko, at sinabi nang may diin: "Pero wala akong problemang magkaruon ng tagapagmana."
"Ha?" Kumurap si Ella, ang mga mata niyang parang mata ng isang soro ay bahagyang nakakurba, ngunit ngayon ay bilog na bilog sa gulat. Napakacute niya, parang isang naliligaw na kuting—takot at nalilito.
"Ibig mo bang sabihin na dapat kong iluwal ang batang ito?"
"Oo," sagot ni Rico nang walang alinlangan, at hindi inalis ang madilim niyang mga mata sa kanya, pinagmamasdan ang bawat pagbabago sa ekspresyon nito.
Matapos makumpirma ni Ella ang sagot, ibinaba niya ang tingin at nag-isip. Hindi sinasadyang napadapo ang kanyang mga daliri sa kanyang patag na tiyan, kung saan naroroon ang isang maliit na buhay.
Bilang CEO ng Velasquez Group, alam niyang kaya ni Rico na magpalaki ng bata nang maayos at malusog. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit nais nitong ituloy ang pagbubuntis niya.
Ang Velasquez Group ang nangunguna sa industriya ng kagamitang medikal sa bansa, na may halagang daan-daang bilyong piso. Si Rico mismo ay ang pinakabatang mayaman na kabilang sa Top 10 ng Forbes Global List. Napapalibutan siya ng mga magaganda at sikat na babae, at hindi siya nauubusan ng mga babaeng nais magkaanak para sa kanya.
At kung tama ang hinala niya, ang gusto ni Rico ay bigyan siya ng malaking halaga kapalit ng pag-alis niya mula sa mundo nito matapos niyang ipanganak ang bata?
Dahil dito bigla niyang naisip na sulit makipagkasundo. Kung iluluwal niya ang bata, mawawalan siya ng malaking kita, at ang kanyang maliit na ipon ay hindi sapat para sa walang katapusang gastusin sa ospital.
Kung makakakuha siya ng malaking halaga mula sa kaniyang boss, matutugunan nito ang kanyang mga agarang pangangailangan.
Ngunit... paano naman ang bata sa kanyang sinapupunan?
"Pwede ba akong magtanong? Ano ang dahilan mo para panatilihin ang batang ito?"
Lubos na naghihinala si Ella na baka kasal na si Rico at hindi sila maaaring magkaanak ng kanyang asawa. Kung hindi, bakit kailangang panatilihin ang bata sa kanyang tiyan?
"Ano sa tingin mo ang dahilan?" Tanong ni Rico habang pinagmamasdan ang pabago-bagong ekspresyon ni Ella. Bigla niyang naisip na tuksohin ito.
Pinagdikit ni Ella ang kanyang mapulang labi, hinarap ang hindi malinaw na tingin nito, at mahina niyang sinabi: "Dahil ba baog ang asawa mo? O dahil pinipilit ka ng mga nakatatanda na magpakasal?"
Ito lang ang dalawang makatuwirang dahilan na naisip niya.
Natawa si Rico sa narinig, at bahagyang napangiti. Ang manipis niyang labi ay gumuhit ng kaaya-ayang kurba. "Mukhang mali ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko, Miss Gatchalian."
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya.
Ang ngiti ni Rico ay lalong lumalim. Dahan-dahan niyang sinabi, "Ang ibig kong sabihin, magpakasal tayo.”
“Magpakasal? You mean, magpapakasal… tayo? Ako at ikaw?" Bahagyang lumaki ang mga mata ni Ella, at nanginginig niyang itinuro si Rico, pagkatapos ay inilipat sa kaniyang sarili.Pakiramdam niya’y mali ang narinig niya.“Oo, papakasalan kita,” sagot ni Rico sa matibay na tono, may bahagyang ngiti sa kanyang malinaw na mga mata.Hindi agad nakapag-react si Ella at naibulalas ang iniisip niya, “Hindi ba dapat bigyan mo ako ng cheque at sabihan akong ipanganak ang bata, pero huwag nang magpakita sa mundo mo kahit kailan?"“Mukha ba akong ganoong klaseng tao?” Tanong ni Rico, tila naguguluhan. Pakiramdam niya, hindi naman niya ibinigay kay Ella ang ganitong impresyon.Awkward na napangiti si Ella, at naramdaman niyang sumiklab ang hiya sa kanyang puso. Paano niya sasabihing masyado siyang maraming nabasang mga nobelang tungkol sa mga mapangahas na CEO?“Balik tayo sa usapan. Tungkol sa kasal—kalimutan na lang natin. Ang isang kasal na nakatali dahil sa bata ay hindi magiging masaya.” Diret
Habang nakaupo sa kotse ni Rico, nakaramdam ng matinding pagkailang si Ella. Sa isip niya, may posibilidad na baka ito ang parehong kotse noong gabing iyon.Ngunit iba ang pagmamaneho ni Rico ngayon—mas mabagal, mas maingat, at halatang iniisip ang kapaligiran niya. Pakiramdam ni Ella, alam nito ang pinagmumulan ng kanyang pag-aalala.Ngumiti si Rico at tumingin sa kanya. “Hindi ito ang kotse na iyon.”Biglang nanigas ang katawan ni Ella at nagpanggap na hindi naintindihan ang sinabi nito. “Huh? Sorry, hindi ko gets,” aniya sabay kuha ng telepono, kunwari’y nag-check ng messages, kahit nasa home screen lang naman ito. Sa isip niya, basta piliin niyang kalimutan at itago ang nararamdaman, pwede siyang magpanggap na walang nangyari.Narinig naman niya ang mababang tawa ni Rico—isang mahina pero malinaw na tawa na tumagos sa maliit na espasyo ng sasakyan. Namula ang maputi niyang tainga at mabilis na iniwas ang tingin sa bintana, kunwari’y abala sa tanawin sa labas.Nang makarating sila
Nagbago nang bahagya ang ekspresyon ni Rico, ngunit agad niya itong napigilan at nagsalita sa mabagal na tono, "Dapat ba akong magpasalamat, Mrs. Velasquez?" Walang pinagkaiba ang tono niya sa dati, ngunit naramdaman ni Ella ang kakaibang panganib sa kanyang boses. Dahil may kinalaman ito sa kanilang kinabukasan, mas maiging maging maingat siya. "Gusto ko lang naman maging handa kung sakali. Saka, alam kong kailangan ko ang pera, pero ako ang may kasalanan kaya napipilitan ka ngayon sa sitwasyon natin. Kaya kung mag-aasawa ka na ng iba, baka maaari mong huwag kalimutan sustentuhan ang anak natin, kahit siya lang," tugon ni Ella. Halos mapatawa si Rico sa inis. Parang ang tingin ni Ella, responsibilidad lang ng pagiging ama ang kaya niyang akuin. "Ganoon ba ang tingin mo sa’kin? Kung ganun, aakuin ko na rin ang responsibilidad at obligasyon bilang asawa mo." "Ano? Hindi, hindi ko—" Napalawak ang mga mata ni Ella at pilit na naghanap ng tamang sagot. "Hindi natin mahal ang isa't
Nakatayo si Rico sa pintuan, bahagyang pinakikiramdaman ang loob. Sa huli, binuksan na niya ang pintuan ng ward. Gulat at sabay na tumingin kay Rico si Ginang Gina Velasquez at si Yaya Mila. Agad namang nilunok ng matanda ang lugaw sa kanyang bibig, habang inilapag naman ng katulong ang mangkok sa maliit na mesa. Nagkatinginan ang dalawa, halatang bihasa na sila sa pagpapanggap sa harap ni Rico. "Aray! Ang sakit ng puso ko! Ang sakit!” Agad na nagkunwaring may sakit si Ginang Gina. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at umarte na may kirot. "Madam, ayos lang po ba kayo? Tatawag po ako ng doktor para sa inyo," sabi ni Yaya Mila na kunwaring nag-aalala at dali-daling lumapit. Habang nag-aarte, sinulyapan ng matanda si Rico at nagsalita nang may lungkot, "Ayos lang ako, lumala lang ang luma kong karamdaman. Kung makikita ko lang si Rico na magpakasal at magka-anak bago ako mawala, mamamatay akong walang pagsisisi!" Magaling ang pagtatambalan ng dalawa, pero si Rico ay nanatiling wala
Kinabukasan, tumunog nang eksakto ang alarm ng cellphone sa tabi ng kama. Nakapikit pa rin si Ella habang kinakapa ito. Nang mahawakan ang screen, agad niyang pinatay ang alarm gamit ang muscle memory saka tumagilid at bumalik sa pagtulog nang payapa.Pagkalipas ng ilang sandali, may narinig siyang kakaibang tunog sa tahimik na kwarto. Biglang dumilat si Ella. Sa kabila ng antok, malinaw ang kanyang mga mata na may bahid ng kaba.Napatalon siya mula sa kama, kinuha ang cellphone sa tabi, at tiningnan ang oras. Alas-nuwebe na ng umaga.Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi—pabalik-balik ang kanyang pag-ikot sa kama at naidlip lang nang saglit. Kung dati ay sinusunod na lang niya ang kaniyang body clock, kagabi ay kinailangan pa niyang mag-set ng alarm. Pero nabalewala rin naman ito.Habang chine-check ang mga mensahe sa cellphone, napansin niyang may bagong pangalan sa kaniyang friend list. Tahimik na naka-add doon ang pangalan ni Rico. Friend request iyon na naipadala ng hatinggabi.
Ang sasakyan ay pumasok sa Shallow Water Bay. Sa paligid, puro mga single-family villa ang tanawin. Napakataas ng vegetation coverage; maraming puno, malamig ang lilim, at kakaiba ang ganda. Para itong isang paraiso na malayo sa ingay ng siyudad.Ang Shallow Water Bay ay kilalang lugar para sa mga mayayaman. Matatagpuan ito sa labas ng abalang business district at karaniwang tirahan ng mga negosyanteng gumagastos nang marangya kapag nasa trabaho.Dito tuluyang naliwanagan si Ella na ang lalaking pinakasalan niya ay talagang mayaman.Hanggang sa makarating ang sasakyan sa underground garage ng villa, unti-unti nang nanlumo si Ella. Sa dami ng mamahaling sasakyan, halos hindi na siya makahinga sa dami ng klase. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit palaging iba-iba ang kotse na ginagamit ni Rico. Ang mga kotse niya nitong mga nakaraang araw ay hindi rin pare-pareho.Binuksan ni Rico ang trunk at kinuha ang mga bagahe. Nang mapansing nakatitig si Ella sa mga kotse, tinanong niya, “Malaki
Para bang tinamaan ng kidlat si Ella. Hindi niya maitago ang gulat sa kanyang mukha. Sa huli, ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata at dinampot ang gamot at baso ng tubig. Ngunit nang ilang sentimetro na lang ang layo niya rito, hindi pa rin niya magawang inumin. Nakikita pa lamang ay parang nalalasap na niya sa kanyang dila ang mapait na lasa nito, dahilan para mapaatras siya nang hindi sinasadya.“May kendi ka ba?” tanong niya.“Wala, pero may rock sugar dito sa bahay. Gusto mo ba?” sagot ni Rico na bahagyang nagulat. Hindi niya inaasahang ganito kalaki ang takot ni Ella sa gamot. Wala talagang kendi sa bahay dahil hindi siya mahilig sa matatamis.“Hindi na,” sagot ni Ella habang umiiling. Hindi niya gusto ang rock sugar dahil mahirap nguyain.Nang makita ni Rico na ayaw na talagang inumin ni Ella ang gamot, malalim siyang napabuntong-hininga. “Mamaya mo na inumin. Isasama kita sa supermarket para bumili ng candy.”Magaan ang tono niya, pero kung pakikinggan nang mabuti, may ba
Pagkatapos mag-checkout sa supermarket, dumiretso si Rico sa isang malapit na flower shop. Ang kurtina ng pintong gawa sa mga wind chime beads, ay umalun-alon sa hangin, at ang tunog nito’y nagpatigil sa babaeng may-ari ng shop mula sa pag-aayos ng flower rack. Tumingin siya sa pinto at nakita ang isang matangkad na lalaki na nakasunod sa isang babaeng nakangiti. Maingat na iniunat ng lalaki ang kanyang braso upang alisin ang anumang sagabal sa daraanan ng babae.Kahit kapansin-pansin ang diperensya nila sa tangkad, tila nakakatuwang tingnan ang magkasamang gwapo at magandang babae. Kaya naman agad na ngumiti ang may-ari ng shop at bumati, “Anong bulaklak ang nais ninyong bilhin?”Sinulyapan ni Ella ang mga makukulay na bulaklak sa shop at mahinang nagsalita, “Pwede bang mag-match ka ng ilang bouquet na may maliliwanag at masasayang kulay?”“Oo naman, madam,” sagot ng may-ari, muling tinitingnan ang dalawa. Napansin niyang habang nagsasalita si Ella, si Rico’y nakatingin lamang sa kan
Ang mapusyaw na liwanag ng dapithapon ay naglalaro sa malawak na dalampasigan, hinahalikan ng banayad na alon ang pinong buhangin. Sa malayo, ang dagat ay kumikislap, tila nagsasayaw sa huling silahis ng araw. Malamig ang simoy ng hangin, sapat upang pagaanin ang init ng nagdaang araw.Sa ilalim ng isang malaking canopy na itinayo sa buhanginan, naroon ang pamilya at malalapit na kaibigan nina Rico at Ella. Ang halakhakan ay malayang lumilipad sa hangin habang ang bawat isa ay abala sa kanilang masasayang kwentuhan. Sa gitna ng lahat, si Rico at Ella ay magkatabing nakaupo sa isang malambot na banig, pinagmamasdan si Rielle na masayang naglalaro ng buhangin kasama si Gia.“Mas gumanda ka, Ella,” biro ni Chelsey. “Bagay sa ‘yo ang pagiging misis ni Kuya.”Napatawa si Ella habang umiiling. “Dati pa naman.”“Wow! Confident na talaga siya!” ngising malawako na sagot ni Chelsey. Sa di kalayuan, isang pigura ang dahan-dahang lumapit. Si Nurse Nita, may hawak na wheelchair kung saan nakaupo
Nagkagulo ang lahat nang biglang sumigaw si Rico. "Run!"Sa isang iglap, hinatak niya si Ella habang mahigpit na hawak si Rielle bago kinarga. Nabigla si Anton, ngunit agad niyang kinuha ang baril mula sa baywang niya."Putangina, Rico!" sigaw ni Anton bago nagpaputok.Bumagsak ang isang ilaw sa warehouse nang tamaan ng bala, nagdulot ng bahagyang kadiliman. Napasigaw si Sharia Lee, hindi makapaniwalang nakakalaban sila. "Stop them, Dad! Damn it!"Hinila ni Rico si Ella at Rielle papunta sa isang bakal na estante, ginagamit itong panangga sa sunod-sunod na putok ni Anton. Ramdam niya ang takot ni Ella sa mahigpit nitong kapit sa anak nila, pero wala siyang oras para magdalawang-isip. Kailangan nilang makatakas."Rico, hindi natin sila matatakasan nang ganito!" halos lumuluha nang sabi ni Ella.Napatingin siya kay Rielle, mahigpit na nakayakap sa kanya, umiiyak ngunit pilit na nilalabanan ang takot. Hindi siya pwedeng mabigo ngayon.Mabilis siyang luminga-linga, hinahanap ang pinakamab
Ang mga gulong ng sasakyan ay lumilikha ng matinis na tunog habang mabilis na bumabaybay ang convoy sa makitid at madilim na kalsada patungo sa abandonadong warehouse sa may pier. Ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay mas mabigat pa sa bagyong paparating—bawat isa ay may sariling iniisip, pero iisa ang layunin.Mabawi si Rielle.Si Rico, nakaupo sa harapan, mahigpit na nakakapit sa manibela, ramdam ang pagpintig ng kanyang sintido sa tindi ng emosyon. Mula sa gilid ng kanyang paningin, nakita niya ang bahagyang nanginginig na kamay ni Ella. Hindi niya alam kung dahil ito sa takot o sa galit—pero anuman iyon, alam niyang pareho sila ng nararamdaman.“Lahat ng units, standby,” utos niya sa radio, pilit pinapanatili ang boses na matatag. “Walang gagalaw hangga’t hindi ko ibinibigay ang signal.”Sa kabila ng kanyang panlabas na katahimikan, ang loob niya ay isang naglalagablab na bagyo ng galit at takot. Hindi niya matanggap na sa isang iglap, nasa panganib ang pinakamahalagang kayamanan
Ang gabi ay dapat tahimik, pero sa loob ng safe house nina Rico, ang tanging maririnig ay ang mabibigat nilang paghinga at ang tunog ng mabilis na takbo ng sasakyan ni George. Nakatakas sila, pero alam nilang hindi pa tapos ang laban.Habang nakaupo sa likod, mahigpit na niyakap ni Ella si Rico. Nanginginig ang kanyang mga kamay, hindi lang dahil sa kaba kundi sa takot na anumang oras, maaaring bumalik ang panganib.Pero bago pa sila makapag-isip ng susunod na hakbang, biglang tumunog ang cellphone ni Rico. Isang unknown number na naman.Nagkatinginan sila ni Ella bago niya sinagot ang tawag.“Velasquez.”Isang nakakatakot na tawa ang sumagot sa kanya. "You’re really getting on my nerves, Rico."Nanginig ang panga ni Rico. "Who the hell are you?""The last person you should've messed with."Ngunit bago pa siya makasagot, isang pamilyar na tinig ang narinig niya mula sa kabilang linya."D-daddy…"Nanlaki ang mga mata ni Rico. "Rielle?!""Daddy, please help me…" humihikbing sabi ng kany
Sa gabing iyon, nagtipon-tipon sina Rico, Ella, George, at Don Salvador sa isang safe house upang suriin ang impormasyong iniwan ni Jasmine. Nasa harapan nila ang isang laptop, at hawak ni Rico ang maliit na flash drive na iniabot ni Cedric, ang kanyang assistant, na kararating lang.Nanginginig ang kamay ni Cedric habang inaabot ang flash drive. "Sir… si Jasmine… wala na."Napaatras si Ella, nanlalaki ang mga mata. "Ano?!"Napakuyom ng kamao si Rico. "How?"Lunok-lunok ni Cedric ang kaba bago sumagot. "I don't know, her heart just…stopped after she gave me this drive."Natahimik ang buong silid. Kahit alam nilang malubha ang tama ni Jasmine, umaasa pa rin silang makakaligtas ito."Hindi pwedeng masayang ang sakripisyo niya," mahina ngunit matigas na sabi ni Rico.Umupo siya sa harap ng laptop at isinaksak ang USB. Saglit na nag-loading ang screen bago lumabas ang confidential financial documents—mga rekord ng money laundering, illegal transactions, at pangalan ng mga taong sangkot. I
Habang bumabagtas ang sasakyan nila Rico at Ella patungo sa lugar kung saan naghihintay si Mr. Salvador, ramdam nila ang tensyon sa paligid. Tahimik si Rico, malalim ang iniisip, habang si Ella naman ay hindi mapigilan ang kaba. Alam niyang delikado ang sitwasyong pinapasok nila, ngunit mas pinili niyang manatili sa tabi ng kanyang asawa.Pagdating nila sa isang pribadong rest house sa labas ng lungsod, nagbukas agad ang gate, at sinalubong sila ng isang grupo ng mga bodyguard. Agad silang inihatid sa loob, kung saan naghihintay si Mr. Salvador—isang lalaking may awtoridad sa kanyang tindig, ngunit may kakaibang sigla sa kanyang mga mata nang makita si Rico."Rico," malalim ang boses ni Mr. Salvador, ngunit may bahid ng kasiyahan. "Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito."Nagpalitan ng tingin sina Rico at Ella bago ito sumagot. "Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti si Mr. Salvador at sumandal sa kanyang upuan bago itinuro ang lalaking nakaupo sa tabi niya.Napatigil si Rico nang maki
Habang nakatayo si Rico sa may pinto, pilit na pinapakalma ang kanyang ina, biglang bumukas ang pinto ng kusina. Lumabas si Ella, bitbit ang isang baso ng tubig. Kita sa mukha niya ang pag-aalala habang pinagmamasdan ang dalawa."Mom?" Napahinto siya, nagtatakang nilingon si Rico bago bumaling sa ina nito. "Anong ginagawa niyo rito?"Halos hindi na napansin ni Rache ang pagtawag ni Ella. Agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay nito. "Ella... Ano bang nangyayari rito? May problema ba?"Nagkatinginan sina Ella at Rico. Alam niyang hindi niya basta-basta masasabing walang nangyayari, lalo na't dama niya ang tensyon sa paligid."Ma, wala kayong dapat alalahanin," pagsingit ni Rico, subukang ilihis ang usapan. "Wala namang masyadong nangyayari—""Walang nangyayari?" matalim ang tingin ni Rachel sa anak. "Rico, sinong niloloko mo? May mga guwardiya sa bahay, sa eskwelahan ni Rielle, tapos may sasakyan pang nakaparada sa labas na hindi natin alam kung sino ang nasa loob!"Nanlamig ang pak
Pagkapasok nina Ella at Rico sa bahay, tumakbo na si Rielle papunta sa kusina kasama ang kanyang yaya, excited sa cookies na ipinangako ni Ella. Nanatili namang nakatayo ang mag-asawa sa may sala, pareho nilang pinapanood ang anak habang naglalaro at kumakain.Tahimik si Rico, tila may gustong sabihin ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Napansin iyon ni Ella, kaya siya na ang bumasag sa katahimikan."Hindi natin pwedeng hayaang madamay si Rielle sa gulong ‘to," mahina niyang sabi, pero may diin sa bawat salita.Napatingin si Rico sa kanya, ang matapang na maskara nitong laging suot ay unti-unting bumagsak. Sa likod ng matapang niyang postura, naroon ang takot—hindi para sa sarili, kundi para sa pamilya niya."Gagawin ko ang lahat para protektahan kayo," mahina ngunit matibay na sagot ni Rico. "Kahit ano, Ella. Kahit ano."Umiling si Ella at lumapit dito. "Hindi lang ikaw ang may responsibilidad sa ‘min, Rico. Ako rin. Hindi kita hahayaang harapin ‘to mag-isa."Napabuntong-hininga
Pagpasok ni Ella sa bahay, bumungad agad sa kanya si Rico na nakaupo sa sala, hawak ang isang basong whiskey. Hindi na siya nagulat na gising pa ito.Dahan-dahang lumapit siya. “Rico…”Lumingon ito sa kanya, kita sa mga mata ang bigat ng pagod. “You’re home late.”Nilapag ni Ella ang bag niya at umupo sa tabi nito. “I met Christ.”Rico exhaled sharply. “I know.”Nagkatinginan sila, ngunit agad ring naiisip ni Ella na sinabi siguro ng kaniyang mga bodyguard kanina. Nagtanong si Ella, "Gaano ka na katagal alam ang lahat ng 'to?"Hindi sumagot si Rico agad. Ininom nito ang natitirang whiskey sa baso bago inilapag iyon sa mesa. “Matagal na. Pero hindi ko masabi sa’yo dahil alam kong mas mahihirapan ka.”Ella clenched her fists. “Rico… alam kong wala kang kasalanan. Pero bakit hindi mo agad sinabi?”Napayuko si Rico, halatang pinipigil ang emosyon. “Dahil hindi mo ako titigilan hangga’t hindi mo sinusubukang ayusin ang gulong ‘to. At hindi kita hahayaang madamay.”Hinawakan ni Ella ang kam