Habang nag-iisip si Ella, biglang pumasok si Jasmine Ortiz, ang kanilang secretary general. Professional ito sa lahat ng kilos at nasa 30 years old na, masipag at matalas din ang diskarte. Matapos tanawin ang mga sekretarya sa opisina, malakas itong nagsalita, “Let’s move! All of you! Alam niyo naman kung gaano ka-strikto si President Velasquez. Huwag kayong tatamad-tamad dito.”
“Danika, ipadala mo kay Assistant Danceco ang schedule ni Mr. Velasquez para sa hapon. Clay, ayusin mo naman ang lahat ng mga dokumentong isinumite ng iba’t ibang departamento sa nakaraang dalawang buwan. May posibilidad na basahin ito ni Mr. Velasquez. At ikaw naman, Mariz, ikaw ang bahala sa report tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kumpanya.”
“At ikaw naman, Ella…” Napahinto si Jasmine nang banggitin ang pangalan niya.
Tumakbo sa kaniya isip ang insidente noong nasa Development Department pa si Ella—ang pagsampal niya sa kasamahan na mabilis na kumalat sa mga maliliit na grupo sa kumpanya. Kaya naman ang akala ni Jasmine noong una, isa itong padalos-dalos na tao.
Ngunit simula nang ma-assign si Ella sa secretarial office, napansin niyang maayos at organisado ito magtrabaho. Ang ugali nito ay magiliw at magalang, malayo sa imahe ng babaeng walang pakialam sa video. Sa halip, mukha itong mahinahon at maingat.
Sa loob ng dalawang buwang magkasama sila, unti-unti niyang nakilala ang pagkatao nito. Isa itong sensitibong tao. Ngunit dahil hindi pa nito nakikilala and Presidente ng kompanya, mas mabuting hindi ito masyadong bigyan ng mabibigat na gawain.
Lalo na’t kilala si Mr. Velasquez bilang taong hindi tumatanggap ng pagkakamali. Kung magkamali ito o mapahiya sa unang pagkikita pa lang, posibleng maapektuhan ang tiwala ng dalaga.
Samantalang malakas na kumakabog ang dibdib ni Ella habang pinagmamasdan ang bahagyang pag tigil ni Jasmine. Sa isip niya, ayaw niyang ma-assign sa mabababang gawain lamang.
Makalipas ang ilang sandali, nagdesisyon na si Jasmine. “Ella, magtimpla ka ng kape para kay Mr. President mamaya. Kilalanin mo ang mukha niya dahil sa mga susunod na trabaho, kailangan mong makipag-ugnayan sa kanya. Tandaan mo, ang iniinom lang ni Mr. Velasquez ay black coffee—walang asukal o gatas. Siguraduhin mo ring tama ang temperature.”
“Ugali ni President Velasquez na uminom ng kape pagdating sa kumpanya. Kaya once na dumating na siya, maghanda ka at dalhin ito sa opisina. Simula ngayon, ikaw na ang bahala sa gawaing ito,” bilin nito, matapos mapagpasyahang magsimula muna si Ella sa maliliit na bagay para hindi ito gaanong mabigatan.
Nagliwanag naman ang mga mata ni Ella, at bahagyang ngumiti ang kanyang mga labi. “Sige po, Ate Jasmine.”
Kung ikukumpara sa Development Department, mas magaan ang trabaho sa secretarial office. Walang masyadong pressure para magpakitang-gilas, at mas maayos ang samahan ng mga kasamahan. Naiintindihan din niya ang malasakit ni Jasmine Ortiz, at labis siyang nagpapasalamat sa ganitong ugali ng kaniyang leader.
Pagkatapos i-assign ang mga gawain, bumalik si Jasmine sa kanyang opisina. Lumapit naman si Trixie kay Ella at mahina ang boses na bumulong, “Ella, kaya mo 'yan! Sana maging successful ang unang araw mo!”
Isa lamang taon ang tanda ni Trixie kay Ella. Madalas rin silang magkasama at may plano pang maghapunan sa labas balang araw.
Hindi naman alam ni Ella kung matatawa o maiiyak. Lalo na’t hindi naman siya pupunta sa digmaan; magtitimpla lang siya ng kape. Pero kahit na ganun, na-appreciate niya ang suporta nito. “Sige, magpapasalamat ako para sa'yo.”
Napansin ni Trixie na tila hindi seryoso si Ella, kaya't nagbitaw ito ng paalala, “Huwag mong mamaliitin ang pagpapadala ng kape. Mahigpit si President Velasquez sa trabaho. Oobserbahan niya ang bawat galaw mo. Kaya huwag kang magkakamali.”
“At huwag kang magpakilala nang hindi ka tinatanong. Ayaw niya ng ganung tao. Mahilig siya sa tahimik. Huwag kang basta magsasalita sa opisina maliban na lang kung may ire-report ka o may trabaho kayong pag-uusapan.”
Naragdagan naman ang kaba ni Ella sa kanyang narinig, huminga ng malalim at pinaalalahanan ang sarili na kailangan niyang mag doble ingat. Unang beses pa naman niyang makikilala ang Presidente, kaya't nais niyang mag-iwan ng magandang impresyon.
Pagkatapos magsalita ni Trixie, tumingin ito sa paligid at ibinaba ang boses. “Pinakamahalaga, huwag mong subukang akitin siya. May isang sekretarya na nag-try dati, at sobrang sama ng kinahinatnan.” Umiling pa ito nang may panghihinayang.
Si President Velasquez ay modelo ng isang perpektong bachelor—guwapo, matipuno, sobrang yaman, at maaga pang naging leader sa industriya.
Sayang nga lang, wala siyang interes sa mga babae. Hanggang ngayon, walang balita na may sinuman siyang karelasyon.
Dati, may isang sekretaryang nagtiwala sa sarili niyang ganda. Sa sobrang desperado, nagbihis siya ng sobrang ikli habang nagdadala ng kape. Ang mas malala, hinubad pa niya ang sarili niyang suot. Sa huli, tuluyan siyang tinanggal sa industriya.
Binanggit ito ni Trixie kay Ella dahil baka matuksong gamitin nito ang kanyang ganda. Lalo na't napapaisip siyang ang hitsura ni Ella ay mas bagay sa showbiz kaysa maging sekretarya.
Payat ang pangangatawan nito, at may tamang hubog. Sa tuwing nakikita siya ng ibang babae, naaakit ang mga ito sa malambot na kutis, maayos na hugis ng mukha, at maselang itsura.
Subalit para kay Ella, wala siyang intensyong umasa nang sobra. Lalo na’t nakita niya na ang larawan ni Rico Velasquez sa opisyal na website ng kumpanya. Ang matikas na tindig at matatalim na mga mata ay nagsusumigaw ng awtoridad.
“Okay, naiintindihan ko,” mahinahon niyang sagot. Matapos nito, nag-focus nalang si Ella sa kanyang trabaho.
Makalipas ang halos isang oras, nakita niya ang pagdaan ng mga tao sa harap ng opisina. Mabibigat ang mga hakbang na siyang nagpatigil sa kaniyang ginagawa at bahagyang tumingin.
Si Rico Velasquez ang nasa gitna, mabilis na naglalakad. Kasama nito si Jasmine Ortiz na may dalang mga dokumento at tila may tinatalakay tungkol sa isang departamento.
Hindi pa man niya lubusang nakikita ang kanyang boss, mabilis itong nawala sa kanyang paningin.
“Sige na, Ella,” nakangiting sabi ni Trixie. Puno ng suporta ang kanyang mga mata.
Kahit bahagyang kinakabahan, pinanatili niya ang kalmadong ekspresyon habang lumalakad papunta sa pantry. Kinuha niya ang nakahiwalay na mga coffee beans at giniling ito. Sinunod niya ang bawat hakbang sa paggawa ng perpektong black coffee.
Ang amoy ng kape ay unti-unting kumalat sa paligid—may halong tamis at kaunting pait, misteryoso at kaakit-akit.
Sa pintuan ng opisina ni Mr. Velasquez, hawak ni Ella ang tasa ng kape. Huminga siya nang malalim bago kumatok. Nang marinig ang pahintulot, maingat siyang pumasok.
Dominado ng itim, puti, at kulay abo ang opisina—simple ngunit elegante. Malawak ang espasyo, may floor-to-ceiling window na tanaw ang distrito ng negosyo.
Tahimik siyang lumapit habang maingat na hawak ang tasa ng kape. Naroon ang ilang tauhan, nakikipag-usap kay Rico tungkol sa progreso ng trabaho. Hindi naman niya makita ng lubusan ang mukha ng kanyang boss, ngunit sa postura pa lamang nito ay bakas ang awtoridad at kakayahan.
Dahan-dahan niyang inilapag ang tasa sa tamang distansya mula sa lalaki. Ngunit dahil sa kulob na paligid, hindi maiwasan ang bahagyang tunog ng tasa sa ibabaw ng lamesa.
Nag-angat ng paningin si Rico, sapat para makita ang makinis at maputing kamay ni Ella na naglagay ng tasa.
“Salamat,” simpleng sambit nito na may tinig nang kalaliman ngunit banayad, parang tinutugtog ng isang instrumentong puno ng damdamin. Tumango si Ella at agad na umurong papalabas. Ngunit nang muling marinig niya ang boses nito, mahina ngunit puno na ng awtoridad.
“Teka, huwag ka munang umalis.”
Ang boses na iyon ay nagdulot ng pagtataka at pagbaling ng tingin ng tatlong iba pang tao sa opisina patungo sa kinatatayuan ni Ella. Biglang nahinto ang pag re-report ni Mariz. Dahilan upang tuluyang mabalot ng di-pangkaraniwang katahimikan ang paligid.Dahan-dahang humarap si Ella, pilit pinanatili ang isang simple at maaliwalas na ngiti, at direktang tiningnan ang malamig na mga mata ni Rico Velasquez.“Sir, mayroon po ba kayong ipag-uutos?”Sa unang pagtama ng malamig niyang mga mata sa mukha ni Ella, saglit na lumitaw ang bakas ng pagkabigla dito. Matapos ang ilang segundo ng pagkatulala, inilapag ni Rico ang tasa ng kape at nagsalita sa malamlam na boses. “Ikaw ba ang gumawa ng kape?”Ang tanong na ito ay parang tumama sa dibdib ni Jasmine Ortiz, na biglang nakaramdam ng pag-aalala. Dati, si Clay ang gumagawa ng kape, kaya naman inisip niyang baka hindi nagustuhan ni Rico ang gawa ni Ella ngayon. At dahil ayaw niyang mapagalitan si Ella sa unang pagkakataon nitong makaharap si R
Napansin ni Rico ang kanyang kilos bago nagsalita sa malinaw na boses, “Hindi mo ba gusto ang pagkain? Kung hindi mo gusto, mag-order ka pa ng iba.”Habang sinasabi iyon, handa na ito para tumawag ng waiter.Agad naman siyang pinigilan ni Ella, umiling at sinabing, “Ayos lang po. Siguro nagka-trangkaso lang ako nitong mga nakaraan. Medyo nasusuka ako at hindi makakain ng karne.”Sa loob ng dalawang araw, tila hindi niya matiis ang mamantikang pagkain. Siguro ay dahil ito sa biglaang pagbabago ng panahon. Mabuti na lang at hindi naman ito malala, kaya hindi niya masyadong inintindi.Bahagyang namang kumunot ang noo ni Rico, tinitigan siya ng ilang sandali nang tahimik, at saka tumawag ng waiter.“Pakihanda ng brown sugar ginger water. Huwang mong kalimutang tanggalin ang luya bago i-serve.”“Opo, sir,” sagot ng waiter sabay alis.Napatingin si Ella kay Rico, hiyang hiya dahil tila naabala pa niya ang boss niya.Mukhang nabasa naman ni Rico ang iniisip nito kaya't ngumiti nang bahagya.
Binuksan ni Rico ang bag ng gamot at nakita ang higit sa isang dosenang pregnancy test sticks sa loob. Napagtanto niya na binili ni Cedric ang lahat ng brand ng pregnancy test sticks mula sa mga botika malapit sa kanila."Sinigurado kong lahat ng posibleng pagpipilian ay narito," paliwanag nito.Tumingin si Ella sa mga pregnancy test sticks sa loob ng bag at nagtatakang nagtanong, "Kailangan ba talaga ng ganito karami?"Matapos silipin ni Rico ang laman ng bag, iniabot niya ang mga pregnancy test sticks kay Ella."Pumili ka ng ilan para subukan," sabi niya. "Nandoon ang lounge ko, may banyo sa loob."Pagkasabi nito, itinaas niya ang kanyang baba at itinuro ang secret door sa tabi ng bookshelf.Hinawakan ni Ella nang mahigpit ang tali ng bag habang nakatingin sa direksyong tinuro ni Rico. Tila nag-ipon siya ng lakas ng loob para maglakad papunta roon, ngunit nang dumampi ang kanyang kamay sa pinto, umatras siya, tumalikod, at muling tumingin kay Rico. Ayaw niyang mabuntis.Nakita ni Ri
“Magpakasal? You mean, magpapakasal… tayo? Ako at ikaw?" Bahagyang lumaki ang mga mata ni Ella, at nanginginig niyang itinuro si Rico, pagkatapos ay inilipat sa kaniyang sarili.Pakiramdam niya’y mali ang narinig niya.“Oo, papakasalan kita,” sagot ni Rico sa matibay na tono, may bahagyang ngiti sa kanyang malinaw na mga mata.Hindi agad nakapag-react si Ella at naibulalas ang iniisip niya, “Hindi ba dapat bigyan mo ako ng cheque at sabihan akong ipanganak ang bata, pero huwag nang magpakita sa mundo mo kahit kailan?"“Mukha ba akong ganoong klaseng tao?” Tanong ni Rico, tila naguguluhan. Pakiramdam niya, hindi naman niya ibinigay kay Ella ang ganitong impresyon.Awkward na napangiti si Ella, at naramdaman niyang sumiklab ang hiya sa kanyang puso. Paano niya sasabihing masyado siyang maraming nabasang mga nobelang tungkol sa mga mapangahas na CEO?“Balik tayo sa usapan. Tungkol sa kasal—kalimutan na lang natin. Ang isang kasal na nakatali dahil sa bata ay hindi magiging masaya.” Diret
Habang nakaupo sa kotse ni Rico, nakaramdam ng matinding pagkailang si Ella. Sa isip niya, may posibilidad na baka ito ang parehong kotse noong gabing iyon.Ngunit iba ang pagmamaneho ni Rico ngayon—mas mabagal, mas maingat, at halatang iniisip ang kapaligiran niya. Pakiramdam ni Ella, alam nito ang pinagmumulan ng kanyang pag-aalala.Ngumiti si Rico at tumingin sa kanya. “Hindi ito ang kotse na iyon.”Biglang nanigas ang katawan ni Ella at nagpanggap na hindi naintindihan ang sinabi nito. “Huh? Sorry, hindi ko gets,” aniya sabay kuha ng telepono, kunwari’y nag-check ng messages, kahit nasa home screen lang naman ito. Sa isip niya, basta piliin niyang kalimutan at itago ang nararamdaman, pwede siyang magpanggap na walang nangyari.Narinig naman niya ang mababang tawa ni Rico—isang mahina pero malinaw na tawa na tumagos sa maliit na espasyo ng sasakyan. Namula ang maputi niyang tainga at mabilis na iniwas ang tingin sa bintana, kunwari’y abala sa tanawin sa labas.Nang makarating sila
Nagbago nang bahagya ang ekspresyon ni Rico, ngunit agad niya itong napigilan at nagsalita sa mabagal na tono, "Dapat ba akong magpasalamat, Mrs. Velasquez?" Walang pinagkaiba ang tono niya sa dati, ngunit naramdaman ni Ella ang kakaibang panganib sa kanyang boses. Dahil may kinalaman ito sa kanilang kinabukasan, mas maiging maging maingat siya. "Gusto ko lang naman maging handa kung sakali. Saka, alam kong kailangan ko ang pera, pero ako ang may kasalanan kaya napipilitan ka ngayon sa sitwasyon natin. Kaya kung mag-aasawa ka na ng iba, baka maaari mong huwag kalimutan sustentuhan ang anak natin, kahit siya lang," tugon ni Ella. Halos mapatawa si Rico sa inis. Parang ang tingin ni Ella, responsibilidad lang ng pagiging ama ang kaya niyang akuin. "Ganoon ba ang tingin mo sa’kin? Kung ganun, aakuin ko na rin ang responsibilidad at obligasyon bilang asawa mo." "Ano? Hindi, hindi ko—" Napalawak ang mga mata ni Ella at pilit na naghanap ng tamang sagot. "Hindi natin mahal ang isa't
Nakatayo si Rico sa pintuan, bahagyang pinakikiramdaman ang loob. Sa huli, binuksan na niya ang pintuan ng ward. Gulat at sabay na tumingin kay Rico si Ginang Gina Velasquez at si Yaya Mila. Agad namang nilunok ng matanda ang lugaw sa kanyang bibig, habang inilapag naman ng katulong ang mangkok sa maliit na mesa. Nagkatinginan ang dalawa, halatang bihasa na sila sa pagpapanggap sa harap ni Rico. "Aray! Ang sakit ng puso ko! Ang sakit!” Agad na nagkunwaring may sakit si Ginang Gina. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at umarte na may kirot. "Madam, ayos lang po ba kayo? Tatawag po ako ng doktor para sa inyo," sabi ni Yaya Mila na kunwaring nag-aalala at dali-daling lumapit. Habang nag-aarte, sinulyapan ng matanda si Rico at nagsalita nang may lungkot, "Ayos lang ako, lumala lang ang luma kong karamdaman. Kung makikita ko lang si Rico na magpakasal at magka-anak bago ako mawala, mamamatay akong walang pagsisisi!" Magaling ang pagtatambalan ng dalawa, pero si Rico ay nanatiling wala
Kinabukasan, tumunog nang eksakto ang alarm ng cellphone sa tabi ng kama. Nakapikit pa rin si Ella habang kinakapa ito. Nang mahawakan ang screen, agad niyang pinatay ang alarm gamit ang muscle memory saka tumagilid at bumalik sa pagtulog nang payapa.Pagkalipas ng ilang sandali, may narinig siyang kakaibang tunog sa tahimik na kwarto. Biglang dumilat si Ella. Sa kabila ng antok, malinaw ang kanyang mga mata na may bahid ng kaba.Napatalon siya mula sa kama, kinuha ang cellphone sa tabi, at tiningnan ang oras. Alas-nuwebe na ng umaga.Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi—pabalik-balik ang kanyang pag-ikot sa kama at naidlip lang nang saglit. Kung dati ay sinusunod na lang niya ang kaniyang body clock, kagabi ay kinailangan pa niyang mag-set ng alarm. Pero nabalewala rin naman ito.Habang chine-check ang mga mensahe sa cellphone, napansin niyang may bagong pangalan sa kaniyang friend list. Tahimik na naka-add doon ang pangalan ni Rico. Friend request iyon na naipadala ng hatinggabi.
Sa Silid ng Ospital, nakatayo sina Ella at Rico sa harap ng kama ni Christy, ang ina ni Ella. Magkahawak-kamay ang dalawa, at kahit halatang may karamdaman si Christy, bakas pa rin sa kanyang mga mata ang kasiyahan. Sa isip niya, tunay ngang nakakamangha ang lalaking nakuha ng kanyang anak. Ang maayos nitong hitsura at perpektong postura ay bagay na bagay sa kagandahan ni Ella."Hello po, Mrs. Gatchalian. Ako po si Rico, 29 taong gulang. CEO ng Velasquez Group. May simpleng pamilya, walang bisyo, may bahay, kotse, at ipon." Bahagyang yumuko si Rico. Bagama't maayos ang kanyang tindig, halata ang tensyon sa kanyang mukha, at mabilis ang tibok ng puso niya.Habang sinasabi ang mga salitang iyon, napaisip si Rico kung bakit parang awkward itong pakinggan. Mukhang nasayang yata ang oras na ginugol niya kagabi sa paghahanap online ng "paano ma-impress ang biyenan."Pinipigilan naman ni Ella ang mapatawa. Ngayon lang niya nakita si Rico na kinakabahan. Samantalang sa opisina, kalmado at maa
Tinitigan ni Ella ang malamig ngunit kalmadong mga mata ni Rico. Alam niyang hindi ito naaakit sa kanya—sigurado siyang isa na naman ito sa mga pang-aasar nito.Kaya’t hindi siya maaaring magpatalo. Kailangan niyang makaganti, kahit na sa maliliit na paraan lamang. "Ang utak mo, puro kalokohan. Napagod lang ako, okay? Gusto ko lang umupo nang sandali," sagot ni Ella, pilit pinapanatili ang kanyang composure.Mabagal siyang bumaba mula sa mesa, kunwaring kalmado, at kunwari'y maglalakad palabas ng opisina.Napatawa naman si Rico. Ang kanyang tawa ay mababa at bahagyang paos, may halo pang init na tila nang-aakit. "Uminom ka muna ng gamot bago ka umalis," aniya.Huminto si Ella sa paghakbang. Tila bumalot ang lamig sa kanyang likuran. Napabuntong-hininga siya at naupo sa mesa malapit sa French window. Binuksan niya ang takip ng water tumbler ni Rico, kinuha ang baso, at siya na mismo ang nagsalin ng tubig.Paglingon niya, napansin niya ang bukas na kendinsa lamesa. Sanay na siya sa rout
“Wala akong sinabing ganyan,” sabi ni Ella habang umiinom ng gatas. Napalibutan ng manipis na puting linya ang kanyang mga labi, at hindi sinasadyang dinilaan niya ito. Nagdilim ang mga mata ni Rico habang lihim siyang napalunok. Uminom siya ng kape, sabay kuha ng pahayagan, at nagkunwaring nagbabasa muli, ngunit wala ni isang salita ang pumasok sa isip niya. Pagkatapos ng almusal, sabay silang lumabas ng bahay upang pumasok sa trabaho. Habang sinusundan ni Ella si Rico papunta sa underground garage, natigilan siya sa harap ng garahe at napako sa kanyang kinatatayuan. Sino ang makakapagsabi kung bakit isang kotse na lang ang natira sa garahe? At masaklap pa, ito ang huling sasakyang nais niyang sakyan. “Nasaan ang mga kotse?” tanong ni Ella habang mabilis na tumingin-tingin sa paligid. Ang umaasa niyang tingin ay biglang nadurog nang mapagtantong wala na ang ibang sasakyan. Binuksan ni Rico ang passenger door ng natitirang kotse at may mapanuksong ngiti sa mga labi. “Pinadala ko
Namuo ang pawis sa noo ni Melord habang halinhinang tinitingnan ang mag-asawa. Bigla niyang naalala ang mga pinagsasabi niya kay Ella kanina. Ang lakas pa ng loob niyang tanungin si Rico na ilipat ang asawa nito sa kumpanya niya. Ngayon lang niya napagtanto na may ibang kahulugan pala ang pagsusungit ni Rico sa kanya kanina.Ayon sa pagkakakilala niya kay Rico, hindi ito basta-basta nagbibigay ng pabor, lalo na kung walang dahilan. Habang binabalikan niya ang mga sinabi at ginawa niya, nararamdaman niyang baka maghiganti ito mamaya.Subalit inisip niya na wala naman siyang ginawang masama. Kung alam lang niya na asawa ito ng kaibigan niya, tiyak napigilan niya ang sarili.Matapang siyang lumapit sa dalawa, dala ang pilit na matamis na ngiti.“Pasensya na, sister-in-law. Puwede bang kalimutan mo na lang ‘yung sinabi ko kanina? Alam mo naman, minsan hindi ko mapigilan ang bibig ko. Kaya, peace?”Si Ella, na matagal nang sanay sa pakikisalamuha sa mundo ng negosyo, ay nakarinig na ng mas
Nang sumapit ang dapit-hapon, unti-unting lumambot ang sikat ng araw, nagiging banayad at mainit sa paligid. Isang mapusyaw na pink na Ferrari ang pumasok sa underground garage ng Velasquez Group. Mula rito, bumaba ang isang matangkad na lalaki—may malapad na pangangatawan, kayumangging balat, at pilak na buhok na agaw-pansin lalo na’t naka-light pink na polo siya.“Humanda ka sa’kin ngayon, Rico,” mahina niyang sambit habang diretso siyang pumasok sa elevator patungo sa pinakamataas na palapag.Hindi nakadalo si Rico sa kanilang salu-salo kagabi, kaya nagdesisyon si Melord na personal itong puntahan upang tanungin kung kailan nila makikilala ang misteryosang Mrs. Velasquez.Paglabas pa lang ni Melord sa elevator, bago pa man siya makarating sa opisina ng mga sekretarya, agad nang napansin ng karamihan ang kanyang presensya. Ang aura niya’y tila hindi maaaring balewalain. Agad siyang sinalubong ni Clay, ang senior secretary ng kumpanya."Mr. Chavez, nasa meeting pa po si Mr. Velasquez
Pagdating ni Ella sa kumpanya, nakaupo na ang lahat ng mga sekretarya sa kanilang mga pwesto. Kaya naman thimik na pumasok si Ella sa kanyang workstation at naupo, nakatingin sa itim na screen ng computer, naghihintay kay Rico na dumating.Ilang minuto lang ang lumipas nang bumukas ang pinto ng elevator mula sa malayo, at isang matangkad na lalaki ang naglakad papalapit. Habang dumadaan siya, napansin ni Rico si Ella, na tila kabadong-kabado. Nang makita ni Ella ang anino ni Rico mula sa gilid ng kanyang mata, pinilit niyang bawasan ang kanyang presensya, ikinubli ag sarili sa kaharap na monitor ngunit pasimple paring sumusulyap.Matapos magluto ni Rico ng pagkain para sa kanya kaninang umaga, tinanggihan ni Ella ang alok nito na isama siya sa kotse papuntang trabaho. Gayunpaman, dahil sa pag-aalala ni Rico, hindi siya nito pinayagan. Ngunit dahil hindi madaling magpatinag si Ella, wala rin siyang nagawa sa huli. Pinili nalang niyang sundan ang mabagal na pagmamaneho nito hanggang sa
Pagkagising, dinampot ni Ella ang telepono sa tabi ng kama at tumingin dito. Nagising siya nang higit kalahating oras na mas maaga kaysa sa karaniwan. Mula nang manirahan siya rito, hindi siya makatulog nang maayos sa gabi. Ngunit sa kabila nito, tila nahuhumaling siya sa lambot ng kama.Malapit lang naman ang Repulse Bay sa kumpanya, ngunit naalala niyang nagpaalam si Manang Merry, kaya naisip niyang bumangon na at mag-ayos. Isinuot niya ang isang crescent-shaped na puting damit na may tulle na disenyo at may mga perlas na nakapalibot sa neckline. Malinis at dalisay ang dating ng damit, at ang laylayan nito ay umaalon sa taas lamang ng kanyang mga bukung-bukong.Pagpasok sa kusina, binuksan ni Ella ang refrigerator at tiningnan ang mga frozen food. Napansin niyang napakarami nito. Marahil ay nag-imbak si Manang Merry, natatakot na wala silang oras para magluto. Mayroong maliliit na wonton, dumpling, at iba pang tinapay na handang i-steam o iprito.Nagpakulo si Ella ng tubig para sa
Naalarma si Ella habang pigil-hiningang pinagmamasdan si Rico. Sa sobrang pagkabahala niya, nakalimutan na niyang kumilos nang naaayon. Ni hindi niya ginagamit ang sariling chopsticks sa pagkuha ng pagkain pag kaharap ang mayayamang tao, gaya sa trabaho. Ngunit ngayon, sa harap pa ng boss niya nalimutan.Habang hindi siya mapakali, nanatiling kalmado si Rico. Walang anumang pagbabago sa ekspresyon nito. Wari’y hindi man lang nito napansin ang pagkakamali ni Ella. Kalma niyang kinuha ang cola chicken wing gamit ang sariling chopsticks at kinain ito nang walang alinlangan.Sa tagpong iyon, lihim na napabuntong-hininga si Ella. Ibinalik niya ang chopsticks na kanina’y nakabitin sa ere at nagpatuloy sa pagkain. Ngunit sa pagbaba ng kanyang tingin, hindi niya napansin ang saglit na pagkakapako ng malamig na mata ni Rico sa kanyang mukha. May bahagyang kislap sa mga mata nito—isang emosyon na mabilis ding naglaho.Pagkatapos ng hapunan, masiglang nagligpit si Ella ng mga pinagkainan. Inilag
Ipinarada ni Ella ang sasakyan sa underground garage. Ang ibang mga brand ay masyadong kapansin-pansin, kaya pinili niya ang pinakamurang modelo ng Mercedes mula sa hanay ng mga mamahaling kotse. Pagkatapos niyang iparada, biglang may narinig siyang katok sa bintana ng sasakyan. Tumingala siya at nakita ang isang lalaking kumakatok gamit ang mga daliri. Mukhang kaswal at walang bahid ng kahit anong emosyon ang ekspresyon nito, ngunit hindi inaalis ang tingin ng mga mata nito sa kanya. Binuksan ni Rico ang pintuan ng kotse at bahagyang ngumiti ang manipis na labi. “Baba ka na.”“Bakit ka nandito sa underground garage?” tanong ni Ella habang inilalabas ang susi ng kotse, may bahagyang pagtataka sa mukha.Isinara ni Rico ang pintuan gamit ang isang kamay bago lumapit sa kanya. “Hinintay kitang umuwi,” sagot nito, na parang normal lang ang tono.Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Ella. Nang sabihin nitong maghihintay siya sa telepono, akala niya’y sa hapag-kainan siya nito aantayin, ngu