Jazmin's POV
"Oh my god! Jazmin, wake up! Nagising na ang mga kapitbahay pati mga nananahimik na patay sa ingay ng alarm mo pero ikaw tulog na tulog pa din!" Maktol ni Jen, kaibigan at ka roommate ko.
Unti-unti kong binuksan ang namimigat ko pang mga talukap at hinagilap ang cellphone kong nag-iingay at agad na in-off ang alarm nito. Napangiti ako ng matamis at nag-inat. Gustong gusto ko talaga ang malamig na klima dito sa Baguio kaya kadalasan nahihirapan akong gumising ng maaga dahil napapahimbing talaga ang tulog ko.
Kahit kagigising ko lang, parang gusto kong matawa sa itsura ng kaibigan ko nang lingunin ko siya. Pinipilit niya pang bumalik sa tulog pero mukhang nabulabog na nga siya ng tuluyan ng alarm ko. Mamaya pa kasi ang klase niya. Na guilty tuloy ako. Blame it on the nice weather!
"Sorry! Good morning, Jen!" Nakangiti kong bati sa kanya sa kabilang kama pero inirapan lang ako kaya diko napigilang matawa. Tig-isa kami ng kama ni Jen. "Aray!" Binato ba naman ako ng unan! Siya naman ngayon ang natawa! Ganyan lang talaga kami pero love na love namin ang isa’t isa.
"Tulog mantika!" Singhal niya pa ulit sa akin pero tumatawa.
Apat kaming nakatira dito sa aming maliit na apartment dito sa Aurora Hill. May dalawang kwarto ito. Maliit nga pero maganda naman at malinis. May dalawa pa kaming kasamang nangungupahan dito, magkapatid, at sa kabilang kwarto naman sila. Kung kami ni Jen ay tig isa ng single bed dito sa kwarto, queen size bed naman sa magkapatid kaya share na sila. Kaya naman naming mag solo ng kaibigan ko pero mas okay na din yung ganito tulad nga ng sabi nila, the more the merrier!
Pareho ang university na pinapasukan naming apat pero magkakaiba ng course na kinukuha. Nag-aaral kaming apat sa Saint Louis University dito sa Baguio City. Isa din ito sa mga kilalang unibersidad sa buong Pilipinas dahil maganda ang mga pamantayan at di rin papatalo. Taga La Union yung magkapatid at taga Maynila naman kami ng kaibigan ko.
Bukod sa magandang university ito, bakit Baguio pa kung napakadami din namang magagandang university sa Manila? Eh kasi naman dito din nag-aaral ang love of my life. Mahal ko siya pero syempre di niya alam. Wala akong courage ipagtapat iyon sa kanya. Eh paano, dakilang bestfriend lang ang tingin niya sa akin.
“Uy hindi ka pa din ba babangon diyan?” Untag sa akin ni Jen. Para naman akong nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog at napabalikwas ng bangon. OMG! Napahaba na naman ang pag di-daydream ko! Anong oras na pala! Naku, mali-late na naman ako niyan! Napakahirap talagang bumangon!
"HELLO, Kuya!" Bati ko kay manong guard nang hingal na hingal dahil napakataas na hagdan ang inakyat ko dito sa main gate. Kung hindi pa sana ako mali-late, dadahan-dahanin kong umakyat para di ako masyadong hingalin. Nakakawala kaya ng poise dahil halos lawit dila na pagdating mo sa taas. Kaso dahil nga sa gahol na ako sa oras, kinailangan ko na talagang takbhuhin.
"Naku, Ganda! Limang minuto na lang, late ka na! Hala bilis na! "Sabi naman niya at tila mas aburido pa siya sa akin dahil minamadali na talaga niya ako. Noong una, naiinis ako sa guard na to kasi lagi niya akong sinisita pero kalaunan ay nahuli ko ang kiliti niya kaya minsan kahit naiiwan ko ang id ko ay pinapapasok pa din niya ako. Napaka strikto kasi niyan pero mabait naman pala. Pangalawang taon ko na ngayon dito at kilalang kilala na niya ako.
"Oo nga po Kuya! Teka lang ha, magpapahinga lang muna ako saglit at baka malagutan na ako ng hininga!" Sabi ko sa kanya at nag deep breathing exercise muna ako ng limang beses!
"Nag daydream ka na naman siguro ano?" Tumatawa niyang tanong.
"Alam na alam ah! Sige kuya, mauna na ako ha? Bye!" Mabilis kong paalam sa kanya at tumakbo na ulit ako papuntang classroom. Madaming estudyante din ang tulad ko ay nagmamadali.
Finally, nakarating din! Pinagpawisan ako kahit na malamig ang klima! Pagkaupung-pagkaupo ko pa lang ay siya namang pagdating ng terror naming instructor. Babatiin sana ako ng mga kaibigan ko pero bigla na lang silang nanahimik pagdating niya.
Hay salamat Lord! Muntik na akong ma late! Kahit isang minuto ka lang kasing ma late ay matatalakan ka ng bonggang bongga. Bachelor of Science in Nursing ang course ko at pinaka hate ko ngang subject ito. I mean di pala yung subject yung hate ko kundi yung intstructor. Para kasi niyang kapatid si Miss Minchin, hindi lang sa kasungitan kundi pati na din sa itsura. Modern version nga lang.
Nursing ang kinuha ko dahil bukod sa nurse ang mommy ko eh syempre nursing din ang course ng my loves ko. Di nga lang kami magka klase kasi nahuli akong nagpa enroll. Buti na lang kahit papaano ay magka tugma ang mga schedule naming dalawa.
Nagising ako mula sa pagkatulala nang sumigaw si Miss Minchin este ma’am Capinpin pala.
"Okay, number 1!”Kaya ko nga naging 'favorite' to eh dahil bukod sa terror siya ay napaka hilig pa sa surprise quiz! Buti na lang at kahit papaano ay nakapag advanced reading ako kagabi! Kahit mag complain kami, wala din lang mangyayari kaya tumahimik na lang kami. Naku, hindi na kami nasanay!
"Hay kaloka talaga!" Bulong ng kaibigan kong si Max. Siniko ko naman siya ng mahina.
"Shhh wag ka ngang maingay, baka mapag diskitahan na naman tayo." Bulong ko pa sa kanya.
"Yes? Is there any problem, Miss Gonzales?" Matalim na tanong ni ma’am. Ang lakas talaga ng pandinig niya! Kinakabahan ako at baka mas lalo pa niya kaming pahirapan sa quiz.
"Wala po, ma'am. Sorry po." Magalang kong sagot. Naku, mahirap na noh!
Pagkatapos ng quiz ay nag discuss pa sya ng halos dalawang oras. Napaka sipag niyang magturo pero parang wala akong maintindihan dahil mas nangunguna ang kaba ko. Bigla bigla din kasi siyang nagpapa recite at kapag di ka nakasagot ay pakakantahin ka niya sa harap! Oh sino namang hindi kakabahan? Mabuti naman sana kung napaka ganda ng boses ko.
Natapos ng mabilis ang dalawang major subjects ko sa umagang ito. Yehey, vacant ko na at 3 pm pa ang next class ko. Makakasama ko na naman ang my loves ko. Napangiti ako nang di ko namamalayan.
"Saan ka nyan, Jaz?" Tanong ni Max habang inaayos niya ang mga gamit niya.
"Eh alam mo na, makikipagkita ako kay Jeff. Ikaw ba? Gusto mo bang sumabay mag lunch sa amin?" Tanong ko naman sa kanya at tumayo na.
"Ah hindi na at baka maka istorbo pa ko sainyo. Sige mauna na ako Jaz. Mamaya ulit. Bye!" Tudyo nya at nauna na ngang lumabas ng classroom.
Alam na alam kasi ni Max kung gaano ako kapatay na patay sa lalaking yun eh. Alam na nga ata ng lahat! Siya lang naman itong manhid at di nakakaalam ng tunay kong nararamdaman sa kanya. Naku kung di ka lang pogi eh! Tapos matalino pa siya, mabait pa. Na sakanya na nga ata lahat ng katangian na gugustuhin mo sa isang lalaki.
Napatigil naman ako at napangiti nang makita ko siya sa dulo ng corridor. Kausap niya ang mga blockmates niya. Kailan mo ba ako mapapansin? Na hindi bilang bestfriend? Napabuntong hininga ako at muling ngumiti ng matamis.
Nagsimula na akong maglakad papunta sana kay Jeff nang bigla na lang akong mabangga ng kung sino. Grabe halos atakehin ako sa puso sa gulat! Muntik na akong madapa! Naging mabilis naman siya at nahawakan niya ako sa bewang kaya hindi ako tuluyang bumagsak. Hindi ko maintindihan pero para akong nakuryente sa simpleng paghawak niya! Napakabango pa niya. Pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at agad nabaling ang atensyon ko sa mga libro kong nahulog.
Hay! Nakakainis naman!
"Ano ba yan?" Nasabi ko na lang at pupulutin ko na sana ang mga nahulog kong libro kaso naunahan nya ako at masungit nyang inabot ang mga ito sa akin.
"Oh ayan. Sa susunod tignan mo dinadaanan mo." Masungit nitong sabi kaya napairap ako.
Pag angat ko ng tingin sa kanya ay nagulat ako dahil napaka gwapo pala ng lalaking nakabangga ko! Kumabog ng mabilis ang puso ko. Halos tumaas pa ang balahibo ko at napaawang ang bibig ko! Pero mabilis naman siyang tumalikod at umalis. Hindi ako nakahuma at sinundan ko pa siya ng tingin pagkatalikod niya dahil sa pagkamangha. Ang lapad pa ng likod niya na parang kay sarap yakapin! Hoy Jazmin, gumising ka! Para akong napahiya sa sarili ko sa mga tumatakbo sa isipan ko.
"Tse! Suplado naman!" Bulong ko at di ko naman namalayan na nakalapit na pala si my loves sa akin este si Jeff.
"Uy! Sinong kaaway mo diyan ha? Uupakan ko na ba?!" Tatawa tawa nyang sinabi dahil naabutan niya akong bumubulong bulong. Umakbay pa siya sa akin. Gosh!
"Wala noh! Saan tayo kakain nyan?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. Lagi kasi kami nagsasabay kumain ng lunch.
"Sa canteen na lang, nagmamadali din ako kasi may group study pa kami." Sabi niya na panay ang tingin sa cellphone nya. Well, what's new?
"Ganun ba? Sige.." Nasabi ko na lang.
Usually kasi kapag vacant namin pareho, sa apartment kami nag tatambay o di kaya sa apartment nya. Lalo na ngayon na wala syang babae. Di kasi nauubusan tong kumag na to ng babae. Achievement nga eh dahil three months na din syang walang girlfriend o fling. Ang saya noh? Super saya ko baka sakaling mapansin. Solo niya kasi sa apartment nya kaya naman anytime pwede siyang mag uwi ng babae.
"Oh di ka na umimik diyan?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang canteen.
"Wala. May iniisip lang." Malungkot kong sabi.
"Naks! Mahal ka nun, wag mo na isipin!" Buska pa niya sa akin. Kung alam mo lang sana.
Lagi kasi ako binibiro nyan ng ganyan twing nananahimik ako. Di nya alam na naiinis ako sa kanya. At nag seselos na di naman dapat kasi best friend lang naman ako.
"Wish ko lang talaga." Hindi ko akalaing lumabas pa sa bibig ko yun! Akala ko sa isip ko lang. Lutang na naman ako.
"Sino ba sa kanila ha? Bat ba hanggang ngayon ay wala ka pa ding napipili? O sini sekreto mo sakin ha? Iyong totoo?" Tanong nya na tinaas taas pa ang dalawa nyang kilay. Kainis napaka gwapo talaga eh. May hawig siya kay Rico Yan pero hindi payat dahil maganda ang katawan ni Jeff at mas matangkad siguro siya.
Meron akong tatlong manliligaw ngayon na wala din lang naman akong sasagutin tulad sa mga dati kong manliligaw kaso sila tong makulit. May mga itsura naman sila lalo na si Alex kaso di ko type eh. Iisa lang talaga ang type ko. Kaso di naman ako ang type.
"Ha? Ako may sekreto? Sus! Eh sa wala pa nga, anong magagawa ko? Di pa nga tumibok to." Sabi ko kanya sabay turo sa puso ko. Sa puso ko na iisa lang naman ang tinitibok. Jeff Ivan Ronquillo ang pangalan at ikaw yun. Pero syempre diko kayang sabihin yan. Napabuntong hininga na lang ulit ako.
"Sagutin mo na silang lahat para makarami ka!" Biro nya sabay hagalpak ng tawa.
"Tse! Nakakatawa yun?!" Sabay irap ko sa kanya. Napaka galing! Eh kung pwede nga lang talagang turuan ang puso!
Hay buhay.
Lumipas ng matulin ang mga araw at patapos na naman ang second semester! At syempre itong huling limang araw ang pinaka toxic sa lahat dahil finals na! Busy ang lahat sa pag re review. Tulad nga namin ni Jen ngayon."Ang sakit na ng ulo ko Jaz! Di ko talaga maintindihan to!" She exclaimed. She’s taking up civil engineering at tulad ko ay nasa 2nd year na din."Eh bat ka ba kasi nag engineering eh alam mo namang pareho lang tayong kamote pagdating sa mga numero na yan." Talak ko sa kanya at napailing na lang."Wala naman akong magagawa dahil yun ang gusto ni daddy." Nakasimangot niyang sabi."Na ginusto mo din." Binigyang diin ko pa talaga dahil hindi naman siya pinilit. Pero dahil ayaw niyang ma disappoint ang dad niya ay yun na nga din ang kinuha niyang kurso.Isa kasing successful civil engineer ang daddy nya sa isa sa pinaka malaking kumpanya sa Manila.Umalis ako mula sa aking k
"PUNO lahat ng taxi na dumadaan! Ano ba yan! Late na tayo!" Sabay kaway sa mga taxi na dumadaan si Max.Buti na lang at malamig dito sa Baguio at hindi kami pagpapawisan sa paghihintay ng taxi. Ganto kasi dito usually kapag natatapos ang finals. Puro party din ang mga estudyanteng tulad namin. Gusto lang din mag relax at mag unwind.Napansin kong may lumabas na kotseng itim sa gate ng katabi naming apartment. At nagulat ako nang bumusina ito nang tumapat sa amin at tumigil.Unti-unti namang binaba ang tinted window."Hi! Wow! Ang gaganda nyo naman!" Sabi ng lalaki na nag da drive.Siya din yung bolero na nag hi sakin nung nakaraan sa terrace! Napaka gwapo niya at mukha namang friendly. Tsinito sya at matangos ang ilong. May dimples pa sa magkabilaang pisngi.Pero ang talagang kumuha ng atensyon ko ay ang lalaking nakaupo sa passenger's seat. Diretso kasi ang tingin at di man lang nag abalang tumingin. Suplado.At napagtanto ko nga k
NANG nakalapit siya, umupo sya sa may tapat ko. Katabi ko naman si Von.Diko maintindihan ang sarili ko o dahil tamado na ako sa alak na nilaklak ko, lalo syang gumwapo sa paningin ko. Para akong na engkanto! Para kasi siyang greek god! At di hamak na mas gwapo siya sa malapitan. Patataubin nito ang mga sikat na artista! Matangkad pa, siguro mga 5'11 o abot sa 6 ft ang height nito. How come di ko siya nakikita sa university? Or baka naman sa ibang university sila. Kasi imposible naman na hindi ko mapansin tong mga lalaking to sa lakas ng dating nila lalo na syempre itong suplado.Eh paano, iisang lalaki lang naman nakikita mo? Sabi ng sutil kong brain!Hay ano ba, naalala ko na naman tuloy siya! Erase! Kelangan kong mag enjoy sa gabing to! Hindi pwedeng siya na lang palagi ang masaya. Samantalang ako ay laging wasak ang puso.Naputol ang iniisip ko nang biglang tumikhim si Von. Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko dahil nakatitig na pala ako sa
His lips felt soft and warm against mine. So, this is how it feels like to be kissed..finally! But wait, I suddenly felt the urge to throw up! Teka, huwag naman ngayon. Sandali lang! Bakit hindi ako makagalaw? Baka masukahan ko siya, nakakahiya! Bakit para akong naipako sa kinatatayuan ko?Nagmulat siya ng mata at nakatitig lang sa akin. Wala siyang kahit anumang reaksyon! M-may problema kaya? Hindi ko na kaya, nasusuka na talaga ako! Pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Sana panaginip lang to! Paulit ulit kong inusal na sana nga ay isang panaginip lang to! Hanggang sa hindi ko na talaga kaya at.."Ouch!" Ungol ko dahil bigla akong nagising. Ang sakit ng ulo ko! Hangover is real! Nakapikit ko namang hinahagilap ang cellphone ko at titignan ko kung anong oras na. Bakit kaya ang sama ng pakiramdam ko?Bago ko pa mahawakan ang cellphone ko ay bigla kong naalala an
Alas diyes na ng umaga pero tinatamad pa akong bumangon. Maaliwalas ang panahon at pumasok na talaga ang sinag ng araw dito sa kwarto dahil nakalimutan kong isara ang kurtina kagabi. Ito yung mga panahon na masarap sana mag swimming dahil paniguradong mainit sa labas. Summer na summer na talaga.Tuesday ngayon at pangalawang araw ko dito sa bahay ni tita pero para akong nababagot at gusto ko na agad umakyat ng Baguio. Wala din naman kasi akong ginawa kundi humilata dito sa kama buong araw. May klase pa kasi si tita at Andrew kaya wala akong kasama buong araw.Ay sus ang sabihin mo andun kasi si myloves mo at nami-miss mo na kahit di man lang nagpaparamdam sayo."Haaay! Kung ayaw mo wag mo!!!" Para akong siraulong kinakausap ang sarili ko. Nakagigil kasi si Jeff at hindi na naman nagpaparamdam. Dati naman ay siya tong laging nangungulit. Bigla na naman tuloy akong dinalaw ng lungkot.Dumapa ako at pinanggigilan
"Hello, 'my?" Sagot ko, tumatawag si mommy."Hi anak! Nakarating ka na ba?" Tanong niya sa kabilang linya. Lagi ko kasi ina-update ang mommy ko sa mga ganap ng buhay ko.Kararating namin dito sa Baguio. Ang bilis natapos ng bakasyon."Heto po 'my kararating lang. Tawag na lang po ako mamaya kasi pababa na po kami ng bus.""Okay, thank God at nakarating ka ng maayos anak. Mag iingat ka palagi diyan ha? I miss you anak. Sige na at papasok na din ako. I love you nak!" Papasok na din siya sa work. Nami-miss ko na ang mommy ko pero wala naman akong magagagawa. Kaya ko din pinag-iigihan ang pag-aaral ko para hindi na kami magkakalayo pa.Mag tu- two years nang di nakakauwi si mommy kaya malapit na ulit siyang mag bakasyon. Every two years kasi ay umuuwi siya. Nasa early 40s pa lang ang mommy ko pero di na din siya nag asawa pang muli. Okay lang naman sa akin kung sakaling umibig pa siya. Ang kaligayahan niya ay kaligay
Me: Nakapagpa enroll ka na ba?Tinext ko si Jeff. Diko matiis!After 30 minutes, nag reply naman.Jeff: Hindi pa. Sabay na tayo bukas. Kita tayo sa main gate. 1 pm sharp.Me: okay, see you.Di man lang mangumusta kahit sana bilang bestfriend man lang. Kung hindi ako ang unang mag ti text, di na ata niya ako maaalala. Sakit sa heart. Oo naman, nasasaktan pa din ako. First love ko eh. Dapat na lang ba akong magpasalamat kasi atleast naman siya ang nag initiate na sabay kami mag enroll? Pero sa kabilang banda naman ng isip ko..tinanong ko kasi kaya siguro nag magandang loob na lang na isabay ako.Napabuntong hininga na lang ako. Ilang taon na din akong in love sa best friend ko. Transferee ako noong second year high school sa school nila. Dati kasi kami sa Quezon City pero nang
Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami. Buti hindi naman awkward kahit bago pa lang namin sila kakilala. Pakiramdam ko nga matagal na kaming magkakakilala. Masaya silang kasama, puro lang kami tawanan.Pati nga si Niko ay nakiki join sa kantyawan ng mga kaibigan niya. Diko akalaing kalog din pala siya na malayo sa personality ng Niko na una kong nakilala. Sabagay bago ko pa lang naman siya nakilala."Saan ang next, guys?" Tanong ni Erik na halatang inaantok na. Nakahiga siya sa may damuhan at maging si Von, nakaunan sila sa mga braso nila. Nakaupo naman kami. Nakaka antok dahil nabusog kami masyado. "Saan niyo gustong pumunta, Jaz?" Tanong naman ni Niko sa akin. Magkatabi kaming nakaupo at nakasandal sa puno. Unti-unti akong nagiging komportable sa kanya."Hmm? Rest muna tayo dito at mukhang inaantok si Von at Erik." Sabi ko naman sa kanya. Si Jeremy naman ay parang walang pakialam sa