Share

Chapter 6

Alas diyes na ng umaga pero tinatamad pa akong bumangon. Maaliwalas ang panahon at pumasok na talaga ang sinag ng araw dito sa kwarto dahil nakalimutan kong isara ang kurtina kagabi. Ito yung mga panahon na masarap sana mag swimming dahil paniguradong mainit sa labas. Summer na summer na talaga.

Tuesday ngayon at pangalawang araw ko dito sa bahay ni tita pero para akong nababagot at gusto ko na agad umakyat ng Baguio. Wala din naman kasi akong ginawa kundi humilata dito sa kama buong araw. May klase pa kasi si tita at Andrew kaya wala akong kasama  buong araw.

Ay sus ang sabihin mo andun kasi si myloves mo at nami-miss mo na kahit di man lang nagpaparamdam sayo.

"Haaay! Kung ayaw mo wag mo!!!" Para akong siraulong kinakausap ang sarili ko. Nakagigil kasi si Jeff at hindi na naman nagpaparamdam. Dati naman ay siya tong laging nangungulit. Bigla na naman tuloy akong dinalaw ng lungkot.

Dumapa ako at pinanggigilan ang unan ko dahil sa inis at lungkot nang bigla ba namang pumasok sa isipan ko ang gwapong mukha ni Niko. Napaka gwapo niya kasi talaga kahit medyo suplado. Parang ang perfect niya. Perfect para sa akin. Para naman akong napahiya sa naisip ko kaya lalo kong binaon sa malambot kong unan ang mukha ko. Bakit ba puro na lang lalaki nasa isipan ko? Ganun na ba talaga ako ka atat? Hay ewan!

Tumunog ang cellphone ko at may tumatawag kaya agad akong bumangon. Bigla naman akong na excite at baka si Jeff na nga yan. Agad kong kinuha mula sa bedside table ang cellphone ko at tinignan kung sinong tumatawag. Pagtingin ko ay si Alex. Na guilty naman ako bigla dahil nakaramdam talaga ako ng pagka dismaya. Akala ko pa naman. Hay. Di pa ba nagsasawa to. Third year na siya and he's taking up accountancy. Gwapo din siya kaso hindi gaanong matangkad. Nasa 5'6 siguro siya. Nakilala ko siya nang minsang mag group study kami sa boarding house ng isa kong kaklase. Ka boardmate niya kaya ayun. Okay naman sana kaso nga iisa lang gusto ko. You already know who he is. But wait! Bakit ibang mukha ang nag pop sa isipan ko? Bakit si Niko?? Si Jeff dapat yun eh! Hala! Erase! Erase!

Hindi pa rin tumitigil sa pag ri-ring ang cellphone ko kaya sinagot ko na nga, kawawa naman eh. Kahit papano naman kasi ay mabait si Alex.

"Hello?" Sagot ko at muling ibinagsak sa kama ang katawan ko.

"Uy, Jaz! Kamusta?" Masaya naman niyang tanong.

"Okay naman. Ikaw?" Nakakatamad makipag-usap.

"Im good! I heard umuwi ka ng Maynila? Tagal natin hindi nagkita ah. Na miss kita.." Malambing niyang sabi. Actually, nagsabi din siya na uuwi siya ng Tarlac, kahit di naman ako nagtatanong. Iniiwasan ko na kasi siya dahil nga ayoko siyang paasahin.  

Diko naman alam ang isasagot ko sa sinabi niyang na miss niya daw ako! Alangan namang sabihin kong hindi ko siya na miss. Di ako sanay sa ganto! Malay ko ba kasi at never pa naman akong nag ka boyfriend o kinilig man lang sa iba.

"Ah oo, umuwi ako." Iyon na lang talaga ang nasabi ko. Nagkwento naman siya at wala akong choice kundi makinig.

Hanggang sa nagpaalam na siya dahil tinatawag na siya ng kapatid niya. Buti na lang kasi mainit na tong tenga ko. Nakakahiya naman kasing ako ang unang magpapaalam. Sinabi ko na din naman sa kanya before pa na hanggang friends lang talaga kaya kong i- offer sakanya kaso persistent siya eh.

Napagpasyahan kong maglakad lakad na lang sa malapit na mall dito sa amin kesa kung anu-ano na lang tumatakbo sa isip ko. Doon na din ako mag la lunch tutal wala naman akong kasama sa bahay.

Kararating ko pa lang sa mall nang mag ring ang cellphone ko. Hirap kong kapain dahil natabunan sa bag kaya tumigil na kasi di ko nasagot agad. Sakto namang nakapa ko at kukunin na sana nang mag ring ulit ito. Pagkatingin ko ay si Jen pala.

"Oh bakit?" Bungad ko sa kanya. Wala din sigurong magawa to.

"Ginagawa mo?" Bagot na tanong niya.

"Heto naglalakad lakad lang dito sa mall, walang magawa sa bahay eh. Ikaw ba?" Sabi ko naman sa kanya habang naglalakad ako papunta sa department store.

"Hoy di ka man lang nag aya! Wala din magawa dito sa bahay. Sunod ako diyan, hintayin mo ako. Tawagan kita pag andiyan na ako." Mabilis niyang sabi at halatang nagkukumahog na ito sa pagbangon.

"Bilisan mo ha? Nagugutom na ako!" Pahabol kong sabi sa kanya dahil malapit nang mag alas dose at matagal talagang mag ayos yun.

Naka semi crop top lang ako ng gray ngayon at mini skirt na maong at birkenstock slippers na white naman ang sapin ko sa paa. Kung ano ang nahila ko sa cabinet ko, yun na yun. Nakalugay lang ang hanggang bewang at natural kong buhok. Hindi naman bagsak pero hindi rin kulot. Naglagay lang ako ng cheek and lip tint para di masyadong pale ang mukha ko. Di na ako nagkikilay dahil nabiyayaan naman ako kahit papaano ng kilay at mahahabang pilik mata.

'Pilik mata', what a big word! Naalala ko na naman tuloy! Meron na akong isasagot kapag may magtatanong sa akin ng ‘What is your most embarrassing moment?’. Hmm ano naman kayang ginagawa nun ngayon? Ahh erase! Kaya nga ako andito ngayon para mawala sila sa isipan ko.

Pumila na ako sa isang fastfood habang hinihintay ang bruhang si Jen. Paghintayin ba naman ako ng isang oras kaya gutom na gutom na tuloy ako. Eh halos magkalapit lang din naman kami ng village kaya malamang ay malapit din sa kanila tong mall kaya wala talagang mairarason sakin yan. Siguradong nag ayos pa yun ng pang malakasan. Maganda na nga siya kahit walang kahit ano sa mukha at kahit naka tshirt lang pero  napaka hilig pa din sa mga kakikayan. And speaking of bruha, nandito na siya. Nagpapalinga linga siya labas nitong fastfood at tinatawagan ako. Natatawa akong nakatingin sa kanya sa labas at di nga ako nagkamali! Ang bruha naka sundress na hanggang sa gitna ng hita ang haba este iksi.

Hindi ko na sinagot ang tawag niya at kinawayan ko na lang siya. Lumapit naman agad siya sa akin habang nakangiti ng matamis. Inirapan ko naman siya kunwari dahil sa tagal niya at tinawanan naman niya ako.

"Hoy girlfriend! May surprise ako sayo!" Sabi niya sa akin habang kumakain kami. Sabay tingin niya sa cellphone niya.

Napatingin lang ako sa kanya sa nagtatanong na mata. Sarap na sarap ako sa kinakain kong fries eh.

Hinarap niya sa akin ang cellphone niya at may pinakita siyang picture pero  one second lang ata kaya malamang diko nakita. Tawa naman siya ng tawa at tila kinikilig pa.

"Sino ba yan? May jowa ka na ulit? Picture nyo ba yan, ha?" Magkakasunod kong tanong sa kanya.

"Wala noh! Ikaw kaya to!" Sabi niya saka ulit siya parang timang na tumatawa.

"Ha?! Paanong ako yan? Ipakita mo na kasi!" Gulat ko namang sabi sa kanya. Paanong naging ako yun? Halos mamatay naman ako sa curiousity!

"Oh siya sige na baka umiyak ka pa eh. Hala ang cute nyo talaga!" sabi pa niya habang nakatitig sa cellphone niya at kumikinang pa ang mga mata kaya lalo tuloy akong na curious.

"Akin na nga kasi!" Hindi na ako nakapaghintay at pinilit ko nang inagaw ang cellphone niya. Napanganga ako sa gulat sa nakita ko! Ano na naman ba to, Jaz?!

Sino ba namang hindi magugulat kung makikita mo ang sarili mo sa picture na may kasamang lalaki? At hindi lang basta kung sino! Dahil walang iba ito kundi si Niko.  Magkadikit ang ulo naming dalawa habang natutulog. Daig pa naman yung mag jowa sa harapan namin niyan eh. Mapagkakamalan talaga kaming mag jowa sa picture naming to.

"Oh di ba ang sweet niyo! Grabe! Bagay kayo!" Sabi pa niya na parang kinikiliti sa kilig.

"Nakakahiya! Sana ginising mo man lang ako!" Mangiyak ngiyak kong singhal sa kanya. Hindi pa nga ako nakaka move on dun sa pilikmata moment, meron na namang ganto.

"Sus! Magtigil ka nga diyan! Tama lang yan! Naku Jaz, it's your time to shine! Bagay kayo! Hayaan mo na yang Jeff na yan! Kahit pinsan ko yun, diko hahayaan na patuloy ka lang masaktan dahil sa kanya." Napasimangot siya nang mabanggit niya ang pangalan ng pinsan niya. Napabuntong hininga na lang din ako.

Hapon na nang matapos kaming mag libot at kahit papaano ay nakapag shopping din kami ng unti bago umuwi. Sinundo siya ng dad niya kaya sinabay na din nila ako.

"Hi tita! Si Andrew? Nag take out ako ng pizza oh." Sabi ko kay tita nang madatnan ko siya sa kusina pagkadating ko ng bahay. Ibinaba ko ang pizza sa table at humalik ako sa pisngi niya.

"Wow! favorite nga niya yan. Hala umakyat ka na sa taas at magbihis muna. Tawagin mo na din pinsan mo at magtitimpla lang ako ng juice para makapag meryenda na tayo." Masaya namang sabi ni tita.

"Sige po tita!" At agad na akong umakyat sa kwarto at nagbihis.

"Aalis ka na agad sa Saturday ate? Bat ang bilis naman?" Malungkot na tanong ni Andrew.

Ginulo ko buhok niya at ngumiti. Nagbibinata na din ang pinsan ko! Sigurado akong madami nang nagkaka crush dito dahil lalo siyang pumupogi habang lumalaki.

"Kelangan ko kasi mag summer class eh. Di kasi available yung subjects na yun sa susunod na sem." Paliwanag ko naman sa kanya. "Ah alam ko na, mag bakasyon kayo ni tita dun pagkatapos ng klase niyo. One week na lang kayo di ba? Exam week?" Dagdag ko nang maisip ko yun. Pwedeng pwede pala silang mag bakasyon doon.

"Pwedeng pwede! I like that idea, Jaz!” Excited namang sabat ni tita at maging si Andrew ay tuwang tuwa.

Show quoted text

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status