His lips felt soft and warm against mine. So, this is how it feels like to be kissed..finally! But wait, I suddenly felt the urge to throw up! Teka, huwag naman ngayon. Sandali lang! Bakit hindi ako makagalaw? Baka masukahan ko siya, nakakahiya! Bakit para akong naipako sa kinatatayuan ko?
Nagmulat siya ng mata at nakatitig lang sa akin. Wala siyang kahit anumang reaksyon! M-may problema kaya? Hindi ko na kaya, nasusuka na talaga ako! Pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Sana panaginip lang to! Paulit ulit kong inusal na sana nga ay isang panaginip lang to! Hanggang sa hindi ko na talaga kaya at..
"Ouch!" Ungol ko dahil bigla akong nagising. Ang sakit ng ulo ko! Hangover is real! Nakapikit ko namang hinahagilap ang cellphone ko at titignan ko kung anong oras na. Bakit kaya ang sama ng pakiramdam ko?
Bago ko pa mahawakan ang cellphone ko ay bigla kong naalala ang laman ng panaginip ko at ang mga nangyari kagabi. Dahil doon ay bigla akong napabangon. Pero muling napapikit hindi lang dahil sa sakit ng ulo kundi pati na din sa kagagahan ko!
"Shocks! Anong nagawa ko?! Nakakahiya ka Jazmin!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at napasigaw ako sa sobrang pagkabanas sa sarili ko! Nagulat naman ako at bigla akong napalingon nang batuhin ako ng unan ni Jen.
"Hoy ano ba! Ang ingay mo! Natutulog ang tao eh!" Antok na antok pang maktol ni Jen na haggard na ang itsura. Katabi niya si Max na kalat na din ang eye liner. Mukha silang mga multo. Kaya imbes na maiyak ako sa kagagahan ko kagabi ay natawa ako sa mga itsura nila. Hindi na sila nakapag linis ng katawan sa sobrang kalasingan.
Kung ako ay medyo nahimasmasan pa kagabi, itong dalawa, knocked out! Pero atleast naman walang nakaka embarassed na nangyari sa kanila, eh ikaw?
Naaalala ko pa lahat ng nangyari kagabi at kung paano kami nakarating dito sa apartment. Parang gusto kong lamunin na lang ako ng lupa! Haaay Jazmin!
Flashback
Unti-unting siyang lumalapit sa akin kaya napaatras ako hanggang napasandal na ako sa lababo dahil wala ng maaatrasan pa.
Hindi maalis ang mga mata niya sa labi ko at ganun din ako sa kanya. Palakas na din ng palakas ang tibok ng puso ko. Nagwawala na ang mga hormones ko sa katawan dahil sa sari-saring emosyon na aking nararamdaman!
Magkakaroon na ba ako ng first kiss? Heto na ba talaga? For real? Shocks! Naiinggit kasi ako sa mga kaibigan ko na tuwing magkwe-kwentuhan sila about sa mga first kiss nila, iyong iba nga nakailan na. Ako? Nganga! Malay ko ba noh. Loyal kasi ako kay my loves kaya never pa akong nagka boyfriend. Tinutukso nga ako ng mga kaibigan ko dahil mag na nineteen na daw ako, wala pa din. Hindi naman sa atat na atat kaya lang na cu- curious lang ako. How does it feel like to be kissed?
Inangat niya ang kanang kamay niya sa aking mukha. Napasinghap ako at napapikit. His hand felt warm against my face. Grabe ang kabog ng puso ko habang hinihintay ko ang pagdampi ng labi niya. Oh my gosh, this is it! Pero bakit ang tagal naman ata? Ten seconds na wala pa din. Kaya muli akong nag mulat ng mata. Napakurap ako nang mataman siyang nakatitig sa akin. He looked amused!
"Tinanggal ko lang." Sabi niya at tipid siyang ngumiti at pinakita niya ang.. pilik mata?!
End of flashback
Nakakahiya talaga! Baka kung anong isipin nun! Aysus totoo naman kasing umasa ka di ba sabi ng sutil kong brain. Ahh! Gusto ko talagang sabunutan ang sarili ko ngayon! Tinanggal niya lang pala yung pilikmata kong nahulog at dumikit sa pisngi ko. Nag assume ako masyado. Wala na akong mukhang maihaharap dun. Halos tumakbo na ako palabas ng cr dahil sa pagkapahiya. Buti na lang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang mailabas ko halos lahat ng ininom kong alak.
Hinding hindi na talaga ako iinom ng ganun kadami! Todo iwas ako sa kanya pagkabalik namin ng table. Di na din kami nagtagal at inaya ko na sila Jen dahil masyado na silang wild sa dance floor! At isa pa, di na talaga ako komportable at gusto ko na lang lamunin ng lupa! Nagpumilit naman sila Von na isabay kami pauwi kaya pumayag na din ako. Hinding hindi na talaga ako tumingin kay Niko. First kiss gone wrong! Tse. Nag assume ka lang talaga!
PAUWI kami ngayon ng Manila ni Jen dahil may 1 week vacation bago ang summer class. Hindi siya masusundo ng daddy niya kaya mag co- commute na lang kaming dalawa.
Wala din naman kasi akong aasahang susundo sa akin. Si mommy nasa London at nag ta trabaho bilang nurse. Si daddy pumanaw nung elementary pa ako dahil naaksidente. Mag isang anak lang ako kaya kay tita Jelai ako tumutuloy kapag andun ako sa Manila. Kapatid siya ni daddy. Mayroon siyang isang anak na lalaki, si Andrew, pinsan ko. Second year high school pa lang siya. Ang asawa naman ni tita Jelai ay nasa Saudi, doon nag ta trabaho bilang electrical engineer. Si tita ko naman ay teacher sa isang pribadong paaralan.
Napakadaming pasahero ang naghihintay ng masasakyan pauwi sa kani-kanilang mga probinsya kahit gabi na. May mga napakahabang pila. Halos mag unahan at magtulakan naman ang mga iba sa pagsakay ng bus."Buti na lang nakabili na tayo ng ticket nung nakaraan Jaz kung hindi aabutin tayo dito ng magdamag. Di nga lang tayo tabi." Sabi ni Jen na tinitignan ang seat number namin sa ticket. Di talaga kami magtatabi niyan dahil parehong sa may bintana ang gusto naming pwesto.
Nakaupo kami dito sa may waiting area. Susunod na atang paparada ang bus na sasakyan namin. Mag na night trip kami para di namin masyadong mamamalayan ang haba ng biyahe. Hindi pala uuwi si Jeff kasi taga Baguio lang girlfriend niya. Hay!Umasa na naman ako sa wala!
Hindi naman nagtagal ay umalis na ang mas naunang bus at sumunod na ngang pumarada sa harap namin ang sasakyan naming bus. Umakyat naman kami agad ni Jen. Pagkaupo ko ay nilagay ko sa tainga ko ang aking headset at nakinig ng music sa spotify. Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang bawat lyrics ng kanta. Nag mulat ako nang mamalayan kong may umupo na sa aking tabi at umayos ako ng upo. Nanlaki ang mga mata ko nang malingunan ko kung sino ang katabi ko! Oh no! This can't be happening!
Ngumiti ito ng tipid sa akin at binati pa ako.
"Hi." Walang iba kundi si Niko! Parang gusto kong mahimatay! Naalala ko na naman yung kagagahan ko! Sa dinami dami ng tao, siya pa talaga?!
"O-oh hi Niko! Y-you're with Von? Where is he?" Tuloy tuloy kong tanong at kunwaring nagpalinga linga. Kailangan kong iwala yung kahihiyan ko nung nakaraang gabi.
"No, im alone." Tipid naman niyang sagot at ngumiti ng bahagya.
"Ah okay." Sabi ko na lang.
Nahiya na tuloy akong magtanong pa at umayos na ako ng upo. Salpak ulit ng headset at pumikit dahil paalis na din ang bus. Puno agad dahil puro na naka reserved ang mga upuan eh.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Naalimpungatan na lang ako dahil sobra akong giniginaw kahit makapal na ang jacket ko. Napatingin ako kay Niko. Natutulog din ito at medyo nakaawang pa ang kanyang mga labi. Ang cute niya. Para siyang batang natutulog. Napangiti tuloy ako. Picturan ko kaya? Yakapin ko na lang kaya para maibsan yung pagkaginaw ko. Napailing ako at kung anu-ano na naman ang pumapasok sa naughty brain ko.
Nakakainggit naman kasi tong mga lovers sa harapan naming upuan. Kung magyakapan akala mo wala ng bukas. Sarap siguro may kayakap kapag ganto kalamig? Ano kayang feeling na may kalambingan sa bus? Kung anu-ano na naman naiisip ko.
Namaluktot na lang ako at muli kong ipinikit ang aking mga mata kahit di na ako inaantok.
Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman kong lumiko ang bus at tumigil. Naisip kong nasa bus stop kami kaya nagmulat ako ng mata. Dahil sa side ni Niko ako nakatingin, nagulat ako ng makitang nakatitig siya sakin. Nagulat din siya at biglang nag iwas ng tingin. Nagkibit balikat na lang ako.
Umayos na lamang ako ng upo at tumingin sa labas ng bintana. Nasa isang bus stop nga kami sa Pangasinan.
"Jaz, tara kain tayo." Mula sa likuran ko ay kinalabit ako ni Jen. Di pa kasi kami nag dinner. Umalis ang bus ng 6 pm. Tinignan ko ang relo ko at 8 pm na.
"Sige." Nag-inat ako sandali. Tumayo naman na si Jen mula sa likuran.
"O di ba si Niko to? Hi!" Sabi pa niya ng mapansing si Niko ang katabi ko.
Nginitian naman niya si Jen at binati.
"Excuse me, padaan muna ako ha.." mahinhin kong pakiusap sa kanya. Arte noh? Eh sa nahihiya ako.
Pero di pa man siya nakakatayo, tumayo na ako at humakbang. Na c- cr na din kasi ako eh. Napatid tuloy ako sa bag kong nasa paanan ko! Sobrang bilis ng mga pangyayari at namalayan ko na lang na napaupo ako sa kandungan niya! Napahawak siya sa bewang ko at ako naman sa balikat niya.
OMG! Nagkatinginan kami at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. At tulad noong nasa bar kami ay para bang may kuryenteng biglang dumaloy sa katawan ko at para akong napaso at sa nanlalaking mata ay agad akong napalayo at nagmadaling tumayo.
"S-sorry..sorry talaga Niko." Hinging paumanhin ko sa kanya. Sobra sobra na ang kahihiyan mo Jaz!
Pagtingin ko kay Jennifer Ronquillo na nakatayo sa aisle ng bus sa tabi ni Niko habang hinihintay ako ay nakahalukipkip ito at nakangisi. Tila tuwang tuwa pa siya sa nasaksihan niya.
"It's okay." Sabi naman ni Niko at umayos ng upo.
"D-di ka ba kakain? Baka gusto mong sumabay na lang din sa amin?" Nasabi ko na lang kahit naiilang ako para hindi naman awkward!
Akala ko tatanggi siya kaya nagulat ako sa sagot niya.
"Sure". At agad na din siyang tumayo at sumabay sa amin ni Jen.
Alas diyes na ng umaga pero tinatamad pa akong bumangon. Maaliwalas ang panahon at pumasok na talaga ang sinag ng araw dito sa kwarto dahil nakalimutan kong isara ang kurtina kagabi. Ito yung mga panahon na masarap sana mag swimming dahil paniguradong mainit sa labas. Summer na summer na talaga.Tuesday ngayon at pangalawang araw ko dito sa bahay ni tita pero para akong nababagot at gusto ko na agad umakyat ng Baguio. Wala din naman kasi akong ginawa kundi humilata dito sa kama buong araw. May klase pa kasi si tita at Andrew kaya wala akong kasama buong araw.Ay sus ang sabihin mo andun kasi si myloves mo at nami-miss mo na kahit di man lang nagpaparamdam sayo."Haaay! Kung ayaw mo wag mo!!!" Para akong siraulong kinakausap ang sarili ko. Nakagigil kasi si Jeff at hindi na naman nagpaparamdam. Dati naman ay siya tong laging nangungulit. Bigla na naman tuloy akong dinalaw ng lungkot.Dumapa ako at pinanggigilan
"Hello, 'my?" Sagot ko, tumatawag si mommy."Hi anak! Nakarating ka na ba?" Tanong niya sa kabilang linya. Lagi ko kasi ina-update ang mommy ko sa mga ganap ng buhay ko.Kararating namin dito sa Baguio. Ang bilis natapos ng bakasyon."Heto po 'my kararating lang. Tawag na lang po ako mamaya kasi pababa na po kami ng bus.""Okay, thank God at nakarating ka ng maayos anak. Mag iingat ka palagi diyan ha? I miss you anak. Sige na at papasok na din ako. I love you nak!" Papasok na din siya sa work. Nami-miss ko na ang mommy ko pero wala naman akong magagagawa. Kaya ko din pinag-iigihan ang pag-aaral ko para hindi na kami magkakalayo pa.Mag tu- two years nang di nakakauwi si mommy kaya malapit na ulit siyang mag bakasyon. Every two years kasi ay umuuwi siya. Nasa early 40s pa lang ang mommy ko pero di na din siya nag asawa pang muli. Okay lang naman sa akin kung sakaling umibig pa siya. Ang kaligayahan niya ay kaligay
Me: Nakapagpa enroll ka na ba?Tinext ko si Jeff. Diko matiis!After 30 minutes, nag reply naman.Jeff: Hindi pa. Sabay na tayo bukas. Kita tayo sa main gate. 1 pm sharp.Me: okay, see you.Di man lang mangumusta kahit sana bilang bestfriend man lang. Kung hindi ako ang unang mag ti text, di na ata niya ako maaalala. Sakit sa heart. Oo naman, nasasaktan pa din ako. First love ko eh. Dapat na lang ba akong magpasalamat kasi atleast naman siya ang nag initiate na sabay kami mag enroll? Pero sa kabilang banda naman ng isip ko..tinanong ko kasi kaya siguro nag magandang loob na lang na isabay ako.Napabuntong hininga na lang ako. Ilang taon na din akong in love sa best friend ko. Transferee ako noong second year high school sa school nila. Dati kasi kami sa Quezon City pero nang
Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami. Buti hindi naman awkward kahit bago pa lang namin sila kakilala. Pakiramdam ko nga matagal na kaming magkakakilala. Masaya silang kasama, puro lang kami tawanan.Pati nga si Niko ay nakiki join sa kantyawan ng mga kaibigan niya. Diko akalaing kalog din pala siya na malayo sa personality ng Niko na una kong nakilala. Sabagay bago ko pa lang naman siya nakilala."Saan ang next, guys?" Tanong ni Erik na halatang inaantok na. Nakahiga siya sa may damuhan at maging si Von, nakaunan sila sa mga braso nila. Nakaupo naman kami. Nakaka antok dahil nabusog kami masyado. "Saan niyo gustong pumunta, Jaz?" Tanong naman ni Niko sa akin. Magkatabi kaming nakaupo at nakasandal sa puno. Unti-unti akong nagiging komportable sa kanya."Hmm? Rest muna tayo dito at mukhang inaantok si Von at Erik." Sabi ko naman sa kanya. Si Jeremy naman ay parang walang pakialam sa
Mabilis na dumaan ang mga araw. Patapos na ang summer class! Third year na kami sa first sem at magiging super busy na kami dahil mag du-duty na kami sa kung saan-saan na hospital.Nag iiwasan kami ni Jeff. Busy siya sa girlfriend niya. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya kaya pinabayaan ko na lang. Kelangan ko na din talagang tanggapin para makapag move on na din ako at nang di na ako laging nasasaktan.Si Niko naman lagi akong sinusundo o sinasabay sa pagpasok kapag pareho kami ng schedule. Lagi din silang nagtatambay sa apartment. Minsan naman kami nila Max at Jen ang tumatambay sa kanila. Tutugtugan nila kami ng gitara. Nakakatuwa dahil masarap sa pakiramdam kasi para kang hinaharana!Namasyal din pala si tita Jelai at si Andrew nung nakaraan at nag stay sila dito ng one week. Nagtabi na lang kami ni Jen sa bed niya at tabi ang mag-ina sa bed ko. Nakilala din nila ang mga kaibigan namin sa kabilang apartment. At si tita naman lagi
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at lumabas na ako ng bahay nila Princess. Hihintayin ko na lang si Niko sa labas. Baka kasi hindi niya alam kung saan ang exact location ko though nagtanong pala siya kanina kay Gab. Sinamahan naman ako Mike at baka may mga loko-loko daw sa labas."Grabe, nakapa ginaw! Mukhang di tayo giniginaw ah!” kantyaw ko naman kay Mike dahil naka tshirt lang siya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong tumawa kahit walang nakakatawa. Napadami ka na naman ako ng inom!"Lasing ka na talaga Jaz!” Sabi naman niya sa akin at tinatawanan ako kaya napasimangot ako sa kanya.“Hindi ako lasing noh? Baka ikaw?” Kunwaring singhal ko sa kanya. Hindi pa din siya tumitigil sa katatawa. Mukha ba akong nakakatawa?“Oo na, oo na, hindi ka na lasing. I remind ko lang sayo yung napag aralan natin. Ano ulit ang number one defense mechanism ng lasenggo?” naninigkit na ang mga mata nitong nangangantiyaw sa akin.
"Naku sana naman andito pa yun." Mahinang usal ko habang kinakapa sa may paso sa gilid ng bahay yung spare key namin ni Jen. Hindi ko na to naalala kagabi dahil sa espiritu ng alcohol sa katawan ko. Sige palusot pa Jazmin, palusot pa!"Hay salamat! Nandito pa!" Napangiti ako dahil kung hindi, wala akong choice kung hindi bulabugin si Jen.Pagkapasok ko ng susi sa knob ay nanlaki ang mga mata ko dahil hindi naman pala naka lock! Naku, Jen, pambihira talaga! Paano na lang kung may masamang loob na pumasok? Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan.Pagka bukas ko ng pinto, muntik na akong atakehin sa puso sa gulat! Akala ko kung sino ang lalaking nakaupo sa sofa! Yun pala
Lumabas ako ng terrace nang mabagot ako sa loob ng kwarto ko at umupo sa barandilya. Ang sarap mag relax dahil napaka lamig dito, libre aircon! Nagtimpla pa ako ng coffee at pinatugtog ang cellphone ko. Ang perfect! Kayakap na lang ang kulang!Speaking of kayakap bakit kaya hindi nag text buong araw yung mokong na yun? Nagkibit balikat na lang ako at baka kasama niya ang mga kaibigan niya dahil tapos na din ang exam nila. Parang gusto ko siyang kumustahin pero nauunahan ako ng hiya.Natawa ako ng mahina nang maalala ko si Jen at Max kanina dahil hindi talaga ako nakaligtas sa mga tanong nila. Hindi talaga nila ako tinigilan! Sabi ko nakitulog lang ako dahil nga naiwan ko yung susi pero hindi talaga sila naniniwala lalo na si Jen dahil alam naman niyang may spare key kaming nakatago sa paso. Napaka sweet daw