NANG nakalapit siya, umupo sya sa may tapat ko. Katabi ko naman si Von.
Diko maintindihan ang sarili ko o dahil tamado na ako sa alak na nilaklak ko, lalo syang gumwapo sa paningin ko. Para akong na engkanto! Para kasi siyang greek god! At di hamak na mas gwapo siya sa malapitan. Patataubin nito ang mga sikat na artista! Matangkad pa, siguro mga 5'11 o abot sa 6 ft ang height nito. How come di ko siya nakikita sa university? Or baka naman sa ibang university sila. Kasi imposible naman na hindi ko mapansin tong mga lalaking to sa lakas ng dating nila lalo na syempre itong suplado.
Eh paano, iisang lalaki lang naman nakikita mo? Sabi ng sutil kong brain!
Hay ano ba, naalala ko na naman tuloy siya! Erase! Kelangan kong mag enjoy sa gabing to! Hindi pwedeng siya na lang palagi ang masaya. Samantalang ako ay laging wasak ang puso.
Naputol ang iniisip ko nang biglang tumikhim si Von. Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko dahil nakatitig na pala ako sa kanya!
"Jaz, sa SLU din ba kayo nag-aaral?" Tanong niya.
"Yep. Kayo?" Balik tanong ko naman."Yeah, doon din. How come di ko nakikita ang napakagandang dilag sa university?" Naku hindi ako madadaan nito sa bola niya."Bolero ka din pala noh?" Tumatawa kong sabi sa kanya.
Tahimik lang si suplado habang hawak ang kanyang cellphone, mukhang may ka text.
Di naman tumitigil si Von sa kakukulit sakin at ipinakilala niya rin ang tatlo pa nilang kaibigan na si Erik, Rustan, at Jeremy. Lahat sila ay mga napaka gwapo grabe! Makukulit din sila tulad ni Von. Si Niko lang talaga yung tahimik at mukha talagang suplado. It's as if im not existing huh. Duh!
Napag alaman kong architecture kinukuha ng iba sa kanila at civil engineering naman sa kanila ni suplado at mag fo- fourth year na sila sa susunod na semester.
Kaya pala di kilala ni Jen dahil mas ahead sila at iba din siguro ang mga schedule nila.
"Aba! Saglit lang kaming nawala, dami mo na agad ka table bruha! Iba din!" Tili ni Jeorge este Jeorgina na galing sa dance floor. Feeling babae kasi. Hindi nito alam ang gagawin sa sobrang kilig dahil sa mga gwapong nasa table namin ngayon.
"Pakilala mo naman kami!" Sabi pa ng mga malalandi kong kaklase. Napailing na lang ako at natawa.
Bago pa ako makapag salita, naunahan na ako ni Gab na noo'y kadarating din galing dance floor kasabay ni Max at Jen.
"Oh my! Von! Niko?! Hey!" Sabi pa niya sa tatlo pa nilang mga kaibigan. At excited na niyakap niya silang lima.
Napanganga ako at mukhang magkaka close sila. At nakita ko ang warmth sa mata ni suplado noong niyakap siya ni Gab. Akala ko ba cold at suplado siya. Tsk. Hindi ka lang talaga type, Jaz! Kaya di ka pinapansin. Ouch naman.
"Hoy Gabrielle, Jazmin! Ano to ha? Bakit may mga greek gods dito na di ko man lang alam?!" Maarteng sinabi ni Jeorgina. Landi talaga eh. Halos lamutakin na nito si Rust at Erik sa mga titig niya. Sila kasi iyong malapit sa kinaroroonan niya. Buti na lang at hindi naman suplado iyong dalawa at nakiki ride on naman sila. "Jaz, you know them?" Curious na tanong naman ni Gab."Ah.." Hindi pa ako nakasagot ay sinalo na ako ni Von na ipinagpasalamat ko na din dahil diko din alam ang sasabihin ko.
"Yes, magkalapit lang kami ng apartment bro. We are basically neighbors!" Sabi ni Von kay Gab.
"Oh, so stupid of me! Oo nga pala, malapit kila Jazmin yung nilipatan niyo!" Tumatawang sabi ni Gab na napatapik pa sa noo nya.
"Oh by the way guys, this is Von, Niko.. " dagdag pa niya at ipinakilala ang limang lalaki sa mga kaibigan namin.
Napag alaman naming magka babata silang anim including Gab at puro din sila taga Quezon City. Pinili nilang mag aral dito sa Baguio dahil dinamayan daw nila si Von na noon ay ipinatapon ng kanyang ama dito. Para magtino daw. Pasaway din pala tong isang to noong high school sila. At mukha namang effective dahil seryoso daw itong patunayan sa ama na nagbago na siya. Younger ng isang taon si Gab sa kanila pero sumunod din sya sa lima noong tumuntong ng college.
"SA engineering department din pala kayo? My gosh, how come diko man lang nasilayan mga ka gwapuhan nyo?!" Si Jen na mukha ng ewan sa kalasingan. Kahit kelan talaga hindi marunong mag preno ang bibig nito.Nagkasiyahan pa kami at inabot kami ng alas dos ng madaling araw. Nakita ko ding ngumingiti si suplado kapag si Gab ang kausap.
Kaya naman pala niyang ngumiti. Seryoso man o nakangiti, napaka gwapo pa din talaga niya. Parang gusto kong mainggit kay Gab! Hindi ko namalayang nakangiti pala ako habang nakatingin sa kanya. Napakurap ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Nakakahiya! Baka kung anong isipin niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Ano ba naman to! Wala to! Dala lang ito ng alak na ininom ko! Pilit kong ibinaling sa iba ang isip ko. Saan na kaya si Jeff? Napa buntong hininga na lang ako nang maisip na malamang inuwi na naman niya ang flavor of the month niya. Sana nga ay isa lang ulit fling yun kasi sa nakikita ko in love siya sa babaeng yun. Hay puso ko, may iiwasak pa ba?! Parang gusto ko tuloy maiyak. Bigla naman akong bumalik sa reality nang tawagin ni Gab ang pangalan ko."Jaz, iuwi mo na kaya iyong dalawa. Lasing na lasing na sila! Baka mamaya niyan ay gumagapang na sila sa kalasingan." Natatawang sabi ni Gab na tinuturo yung dalawa na nasa stage na! Nasa stage talaga kaya mabilis ko silang nakita. Grabe talaga tong dalawang to. Napaka wild at ayaw magpapigil sa kasasayaw. Kasayaw nila sila Von! Hindi ko maintindihan kung bakit tuwang tuwa silang sumasayaw sa napaka crowded na lugar. Hindi kaya sila nahihirapang huminga diyan? Si Niko lang naiwan dito at kausap si Gab.
Nahihilo na din talaga ako at napadami ang inom ko. Pero kahit papaano ay alam ko pa naman ang salitang kahihiyan. Lagot sakin tong dalawang to bukas."Sige, Gab. Puntahan ko na lang sila." Mabuti nga na umuwi na kami dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko. Napa sobra talaga ako ng inom!
Naku kakaladkarin ko talaga sila kapag hindi sila sumama sa akin. Pagtayo ko ay parang mas lalong umikot ang mundo ko kaya na out of balance ako at muntik ng masubsob kung wala itong matitipubong braso na nakapulupot sa aking bewang ngayon. Wow, nandito ba si Superman? Ang bilis ng reflexes ah. Napahawak ako sa may chest niya. Ang tigas! Natawa ako ng bahagya dahil mukhang si Superman nga ito.
"Are you okay?" Bulong ng napaka swabeng boses sa may punong tenga ko. Tumaas ang balahibo at para akong kinikiliti. Parang bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko. Pag angat ko ng tingin ay si Niko! Napakalapit ng mukha niya sa akin kaya pakiramdam ko ay mahihimatay ako! "Okay ka lang?" Ulit niya kaya natauhan naman ako at napabitaw mula sa pagkakahawak ko sa kanya.
"Y-yeah, thanks." Nauutal na din ako. Ang bango niya! Parang ayoko na ngang bumitaw kanina. Nang makatayo naman ako ng maayos ay parang wala lang sa kanya at muli siyang umupo.Pinakiramdaman ko ang sarili habang nakatayo ako. Nahihilo na talaga ako at parang hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko. Feeling ko masusuka ako!
"Oh Jaz, okay ka lang? Kaya pa? Wait lang. Dexter, pakipuntahan na nga lang at alalayan si Jen at Max at nang maihatid na natin sila." Tawag ni Gab kay Dexter, kaibigan din namin. Nagsisiuwian na din kasi ang karamihan sa amin dahil anong oras na din.
Napatutop ako sa aking bibig. Tumataas na yung acid at diko na kayang pigilan.
"Hala! Bro, can you accompany Jazzy to the rest room please? I'll just wait for Max and Jen.." Natatarantang pakiusap ni Gab kay Niko.
Agad namang tumayo ito at inalalayan ako. Nilagay niya ang isang braso niya sa aking bewang. Wala na akong panahon para mailang dahil diko na talaga kayang pigilan pa to!
Sinamahan niiya ako hanggang sa loob ng restroom at hinahagod ang likod ko habang nilalabas ko lahat ng ininom ko. Buti na lang walang tao kung hindi nakakahiya. Eh sa kanya, di ka nahihiya sabi na naman ng isipan ko.
Hinawakan niya ang buhok ko para hindi mabasa habang nag mumumog ako sa lababo.
"Here." Anya at inabot ang panyo niya sa akin.
Nahimasmasan ako doon ah. Dinalaw tuloy ako ng hiya. At di ko alam kung paano siya titignan. Nakatingin lang siya sa akin at naiilang ako.
"Hmm thank you ha.." sabi ko ng nakatungo.
"No problem, sakay na kayo sa amin tutal magkalapit lang tayo ng apartment."Oh my gosh! Di pa din talaga ako makapaniwalang kinakausap niya ako ngayon at di sinusungitan! Kaya naman medyo napatulala ako. Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa mga labi niya. Mamula mula ito at halatang hindi nag yo-yosi. Kaya nagulat na lang ako pagtingin ko sa mga mata niya na nakatitig na din sa..mga labi ko.His lips felt soft and warm against mine. So, this is how it feels like to be kissed..finally! But wait, I suddenly felt the urge to throw up! Teka, huwag naman ngayon. Sandali lang! Bakit hindi ako makagalaw? Baka masukahan ko siya, nakakahiya! Bakit para akong naipako sa kinatatayuan ko?Nagmulat siya ng mata at nakatitig lang sa akin. Wala siyang kahit anumang reaksyon! M-may problema kaya? Hindi ko na kaya, nasusuka na talaga ako! Pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Sana panaginip lang to! Paulit ulit kong inusal na sana nga ay isang panaginip lang to! Hanggang sa hindi ko na talaga kaya at.."Ouch!" Ungol ko dahil bigla akong nagising. Ang sakit ng ulo ko! Hangover is real! Nakapikit ko namang hinahagilap ang cellphone ko at titignan ko kung anong oras na. Bakit kaya ang sama ng pakiramdam ko?Bago ko pa mahawakan ang cellphone ko ay bigla kong naalala an
Alas diyes na ng umaga pero tinatamad pa akong bumangon. Maaliwalas ang panahon at pumasok na talaga ang sinag ng araw dito sa kwarto dahil nakalimutan kong isara ang kurtina kagabi. Ito yung mga panahon na masarap sana mag swimming dahil paniguradong mainit sa labas. Summer na summer na talaga.Tuesday ngayon at pangalawang araw ko dito sa bahay ni tita pero para akong nababagot at gusto ko na agad umakyat ng Baguio. Wala din naman kasi akong ginawa kundi humilata dito sa kama buong araw. May klase pa kasi si tita at Andrew kaya wala akong kasama buong araw.Ay sus ang sabihin mo andun kasi si myloves mo at nami-miss mo na kahit di man lang nagpaparamdam sayo."Haaay! Kung ayaw mo wag mo!!!" Para akong siraulong kinakausap ang sarili ko. Nakagigil kasi si Jeff at hindi na naman nagpaparamdam. Dati naman ay siya tong laging nangungulit. Bigla na naman tuloy akong dinalaw ng lungkot.Dumapa ako at pinanggigilan
"Hello, 'my?" Sagot ko, tumatawag si mommy."Hi anak! Nakarating ka na ba?" Tanong niya sa kabilang linya. Lagi ko kasi ina-update ang mommy ko sa mga ganap ng buhay ko.Kararating namin dito sa Baguio. Ang bilis natapos ng bakasyon."Heto po 'my kararating lang. Tawag na lang po ako mamaya kasi pababa na po kami ng bus.""Okay, thank God at nakarating ka ng maayos anak. Mag iingat ka palagi diyan ha? I miss you anak. Sige na at papasok na din ako. I love you nak!" Papasok na din siya sa work. Nami-miss ko na ang mommy ko pero wala naman akong magagagawa. Kaya ko din pinag-iigihan ang pag-aaral ko para hindi na kami magkakalayo pa.Mag tu- two years nang di nakakauwi si mommy kaya malapit na ulit siyang mag bakasyon. Every two years kasi ay umuuwi siya. Nasa early 40s pa lang ang mommy ko pero di na din siya nag asawa pang muli. Okay lang naman sa akin kung sakaling umibig pa siya. Ang kaligayahan niya ay kaligay
Me: Nakapagpa enroll ka na ba?Tinext ko si Jeff. Diko matiis!After 30 minutes, nag reply naman.Jeff: Hindi pa. Sabay na tayo bukas. Kita tayo sa main gate. 1 pm sharp.Me: okay, see you.Di man lang mangumusta kahit sana bilang bestfriend man lang. Kung hindi ako ang unang mag ti text, di na ata niya ako maaalala. Sakit sa heart. Oo naman, nasasaktan pa din ako. First love ko eh. Dapat na lang ba akong magpasalamat kasi atleast naman siya ang nag initiate na sabay kami mag enroll? Pero sa kabilang banda naman ng isip ko..tinanong ko kasi kaya siguro nag magandang loob na lang na isabay ako.Napabuntong hininga na lang ako. Ilang taon na din akong in love sa best friend ko. Transferee ako noong second year high school sa school nila. Dati kasi kami sa Quezon City pero nang
Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami. Buti hindi naman awkward kahit bago pa lang namin sila kakilala. Pakiramdam ko nga matagal na kaming magkakakilala. Masaya silang kasama, puro lang kami tawanan.Pati nga si Niko ay nakiki join sa kantyawan ng mga kaibigan niya. Diko akalaing kalog din pala siya na malayo sa personality ng Niko na una kong nakilala. Sabagay bago ko pa lang naman siya nakilala."Saan ang next, guys?" Tanong ni Erik na halatang inaantok na. Nakahiga siya sa may damuhan at maging si Von, nakaunan sila sa mga braso nila. Nakaupo naman kami. Nakaka antok dahil nabusog kami masyado. "Saan niyo gustong pumunta, Jaz?" Tanong naman ni Niko sa akin. Magkatabi kaming nakaupo at nakasandal sa puno. Unti-unti akong nagiging komportable sa kanya."Hmm? Rest muna tayo dito at mukhang inaantok si Von at Erik." Sabi ko naman sa kanya. Si Jeremy naman ay parang walang pakialam sa
Mabilis na dumaan ang mga araw. Patapos na ang summer class! Third year na kami sa first sem at magiging super busy na kami dahil mag du-duty na kami sa kung saan-saan na hospital.Nag iiwasan kami ni Jeff. Busy siya sa girlfriend niya. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya kaya pinabayaan ko na lang. Kelangan ko na din talagang tanggapin para makapag move on na din ako at nang di na ako laging nasasaktan.Si Niko naman lagi akong sinusundo o sinasabay sa pagpasok kapag pareho kami ng schedule. Lagi din silang nagtatambay sa apartment. Minsan naman kami nila Max at Jen ang tumatambay sa kanila. Tutugtugan nila kami ng gitara. Nakakatuwa dahil masarap sa pakiramdam kasi para kang hinaharana!Namasyal din pala si tita Jelai at si Andrew nung nakaraan at nag stay sila dito ng one week. Nagtabi na lang kami ni Jen sa bed niya at tabi ang mag-ina sa bed ko. Nakilala din nila ang mga kaibigan namin sa kabilang apartment. At si tita naman lagi
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at lumabas na ako ng bahay nila Princess. Hihintayin ko na lang si Niko sa labas. Baka kasi hindi niya alam kung saan ang exact location ko though nagtanong pala siya kanina kay Gab. Sinamahan naman ako Mike at baka may mga loko-loko daw sa labas."Grabe, nakapa ginaw! Mukhang di tayo giniginaw ah!” kantyaw ko naman kay Mike dahil naka tshirt lang siya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong tumawa kahit walang nakakatawa. Napadami ka na naman ako ng inom!"Lasing ka na talaga Jaz!” Sabi naman niya sa akin at tinatawanan ako kaya napasimangot ako sa kanya.“Hindi ako lasing noh? Baka ikaw?” Kunwaring singhal ko sa kanya. Hindi pa din siya tumitigil sa katatawa. Mukha ba akong nakakatawa?“Oo na, oo na, hindi ka na lasing. I remind ko lang sayo yung napag aralan natin. Ano ulit ang number one defense mechanism ng lasenggo?” naninigkit na ang mga mata nitong nangangantiyaw sa akin.
"Naku sana naman andito pa yun." Mahinang usal ko habang kinakapa sa may paso sa gilid ng bahay yung spare key namin ni Jen. Hindi ko na to naalala kagabi dahil sa espiritu ng alcohol sa katawan ko. Sige palusot pa Jazmin, palusot pa!"Hay salamat! Nandito pa!" Napangiti ako dahil kung hindi, wala akong choice kung hindi bulabugin si Jen.Pagkapasok ko ng susi sa knob ay nanlaki ang mga mata ko dahil hindi naman pala naka lock! Naku, Jen, pambihira talaga! Paano na lang kung may masamang loob na pumasok? Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan.Pagka bukas ko ng pinto, muntik na akong atakehin sa puso sa gulat! Akala ko kung sino ang lalaking nakaupo sa sofa! Yun pala