Buti na lang at malamig dito sa Baguio at hindi kami pagpapawisan sa paghihintay ng taxi. Ganto kasi dito usually kapag natatapos ang finals. Puro party din ang mga estudyanteng tulad namin. Gusto lang din mag relax at mag unwind.
Napansin kong may lumabas na kotseng itim sa gate ng katabi naming apartment. At nagulat ako nang bumusina ito nang tumapat sa amin at tumigil.Unti-unti namang binaba ang tinted window.
"Hi! Wow! Ang gaganda nyo naman!" Sabi ng lalaki na nag da drive.
Siya din yung bolero na nag hi sakin nung nakaraan sa terrace! Napaka gwapo niya at mukha namang friendly. Tsinito sya at matangos ang ilong. May dimples pa sa magkabilaang pisngi.
Pero ang talagang kumuha ng atensyon ko ay ang lalaking nakaupo sa passenger's seat. Diretso kasi ang tingin at di man lang nag abalang tumingin. Suplado.
At napagtanto ko nga kung gaano ka gwapo ang lalaking to nang matitigan ko. Mukha siyang bad boy. Makapal ang kilay, matang parang nang aarok kahit di nakatingin sakin, matangos ang ilong, at boy ang lips nya parang masarap hali-
"Hoy! Nakatunganga ka na diyan! Sino yan?" Siko sakin ni Jen. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa katotohanan. Nakakahiya!
"Hi, ako nga pala si Von Andrew, and this is my cousin Niko. Actually, bagong lipat lang kami dito. At di ako nagsisising lumipat dito at meron palang naggagandahang dilag dito." Sabi niya na kitang kita pa ang dalawang dimples sa ngiti niya. Napakadami niyang sinasabi eh hindi naman ako nagtatanong.
"Oh by the way, where are you going? Sakay na namin kayo." Alok pa niya. Napataas naman ng kilay si Jen.
"Ah n-no thanks! We're good. May hinihintay lang kami." Sabi ko. Syempre hindi naman namin kilala mga yan kahit mga gwapo sila noh. Mahirap nang basta basta na lang magtiwala sa panahon ngayon!
Seryoso pa din na nakatingin sa cellphone nya na parang naiinip si suplado. Aha! Naaalala ko na kaya pala familiar sya. Siya yung naka bangga ko sa school! Si suplado! Siya din yung lalaking tumutugtog ng gitara sa katabing apartment! Yung di man lang tumingin sakin kahit nakikipagharutan mga kaibigan nya.
Napapangitan ba sakin yang lalaking yan? Hmmp! Bahala sya sa buhay niya. Gwapo nga, suplado naman.
"Hay salamat! Ayan may taxi na girls!" Sigaw ni Max at hinila na nila ako pasakay ng taxi kaya hindi na ako nakapag paalam man lang ng maayos doon kay tsinito.
NANDITO kami ngayon sa isa sa pinaka sikat na disco bar dito sa Baguio. And as expected, madami ngang tao ngayon.
"Hoy Jaz! Sino yung mga poging naka kotse kanina? Ikaw ha? Wag ka mag si-sekreto sa akin!" Tanong ni Jen at nakikinig din si Max. Curious na curious ang dalawa kaya kwinento ko na lahat mula simula.
"OMG! Kapitbahay lang pala natin?! May kapitbahay pala tayong mga gwapo! Ayy!" Tili ni Jen. Mukhang tamado na.
"Girlfriends, let's dance na!" Aya sa amin ni Max sabay hila sa amin ni Jen papuntang dance floor. Sobrang crowded at parang di ako makahinga!
SAYAW, inom, at tawanan ang ginawa naming magkakaklase. Madami samin ang lasing na tulad na lang ng dalawang babae sa tabi ko na di na tumitigil sa katatawa. Paano ba naman kasi muntik nang madapa si Max kanina at buti na lang nahawakan siya agad nung koreano. Cute yung koreano at di na maalis tingin nya kay Max. Kaya diko alam kung kinikilig ba tong mga to o ano. O sipa na lang talaga ng alak.
"Hoy Jaz! Daya mo di ka pa lasing! Gab! Painumin nyo nga to! Broken hearted yan eh!" Sigaw ni Max kay Gab. At napunta na sakin ang atensyon nila. Tawa pa din sila ng tawa. Nakakairita talaga to pag nalalasing dahil lalo siyang nagiging loka-loka.
Inaamin kong nalulungkot talaga ako ngayon. Letse! May babae na naman si Jeff! Hanggang kelan ba ako maghihintay na mapansin nya? Naiinip na ako! Malapit na akong mag nineteen pero ni hindi ko man lang naranasan magkaroon ng boyfriend dahil sa kahihintay ko sa kanya. Huwag naman sana akong tumandang dalaga nito.
At para bang nagbibiro ang tadhana dahil pag baling ko sa may entrance ay saktong nakita ko si Jeff! Kasama niya ang mga kaklase niya at may naka angklang babae sa braso niya! At yung babae ay walang iba kundi ang nanalong Miss Nursing nung nakaraang buwan. Ibang section din pero ka batch namin. And I honestly don't like her. Isa siya sa mga tinaguriang bitch sa university. Baka naman nagseselos ka lang, Jazzy? Hay!
Hindi ko alam kung maiiyak ako o ano. Iniwas ko na lang ang tingin ko at biglang lagok sa alak na inabot sakin kanina ni Gab. Napangiwi ako at matapang ang isang to ah. Sanay lang kasi ako sa mga light na beer. Di naman kasi ako pala inom. Occasional lang tulad ngayon.
"Hey! Jeff, cousin! Here! Here!" Sigaw ni Jen.
Syite naman oh! Gusto kong tahiin bigla bibig ng kaibigan ko! Nataranta ako kaya napainom ulit ako ng dalawang magkakasunod. Huwag naman sana akong ipagkanulo ng damdamin ko ngayon. Nagiging emotional pa naman ako kapag nakainom.
"Oh hi cous!". Bati ni Jeff sa pinsan niya at agad namang bumaling sa akin nang malingunan niya ako. "Oh Jaz, dito din pala kayo." Bati naman niya sa akin at si ateng Miss Nursing kuno nagmumukhang tuko sa kapit niya sa my loves ko. Gusto ko syang sabunutan! Ibang level yung gigil ko ngayon sa babaeng ito!
"Ha? Ah eh, oo." Yun na lang talaga nasabi ko. Sino bang matutuwa di ba?
"Come on guys! Join us!" Sabi naman ng mga iba ko pang ka klase dahil magkakakilala naman kami ng ibang mga section din. Napapikit ako ng mariin at hindi ko namalayang kumuyom ang mga palad ko.
Huwag naman sana silang maki join dito! Ayoko na! Ayoko nang ma in love sa best friend ko! Ang sakit sakit na! Tulong! Whoaaahhh! Syempre sigaw lang yan ng isipan ko. Di ako pwede magsisisigaw dito. Mapagkamalan pa akong baliw. Baliw na baliw sa kanya. Kailan ba ako matatauhan?
"Hey, my Jazzy girl! You okay? You look sad. How's exam?" Tinabihan pa niya ako. Nagpunta kasi ng rest room yung tuko. Aba, napansin din pala niya ako kahit papaano. Sinong hindi malulungkot eh may babae ka na naman.
Nakakainis lang kasi kinikilig pa din ako and at the same time nasasaktan! Bakit ba kasi napaka martir ng puso ko!
"Ah okay naman. Di ako sad noh, medyo inaantok na kasi ako. Ikaw, kamusta ang exam? Pasok na naman sa dean's list?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Consistent kasi siyang dean's lister. Muntik na din ako kaso medyo nag struggle ako sa isang subject namin. Though wala naman akong bagsak kaya okay na din yun.
"Not sure about that. I miss you!" Sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Napangiti ako ng mapait. Ampalaya talaga ako. Kasi alam ko naman na friends lang talaga kami. Malambing lang talaga siya. Pero syempre, feel na feel ko kahit simpleng pagyakap niya.
"Na miss daw." Sabi ko sabay irap.
"Wag ka na magtampo best friend! Babawi ako sayo promise!" Tumatawa niyang sabi at ginulo pa niya ang buhok ko.
At talagang pinamukha pa niyang best friend lang talaga ako. Hay naku Jazmin! Di ka na nasanay!
"Babe! Sayaw na tayo?" Sabi ni girl tuko na halata namang nag retouch lang ang ginawa sa rest room. Kararating lang, retouch agad? Kami nga kanin pa dito pero di na kailangan niyan!
Hala, ang bitter ko na! Hindi na maganda to. Maganda naman talaga siya, matangkad, sexy, at morena. Pang Miss Universe. Pero mas maganda pa din ako.
"Babe, by the way, this is Jazmin my best friend. Jaz, this is Camilla my girl friend." Kumikinang pa ang mga mata niya habang nakatingin sa babae nya.
"Hi." Simpleng sabi lang ng babae na halatang napipilitan pa. Bitch!
Eh di nag hi back lang din ako at tinanguan siya. Tse!
Sa akin lang naipakilala ni Jeff si tuko kasi yung dalawa kong kasama mukhang nasa dance floor na naman.
"Sige Jaz, see you around!" Si Jeff habang nakakapit naman ang tuko at kinukulit na siyang umalis. Hindi yata kinakaya ang kagandahan ko!
"Sure." Sabi ko na lang at tipid na ngumiti.
At dahil di na ako mapilit ng mga kaibigan kong sumayaw, iniwan nila ako dito sa table namin. Ang saya di ba dahil may taga bantay sila ng mga gamit nila. Wala tuloy akong ginawa kundi tumungga nang tumungga. Habang tumatagal ay lalong sumasarap to ah. Aw umiikot na ang mundo ko! Pero masaya sa pakiramdam. Weird!
"Oh hey! Jaz? Yeah, I think that's your name, right? Narinig kong itinawag sayo ng friend mo kanina." Nagulat naman ako! Si tsinito at kasama niya ang mga kaibigan niyang nakita ko noong isang araw sa kabilang apartment.
"Ahh o-oo." Sabay tawa ko kahit walang nakakatawa. Must be the alcohol. At naalala ko din kasi yung pagkatunganga ko kanina.
"Mind if we join you?" Tanong niya sa akin na very hopeful ang expression ng eyes niya. Makakatanggi pa ba ako?
"Ah.. hmm.. No, I don't mind at all. Tutal iniwan naman ako ng mga kasama ko." Sabi ko naman at may space pa naman para sa kanila. Umalis na kasi yung iba naming mga kasama. As usual, iyong may mga ka date.
Naalala ko si gwapong suplado. Bakit di nila kasama? Bakit parang nakaramdam ako ng disappointment?
"Von.. Von, right?" Pag confirm ko pa sa pangalan niya pagkaupo nila. Naku nagiging makulit pa naman ako kapag nalalasing.
"Yes, Miss Beautiful?" Nakangiti naman siyang bumaling sa akin. Napakagaling mambola nito.
"Where's your cousin? Iyong suplado." Tanong ko at di ko talaga maintindihan ang sarili ko pero umaasa akong makita siya sa gabing ito.
"Oh Niko? He's.." naputol na ang sasabihin niya at bumaling siya sa aking likuran.
"Hey Niko bro, we're here!" Sabi niya at kumaway pa. Kumabog ang puso ko ng malakas! Oh my gosh!
Lumingon ako sa likuran ko at parang slow motion na naglakad palapit sa amin si Mr. Suplado!
Seryoso siyang naglalakad palapit at napasapo ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko!
Napapatingin din ang mga kababaihan sa pagdaan niya. Ganoon kalakas ang dating niya!
NANG nakalapit siya, umupo sya sa may tapat ko. Katabi ko naman si Von.Diko maintindihan ang sarili ko o dahil tamado na ako sa alak na nilaklak ko, lalo syang gumwapo sa paningin ko. Para akong na engkanto! Para kasi siyang greek god! At di hamak na mas gwapo siya sa malapitan. Patataubin nito ang mga sikat na artista! Matangkad pa, siguro mga 5'11 o abot sa 6 ft ang height nito. How come di ko siya nakikita sa university? Or baka naman sa ibang university sila. Kasi imposible naman na hindi ko mapansin tong mga lalaking to sa lakas ng dating nila lalo na syempre itong suplado.Eh paano, iisang lalaki lang naman nakikita mo? Sabi ng sutil kong brain!Hay ano ba, naalala ko na naman tuloy siya! Erase! Kelangan kong mag enjoy sa gabing to! Hindi pwedeng siya na lang palagi ang masaya. Samantalang ako ay laging wasak ang puso.Naputol ang iniisip ko nang biglang tumikhim si Von. Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko dahil nakatitig na pala ako sa
His lips felt soft and warm against mine. So, this is how it feels like to be kissed..finally! But wait, I suddenly felt the urge to throw up! Teka, huwag naman ngayon. Sandali lang! Bakit hindi ako makagalaw? Baka masukahan ko siya, nakakahiya! Bakit para akong naipako sa kinatatayuan ko?Nagmulat siya ng mata at nakatitig lang sa akin. Wala siyang kahit anumang reaksyon! M-may problema kaya? Hindi ko na kaya, nasusuka na talaga ako! Pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Sana panaginip lang to! Paulit ulit kong inusal na sana nga ay isang panaginip lang to! Hanggang sa hindi ko na talaga kaya at.."Ouch!" Ungol ko dahil bigla akong nagising. Ang sakit ng ulo ko! Hangover is real! Nakapikit ko namang hinahagilap ang cellphone ko at titignan ko kung anong oras na. Bakit kaya ang sama ng pakiramdam ko?Bago ko pa mahawakan ang cellphone ko ay bigla kong naalala an
Alas diyes na ng umaga pero tinatamad pa akong bumangon. Maaliwalas ang panahon at pumasok na talaga ang sinag ng araw dito sa kwarto dahil nakalimutan kong isara ang kurtina kagabi. Ito yung mga panahon na masarap sana mag swimming dahil paniguradong mainit sa labas. Summer na summer na talaga.Tuesday ngayon at pangalawang araw ko dito sa bahay ni tita pero para akong nababagot at gusto ko na agad umakyat ng Baguio. Wala din naman kasi akong ginawa kundi humilata dito sa kama buong araw. May klase pa kasi si tita at Andrew kaya wala akong kasama buong araw.Ay sus ang sabihin mo andun kasi si myloves mo at nami-miss mo na kahit di man lang nagpaparamdam sayo."Haaay! Kung ayaw mo wag mo!!!" Para akong siraulong kinakausap ang sarili ko. Nakagigil kasi si Jeff at hindi na naman nagpaparamdam. Dati naman ay siya tong laging nangungulit. Bigla na naman tuloy akong dinalaw ng lungkot.Dumapa ako at pinanggigilan
"Hello, 'my?" Sagot ko, tumatawag si mommy."Hi anak! Nakarating ka na ba?" Tanong niya sa kabilang linya. Lagi ko kasi ina-update ang mommy ko sa mga ganap ng buhay ko.Kararating namin dito sa Baguio. Ang bilis natapos ng bakasyon."Heto po 'my kararating lang. Tawag na lang po ako mamaya kasi pababa na po kami ng bus.""Okay, thank God at nakarating ka ng maayos anak. Mag iingat ka palagi diyan ha? I miss you anak. Sige na at papasok na din ako. I love you nak!" Papasok na din siya sa work. Nami-miss ko na ang mommy ko pero wala naman akong magagagawa. Kaya ko din pinag-iigihan ang pag-aaral ko para hindi na kami magkakalayo pa.Mag tu- two years nang di nakakauwi si mommy kaya malapit na ulit siyang mag bakasyon. Every two years kasi ay umuuwi siya. Nasa early 40s pa lang ang mommy ko pero di na din siya nag asawa pang muli. Okay lang naman sa akin kung sakaling umibig pa siya. Ang kaligayahan niya ay kaligay
Me: Nakapagpa enroll ka na ba?Tinext ko si Jeff. Diko matiis!After 30 minutes, nag reply naman.Jeff: Hindi pa. Sabay na tayo bukas. Kita tayo sa main gate. 1 pm sharp.Me: okay, see you.Di man lang mangumusta kahit sana bilang bestfriend man lang. Kung hindi ako ang unang mag ti text, di na ata niya ako maaalala. Sakit sa heart. Oo naman, nasasaktan pa din ako. First love ko eh. Dapat na lang ba akong magpasalamat kasi atleast naman siya ang nag initiate na sabay kami mag enroll? Pero sa kabilang banda naman ng isip ko..tinanong ko kasi kaya siguro nag magandang loob na lang na isabay ako.Napabuntong hininga na lang ako. Ilang taon na din akong in love sa best friend ko. Transferee ako noong second year high school sa school nila. Dati kasi kami sa Quezon City pero nang
Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami. Buti hindi naman awkward kahit bago pa lang namin sila kakilala. Pakiramdam ko nga matagal na kaming magkakakilala. Masaya silang kasama, puro lang kami tawanan.Pati nga si Niko ay nakiki join sa kantyawan ng mga kaibigan niya. Diko akalaing kalog din pala siya na malayo sa personality ng Niko na una kong nakilala. Sabagay bago ko pa lang naman siya nakilala."Saan ang next, guys?" Tanong ni Erik na halatang inaantok na. Nakahiga siya sa may damuhan at maging si Von, nakaunan sila sa mga braso nila. Nakaupo naman kami. Nakaka antok dahil nabusog kami masyado. "Saan niyo gustong pumunta, Jaz?" Tanong naman ni Niko sa akin. Magkatabi kaming nakaupo at nakasandal sa puno. Unti-unti akong nagiging komportable sa kanya."Hmm? Rest muna tayo dito at mukhang inaantok si Von at Erik." Sabi ko naman sa kanya. Si Jeremy naman ay parang walang pakialam sa
Mabilis na dumaan ang mga araw. Patapos na ang summer class! Third year na kami sa first sem at magiging super busy na kami dahil mag du-duty na kami sa kung saan-saan na hospital.Nag iiwasan kami ni Jeff. Busy siya sa girlfriend niya. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya kaya pinabayaan ko na lang. Kelangan ko na din talagang tanggapin para makapag move on na din ako at nang di na ako laging nasasaktan.Si Niko naman lagi akong sinusundo o sinasabay sa pagpasok kapag pareho kami ng schedule. Lagi din silang nagtatambay sa apartment. Minsan naman kami nila Max at Jen ang tumatambay sa kanila. Tutugtugan nila kami ng gitara. Nakakatuwa dahil masarap sa pakiramdam kasi para kang hinaharana!Namasyal din pala si tita Jelai at si Andrew nung nakaraan at nag stay sila dito ng one week. Nagtabi na lang kami ni Jen sa bed niya at tabi ang mag-ina sa bed ko. Nakilala din nila ang mga kaibigan namin sa kabilang apartment. At si tita naman lagi
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at lumabas na ako ng bahay nila Princess. Hihintayin ko na lang si Niko sa labas. Baka kasi hindi niya alam kung saan ang exact location ko though nagtanong pala siya kanina kay Gab. Sinamahan naman ako Mike at baka may mga loko-loko daw sa labas."Grabe, nakapa ginaw! Mukhang di tayo giniginaw ah!” kantyaw ko naman kay Mike dahil naka tshirt lang siya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong tumawa kahit walang nakakatawa. Napadami ka na naman ako ng inom!"Lasing ka na talaga Jaz!” Sabi naman niya sa akin at tinatawanan ako kaya napasimangot ako sa kanya.“Hindi ako lasing noh? Baka ikaw?” Kunwaring singhal ko sa kanya. Hindi pa din siya tumitigil sa katatawa. Mukha ba akong nakakatawa?“Oo na, oo na, hindi ka na lasing. I remind ko lang sayo yung napag aralan natin. Ano ulit ang number one defense mechanism ng lasenggo?” naninigkit na ang mga mata nitong nangangantiyaw sa akin.