Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at lumabas na ako ng bahay nila Princess. Hihintayin ko na lang si Niko sa labas. Baka kasi hindi niya alam kung saan ang exact location ko though nagtanong pala siya kanina kay Gab. Sinamahan naman ako Mike at baka may mga loko-loko daw sa labas.
"Grabe, nakapa ginaw! Mukhang di tayo giniginaw ah!” kantyaw ko naman kay Mike dahil naka tshirt lang siya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong tumawa kahit walang nakakatawa. Napadami ka na naman ako ng inom!
"Lasing ka na talaga Jaz!” Sabi naman niya sa akin at tinatawanan ako kaya napasimangot ako sa kanya.
“Hindi ako lasing noh? Baka ikaw?” Kunwaring singhal ko sa kanya. Hindi pa din siya tumitigil sa katatawa. Mukha ba akong nakakatawa?
“Oo na, oo na, hindi ka na lasing. I remind ko lang sayo yung napag aralan natin. Ano ulit ang number one defense mechanism ng lasenggo?” naninigkit na ang mga mata nitong nangangantiyaw sa akin.
“Uy grabe ha? Lasenggo ba ako? Grabe siya! Hindi to denial noh kasi hindi naman ako lasing.” Naniningkit din ang mga mata kong nakatingin sa kanya sa inis. Paratangan ba naman akong alcoholic?
Bigla namang may bumusina at nagulat ako dahil hindi ko napansing may sasakyang tumigil sa harapan namin. Pagtingin ko ay si Niko at pababa na siya ng kotse niya. Lumakas ng bongga ang tibok ng puso ko! Napatikhim naman si Mike sabay ngisi kaya inirapan ko siya.
“Hi.” Bati ni Niko sa akin nang makalapit siya at nagtanguan naman sila ni Mike.
“Sige Jaz mauna na ako sa loob ha? Bye denial queen! Lasing yan.” Kunwaring baling niya kay Niko kaya nahampas ko siya sa balikat.
“Hindi ako sabi lasing eh! Kulit mo ha? Pumasok ka na nga!” Singhal ko sa kanya.
“Sige pre, ikaw na bahala kay Jaz ha?” Bilin nito kay Niko at nagpasalamat naman ang huli sa kanya. “Bye Jaz! Ingat kayo.” Paalam nito.
“Bye! Kayo na bahala kay Max ha?” Bilin ko naman sa kanya at tumango na lang siya at pumasok na sa loob.
“Are you okay, Jaz?” Tanong sa akin ni Niko habang inaalalayan niya ako pasakay sa kotse niya.
“Yeah. Don’t believe that idiot. Im not drunk! Ang kulit niya talaga. That idiot.” Napapailing kong sabi at diko mapigilang mapatawa dahil naalala ko kanina ang pinagawa sa kanya sa truth or dare.
Sinuot naman niya sa akin ang seat belt nang makaupo siya kaya naman napakalapit ng mukha niya sa akin. Napasinghap ako ng mahina dahil para akong nakukuryente na di ko maintindihan! Ang bango niya at nakakaloka ang kagwapuhan niya! Oh gosh! He’s so perfect!
“So, you’re not drunk huh?” Sabi niya na nakangiti nang maikabit niya ang seat belt ko at mag umpisa na siyang mag drive.
"Uh-huh! But you don’t believe me, do you?” Tanong ko naman sa kanya na at pinaningkitan ko siya ng mata at natawa siya ng mahina.
“Hmm okay. I believe you.” Sabi niya but his face says otherwise!
“Do I look funny huh? Ikaw ha?” Para na akong loka-lokang nakikipag usap sa kanya. Inaantok na ako at nahihilo kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
Mahihinang tapik sa pisngi ko ang nagpagising sa akin. “Hmmm?” Nakaidlip pala ako.
"Jaz, wake up. Nandito na tayo sa apartment niyo. Walang sumasagot sa loob. Wala yatang tao. Where's your key?" Tanong naman niya. Key? Oh, it’s in my bag!
"Where’s my bag?” Tanong ko sa kanya kaya napatingin kami pareho sa loob ng kotse pero wala. Gosh! I think I left my bag! Buti nadala ko ang phone ko, ka text ko kasi siya kanina.
“You left your bag?” Tanong namannito sa akin kaya napatango na lang ako. Inaantok na ako! Gusto ko nang matulog.
Napa buntong hininga na lang siya. “ Okay then, you will sleep in my apartment tonight." Sabi nito kaya napangiti ako ng matamis! What the heck?
Dahil medyo pasuray suray ako ng lakad, binuhat na niya ako na para bang bagong kasal kami. Kumapit ako sa leeg niya para hindi ako mahulog! Shocks ang bango niya talaga. Hindi ko napigilan ang sarili kong suminghot sa leeg niya habang buhat niya ako.
"You don't know what you're doing, baby." Sabi niya na napapaos. Para akong nakiliti sa boses niya.
Ibinaba niya ako ng dahan dahan sa bed niya. Ang sarap namang matulog dito lalo na at kaamoy niya ang bedsheet niya at mga unan.
Dahil lagi na din kami dito sakanila ay nakapasok na din ako sa kwarto niya. Di hamak na mas malaki itong apartment nila kaya di hamak na mas malaki din ang mga kwarto nila ni Von kompara sa amin ni Jen. Simple ito sa labas kaya hindi mo aakalaing napakaganda sa loob nito at gawa ito sa high quality na wood kaya napaka cozy ng dating. Luma na to pero nakapaganda ng structure at halatang alaga din. Mahal siguro ang renta nila dito. May basement itong bahay kung saan nakatira ang care taker nitong bahay. Siya na din ang tumatayong helper ng dalawa.
Para akong lukaret dahil napangisi ako at isinubsob ang mukha ko sa unan ni Niko! Pero parang hindi pa din ako makuntento kaya tinawag ko siya. Tumingin naman siya sa akin at tila nagtatanong kung bakit ko siya tinawag.
"Pwede ka bang umupo dito sa tabi ko?” Malambing kong pakiusap sa kanya. Gusto ko lang siyang amuyin!
Agad naman siyang tumalima at umupo sa tabi ko.
"You're driving me crazy, Jaz." Sabi niya sa akin ng seryoso at hinaplos niya ang pisngi ko. Hinuli ko ang kamay niya at.. inamoy! Napahagikhik ako sa kalokohan ko. Sana lang hindi ko pagsisisihan ang pinaggagagawa ko ngayon.
"Crazy girl!" Nakangiti niyang sabi at marahan akong kinurot sa pisngi at akmang tatayo na ulit siya. Napabangon ako bigla para pigilan siya. Parang ayoko pang matapos ang gabing ito.
"Jaz, bakit ka pa bumangon? Do you need anything? Water?" Tanong niya sakin.
"No, no. Niko?" Malambing kong tawag sa pangalan niya.
"Hmmm?" Sagot naman niya sa akin.
Shocks. I want to kiss him! It’s now or never!
"Can you.. can you kiss me Niko?" May pakiramdam akong namumungay pa ang aking mga mata dahil sa antok. Nabigla siya at di agad nakapag salita.
"Uh.. Jaz, you’re really drunk.." Pilit na tawa ang lumabas sa labi niya at akmang tatayo na talaga siya ulit nang hilain ko siya sa braso pabalik.
"I told you I’m not drunk!” Hindi siya nakaimik kaya muli akong nagsalita dahil nakaramdam ako ng kurot sa puso ko. “Am I really not that attractive? That nobody would ever dare kiss me? Even you, Niko? You don’t really wanna kiss me huh?” Pabulong at nagtatampo kong sabi.
Wala din pala siyang pinagkaiba kay Jeff eh. Mga paasa.
"Jaz, you dont understand.."Tila nahihirapan pa niyang sabi kaya pinutol ko na ang sasabihin niya.
Ano? Sasabihin din ba niya na friend lang din kasi turing niya sa akin. Magpapakita kayo ng sweetness tapos.. tapos.. naiiyak na ako! Nakakainis lang.
"Bakit ha? Pangit ba talaga ako? Anong hindi ko maintindihan? Ha? Where's Von? Maybe if I ask him to kiss.." diko na natapos ang sasabihin ko nang... dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko!
Oh-my-gosh! Hindi ako nakakilos at para akong na estatwa! I didn't know how to react kaya para akong nanigas at di makagalaw.
Lumayo naman siya bigla at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama.
"Oh god, im sorry Jaz.." Sabi niya na tila naiinis pa siya sa sarili niya kaya napakurap ako. Di rin ako agad makaapuhap ng sasabihin. Bat siya nag so sorry? Hindi ba talaga ako kahalik-halik?!
"S-sorry?” Napatawa ako ng pagak. Pero sa totoo lang naiiyak ako! Parang bigla akong binuhusan ng napakalamig na tubig at nawala lahat ng kalasingan ko sa katawan!
Sorry talaga? Huh! Kasi nga friend lang tingin niyan sayo. Nakakahiya ka Jazmin. Ganto na ba talaga ako desperada? Parang gusto kong lamunin na lang ako ng lupa!
He sighed heavily and sat beside me and he began caressing my face. Iniwas ko ang mukha ko. Paasa eh. Napabuntong hininga na lang siya.
"It's not like that Jaz. I just don’t want to take advantage, okay? You have no idea." Umiiling niyang sabi at muling napabuntong hininga. “You have no idea how much I wanted to kiss and ravish you right now." Pabulong niyang tinuloy ang kanyang sinasabi na tila nahihirapan. Parang hindi rin ako makahinga sa lakas ng kabog ng puso ko.
"Baby, I want to kiss you when you're sober because I want you to remember everything about.. our first kiss.." Hirap at putol-putol niyang sinabi. Napatitig na lang ako sa mukha niya at bumaba ang mga mata ko sa labi niya.
"But I guessed I can no longer wait. I really wanna kiss you right now.” Paos niyang sabi at unti-unti niyang tinawid ang distansya naming dalawa. Hinapit niya ako sa bewang at lalo niyang idiniin ang mga labi niya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko pero tila may sariling isip ang mga labi namin at tila sila nagsasayaw sa ritmo ng mga puso namin.
Tila bolta-boltaheng kuryente ang kumapit sa buong katawan ko at napayakap ako sa leeg niya. Lalo pang lumalim ang paghalik nya sa akin hanggang naramdaman ko na lang nang iangat niya ako at pinaupo sa kandungan niya. Nagkatinginan kami at parehong hinihingal.
"You are so sweet baby." Hinihingal niyang sinabi at muli niyang tinawid ang distansya namin at banayad niya akong hinalikan sa labi na tila tumitikim ng isang klase ng mamahaling alak. Tila ako nalalasing sa mga halik niya! Muli niyang iniangat ang mukha at niya at tinignan ako ng diretso sa mata. Dinampian niya ng halik ang aking mga labi, tungki ng ilong, at noo.
"I love you, Jaz." He said straight to my eyes at muli niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako nakapag salita at lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Yumakap naman ako ng mahigpit sa kanya.
Mahal niya ako? Did I hear him right? I’m not dreaming, am I?
Show quoted text
"Naku sana naman andito pa yun." Mahinang usal ko habang kinakapa sa may paso sa gilid ng bahay yung spare key namin ni Jen. Hindi ko na to naalala kagabi dahil sa espiritu ng alcohol sa katawan ko. Sige palusot pa Jazmin, palusot pa!"Hay salamat! Nandito pa!" Napangiti ako dahil kung hindi, wala akong choice kung hindi bulabugin si Jen.Pagkapasok ko ng susi sa knob ay nanlaki ang mga mata ko dahil hindi naman pala naka lock! Naku, Jen, pambihira talaga! Paano na lang kung may masamang loob na pumasok? Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan.Pagka bukas ko ng pinto, muntik na akong atakehin sa puso sa gulat! Akala ko kung sino ang lalaking nakaupo sa sofa! Yun pala
Lumabas ako ng terrace nang mabagot ako sa loob ng kwarto ko at umupo sa barandilya. Ang sarap mag relax dahil napaka lamig dito, libre aircon! Nagtimpla pa ako ng coffee at pinatugtog ang cellphone ko. Ang perfect! Kayakap na lang ang kulang!Speaking of kayakap bakit kaya hindi nag text buong araw yung mokong na yun? Nagkibit balikat na lang ako at baka kasama niya ang mga kaibigan niya dahil tapos na din ang exam nila. Parang gusto ko siyang kumustahin pero nauunahan ako ng hiya.Natawa ako ng mahina nang maalala ko si Jen at Max kanina dahil hindi talaga ako nakaligtas sa mga tanong nila. Hindi talaga nila ako tinigilan! Sabi ko nakitulog lang ako dahil nga naiwan ko yung susi pero hindi talaga sila naniniwala lalo na si Jen dahil alam naman niyang may spare key kaming nakatago sa paso. Napaka sweet daw
Napatunganga ako lalo sa sinabi niya! What the heck? May bahay sila dito sa Baguio pero lumipat sila dito dahil sa akin? Nanlalaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi dahil hindi ako makapaniwala! Bahagya naman siyang natawa sa itsura ko at pinisil ang pisngi ko.“Yeah I know. Daig ko pa ang stalker but I was desperate, Jaz. I really like you.” Sabi nito at pakiramdam ko ay nagkulay kamatis na naman ang traydor kong mukha."Hey..Are you mad?" Untag niya sa akin nang di ako nakapagsalita. Parang hindi ma process ng utak ko sa tindi ng revelations niya! Napakurap naman ako."N-no of course not. Hindi lang ako makapaniwala Niko. Sa dami ng nagkakagusto sayo, b-bakit ako?” Nauutal kong tanong sa kanya.Hinawakan niyang muli ang kamay ko at pinisil ito. “I love you, Jaz.” Masuyo nitong sinabi sa namumungay niyang mga mataOh my gosh! Seriously? Kinu
Sinamahan kami ni Niko na nagpa enroll ni Max kahit na bukas pa ang schedule ng enrollment nila.Nasa lobby kami at hinihintay lang si Max dahil nag punta ng rest room. Alam na din pala ng mga kaibigan namin na kami na ni Niko. Syempre masaya sila para sa amin. Binalita ko na din kila mommy at tita. Masaya sila pero nagpaalala lang na dapat alam daw namin ang limitasyon namin lalo na si tita. Paulit-ulit siyang tumatawag at nagpapaalala na hindi daw masamang ma inlove basta alam namin ang limitasyon namin.Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan."Where do you wanna eat?" Malambing niyang tanong dahil tanghali na din kasi."Ikaw? Saan mo ba gusto?"Balik tanong ko naman sa kanya."Hoy! Ano yan ha? Public display of affection is not allowed here especially when I’m around!” Mataray na sita sa amin ni Max pagkalabas niya ng cr. N
‘HAPPY anniversary, baby! I love you so much! See you later!’Kagigising ko pa lang ay ito agad ang bumungad sa akin. A beautiful bouquet of red roses! Aww ang sweet naman ng baby ko. First anniversary namin today! I can’t believe it has already been a year! Parang kahapon lang. Sigurado akong kinasabwat nun si Jen. Napangiti naman ako ng matamis. My baby never fails to make me smile!Maliksi naman akong bumangon at binati ko din siya sa text at nagpasalamat. Maaga kasi pasok niya ngayon.Isang taon na kami ni Niko pero lalo siyang nagiging sweet sa bawat araw na dumadaaan. He really is my Mr. Perfect! Lalo ko din siyang minamahal kahit napaka seloso niya minsan.Magaan ang katawan kong naligo at nag-ayos dahil may meeting kami ng mga ka group ko ngayon.Mamayang alas tres pa ang duty namin pero kailangan naming mag meet para sa isang requirement namin. Buti na lang at na
"O ano sem break na, wag niyong sasabihin sa akin na uuwi na naman kayo?" Tanong ni Max sa amin ni Jen. Nandito kami ngayon sa apartment at katatapos ng finals.Taga Baguio lang kasi si Max kaya tuwing bakasyon ay bagot na bagot siya. Kanya-kanya kasi dito sa Baguio hindi tulad sa mga probinsya na kakilala mo ang mga kapitbahay mo."Ikaw Jaz, uuwi ka ba ng Manila? Graduating ka na next sem! Sulitin na natin. Di na din muna ako uuwi." Sabi ni Jen. Dahil 5 years ang engineering, mayroon pa siyang 1 year bago grumaduate."Pagkatapos naman ng graduation, magrereview pa ako dito at mag ti take pa ng board exam. Pero sige di muna ako uuwi." Sabi ko naman."Ayos! So, saan tayo? La Union o Sagada?" Tanong ni Max. Ayun naman pala at may plano na."Sagada na lang! Para romantic!" Sabi naman ni Jen na parang lumulutang pa sa alapaap kung magningning ang mga mata. Kilig na kilig ang bruha. Kaka one year din nila ng boyfriend niyang si Rustan last month. Four m
Ala una ng madaling araw nang tinatawag ako ng kalikasan. Nasa labas kasi ang common rest room kaya kinailangan ko pang bumaba sa kubo. Bumungad sa akin ang napakalamig na ihip ng mabining hangin pagkalabas ko. Mas maginaw pa dito kesa sa Baguio!Pabalik na sana ako ng kubo pagkatapos kong mag cr nang mapansin kong tumakbo galing sa kubo nila Niko si Gab at kung di ako nagkakamali ay umiiyak. Napakunot noo ako dahil anong ginagawa niya doon sa gantong oras? May problema ba siya? Baka naglabas na saloobin kay Niko at Von. Nagkibit balikat na lang ako at umakyat na sa kubo namin. Nang akma kong isasara na ang pintuan ay may nakita akong dalawang tao sa di kalayuan na nag-uusap. Inaninag kong mabuti at nanlaki ang mga mata ko nang ma recognize ko sila kahit nakatalikod sila. Si Von at saka si Max! Sabi ko na nga ba at may something din sa dalawang yan eh. Pero teka, kung nandiyan si Von..ibig sabihin si Niko lang ang nasa loob ng kubo? Kung ganun, anong ginawa
“Jazzy, samahan na kita." Si Jeff.Medyo may edad na lalaki kasi ang pasyente ko at parang di ko gusto kung makatingin tapos nasa private room pa ito.Bumalik na din ang dating Jeff. I mean kahit papaano at hindi tulad noon na para kaming hindi magkakilala. Though syempre may limit na din at meron na din naman akong boyfriend. Nagpupunta pa din siya sa amin pero hindi na madalas. Lagi kasi kaming nag-aaway ni Niko kapag ganun kaya umiiwas na din minsan si Jeff. Napaka seloso kasi talaga ni Niko.Pero hindi ko rin siya masisi dahil nalaman na din niya before pa na si Jeff ang first love ko nang minsang maglaro kami ng truth or dare kasama ang mga kaibigan namin. Nang sa akin kasi tumapat ang bottle ay tinanong ako ni Erik kung sino ang first love ko at nang di ako sumagot ay si Jen ang sumagot. At dahil lasing siya nung mga time na yun ay walang pakundangan niyan
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng