Share

Chapter 16

‘HAPPY anniversary, baby! I love you so much! See you later!’

Kagigising ko pa lang ay ito agad ang bumungad sa akin. A beautiful bouquet of red roses! Aww ang sweet naman ng baby ko. First anniversary namin today! I can’t believe it has already been a year! Parang kahapon lang. Sigurado akong kinasabwat nun si Jen. Napangiti naman ako ng matamis. My baby never fails to make me smile!

Maliksi naman akong bumangon at binati ko din siya sa text at nagpasalamat. Maaga kasi pasok niya ngayon.

Isang taon na kami ni Niko pero lalo siyang nagiging sweet sa bawat araw na dumadaaan. He really is my Mr. Perfect! Lalo ko din siyang minamahal kahit napaka seloso niya minsan.

Magaan ang katawan kong naligo at nag-ayos dahil may meeting kami ng mga ka group ko ngayon.  Mamayang alas tres pa ang duty namin pero kailangan naming mag meet para sa isang requirement namin. Buti na lang at naitsambang dito lang sa Baguio ang duty namin ngayon. Usually kasi sa labas ng Baguio kami nag-duduty tulad sa Atok, Kapangan, at Lepanto.

Palabas na sana ako ng bahay nang mag ring ang cellphone ko. Napangiti naman ako nang makitang si Niko ang tumatawag.

"Hi baby ko!" Sagot ko na nagpapa bebe. Gustong gusto naman niya kapag nilalambing ko siya ng pabebe!

"Hi baby! Happy anniversary! Love you! Love you! Love you!" Naningkit naman ang mga mata ko dahil pabulong niya itong sinabi. Mukhang nasa klase ang loko!

"Niko, nasa klase ka ba?” tumatawa kong tanong sa kanya.

“Yep. Bat walang I love you too?” Boses nagtatampo nitong sabi kaya lalo akong natawa dahil parang nakikita ko ang itsura niyang parang batang nakasimangot!

“Happy anniversary baby ko! I love you a million times! Oh mas madami yung akin ha?" Natatawa kong sabi sa kanya.

"I love you. I'll call you later.” Masaya nitong sabi.

"Pasaway ka talaga, mahuli ka niyan eh! Sige na.” Nangingiti ko nang tinapos ang tawag.

PASADO alas diyes na ng gabi at maghahanda na din sana kami para sa endorsement namin sa susunod na mga magdu-duty nang nagkaroon pa ng problema ang isa sa mga pasyente ko.

"Jaz, yung pasyente mo nagwawala kaya nahugot ang IV niya!" Natatarantang tawag sa akin ni Anne. Napaka nerbyosa kasi niyan kaya hindi ko alam kung bakit nursing pa din ang napili niyang kurso.

Agad ko namang pinuntahan ang nasabing pasyente at nag-iiyak nga ito at nagwawala. Napakadami ding dugo sa kamay niya at wala man lang tumulong sa bata. Sabagay, abala din kasi ang lahat sa kanya-kanya nilang pasyente. Agad ko namang nilapatan ng cotton at idiniin ito sa pinaggalingan ng iv para tumigil ang pagdudugo. Pumapalahaw pa din ng iyak ang limang taong gulang na batang lalaki. Hindi rin siya mapatahan ng nanay niya. Kanina pa kasi siya irritable dahil medyo nahihirapan siyang huminga dahil sa pneumonia.

"Jaz, mag re-insert ka ha? Prepare mo na mga kailangan mo." Sabi naman ng C.I ko pagdating niya. Iniisa isa niya kasi kaming tinuturuan.

"Yes maam." Magalang ko namang sagot at bumalik ako ng nurse station para kumuha ng mga kakailanganin ko.

"Tahan na baby. Di ba brave ka? Saglit lang to, okay? Para mabilis kang gagaling at makakauwi ka na at makakapaglaro ha?" Masuyo kong inaalo ang bata dahil nagpupumiglas pa din talaga siya. Naka assist na ang C.I ko sa amin pero nahihirapan talaga ako dahil sa pagwawala ng bata. Kanina pa kami dito pero hindi kami matapos tapos. Natapos na lahat ng mga kasama ko ang kanilang mga ginagawa at ako na lang ang hinihintay nila. Malapit ng mag eleven at isa-isa na ding dumadating ang mga incoming.  Group nila Jeff ang mga incoming eh.

"Ayoko niyan tusok! Ayoko niyan mama!" Sigaw ng bata at lalo pa siyang nahihirapan dahil sa pag iyak niya. Napabuntong hininga na lang ako at awing awa na ako sa kanya pero kailangan talaga niya ng dextrose eh.

"Hello little boy! Im back! Aw bakit natanggal ang dextrose? Paano ka gagaling niyan?" Si Jeff! Kahit papaano ay nag uusap naman na kami pero di na bumalik pa sa dati.

"Kuya! Tusok po nila ako ulit!" humhikbing sumbong niya kay Jeff.

"Di naman masakit yun eh. Di ba di natatakot ang mga big boys tulad natin?" Masuyong sabi naman ni Jeff.

Unti-unti namang napatahan ni Jeff ang bata. Tinulungan na din niya ako nang mag re-insert ako ng iv niya. Umiyak pa din siya ng umiyak pero atleast hindi tulad kanina na sobra siyang magwala.

Nakahinga din ng maluwag ang mg aka group ko dahil hindi rin sila makauwi kapag hindi pa natatapos ang isa sa amin. Tapos na din silang mag endorse.

"Na toxic ka kung kelan pa out na tayo ah?" Sabi ni Anne habang nag-aayos ako ng gamit ko.

"Oo nga eh. Nakakapagod tong araw na to noh?" Sagot ko naman sa kanya at isinuot ko na ang backpack ko at sabay na kaming lumabas ng hospital.

"Sinabi mo pa! O siya sige mauna na ako ha?"Paalam niya nang makalabas kami.

Bigla kong naalala si Niko nang makita kong sumakay ng taxi si Anne! Oo nga pala! Sa sobrang busy ko hindi ko naalalang i check ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ng bag ko. Limang missed calls!

Agad kong dinial ang number niya at nagri-ring naman pero di niya sinasagot. Dinial ko pa ulit pero di talaga sumasagot.

"Jazzy!" Si Jeff na tumatakbo palapit sa akin. Napakunot noo naman akong tumingin sa kanya.

"Naiwan mo!" Sabi niya sabay abot sa akin ng bp app ko.

"Hala oo nga pala! Salamat ha?"Sabi ko naman sa kanya. Akala ko nailagay ko yun sa bag ko. Akmang ilalagay ko ito sa bag ko nang bawiin niya sa akin ang bp app at sinabing siya na ang maglalagay nito sa bag ko kaya hinayaan ko na.

"Wala ka atang sundo ngayon?" Tanong niya nang maisara ang zipper ng bag ko.

"Ha? Hindi ko makontak si Niko eh." Sabay tingin sa cellphone ko at nag babaka sakaling may text na siya.

"Delikado kung magtataxi kang mag-isa ngayon. Pasakay na kita para makita ko ang plate number." Nag-aalala nitong sinabi.

"No need pare." Si Niko! Bigla na lang itong sumulpot sa kung saan dahil hindi ko talaga siya napansin.  Nagkibit balikat na lang si Jeff at nagpaalam na sa akin at umalis na.

"Sorry na late ako ngayon. Sobrang toxic eh." Paliwanag ko sa kanya habang iginigiya nya ako kung saan naka park ang kotse niya. Nakahawak siya sa bewang ko pero kapansin pansin ang pagiging tahimik niya.

"It's okay." Tipid niyang sinabi at inalalayan niya pa ako sa pagsakay.

"Galit ka ba?” Tanong ko sa kanya ng mahina dahil napaka tahimik niya. Pakiramdam ko ay talagang nagtatampo siya dahil first anniversary namin ngayon pero malapit nang mag alas dose.

"Im not mad. Siguro dahil nakaidlip ako kaya di lang siguro maganda ang gising ko. Im sorry.” Sabi naman niya at tipid na ngumiti sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng manibela at pinisil ito. Gumanti naman siya ng pisil at tumingin siya sa akin at pinipilit niyang ngumiti. Aw nagtatampo ang baby ko pero naiintindihan ko naman siya. Tinanggal ko ang ikinabit niya nang seatbelt kanina at niyakap ko siya. Gumanti naman siya pero agad din akong bumitaw at hinawakan ang mukha niya. Tinawid ko ang distansiya naming dalawa at hinalikan siya sa labi. Agad naman niya akong sinuklian ng mapusok at malalim na halik hanggang sa halos di na kami makahinga!

Bumaba ang mga labi niya sa aking leeg at napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Naramdaman ko ang kamay niya na humahaplos sa aking dibdib. Para kaming apoy na nagliliyab kaya diko napigilan ang umungol. Humihingal niya akong tinitigan at muling kinintilan ng halik sa noo, tungki ng ilong, at mga labi.

"Let's go home." Mahina niyang sinabi na tila nahihirapan pa saka niya pinisil ang baba ko at umayos na ng upo.

Si Niko ang laging nagpipigil sa tuwing halos mawalan kami ng kontrol. Kaya lalo ko siyang minamahal dahil kahit alam kong nahihirapan siya ay grabe ang pagpipigil niya dahil nirerespeto niya daw ako. Makakapaghintay naman daw siya.

Dumiretso muna kami sa apartment niya and I was really surprised na merong mga balloons, flowers, and even candles sa floor kaya lalong nagmukhang cozy at romantic ang place nila. Grabe yung puso ko. Napakasaya ko.

Niyakap niya ako mula sa likuran at inabot ang bouquet ng magagandang bulaklak.  I am so overwhelmed kaya napaharap ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Its almost 12. Let's make the remaining minutes of our anniversary worth.." pinutol ko na ang sasabihin niya at hinalikan siya sa labi.

"I love you so much Niko. Thank you! Thank you baby!" Maluha luha kong sabi sa kanya nang kapusin kami ng hininga.

"I love you more." Madamdamin nitong sagot at muli niya akong hinalikan.

"I can’t get enough of you. You're so sweet.." bulong niya sa tainga ko na lalong nagpakiliti sa akin.

Kung kailan lumalalim doon siya tumitigil.

Ah! How I love this man!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status