"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"
Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako.
"Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya.
"Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!
"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman.
"Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya.
"Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"Ha? Bakit? May nangyari ba?" Napakunot noo naman ako at kakabahan sana ako pero nakangisi naman siya kaya wala naman sigurong masamang nangyari kay Von.
"Wala naman. Nakipagpalit kasi si Niko." Sabi nito at tuluyan na nga siyang napangiti! Halos malaglag naman ang panga ko sa pagka gulat!
"Bakit siya nakipagpalit? At bakit ka ngumingiti diyan?!"
"Wala lang! Feeling ko kasi nakipagpalit siya para sa'yo! Ayiee! Muling ibalik na ba? May nangyari bang hindi ko alam ha?" Dire-diretso niyang sinabi na tila kilig na kilig!
"Teka nga? Akala ko ba bawal ako maging marupok?? Eh bakit kinikilig ka diyan?"
"Ay oo nga noh? Pahirapan mo muna ha?!"
"Ewan ko sa'yo! Ang gulo mong kausap! Tinutopak ka ba dahil hindi ka pinapansin ni Rust?" Tudyo ko naman sa kaniya.
Pinaningkitan niya ako ng mata kaya natawa na lang ako. Pero sa loob-loob ko lintik kinakabahan ako!
"Jaz, you looked really happy!" Sabi pa nito nang nagniningning pa ang mga mata!
Napangiti na lang ako sa kaniya at naalala ko ang pagtatapat namin kay Aedin na si Niko ang totoong daddy niya..
"Baby.. later na ang tablet ha? May sasabihin si mommy sa'yo."
Napatingin siya sa akin at kaagad namang ibinaba ang tablet nito at bumaba sa kama. Akala ko ay sa akin siya didiretso pero nagulat ako nang magpabuhat siya kay Niko. Nagkatinginan kami ni Niko at lumapit siya sa akin at marahang umupo sa tabi ko habang kandong niya si Aedin.
"Mommy?" Untag ni Aedin sa akin na akala mo ay matanda kung makapag salita. Napatulala kasi ako at parang hindi ko alam kung paano ko uumpisahan!
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Uh..you know that daddy doc and papa doc is not your real daddy, right? They are your ninong like..ninong Rust and like..uh..tito Andrew!" Ugh! Maiintindihan kaya niya?
"Hmm? I don't know mommy. Tito? Like tito Niko?" Nakitaan ko naman ng lungkot ang mga mata ni Niko nang mapatingin ako sa kaniya!
Muli akong napabuntong hininga. "Niko is not your tito, baby." Marahan kong sabi sa kaniya.
Napakunot noo lang ang anak ko at tumingin pa siya sa mukha ng ama niya. Gumanti naman ng ngiti si Niko pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.
"Uh..he's your..he's your real daddy, anak. So, I guess you should call him..daddy."
Kinakabahan ako pero alam kong mas doble ang kaba ni Niko at pag-aalinlangan dahil nababasa ko 'to sa kaniyang mukha. Halos hindi kami nakakilos na dalawa habang hinihintay ang magiging reaksiyon ni Aedin dahil napatingin siya sa taas na parang ipino-proseso pa ang sinabi ko sa kaniya!
Bigla namang nanlalaki ang mga mata niya na tila nauunawaan na ang sinabi ko. Hindi imposible dahil matalino si Aedin sa edad niya.
"Really, mommy? Just like the daddy in coco melon?!" Tuwang tuwa nitong tanong sa akin.
"Y-yes baby.."
"Daddy? Daddy Niko? Yehey!" Masaya nitong sabi at yumakap sa leeg ni Niko!
Nagulat ako sa naging reaksiyon ni Aedin at hindi ko akalaing mauunawaan niya ito. O hindi ko alam kung naunawaan nga niya pero ang mahalaga ay masaya siya.
Kung nagulat ako ay mas naman kay Niko pero kaagad din itong nakabawi at gumanti ng yakap kay Aedin!
Halos matunaw ang puso ko nang makita kong lumuluha si Niko! Ito ang unang beses na tinawag siyang daddy ng anak namin. Hindi ko na din napigilan pa ang sarili kong lumuha. Hindi ko akalaing mangyayari pa ito.
"Guys! Lunch break muna tayo!" Sabi ng project manager naman kaya kaagad akong nag-inat dahil nakakangawit ang nakaupo ng matagal. Sanay akong kumikilos lagi sa tarabaho ko bilang nurse eh. Dito ay puro computer works lang dahil sa awa ng Diyos ay bihira naman ang may nangangailangan ng first aid dito.
"Jaz, tara sa canteen!" Aya sa akin ni Jen sa canteen ng isa sa mga sub-contractor dito.
Binabati kami ng mga trabahador habang namimili kami ng pagkain. Napangiti na lang ako dahil ganyan sila palagi kaya akala mo isa kang kagalang-galang na nilalang.
"Ang gaganda niyo po talaga mga ma'am." Bati sa amin ng foreman nila.
"Salamat! At dahil diyan ililibre mo kami!" Sabi ni Jen. Ako ang nahihiya para dito minsan eh sa kapal!
Kabiruan na din kasi niya ang iba sa mga trabahador tulad niyang si Paeng. Magaling siyang foreman at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ng mga engineers dito. Pangarap daw kasi niya maging engineer dati kaso wala daw pera pang aral kaya nakapang hihinayang. Di pa naman matanda eh, siguro nasa mid thirties lang edad niya. At in fairness, may itsura siya.
"Naku ma'am! Sige ba! Pili lang kayo diyan." Ngiting ngiti nitong sabi sa amin.
Natatawa na lang ako at napapailing kasi kinakantyawan na siya ng mga kasamahan niya. Ang alam ko kasi ay crush niyan si Jen!
"Good afternoon boss! Kain po!" Dinig kong bati ng mga trabahador at natigil sila sa pangangantiyaw kay Paeng kaya napatingin din ako.
Kumabog ng malakas nag dibdib ko nang makita kong nakalapit na sa amin si Niko at Rust! Para silang mga greek gods na bigla na lang dumating mula kung saan!
Naka tshirt lang sila pareho at maong pants pero bakit ganito na lang ang epekto nila! Mainit na nga kanina pero mas lalo pang uminit kahit nakatutok naman ang electric fan sa amin.
Huwag mong sabihing dito sila kakain? Mga bigating nilalang, dito kakain? Mukhang imposible naman! Hindi na sila ang mga college boys na nakilala ko dati.
"H-hi sir! A-ano po sa inyo?" Maarte at tila nahihiyang tanong ng tindera kila Niko. Inipit pa niya ang buhok niya sa likuran ng tenga niya. Pa cute!
Hindi rin halatang kilig na kilig ha! Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil imbes na kami iyong asikasuhin dahil kami ang nauna, wala na.
"Hey." Sabi ni Niko pero hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa pagpili ng ulam. Malay ko ba kung sino ang kinakausap niya.
"Jaz.." Sabi niya ulit kaya lumingon ako sa kaniya.
"May napili ka na?" Tanong niya.
"Wala pa." Tipid kong sagot sa kaniya.
Hindi porke hinayaan kong magpaka ama siya kay Aedin ay okay na din kami.
Napahawak siya sa batok niya dahil hindi ko na siya pinansin.
"Uh do you want to eat outside? I mean-"
"Dito ako kakain." Sabi ko at tinuro ko na sa tindera ang ulam na napili ko.
Magbabayad na sana ako nang inunahan niya ako. "Ako na." Marahan niyang sabi kaya nagkibit balikat na lang ako.
Kinuha ko na ang pagkain ko nang iabot sa akin 'to ng tindera at kaagad na tumalikod.
"Taray natin ha?!" Natatawang turan ni Jen sa akin nang makaupo kami.
"Ha? Paano naman ako naging nataray 'non?" Nginisihan niya lang ako at bumaling na siya kay Paeng sa kabilang mesa.
"Paeng! Bukas mo na lang kami i-libre ha?!" Napasapo na lang ako sa noo ko. My gosh, Jen!
"Oo naman ma'am! Basta ikaw!" Nagtawanan ang mga trabahador at kinantyawan na naman siya.
"The best ka talaga Rafael!" Sabi naman ni Jen.
Halata namang iniinis niya lang si Rust! Natawa na lang ako dahil namula nang husto si Paeng.
Mukha namang epektibo ang ginawa ni Jen dahil nakasimangot na lumapit sa amin si Rust dala ang pagkain niya. Hindi ko talaga akalaing kumakain din sila dito.
Napatigil ako sa pagsubo nang humila si Rust ng upuan sa kabila at umupo sa tabi ni Jen! Akala ko ay sa katabing table siya uupo! Huwag mong sabihing dito rin si Niko?
"Do you mind?" Dinig kong tanong niya sa likuran ko kaya napalingon ako sa kaniya.
Sus, may magagawa pa ba ako eh nakaupo na nga si Rust kaya umiling na lang ako.
Nagkatinginan kami ni Jen at sabay na lang kaming nagkibit balikat at kumain na lang.
Nang matapos silang kumain ay gindi akalaing hihintayin pa nila kami kaya wala na kaming nagawa at sabay-sabay na kaming bumalik sa office.
"Uwi ka na Jaz? Siguradong gagabihin ka na niyan dahil sa traffic." Tanong ni Jen nang nag-aayos na ako ng gamit ko at halos malapit na din gumabi.
Dito kasi siya natutulog dahil madalas ang overtime. Meron silang barracks dito. Dapat nga pati ako kaso pinipili kong umuwi kahit nakakapagod dahil mami miss ko si Aedin.
"Hay, oo nga eh. Kailangan ko nang umuwi at siguradong hinihintay na ako ng inaanak mo."
"Susunduin ka ni Andrew?"
"Hindi, meron ata silang group study ngayon. Commute ako."
"Bakit kasi hindi ka pa bumili ng sasakyan mo?"
"Saka na. Aalis din naman ako. Sige na Jen, alis na ako. Ingat ka dito."
"Sila ang mag-iingat sa'kin! Ingat ka din! I-kiss mo ako sa inaanak ko ha?"
"Oo. Bye! Ingat si Rust sa'yo!" Pahabol kong sigaw nang makalabas ako sa office.
Malapit na ako sa gate nang dumaan ang sasakyan ni Niko kaya tumabi ako. Agad namang binuksan ng guard ang gate para makadaan siya.
Nang makalabas siya ay sumunod na din ako. Nagulat naman ako nang makita siyang bumaba ng sasakyan niya at mabilis akong nilapitan.
"Ihahatid na kita.." Marahan nitong sabi.
"Ha? Hindi na. Magco-commute na lang ako." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Pero hinawakan niya ako sa braso ko kaya napatigil ako at nilingon siya.
Dahan dahan naman niya akong binitawan at napakamot sa batok niya.
"Sa inyo din naman ako papunta kaya halika na."
Napabuga na lang ako ng hangin pero hindi na ako nagpakipot pa at pagod na din talaga ako.
Nailangnako sa katahimikan pero wala din naman akong planong kausapin siya kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana.
Napakunot noo ako nang itabi niya ang sasakyan nang makalampas kami sa traffic.
Napatingin ako sa kanya pero nakatungo siya na para bang umiiyak?!
"Jaz.. I..I'm so sorry.."
Hindi ako nakaimik sa pagkabigla!
"I've been such a jerk and I can't even forgive myself. I'm so sorry..baby.." Napamaang na lang ako nang tumingin siya sa akin. Lumuluha nga siya!
Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ako.. masakit. Sobrang sakit.
"S-sorry?" Napatawa ako ng pagak.
Pakiramdam ko ay bumalik sa akin lahat ng sakit na ipinaranas niya sa akin kaya hindi ko na din napigilan ang sarili ko nang mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko.
Kinalas niya ang seatbelt niya at kaagad niya akong niyakap. Tinulak ko siya pero hindi siya nagpatinag kaya hinayaan ko na lang dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako.
Napahagulhol ako sa dibdib niya at paulit-ulit siyang nag so-sorry. Nararamdaman ko pa ang paghalik halik niya sa ulo ko pero wala na din akong lakas na makipagtalo pa. At aaminin ko namang nagustuhan ko 'to. Pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako sa braso niya. Pero ligtas nga ba ako? Kung siya naman ang mismong nagwasak sa puso ko?
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon pero ako na ang unang bumitaw sa pagkakayakap niya at tumingin na lang ako labas na parang walang nangyari.
Nag sorry siya pero hindi na siya nagpaliwanag..kung bakit niya 'yon nagawa sa akin.
"Mommy! Yehey! Oh! You're with daddy Niko? Yehey!" Masayang sigaw ni Aedin nang makita niya si Niko sa likuran ko.
Umiwas naman ako ng tingin kay tita dahil namumugto ang mga mata ko. Ganoon din si Niko.
Yumakap si Aedin sa akin at mabilis na hinalikan sa labi pero agad ding bumitaw at yumakap kay Niko at..nagpabuhat pa.
Masaya si Aedin kay Ethan maging kay Jeff pero iba ang nakikita kong kislap ng mga mata niya sa ama niya.
Napapangiti na lang at napapailing si tita kay Aedin. Nagpaalam na din siyang papasok na sa kwarto niya.
"Where's my pasalubong, daddy?" Tanong niya habang nakakandong siya kay Niko at pinaglalaruan ang relo nito.
Napatingin naman sa akin si Niko at tila humihingi ng saklolo dahil wala kaming pasalubong.
"Tomorrow na lang baby kasi galing kami sa work eh." Sabi ko naman sa kaniya. Agad naman itong tumango at busyng busy siya sa pagkakalikot ng relo ni Niko.
"Do you like this? We'll buy one for you, alright?" Nag-uusap na silang mag-ama.
Dumiretso naman ako sa kusina para maghanda ng makakain namin dahil gutom na ako.
Buti na lang at nagluto si tita ng adobong baboy at pinakbet. Ininit ko na lang ito. Nang matapos ako sa pag-aayos ng mesa ay tinawag ko na sila para kumain.
"Baba muna Aedin. Daddy will eat, okay? Did you eat na?" Tanong ko sa kaniya at ayaw talaga magpababa.
"Done na mommy. But I want to eat more. Subo, daddy?" Lambing nito sa ama.
Parang may humaplos na mainit na bagay sa puso ko habang pinagmamasdan ko sila. Masayang masaya si Aedin at maging..si Niko.
Pagkatapos namin kumain ay naghugas ako ng pinagkainan at nanonood naman ng tv ang mag-ama.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko kay Niko. Napalingon siya sa akin at bago pa siya nakasagot ay inunahan na siya ni Aedin!
"Daddy.. you will sleep here again, right? Daddy, Paul Aedin, and mommy!" Pumapalakpak pa siya!
Nagkatinginan na lang kami ni Niko.
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Oh my god! Jazmin, wake up! Nagising na ang mga kapitbahay pati mga nananahimik na patay sa ingay ng alarm mo pero ikaw tulog na tulog pa din!" Maktol ni Jen, kaibigan at ka roommate ko.Unti-unti kong binuksan ang namimigat ko pang mga talukap at hinagilap ang cellphone kong nag-iingay at agad na
Lumipas ng matulin ang mga araw at patapos na naman ang second semester! At syempre itong huling limang araw ang pinaka toxic sa lahat dahil finals na! Busy ang lahat sa pag re review. Tulad nga namin ni Jen ngayon."Ang sakit na ng ulo ko Jaz! Di ko talaga maintindihan to!" She exclaimed. She’s taking up civil engineering at tulad ko ay nasa 2nd year na din."Eh bat ka ba kasi nag engineering eh alam mo namang pareho lang tayong kamote pagdating sa mga numero na yan." Talak ko sa kanya at napailing na lang."Wala naman akong magagawa dahil yun ang gusto ni daddy." Nakasimangot niyang sabi."Na ginusto mo din." Binigyang diin ko pa talaga dahil hindi naman siya pinilit. Pero dahil ayaw niyang ma disappoint ang dad niya ay yun na nga din ang kinuha niyang kurso.Isa kasing successful civil engineer ang daddy nya sa isa sa pinaka malaking kumpanya sa Manila.Umalis ako mula sa aking k
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng