Lumipas ng matulin ang mga araw at patapos na naman ang second semester! At syempre itong huling limang araw ang pinaka toxic sa lahat dahil finals na! Busy ang lahat sa pag re review. Tulad nga namin ni Jen ngayon.
"Ang sakit na ng ulo ko Jaz! Di ko talaga maintindihan to!" She exclaimed. She’s taking up civil engineering at tulad ko ay nasa 2nd year na din.
"Eh bat ka ba kasi nag engineering eh alam mo namang pareho lang tayong kamote pagdating sa mga numero na yan." Talak ko sa kanya at napailing na lang.
"Wala naman akong magagawa dahil yun ang gusto ni daddy." Nakasimangot niyang sabi.
"Na ginusto mo din." Binigyang diin ko pa talaga dahil hindi naman siya pinilit. Pero dahil ayaw niyang ma disappoint ang dad niya ay yun na nga din ang kinuha niyang kurso.
Isa kasing successful civil engineer ang daddy nya sa isa sa pinaka malaking kumpanya sa Manila.
Umalis ako mula sa aking kama at nag stretch. Kapag di pa ako tatayo ay siguradong makakatulog na ako. Nakakaantok! Makapag timpla nga ng kape dahil talagang parang hinihila na ang mga talukap ko. Alas diyes na ng gabi at isa sa mga rules namin ni Jen ay bawal kaming matulog hangga't di natatapos sa pag re-review namin.
"Timpla ako ng coffee, you want?" Tanong ko sa kanya na kunot na kunot na ang noo.
"Yes, please." Sagot nito na halos maiiyak na.
Pagkatapos kong ibigay ang coffee nya, lumabas muna ako sa terrace at magpapa hangin. Na i stress na din kasi ako. Makakapal na libro pa ang kailangan kong basahin!
Napangiti ako pag labas ko sabay samyo sa malamig na hangin.
"Sarap talaga dito sa Baguio! Hooo ang ginaw!" Sigaw ko sabay simsim sa aking mainit na kape. Naka jogging pants ako at jacket pero nanunuot pa din hanggang sa buto ang lamig! Nakaka refresh din ng utak.
Nagulat na lang ako nang may sumigaw sa katabi naming apartment.
"Hi miss! Ang ganda ganda mo naman kahit medyo madilim diyan kitang kita pa din oh! Ano nga palang pangalan mo?!" Sigaw nya at napatingin din ang mga kasama nya at naki usyuso. Maliban sa isa na tuloy lang sa pagtugtog ng gitara. Napakunot ako ng noo dahil parang pamilyar siya.
Lima silang mga lalaki at dahil maliwanag sa terrace nila, kita kong lahat sila ay gwapo. Ngayon ko lang natsambahang may mga tao diyan. Sabagay, di rin naman ako madalas magtambay dito sa terrace. Grabe napaka bolero ng lalaking to.
Bigla naman akong dinalaw ng hiya, may pasigaw sigaw pa akong nalalaman. Kaya naman tumalikod na lang ako at bumalik na sa loob.
"Mahina pre!" Narinig ko pang kantyaw nila at nagtawanan ang mga mokong.
"SA wakas natapos din!" Sigaw ng mga kaklase ko. Akala mo naman ay nanalo sila sa isang championship kung makasigaw. Nakahinga na kami ng maluwag. Wala munang iisipin. Well, sa ngayon. Makakapag relax na ulit kami. Napaka stressful ng exam week!
"Guys, saan tayo mamaya? Hep hep! Bawal ang kj! Si Kirsten Jane lang ang KJ dito!" Biro pa ni Gab at inunahan na ang mga killjoy na siguradong tatanggi.
Nagkakagulo naman ang iba at ini-stress lang nila ang mga sarili nila dahil nagtatanungan pa sila kung ano mga sagot nila. As if naman mapapalitan pa nila kung mali.
Actually, halos lahat kami sa block na to ay magkakaibigan. Pero di talaga maiiwasan na meron at meron ding mga kj talaga. Isa na ata ako dun. Well, di naman masyado. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa mga ganyan. Pero marunong naman akong makisama kaya go na lang din. Atleast naman ay alam namin ang priority namin.
"Uy Jazmin Gonzales, ano sama tayo?" Tanong nitong kaibigan kong suki ng mga disco-han dito sa Baguio.
"Aysus naman! Kunwari ka pang nagtatanong Maria Xandra E. Gomez! Eh alam na alam ko namang di rin ako makakatanggi dahil kakaladkarin mo din ako!" Sabi ko sa kanya sabay kunwaring irap.
"Naman noh! Kelangan nating mag relax ngayon! Next sem ay start na ng clinical immersion natin! So Jaz, we really need to unwind! Isantabi mo muna ang pagiging kj. Wala ng gala next sem!” Kunwaring sumisinghot singhot pa nyang sabi. Napailing na lang ako dahil napaka OA niya.
"Guys! Kita kits tayo mamayang 9 pm sa SM sa harap ng starbucks ha? Sabay sabay na lang tayong pumunta mamaya. Or kayo ang bahala. Basta walang mang i-indian ha?" Sabi ni Gab. Gab or Gabby tawag namin sa kanya pero Gabrielle talaga ang name nya. Maganda, sexy, at matalino pero boyish kumilos.
"Jaz, uuwi muna ako. I'll just get my things and then didiretso na ako sa apartment nyo after at dun na lang tayo mag-a ayos. Makikitulog na din ako mamaya ha?!" Mabilis niyang sabi at tumakbo na palayo.
Wow lang, as if naman makakatanggi pa ako. Tsk. Kahit party girl yang kaibigan ko na yan, matalino yan at tulad ni Gab, sexy at maganda. Birds of the same feather flock together ika nga nila. Kaibahan lang, kung si Gab boyish, ito namang si Max hay naku alam na! Napaka arte katulad ni Jen. Ako naman? Siguro nasa middle lang.
"GIRLFRIEND! Ano ba yan? Para ka namang mag-aanak sa binyag diyan sa ayos mo! Akin na nga at ako bahala sayo!" Sita sa akin ni Max na akala mo naman kung maka react ay nakapalda ako ng hanggang sakong.
Naka off shoulder kasi ako na white dress na just above the knee ang haba. Okay naman eh. Maarte lang talaga siya. I mean, sila.
"Oo nga! Kaya di napapansin ng loves nya kasi di naman nag aayos!" Sabi naman ng atribidang si Jen na tatawa tawa. Nandito kami sa kwarto at nag-aayos.
Sasama din pala tong babaeng to sa amin. Kaibigan na din kasi to ng mga friends ko dahil madalas din kami mag group study dito sa apartment. Dahil friendly siya ay agad niyang nakagaanan ng loob ang mga kaklase ko.
"Tara! Operation make-over!" Sabay pang sigaw ng dalawang to at aba nag apir pa sila. Para silang si B1 at B2!
Hindi naman siguro ako losyang. Tinatamad lang talaga akong mag ayos. I mean nag aayos naman kaso iba ang ibig sabihin ng salitang ayos sa dalawang to. Kelangan may pa makeup pa at pa curl pa ng hair. Wala na akong time para diyan noh!
Habang inaayusan ako ng mga bruha, dinial ko number ni my loves ko.
Sa pang apat na ring siya sumagot. "Oh?"
"Saan ka? Wala kayong lakad?" Tanong ko. Umaasa ako na makakasama ko siya ngayong gabi.
"Meron pero mamaya pa. Kayo ba?" Sagot niya na parang walang kagana ganang makipag-usap.
Sasagot sana ako nang bigla…
"Babe, sino ba yan?" Malambing na boses ng isang babae sa kabilang linya.
"Ah sige Jaz may gagawin pa ako eh." Paalam niya agad!
"Ah ganoon ba? O-okay sige. Bye."
Wasak na wasak na naman ang puso kong to! Na naman! May babae na naman siya. Kaya pala halos di ko na naman siya nakakasama sa mga vacant namin. May pinagkaka abalahan na naman siyang babae. Kelangan ko ng diversion! Magwawala talaga ako ngayong gabi! Nakakainis na!
Nagtinginan pa tong dalawa at sabay na napailing. Martir ka nga naman kasi Jazmin.
"WOW! Sino kayo? Mga anghel na bumagsak sa lupa? Jazmin, ikaw ba yan?" Sabi ng mga kaklase ko. Lalo na ang boys na halos matutunaw ka na sa katititig nila. Parang mga ewan kung makakakantyaw. Naiilang tuloy ako.
Pinagtitinginan din kami ng mga tao. Napagkamalan din ata kaming mga anghel. Charot! Ikaw ba naman ang naka ayos na ganto dito sa Baguio, sa SM pa, malamang center of attraction ka.
Pero nagustuhan ko din talaga ang ayos sa akin ng dalawa kong kaibigan na maaarte, nag mukha akong matured at hindi halatang 18 years old lang. Lalo ko daw naging hawig si Megan Fox noong kabataan niya sa ayos ko.
Brown smokey ang aking eyeshadow, matte red naman ang lipstick. May pa contour pa sila at highlights na nalalaman. Loose curls naman ang ginawa nila sa buhok kong hanggang bewang ang haba. At pinasuot sakin tong sexy dress ni Jen. Long sleeve na black fitted dress at 2 inches above the knee ang haba. Kaya very obvious ang hubog ng katawan ko. Ayoko sana kaso tutuksuhin na naman akong kill joy. Nakakaiirita kaya yun. At black strappy stilleto naman sa aking paa. Nag mukha tuloy akong matangkad. Well, di rin naman ako kaliitan sa height kong 5'3. Medyo lang. Si Max ang matangkad sa height na 5'6. Si Jen naman ay halos kapareho ko lang.
Naalala ko pa ang puri ng dalawa kanina. At kung paano kumabog ang puso ko habang naghihintay kami ng taxi kanina.
"Grabe matotomboy ako sayo Jaz! Megan Fox talaga ah! Ang sexy mo! Lalo kang gumanda! Huwag mo kasing tinatago yang ka sexyhan mo!"
"Para magka jowa ka na!" Hirit pa nila habang nag pi picture kami sa cellphone ni Max. I-upload niya daw bukas sa f******k.
Honestly, halos di ko rin makilala sarili ko. Maputi ako nakuha ko sa mommy ko pero mas lumabas pa to dahil sa black dress ko ngayon. At ang ganda ng pakaka kulot ng buhok kong natural brown na hanggang bewang ang haba.
"Oo na! Magaling na kayong dalawa. Kayo nga diyan oh mukha kayong mga dyosa na bumaba mula sa langit!" Sabi ko naman sa kanila. Pero hindi ako nagbibiro at magaganda talaga sila. Kahit di naman sila mag make up ay magaganda pa din.
Naka backless na tulad ko ay fitted dress si Jen pero naka black leather jacket at black ankle boots. Hinayaan nyang nakalugay ang shoulder length nyang buhok na bobcut.
Si Max naman ay naka off-shoulder na black fitted dress din na halos pare pareho kami ng haba. Naka curl din ang buhok nya na lagpas balikat. Mukha nga kaming Charlie's angels eh. Girls in black ang drama namin tonight. Ang gaganda ng mga kaibigan ko!
"Oh siya tara na at nag bobolahan na tayong tatlo dito eh! Dala mo kotse mo Max?" Tanong ni Jen na di naman masyadong halatang excited nang pumarty!
"Hindi ko dinala kasi maglalasing talaga ako tonight! Wuhooo! Let's party!!!" Sigaw niya. Excited sila pareho samantalang ako ay walang kagana-gana.
"PUNO lahat ng taxi na dumadaan! Ano ba yan! Late na tayo!" Sabay kaway sa mga taxi na dumadaan si Max.Buti na lang at malamig dito sa Baguio at hindi kami pagpapawisan sa paghihintay ng taxi. Ganto kasi dito usually kapag natatapos ang finals. Puro party din ang mga estudyanteng tulad namin. Gusto lang din mag relax at mag unwind.Napansin kong may lumabas na kotseng itim sa gate ng katabi naming apartment. At nagulat ako nang bumusina ito nang tumapat sa amin at tumigil.Unti-unti namang binaba ang tinted window."Hi! Wow! Ang gaganda nyo naman!" Sabi ng lalaki na nag da drive.Siya din yung bolero na nag hi sakin nung nakaraan sa terrace! Napaka gwapo niya at mukha namang friendly. Tsinito sya at matangos ang ilong. May dimples pa sa magkabilaang pisngi.Pero ang talagang kumuha ng atensyon ko ay ang lalaking nakaupo sa passenger's seat. Diretso kasi ang tingin at di man lang nag abalang tumingin. Suplado.At napagtanto ko nga k
NANG nakalapit siya, umupo sya sa may tapat ko. Katabi ko naman si Von.Diko maintindihan ang sarili ko o dahil tamado na ako sa alak na nilaklak ko, lalo syang gumwapo sa paningin ko. Para akong na engkanto! Para kasi siyang greek god! At di hamak na mas gwapo siya sa malapitan. Patataubin nito ang mga sikat na artista! Matangkad pa, siguro mga 5'11 o abot sa 6 ft ang height nito. How come di ko siya nakikita sa university? Or baka naman sa ibang university sila. Kasi imposible naman na hindi ko mapansin tong mga lalaking to sa lakas ng dating nila lalo na syempre itong suplado.Eh paano, iisang lalaki lang naman nakikita mo? Sabi ng sutil kong brain!Hay ano ba, naalala ko na naman tuloy siya! Erase! Kelangan kong mag enjoy sa gabing to! Hindi pwedeng siya na lang palagi ang masaya. Samantalang ako ay laging wasak ang puso.Naputol ang iniisip ko nang biglang tumikhim si Von. Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko dahil nakatitig na pala ako sa
His lips felt soft and warm against mine. So, this is how it feels like to be kissed..finally! But wait, I suddenly felt the urge to throw up! Teka, huwag naman ngayon. Sandali lang! Bakit hindi ako makagalaw? Baka masukahan ko siya, nakakahiya! Bakit para akong naipako sa kinatatayuan ko?Nagmulat siya ng mata at nakatitig lang sa akin. Wala siyang kahit anumang reaksyon! M-may problema kaya? Hindi ko na kaya, nasusuka na talaga ako! Pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Sana panaginip lang to! Paulit ulit kong inusal na sana nga ay isang panaginip lang to! Hanggang sa hindi ko na talaga kaya at.."Ouch!" Ungol ko dahil bigla akong nagising. Ang sakit ng ulo ko! Hangover is real! Nakapikit ko namang hinahagilap ang cellphone ko at titignan ko kung anong oras na. Bakit kaya ang sama ng pakiramdam ko?Bago ko pa mahawakan ang cellphone ko ay bigla kong naalala an
Alas diyes na ng umaga pero tinatamad pa akong bumangon. Maaliwalas ang panahon at pumasok na talaga ang sinag ng araw dito sa kwarto dahil nakalimutan kong isara ang kurtina kagabi. Ito yung mga panahon na masarap sana mag swimming dahil paniguradong mainit sa labas. Summer na summer na talaga.Tuesday ngayon at pangalawang araw ko dito sa bahay ni tita pero para akong nababagot at gusto ko na agad umakyat ng Baguio. Wala din naman kasi akong ginawa kundi humilata dito sa kama buong araw. May klase pa kasi si tita at Andrew kaya wala akong kasama buong araw.Ay sus ang sabihin mo andun kasi si myloves mo at nami-miss mo na kahit di man lang nagpaparamdam sayo."Haaay! Kung ayaw mo wag mo!!!" Para akong siraulong kinakausap ang sarili ko. Nakagigil kasi si Jeff at hindi na naman nagpaparamdam. Dati naman ay siya tong laging nangungulit. Bigla na naman tuloy akong dinalaw ng lungkot.Dumapa ako at pinanggigilan
"Hello, 'my?" Sagot ko, tumatawag si mommy."Hi anak! Nakarating ka na ba?" Tanong niya sa kabilang linya. Lagi ko kasi ina-update ang mommy ko sa mga ganap ng buhay ko.Kararating namin dito sa Baguio. Ang bilis natapos ng bakasyon."Heto po 'my kararating lang. Tawag na lang po ako mamaya kasi pababa na po kami ng bus.""Okay, thank God at nakarating ka ng maayos anak. Mag iingat ka palagi diyan ha? I miss you anak. Sige na at papasok na din ako. I love you nak!" Papasok na din siya sa work. Nami-miss ko na ang mommy ko pero wala naman akong magagagawa. Kaya ko din pinag-iigihan ang pag-aaral ko para hindi na kami magkakalayo pa.Mag tu- two years nang di nakakauwi si mommy kaya malapit na ulit siyang mag bakasyon. Every two years kasi ay umuuwi siya. Nasa early 40s pa lang ang mommy ko pero di na din siya nag asawa pang muli. Okay lang naman sa akin kung sakaling umibig pa siya. Ang kaligayahan niya ay kaligay
Me: Nakapagpa enroll ka na ba?Tinext ko si Jeff. Diko matiis!After 30 minutes, nag reply naman.Jeff: Hindi pa. Sabay na tayo bukas. Kita tayo sa main gate. 1 pm sharp.Me: okay, see you.Di man lang mangumusta kahit sana bilang bestfriend man lang. Kung hindi ako ang unang mag ti text, di na ata niya ako maaalala. Sakit sa heart. Oo naman, nasasaktan pa din ako. First love ko eh. Dapat na lang ba akong magpasalamat kasi atleast naman siya ang nag initiate na sabay kami mag enroll? Pero sa kabilang banda naman ng isip ko..tinanong ko kasi kaya siguro nag magandang loob na lang na isabay ako.Napabuntong hininga na lang ako. Ilang taon na din akong in love sa best friend ko. Transferee ako noong second year high school sa school nila. Dati kasi kami sa Quezon City pero nang
Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami. Buti hindi naman awkward kahit bago pa lang namin sila kakilala. Pakiramdam ko nga matagal na kaming magkakakilala. Masaya silang kasama, puro lang kami tawanan.Pati nga si Niko ay nakiki join sa kantyawan ng mga kaibigan niya. Diko akalaing kalog din pala siya na malayo sa personality ng Niko na una kong nakilala. Sabagay bago ko pa lang naman siya nakilala."Saan ang next, guys?" Tanong ni Erik na halatang inaantok na. Nakahiga siya sa may damuhan at maging si Von, nakaunan sila sa mga braso nila. Nakaupo naman kami. Nakaka antok dahil nabusog kami masyado. "Saan niyo gustong pumunta, Jaz?" Tanong naman ni Niko sa akin. Magkatabi kaming nakaupo at nakasandal sa puno. Unti-unti akong nagiging komportable sa kanya."Hmm? Rest muna tayo dito at mukhang inaantok si Von at Erik." Sabi ko naman sa kanya. Si Jeremy naman ay parang walang pakialam sa
Mabilis na dumaan ang mga araw. Patapos na ang summer class! Third year na kami sa first sem at magiging super busy na kami dahil mag du-duty na kami sa kung saan-saan na hospital.Nag iiwasan kami ni Jeff. Busy siya sa girlfriend niya. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya kaya pinabayaan ko na lang. Kelangan ko na din talagang tanggapin para makapag move on na din ako at nang di na ako laging nasasaktan.Si Niko naman lagi akong sinusundo o sinasabay sa pagpasok kapag pareho kami ng schedule. Lagi din silang nagtatambay sa apartment. Minsan naman kami nila Max at Jen ang tumatambay sa kanila. Tutugtugan nila kami ng gitara. Nakakatuwa dahil masarap sa pakiramdam kasi para kang hinaharana!Namasyal din pala si tita Jelai at si Andrew nung nakaraan at nag stay sila dito ng one week. Nagtabi na lang kami ni Jen sa bed niya at tabi ang mag-ina sa bed ko. Nakilala din nila ang mga kaibigan namin sa kabilang apartment. At si tita naman lagi
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng