Me: Nakapagpa enroll ka na ba?
Tinext ko si Jeff. Diko matiis!
After 30 minutes, nag reply naman.
Jeff: Hindi pa. Sabay na tayo bukas. Kita tayo sa main gate. 1 pm sharp.
Me: okay, see you.
Di man lang mangumusta kahit sana bilang bestfriend man lang. Kung hindi ako ang unang mag ti text, di na ata niya ako maaalala. Sakit sa heart. Oo naman, nasasaktan pa din ako. First love ko eh. Dapat na lang ba akong magpasalamat kasi atleast naman siya ang nag initiate na sabay kami mag enroll? Pero sa kabilang banda naman ng isip ko..tinanong ko kasi kaya siguro nag magandang loob na lang na isabay ako.
Napabuntong hininga na lang ako. Ilang taon na din akong in love sa best friend ko. Transferee ako noong second year high school sa school nila. Dati kasi kami sa Quezon City pero nang mag decide si mommy na mag trabaho sa London, lumipat ako kila tita sa Sampaloc.
Naaalala ko pa kung bakit nga ba ako na inlove sa kanya ng ganito. Naglalakad ako noon dahil first day of school. Malapit lang kasi kaya nilakad ko na. Sabi kasi may shortcut doon sa makipot na eskinita kaya doon ako dumaan. At dahil umaga naman kahit parang nakakatakot dahil walang katao tao, naglakas loob akong dumaan. Nang biglang may humarang sa akin na holdaper!
"Holdap to! Bigay mo sakin cellphone at wallet mo!" At naramdaman kong may itinutok na matulis na bagay sa tagiliran ko.
Hindi ko mapigilang mapaiyak noon at nanginginig talaga ako sa takot. Akala ko katapusan ko na ng mga oras na yun! Hindi ko akalaing mararanasan ko to! Halos hindi na talaga ako nakagalaw pero lalo nitong inilapit sa balat ko ang patalim kaya kumilos ako at kukunin ko na sana ang cellphone ko sa bulsa ko nang biglang bumagsak sa lupa yung holdaper. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko at napatingin dito. Pinagsusuntok ito ng isang lalaking estudyante. Mukhang kasing edad ko lang at naka uniform din ito! Naka talikod siya kaya di ko nakita agad ang mukha niya. Sakto namang may tanod na napadaan.
"Kayo na po bahala diyan." Sabi nito sa tanod at idinuro pa ang holdaper na namimilipit sa sakit at mukhang napuruhan.
"Ayos ka lang ba miss?" Humarap siya sakin at lalo akong hindi nakakilos dahil napaka gwapo niya! Tinanong niya tuloy kung nasaktan ba ako. Para akong nasa cloud nine ng mga moment na yun dahil bukod sa napaka gwapo niya, feeling ko siya ang knight in shining armor ko. Doon pa lang feeling ko minahal ko na siya. Naging close kami dahil lagi niya ako sinusundo at hinahatid sa bahay. Akala ko nga doon kami patutungo pero hindi pala. Hindi ko makakalimutan ang araw na tinawag niya akong.. bestfriend at ipinakilala niya ang kanyang... girlfriend. That was my first heart break. Na naulit pang naulit hanggang ngayon.
Hay tama na ang pag mumuni-muni Jazmin! Buti na lang pala at may lakad kami ngayon kaya kahit papaano ay makalimot. Sana.
Makaligo na nga lang!
Nang matapos akong maligo ay sumunod na rin si Jen.
Sinuot ko yung nabili namin ni Jen na short sleeved bodycon dress na gray. Yes, I love gray. Below the knee ang haba pero may slit both sides. Kitang kita ang hubog ng katawan ko kaya nagsuot ako ang denim jacket. Sa paa ko naman ay yung converse sneakers ko na white.
Pinatuyo ko ang aking buhok at dahil may time pa naman, kinulot ko ang dulo nito.
Nag apply din ako ng manipis na makeup para naman di ako mag mukhang alalay ni Jen. Twinning daw kami ngayon. Pareho kami ng damit, magkaiba lang ng kulay, black yung kanya.
Nang makuntento na ako sa aking itsura ay lumabas na ako ng kwarto.
"Jen, hintayin kita dito sa terrace! Bilisan mo, mag te-ten na! Mamaya andiyan na sila, nakakahiya magpahintay." Pagmamadali ko sa kanya kasi napaka tagal mag ayos niyan.
"Oo na po nanay! Si Max, makakasama ba?" Tanong naman niya.
"Hindi daw. May biglaang date daw." Ewan ko kung totoo ang sinabi nitong may date siya. Parang imposible.
Nag che-check ako ng f******k habang nakaupo ako dito sa terrace. Matagal din akong di nag f******k dahil di ko maharap. Saka di rin kasi ako masyadong mahilig mag post post kaya bihira ako mag open.
Tinignan ko ang mga friend requests dahil madami dami na. Nagulat ako dahil bumungad sa akin ang mga pangalan ng magkakaibigan diyan sa kabila! Inaccept ko sila lahat pero ang profile ni Nikolas Paulo Ventura ang in-open ko. So, Nikolas pala ang pangalan niya. Kulas na lang sana. Napangiti naman ako sa naisip ko.
Halos wala din namang post itong isang to. Puro lang mga naka tag siya. Tapos ang profile picture pa niya ay nakatalikod na tila nakatingin sa malayo. Pero napakalapad ng likod niya na kahit naka jacket siya ay kitang kita pa din at nakapamulsa ang mga kamay sa pantalon niya. Bakit ganun? Kahit nakatalikod parang nakikita mo pa din na gwapo siya? Halos matampal ko naman ang noo sa pinag iiisip ko.
Ang mga tagged pictures niya ay puro sa party. Sa bagay, sa itsura pa lang nilang magkakaibigan mukha silang mga party people at mukha silang mga playboy! Iba-ibang babae ang katabi pero mukha namang wala siyang pakialam. Napangiti tuloy ulit ako. Goood boy,Kulas! Uy ha? Anong meron at may pa good boy ka pang nalalaman diyan ha? Eh ano sayo kung sakaling may pakialam siya sa mga babaeng yan? Hindi daw marunong manligaw to dahil babae na mismo ang lumalapit sa kanya. Malamang, ganun silang magkakaibigan!
"Jaz!!! Ready na kayo?!" Naputol ang pag i stalk ko nang may sumigaw sa kabilang apartment. Si Von at mukhang ready na sila ni Kulas. Ang cute ng Kulas eh!
"Oo ready na! Saan ang mga kasama niyo?" Balik tanong ko naman sa kanya.
"Susunod na lang sila! Punta na kami diyan ha?!" Sigaw ulit nito. Nakakahiya at baka maka istorbo kami sa mga kapitbahay namin. Madami din kasing mga apartment dito at magkakatabi.
"Sige!"
Tinawag ko na din si Jen at lumabas na kami ng gate. Sakto din andiyan na sila sakay ng kotseng itim.
Si Niko pala ang nag da drive. Kanino kaya to? Si Von naman ang nasa likuran ngayon. Pasakay na din sana ako sa likod nang sabihin ni Von na sa harap ako uupo kasi may pag uusapan daw sila ni Jen, about sa course siguro nila.
"Good morning!" bati sa akin nang nakangiti ni Niko pagkaupo ko. And I was like oh-em-gee, that killer smile though! OA lang! Ang cute! Napaka gwapo, parang kay sarap pag lihian! Halos makurot ko ang sarili ko sa naiisip ko.
Napasarap sa kwentuhan yung dalawa sa likod, nakalimutan atang may kasama sila.
Halos di ako gumalaw dito sa upuan ko dahil naiilang ako, nahihiya ako. Napapansin ko din na panay ang lingon niya sa akin kaya lalo tuloy akong na conscious. Kaya kinuha ko yung compact mirror ko sa bag at nagsalamin. Wala naman eh.. napa pout tuloy ako ng unti at pagtingin ko sa kanya ay napangiti siya. Nag bawi ako agad ng tingin at kunwaring tumingin na sa labas ng bintana.
Dumiretso kami sa cathedral at dahil medyo nahuli kami ay nag start na ang mass kaya sa labas kami naka pwesto at nakatayo. Napakadaming tao halos siksikan. Summer na kasi kaya madaming turista.
Wala pa yung tatlong mokong. Napag alaman naming hindi pala sila dun nakatira. Si Von at Niko lang pala nakatira dun. Madalas lang talaga sila tumambay doon at nakikitulog na din.
"Are you okay, Jaz?" Malambing na tanong ni Niko sabay palibot ng mga kamay niya sakin na para akong binabakuran. May naka bangga kasi saking babae kaya medyo na out of balance ako. Buti na lang talaga andito siya. Napakalapit ng mga mukha namin dahil nga siksikan. Bango ng hininga niya,ang sarap amuyin. Ano ba yan, Jaz?! Ang sweet niya din at napaka gentleman. Siguro ganto lang siya sa lahat ng mga kaibigan niyang babae.
Naka v-neck shirt siya na white na medyo hapit sa maganda niyang katawan. Nag gi gym pala sila ng hindi bababa sa tatlong beses sa isang week kaya magaganda rin talaga mga katawan nila. Naka jacket siya ng gray at kupas na maong ang pants niya at omg sneakers din na white. Para kaming nag usap na dalawa. Parang couple na matchy matchy. Napaka simple niya pero ang lakas ng dating. Napapatingin ang mga tao sa amin eh. Lalo na ang mga kakabaihan. Inggit kayo sakin noh? Sorry na lang kayo.. pero di rin siya akin eh. Gusto kong matawa sa naglilikot kong isipan.
Pagkatapos naming mag simba ay dumiretso na kami sa Camp John Hay. Doon daw kami mag la lunch.
Bahala na kung saan banda doon.May dala ding kotse si Erik kaya doon silang tatlo. At kaming apat pa din dito sa kotse na napag alaman naming pag aari ni Niko. Hindi pinayagan si Von na magdala ng kotse ng daddy niya. Di ba nga dahil sa issue nila ng dad niya.
"Are you okay, Jaz?" Malambing na tanong sa akin ni Niko habang naglalakad kami at namimili kung saan kakain. Iba-iba kasi sila ng cravings.
"Yeah." Sabi ko naman sa kanya at ngumiti ng tipid. Pinagitnaan nila ako ni Von habang naglalakad at si Jen naman ay kasabay sa paglalakad si Rust.
"Korean or seafood?" Tanong sa amin ni Von dahil gutom na gutom na daw siya. At doon kami malapit sa may korean resto.
"Korean na lang!" Sabi naman ni Jen na kulang na lang ay maging singkit sa hilig nito sa kdrama.
Kaya pumasok na nga kami at doon na kumain. Todo alalay naman sa akin si Niko. Anong meron?
Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami. Buti hindi naman awkward kahit bago pa lang namin sila kakilala. Pakiramdam ko nga matagal na kaming magkakakilala. Masaya silang kasama, puro lang kami tawanan.Pati nga si Niko ay nakiki join sa kantyawan ng mga kaibigan niya. Diko akalaing kalog din pala siya na malayo sa personality ng Niko na una kong nakilala. Sabagay bago ko pa lang naman siya nakilala."Saan ang next, guys?" Tanong ni Erik na halatang inaantok na. Nakahiga siya sa may damuhan at maging si Von, nakaunan sila sa mga braso nila. Nakaupo naman kami. Nakaka antok dahil nabusog kami masyado. "Saan niyo gustong pumunta, Jaz?" Tanong naman ni Niko sa akin. Magkatabi kaming nakaupo at nakasandal sa puno. Unti-unti akong nagiging komportable sa kanya."Hmm? Rest muna tayo dito at mukhang inaantok si Von at Erik." Sabi ko naman sa kanya. Si Jeremy naman ay parang walang pakialam sa
Mabilis na dumaan ang mga araw. Patapos na ang summer class! Third year na kami sa first sem at magiging super busy na kami dahil mag du-duty na kami sa kung saan-saan na hospital.Nag iiwasan kami ni Jeff. Busy siya sa girlfriend niya. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya kaya pinabayaan ko na lang. Kelangan ko na din talagang tanggapin para makapag move on na din ako at nang di na ako laging nasasaktan.Si Niko naman lagi akong sinusundo o sinasabay sa pagpasok kapag pareho kami ng schedule. Lagi din silang nagtatambay sa apartment. Minsan naman kami nila Max at Jen ang tumatambay sa kanila. Tutugtugan nila kami ng gitara. Nakakatuwa dahil masarap sa pakiramdam kasi para kang hinaharana!Namasyal din pala si tita Jelai at si Andrew nung nakaraan at nag stay sila dito ng one week. Nagtabi na lang kami ni Jen sa bed niya at tabi ang mag-ina sa bed ko. Nakilala din nila ang mga kaibigan namin sa kabilang apartment. At si tita naman lagi
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at lumabas na ako ng bahay nila Princess. Hihintayin ko na lang si Niko sa labas. Baka kasi hindi niya alam kung saan ang exact location ko though nagtanong pala siya kanina kay Gab. Sinamahan naman ako Mike at baka may mga loko-loko daw sa labas."Grabe, nakapa ginaw! Mukhang di tayo giniginaw ah!” kantyaw ko naman kay Mike dahil naka tshirt lang siya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong tumawa kahit walang nakakatawa. Napadami ka na naman ako ng inom!"Lasing ka na talaga Jaz!” Sabi naman niya sa akin at tinatawanan ako kaya napasimangot ako sa kanya.“Hindi ako lasing noh? Baka ikaw?” Kunwaring singhal ko sa kanya. Hindi pa din siya tumitigil sa katatawa. Mukha ba akong nakakatawa?“Oo na, oo na, hindi ka na lasing. I remind ko lang sayo yung napag aralan natin. Ano ulit ang number one defense mechanism ng lasenggo?” naninigkit na ang mga mata nitong nangangantiyaw sa akin.
"Naku sana naman andito pa yun." Mahinang usal ko habang kinakapa sa may paso sa gilid ng bahay yung spare key namin ni Jen. Hindi ko na to naalala kagabi dahil sa espiritu ng alcohol sa katawan ko. Sige palusot pa Jazmin, palusot pa!"Hay salamat! Nandito pa!" Napangiti ako dahil kung hindi, wala akong choice kung hindi bulabugin si Jen.Pagkapasok ko ng susi sa knob ay nanlaki ang mga mata ko dahil hindi naman pala naka lock! Naku, Jen, pambihira talaga! Paano na lang kung may masamang loob na pumasok? Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan.Pagka bukas ko ng pinto, muntik na akong atakehin sa puso sa gulat! Akala ko kung sino ang lalaking nakaupo sa sofa! Yun pala
Lumabas ako ng terrace nang mabagot ako sa loob ng kwarto ko at umupo sa barandilya. Ang sarap mag relax dahil napaka lamig dito, libre aircon! Nagtimpla pa ako ng coffee at pinatugtog ang cellphone ko. Ang perfect! Kayakap na lang ang kulang!Speaking of kayakap bakit kaya hindi nag text buong araw yung mokong na yun? Nagkibit balikat na lang ako at baka kasama niya ang mga kaibigan niya dahil tapos na din ang exam nila. Parang gusto ko siyang kumustahin pero nauunahan ako ng hiya.Natawa ako ng mahina nang maalala ko si Jen at Max kanina dahil hindi talaga ako nakaligtas sa mga tanong nila. Hindi talaga nila ako tinigilan! Sabi ko nakitulog lang ako dahil nga naiwan ko yung susi pero hindi talaga sila naniniwala lalo na si Jen dahil alam naman niyang may spare key kaming nakatago sa paso. Napaka sweet daw
Napatunganga ako lalo sa sinabi niya! What the heck? May bahay sila dito sa Baguio pero lumipat sila dito dahil sa akin? Nanlalaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi dahil hindi ako makapaniwala! Bahagya naman siyang natawa sa itsura ko at pinisil ang pisngi ko.“Yeah I know. Daig ko pa ang stalker but I was desperate, Jaz. I really like you.” Sabi nito at pakiramdam ko ay nagkulay kamatis na naman ang traydor kong mukha."Hey..Are you mad?" Untag niya sa akin nang di ako nakapagsalita. Parang hindi ma process ng utak ko sa tindi ng revelations niya! Napakurap naman ako."N-no of course not. Hindi lang ako makapaniwala Niko. Sa dami ng nagkakagusto sayo, b-bakit ako?” Nauutal kong tanong sa kanya.Hinawakan niyang muli ang kamay ko at pinisil ito. “I love you, Jaz.” Masuyo nitong sinabi sa namumungay niyang mga mataOh my gosh! Seriously? Kinu
Sinamahan kami ni Niko na nagpa enroll ni Max kahit na bukas pa ang schedule ng enrollment nila.Nasa lobby kami at hinihintay lang si Max dahil nag punta ng rest room. Alam na din pala ng mga kaibigan namin na kami na ni Niko. Syempre masaya sila para sa amin. Binalita ko na din kila mommy at tita. Masaya sila pero nagpaalala lang na dapat alam daw namin ang limitasyon namin lalo na si tita. Paulit-ulit siyang tumatawag at nagpapaalala na hindi daw masamang ma inlove basta alam namin ang limitasyon namin.Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan."Where do you wanna eat?" Malambing niyang tanong dahil tanghali na din kasi."Ikaw? Saan mo ba gusto?"Balik tanong ko naman sa kanya."Hoy! Ano yan ha? Public display of affection is not allowed here especially when I’m around!” Mataray na sita sa amin ni Max pagkalabas niya ng cr. N
‘HAPPY anniversary, baby! I love you so much! See you later!’Kagigising ko pa lang ay ito agad ang bumungad sa akin. A beautiful bouquet of red roses! Aww ang sweet naman ng baby ko. First anniversary namin today! I can’t believe it has already been a year! Parang kahapon lang. Sigurado akong kinasabwat nun si Jen. Napangiti naman ako ng matamis. My baby never fails to make me smile!Maliksi naman akong bumangon at binati ko din siya sa text at nagpasalamat. Maaga kasi pasok niya ngayon.Isang taon na kami ni Niko pero lalo siyang nagiging sweet sa bawat araw na dumadaaan. He really is my Mr. Perfect! Lalo ko din siyang minamahal kahit napaka seloso niya minsan.Magaan ang katawan kong naligo at nag-ayos dahil may meeting kami ng mga ka group ko ngayon.Mamayang alas tres pa ang duty namin pero kailangan naming mag meet para sa isang requirement namin. Buti na lang at na