Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami. Buti hindi naman awkward kahit bago pa lang namin sila kakilala. Pakiramdam ko nga matagal na kaming magkakakilala. Masaya silang kasama, puro lang kami tawanan.
Pati nga si Niko ay nakiki join sa kantyawan ng mga kaibigan niya. Diko akalaing kalog din pala siya na malayo sa personality ng Niko na una kong nakilala. Sabagay bago ko pa lang naman siya nakilala.
"Saan ang next, guys?" Tanong ni Erik na halatang inaantok na. Nakahiga siya sa may damuhan at maging si Von, nakaunan sila sa mga braso nila. Nakaupo naman kami. Nakaka antok dahil nabusog kami masyado.
"Saan niyo gustong pumunta, Jaz?" Tanong naman ni Niko sa akin. Magkatabi kaming nakaupo at nakasandal sa puno. Unti-unti akong nagiging komportable sa kanya.
"Hmm? Rest muna tayo dito at mukhang inaantok si Von at Erik." Sabi ko naman sa kanya. Si Jeremy naman ay parang walang pakialam sa mundo at tulad namin ay nakaupo din siya at naglalaro ng games sa cellphone niya. Napapasigaw pa siya minsan. Magkatabi namang nakaupo si Rust at Jen. Mukang napapasarap din ang kwentuhan nila.
Nakaidlip nga yung dalawang nakahiga. Napaka ganda nga naman kasi ng klima dito sa Baguio tapos busog ka pa. Malamang masarap talagang matulog! Pagkagising nila ay nag-aya sila sa session road.
Naglakad lakad kami pagkarating namin sa session road. Sinamahan pa namin ang boys sa mga tattoo artists dito at nag inquire sila. Gusto daw magpa tattoo ni Von at Jeremy. Kung saan-saang shop pa nila kami dinala na ngayon ko lang din napuntahan. Nang mapagod kami ay ginutom ulit sila kaya doon na rin kami nag dinner sa yellow cab. Si Niko lahat ang taya. Nag shi share kami ni Jen kaso ayaw nila.
"Thank you Niko, Von! Sobrang nag enjoy talaga kami." Sabi ko pagbaba ng kotse. Nandito na kami sa tapat ng apartment at bumaba din ang dalawa. Nauna na pala yung tatlo at sa may General Luna pala sila nakatira.
"No, kami nga ang nag enjoy na kasama kayong dalawa eh. Sayang lang noh at wala yung kaibigan niyong si Max?" Nanghihinayang na sabi ni Von.
"May next time pa naman di ba, Jaz?" Sabi naman sa akin ni Niko. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. May next time pa talaga?
"A-h oo naman! Tara coffee muna tayo?" Sabi ko naman. Naku Jaz, huwag mo naman ipahalata masyado na tuwang tuwa kang malaman na may next time pa!
"As much as we want to spend more time with you guys pero alam namin na pagod na kayo. Pahinga na kayo ha?" Malambing na wika ni Niko. Feeling ko tuloy may boyfriend ako. Ganito ba yun? Kinilig ako, ano ba to!
"Pasok na kayo, hintayin namin kayo makapasok then uwi na din kami." Dagdag naman ni Von. Napaka gentleman nilang magkakaibigan. Yun talaga ang napansin ko sa kanilang lahat.
Pagkatapos magpaalaman ay pumasok na kami ni Jen.
"Haaay grabe!" Sigaw ni Jen sabay pabagsak na humiga sa bed niya.
"Pagod? Nag enjoy naman kayo ni Rustan eh. Landi nito!" Kunwaring singhal ko sa kanya pero hindi ko na mapigilang tumawa kasi itsura nito!
"Inggit ka lang noh! Jaz! Nag enjoy talaga ako today.." parang nananaginip pa niyang sinabi nang nakangiti habang nakapikit ang mata.
Tinamaan na ang bruha! Nagka boy friend naman na siya noong high school kami at nagtagal sila ng isang taon at isa din ngayong college pero nagtagal lang lang ata ng limang bwan. Madami ding nanliligaw sa kanya pero masyado ding mataas ang standard niya!
NAKASAKAY ako ng jeep ngayon papuntang school. Di naman kalayuan tong sa amin pero medyo malayo layo din kapag lalakarin mo. Kapag trip ko kasi nilalakad ko lang kapag pauwi. Wag naman kapag papunta ng school at magmumukha na akong haggard nun. Pataas pababa ba naman ang dadaanan mo. Naka skinny jeans, simpleng blouse at doll shoes lang ako today. Ngayon kami magpapa enroll ni Jeff. Excited ako dahil halos two weeks kaming hindi nagkita.
Pagkababa ko ng jeep ay nagpalinga linga ako baka andito na siya. Five minutes before 1 na. Wala pa siya, buti di ako na late. Ala una kasi ang usapan namin.
Nakatayo ako sa gilid habang hinihintay siya. Naglaro muna ako sa cellphone ko pero fifteen minutes na akong naghihintay ay wala pa din siya. Kaya tinext ko na siya.
Me: Nasaan ka na? Kanina pa ako nandito.
Naupo muna ako sa step ng hagdan dito sa main gate. Pagod ba akong nakatayo!
Lumipas pa ulit ang sampung minuto pero wala pa ding reply. Nangangawit na ako dito kaya napagpasyahan kong umakyat na at magtatambay na lang muna sa canteen. Tinawagan ko na siya pero hindi sumasagot. Isang oras niya din akong pinag hintay sa wala.
Tawagan ko na lang si Max at makikisabay na lang ako sa kanya kung sakali.
"Hello?" Sagot ni Maria Xandra sa kabilang linya.
"Max, nakapag enroll ka na ba?"
"Ngayon pa lang. Heto nga at on the way na ako papuntang school. Tara sabay na tayo?"
"Hay salamat naman. Nang indian si Jeff eh. Hintayin kita dito sa canteen." Napabuntong hininga na lang ako. At napagpasyahan kong umorder na lang ng iced coffee habang hinihintay si Max.
Habang sumisimsim ako ng coffee ko ay bigla akong nag-alala na baka may nangyari kay Jeff kaya hindi siya nagrereply. Wag naman sana!
"Look who's here! Jazmin, na miss kita!" At umupo sa tabi ko si Alex. May dala dala itong folder, mukhang nagpa enroll din.
"Oh hi Alex.." bati ko naman sa kanya at inanyayahan siyang maupo muna. Agad naman itong tumalima.
"So, how are you? Sorry ha, hindi na ako nakakapag text or call masyado. Naging busy kasi ako sa Tarlac nung umuwi ako sa amin." Mahabang paliwanag niya. Ni hindi ko nga napansin yun eh.
"Ganun ba? Okay lang, ano ka ba?" Sabi ko naman sa kanya ng nakangiti dahil okay lang talaga kahit hindi na siya mag text kahit kelan.
Nagkwento din siya ng mga naging activities niya sakanila nung bakasyon at kinukumusta nya din ang naging bakasyon ko sa Manila.
Maya-maya ay parang may naramdaman akong nakatingin sa akin kaya tumingin ako sa likod ko. Nagulat ako dahil meron nga at walang iba yun kundi si Niko! Kinawayan ko siya at nginitian. At sa gulat ko ay agad naman siyang lumapit at nagpaalam na sa kausap niya.
"Hey. May I join you?" Nakangiti nitong tanong sa akin at saka tumingin sa katabi ko.
"Sure. Uhm Alex, si Niko. Niko si Alex." Pakilala ko sa kanilang dalawa. Tipid lang na nag ngitian ang dalawa. Umupo sa tapat ko si Niko.
Parang biglang naging tahimik ang maingay na environment kanina! Walang nangahas magsalita sa aming tatlo at panay pa ang tingin sa akin ni Niko.
Nagulat pa ako ng hawakan bigla ni Niko ang gilid ng labi ko at pinunasan pala ang dumi. Napatingin naman ako kay Alex na parang nananantiya. Ang awkward. Max bilisan mo na please.
"Ah Jazmin sige di na din ako magtatagal at may gagawin pa ako. Text text na lang. Sige pre." Sabay tayo si Alex at nagpaalam na sa amin ni Niko. OMG! Ano kayang iniisip ni Alex ngayon? Kung umasta kasi si Niko ay parang boyfriend! Halos mahawakan niya kaya ang lips ko!
"Your boyfriend?" Nagulat ulit ako sa tanong ni Niko.
"Ha? No. Wala akong boyfriend." Sabi ko naman sa kanya dahil totoo naman.
Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako pero nakita ko siyang ngumiti nang sinabi kong wala akong boyfriend.
"Magpapa enroll ka din ba?" Tanong ko sa kanya at biglang napalingon sa mesang katabi namin dahil biglang naging maingay ang mga babae doon. Nakatingin sila kay Niko. Parang gustonko tuloy tusukin yung mga mata nila!
Naka simpleng tshirt lang siya, pants, at sneakers pero para talaga siyang model. Gwapo niya!
"Tapos na ako kanina pang morning. May ginawa lang ngayon pero tapos na. How about you?" Nakangiti naman niynag sabi sa akin. My gosh talaga! Ito yung tipo ng tao na makakalimutan mo lahat ng problema mo kapag kaharap mo dahil sa kagwapuhan niya.
"Uhmm hinihintay ko lang si Max at sabay na kami." Sabi ko naman na todo pigil para di ako mapangiti sa kilig.
"Samahan ko na kayo, wala na din naman akong gagawin." Sabi pa niya! Di ko na yata kayang pigilan pa to! Napangiti na talaga ako ng sobrang tamis! Jaz!
"O-okay.."
Mag four na nang matapos kami. Mahaba kasi ang pila.
"Uy snack naman muna tayo bago tayo umuwi." Ungot ni Max. Naglalakad kami papuntang parking. Dala kasi nila mga kotse nila.
"Of course. Where do you wanna eat?" Baling sakin ni Niko samantalang di naman ako ang nag request na kumain kami.
"Ah kahit saan.." Nahihiya ko namang sagot.
Kaya muli siyang bumaling kay Max.
"Sa SM na lang. Ah Jaz, kay Niko ka na lang muna makisakay ha? Di pa ako nakapag linis ng kotse, makalat." Nakangising sabi niya at tila nabasa niya ang nasa isip ko kasi diko alam kung kanino ako makikisakay.
"Tara, Jaz?" Aya sakin ni Niko andito kasi kami sa tapat ng kotse ni Max at nasa dulo naman yung kanya. Wala na akong nagawa at nagpatianod na lang.
HINATID niya na ako after namin kumain at umuwi na din si Max.
"Gusto mo bang pumasok muna, Niko?" Tanong ko kasi bumaba din siya ng kotse at pinag buksan ako.
"Wala ka na bang mahalagang gagawin?" Balik tanong niya sakin.
"Hmm wala naman. Tara coffee muna tayo." At iginiya ko na siya papasok at agad naman siyang tumalima.
"Si Jen?" Tanong niya.
"Baka may pinuntahan. Yung dalawa naman naming kasama ay baka ngayon pa lang balik nila." Sabi ko naman at umupo sa tapat niya.
"Ahm Jaz can I see your schedule? If you don't mind?" Nag aalangan niyang tanong.
"H-ha? Sure.. wait lang." Kinalkal ko ang bag ko saka ko inabot sa kanya ang papel.
Nagulat naman ako nang pinicturan niya ito. Sabay ngiti sa akin. Nag init ang mukha ko. Oh Jaz don't you blush!'l Warning ko sa sarili ko. Nakakahiya baka kung anong isipin niya!
Di namin namalayan ang oras at umabot pala kami ng dalawang oras nan nagkwentuhan. Kung hindi pa dumating ang dalawa naming boardmate, baka mas nagtagal pa kami. Masarap pala kasi siyang kausap. Pansamantala kong nakalimutan ang bigat ng dibdib ko na dulot ni Jeff.
Hindi na talaga nagparamdam si Jeff. Kahit papaano nag aalala ako. Itanong ko na lang kay Jen mamaya. Alanganin kasi akong tawagan siya..ulit. Sa kabilang banda kasi naisip kong baka kasama niya girlfriend niya. Pride. Kahit papaano meron pa naman. Malaki na masyado ang tampo ko sa kanya bilang bestfriend niya.
Mabilis na dumaan ang mga araw. Patapos na ang summer class! Third year na kami sa first sem at magiging super busy na kami dahil mag du-duty na kami sa kung saan-saan na hospital.Nag iiwasan kami ni Jeff. Busy siya sa girlfriend niya. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya kaya pinabayaan ko na lang. Kelangan ko na din talagang tanggapin para makapag move on na din ako at nang di na ako laging nasasaktan.Si Niko naman lagi akong sinusundo o sinasabay sa pagpasok kapag pareho kami ng schedule. Lagi din silang nagtatambay sa apartment. Minsan naman kami nila Max at Jen ang tumatambay sa kanila. Tutugtugan nila kami ng gitara. Nakakatuwa dahil masarap sa pakiramdam kasi para kang hinaharana!Namasyal din pala si tita Jelai at si Andrew nung nakaraan at nag stay sila dito ng one week. Nagtabi na lang kami ni Jen sa bed niya at tabi ang mag-ina sa bed ko. Nakilala din nila ang mga kaibigan namin sa kabilang apartment. At si tita naman lagi
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at lumabas na ako ng bahay nila Princess. Hihintayin ko na lang si Niko sa labas. Baka kasi hindi niya alam kung saan ang exact location ko though nagtanong pala siya kanina kay Gab. Sinamahan naman ako Mike at baka may mga loko-loko daw sa labas."Grabe, nakapa ginaw! Mukhang di tayo giniginaw ah!” kantyaw ko naman kay Mike dahil naka tshirt lang siya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong tumawa kahit walang nakakatawa. Napadami ka na naman ako ng inom!"Lasing ka na talaga Jaz!” Sabi naman niya sa akin at tinatawanan ako kaya napasimangot ako sa kanya.“Hindi ako lasing noh? Baka ikaw?” Kunwaring singhal ko sa kanya. Hindi pa din siya tumitigil sa katatawa. Mukha ba akong nakakatawa?“Oo na, oo na, hindi ka na lasing. I remind ko lang sayo yung napag aralan natin. Ano ulit ang number one defense mechanism ng lasenggo?” naninigkit na ang mga mata nitong nangangantiyaw sa akin.
"Naku sana naman andito pa yun." Mahinang usal ko habang kinakapa sa may paso sa gilid ng bahay yung spare key namin ni Jen. Hindi ko na to naalala kagabi dahil sa espiritu ng alcohol sa katawan ko. Sige palusot pa Jazmin, palusot pa!"Hay salamat! Nandito pa!" Napangiti ako dahil kung hindi, wala akong choice kung hindi bulabugin si Jen.Pagkapasok ko ng susi sa knob ay nanlaki ang mga mata ko dahil hindi naman pala naka lock! Naku, Jen, pambihira talaga! Paano na lang kung may masamang loob na pumasok? Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan.Pagka bukas ko ng pinto, muntik na akong atakehin sa puso sa gulat! Akala ko kung sino ang lalaking nakaupo sa sofa! Yun pala
Lumabas ako ng terrace nang mabagot ako sa loob ng kwarto ko at umupo sa barandilya. Ang sarap mag relax dahil napaka lamig dito, libre aircon! Nagtimpla pa ako ng coffee at pinatugtog ang cellphone ko. Ang perfect! Kayakap na lang ang kulang!Speaking of kayakap bakit kaya hindi nag text buong araw yung mokong na yun? Nagkibit balikat na lang ako at baka kasama niya ang mga kaibigan niya dahil tapos na din ang exam nila. Parang gusto ko siyang kumustahin pero nauunahan ako ng hiya.Natawa ako ng mahina nang maalala ko si Jen at Max kanina dahil hindi talaga ako nakaligtas sa mga tanong nila. Hindi talaga nila ako tinigilan! Sabi ko nakitulog lang ako dahil nga naiwan ko yung susi pero hindi talaga sila naniniwala lalo na si Jen dahil alam naman niyang may spare key kaming nakatago sa paso. Napaka sweet daw
Napatunganga ako lalo sa sinabi niya! What the heck? May bahay sila dito sa Baguio pero lumipat sila dito dahil sa akin? Nanlalaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi dahil hindi ako makapaniwala! Bahagya naman siyang natawa sa itsura ko at pinisil ang pisngi ko.“Yeah I know. Daig ko pa ang stalker but I was desperate, Jaz. I really like you.” Sabi nito at pakiramdam ko ay nagkulay kamatis na naman ang traydor kong mukha."Hey..Are you mad?" Untag niya sa akin nang di ako nakapagsalita. Parang hindi ma process ng utak ko sa tindi ng revelations niya! Napakurap naman ako."N-no of course not. Hindi lang ako makapaniwala Niko. Sa dami ng nagkakagusto sayo, b-bakit ako?” Nauutal kong tanong sa kanya.Hinawakan niyang muli ang kamay ko at pinisil ito. “I love you, Jaz.” Masuyo nitong sinabi sa namumungay niyang mga mataOh my gosh! Seriously? Kinu
Sinamahan kami ni Niko na nagpa enroll ni Max kahit na bukas pa ang schedule ng enrollment nila.Nasa lobby kami at hinihintay lang si Max dahil nag punta ng rest room. Alam na din pala ng mga kaibigan namin na kami na ni Niko. Syempre masaya sila para sa amin. Binalita ko na din kila mommy at tita. Masaya sila pero nagpaalala lang na dapat alam daw namin ang limitasyon namin lalo na si tita. Paulit-ulit siyang tumatawag at nagpapaalala na hindi daw masamang ma inlove basta alam namin ang limitasyon namin.Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan."Where do you wanna eat?" Malambing niyang tanong dahil tanghali na din kasi."Ikaw? Saan mo ba gusto?"Balik tanong ko naman sa kanya."Hoy! Ano yan ha? Public display of affection is not allowed here especially when I’m around!” Mataray na sita sa amin ni Max pagkalabas niya ng cr. N
‘HAPPY anniversary, baby! I love you so much! See you later!’Kagigising ko pa lang ay ito agad ang bumungad sa akin. A beautiful bouquet of red roses! Aww ang sweet naman ng baby ko. First anniversary namin today! I can’t believe it has already been a year! Parang kahapon lang. Sigurado akong kinasabwat nun si Jen. Napangiti naman ako ng matamis. My baby never fails to make me smile!Maliksi naman akong bumangon at binati ko din siya sa text at nagpasalamat. Maaga kasi pasok niya ngayon.Isang taon na kami ni Niko pero lalo siyang nagiging sweet sa bawat araw na dumadaaan. He really is my Mr. Perfect! Lalo ko din siyang minamahal kahit napaka seloso niya minsan.Magaan ang katawan kong naligo at nag-ayos dahil may meeting kami ng mga ka group ko ngayon.Mamayang alas tres pa ang duty namin pero kailangan naming mag meet para sa isang requirement namin. Buti na lang at na
"O ano sem break na, wag niyong sasabihin sa akin na uuwi na naman kayo?" Tanong ni Max sa amin ni Jen. Nandito kami ngayon sa apartment at katatapos ng finals.Taga Baguio lang kasi si Max kaya tuwing bakasyon ay bagot na bagot siya. Kanya-kanya kasi dito sa Baguio hindi tulad sa mga probinsya na kakilala mo ang mga kapitbahay mo."Ikaw Jaz, uuwi ka ba ng Manila? Graduating ka na next sem! Sulitin na natin. Di na din muna ako uuwi." Sabi ni Jen. Dahil 5 years ang engineering, mayroon pa siyang 1 year bago grumaduate."Pagkatapos naman ng graduation, magrereview pa ako dito at mag ti take pa ng board exam. Pero sige di muna ako uuwi." Sabi ko naman."Ayos! So, saan tayo? La Union o Sagada?" Tanong ni Max. Ayun naman pala at may plano na."Sagada na lang! Para romantic!" Sabi naman ni Jen na parang lumulutang pa sa alapaap kung magningning ang mga mata. Kilig na kilig ang bruha. Kaka one year din nila ng boyfriend niyang si Rustan last month. Four m