Lumabas ako ng terrace nang mabagot ako sa loob ng kwarto ko at umupo sa barandilya. Ang sarap mag relax dahil napaka lamig dito, libre aircon! Nagtimpla pa ako ng coffee at pinatugtog ang cellphone ko. Ang perfect! Kayakap na lang ang kulang!
Speaking of kayakap bakit kaya hindi nag text buong araw yung mokong na yun? Nagkibit balikat na lang ako at baka kasama niya ang mga kaibigan niya dahil tapos na din ang exam nila. Parang gusto ko siyang kumustahin pero nauunahan ako ng hiya.
Natawa ako ng mahina nang maalala ko si Jen at Max kanina dahil hindi talaga ako nakaligtas sa mga tanong nila. Hindi talaga nila ako tinigilan! Sabi ko nakitulog lang ako dahil nga naiwan ko yung susi pero hindi talaga sila naniniwala lalo na si Jen dahil alam naman niyang may spare key kaming nakatago sa paso. Napaka sweet daw palagi ni Niko sa akin kaya imposible daw na walang gusto yun sa akin. Wala naman kasi talaga akong aaminin sa kanila dahil wala namang namamagitan sa amin. Napaka masekreto ko daw. Nahihiya naman akong aminin sa kanila yung about sa halik dahil unang una ako ang nag initiate nun! Baka ikahiya nila akong dalawa! Napangiti na lang ako at napailing dahil puro kantyaw ang inabot ko sa kanilang dalawa.
Hindi naman nagtagal si Max at kailangan na daw niyang umuwi. Si Jen naman ay nagkulong na sa kwarto niya at malamang nanonood na yun ng kdrama kaya wala akong magawa sa loob.
Halos mahulog naman ako sa kinauupuan ko nang biglang mag play ang huling el bimbo sa spotify! Bigla kong na miss si Niko! Nai-imagine kong siya yung tumutugtog ng gitara at kumakanta kaya ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang bawat lyrics ng kanta.
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
Lalala lala lala lalala
Lintik! Ang lakas ng tibok ng puso ko! Shocks! Iba na to Jaz! Feeling ko inlove na talaga ako sa kanya. Hinding hindi na talaga siya nawawala sa isipan ko. Paulit-ulit na nag re-replay sa isipan ko yung paghalik niya sa akin. Halos mamilipit na naman ako sa kilig!
Dahil napahaba ang tulog ko kanina, mag aalas dose na ay gising pa din ako. Di ako makatulog! Sus! Bakit di mo na lang kasi amining naghihintay ka lang ng text? Napabuntonghinga na lang ako at muling pumikit. Sana makatulog na ako. Pwede ba heart and brain, tigil-tigilan niyo muna si Niko at baka pagod na yun! Aba, kanina pa yun tumatakbo sa isipan ko kaya siguradong hinihingal na yun ngayon. Natawa na naman ako at halos makurot ko ang sarili ko sa kakornihan ko. Ugh! Tama na nga kasi. Tulog, dalawin mo naman ako! Lumipas pa ang kinse minutos pero buhay na buhay pa din ang dugo ko. Hay! Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya napabalikwas ako ng bangon at mabilis pa kay Volta kong kinuha ito! OMG! Ang lakas ng kabog ng puso ko! Uy umaasa!
Halos mapasigaw ako nang mabasa kung sino ang nagtext. Si Niko! Oh my gosh!
Kulas: Hi! Are you still awake? Can I call?
Jusko po! Heto na! Hindi ko po mapigilang ngumiti ng hanggang tainga! Mabilis naman akong nagreply.
Me: Yup, napahaba kasi tulog ko kanina kaya di ako makatulog.
Wala pang isang minuto akong nagreply nang mag ring ang cellphone ko! Ahem!
"Hello?" Pabebeng sagot ko.
"Hi Jaz! I miss you!" Napakalambing niyang sabi. Halos kagatin ko ang labi ko sa sobrang kilig! To the highest level! Sabay paypay sa mukha ko dahil pakiramdam ko pinagpapawisan ako kahit sobrang ginaw ngayon.
"Kanina lang kaya tayo huling nagkita. Nasaan ka ba ngayon?" Pigil na pigil kong tanong sa kanya. Baka kasi bigla akong mapatili sa kilig. Hoy ano ba Jaz? Calm down, girl!
"Nandito kami kila Jeremy. Ayoko sana kaso mapilit sila and they also got my phone pala kanina kaya I wasn't able to text you. I’m sorry Jazzy." Tuloy-tuloy niyang sabi. Naririnig ko pa ang kantyaw ng mga kaibigan niya sa kabilang linya.
"Okay lang Niko. Natulog din naman ako buong maghapon." Sagot ko naman sa kanya. Nakakahiya sa mga kaibigan niya.
Tumahimik siya sa kabilang linya kaya akala ko ay naputol na ang tawag.
"Hello?" Tanong ko.
"Ah yes, sorry. I just really miss you. Uuwi na ako diyan. Pwede ba kitang makita ngayon?" Tila nag aalangan pa niyang tanong.
Narinig ko na naman dahil lalo pang lumakas ang pangangantyaw nila Von sa kanya. Nakakahiya kasi sigurado namang naririnig nila ang usapan namin!
"H-ha? Oo naman. Okay lang ba sa mga kaibigan mo?" Nahihiya ko namang tanong.
"Yeah of course! Uuwi na din sila maya-maya. See you!" Masaya nitong sabi at tila nagmamadali nang putulin ang tawag.
"Uy mag ingat ka ha?” Pahabol ko namang sabi.
"Yup, I will. For you.” Sagot pa niya bago tuluyang ibaba ang tawag. Halos mapatili naman ako sa kilig!
Nagmamadali naman akong bumangon at tinignan sa salamin ang itsura ko. Nag pulbos lang ako at kunting lip tint para di naman pale at ipinusod ko ang mahaba kong buhok hanggang tuktok. Uso naman ang messy bun! Naka jogging pants ako ng gray at hoodie jacket na black. Hmm okay na to.
Wala pang sampung minuto ay tumatawag na siya.
"Hello?" Sagot ko naman at lumabas na ng salas dahil baka nandiyan na siya sa labas.
"Jaz, nandito na ako sa labas." Sabi ko na nga ba eh.
"Ah okay wait lang.” At agad naman akong lumabas at binuksan ang gate.
Napangiti naman siya ng sobrang tamis nang magsalubong ang mga mata namin. Ang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ito masanay-sanay sa presensiya ni Niko!
"Hi!" Bati niya sa akin. Gosh, parang gusto ko siyang salubungin ng yakap!
Bakit kasi napaka gwapo ng lalaking ito? Noong nagsabog ng kagwapuhan si Lord, siguro gising na gising siya kaya nasalo niya lahat! Naka hoodie siya ng black at pants na maong. Naka couple jacket na naman kami. Napatunganga na naman pala ako, ano ba!
"Oh sorry. Pasok ka.” Aya ko sa kanya at iginiya na siya sa loob. Grabe, napakabango niya talaga. Yung tipo ng bango na hinding hindi ka magsasawang amuyin.
Naupo kami pareho sa mahabang sofa. Nasa magkabilaang dulo kami. Napakatahimik! Napalingon ako sa kanya dahil walang nangahas magsalita sa aming dalawa pero tamang tama din ang paglingon niya kaya nagtama ang mga mata namin. Natawa kami pareho. Pagkatapos ay umusod naman siya palapit sa akin. Puso ko, huwag ka namang magwala oh!
Natahimik ulit kaming dalawa. Maya-maya ay binasag niya ang katahimikan.
"Jaz, gusto kong hawakan ang kamay mo. Is it okay?" Malambing niyang pakiusap at nakatingin sa kamay kong magkasalikop. Na ti tense ako!
"H-ha?” Nauutal na ako sa kaba! Bakit pa kasi kelangang itanong, Kulas!
Parang narinig naman niya ang isip ko dahil dahan-dahan niyang kinuha ang aking kamay na nakapatong sa hita ko at pinagsalikop ito sa kanyang kamay. Ang init ng kamay niya samantalang nanlalamig yung sa akin dahil sa kaba. Parang may kuryente akong naramdaman at dumaloy ito sa buong sistema ko! Nanatili kami sa gantong ayos ng ilang sandali.
Maya-maya ay nagsimula kaming makapag tanungan at nagkwentuhan sa mga ganap namin sa buhay. Hindi ko namamalayan ang oras kapag kasama ko siya.
"Inaantok ka na ba?" Tanong niya nang natahimik na naman kaming dalawa. Alas tres na ng madaling araw!
"Ikaw ba? Di ka pa nakakatulog ng maayos. Sorry pala ha? Pinuyat kita kagabi.” Napapikit ako ng mariin at kinagat ang labi ko nang ma realized kung anong nasabi ko. Iniiwasan ko kasing pag usapan yung about kagabi. Nakakahiya!
"It’s okay. Hindi ako inaantok kapag kasama kita. I’m just worried about you. Matutulog ka na?" Concern nitong tanong sa akin. Kinilig na naman ako dahil napaka galing niya mambola!
"Hindi pa naman. Ikaw din inaalala ko." Sabi ko din at ewan ko ba pero natawa na lang kami pareho.
Maya-maya naman ay tila siya alumpihit. "Jaz.. about last night.." Umpisa niya. Naku ito na nga ba sinasabi ko.
"You were drunk last night and I kissed you. Are you mad? I mean do you even remember that I kissed you?" Tuloy niya at tila nag-aalala sa magiging reaksyon ko.
Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko pati tainga! Di ako nakapag salita agad.
"O-of course. I even initiated the kiss. Ako dapat ang humingi ng paumanhin sa kakulitan ko at pag abala sa’yo. S-sorry ha?” Mahina kong sabi dahil naiilang na talaga ako.
Sumeryoso naman siya at mataman akong tinitigan. Nag-iwas naman ako ng tingin diko kayang salubungin ang tingin niya!
"Look at me, baby." Pakiusap nya ng marahan sa akin.
"You did not force me to kiss you. I really wanted to kiss you from the very first time I laid my eyes on you." Seryosong seryoso siya. Magkaharap kami ngayon at hawak hawak niya ang dalawang kamay ko.
Huh? Anong ibig niyang sabihin? Sa pagkakaalala ko, pagsusuplado ang una niyang ipinakita sa akin noon.
"Baby, listen carefully okay? I have a confession to make." At napabuntong hininga siya. Lalo naman kumabog ang puso ko at hindi na ako makapag hintay sa sasabihin niya!
"Una kitang nakita sa play ng Romeo and Juliet. You were Juliet, right?” Napatango naman ako. Oh my gosh! “And you were so beautiful I can't take my eyes off of you. And how I thank God when I saw you again a week after in the Engineering building.” Tuloy niya.
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya ngayon! Seryoso ba siya?! OMG! I can't believe this!
Oo kasali ako sa drama club ng university noong 2nd year ako ng 1st semester pero diko kayang isabay sa pag aaral kaya ginive up ko na nitong second sem. Nanghihinayang din sila pero nahirapan talaga ako.
"Lagi na kitang nakikita after that. Nabangga pa nga kita one time. Nagulat talaga ako na ikaw pala yun so I got really nervous kaya hindi ko sinasadyang supladuhan ko. Nataranta lang ako kaya tumalikod agad ako at umalis." Natawa siya ng mahina pagkasabi nya nun.
Literal na lang akong napanganga sa mga confessions niya!
"Meron pa, actually.."Sabi niya at napakamot siya sa batok niya. There’s more? Oh my gosh!
Napatunganga ako lalo sa sinabi niya! What the heck? May bahay sila dito sa Baguio pero lumipat sila dito dahil sa akin? Nanlalaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi dahil hindi ako makapaniwala! Bahagya naman siyang natawa sa itsura ko at pinisil ang pisngi ko.“Yeah I know. Daig ko pa ang stalker but I was desperate, Jaz. I really like you.” Sabi nito at pakiramdam ko ay nagkulay kamatis na naman ang traydor kong mukha."Hey..Are you mad?" Untag niya sa akin nang di ako nakapagsalita. Parang hindi ma process ng utak ko sa tindi ng revelations niya! Napakurap naman ako."N-no of course not. Hindi lang ako makapaniwala Niko. Sa dami ng nagkakagusto sayo, b-bakit ako?” Nauutal kong tanong sa kanya.Hinawakan niyang muli ang kamay ko at pinisil ito. “I love you, Jaz.” Masuyo nitong sinabi sa namumungay niyang mga mataOh my gosh! Seriously? Kinu
Sinamahan kami ni Niko na nagpa enroll ni Max kahit na bukas pa ang schedule ng enrollment nila.Nasa lobby kami at hinihintay lang si Max dahil nag punta ng rest room. Alam na din pala ng mga kaibigan namin na kami na ni Niko. Syempre masaya sila para sa amin. Binalita ko na din kila mommy at tita. Masaya sila pero nagpaalala lang na dapat alam daw namin ang limitasyon namin lalo na si tita. Paulit-ulit siyang tumatawag at nagpapaalala na hindi daw masamang ma inlove basta alam namin ang limitasyon namin.Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan."Where do you wanna eat?" Malambing niyang tanong dahil tanghali na din kasi."Ikaw? Saan mo ba gusto?"Balik tanong ko naman sa kanya."Hoy! Ano yan ha? Public display of affection is not allowed here especially when I’m around!” Mataray na sita sa amin ni Max pagkalabas niya ng cr. N
‘HAPPY anniversary, baby! I love you so much! See you later!’Kagigising ko pa lang ay ito agad ang bumungad sa akin. A beautiful bouquet of red roses! Aww ang sweet naman ng baby ko. First anniversary namin today! I can’t believe it has already been a year! Parang kahapon lang. Sigurado akong kinasabwat nun si Jen. Napangiti naman ako ng matamis. My baby never fails to make me smile!Maliksi naman akong bumangon at binati ko din siya sa text at nagpasalamat. Maaga kasi pasok niya ngayon.Isang taon na kami ni Niko pero lalo siyang nagiging sweet sa bawat araw na dumadaaan. He really is my Mr. Perfect! Lalo ko din siyang minamahal kahit napaka seloso niya minsan.Magaan ang katawan kong naligo at nag-ayos dahil may meeting kami ng mga ka group ko ngayon.Mamayang alas tres pa ang duty namin pero kailangan naming mag meet para sa isang requirement namin. Buti na lang at na
"O ano sem break na, wag niyong sasabihin sa akin na uuwi na naman kayo?" Tanong ni Max sa amin ni Jen. Nandito kami ngayon sa apartment at katatapos ng finals.Taga Baguio lang kasi si Max kaya tuwing bakasyon ay bagot na bagot siya. Kanya-kanya kasi dito sa Baguio hindi tulad sa mga probinsya na kakilala mo ang mga kapitbahay mo."Ikaw Jaz, uuwi ka ba ng Manila? Graduating ka na next sem! Sulitin na natin. Di na din muna ako uuwi." Sabi ni Jen. Dahil 5 years ang engineering, mayroon pa siyang 1 year bago grumaduate."Pagkatapos naman ng graduation, magrereview pa ako dito at mag ti take pa ng board exam. Pero sige di muna ako uuwi." Sabi ko naman."Ayos! So, saan tayo? La Union o Sagada?" Tanong ni Max. Ayun naman pala at may plano na."Sagada na lang! Para romantic!" Sabi naman ni Jen na parang lumulutang pa sa alapaap kung magningning ang mga mata. Kilig na kilig ang bruha. Kaka one year din nila ng boyfriend niyang si Rustan last month. Four m
Ala una ng madaling araw nang tinatawag ako ng kalikasan. Nasa labas kasi ang common rest room kaya kinailangan ko pang bumaba sa kubo. Bumungad sa akin ang napakalamig na ihip ng mabining hangin pagkalabas ko. Mas maginaw pa dito kesa sa Baguio!Pabalik na sana ako ng kubo pagkatapos kong mag cr nang mapansin kong tumakbo galing sa kubo nila Niko si Gab at kung di ako nagkakamali ay umiiyak. Napakunot noo ako dahil anong ginagawa niya doon sa gantong oras? May problema ba siya? Baka naglabas na saloobin kay Niko at Von. Nagkibit balikat na lang ako at umakyat na sa kubo namin. Nang akma kong isasara na ang pintuan ay may nakita akong dalawang tao sa di kalayuan na nag-uusap. Inaninag kong mabuti at nanlaki ang mga mata ko nang ma recognize ko sila kahit nakatalikod sila. Si Von at saka si Max! Sabi ko na nga ba at may something din sa dalawang yan eh. Pero teka, kung nandiyan si Von..ibig sabihin si Niko lang ang nasa loob ng kubo? Kung ganun, anong ginawa
“Jazzy, samahan na kita." Si Jeff.Medyo may edad na lalaki kasi ang pasyente ko at parang di ko gusto kung makatingin tapos nasa private room pa ito.Bumalik na din ang dating Jeff. I mean kahit papaano at hindi tulad noon na para kaming hindi magkakilala. Though syempre may limit na din at meron na din naman akong boyfriend. Nagpupunta pa din siya sa amin pero hindi na madalas. Lagi kasi kaming nag-aaway ni Niko kapag ganun kaya umiiwas na din minsan si Jeff. Napaka seloso kasi talaga ni Niko.Pero hindi ko rin siya masisi dahil nalaman na din niya before pa na si Jeff ang first love ko nang minsang maglaro kami ng truth or dare kasama ang mga kaibigan namin. Nang sa akin kasi tumapat ang bottle ay tinanong ako ni Erik kung sino ang first love ko at nang di ako sumagot ay si Jen ang sumagot. At dahil lasing siya nung mga time na yun ay walang pakundangan niyan
Warning: SPG *Bawal sa bata! Pwedeng lampasan. :)*Kinakabahan ako habang lulan ako ng taxi. Kinuha ko naman mula sa bag ko ang cellphone ko at idinial ang number ni Von. Hindi pa din sumasagot hanggang ngayon si Niko. Alam ko naman kung saan ang vacation house nila dito dahil hindi lang minsan niya akong dinala doon. Gusto ko lang makasiguro kung nandoon pa din ba sila.Buti na lang at sumagot naman agad si Von. "Von papunta ako diyan ha?" Nag-aalangan kong sabi sa kanya."Yeah buti pa nga Jaz. Aalis na din kasi sana kami nila Jeremy pero hindi namin maiwan to. Thanks Jazzy! Aalis na kami at may date pa tong mga to.” Tumatawa pa nitong sabi at tila nakahinga pa ng maluwag nang malaman niyang pupuntahan ko si Niko. Napailing na lang ako dahil mukhang mambababae na naman sila.“Ikaw na ang bahala sa kanya ha? Hindi ko na ilo-lock ang pintua
"Nikolas Paulo!!! Oh my gosh!" Sigaw ng isang babae sa baba ang nagpagising sa amin ni Niko. Agad naman akong nag mulat ng mata at ganun din siya dahil napakaingay talaga."Good morning baby." Nakangiti niyang bati sa akin at saka pa ako nagawang halikan sa labi at noo."Who was that, Niko?" Nagtataka at nag-aalalang tanong ko at diko alam ang gagawin kong pagbalot ng katawan ko sa kumot dahil nakakahiya.He just smiled and I was suddenly lost when he got up from bed naked! Pakiramdam ko tuloy nagkulay kamatis na naman ang mukha ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.Narinig ko naman siyang tumawa ng marahan. “Still shy, baby?” Tudyo nito sa akin.“H-ha? Hindi ah. Magbihis ka na nga, bilis!” Pag-aapura ko pa sa kanya at hindi pa din ako makatingin sa kanya kaya lalo naman siyang natawa. Parang balewala pa sa kanya ang lahat samantalang may tao sa