"Hello, 'my?" Sagot ko, tumatawag si mommy.
"Hi anak! Nakarating ka na ba?" Tanong niya sa kabilang linya. Lagi ko kasi ina-update ang mommy ko sa mga ganap ng buhay ko.
Kararating namin dito sa Baguio. Ang bilis natapos ng bakasyon.
"Heto po 'my kararating lang. Tawag na lang po ako mamaya kasi pababa na po kami ng bus."
"Okay, thank God at nakarating ka ng maayos anak. Mag iingat ka palagi diyan ha? I miss you anak. Sige na at papasok na din ako. I love you nak!" Papasok na din siya sa work. Nami-miss ko na ang mommy ko pero wala naman akong magagagawa. Kaya ko din pinag-iigihan ang pag-aaral ko para hindi na kami magkakalayo pa.
Mag tu- two years nang di nakakauwi si mommy kaya malapit na ulit siyang mag bakasyon. Every two years kasi ay umuuwi siya. Nasa early 40s pa lang ang mommy ko pero di na din siya nag asawa pang muli. Okay lang naman sa akin kung sakaling umibig pa siya. Ang kaligayahan niya ay kaligayahan ko na din. Im sure maiintidihan naman yun ni daddy. She deserves to be happy. "Yes mommy. Ingat ka din po diyan! I love and miss you too mommy!" Nag excuse ako sa katabi ko at kinuha ko na ang bag ko sa taas dahil at nagbababaan na ang mga tao. "Jaz! May taxi na, bilis!" Kinawayan na ako ni Jen na nauna nang bumaba. Mahirap kasi makakuha ng taxi kapag ganito na nagsisibalikan ang mga estudyante mula sa kani-kanilang mga probinsya. Masyadong madaming tao ngayon dito govpack! Ang galing talaga ni Jen makipag unahan at nakakuha na agad siya ng taxi.Gusto ko pa sanang maglakad lakad sa session road kaso medyo pagod na din sa biyahe at mabigat din itong bag ko. Masarap kasi maglakad lakad dito sa gabi. Parang panandalian mong makakalimutan ang mga problema mo. Weird pero tuwing na da down ako, ganun ang ginagawa ko at gumagaan naman ang dibdib ko.
"Anong plano natin bukas, Jazzy?" Tanong ni Jen. Kararating namin dito sa apartment. Wala pa yung magkapatid sa kabilang kwarto. Baka bukas pa ang balik nila at malapit lang din naman kasi ang La Union."Sunday bukas di ba? Simba tayo? Tapos mamasyal na lang tayo. Text ko si Max." Sagot ko.
"O sige, sige bet ko yan." Excited naman niyang sabi.
"Ano Jen, di na ba tayo kakain? Magluto ka nga please?" Pa cute kong sabi kay Jen. Nagluluto din kasi kami lalo na kapag may time kami. At madalas nga ay si Jen ang nagluluto para sa amin dahil bukod sa kahiligan niya ay masarap talaga siyang magluto.
"Hoy pagod ako sa biyahe. Kain na lang tayo sa karinderya diyan sa kanto." Sabi niya habang nag-aayos ng mga gamit niya. "O sige. Libre mo ha?" Pabiro kong sinabi habang nakahiga naman ako sa kama ko."Kuripot talaga to! Halika na, bumangon ka na diyan!" Singhal niya sa akin kaya natawa na ako.
Madami palaging customer dito sa karinderyang ito lalo na ang mga estudyante at mga taxi driver dahil bukod sa mura ang bentang mga ulam, ay masarap din. "Ano sayo Jen?" Tanong ko sa kanya habang namimili kami ng ulam."Hmm parang gusto ko ng may sabaw. Ate, may sinigang na baboy pa ba kayo?" Tanong nito sa nagbebenta.
"Meron pa. Isang order ba?" Tanong namin nito kay Jen.
"Jaz, gusto mo din ba?" Bumaling muna siya sa akin. Parang gusto ko ng adobo ngayon eh kaya umiling ako.
"Isang order po sa akin sa adobo, ate." Sabi ko naman.
"Jaz!" Nagulat ako nang may tumawag sa akin mula sa mga customers na kumakain kaya agad naman akong napalingon. Pati nga si Jen ay napakunot noo at nilingon din yung tumawag sa akin.
"Jazmin!" Sigaw niya ulit dahil nagpalinga linga ako at hinanap kung saan siya banda. Nagulat naman ako nang malingunan ko ang tumatawag sa akin at walang iba kung hindi si Von pala. Kasama niya ang tatlo sa mga kaibigan niya at syempre isa doon ay si Niko!
Bigla tuloy kumabog ng mabilis ang puso ko. Bakit ganito naman kabilis tong puso ko!
"Aba, marunong din pala kumain sa turo-turo mga lalaking yan ha?" Bulong ni Jen nang makita niya din sila. Sa pagkaka alam kasi namin ay bigatin ang mga magkakaibigang iyan. Siniko ko na lang si Jen at kumaway kila Von at ngumiti.Tumayo naman si Von at kumuha ng extrang dalawang upuan at inilagay sa may table nila. "Dito na kayo Jaz, Jen, pagkatapos niyo diyan." Sabi pa niya. Nakakahiya pero napa 'sige' na lang ako.Bigla naman akong na conscious at napatingin sa suot namin ni Jen. Buti na lang talaga at hindi pa kami nagpalit ng pambahay. Naka skinny jeans kami pareho ni Jen at naka jacket.
"Sarap kumain niyan Jaz, daming gwapo! Ayiee andiyan yung boyfriend mo oh!" Tudyo niya pa sa akin kaya pakiramdam ko namumula na naman ang buong mukha ko!
"Hoy! Magtigil ka nga! Nakakahiya baka marinig ka!" Pabulong kong singhal sa kanya. Pasaway talaga tong kaibigan ko.
Pagkatapos ibigay ang mga pagkain namin ay dumiretso na nga kami sa table nila. Napansin kong tatayo pa sana si Niko para alalayan kami pero patudyong tumikhim si Jen kaya nahiya tuloy to at umupo na lang ulit. Sobrang gaan din naman kasi nitong tray namin kaya ang awkward din. At para bang nananadya, umupo si Jen sa tabi ni Von! At wala akong magawa kundi umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Niko. Oh my heart. Lakas ng tibok besh! Makakakain ba ako nito? Halos patapos na din kasi sila.
Kumustahan habang kumakain at salamat kay Von dahil nawala yung ilang. Magaling siyang magdala ng usapan.
"May lakad kayo bukas, Jen?" Medyo nagulat ako nang magsalita si Rustan at kay Jen talaga nagtanong!
Napapansin ko madalas magnakaw ng tingin to kay Jen eh. Mestizo din itong si Rustan, mukhang half american. Ang gu gwapo talaga nilang magkakaibigan! Walang tapon, as in!
"Hmmm magsisimba kami tapos mamamasyal. Kayo?" Sagot naman niya. Kahit kelan tong babaeng to oh. Sinabi pa talaga ang plano namin bukas."Uyy maganda yan! Baka naman pwede kaming sumabit,di ba bro?" Sabi naman ni Von na bumaling pa kay Niko. Itinaas lang niya ang dalawang kilay bilang pag sang ayon."Oo naman syempre!" At walang paligoy ligoy na sagot ni bruha! Nakakagigil siya! Maiilang ako niyan eh!At sabay sabay na nga kaming naglakad papuntang apartment pagkatapos naming kumain. "May gagawin pa ba kayo ngayong gabi?" Tanong ni Rustan. Aba himala, napapadalas ang tanong niya kay Jen ha! "Hmm wala naman. Boring nga eh kasi wala pa yung dalawang kasama namin." Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Jen. Nagpapa cute din to eh! "Pwede ba muna kaming maki tambay sa inyo?" Tanong pa ulit niya at kinakabahan ako sa isasagot ni Jen."Oo naman! Tara!" Grabe lalong lumakas ang tibok ng puso ko! Humanda ka talagang babae ka. Di man lang marunong magpakipot!"Is it okay with you, Jaz?" Halos mahimatay ako sa gulat nang tanungin naman ako ni Niko!
"H-ha? Oo naman." At nginitian ko siya ng tipid. Nakakahiya at naiilang ako sa kanya.Pinapasok namin sila at mukha naman silang mga harmless. "Pasensya na kayo ha maliit lang kasi tong apartment namin. Upo kayo." At iginiya ko sila sa sofa.Kompleto sa gamit itong apartment namin kahit maliit. May maliit na kusina, banyo, sofa, at dining area.
"Ang cute nga eh." Sa gulat ko, nagsalita ulit si Niko sabay palinga linga at tila sinisiyasat ang buong bahay. Pumasa kaya sa standard niya?
"Coffee or tea, anyone? Pampababa lang ng kinain?" Tanong ko habang palinga linga sila sa paligid. Hindi pa naman kami nakapag linis pa.
"Coffee please.." Sabay na sabi ni Von at Jeremy."Kayo?" Napatingin ako kay Rustan at Niko.
"Uhm coffee na lang din. Thank you Jaz." Si Niko. Bakit kaya kapag siya tumatawag sa akin ng Jaz, iba ang dating.
"Me, too. Thanks!" Sagot naman ni Rustan.
Nang makapag timpla kami ni Jen ng coffee at maibigay sa kanila ang mga 'order' nila ay umupo na agad siya sa tabi ni Rustan. At wala ng iba pang vacant na upuan kundi sa tabi ni Niko. Alam ko namang nananadya tong bruha na to eh. Matalim ko siyang tinignan at napangisi pa siya.
"Kailan ka pa naka balik, Niko?" Tanong ni bruha.
"Kahapon pa yan nakabalik kasi excited siyang bumalik dito, may na mi miss kasi siya." Si Jeremy naman ang sumabat. Saka sila nagtawanan. Lakas mangantyaw ng mga to. Si Niko naman ay tahimik lang napangiti. Bakit ba napaka cute niya! Pero diko mapigilang malungkot bigla. May nami-miss pala siya? May girlfriend kaya siya?
"Oh.. may girl friend ka na Niko?" Para namang narinig ni Jen ang nasa isipan ko at nagtanong siya kay Niko kaya napatingin ako sa katabi ko.
"Walang girlfriend yan kasi for the first time ever, na to-torpe!" Sabi ni Von at nagtawanan ulit sila. Napapailing na lang si Niko sa kantyaw sa kanya.
"Bro, di naman kasi yan marunong manligaw kasi babae nanliligaw diyan." Si Rustan naman ang sumabat at pinagtawanan ulit nila si Niko.Napapailing na lang itong katabi ko na nasa hot seat. Diko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nadisappoint na meron naman pala siyang nagugustuhang babae. Ganun ka gusto na tipong ma to torpe pa talaga siya eh hindi itsura nito ang torpe dahil mukha siyang playboy. She must really be special. Bakit bigla akong nainggit sa kung sinumang babae yun?! Iba na to!
Edited:May 30, 2021Me: Nakapagpa enroll ka na ba?Tinext ko si Jeff. Diko matiis!After 30 minutes, nag reply naman.Jeff: Hindi pa. Sabay na tayo bukas. Kita tayo sa main gate. 1 pm sharp.Me: okay, see you.Di man lang mangumusta kahit sana bilang bestfriend man lang. Kung hindi ako ang unang mag ti text, di na ata niya ako maaalala. Sakit sa heart. Oo naman, nasasaktan pa din ako. First love ko eh. Dapat na lang ba akong magpasalamat kasi atleast naman siya ang nag initiate na sabay kami mag enroll? Pero sa kabilang banda naman ng isip ko..tinanong ko kasi kaya siguro nag magandang loob na lang na isabay ako.Napabuntong hininga na lang ako. Ilang taon na din akong in love sa best friend ko. Transferee ako noong second year high school sa school nila. Dati kasi kami sa Quezon City pero nang
Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami. Buti hindi naman awkward kahit bago pa lang namin sila kakilala. Pakiramdam ko nga matagal na kaming magkakakilala. Masaya silang kasama, puro lang kami tawanan.Pati nga si Niko ay nakiki join sa kantyawan ng mga kaibigan niya. Diko akalaing kalog din pala siya na malayo sa personality ng Niko na una kong nakilala. Sabagay bago ko pa lang naman siya nakilala."Saan ang next, guys?" Tanong ni Erik na halatang inaantok na. Nakahiga siya sa may damuhan at maging si Von, nakaunan sila sa mga braso nila. Nakaupo naman kami. Nakaka antok dahil nabusog kami masyado. "Saan niyo gustong pumunta, Jaz?" Tanong naman ni Niko sa akin. Magkatabi kaming nakaupo at nakasandal sa puno. Unti-unti akong nagiging komportable sa kanya."Hmm? Rest muna tayo dito at mukhang inaantok si Von at Erik." Sabi ko naman sa kanya. Si Jeremy naman ay parang walang pakialam sa
Mabilis na dumaan ang mga araw. Patapos na ang summer class! Third year na kami sa first sem at magiging super busy na kami dahil mag du-duty na kami sa kung saan-saan na hospital.Nag iiwasan kami ni Jeff. Busy siya sa girlfriend niya. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya kaya pinabayaan ko na lang. Kelangan ko na din talagang tanggapin para makapag move on na din ako at nang di na ako laging nasasaktan.Si Niko naman lagi akong sinusundo o sinasabay sa pagpasok kapag pareho kami ng schedule. Lagi din silang nagtatambay sa apartment. Minsan naman kami nila Max at Jen ang tumatambay sa kanila. Tutugtugan nila kami ng gitara. Nakakatuwa dahil masarap sa pakiramdam kasi para kang hinaharana!Namasyal din pala si tita Jelai at si Andrew nung nakaraan at nag stay sila dito ng one week. Nagtabi na lang kami ni Jen sa bed niya at tabi ang mag-ina sa bed ko. Nakilala din nila ang mga kaibigan namin sa kabilang apartment. At si tita naman lagi
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at lumabas na ako ng bahay nila Princess. Hihintayin ko na lang si Niko sa labas. Baka kasi hindi niya alam kung saan ang exact location ko though nagtanong pala siya kanina kay Gab. Sinamahan naman ako Mike at baka may mga loko-loko daw sa labas."Grabe, nakapa ginaw! Mukhang di tayo giniginaw ah!” kantyaw ko naman kay Mike dahil naka tshirt lang siya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong tumawa kahit walang nakakatawa. Napadami ka na naman ako ng inom!"Lasing ka na talaga Jaz!” Sabi naman niya sa akin at tinatawanan ako kaya napasimangot ako sa kanya.“Hindi ako lasing noh? Baka ikaw?” Kunwaring singhal ko sa kanya. Hindi pa din siya tumitigil sa katatawa. Mukha ba akong nakakatawa?“Oo na, oo na, hindi ka na lasing. I remind ko lang sayo yung napag aralan natin. Ano ulit ang number one defense mechanism ng lasenggo?” naninigkit na ang mga mata nitong nangangantiyaw sa akin.
"Naku sana naman andito pa yun." Mahinang usal ko habang kinakapa sa may paso sa gilid ng bahay yung spare key namin ni Jen. Hindi ko na to naalala kagabi dahil sa espiritu ng alcohol sa katawan ko. Sige palusot pa Jazmin, palusot pa!"Hay salamat! Nandito pa!" Napangiti ako dahil kung hindi, wala akong choice kung hindi bulabugin si Jen.Pagkapasok ko ng susi sa knob ay nanlaki ang mga mata ko dahil hindi naman pala naka lock! Naku, Jen, pambihira talaga! Paano na lang kung may masamang loob na pumasok? Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan.Pagka bukas ko ng pinto, muntik na akong atakehin sa puso sa gulat! Akala ko kung sino ang lalaking nakaupo sa sofa! Yun pala
Lumabas ako ng terrace nang mabagot ako sa loob ng kwarto ko at umupo sa barandilya. Ang sarap mag relax dahil napaka lamig dito, libre aircon! Nagtimpla pa ako ng coffee at pinatugtog ang cellphone ko. Ang perfect! Kayakap na lang ang kulang!Speaking of kayakap bakit kaya hindi nag text buong araw yung mokong na yun? Nagkibit balikat na lang ako at baka kasama niya ang mga kaibigan niya dahil tapos na din ang exam nila. Parang gusto ko siyang kumustahin pero nauunahan ako ng hiya.Natawa ako ng mahina nang maalala ko si Jen at Max kanina dahil hindi talaga ako nakaligtas sa mga tanong nila. Hindi talaga nila ako tinigilan! Sabi ko nakitulog lang ako dahil nga naiwan ko yung susi pero hindi talaga sila naniniwala lalo na si Jen dahil alam naman niyang may spare key kaming nakatago sa paso. Napaka sweet daw
Napatunganga ako lalo sa sinabi niya! What the heck? May bahay sila dito sa Baguio pero lumipat sila dito dahil sa akin? Nanlalaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi dahil hindi ako makapaniwala! Bahagya naman siyang natawa sa itsura ko at pinisil ang pisngi ko.“Yeah I know. Daig ko pa ang stalker but I was desperate, Jaz. I really like you.” Sabi nito at pakiramdam ko ay nagkulay kamatis na naman ang traydor kong mukha."Hey..Are you mad?" Untag niya sa akin nang di ako nakapagsalita. Parang hindi ma process ng utak ko sa tindi ng revelations niya! Napakurap naman ako."N-no of course not. Hindi lang ako makapaniwala Niko. Sa dami ng nagkakagusto sayo, b-bakit ako?” Nauutal kong tanong sa kanya.Hinawakan niyang muli ang kamay ko at pinisil ito. “I love you, Jaz.” Masuyo nitong sinabi sa namumungay niyang mga mataOh my gosh! Seriously? Kinu
Sinamahan kami ni Niko na nagpa enroll ni Max kahit na bukas pa ang schedule ng enrollment nila.Nasa lobby kami at hinihintay lang si Max dahil nag punta ng rest room. Alam na din pala ng mga kaibigan namin na kami na ni Niko. Syempre masaya sila para sa amin. Binalita ko na din kila mommy at tita. Masaya sila pero nagpaalala lang na dapat alam daw namin ang limitasyon namin lalo na si tita. Paulit-ulit siyang tumatawag at nagpapaalala na hindi daw masamang ma inlove basta alam namin ang limitasyon namin.Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan."Where do you wanna eat?" Malambing niyang tanong dahil tanghali na din kasi."Ikaw? Saan mo ba gusto?"Balik tanong ko naman sa kanya."Hoy! Ano yan ha? Public display of affection is not allowed here especially when I’m around!” Mataray na sita sa amin ni Max pagkalabas niya ng cr. N
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng