Si Jen naman ang photographer namin. Syempre hindi lang ako ang ipinunta nito dito dahil sabay kaming grumaduate ng pinsan niya. Bukas naman ang graduation nila Niko.
"Thank you, baby! Advance happy graduation din!" Masayang bati ko din sa kanya at mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.
"Jazzy! Congrats!" Si Jeff at nakalapit na pala siya kasama ang parents niya. Malapit din ako sa kanila at halos di kami mapaghiwalay niyan dati.
"Congrats din sa’yo, Jeff!" Sabi ko din sa kanya at bumitaw ako kay Niko para batiin din ang parents niya.
"Hi tita, tito! Congrats po!" Masayang bati ko sa kanila at nakipag beso.
"Congrats hija! Look at you.. so beautiful! Naku parang kelan lang high school pa lang kayo!" Nakangiting sabi ni tita Ella at hinawakan ako sa kamay at saglit na pinagmasdan. “Lalo ka pang gumanda, hija.” Sabi pa niya at muli akong niyakap ng mahigpit.
Napatingin naman ako kay Niko nang bigla siyang tawagin ni Gab. Nalingunan ko siyang nakamasid lang sa amin habang kausap si Jen. Nilapitan naman siya ni Gab nang hindi niya ito pansinin.
“Niko, my family wants to see you.” Sabi nito kay Niko kaya wala namang nagawa ito nang hilain siya ni Gab. Magalang namang nagpaalam si Niko at sumenyas siya sa akin na babalik siya. Sa pagkakaalam ko ay malapit ang mga pamilya nila.
"Jazzy, may boyfriend ka na pala anak. Sayang naman.” Sabi naman sa akin ni tita Ella pagka alis ni Niko. “Hay. Hindi ka ba niligawan ni Ivan?” Tila malungkot nitong turan at inirapan pa niya si Jeff.
"Mommy!" Suway naman ni Jeff sa mommy niya. Nagkatawanan na lang kami. Kung niligawan siguro ako ni Jeff noon, malamang hindi magiging kami ni Niko ngayon.
"Oh ano anak tara na?” Yakag sa akin ni mommy. “Saan kayo magcecelebrate niyan?" Bumaling naman siya kila tita Ella at tito Alex.
"Naku, para naman tayong mga others niyan! Sabay-sabay na lang tayong kumain sa labas. Mas masaya to at matagal tagal na din mula nung huli tayong makapag bonding!" Sabi naman ni tita Ella at masaya namang sumang-ayon ang lahat.
“Jaz anak, halika na.” Aya sa akin ni mommy pero nagpalinga ako at hinahanap si Niko. Sabi kasi niya babalik siya.
"Teka lang 'my. Hanapin ko lang si Niko at baka sa kanya na ako makikisakay." Sabi ko naman sa kanya. Makikisakay na sila mommy sa SUV nila Jeff. Wala kasi kaming sasakyan dahil wala namang marunong magmaneho sa amin. Masyado pang bata si Andrew kaya hindi pa siya binilhan nila tita Jelai.
"Oh siya sige. Sino ba yung tumawag kay Niko kanina at kung makakakapit ay akala mo siya ang girlfriend? Naku, di maganda ang kutob ko sa babaeng yun." Sabi naman ni mommy kaya kumabog bigla ang puso ko. Ramdam din pala ni mommy. Tumawa na lang ako at patuloy kong hinahanap si Niko sa crowd.
Maya-maya naman ay nag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa purse ko. Hindi nga ako nagkamali nang tinignan ko kung sino ang tumatawag.
"Niko?" Sagot ko.
"Baby sorry hindi na ako nakabalik. Nag-invite ang parents ni Gab and they’re with mom pala kaya hindi na ako nakatanggi." Paliwanag niya sa kabilang linya. Nakaramdam naman ako ng lungkot pero hindi ko pinahalata sa kanya.
"A-ah ganun ba? Sige." Nasabi ko na lang. May laban pa ba ako kung magkakasama sila ng mga pamilya nila?
"I'll make it up to you, okay? I’m really sorry. I'll hang up now. I love you." Mabilis na itong nagpaalam pero bago pa maputol ang linya ay narinig ko ang pagtawag sa kanya ni Gab.
Hinahanap ko pa siya eh wala naman na pala siya dito. Hindi ko alam pero meron talaga akong nararamdamang kakaiba. Mula kasi ng araw na ipakilala niya ako sa magulang niya ay bihira na kaming makalabas pareho dahil naging abala ang bawat isa sa amin. Ni hindi pa nga namin napag-usapan kung ano ang magiging mga plano namin pagka graduate namin. Hindi ko alam kung uuwi na ba siya ng Manila. Mag-i-stay pa kasi ako dito sa Baguio at dito na din ako mag re-review para sa board exam.
Napabuntong hininga na lang ako. Magtataxi na lang ako at susunod na lang ako kila mommy. Nakaalis na kasi sila. Panay ang buntong hininga ko hanggang sa makarating ako sa labas ng gate at mag-aabang na sana ng taxi nang tawagin ako ni Jeff. Hinihingal pa ito at mukhang hinabol niya ako. Hindi ko naman kasi siya narinig o hindi kaya masyado na namang malalim ang iniisip ko kaya parang wala akong naririnig.
“Uy, akala ko ba nakaalis na kayo?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Kanina pa kita tinatawag pero parang wala ka sa sarili mo? May problema ba?” Sabi pa nito na hinihingal. Na guilty tuloy ako.
“Wala noh. Sorry, hindi ko narinig na may tumatawag sa akin. Bat andito ka pa?” Tanong ko ulit sa kanya dahil hindi naman niya ako sinagot.
“Hinintay talaga kita. Nakita ko kasing umalis sila Gab kasama ang boyfriend mo.” Seryoso nitong sabi at napa buntong hininga pa siya. “Halika na. Nauna na sila.” Sabi pa nito at iginiya ako pabalik sa parking nang hindi ako nakaimik.
Masaya naman kaming kumain lahat sa isang fine dining resto dito sa may Loakan kaya sandali kong nakalimutan ang bigat sa dibdib ko.
"Jeff ano namang plano mo ngayon, anak?" Tanong ni tita Ella sa anak niya habang nag-tsa-tsaa pa sila. Napatingin din ako sa kanya dahil hindi ko rin alam ang plano niya.
"Mommy, dito na lang din ako mag ti take ng board at nang makapag isip-isip din kung tutuloy ba ako sa med school." Sagot naman niya. Bahagya na lang akong nagulat sa sinabi niya dahil pangarap talaga niyang maging isang pedia surgeon. Hindi ko lang inaasahan na kinu-consider din pala niyang i- pursue ito.
"Maganda yan, anak! We will support you.” Masaya namang sabi ng daddy niya.
"You might want to consider din anak na magpatuloy sa pagdo-doctor?" Tanong naman ni mommy sa akin. Napabaling naman sa akin lahat ng atensyon nila.
"Mom, ayoko nang mag-aral! Okay na ‘to." Natatawa kong sabi sa kanila at maging sila ay natawa sa reaksyon ko.
Alas otso na nang makarating ako sa apartment. Sila mommy gusto pa daw nilang sulitin ang pag-i-stay nila dito sa Baguio kaya maglalakad lakad pa daw sila sa Burnham. Nag book na din sila sa isang hotel na malapit doon. Gusto nga nila akong isama kaso baka biglang tumawag si Niko at magkikita pa kami. Nag text kasi siya kanina na magkikita kami kaya nagdahilan na lang ako na meron akong kailangang ayusin. Si Jen naman ay sumama kila tita Ella at naka check-in sila ngayon sa country club.
"Grabe! Graduate na ako!" Sigaw ko at pabagsak na humiga sa kama. Hindi pa din ako makapaniwalang graduate na ako!
Nang makapagpahinga ako ng kunti ay agad na din akong nag shower at nagbihis ng pambahay. Nagsuot lang ako ng simpleng tshirt at cotton dolphin short. Inaliw ko muna ang sarili ko at nag f******k ako. Ang tagal naman kasi ni Niko! Dalawang oras na mula nang dumating ako sa apartment pero ni isang text ay wala akong natanggap mula sa kanya. Napabuntong hininga ako nang makaramdam na naman ako ng kaba. Pilit ko itong iwinaksi sa isipan ko at nag browse na lang sa f******k.
Nag-upload din ako ng mga graduation pictures namin at napangiti ako nang makita ang picture naming dalawa ni Niko. Gagawin ko itong profile picture ko. Nang matapos akong mag-upload ay muli na akong nag browse.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagpalit din ng profile picture si Gab! Ngiting ngiti siyang nakahilig sa balikat ni Niko! At sigurado akong ngayon lang kuha ang picture na yan! Inopen ko ang profile niya at nakita kong nag-upload pa siya ng mga pictures na magkakasama sila ng mga pamilya nila! Nasa The Manor sila.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Agad kong dinelete ang profile picture ko at pinalitan ko na lang ng solo ko. Hindi na din ako umasang magkikita pa kami ngayon dahil nag-i-enjoy pa naman siya kasama si Gab ngayon.
Naiinis na ako sa sarili ko dahil kanina pa ako sumusubok matulog pero alas dose na ay hindi pa din ako makatulog! Hindi ko kasi maamin-amin sa sarili ko na umaasa pa din ako na tatawag siya o kahit mag text man lang. Masamang masamang ang loob ko pero pilit ko lang nilalabanan. Graduation pa naman niya bukas. Hindi ko tuloy alam kung pupunta pa ba ako. Baka kasi tarayan na naman ako ng mommy niya.
Maingay na ring ng cellphone ko ang nagpagising sa akin. Agad akong napabalikwas ng bangon dahil baka si Niko ang tumatawag! Pagkatingin ko ay si mommy pala kaya agad ko na din itong sinagot.
"Hello my?" Inaantok ko pang sagot.
"Anak, kagigising mo pa lang ba? Kanina pa ako tumatawag sayo ah?"
"Sorry 'my napasarap lang ng tulog.” Naghihikab kong sagot. Antok na antok pa din ako dahil umaga na din ako tuluyang nakatulog.
"Sige na at mag-ayos ka na. Naiinip na tong si Andrew at kanina pa nag-aayang mamasyal. Sasama din pala sila tita Ella mo.”
"Anong oras ba 'my? Antok pa ako eh.” Parang hindi ko kayang bumangon dahil sobrang bigat ng katawan ko. Hihintayin daw nila ako kaya wala akong nagawa kundi bumangon na.
Agad ko namang tinignan ang cellphone ko nang maalala ko si Niko. Baka kasi may text na siya pero pagkatingin ko ay wala man lang kahit isang ligaw na text. Ano ba to? Ang pangit tuloy sa pakiramdam. Masaya dapat ako ngayon dahil grumaduate na ako at nandito pa sila mommy. Nag-aaya pa silang mamasyal pero graduation din ni Niko ngayon. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko din alam kung a-attend ba ako o hindi.
Namasyal kami sa Wright park at Mines view at inabot din kami ng hapon dahil nag picture picture pa sila. Sa SM naman ang susunod naming pupuntahan at doon na din daw kami mag di-dinner pero nagpaalam muna kay mommy at sasaglit ako sa school dahil graduation ni Niko.
Hindi na sana ako pupunta pero hindi ko siya matiis. Buti na lang ongoing pa ang graduation ceremony pagdating ko. Inilibot ko ang mga mata ko at hinanap ko siya habang nakatayo ako sa likod. Sumikdo naman ang puso ko nang mamataan ko siya sa bandang gitna. Napangiti na din ako nang makita ko siya at kahit naka toga siya ay napaka kisig pa din niyang tignan.
"Oh Jaz! Nandito ka din pala." Nagulat ako nang magsalita si Gab at nakataas pa ang isang kilay nito.
"Ah oo.” Sabi ko naman at tipid na ngumiti sa kanya.
"Join us then. C’mon, nandun sila tita oh." Sabi niya at tinuro ang kinaroroonan ng family ni Niko. Tatanggi na sana ako pero hinila na niya ako papunta doon. Wala na akong nagawa at nagpatianod na lang.
"Oh, hi hija! Come here! How are you?" Bati sa akin ng daddy ni Niko dahil agad siyang napalingon sa akin. Napatingin naman sa akin ang mommy niya at napataas na naman ng kilay to nang makita niya ako."Good afternoon po." Magalang kong bati sa kanila at bahagya pa akong yumuko.Kung gaano ka warm ang daddy niya ay siya namang kabaliktaran ng mommy niya.Tipid lang itong ngumiti sa akin. Pinaupo naman ako ni tito sa tabi niya. Magkatabi naman si Gab at madame.Nang matapos ang ceremony ay lumapit na si Niko sa amin. Tila nagulat naman ito nang makita ako. Nginitian ko siya pero tumingin lang siya sa akin ng seryoso at hindi niya ako pinansin! Nakita ko pang napangisi si Gab at tila nasiyahan pa siya sa pag snob sa akin ni Niko. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makapaniwa
"A-anong ibig sabihin niyan?" Gulat kong tanong sa kanila. Agad namang inagaw ni Max ang cellphone ni Karen at napanganga din siya at hindi agad nakapag salita.Merong gumawa ng fake facebook account ko dahil pangalan ko ang nakalagay doon at may post pa na sinasabing yun ang bago kong account. Pinag a-add din nito ang mga friends namin. At ang higit na nakakaloka ay ang profile picture! Nakaakbay sa akin si Jeff at parang masayang masaya kaming dalawa. Iisipin talaga ng kung sino mang makakakita na mag boyfriend kami dahil saktong sakto na nakatingin kami sa isa’t isa at malaki ang mga ngiti sa aming mga labi.Stolen shot ito at halatang naka zoom in lang. Itong yung gabi ng graduation namin na kung saan ay nag celebrate kami kasama ang family ni Jeff.Naglolokohan kasi kami nun nila Jen ha
"Baby!" Tawag niya ulit sa akin nang hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa mabilis na paglalakad nang makabawi ako. Kahit na medyo nahihilo pa din ako ay hindi ko na inalintana.Baby mo mukha mo! Kapal naman ng mukha mong bigla ka na lang babalik. Bumalik ka na lang dun sa Gab mo!Patawid na sana ako nang matapilok ako kaya natumba ako. Ouch naman! Ang sakit ah! Nakakainis naman. Tatayo na sana ako nang muli na naman akong natumba. Para lalo tuloy akong nahilo.“Are you hurt? Are you okay?” Nakalapit na nga siya at hinawakan niya ako sa braso pero agad kong iwinaksi ang mga kamay niya pero mapilit pa din siya.“Bitawan mo nga ako! Umalis ka na nga at hindi kita kailangan dito!” Sigaw ko sa kanya pero kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi pa din siya nagpaawat at napasigaw na lang ako nang bigla niya akong buhatin!“Ano ba! Ibaba mo’
"Hi, sleepyhead!" Nakangiting bati sa akin ni Niko pagmulat ko ng mata ko. Kalalabas niya ng bathroom at bagong ligo. Naka boxer shorts lang siya and oh-my! Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi umagang umaga kaya agad akong nag-iwas ng mukha. Tinawanan naman niya ako at agad na nilapitan. "You're so cute, baby.." Nakangiti nitong sabi at kinintalan ako ng halik sa labi. "Still sleepy?" Tanong niya pa ulit habang sinusuklay ang buhok ko ng kamay niya. Tumango naman ako dahil inaantok pa talaga ako. "What time is it?" Tanong ko naman sa kanya dahil hindi ko makapa ang cellphone ko. Hindi ko alam kung saan ko naipatong. "It's 1 in the afternoon, baby. Matulog ka pa if you're still sleepy. I'll just cook." Sabi naman niya at muli akong dinampian ng halik sa labi. Nakakahiya, hindi pa ako ng tu-toothbrush! Nagbihis muna siya ng maong pants at tshirt saka na siya na
“Ano ba kasi talaga ang nangyari, Niko? I think now is the best time for us to talk about what really happened." Tanong ko sa kanya habang nakaupo kami pareho sa sofa nila at nanonood ng movie. Umuwi na din pala ng Manila si Von. Napabuntong hininga naman siya at tipid na ngumiti sa akin. "I saw your pictures with that bastard.” "Anong picture ba yang sinasabi mo? May gumawa ng fake account ko at picture namin ni Jeff yung profile picture. ‘Yon ba?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya. "No, not only that. There’s a lot, actually. Meron sa school at meron din sa mga duty niyo. Magkasama kayo lagi..” Sabi nito at iwas na iwas ang tingin sa akin na parang nagpipigil magtampo. "What?! That gave me goosebumps! Niko, sinong kukuha ng mga litrato namin? Kahit outside Benguet na duty namin?” Tanong ko sa kanya at tumango naman siya at nakitaan ko din sya ng pag-aalala. May duda na agad akong kay Gab ‘yon galing pero paano mangyayari ‘yon eh hindi
Hindi ako mapakali at ayaw kumalma ng puso ko! Ano na naman ba to? Sa tuwing masaya kami ni Niko, maya-maya may problemang dumarating.Bakit hindi siya nagre-reply? Niloloko ba ako ni Niko? I shivered with the thought! Hindi ko ‘yon kakayanin!Napaigtad ako nang tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali kong tinignan sa pag-aakalang si Niko yun. Nalaglag naman ang balikat ko nang makitang hindi pala siya ang nag message sa akin kundi si Jeff.Jeff: Naka online ka pa. Bakit gising ka pa?Nag type naman ako agad.Me: oo.Jeff: Nakita mo ba?Me: ooJeff: labas ka muna dito. May sasabihin ako.Lalo lang akong kinabahan sa message ni Jeff! Anong sasabihin niya? May alam ba siya? Hindi na ako mapakali kaya agad na akong bumangon at lumabas sa sala. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at tila may malalim na iniisip.
"Oh Jaz, ano na ngayon ah. Akala ko ba uuwi ka na ng Manila?" Tanong sa akin ni Jen.Isang linggo na din mula nang..ikasal kami pero umuuwi ako sa apartment namin tuwing gabi para hindi mag duda si Jen. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang naging desisyon namin ni Niko."Nakalimutan ko nga palang sabihin! Dito ko na lang muna hihintayin 'yong result ng board exam. Nasabi ko na din kila tita." Nanliliit ang mga mata niyang tumingin sakin. Napakalakas talaga ng radar ng babaeng to!"At bakit nagbago ang ihip ng hangin?" Nagdududa niyang tanong."Wala! Mami miss ko kayo ni Max!" Hindi kaso ako makatingin sa kanyang diretso siguro dahil hindi ko pa magawang umamin sa kanila."Weh?! Baka kamo si Niko! Akala ko ba sa Manila na din siya?" Nakakunot noo niyang tanong."May inaasikaso pa siya dito kaya dito na din muna ako. Daming tanong!" Inirapan ko na lang siya dahil gumagana na naman ang kakulitan niya."Nakakahalata
"Hello?" Nagmamadali kong sagot sa tawag ni Niko habang nag-aayos ng mga gamit ko. Katatapos lang ng duty ko at sinusundo na niya ako."You done, baby? I’m here already.” "Yep baby, diyan na po."Pagkatapos naming mag oath taking ay wala na kaming pinalampas na sandali at nag training na kami nila Max at Jeff sa Red Cross, at iba pang mga training tulad ng Basic Life Support, Advanced Cardiovascular Life Support, at IV Therapy Training. Napakarami pang dapat gawin katulad na lang ng kailangan pa namin ng magandang hospital experience bago ma hire talaga bilang staff nurse kaya pagkatapos naming mag training ay nag-apply na kami agad sa isa sa pinaka malaking hospital dito sa Baguio. Kaya heto, apat na buwan muna kaming magti-training at pagkatapos ay magti-take na naman kami ng exam dito para makapasok bilang job order. Ugh! Napaka komplikado din pala pero tyaga na lang talaga ang kailangan."Aysu
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng