"Hello?" Nagmamadali kong sagot sa tawag ni Niko habang nag-aayos ng mga gamit ko. Katatapos lang ng duty ko at sinusundo na niya ako.
"You done, baby? I’m here already.” "Yep baby, diyan na po."Pagkatapos naming mag oath taking ay wala na kaming pinalampas na sandali at nag training na kami nila Max at Jeff sa Red Cross, at iba pang mga training tulad ng Basic Life Support, Advanced Cardiovascular Life Support, at IV Therapy Training. Napakarami pang dapat gawin katulad na lang ng kailangan pa namin ng magandang hospital experience bago ma hire talaga bilang staff nurse kaya pagkatapos naming mag training ay nag-apply na kami agad sa isa sa pinaka malaking hospital dito sa Baguio. Kaya heto, apat na buwan muna kaming magti-training at pagkatapos ay magti-take na naman kami ng exam dito para makapasok bilang job order. Ugh! Napaka komplikado din pala pero tyaga na lang talaga ang kailangan.
"Aysus! Baby baby! Buti wala pa kayong nabubuong baby diyan!" Tudyo sa akin ni Max at hindi ko namalayang nakalapit na pala siya at binuksan na din ang locker niya.
Nakakatuwa dahil kasama ko siya ngayon sa duty. Kapareho din namin si Jeff ng shift pero sa ibang ward siya naka assigned. Sa susunod na sem pa daw siya mag mi-med school dahil gusto pa daw niyang subukan ang nursing at baka magustuhan na daw niya ay hindi na siya mag do-doctor pero hinihimok namin siyang magpatuloy.Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya dahil mukhang narinig ng staff nurse namin!"Tumahimik ka nga diyan!" Suway ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Palibhasa ay masaya ‘yan dahil day off namin bukas. Sino ba namang hindi matutuwa kapag day off? Napaka toxic dito sa dami ng pasyente."Mauna na ako, ‘andiyan na si Niko sa labas." Paalam ko sa kanya ko at kinuha ko na ang bag ko.
"Sir, mauna na po ako ha?” Paalam ko naman sa staff nurse namin.Tumango lang siya at ngumiti. Nakakainggit si sir kasi napakagaling niya at napaka effecient niyang nurse. Someday, magiging ‘sing galing ko din siya!"Bye, baby!" Pahabol pang tukso sa akin ni Max kaya napangisi na lang ako at nagmamadali nang lumabas ng hospital.Nasusundo ako ni Niko kapag gabi natatapos ang duty ko o kaya kapag umaga. Nag start na din kasi siyang mag review sa isang magandang review center dito. Though nag start na din siyang mag self-review noong mga nakaraan.Habang palapit ng palapit ang board exam niya ay lalo akong kinakabahan kung paano namin haharapin ang pamilya niya. Sigurado kasi akong pauuwiin na siya pagkatapos ng board. Pero ayoko munang isipin ‘yon ngayon! Bahala na."Hi baby! You look tired again.” Sinalubong niya ako ng yakap at halik tsaka niya kinuha ang bag ko nang makalapit ako sa kanya. Tumango lang ako at agad na yumakap sa bewang niya.Sa apartment na niya kami umuuwi dahil ayaw na din niyang magkahiwalay pa kami dahil tutal ay mag-asawa naman na daw kami. Napilitan na din akong umamin sa mga kaibigan ko at halos hindi sila makapaniwala pero sinuportahan naman nila ako. Nakiusap na lang muna ako na amin-amin na lang muna. Hindi ko pa kasi kayang umamin kay mommy at tita.Naging maayos at masaya naman ang takbo ng buhay namin ni Niko pero sabi nga nila kung kailan ka masaya doon bumibilis ang araw! Ilang buwan na din ang lumipas at sa isang araw nga ay board exam na ni Niko at nakapasok na din kami ni Max bilang job order sa hospital na pinapasukan namin kaya kahit papaano ay sumasahod na kami. Si Jeff ay napag pasyahan na ding ituloy ang pag-mi-med school at si Jen ay grumaduate na din noong March. Excited na siyang bumalik sa Manila para magkasama na daw ulit sila ni Rust.Everything is going smoothly so far. Ang iniisip ko na lang talaga ay ang family ni Niko lalo na ang mommy niya na alam kong ayaw sa akin. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang kinasal na kami to think na nakatakda pa siyang ipakasal kay Gab. Speaking of Gab..wala na din akong balita sa kanya maliban na lang sa ipinagpapatuloy din nito ang med school tulad ni Jeff pero sa Manila nga lang.Tumigil na din sa pag re-review si Niko at gusto daw niyang ipahinga ang mga brain cells niya bago exam. Kaya nandito kami ngayon sa sala at nanonood ng movie. Nakahiga siya sa lap ko kaya nilalaro laro ko ang buhok niya habang nanonood.Hinawakan niya ang tiyan ko."Wala pa din ba?" Malambing na tanong ni Niko habang nakahiga siya sa lap ko at hinawakan pa nito ang tiyan ko. Nanonood kami ng movie dahil wala akong duty at tapos na din ang review niya kaya gusto na lang namin magpahinga dito sa apartment kesa lumabas.Natigilan naman ako sa tanong ni Niko at bahagyang nalungkot dahil ramdam kong gusto na niyang magka baby kami. Hindi na nga kami gumagamit ng kahit na anong protesyon pero wala pa din eh. Ayaw ko kasing magpa checkup dahil natatakot akong sabihan ng doctor na hindi ako magkakaanak. Napaka pessimistic! Nakakatawa dahil kung sino pa ang nurse, siya pa ang takot magpatingin. Irregular kasi ako at minsan nga umaabot pa hanggang tatlong buwan na wala akong dalaw."Hindi pa siguro right time. Hindi pa tayo okay sa family natin lalo na ang family mo.." Mahina kong sagot sa kanya."It's okay baby. With or without a baby, I will still love you the same." Pang-aalo niya sa akin dahil napansin niya siguro ang biglang pag tamlay ko.Napaka sweet at considerate ni Niko. Hanggang ngayon ay wala pa din akong maipipintas sa kanya. Napaka swerte ko sa asawa ko. Ngumiti naman ako sa kanya at kinintalan siya ng halik sa labi."Asawa ko? Gising na.." Masuyo ko siyang ginising dahil exam day niya ngayon! Agad naman siyang nagmulat at pupungas pungas na ngumuso kaya agad ko naman siyang dinampian ng halik sa mga labi. Kahit kagigising lang niya, napaka gwapo pa din!
Mabilis na siyang bumangon at naligo. Buti na lang at off ko ngayon kaya ipinagluto ko din siya ng almusal."Good luck sa exam mo asawa ko! Kayang kaya mo yan! If you need anything, text mo lang ako ha? Dito lang ako sa bahay." Bilin ko sa kanya nang maihatid ko siya sa labas."Thank you, baby! I love you!" Nagulat ako nang bigla niya hapitin sa bewang ko at siniil pa niya ako ng halik at ngumisi pa pagkatapos. Good luck kiss daw! Napangiti na lang ako nang tuluyan na siyang umalis. Napaka sweet! Sana hindi ka magbago.Naglinis na lang ako ng apartment dahil wala akong magawa at tanghali na nang matapos ako. Agad na din akong nagluto ng lunch dahil kumakalam na din ang sikmura ko. Nang patapos na akong magluto ay merong kumakatok sa pintuan kaya napakunot noo ako. Imposible namang si Niko ‘yan dahil buong araw ang exam nila.
“Sino ‘yan?” Tanong ko pero hindi sumagot ang nasa labas kaya binuksan ko na lang ang pintuan. Halos malaglag naman ang puso ko sa gulat nang makitang ang mommy ni Niko ang nasa labas! Agad ko namang niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan."G-good afternoon po. Pasok po kayo." Nauutal ako sa kaba! This is so unexpected! "Nag i-exam pa po si Niko ngayon.” Sabi ko pa nang hindi niya ako pinansin at pasimpleng sumisilip sa loob ng bahay.“So, ibinabahay ka na pala ng anak ko.” Nakataas ang isang kilay niyang sinabi. Ang lakas ng kabog ng puso ko! Pakiramdam ko nasa isang teleserye kami ngayon at sasabihan niya akong layuan ang anak niya!“U-uh kumain na po ba kayo? Gusto niyo pong kumain? Nagluto po kasi ako ng sinigang na baboy.” Hindi ko alam kung paano siya sasagutin sa sinabi niya dahil ayaw ko namang pangunahan si Niko sa pagsasabi sa pamilya niya."Well, you don’t have to answer because it's pretty obvious!" Sabi niya sa akin sabay tingin sa akin ng nanunuri mula ulo hanggang paa. Napatingin naman ako sa suot kong tshirt ni Niko at maiksing cotton shorts kaya hindi ito kita. Napatungo na lang ako at hindi ko alam kung paano ko sasalubungin ang nanunuri niyang tingin sa akin."Alam mo naman sigurong engaged na ang anak ko kay Gabrielle hindi ba?" Sabi nito sa mataas na tono. Hindi ako nakasagot at nanatili lang nakatungo."Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Hindi ba sinabi sa’yo ni Paulo na after niyang mag exam ay lilipad na siya agad patungong US para mag masters?”Nagulat ako at kumabog ng husto ang puso ko kaya bigla akong nag-angat ng ulo at napatingin sa kanya na gusto kong pagsisihan dahil halos tumagos hanggang kaluluwa ko ang mga titig niya!"Alam kong alam mo, na I don't like you for my son. Habang maaga pa, ikaw na ang lumayo kung ayaw mong masaktan. Pinaglalaruan ka lang ng anak ko at pinagsasawaan dahil alam niyang aalis na siya!" Nakangisi pa nitong sabi sa akin. Kumuyom ang mga palad ko dahil hindi ko na halos malunok ang mga sinasabi niya."Pasensiya na po kayo pero hindi ko po magagawang layuan ang anak niyo.” Mahinahon kong sagot kahit sa totoo lang ay gusto kong ipagsigawan sa mukha niya kinasal na kami ng anak niya. Iniisip ko pa din na ina siya ng asawa ko kaya nararapat lamang na respetuhin ko pa din siya."Oh.. Matapang ka din pala hija." Sabi niya sa akin na nakataas pa din ang kilay. Tumalikod na siya at dumiretso na sa pintuan pero muli pa siyang lumingon sa akin bago tuluyang makalabas."One more thing hija..kasama niya si Gabrielle papuntang America. Doon sila mag-aaral pareho. Alam mo bang kaya pinayagan siya ng daddy niya na dito mag review dahil pumayag na siya sa kasunduan." Sabi niya nang nakangisi at tuluyan nang lumabas.Para akong nanigas sa kinatatayuan ko sa mga nalaman ko!Kahit nilalamon na ako ng anxiety sa pinagsasabi ng mommy ni Niko ay ayaw ko munang basta-basta na lang maniwala. Kailangan muna naming pag-usapan ‘to. Bakit hindi? Mag-asawa na kami! Yan ang gusto kong isigaw sa pagmumukha ng mommy niya kanina.Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko pa ito pwedeng sabihin kay Niko ang tungkol dito dahil meron pa siyang exam bukas kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay hindi ako nagpahalata."Hi! How's my baby? I missed you!" Sinalubong ko siya kaagad ng yakap pagkapasok pa lang niya ng pintuan. Gumanti naman siya agad ng yakap at kinintalan ako ng halik sa labi.No. Hindi ko kayang mawalay sa asawa ko."Na miss? Agad-agad?" Biro ko sa kanya pero sa totoo lang mas na miss ko siya at parang ang tagal naming di nagkita. Ni hindi ko nga magawang bumitaw sa kanya. Pakiramdam ko kasi kapag bumitaw ako sa kanya ay bigla na lang siyang mawawala. Ayaw ko man ay hindi ko mapigila
"Get up lazy bones! Let’s go out!” Masayang sabi ni Niko at umupo siya sa kinahihigaan ko at hinaplos ako sa pisngi.Alam kong nag-aalala siya sa akin nitong mga nakaraang araw dahil lagi akong walang energy at nakakatulog ako agad pagka-uwi galing trabaho. Night shift na kasi ako kaya malamang ay dahil ‘to sa puyat at mababa din ang blood pressure ko. Idagdag pa ang alalahanin ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa nababanggit kay Niko ang tungkol sa sinabi ng mommy niya. Natatakot kasi akong malaman..na baka totoo nga. Natatakot akong malaman na aalis nga siya lalo pa at kasama si Gab.Hindi na din maipagkakaila ang ilap at lungkot sa mga mata niya at may mga pagkakataon na nahuhuli ko siyang nakatitig lang sa akin na tila mini-memorya niya ang bawat hugis sa mukha ko. Kaya lalo lang akong naduwag na itanong sa kanya ang bagay na ‘yon. Pero alam kong hindi ko na dapat ito patagalin pa dahil lalo lang bumibigat ang dibdib ko.
"Hi! How's my baby?" Tanong ni Niko pagka sagot ko sa video call niya.Napangiti naman ako kaagad at umayos ng pagkakahiga. Isang buwan na din ang nakalipas pero sobrang lungkot ko pa din. Ipinagpapasalamat ko na lang na may video call kaya kahit malayo siya ay nagkikita pa din kami araw-araw. Hindi ko nga lang siya mayakap!"Masaya kasi nakita na kita!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Napangiti naman siya ng matamis kahit mukhang kagigising pa lang niya. “Kumusta ka diyan? Malapit na mag start class mo?" Tanong ko naman sa kanya."Next week na. I miss you so much baby!" Naka pout nitong sabi kaya natawa ako sa itsura niya. Miss na miss ko na siya!Nagtagal din ng isang oras ang pag-uusap namin. Minsan umaabot kami ng dalawang oras pero alam niya kasing may pasok pa ako bukas kaya ayaw niya akong mapuyat. Nakapasok kasi agad sa isang private hospital na malapit lang sa bahay nila tita.Napapikit
"Salamat sa paghatid, Von. Ikukumusta ba kita kay Max?" Biniro ko pa siya pagkababa ko ng sasakyan niya dahil ayokong ipahalata ang bigat ng dibdib ko. Kanina pang gustong tumulo ng luha ko.Kaagad na akong nagpaalam sa lolo at daddy ni Niko pagkatapos naming mag-usap ng mommy niya at nagdahilan na lang ako na sumakit ang ulo ko. Hindi ko na din nakita ang ate ni Niko kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Magtataxi na lang sana ako nang magpilit si Von na ihatid ako kaya hindi na ako nakatanggi.Tipid lang itong ngumiti. "Hmm alam ko na kung saan kita papasyalan, Jazzy." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa bahay ni tita Jelai."Oo naman, welcome ka dito. Pasok ka muna?""Hindi na para makapagpahinga ka na din. Oh paano? Mauuna na ako ha? Pasok ka na Jazzy." Hinintay pa niya akong makapasok bago tuluyang umalis.Pagka-akyat ko ng kwarto ay bumuhos agad ang luhang kanina ko pa tinitimpi. Laking pasasalamat ko na lang na hindi ako bumigay k
Pagkagising ko kinaumagahan ay halos hindi ko maimulat ang mga mata ko sa sobrang pagkamugto nito. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko dahil umaasa akong magpapaliwanag si Niko..na wala lang ‘yon at nagkakamali lang ako ng iniisip. Na wala naman talagang dahilan para umiyak ako.Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa pag-iyak nang wala man lang kahit isang message akong natanggap mula sa kanya. Ilang araw at gabi kong nilabanan ang sarili ko sa pag-iisip na baka kung ano nang nangyari sa kanya pero mukhang okay na okay naman siya.Lalo lang akong naiyak nang maalalang may buhay sa loob ng sinapupunan ko at ni hindi man lang alam ni Niko ‘to. Umagang umaga ay pag-iyak ang inatupag ko!Kahit wala akong kagana gana ay pinilit ko pa din ang sarili kong bumangon at kailangan kong magpunta sa OB ngayon. Napahawak ako sa aking tiyan at nagawa ko pa ding ngumiti. Magiging maayos din ang lahat baby ko."Ate Jaz
Napakunot noo ako nang mayroong kumatok sa pintuan na napakalakas habang nanonood ako ng tv sa sala. Hindi ba naisara ni Andrew ang gate? Sigurado akong hindi siya 'yan o si tita dahil may sarili naman silang mga susi. Nag-aalangan akong buksan pero wala naman sigurong magnanakaw ng ganitong oras at tanghaling tapat. Kaya nagkibit balikat na lang ako at binuksan ito."Oh my gosh!" Halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw ni Max! At halos mapanganga din ako dahil hindi ko ini-expect na makita siya! Nasa likuran naman niya si Jen at Jeff na tumatawa sa kaingayan niya.Hindi naman ako nasurprisa sa presensiya ni Jen at Jeff dahil madalas nila akong puntahan dito sa bahay. Si Jeff kasi ay dito na sa Manila ipinagpatuloy ang med school nang malaman niya ang nangyari sa akin.Kaagad naman akong niyakap ni Max at sumunod naman si Jen na akala mo ay hindi kami nagkikita. Halos every weekend nga ay pinupuntahan niya ako basta hindi siya abala sa trabaho."Uy, tama na
“Baby boy Gonzales out!" Masayang sigaw ng OB ko.Kahit hapong hapo ako mula sa pagli-labor at pag-ire ay nakahinga na ako ng maluwag nang marinig ko ang iyak ng baby ko.“Heto na po ang baby niyo, ma’am.” Sabi ng nurse sa akin at ipinaranas sa akin ang unang yakap.“Hi baby..” Bati ko sa anak ko.Hindi ko na napigilan ang mga luhang nag-uunahan na sa pagtulo ng masilayan at mayakap ko siya. Napakaliit niya at mamula mula ang kutis. Napangiti ako habang lumuluha dahil walang makakapantay sa kaligayahan na narararamdaman ko ngayon. Pawing pawi ang lahat ng sakit at paghihirap na naranasan ko! Isa na nga akong ganap na ina. Pangako anak, pupunuin kita ng pagmamahal.“Kukunin ko na po muna si babay ma’am ha?” Sabi sa akin ng nurse makalipas ang ilang sandali at ipinasa niya ito kay Ethan na
"Really mommy?! You not joking?" Nabubulol at nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ng anak ko nang sinabi kong pupunta kami sa mall ngayon."Uh-huh! Mommy’s not joking po so get up na. Let’s take a bath na kasi lapit na si daddy doc!” Kanina ko pa kasi siya ginigising pero napasarap yata ang tulog niya ngayon.Napasinghap naman siya at kaagad na ngang bumangon! Naku, basta pasyal talaga ay napaka alisto."Lagot! Di pa nakaligo ‘yang baby na ‘yan. Aalis na si daddy doc niya!" Biro naman ni tita na nasa may pintuan na pala."Oh no! Mommy please hurry up! I’ll take a bath now!” Natawa na lang kami ni tita sa istura niyang aburido na at nagmamadali. Nagpa cute eyes pa kaya halos matunaw naman ang puso ko. Pagkatapos ko siyang paliguan ay si tita na ang nag boluntaryong bihisan siya para makaligo na din ako. Napangiti na lang ako dahil excited na excited na siya at minadal
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng