“Baby boy Gonzales out!" Masayang sigaw ng OB ko.
Kahit hapong hapo ako mula sa pagli-labor at pag-ire ay nakahinga na ako ng maluwag nang marinig ko ang iyak ng baby ko.
“Heto na po ang baby niyo, ma’am.” Sabi ng nurse sa akin at ipinaranas sa akin ang unang yakap.
“Hi baby..” Bati ko sa anak ko.
Hindi ko na napigilan ang mga luhang nag-uunahan na sa pagtulo ng masilayan at mayakap ko siya. Napakaliit niya at mamula mula ang kutis. Napangiti ako habang lumuluha dahil walang makakapantay sa kaligayahan na narararamdaman ko ngayon. Pawing pawi ang lahat ng sakit at paghihirap na naranasan ko! Isa na nga akong ganap na ina. Pangako anak, pupunuin kita ng pagmamahal.
“Kukunin ko na po muna si babay ma’am ha?” Sabi sa akin ng nurse makalipas ang ilang sandali at ipinasa niya ito kay Ethan na siyang pedia ng baby ko.
"Hello baby! I’m your daddy Ethan! I’m so happy to finally meet you." Mahina ang pagkakasabi niya pero narinig ko ‘yon.
Natigilan ako pero muli akong napangiti dahil deserve naman niyang matawag siyang daddy ng anak ko dahil halos siya naman talaga ang naging karamay ko mula nang malaman kong buntis ako hanggang ngayon. Sobra sobra ang pasasalamat ko sa kanya dahil hindi niya kami pinabayaan ni Aedin. Nakita ko pa siyang pinagpapawisan kanina habang umiire ako at kung pwede nga lang niya akong tulungan sa pag-iire ay ginawa na niya.
Napailing na lang ako at gusto kong matawa nang makita ko siyang todo iwas na mapunta sa paanan ko. Lagot talaga siya sa akin kapag dumako siya roon. Siya na mismo ang nag asikaso kay Aedin at hindi na niya ito ipinagkatiwala pa sa nurse.
"Super cute at healthy ng baby boy natin!" Sabi sa akin ni doc at nagpasalamat naman ako sa kanya bago ako tuluyang nakatulog. Alam ko naman na hindi pababayaan ni Ethan ang anak ko.
Kinabukasan ay agad namang bumisita ang mga kaibigan ko dahil sinabi na pala ni tita Jelai kay Jen. Tamang tama naman na patapos na mag dede sa akin si Aedin nang dumating sila kaya kaagad na siyang kinuha ni Jen sa akin.
"Grabe, ang cute naman ng inaanak ko! Aw may dimples pa oh tulad ni doc Ethan! Naku, kung hindi lang kayo parang pinagbiyak na bunga ng tatay mo, iisipin ko talagang si doc Ethan tatay mo eh!" Palatak ni Jen.
Napangiti naman ako ng mapait nang mabanggit niya ang ama ni Aedin na bigla na lang naglahong parang bula. Masakit pa din sa akin dahil ayaw ko man ay siya pa din ang itinitibok ng puso ko. Pero ayaw ko na munang isipin ‘yan. Napangiti na lang ako dahil meron na akong anak na pagbubuhusan ng pagmamahal ko. At tama nga si Jen, kamukhang kamukha ng anak ko ang tatay niya. May dimples lang si Aiden.
"Tumahimik ka nga diyan! Ako kaya ang kamukha ni baby." Sabad naman ni Jeff.
" Jaz, kahit baby pa kitang kita na kung sino kamukha. Nikong Niko! Napaka gwapo! Gigil si ninang sa’yo baby!" Sabi naman ni Max at kinuha si baby mula kay Jen.
"Don't say bad words, Max! Pinagpapasahan niyo na naman. Magsi-asawa na din kasi kayo!" Sita sa kanila ni Jeff. Napailing na lang ako at natawa dahil ang gugulo nila.
"HAPPY birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Masaya naming kinantahan si Aedin.
Naging mabilis ang mga araw at hindi ko namalayang tatlong taon na nga si Aedin. Sabi nila hindi madali ang maging solo parent pero halos hindi ko ‘yon naramdaman dahil madaming nakaalalay sa amin ng anak ko.
"Blow the candle na baby!" Sabi ko naman sa kanya at nagniningning pa ang mga mata niyang nakatingin sa fondant cake niyang two layers na may superman na theme.
"Make a wish muna, mommy?" Tanong naman niya sa akin at tumingala pa sa akin. Napaka gwapo at cute ng anak ko kaya halos malamog siya sa mga halik ko!
"Yes, baby!"
Kaagad naman siyang pumikit at pinagsalikop pa ang mga palad na tila nagdarasal. Natawa na lang ako dahil napaka bibo talaga niya. Pagkatapos niyang mag wish ay blinow na niya ang candle sa ibabaw ng cake niya at pumalakpak pa siya!
"What's your wish little man?" Lumapit na si Ethan sa amin at binuhat si Aiden.
"Oh, secret daddy doc! Lola said if I will tell you my wish then it won’t come true!” Nakanguso nitong sabi sa ninong niya. Napakadaldal niya sa edad niyang tatlo kahit medyo bulol pa siya. Nasanay na din kami kaya naiiintindihan naman namin. Tinawanan naman siya ni Ethan at pinupog siya ng halik.
"Ano na? Kumusta na kayo ni daddy doc?" Nakangising tanong ni Jen habang tinutulungan niya akong kumuha ng mga pagkain sa kusina.
"Ano ka ba? Mabait lang talaga ‘yong tao. May nililigawan nang iba ‘yon.” Sabi ko na lang pero sa totoo lang ay alam ko naman na may nararamdaman siya para sa akin dahil hindi naman ako manhid.
Minsan na din siyang umamin sa akin nang mag isang taon si Aedin pero sinabi niyang hindi ko naman kailangang tugunan ‘yon. Na guilty ako pero hindi ko naman kayang turuan ang puso ko. Mas magiging unfair ako kung susubok ako na may iba namang tinitibok ang puso ko. Naiintindihan naman niya ‘yon at isa pa kahit ano pang nangyari ay kasal pa din ako. Hindi ito magiging maayos sa harapan ng Diyos kung sakali. Pero kung sakali man na loloobin ng Diyos na umibig ako sa kanya ay kailangan ko munang magpa annul at nang sa ganoon ay walang maging problema.
Minsan nga pasimple ko siyang hinimok na manligaw sa iba katulad na lang ni Bless na kasamahan ko sa hospital na pinagtatrabuhan ko dahil bukod sa maganda siya ay mabuti pang tao. Pero katulad nga ng sinabi ko, mahirap nga naman talagang turuan ang puso.
"Aysus! Syempre pinagtutulakan mo!"
"Alam mo namang kasal pa din ako eh." Malungkot ko namang sabi sa kanya kaya napabuntong hininga na lang kaming dalawa.
"Papa doc! You're late!" Sigaw ni Aiden kaya napalingon kami ni Jen sa dumating na si Jeff.
Isa pa ‘to. Hindi siya pumayag na ninong ang itatawag sa kanya ni Aedin nang malaman niyang daddy ang tawag ni Aedin kay Ethan kaya ayan. Napangiti naman ako nang maalalang pati si Jeff ay nagtapat din sa akin. Hindi ko alam diyan kung na threatened ba siya kay Ethan dahil magkasunod lang silang nagtapat sa akin.
Parang kailan lang ay patay na patay pa ako sa kanya. Kaya daw siya umiwas noon sa akin ay dahil natatakot na din siya sa nararamdaman niya para sa akin. Baka masaktan lang daw niya ako at masira ang friendship namin kaya hindi na siya sumubok. Kung kailan gusto na niyang magtake ng risk ay may Niko na daw sa buhay ko. Nakita naman daw niya kung paano ako alagaan ni Niko noon kaya pilit daw niyang kinalimutan ang nararamdaman niya para sa akin.
Pero tulad ni Ethan ay naunawaan naman niya ako kaya lubos akong nagpapasalamat sa kanila. Akala ko nga ay magbabago na ang trato nila ni Ethan sa akin pero ganoon pa din. Tila balewala naman sa kanila kaya lubos akong natuwa. Pati nga si Aedin ay hindi naghahanap ng tatay dahil sobra sobra pa ang mga tatay niya na kung ituring siya ay parang tunay na anak talaga. At sana kahit pa lumaki na siya ay huwag na niyang hanapin ang tunay niyang ama dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya. Ayaw kong masaktan ang anak ko.
"I’m sorry po baby but look at this! Hmm.” Nakangisi naman sabi niya at inilabas ang regalo niya kay Aedin.
Napaawang naman ang mga labi ng anak ko nang makita niya ang maliit na bike na dala dala ni Jeff. Ayan na nga ang sinasabi ko..spoiled ang anak ko sa mga kaibigan ko at idagdag pa si mommy at sila tita Jelai.
"Oo nga pala, naghahanap kami ng site nurse ngayon at ini rekomenda kita!" Balewalang sabi sa akin ni Jen habang nagpapahinga kami sa salas. Hinihintay din namin si Max na nasa duty pa. Nasa labas naman ang mga boys at naglalaro sila ng basketball sa maliit na court ni Aedin.
Si tita naman ay nasa kusina at sinasamahan si manang Gina sa pag-aayos ng mga pinagkainan. Kumuha kasi kami ng kasama dito sa bahay para may kasalitan kami sa pag-aalaga kay Aiden noong bumalik ako sa trabaho nang mag isang taon siya.
Si mommy ay nagbakasyon din noong first birthday ni Aiden at halos ayaw na niyang bumalik at mami-miss daw niya ang apo niya pero kinailangan niyang bumalik. Plano ko ngang mag-apply na din doon kaya nag resign na ako sa hospital na pinagtatrabahuan ko.
"Ka re -resign ko nga lang di ba kasi mag-a-apply ako sa London. Tsaka bruha ka talaga! Alam ko naman kung kaninong kumpanya ka nagta trabaho." Sabi ko naman sa kanya.
Sa kumpanya nila Niko siya nagtatrabaho kaya kahit wala ng trabaho sa buong mundo ay hinding hindi ako aapak doon!
"Sige na.. pwede naman habang nag-a-apply ka? Kahit tatlong buwan lang! Para kasama kita.. please?" Nag pa cute pa siya at as if naman papayag ako.
"Ayoko! Makita ko pa iyong pinaka-iniiwasan ko diyan eh." Inirapan ko siya. Naku, ayoko nga!
"Naku sa opisina naglalagi yung mga big boss! Malayo mula doon yung site kung saan tayo magwo-work. Saka hindi siya yung may handle sa project na to. May office tayo sa mismong site, mga barracks nga lang pero maayos naman at de aircon din naman! Sige na Jaz.. sa office ka lang din at paper works din gagawin mo maliban na lang kung talagang may nangangailangan ng first aid." Para siyang helpless na nagmamaka awa sa akin!
"Eh bakit ba kasi atat na atat kang ipasok ako diyan?!" Nakakunot noo kong tanong sa kanya dahil nakakapagtaka talaga! Hindi naman niya ako inaya kahit kailan na magtrabaho sa kanila kahit noong nag a apply pa lang ako uli sa hospital kaya nagtataka talaga ako.
Nag-aalangan pa siyang sumagot. "Eh kasi kasalanan ko kung bakit nag resign yung site nurse namin. Kaya nagalit yung project manager sa akin at kailangan ko daw makahanap ng kapalit niya..asap." Napakagat labi pa nitong sinabi sa akin at halatang guilty ang bruha!
"Hay Jen! Naku! Ewan ko na lang talaga sayo! Paano pala kung di ako nag resign?"
"Eh di patay ako, Jaz.. kaya please please oh.." Pagmamaka-awa niya sakin. Napabuntong hininga na lang ako sa inis ko sa kanya.
Kung sabagay, sigurado namang hindi kami magkikita ‘non dahil wala naman siya dito sa Pilipinas. Hay, Jen! Kung hindi ko lang talaga kaibigan ‘to!
"Three months lang ha?!" Singhal ko sa kanya.
"Oo! Naku thank you Jaz! Hinding hindi ko ito makakalimutan!" Tila naman siya nakahinga ng maluwag at niyakap niya ako ng mahigpit!
"Really mommy?! You not joking?" Nabubulol at nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ng anak ko nang sinabi kong pupunta kami sa mall ngayon."Uh-huh! Mommy’s not joking po so get up na. Let’s take a bath na kasi lapit na si daddy doc!” Kanina ko pa kasi siya ginigising pero napasarap yata ang tulog niya ngayon.Napasinghap naman siya at kaagad na ngang bumangon! Naku, basta pasyal talaga ay napaka alisto."Lagot! Di pa nakaligo ‘yang baby na ‘yan. Aalis na si daddy doc niya!" Biro naman ni tita na nasa may pintuan na pala."Oh no! Mommy please hurry up! I’ll take a bath now!” Natawa na lang kami ni tita sa istura niyang aburido na at nagmamadali. Nagpa cute eyes pa kaya halos matunaw naman ang puso ko. Pagkatapos ko siyang paliguan ay si tita na ang nag boluntaryong bihisan siya para makaligo na din ako. Napangiti na lang ako dahil excited na excited na siya at minadal
“Isang buwan na lang!" Masaya kong sabi kay Jen pagkatapos naming kumain ng lunch."Mag-extend ka na Jaz..Gawin mo nang 6 months please? Malulungkot ako niyan eh." Maarte nitong sabi pero inirapan ko lang siya.Hindi naman mahirap ang trabaho ko dito at malaki din naman ang sahod kaso parang lagi akong kinakabahan. Wala akong peace of mind! Lalo na at alamkong nandito na siya sa Pilipinas. Ipinagpapasalamat ko na lang na sa dalawang buwan kong pagta trabaho dito ay hindi ko pa siya nakitang nagawi dito.Buti na lang at si Von pala ang may hawak sa project na ‘to. Nagulat siya nang makita niya ako dito at humingi siya ng pasensya nang hindi na daw niya ako nadalaw pa noon gawa ng lumipad din siya patungong Australia para kumuhang masters.Hindi rin naman niya nabanggit ang pinsan niya. Aware naman din siguro sila na wala na kami. I mean, na inabandona na niya kami.Hindi ko alam kung nag try din ba ang ate n
Years have passed and he has changed so much. He looks rough and gone is the sweet Niko I used to know. Well, I can't really tell dahil hindi naman ako ang babae sa buhay niya. But I must admit na lalo itong bumagay sa kanya. At nakadagdag pa ang kumpiyansa nito sa sarili. Napapailing na lang ako sa tinatakbo ng isip ko. Nasa unahan kasi sila at habang naglalakad kami ay kausap niya ang mga importanteng tao."Sweetie, my feet hurt!" Maarteng sabi ng babae sa kanya pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lamang sila sa paglalakad.I smirked upon hearing her whine. Sino ba kasing nagsabi na pwede siyang mag heels dito? Bukod sa hindi safe ay napaka uncomfortable din. Ano, gusto lang bang iparada ng lalaking 'yan ang girlfriend niya dito?"Celine, you can just stay in the office." Mahinahong sabi naman ni Rust dito dahil nga sa hindi siya pinansin ng sweetie niya. Tsk. Huh, may pangalan pala ang babae."But.." Magpo protesta pa sana ito nang magsal
"Is that you na mommy?! Mommy!" Sigaw ng anak ko kaya para akong naipako sa kinatatayuan ko!Hindi ako kaagad nakahuma pero muli itong sumigaw kaya wala na akong nagawa kundi sumagot sa kanya. "Yes, baby." Sagot kong parang namatanda."Aiden! Wait na lang natin si mommy dito sa loob!" Dinig kong suway ni Andrew sa kanya dahil kinakalampag na niya ang gate!Kung malakas na ang kabog ng puso ko kanina ay lalo pa ngayon! Nakita naman na niya si Aedin at kahit anong gawin ko ay alam kong hindi ko na siya maitatago sa kanya pero hindi ko pa din maintindihan. Kinakabahan ako!Aiden, huwag kang lalabas please.. Mag-isip ka, Jazzy! Lumingon ako kay Niko na para ding naitulos sa kinatatayuan pero wala na akong pakialam basta hinding hindi na dapat niya makita pa si Aedin!"Makakaalis ka na. Papasok na ako." Tipid kong sabi sa kanya pero bago ko pa mabuksan ang gate ay naunahan na ako ni Aedin!"Mommy! Mommy!" Nagtatatalon na ito at kaagad na nagpabuh
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng