Years have passed and he has changed so much. He looks rough and gone is the sweet Niko I used to know. Well, I can't really tell dahil hindi naman ako ang babae sa buhay niya. But I must admit na lalo itong bumagay sa kanya. At nakadagdag pa ang kumpiyansa nito sa sarili. Napapailing na lang ako sa tinatakbo ng isip ko. Nasa unahan kasi sila at habang naglalakad kami ay kausap niya ang mga importanteng tao.
"Sweetie, my feet hurt!" Maarteng sabi ng babae sa kanya pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lamang sila sa paglalakad.
I smirked upon hearing her whine. Sino ba kasing nagsabi na pwede siyang mag heels dito? Bukod sa hindi safe ay napaka uncomfortable din. Ano, gusto lang bang iparada ng lalaking 'yan ang girlfriend niya dito?
"Celine, you can just stay in the office." Mahinahong sabi naman ni Rust dito dahil nga sa hindi siya pinansin ng sweetie niya. Tsk. Huh, may pangalan pala ang babae.
"But.." Magpo protesta pa sana ito nang magsalita na si Niko.
"Yeah, you should rest." Sabi lang nito at agad itong bumaling kay Rust. "Pwede bang pasamahan mo na lang sa office, bro?" Pakiusap nito kay Rust. Pinasamahan naman siya ni Rust kay Engr. Greg.
Hindi ko napigilang mapasimangot. Gumagawa kasi sila ng eksena at nakakaabala na sila! Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin at bumaling sa iba nang biglang mapadako ang tingin niya sa akin. Nagpatay malisya na lang ako kahit sa totoo lang ay sobra sobra akong nagngingitngit sa loob ko.
I saw Jen made a face na tila ginagaya ang kaartehan ni Celine. Nahuli pa siya ni Rust pero mukha namang wala siyang pakialam kahit nakita pa siya nito. Lihim naman akong napangiti sa kabaliwan ni Jen.
Naging maayos naman ang paglilibot nila sa site pero lalo namang lumala ang pagkahilo ni Don Rodolfo. Napakainit kasi ng panahon at kahit pinapaypayan na siya ng personal nurse niya ay hindi 'yon uubra sa init ngayon.
"Are you okay, sir?" Tanong ng isa sa may-ari ng ginagawang university na ito nang mapansin niyang parang hinahapo ang don.
Ito kasi ang kaagapay namin sa paglalakad dahil may pinag-uusapan sila ng don. Kaagad din kaming napatigil ng personal nurse niya at tinignan siya. Tuwing tatanungin kasi siya ng nurse niya ay sinasabi niyang maayos lang siya.
"Ma'am, pwede bang ikaw na ang kumuha ng blood pressure ni Don Rodolfo? I che-check ko lang ang pulse rate." Pakiusap ng nurse niya sa akin kaya agad naman akong tumalima.
Tumigil na din ang lahat sa paglalakad nang mapansin nila kaming tumigil at tumingin sila kay Don Rodolfo nang nag-aalala.
"160/110, masyadong mataas ma'am. We have to take him to the hospital." Sabi ko naman sa nurse niya at kaagad naman itong sumang-ayon.
Akma namang lalapit sa amin si Brian nang unahan siya ni Niko. "Let's take him to the hospital then." Nag-aalala nitong sabi. Hindi ko naman alam kung kanino niya sinasabi 'yon pero naisip ko din na malamang 'yong personal nurse kaya kaagad akong tumabi.
Napakunot noo naman itong at tumingin sa akin kaya hindi ko din napigilan ang sariling mag taas ng kilay.
"Won't you come with us?" Sabi pa nito habang nakatingin sa akin. Napaawang naman ang mga labi ko pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ng project manager.
"Jazmin, sumama ka na para may kasama silang mag-a- assist kay sir!" Nag-aalala ding sabi niya.
"Ah o-okay sige po, sir." Nauutal ko namang sagot sa kanya. May magagawa pa ba ako?
Napatingin ako kay Jen pero sinenyasan pa ako nito na tila sinasabi niyang itaas ko ang bandera! Napangiti na lang ako sa mga kalokohan niya. Wala na nga akong nagawa kundi maging sunod-sunuran sa kanila.
Nang makarating kami sa parking ay kaagad nilang inalalayan si Don Rodolfo at isinakay sa sasakyan at sumunod naman ang personal nurse nito. Bakit parang wala naman na akong uupuan? Two seaters lang kasi sa harap at sa likod ang tatlo pero hindi na sila nag abala pang paraanin ako upang makaupo sana ako sa likod. Mabuti naman kung ganoon at babalik na lang ako sa site.
"B- Jaz, where are you going? Hop in." Nagmamadali namang sabi ni Niko sa akin at iginiya niya ako sa passenger's seat!
Bahagya pa akong napakislot nang marahan niya akong hawakan sa likod nang igiya niya ako pero hindi na nga ako nakahuma dahil emergency 'to. Kung hindi lang 'to emergency ay baka nabigwasan ko na 'to! Galit na galit ako sa kanya na ayaw kong magpahawak sa kanya! Eh bakit ganyan na lang kung makapagwala ang puso mo, sabi naman ng sutil kong isipan! Ugh! Napabuntong hininga na lang ako sa inis.
Lihim akong nagpasalamat nang mangahas magsalita ang personal nurse ng don dahil ilang sandali ding nakakabingi ang katahimikan!
"Nahihilo pa kayo, Don Rodolfo?" Tanong niya sa don kaya napalingon ako sa kanila.
"Yeah." Sabi lang ng don habang nakapikit siya.
Sandali naman akong napalingon kay Niko na seryosong seryoso sa pagmamaneho ng mabilis. Halatang nag-aalala ito sa lolo niya. Bakit hindi na lang niya pinabayaan si Brian ang maghatid sa lolo nila? Malamang pinsan niya din ito dahil may pagkakahawig sila. Moreno nga lang si Brian. Iniwan kasi niya 'yong girlfriend niyang nag-iinarte sa site. Baka masabunutan lang 'yon ni Jen. Lihim naman akong napangisi sa naisip ko.
Natigil ako sa pag-iisip nang kunin ng don ang atensyon ko. "Jazmin, hija, how have you been?" Tanong niya!
Nanlalaki naman ang mga mata ko at bahagyang napaawang ang mga labi sa pagkabigla! Grabe, para akong mahihimatay! He knew! Jazmin, get a grip on yourself! Nakikinig ang taong kinamumuhian mo!
"U-uh life has been tough but I'm good naman po." Nilingon ko siya at nginitian.
"I see. That's good. I haven't heard from you since then." Tila tunog malungkot nitong sabi at bumaling siya kay Niko pagkatapos niyang sabihin 'yon. Madali lang naman kung talagang gugustuhin nila akong kumustahin pero wala ni isa man lang sa kanila ang nangahas. "What happened, Niko?" Tanong niya kay Niko.
"Nagka problema lang lolo but we're trying to fix it." Balewala naman nitong sabi at sandali pa itong lumingon sa akin.
Hindi ko alam kung tama ang nakita ko sa mga mata niya at ayokong maniwala o magpadala. Magaling siyang magsinungaling. Paniniwalain ka niyang mahal ka niya pero iiwan ka na lang basta. Kaya hindi ko na naman napigilan ang sarili kong irapan siya. Huh! We're trying to fix it daw ha? Aba, oo. Ayusin natin ang annulment! Tama, panahon na para magpa annul ngayong nandito na siya.
"Well, you should. Because the way I see it? No, you're not." Sabi ng don sa kalmadong tono. Pero maya-maya ay nagsalita ulit ito at tila mainit na ang ulo.
"How can you fix your marriage when you are always with that woman? First love, my foot! Do you really think I had no idea what's going on? Marriage is sacred! You are giving me a serious headache Nikolas!" Halos pasigaw na siyang sumagot kay Niko kaya natigilan ako.
Kahit hindi ko nakikita ang personal nurse ng don ay sigurado akong gulat na gulat na siya sa mga naririnig niya. Sino nga bang mag-aakala na 'asawa' ako ng lalaking 'to na may ibang kalandian na ipinarada pa sa site?
Hindi ko din maiwasang mag-alala sa don dahil mataas na nga ang blood pressure nito ay nagagalit pa siya at baka lalo lang lumala.
Lumingon ako sa kanila at nakita kong hinahagod ng nurse ang braso ng don at pilit itong pinapakalma. Hindi rin nakaimik si Niko pero napabuntong hininga siya.
Bigla namang nag sink in sa akin ang sinabi ng don na first love. So, si Celine pala ang first love niya. But how about Gab?
Para namang may bumbilya na biglang umilaw sa aking isipan nang maalala ko ang unang beses na makilala ko ang mga magulang niya. Muntik nang may mabanggit na pangalan ang daddy niya noon.
'Ngayon lang kasi may ipinakilalang girlfriend itong si Nikolas after ni..' Pero obvious naman na pinutol ito ng ate niya.
So, pagkatapos niya ding pagsawaan si Gab ay bumalik siya sa first love niya? Ganoon ba? Huh! Iyong Mr. Perfect mo dati, Mr. Playboy pala. Pinaglaruan ka lang. Panakip butas. Napakuyom ako ng palad sa galit.
Kaagad namang inilipat sa isang suite ang don nang matignan ito sa emergency room. Magpapaalam na din sana ako dahil bumaba na din naman ang blood pressure niya at mukha naman siyang maayos na pero pinigilan niya ako.
"Hija, can I have a moment with you please?" Pakiusap niya sa akin dahil ako lang ang naiwan sa room niya maliban sa staff nurse na kumukuha ng vital signs niya at may inasikaso sandali ang personal nurse niya at si Niko.
Napatingin naman ako sa kanya at tumalima nang iumang niya ang upuan sa tabi niya. Nagpaalam na din ang staff nurse kaya nagpatuloy na siya sa pagsasalita.
"Hija, im sorry." Sabi niya at napabuntong hininga siya. Nagulat naman ako dahil sa pagso-sorry niya!
"W-wala naman po dapat kayong ihingi ng tawad sa akin, Don Rodolfo." Mahinahon ko namang sabi sa kanya.
"Please call me lolo, hija. I don't really know the reason kung bakit kayo naghiwalay. Wala pa siyang isang taon noon ay umuwi siya para sa'yo but I don't know what exactly happened at tila siya lugong-lugo kaya nagpasyang bumalik sa America." Malungkot nitong sabi.
"Baka nagkakamali po kayo na ako po ang inuwian niya dahil tatlong buwan pa lang po siya doon ay inabandona na niya ako lolo." Mahinahon ko ulit na sinabi pero hindi ko maitago ang pait sa tinig ko. Walang dahilan para hindi ako magsabi ng totoo.
Ngumiti lang ito ng tipid. "That stubborn boy!" Sabi niya at napailing.
"Hija, mayroon sana akong ipakikiusap sa'yo. You see tumatanda na ang lolo." Tumawa siya ng pilit at pinapakitang masigla siya pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi na ako umimik at hinayaan na lang na sabihin niya ang gusto niyang sabihin.
"I know my grandson loves you." Nakangiti pa din nitong sabi pero hindi ko napigilan pa ang sarili kong mapatawa ng mapait.
Napailing iling akong napatayo at humingi ng paumanhin sa kanya. Ayaw ko naman siyang bastusin dahil hindi ko 'yon ugali pero hindi ko kayang lunukin ang mga sinasabi niya sa akin at para bang gustong mag rebelde ng puso ko.
"Lolo, ipagpaumanhin niyo po pero mauuna na po ako." Magalang kong paalam sa kanya.
"Hihinihintay ka na ba ng anak mo?" Nakangiti niyang tanong.
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at halos malaglag ang panga ko sa gulat! Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hindi ako makapaniwalang alam niya!
"I want to see him, hija. I want to see my great grandson. Sana ay mapagbigyan mo ang matandang ito." Ngumiti siya ulit na para bang nagmamakaawa!
"Please hija.." Untag niya sa akin nang hindi pa din ako makapag salita.
Madami pang tumatakbo sa isipan ko.. but how can I say no to this old man? Oo, may sama ako ng loob sa kanilang lahat pero hindi ako kailanman pinakitaan ng masama ng lolo niya. At sa unang pagkakataon ay may nag acknowledge kay Aedin sa pamilya nila kaya sino ako para tanggihan ang munti niyang kahilingan?
"S-sige po." Nagningning ang kanyang mga mata nang pumayag ako pero sinabi ko sa kanya na wala munang dapat makaalam nito.
Nang matapos kaming mag-usap ay siya ding pagpasok ni Niko at ng personal nurse niya kaya tuluyan na nga akong nagpaalam sa kanya.
"Niko, ihatid mo si Jazmin." Nagulat ako dahil inutusan niya pa si Nikong ihatid ako! Lolo naman! Ugh!
"Hindi na po lolo. Kaya ko na po. Sige po mauuna na ako sa inyo." Sabi ko naman at akma na akong lalabas nang pigilan ako ni Niko at napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Dahan-dahan naman niya itong binitawan nang mapansin niyang nataigilan ako.
"Ihahatid na kita." Maawtorisado niyang sabi at nagpatiuna na siyang lumabas ng suite. Sumunod na lang ako sa kanya dahil magmumukha naman akong parang bata kung aayaw ayaw pa ako. At isa pa, ginabi na nga ako at siguradong kanina pa ako hinihintay ng anak ko.
Inis na inis ako sa sarili ko dahil naririnig ko pa ang kabog ng puso ko dahil napakatahimik sa loob ng sasakyan niya. Walang nangahas magsalita sa aming dalawa at wala naman talaga akong planong kausapin siya hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Salamat." Tipid kong sabi sa kanya at nagmamadali na akong bumaba ng sasakyan niya pagkarating na pagkarating namin at di na nag-abala pang lumingon sa kanya.
Nagulat naman ako nang papasok na sana ako sa gate nang narinig ko ang pagsara niya ng sasakyan niya at bumaba din pala siya!
"Jaz.." Tawag niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya nang nakakunot ang noo.
Magsasalita pa sana siya nang biglang sumigaw sa Aedin sa mula sa loob!
"Is that you na mommy?! Mommy!"
"Is that you na mommy?! Mommy!" Sigaw ng anak ko kaya para akong naipako sa kinatatayuan ko!Hindi ako kaagad nakahuma pero muli itong sumigaw kaya wala na akong nagawa kundi sumagot sa kanya. "Yes, baby." Sagot kong parang namatanda."Aiden! Wait na lang natin si mommy dito sa loob!" Dinig kong suway ni Andrew sa kanya dahil kinakalampag na niya ang gate!Kung malakas na ang kabog ng puso ko kanina ay lalo pa ngayon! Nakita naman na niya si Aedin at kahit anong gawin ko ay alam kong hindi ko na siya maitatago sa kanya pero hindi ko pa din maintindihan. Kinakabahan ako!Aiden, huwag kang lalabas please.. Mag-isip ka, Jazzy! Lumingon ako kay Niko na para ding naitulos sa kinatatayuan pero wala na akong pakialam basta hinding hindi na dapat niya makita pa si Aedin!"Makakaalis ka na. Papasok na ako." Tipid kong sabi sa kanya pero bago ko pa mabuksan ang gate ay naunahan na ako ni Aedin!"Mommy! Mommy!" Nagtatatalon na ito at kaagad na nagpabuh
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,