"Is that you na mommy?! Mommy!" Sigaw ng anak ko kaya para akong naipako sa kinatatayuan ko!
Hindi ako kaagad nakahuma pero muli itong sumigaw kaya wala na akong nagawa kundi sumagot sa kanya. "Yes, baby." Sagot kong parang namatanda.
"Aiden! Wait na lang natin si mommy dito sa loob!" Dinig kong suway ni Andrew sa kanya dahil kinakalampag na niya ang gate!
Kung malakas na ang kabog ng puso ko kanina ay lalo pa ngayon! Nakita naman na niya si Aedin at kahit anong gawin ko ay alam kong hindi ko na siya maitatago sa kanya pero hindi ko pa din maintindihan. Kinakabahan ako!
Aiden, huwag kang lalabas please.. Mag-isip ka, Jazzy! Lumingon ako kay Niko na para ding naitulos sa kinatatayuan pero wala na akong pakialam basta hinding hindi na dapat niya makita pa si Aedin!
"Makakaalis ka na. Papasok na ako." Tipid kong sabi sa kanya pero bago ko pa mabuksan ang gate ay naunahan na ako ni Aedin!
"Mommy! Mommy!" Nagtatatalon na ito at kaagad na nagpabuhat sa akin. Diyos ko! Pinaghahalikan pa ako nito sa mukha.
"B-baby, dirty pa si mommy." Nanginginig kong suway sa kanya.
"Aiden, kulit mo-" Napatigil si Andrew nang makita niya si Niko at halatang gulat na gulat din ito.
Nang makabawi siya ay napasimangot siya at akma niyang kukunin na si Aedin pero mas hinigpitan pa nito ang pagkakayapos sa akin! Sinenyasan ko naman si Andrew na ayos lang kaya kaagad na siyang pumasok sa loob pero tinignan pa niya ng masama si Niko!
"Who is he, mommy?" Nagulat ako nang tanungin ako ni Aedin nang mapansin niya si Niko na nakatulala pa din. "Where's my daddy doc?" Tanong pa nito sa akin.
"He's still in the hospital. Pasok na tayo." Sabi ko naman.
"Who is he, mommy?" Tanong ulit nito at tumingin kay Niko. Hindi na ako nito hinintay na magsalita at nagpakilala na naman siya! "Hi po! My name is Paul Aiden Ven-" Kaagad kong tinakpan ang bibig niya.
"Mommy?! Why did you do that?" Singhal niya nang natanggal niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.
"Sorry, baby. Let's get inside now." Hindi na ako lumingon pa at tumalikod na kami ni Aedin nang magsalita si Niko!
"Hi Paul Aiden! C-can I..can I hug you?" Garalgal na sabi ni Niko!
Para siyang maiiyak kaya napalingon ako sa kanya at may namumuo ngang luha sa kanyang mga mata! Halos maestatwa din ako sa sinabi niya kaya halos hindi ko namalayang nakababa na pala si Aedin mula sa akin at walang pag-aalinlangan siyang lumapit kay Niko!
Lumuhod si Niko at kaagad na niyakap si Aedin nang makalapit ito. Hindi ako makapaniwalang gumanti din ng yakap ang anak ko! Para akong naitulos sa kinatatayuan ko nang makita ko pang tumulo ang mga luha niya!
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! Galit ako sa kanya at gusto kong ipagdamot sa kanya di Aedin dahil muntik na 'tong mawala sa akin dahil sa kanya pero bakit parang hinihipo ang puso ko at para na itong matutunaw sa nasasaksihan ko ngayon? Bakit ako naiiyak? Kaagad kong pinalis ang luhang nakatakas sa aking mga mata.
"Why are you crying? My daddy doc and papa doc said big boys don't cry." Marahang sabi ng anak ko nang mapansin niyang umiiyak si Niko at para siyang matandang nang-aalo ng batang umiiyak!
"No, no..I'm..I'm just happy." Sabi naman ni Niko at kahit umiiyak siya ay nakangiti pa din.
Hinaplos niya sa pisngi si Aedin na tila curious na curious na nakatingin sa mukha ng ama niya ngayon. Nagngitian pa silang dalawa at muli niyang niyakap si Aedin.
"Jaz, can we talk?" Tanong nito sa akin habang binubuhat si Aedin!
Para pa din akong namatanda at hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi rin ako makapaniwala sa anak ko na kay bilis nagtiwala kay Niko! Ito na nga ba iyong tinatawag nilang lukso ng dugo?
Kahit gusto ko siyang sigawan ay hindi ko magawa dahil nandito sa Aedin! Bakit para siyang maamong tupa ngayon ha? Bakit siya umiiyak iyak kung tinalikuran niya kami ng ilang taon!
"Baby, punta ka na kay tito Andrew sa loob at mag play na kayo ha?" Sabi k okay Aedin at akma siyang kukunin na mula kay Niko pero yumapos pa siya lalo sa leeg ni Niko at isinandig pa niya ang ulo niya sa balikat nito!
Hindi ako nakahuma at hindi ako makapaniwala sa inasta ng anak ko!
"It's okay, Jaz." Sabi ni Niko pero inirapan ko lang siya! Anong okay doon?
"I'm sleepy, mommy." Sabi pa nito habang hinahaplos ni Niko ang buhok niya!
Napabuntong hininga na lang ako at naisip na baka na miss niya lang si Ethan dahil ilang araw din namin siyang hindi nakita. Ilang araw kasi siyang nag seminar sa Singapore at diretso duty pa siya pagkauwi niya.
"Pasok ka." Wala na nga akong nagawa kundi papasukin siya dahil ayaw nang bumitaw ni Aedin sa kanya.
"Good evening po." Pagbibigay galang niya kay tita dahil nadatnan namin siyang nanonood ng tv sa salas.
Tumango lang at tila hindi naman na nagulat si tita nang makita niya si Niko dahil nabanggit na din siguro ni Andrew na nakasimangot ngayon.
"Aysus, si Aiden oh! Na mi miss mo lang ang daddy doc mo eh!" Tudyo pa nit okay Aedin pero alam ko naman na nagpapasaring lang it okay Niko.
Sinuway naman ni tita si Andrew at nagpaalam na din itong matutulog na kaya pinatay na din niya ang TV. "Drew, umakyat ka na din at maaga ka pa bukas." Sabi pa niya nang hindi kumilos sa kinauupuan niya si Andrew. Pakiramdam ko nga ay gusto niyang suntukin ngayon si Niko pero wala na nga siyang nagawa kundi tumalima dahil hinintay siya ni tita Jelai.
"Akin na ang anak ko at iaakyat ko na siya." Sabi ko sa kanya makalipas ang nakakailang na sandali.
Lumapit ako sa kanya para kunin si Aedin pero para akong napaso nang hindi sinasadyang dumikit ang mga kamay ko sa braso niyang nakayakap sa anak ko. Kumabog din ng malakas ang traydor kong puso kaya mabilis ko nang kinuha mula sa kanya si Aedin.
"Mommy, I'm starving. I want Jollibee!" Ungot ni Aedin sa akin at hinalikan pa ako sa pisngi. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong mapangiti dahil napaka sweet niya talaga.
"I thought you're sleepy? Hindi ka pa kumain?" Malambing ko namang tanong sa kanya.
"I want French fries, mommy!" Excited nitong sabi sa akin.
"Okay, mommy will buy french fries tomorrow. Rice muna ngayon kasi gabi na, okay?"
"I will buy-" Sabi naman ni Niko pero hindi ko na siya pinatapos.
"Ibibili ko siya bukas. Bakit hindi ka na din umuwi? Gabing gabi na at baka hinahanap ka na ng girlfriend mo." Malamig kong sabi sa kanya. Hindi ko na talaga napigilan pa ang sarili ko!
"Pwede ba tayong mag-usap?" Marahan niyang tanong.
"Hindi pa ba tayo nag-uusap? Sige na at patutulugin ko na ang anak ko." Dire-diretso kong sinabi sa kanya.
Napabuntong hininga na lang siya. "Okay pero babalik ako. We will talk, no, we should talk." Hindi na ako nakahuma dahil kinausap na nito si Aedin at nagpaalam.
"Ba-bye po!" Sabi naman ng anak ko.
Ang kapal din naman ng pagmumukha niyang sabihing kailangan naming mag-usap?! Kung may dapat man kaming pag-usapan ay ang annulment na ifa-file ko sa lalong madaling panahon. Gusto ko namang kurutin ang sarili ko dahil parang ba ang sinasabi ng puso kong traydor!
"Mommy! Wake up na! You will buy me french fries today!"
Napaungol naman ako nang pupugin na naman ako ng halik ni Aedin. Halos inumaga na kasi ako nakatulog dahil sa letseng lalaki na 'yon.
"Mommy!" Pangungulit pa nito sa akin. Hindi na talaga nakalimutan ang French fries!
"Later baby at kagigising ni mommy oh." Pupungas-pungas ko naman sinabi sa kanya.
"Okay, mommy!" Tumatalon talon na naman siya sa kama kaya tuluyan na ngang nagising ang diwa ko.
Napabuntong-hininga ako nang maalalang kailangan ko palang dalhin si Aedin ngayon kay Don Rodolfo. Buti na lang at day off ko ngayon. Ipapasyal ko na din sa mall si Aedin mamaya pagkatapos naming bumisita sa don.
"Baby?" Untag ko sa kanya dahil busy na itong nanonood ng coco melon sa tablet niya. Pinapayagan ko siyang manood sa tablet niya pero nililimitahan ko ito.
"Do you want to see your great grandfather?" Tanong ko sa kanya nang lingunin niya ako.
"Great, mommy?" Tila naguluhan niyang tanong sa akin.
"I mean, your lolo, anak? Do you want to see your lolo?"
"My lolo Gilbert is in Saudi mommy. Is he going home again?" Ang tinutukoy niya ay ang asawa ni tita Jelai. Kababakasyon niya kasi noong nakaraang taon.
"No, baby. Your daddy's lolo." Parang gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko dahil mahihirapan akong mag explain nito.
"My daddy's lolo? Daddy doc's lolo?" Kahit masasabi kong matalino siya sa edad niyang 'yan ay alam kong mahihirapan pa din siyang maunawaan ito. Si Ethan na ang kinikilala niyang ama.
"No, anak. Your real daddy's lolo." Napabuntong hininga na lang ako. "Basta meron tayong lolo na papasyalan ngayon sa hospital." Sabi ko na lang sa kanya.
"Hospital? Is he sick mommy?"
"Yes, baby. He wants to see you so you behave, okay?"
"Yes, mommy! And then we will go to Jollibee?" Nanlalaki na ang nga mata nitong tanong.
"Of course, baby!"
Sumabay na lang kami kay Andrew dahil malapit din doon ang pupuntahan niya. Binilhan na din siya ng kotse niya nang mag eighteen siya. Alam na din nila ni titan a pupuntahan namin ang lolo ni Niko dahil pahapyaw ko na ding naikwento kanina.
Habang paakyat kami ni Aedin sa suite ng lolo niya ay bahagya pa din akong kinakabahan kahit na nag-usap naman na kami na sisiguraduhin niyang siya lang ang tao sa suite niya sa oras na dumating kami ng anak ko.
Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pintuan nang makarating kami ni Aedin. Kaagad ko naman siyang nakita na nakaupo at halatang naghihintay na siya sa amin.
"Hija! Please come in!" Masayang sabi nito at kumikislap ang mga mata nito sa tuwa. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil alam kong tama ang naging desisyon kong hindi ipagdamot si Aedin sa lolo niya.
"Aedin?" Nasa likuran ko kasi siya at tila natatakot na pumasok. Lumuhod naman ako para makapantay ko siya. "Don't be scared. He's your lolo." Malambing kong sabi sa kanya at saka ko na siya binuhat upang makalapit na kami kay lolo.
"Oh my! He's the spitting image of his father! Come here apo.. I am your lolo Rodolfo." Naluluha nitong sabi kay Aedin.
Tumingin sa akin ang anak ko na tila nagtatanong kung lalapit ba siya kaya nginitian ko siya at tinanguan saka ko siya ibinaba.
Nakabuka naman ang mga kamay ni lolo at hinihintay ang pagyakap ni Aedin sa kanya. Hindi naman ito nabigo dahil yumakap ito sa leeg niya. Tuluyan na ngang naluha ang matanda. Hindi ko din tuloy napigilan ang sarili kong maluha.
"I am so sorry apo. I'm sorry, Jazmin. Had I known.." hindi na nito natapos ang sasabihin dahil masyado siyang naging emosyonal.
"Oh, I'm sorry. Did I scare you?" Tumatawa na nitong tanong kay Aedin nang mapansin niyang tumingin sa akin ito na tila nagpapasaklolo. Nagtataka siguro siya kung bakit umiiyak ang lolo. "So, what's this little boy's name?" Tanong nito sa anak ko.
"My name is Paul Aedin Ventura and I am three years old!" Bibo naman nitong sagot at tinaas pa ang tatlong daliri nito.
"Oh!" Namangha ang matanda at natuwa sa pagka bibo ni Aedin at malamang sa kaalaman na isinunod ko pa din ang apelyido ni Aedin sa kanila sa kabila ng lahat.
Tumingin sa akin si lolo. "Jazmin, thank you." Nakangiti nitong sabi sa akin kaya gumanti lamang ako ng ngiti sa kanya.
Kaaagad namang nakapalagayan ng loob ni Aedin ang kanyang lolo at masaya pa silang nagkwentuhan pero kalaunan ay nainip na siya at nag-aaya na sa Jollibee.
"Tawagan niyo lang po ako kung kailan niyo po ulit gustong makita si Aedin." Sabi ko sa kanya bago kami umalis.
"I can't thank you enough, Jazmin! Pahatid ko na kayo sa driver ko."
"Hindi na po lolo at susunduin po kami ng pinsan ko." Sabi ko na lang pero sa totoo lang ay nakalimutan kong i-text si Andrew.
"Alright. Mag-iingat kayo ha?" Sabi niya at humirit pa ng isang yakap kay Aedin.
Napatingin naman ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. At halos nanigas ako sa aking kinatatayuan nang iluwa nito ang mga taong ni sa bangungot ay ayaw kong makita!
"Hi, papa!" Masayang bungad ng madame pero nagulat ito nang makita si lolo na may batang kayakap.
Napatingin silang lahat sa akin at lalo pa silang na estatwa nang lumingon sa kanila si Aedin.
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar