“Isang buwan na lang!" Masaya kong sabi kay Jen pagkatapos naming kumain ng lunch.
"Mag-extend ka na Jaz..Gawin mo nang 6 months please? Malulungkot ako niyan eh." Maarte nitong sabi pero inirapan ko lang siya.Hindi naman mahirap ang trabaho ko dito at malaki din naman ang sahod kaso parang lagi akong kinakabahan. Wala akong peace of mind! Lalo na at alamkong nandito na siya sa Pilipinas. Ipinagpapasalamat ko na lang na sa dalawang buwan kong pagta trabaho dito ay hindi ko pa siya nakitang nagawi dito.Buti na lang at si Von pala ang may hawak sa project na ‘to. Nagulat siya nang makita niya ako dito at humingi siya ng pasensya nang hindi na daw niya ako nadalaw pa noon gawa ng lumipad din siya patungong Australia para kumuhang masters.Hindi rin naman niya nabanggit ang pinsan niya. Aware naman din siguro sila na wala na kami. I mean, na inabandona na niya kami.Hindi ko alam kung nag try din ba ang ate niyang i-contact ako dahil mula nang muntik na mawala sa akin ang anak ko ay nag deactivate na din ako ng mga social media accounts ko at nagpalit din ako ng mobile number. Ayaw ko na din magkaroon ng ugnayan sa kanila.Si Rust naman ang isa sa mga architect dito. Hindi nga lang sila nagpapansinan ni Jen. Ang nai kwento lang ni Jen dati ng dahilan ng paghihiwalay nila ay naka focus sila sa mga kanya-kanya nilang career. Nawalan sila ng time sa isa’t isa pero pakiramdam ko naman ay mahal pa nila ang isa’t isa at pilit lang nila itong tinitikis."Pinagbigyan lang kita, Jen. Kailangan ko na din kasing mag focus sa pag a-apply at i-enroll ko na din si Aiden sa preschool." Napabuntonghininga na lang siya at niyakap ako ng mahigpit."Thank you, Jaz. Huwag ka na kaya mag London kasi mami-miss ka namin. But seriously speaking, go for your dreams. I want you to be happy because you deserve it." Malambing nitong sabi at lalo pang hinigpitan ang yakap niya. Napangiti naman ako at gumanti ng yakap sa kanya.Natigil kami sa pag-uusap nang dumating ang project manager."Jen, sama ka at dalhin mo ang plano. May random visitation pala ngayon. Mag-iikot daw sa site ang mga big boss.” Sabi nito kay Jen.Bahagya naman akong kinabahan dahil baka kasama siya. Huwag naman po sana dahil hindi pa ako handang makita siyang muli! Ipinagpapasalamat ko nga na hindi na muling nag krus ang mga landas namin. ‘Yong totoo, nagpapasalamat ka nga ba o para kang nabigo? Ugh! Ipagpapatuloy ko na sana ang ginagawa ko nang tumalikod na siya pero bigla niya akong tinawag."Ah oo nga pala muntik ko na makalimutan. Jazmin, kailangan mo din palang sumama dahil kasama ‘yong matanda, si Don Rodolfo. May personal nurse naman siya pero nahihilo daw noong nasa daan na kaya sumama ka na lang in case ha?""Ha? Ah eh s-sige po sir."Halos pagpawisan ako ng malapot kahit naka aircon. Lolo lang naman ni Niko si Don Rodolfo! Hindi ko na nga napigilan pa ang puso ko sa pagwawala. Sana lang ay wala ang lalaking ‘yon o kung sino man sa pamilya nila at sana lang talaga ay hindi ako mamukhaan ng lolo niya.Sandali kaming nag ayos ni Jen para presentable naman daw kaming haharap sa mga big boss. Pagkatapos ay pinagpag ko lang ang white collared shirt ko na may tatak ng kumpanya sa likuran at skinny jeans.“Tara, Jaz. Malapit na daw sila. ‘Yong hard hat mo baka makalimutan mo.” Paalala naman niya sa akin at agad na din kaming lumabas at hinintay sila sa labas."Jen, kinakabahan ako. Paano kapag andiyan siya?" Nag-aalala kong sabi kay Jen."Ano ka ba? Kung sakali man na nandiyan siya, hindi dapat ikaw ‘yong kabahan kundi siya. Ang kapal din naman ng pagmumukha niya! Huwag mong ipahalata na affected ka pa din. Nandito lang ako. Basta taas noo lang. Wala akong pakialam kahit na boss ko pa siya!" Gigil na gigil niyang sabi.Galit din ang mga kaibigan ko kay Niko dahil nakita nila kung paano ko siya iniyakan at pati buhay ng anak ko ay muntik nang mapahamak dahil sa kanya. Pero tama si Jen. Kung meron man dapat kabahan, siya ‘yon at hindi ako. Siya ang nang-iwan."Oh andiyan na pala sila!" Halatang kabado din si PM.Pero lalo na ako nang makita ko na nga ang apat na magkakasunod na magagandang sasakyanang tumigil sa harapan namin.“Relax, Jaz.” Pang-aalo sa akin ni Jen at nginitian niya ako ng matamis kaya kahit papaano ay kumalma ako.Isa-isa nang nagsibabaan ang mga sakay nito at napaawang ang mga labi ko nang ibaba nila sa sasakyan ang lolo ni Niko at isinakay sa wheelchair. Halos wala namang nag bago sa itsura niya ngunit mukhang humina na din siya dala na din siguro ng katandaan.Sana ay hindi na niya ako mapansin o mamukhaan man lang dahil hindi pa din ako handa na makita ni isa sa kanila. Wala lang talaga akong magawa dahil kasali ‘to sa trabaho ko. Kaunting tiis na lang, matatapos na din ako dito at hinding hindi ko na sila makikita kahit kailan. Kaya nga atat na din akong mag apply sa London para madala ko na din ang anak ko doon at doon na kami mamumuhay ng tahimik kasama si mommy.Nakahinga ako ng maluwag nang makababa na lahat ng mga sakay ng sasakyan at wala siya. Pero sino nga ba ang niloloko ko? Gusto kong magalit sa sarili ko dahil sa totoo lang ay nakaramdam ako ng puwang na para bang nabigo dahil wala siya.Kaagad namang lumapit si PM sa kanila at maging si Rust at bumati sa mga bagong dating. Ipinapakilala din ng project manager isa-isa ang mga kasama ko! Huwag mong sabihing pati ako?!
"And this is Jazmin, our site nurse!" Halos mapapikit ako ng mariin nang mabanggit niya ang pangalan ko! Dahil lahat sila ay nakipag kamay ay wala akong choice kundi lumapit din sa kanila. Halos dumagundong sa lakas ang tibok ng puso ko nang makita kong lahat sila ay nakatingin pati na ang lolo ni Niko!Nang iaabot ko na sana ang kamay ko sa matanda ay biglang may pumaradang isa pang magarang itim na sasakyan kaya natuon doon ang atensyon nila at naantala ang pakikipagkamay ko sana. Buti na lang! Napaawang naman aking mga labi nang makita ko kung sino ang bumaba sa passenger’s side! Lalo pang kumabog ang puso ko dahil halos mahulaan ko na kung sino ang nasa driver’s seat! Bakit ngayon pa?!"Hi everyone! Are we late?" Maarteng tanong niya habang naglalakad palapit sa amin.My goodness! Naka mini dress talaga siya katulad noong nakita ko siya sa mall! Para siyang dadalo sa isang event sa suot niya dahil naka stiletto pa talaga siya. Kung kami nga ni Jen ay naka safety boots pa kami. Good luck na lang sa kanya.Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pintuan ng kotse at iniluwa nito ang walang iba kundi si Niko! Gustong gusto ko na talagang kurutin at parusahan ang sarili ko dahil sobra kung makakabog ang puso ko! Kahit kinakabahan ako at hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ay hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya!Naka button-down long sleeves siya ng puti na nakalilis hanggang siko at naka slacks ng black. Galing siguro siya ng opisina. Napaka gwapo pa din talaga niya. Tumigil ka, Jaz!Nagsalita naman ang isa sa mga kasamahan nila at sinabing may urgent meeting si Von kaya si Niko muna ang inutusan ng daddy niya. Von naman, bakit ngayon pa? Isang buwan na nga lang humirit pa ang sutil na tadhana!"Bro!" Nakipag kamay at nagtapikan sa likod si Niko at Rust.Nakipag kamay din ang lahat sa mga bagong dating kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na umiwas at lumayo ng bahagya sa kanila. Hingang malalim, Jaz! Kumalma ka. Sige ganyan nga. Be confident. Pilit kong kinakalma ang sarili ko at hindi dapat ako kabahan kahit na kaharap ko pa siya. Kaya mo ‘yan!"Jaz! Halika na!" Malakas akong tinawag ni Jen kaya napaawang ang mga labi ko sa pagkabigla dahil sa akin na naman natuon ang atensyon nila at maging si Niko ay napatingin sa akin! Agad naman akong nag iwas ng tingin sa kanya at muling bumaling kay Jen. Lagot ka talaga sa akin mamaya, Jen!Siya pa talaga ang may ganang panlakihan ako ng mata! Sinenyasan niya ako na mag relax lang ako. Bakit? Ganoon na ba talaga ako kahalata? Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako naglakad papunta sa kanila.Kaya mo ‘yan! Wear your best smile, Jazmin! Here we go!"Oh, hi! I can't wait for my turn to shake hands with you a while ago but it got interrupted so.." Bati sa akin ng isang lalaki na kasama nila sabay abot niya ng kamay sa akin.Tall, dark, and handsome!"By the way, I’m Brian! Brian Ventura." Nakangiti nitong sabi kaya nakita ko din ang magaganda at mapuputi niyang mga ngipin.Ventura? Kaano-ano siya ni Niko at Von?"Jazmin." Tipid kong sinabi at nginitian ko siya ng matamis nang tanggapin ko ang inumang niyang kamay. "What a beautiful name! It perfectly suits a beautiful woman like you!" Alam ko na agad na playboy ang lalaking ‘to kaya napangiti na lang ako."Brian, let's go!" Seryosong tawag ni Niko sa kanya na tila mainit ang ulo at nakakuyom pa ang mga palad.Kinindatan pa ako ni Brian bago sumunod kay Niko. Naka angkla naman sa braso niya ang babae niya. Napataas naman ang isa kong kilay. Seriously? Ganyan siya papasok?"Jazmin, halika at dito ka na lang sa tabi ni Sir Rodolfo. Ikaw na ang bahalang makipagkilala sa nurse niya." Sabi naman sa akin ni PM.Yumuko na lang ako bilang paggalang sa lolo niya at patuloy akong nagdarasal na sana ay di niya ako makilala. Tinitigan niya ako na tila kinikilala habang tinutulak ng personal nurse niya ang wheelchair na kinalululanan niya kaya bahagya akong kinabahan.Nakahinga naman ako ng maluwag nang kunin ang atensyon niya ng mga engineers na kausap niya kanina!Years have passed and he has changed so much. He looks rough and gone is the sweet Niko I used to know. Well, I can't really tell dahil hindi naman ako ang babae sa buhay niya. But I must admit na lalo itong bumagay sa kanya. At nakadagdag pa ang kumpiyansa nito sa sarili. Napapailing na lang ako sa tinatakbo ng isip ko. Nasa unahan kasi sila at habang naglalakad kami ay kausap niya ang mga importanteng tao."Sweetie, my feet hurt!" Maarteng sabi ng babae sa kanya pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lamang sila sa paglalakad.I smirked upon hearing her whine. Sino ba kasing nagsabi na pwede siyang mag heels dito? Bukod sa hindi safe ay napaka uncomfortable din. Ano, gusto lang bang iparada ng lalaking 'yan ang girlfriend niya dito?"Celine, you can just stay in the office." Mahinahong sabi naman ni Rust dito dahil nga sa hindi siya pinansin ng sweetie niya. Tsk. Huh, may pangalan pala ang babae."But.." Magpo protesta pa sana ito nang magsal
"Is that you na mommy?! Mommy!" Sigaw ng anak ko kaya para akong naipako sa kinatatayuan ko!Hindi ako kaagad nakahuma pero muli itong sumigaw kaya wala na akong nagawa kundi sumagot sa kanya. "Yes, baby." Sagot kong parang namatanda."Aiden! Wait na lang natin si mommy dito sa loob!" Dinig kong suway ni Andrew sa kanya dahil kinakalampag na niya ang gate!Kung malakas na ang kabog ng puso ko kanina ay lalo pa ngayon! Nakita naman na niya si Aedin at kahit anong gawin ko ay alam kong hindi ko na siya maitatago sa kanya pero hindi ko pa din maintindihan. Kinakabahan ako!Aiden, huwag kang lalabas please.. Mag-isip ka, Jazzy! Lumingon ako kay Niko na para ding naitulos sa kinatatayuan pero wala na akong pakialam basta hinding hindi na dapat niya makita pa si Aedin!"Makakaalis ka na. Papasok na ako." Tipid kong sabi sa kanya pero bago ko pa mabuksan ang gate ay naunahan na ako ni Aedin!"Mommy! Mommy!" Nagtatatalon na ito at kaagad na nagpabuh
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko