"Really mommy?! You not joking?" Nabubulol at nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ng anak ko nang sinabi kong pupunta kami sa mall ngayon.
"Uh-huh! Mommy’s not joking po so get up na. Let’s take a bath na kasi lapit na si daddy doc!” Kanina ko pa kasi siya ginigising pero napasarap yata ang tulog niya ngayon.Napasinghap naman siya at kaagad na ngang bumangon! Naku, basta pasyal talaga ay napaka alisto."Lagot! Di pa nakaligo ‘yang baby na ‘yan. Aalis na si daddy doc niya!" Biro naman ni tita na nasa may pintuan na pala."Oh no! Mommy please hurry up! I’ll take a bath now!” Natawa na lang kami ni tita sa istura niyang aburido na at nagmamadali. Nagpa cute eyes pa kaya halos matunaw naman ang puso ko. Pagkatapos ko siyang paliguan ay si tita na ang nag boluntaryong bihisan siya para makaligo na din ako. Napangiti na lang ako dahil excited na excited na siya at minadali pa si tita.Pagkalabas ko ng banyo ay bihis na bihis na siya na akala mo ay isang maliit na mama sa porma! Naka khaki shorts siya at polo shirt na navy blue na pinaresan ni tita ng nike rubber shoes. Aba, naka sombrero pa siya ng nike at naka sunglass. Nakakagigil naman ang matatambok at mamula-mula niyang mga pisngi! Habang lumalaki siya ay lalo niyang nagiging kamukha ang tatay niya. Muli koi tong iwinaglit sa aking isipan at agad na din akong nagbihis.Nagsuot ako ng mini skirt na khaki para terno kami ni Aedin at dahil wala pala akong navy blue na blouse ay nagsuot na lang ako ng white off-shoulder blouse at wedge sandals naman sa aking paa. Nilugay ko na lang ang mahaba kong buhok at kinulot ito ng kaunti dahil gustong gusto ko ang pagkaka balayage nito. Nagpakulay kasi ako ng buhok at nilagyan pa ito ng highlights nang minsang magka ayaan kami nila Jen at Max sa salon. Naglagay din ako ng blush on at lipstick para magkaroon din ng kulay ang mukha ko."Mommy! You done? Let's go na mommy! Mommy hurry up!" Sigaw ng anak ko mula sa baba. Naku, napaka kulit dahil kanina pa niya ako tinatawag."Opo! Nandiyan na po baby ko!" Sabi ko naman at mabilis ko nang kinuha ang bag ko at bumaba.Nagulat naman ako pagkababa ko dahil naka terno pala si Ethan at Aedin! Ngunit napangiti na lang ako dahil madalas nga pala silang mag twinning. Hindi ko lang inaasahan ngayon kaya tatlo tuloy kaming naka khaki. Sigurado akong nakiusap na si Ethan kay tita. Ang cute tuloy nilang tignan na dalawa. Pareho pa silang may dimples kapag ngumingiti sila!"Dapat pala nag navy blue polo shirt din ako?" Tumatawa kong tanong kay Ethan."Hmm okay na ‘yan para ikaw ang muse namin. Right, Aiden?" Sabi naman nito kay Aedin."Yup, daddy doc! Let's go na !" Nagmamadali naman nitong sabi at hinila na sa kamay si Ethan!“Ingat kayo ha?” Bilin naman ni tita nang magpaalam kami ni Ethan sa kanya.Pagkadating na pagkadating pa lang namin sa mall ay agad nang hinihila ni Aedin si Ethan papunta sa Toy Kingdom!"Daddy doc, toy kingdom please?" Nagpapa cute eyes na siya kay Ethan na alam kong hindi rin niya matatanggihan! Parang nakalimutan na nga ako ng anak ko eh."Ayan ini-spoiled niyo kasi ‘yan." Natatawa ko namang sabi kay Ethan. Agad naman niyang kinarga si Aedin pero bumaling siya sa akin."Jaz, mauna na kayo sa toy kingdom. May pinapabili lang saglit si mom. 10 minutes lang ako para hindi na tayo maabala mamaya.""Oh sige, text mo na lang ako at may bibilhin din muna ako sa hardware.” Katabi lang din kasi ‘yon ng toy kingdom.“Alright.” Sabi nito sa akin at bumaling na kay Aedin at nangakong susunod siya."Okay, daddy doc!" Agad na din itong bumaba mula kay Ethan at humawak sa kamay ko. Hinila na niya ako pasakay sa escalator kaya nag ngitian na lang kami ni Ethan at umalis na din siya para makasunod siya sa amin kaagad.
"Baby, dito muna tayo saglit ha? Mommy will just buy something." Sabi ko naman nang makarating kami sa taas."Okay, mommy!" Alisto naman niyang sagot at nagpabuhat pa sa akin. Nang mahanap ko naman kung saan nakalagay ang mga hard hats ay binaba ko siya pero nakahawak ang isa kong kamay sa kanya. Malikot pa man din siya kaya hindi pwedeng bitawan."Excuse me miss!" Tinawag ko ang sales lady at itatanong ko kung may bago pa ba slang stocks dahil may galos itong nag-iisang white hard hat nila.Habang nag-uusap kami ng sales lady ay may kausap na din ang anak ko pero hindi na ako nag abalang tumingin. Nasanay na din ako kay Aedin dahil halos lahat ng tao na makakasalamuha niya ay gusto niyang kausapin. Hinigpitan ko na lang ang hawak ko sa kanya."You gonna buy that po?" Usisa ng anak ko sa kausap niya."Uh-huh. What's your name, little boy?" Pamilyar ang boses ng kausap ni Aedin pero imposible kaya nagkibit balikat na lang ako."My name is Paul Aiden Ventura! How ‘bout you po?" Kompletong pangalan pa talaga ang sinabi niya. Sa susunod ay tuturuan ko siyang huwag makipag usap sa hindi niya kakilala dahil mahirap na.Sinunod ko pa din siya sa apelyido ng tatay niya dahil kasal kami. Technically, Ventura pa din ako pero Gonzales ginagamit ko."Ma'am, mauna na lang po kayo sa counter at isusunod ko na lang po doon ‘yong bagong stock niyan. May iba pa po ba kayong bibilhin?” Tanong pa nito sa akin pero umiling ako dahil ‘yon lang talaga ang sadya ko dito.Kaagad ko nang binalingan ang anak kong nakikipag daldalan pa sa kausap dahil kailangan na naming pumunta sa counter. "Baby, let's go na." Bumaling naman ako sa kausap niyang nakaupo na din pala para magkapantay sila.Ngingitian ko sana ito pero imbes na ngiti ay napaawang ang mga labi ko at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang kumakausap sa kanya! Halata din ang gulat nito sa kanyang mga mata at dahan-dahan itong tumayo at tila siya nanigas sa kinatatayuan niya! Halos mahulog naman ang puso ko sa gulat at kaba kaya hindi ko sinasadyang mahila nang pabigla si Aedin!"Ouch mommy!" Napasigaw naman siya kaya naman labis akong na guilty!"Hey Niko sweetie! Let’s go?" Napalingon naman ako sa babaeng tumawag sa kanya at yumakap ito sa bewang niya na akala mo ay walang bata sa harapan nila.Hindi si Gab ang babae pero napakaganda din nito at napaka sexy niya sa suot nitong summer dress. Hindi ko alam pero parang pinipiga ang puso ko sa sakit! Akala ko ba tanggap ko na pero bakit ganito? Bigla naman akong natauhan nang magsalita si Aedin.“Toy kingdom, mommy!” Naiinip nitong sabi kaya kaagad akong bumaling sa kanya at kahit nanginginig na ako ay mabilis ko na siyang binuhat at agad na tumalikod."Jaz.." Narinig ko pang mahina niyang tawag sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin at kaagad nang dumiretso sa counter. Mabuti na lang at walang pila kaya kami agad ang magbabayad.
"Is daddy doc already in the toy kingdom, mommy?" Malakas na tanong ng anak ko kaya sigurado akong narinig niya ‘to."Shh quiet baby.. I don't know but we'll go there once we're done, okay?" Bulong ko sa kanya."Okay mommy shhhh." Bulong niya din sa akin at yumapos pa sa akin at hinalik halikan ako sa mukha."Hala ang cute naman po ng anak niyo ma'am! Napaka gwapo! Sabagay, maganda kasi si ma'am. Paniguradong gwapo din ang daddy niya!" Sabi ng cashier at tila sila kinikilig na naghagikhikan ng kasama niya. Nginitian ko lang sila ng tipid dahil gustong gusto ko nang makaalis dito ngayon mismo!"Thank you!" Sabi ko naman nang maibigay nila ang binili ko at dali-dali na kaming lumabas at hinding hindi na ako lumingon pa!"Daddy doc!" Pagkalabas namin ng hardware ay siya ding pagdaan ni Ethan. Mabilis na bumaba si Aedin mula sa pagkakabuhat ko at kaagad nang kumapit kay Ethan at nagpabuhat.Napalingon ako sa tabi dahil siya ding paglabas ng taong ni sa panaginip ay ayaw kong makita! Nakaangkla sa kanya ang babae niya na akala mo ay ahas. Nakatingin siya sa amin kaya kaagad akong humawak sa braso ni Ethan at marahang iginiya paalis."Tara Ethan, bilis!" Sabi ko sa kanya pero tumingin siya sa akin."Hey, are you okay? You seemed to be in a hurry?" Napansin niya siguro ang pagkataranta ko at bahagyang panginginig!"H-ha? Si Aiden kasi excited na kanina pa.” Sabi ko naman sa kanya nang makalayo kami sa hardware at pilit akong tumawa para mapagtakpan ang pagkataranta ko."Ah akala ko kung ano na eh." Sabi naman nito at tuluyan na nga kaming pumasok ng toy kingdom. Hindi na naman magkamayaw si Aedin sa pagtingin ng mga toys pero binilin ko si Ethan na isa lang ang bibilhin niya. Ayoko kasi na maging materialistic balang araw si Aedin.Tuluyan na nga akong nawalan ng ganang maglibot libot pa at naging malikot ang mga mata ko baka kasi makasalubong ulit namin siya. Kaya para na lang tuloy akong robot na sumusunod sa dalawa. Pinilit ko pa ding magmukhang masigla para hindi na magtanong pa si Ethan. Pakiramdam ko hanggang ngayon ay napakalakas pa din ng tibok ng puso ko! Hindi ako makapaniwalang nakita ko siya! At parang gusto kong pagsisihan ang pag-oo kay Jen. Maliit na lang ang mundo naming dalawa ngayong nakabalik na pala siya ng Pilipinas.Nakaramdam din ako ng takot na baka kunin niya sa Aedin mula sa akin lalo na at nakita niya ‘to! Pilit ko itong iwinaksi sa aking isipan dahil alam kong hinding hindi ‘yon mangyayari. Wala siyang pakialam sa amin. Inabandona na niya kami."Mag simba tayo bukas, Jaz?" Tanong ni Ethan pagkarating namin sa bahay."Hmm yeah sure. What time?""Around 10 para makapagpahinga ka na sa hapon. Start ka na sa Monday, right?""Yep." Walang kagana gana kong sagot. Kung hindi lang talaga dahil kay Jen, hinding hindi ako magta trabaho sa kumpanyang yan.“Alright then. Akyat ko na si Aedin.” Sabi nito sa akin at inakyat na si Aedin sa kwarto dahil nakatulog na ito sa daan.Dumiretso naman ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig dahil para akong uhaw na uhaw! Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala! Halos apat na taon kaming hindi nagkita at napakalaki ng ipinagbago niya. Wala na ang boyish na Niko na nakilala ko. He’s more matured now..and more handsome.Bakit ganito kung makapag wala ang puso ko?! Galit lang dapat ang maramdaman mo para sa kanya, wala nang iba!“Isang buwan na lang!" Masaya kong sabi kay Jen pagkatapos naming kumain ng lunch."Mag-extend ka na Jaz..Gawin mo nang 6 months please? Malulungkot ako niyan eh." Maarte nitong sabi pero inirapan ko lang siya.Hindi naman mahirap ang trabaho ko dito at malaki din naman ang sahod kaso parang lagi akong kinakabahan. Wala akong peace of mind! Lalo na at alamkong nandito na siya sa Pilipinas. Ipinagpapasalamat ko na lang na sa dalawang buwan kong pagta trabaho dito ay hindi ko pa siya nakitang nagawi dito.Buti na lang at si Von pala ang may hawak sa project na ‘to. Nagulat siya nang makita niya ako dito at humingi siya ng pasensya nang hindi na daw niya ako nadalaw pa noon gawa ng lumipad din siya patungong Australia para kumuhang masters.Hindi rin naman niya nabanggit ang pinsan niya. Aware naman din siguro sila na wala na kami. I mean, na inabandona na niya kami.Hindi ko alam kung nag try din ba ang ate n
Years have passed and he has changed so much. He looks rough and gone is the sweet Niko I used to know. Well, I can't really tell dahil hindi naman ako ang babae sa buhay niya. But I must admit na lalo itong bumagay sa kanya. At nakadagdag pa ang kumpiyansa nito sa sarili. Napapailing na lang ako sa tinatakbo ng isip ko. Nasa unahan kasi sila at habang naglalakad kami ay kausap niya ang mga importanteng tao."Sweetie, my feet hurt!" Maarteng sabi ng babae sa kanya pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lamang sila sa paglalakad.I smirked upon hearing her whine. Sino ba kasing nagsabi na pwede siyang mag heels dito? Bukod sa hindi safe ay napaka uncomfortable din. Ano, gusto lang bang iparada ng lalaking 'yan ang girlfriend niya dito?"Celine, you can just stay in the office." Mahinahong sabi naman ni Rust dito dahil nga sa hindi siya pinansin ng sweetie niya. Tsk. Huh, may pangalan pala ang babae."But.." Magpo protesta pa sana ito nang magsal
"Is that you na mommy?! Mommy!" Sigaw ng anak ko kaya para akong naipako sa kinatatayuan ko!Hindi ako kaagad nakahuma pero muli itong sumigaw kaya wala na akong nagawa kundi sumagot sa kanya. "Yes, baby." Sagot kong parang namatanda."Aiden! Wait na lang natin si mommy dito sa loob!" Dinig kong suway ni Andrew sa kanya dahil kinakalampag na niya ang gate!Kung malakas na ang kabog ng puso ko kanina ay lalo pa ngayon! Nakita naman na niya si Aedin at kahit anong gawin ko ay alam kong hindi ko na siya maitatago sa kanya pero hindi ko pa din maintindihan. Kinakabahan ako!Aiden, huwag kang lalabas please.. Mag-isip ka, Jazzy! Lumingon ako kay Niko na para ding naitulos sa kinatatayuan pero wala na akong pakialam basta hinding hindi na dapat niya makita pa si Aedin!"Makakaalis ka na. Papasok na ako." Tipid kong sabi sa kanya pero bago ko pa mabuksan ang gate ay naunahan na ako ni Aedin!"Mommy! Mommy!" Nagtatatalon na ito at kaagad na nagpabuh
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na