Napakunot noo ako nang mayroong kumatok sa pintuan na napakalakas habang nanonood ako ng tv sa sala. Hindi ba naisara ni Andrew ang gate? Sigurado akong hindi siya 'yan o si tita dahil may sarili naman silang mga susi. Nag-aalangan akong buksan pero wala naman sigurong magnanakaw ng ganitong oras at tanghaling tapat. Kaya nagkibit balikat na lang ako at binuksan ito.
"Oh my gosh!" Halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw ni Max! At halos mapanganga din ako dahil hindi ko ini-expect na makita siya! Nasa likuran naman niya si Jen at Jeff na tumatawa sa kaingayan niya.
Hindi naman ako nasurprisa sa presensiya ni Jen at Jeff dahil madalas nila akong puntahan dito sa bahay. Si Jeff kasi ay dito na sa Manila ipinagpatuloy ang med school nang malaman niya ang nangyari sa akin.
Kaagad naman akong niyakap ni Max at sumunod naman si Jen na akala mo ay hindi kami nagkikita. Halos every weekend nga ay pinupuntahan niya ako basta hindi siya abala sa trabaho.
"Uy, tama na yan! Ako naman!" Sabi naman ni Jeff at nang bumitaw si Jen ay kaagad niya din akong niyakap. "How are you?" Masuyo nitong bulong at hinalikan ako sa pisngi.
Napangiti naman ako sa kanya at bumaba ang mga mata nito sa aking tiyan na para nang bola at hinaplos ito. It has been months since then at heto nga at kabuwanan ko na.
"Grabe! Para kang nakalulon ng malaking pakwan, Jaz!" Nagniningning ang mga matang sabi ni Max na tila hindi pa din siya makapaniwala sa itsura ko ngayon. Pinaalis niya si Jeff sa tabi ko kaya natawa ako at hinaplos ang tiyan ko. "I still can't believe! May surprise pala ako sa'yo!" Sabi pa niya at hindi tinatanggal ang mga kamay sa bilog na bilog kong tiyan.
"Ano?" Tumatawa kong tanong sa kanya.
"Dito na ako mag wo-work! Bored na ako sa Baguio dahil wala na kayo doon! Miss ko na kayo!" Masaya nitong sabi kaya napaawang ang mga labi ko sa pagkamangha. Tuwang tuwa ako na magkakasama na ulit kami!
"Oh my gosh! Talaga ba? Hindi ka nagbibiro?" Tanong ko pa ulit dahil baka ginu-good time lang ako pero tumango tango naman ito at napangiti rin si Jen at Jeff kaya nayakap ko ulit siya sa tuwa. "Nandito na ang mga ninang at ninong mo, baby! Siguradong i-spoil ka ng mga to."
Napadalas nga ang pagbisita ng mga kaibigan ko kaya kahit papaano ay nalilibang ako. Nag resign na kasi ako sa trabaho mula nang mangyari 'yon dahil natatakot na ako at ipinagbawal sa akin ng OB ko ang ma-stress at magpagod masiyado.
"Hello, tita?" Sagot ko sa tawag ni tita.
Nag-aalala ako kay Andrew dahil on and off ang fever niya kaya sinabihan ko na si tita na ipa checkup siya dahil baka hindi na simpleng flu 'yon.
"Jaz, kailangan daw ma-admit ni Drew. May dengue daw." Nag-aalalang sabi ni tita.
"Ha? Naku, buti na lang pala at pina checkup niyo na agad tita. May mga dala ba kayong gamit diyan?"
"Buti na lang at nagdala ako kahit papaano pero ang inaalala ko naman ngayon ay ikaw. Paano kung manganganak ka na pala? Wala kang kasama diyan."
"Okay lang ako tita. Matagal naman mag labor kapag first pregnancy kung sakaling manganganak nanga ako."
"Tawagan mo na lang kaya si Jen?" Si tita talaga ay ako na naman ang iniintindi. Magsimula nang malaman nilang buntis ako ay halos ayaw nila akong pakilusin ni Andrew. Spoiled nga ako sa mag-ina kaya sigurado akong mas spoiled 'tong anak ko paglabas.
"Hindi na tita. Tatawagan ko na lang siya kung sakali."
"Sorry to butt in pero sabihin mo kay tita Jelai ako na lang. Sasamahan kita." Hindi na nga nakatiis si Ethan na nakaupo ngayon sa tabi ko habang nanonood kami sa sala.
Sumenyas ako naman ako sa kanya na hindi na. Makakaabala na naman ako sa kanya niyan kung sakali.
"Si doc Ethan ba 'yan? Naku buti na lang at nandiyan pa pala siya. Jaz, diyan mo na patulugin si doc sa kwarto ni Drew. Kapapalit ko naman ng bed sheet. Kausapin ko nga siya please kasi hindi talaga ako mapapanatag dito."
Napabuntong hininga na lang ako at ipinasa kay Ethan ang cellphone dahil alam kong hindi rin ako titigilan ni tita.
Nahihiya na kasi ako kay Ethan dahil lagi siyang nakaalalay sa akin sa lahat ng bagay. Ni minsan nga ay hindi siya nagmintis na samahan ako sa mga prenatal checkups ko sa mommy niya at pati nga sa mga cravings ko ay binibigay niya lahat. Mayroon pa 'yong minsan na nag drive pa talaga siya papuntang Pangasinan dahil nag crave ako sa puto-Calasiao. Nabanggit ko lang sa kanya 'yon pero nagulat ako kinabukasan ay napakadami niyang dalang puto! Kahit anong gawin kong pagtanggi sa kanya ay balewala sa kanya dahil gusto daw niya ang ginagawa niya.
Hindi ko na nga masisi ang mga tao na napagkakamalan kaming mag-asawa dahil nandiyan siya lagi para sa akin. Tuwing off niya ay dito siya naglalagi. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang pagtangi niya sa akin kaya gusto ko sanang umiwas para hindi siya paasahin pero hindi ko din siya magawang saktan. Siya ang dumamay sa akin ng mga panahong mahina ako. Nandiyan naman ang mga kaibigan ko pero syempre may sari-sarili na din naman silang mga buhay.
Lagi niya din akong nilalabas ng bahay at pinapasyal sa kung saan-saan at kapag nagagawi kami sa mall ay mas excited pa siyang mamili ng mga gamit ng baby ko. Madalas pa kaming magtalo dahil gusto niyang siya ang magbayad kapag namimili kami pero hindi ako pumapayag kahit anong gawin niya. Pero may mga pagkakataon naman na hinahayaan ko na lang siya katulad na lang kapag bumibili siya ng mga nagugustuhan niyang damit para kay baby. Bumibili pa nga siya ng mga terno sila kaya napapangiti na lang ako. Noong una ay nahihiya ako pero kalaunan dahil sa kai-insist niya ay nasanay na din ako. Feeling ko nga sobrang kapal na ng mukha ko. Para naman daw sa inaanak niya kaya hindi ko daw dapat tanggihan kaya hinahayaan ko na lang.
"No problem tita. Get well soon, Andrew!" Sabi pa nito bago pinatay ang tawag.
"Ethan, okay lang ako dito. May duty ka pa bukas."
"Huwag nang makulit mommy Jaz kasi hindi rin ako makakatulog sa bahay sa pag-aalala sa'yo." Napabuntong hininga na lang ako at napanguso. Siya nga 'tong makulit eh.
Tinanggihan niya naman ako nang ipilit kong sa kwarto na lang siya ni Andrew matulog. Sa sala na lang daw siya dahil komportable naman daw sa sofa.
"Jaz, can I use the bathroom? I'll just take a shower."
"Ha? Hindi na tinatanong 'yan doc." Pabiro ko namang sagot sa kanya. "May extra ka bang damit? Kung wala, kukuha lang ako sandali ng damit ni Andrew." Tutal ay malaking tao din naman sa Andrew.
"I have extra clothes in my car. Towel na lang if you don't mind?"
"Sige, kukuha lang ako."
"Iwan mo na lang diyan. Matulog ka na din ha?"
Pagkapasok niya ng banyo ay kaagad ko na ding kinuha ang malinis na tuwalya at isinabit ito sa knob ng pintuan ng banyo. Nakahiga na ako nang maalala kong wala pala siyang unan at kumot kaya muli akong bumaba at dinalhan siya nito para kahit papaano ay maging komportable naman siya.
Ngunit nagulat ako pagkababa ko dahil nakatapis lang siya ng tuwalya! Alam ko namang fit si doc dahil mga biceps pa lang niya ay namumutok na pero hindi ko akalaing nagagawa pa niyang mag gym! Aba, meron ba naman siyang six-pack abs! Napalunok tuloy ako at nag-iwas ng tingin. Sino ba naman kasing hindi mapapalunok diyan? Eh mukha siyang makisig na anghel na bumaba mula sa langit!
"Uhm I'll just get my clothes in the car." Sabi naman niya dahil natigilan din siya nang makita niya ako.
"Ha? Naka ganyan kang lalabas? Akin na susi mo at ako na lang." Sabi ko naman sa kanya nang makabawi ako.
Ginawa kasing bodega ni tita 'yong garahe ng bahay niya kaya sa labas naka park sasakyan ni Ethan.
"Ako na. Oh by the way, did you already drink your milk?"
Tumango lang ako. "Hay Ethan, bahala ka kapag pagkaguluhan ka ng mga tao diyan sa labas." Tumatawa kong sabi sa kanya.
"Gabi naman na. Good night, Jaz." Masuyo niyang sabi sa akin.
"Good night, doc!" Biro ko sa kanya.
Napangisi na lang at siya at umakyat na din ako ng kwarto.
Kung sa ibang pagkakataon lang sana at kung walang ibang laman ang puso ko ay hindi malayong ma in love ako kay Ethan. Bukod sa napaka gwapo na ay napaka buti pa niyang tao. Lagi kong sinasabi 'to pero napakaswerte talaga ng babaeng mamahalin niya ng lubusan. Alam kong pansamantala lang ang nararamdaman niya para sa akin at may babaeng karapat dapat para sa kanya.
"Inip na inip na ako, baby. Gusto na kitang makita at mayakap." Lagi kong kinakausap ang baby ko lalo na kapag gising siya at naglilikot sa loob ng sinapupunan ko.
Mag-iisang linggo na ulit ang lumipas pero wala pa akong nararamdamang contractions. Kaya kapag wala pa din daw ay i-induce labor na daw ako ni doc.
"Maglakad lakad ka, Jaz. Mas dalasan mo pa para hindi ka mahirapan." Sabi sa akin ni tita pagkababa ko.
"'Yan nga talaga ang plano ko tita kaya lalabas na ako. Sama ka tita at exercise mo na din." Aya ko sa kanya.
"Magche-check pa ako ng exam ng mga bata eh. Pasama ka na lang kay Andrew?"
"May exam pa ata 'yon tita kaya nagre review. Ako na lang at safe naman dito sa atin."
Dahil inip na inip na ako ay lumabas na nga ako ng bahay at naglakad lakad at inikot ko ang subdivision. Hindi kalakihan ang tiyan ko kaya hindi halatang kabuwanan ko na pero medyo nagkalaman ako ngayon. Sabi nga nila kung ano daw ang ikinaputla ko noong first trimester ko ay 'yon naman daw ang ikina -glow ko nitong mga huling buwan ng pagbubuntis ko.
Nang nakailang ikot na ako ay tumigil muna ako at umupo sa isang bench malapit sa basketball court at para akong hinahapo. Medyo mabilis akong mapagod dahil may kabigatan din talaga ang baby ko.
Natigilan ako nang mapadako ang mga mata ko sa kabilang bahagi ng court dahil parang nakita ko si Niko. Ngunit ipinilig ko ang ulo ko at napatawa ng mapait. Imposible. Guni-guni ko lang 'yon. Sigurado akong masayang masaya na sila ni Gab sa mga oras na ito. Nakaramdam na naman ako ng sakit sa dibdib ko kaya pilit kong iwinaglit ito sa aking isipan at ibinaling na lang ang atensyon ko sa malaking umbok sa aking tiyan.
"Kahit wala ang daddy mo, pupunuin ka ni mommy ng pagmamahal. I love you so much, anak." Masuyo kong sabi habang hinihimas ang tiyan ko nang biglang sumipa ng malakas ang baby ko!
"Aw! Mommy loves you so much, baby."
Edited: July 6, 2021“Baby boy Gonzales out!" Masayang sigaw ng OB ko.Kahit hapong hapo ako mula sa pagli-labor at pag-ire ay nakahinga na ako ng maluwag nang marinig ko ang iyak ng baby ko.“Heto na po ang baby niyo, ma’am.” Sabi ng nurse sa akin at ipinaranas sa akin ang unang yakap.“Hi baby..” Bati ko sa anak ko.Hindi ko na napigilan ang mga luhang nag-uunahan na sa pagtulo ng masilayan at mayakap ko siya. Napakaliit niya at mamula mula ang kutis. Napangiti ako habang lumuluha dahil walang makakapantay sa kaligayahan na narararamdaman ko ngayon. Pawing pawi ang lahat ng sakit at paghihirap na naranasan ko! Isa na nga akong ganap na ina. Pangako anak, pupunuin kita ng pagmamahal.“Kukunin ko na po muna si babay ma’am ha?” Sabi sa akin ng nurse makalipas ang ilang sandali at ipinasa niya ito kay Ethan na
"Really mommy?! You not joking?" Nabubulol at nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ng anak ko nang sinabi kong pupunta kami sa mall ngayon."Uh-huh! Mommy’s not joking po so get up na. Let’s take a bath na kasi lapit na si daddy doc!” Kanina ko pa kasi siya ginigising pero napasarap yata ang tulog niya ngayon.Napasinghap naman siya at kaagad na ngang bumangon! Naku, basta pasyal talaga ay napaka alisto."Lagot! Di pa nakaligo ‘yang baby na ‘yan. Aalis na si daddy doc niya!" Biro naman ni tita na nasa may pintuan na pala."Oh no! Mommy please hurry up! I’ll take a bath now!” Natawa na lang kami ni tita sa istura niyang aburido na at nagmamadali. Nagpa cute eyes pa kaya halos matunaw naman ang puso ko. Pagkatapos ko siyang paliguan ay si tita na ang nag boluntaryong bihisan siya para makaligo na din ako. Napangiti na lang ako dahil excited na excited na siya at minadal
“Isang buwan na lang!" Masaya kong sabi kay Jen pagkatapos naming kumain ng lunch."Mag-extend ka na Jaz..Gawin mo nang 6 months please? Malulungkot ako niyan eh." Maarte nitong sabi pero inirapan ko lang siya.Hindi naman mahirap ang trabaho ko dito at malaki din naman ang sahod kaso parang lagi akong kinakabahan. Wala akong peace of mind! Lalo na at alamkong nandito na siya sa Pilipinas. Ipinagpapasalamat ko na lang na sa dalawang buwan kong pagta trabaho dito ay hindi ko pa siya nakitang nagawi dito.Buti na lang at si Von pala ang may hawak sa project na ‘to. Nagulat siya nang makita niya ako dito at humingi siya ng pasensya nang hindi na daw niya ako nadalaw pa noon gawa ng lumipad din siya patungong Australia para kumuhang masters.Hindi rin naman niya nabanggit ang pinsan niya. Aware naman din siguro sila na wala na kami. I mean, na inabandona na niya kami.Hindi ko alam kung nag try din ba ang ate n
Years have passed and he has changed so much. He looks rough and gone is the sweet Niko I used to know. Well, I can't really tell dahil hindi naman ako ang babae sa buhay niya. But I must admit na lalo itong bumagay sa kanya. At nakadagdag pa ang kumpiyansa nito sa sarili. Napapailing na lang ako sa tinatakbo ng isip ko. Nasa unahan kasi sila at habang naglalakad kami ay kausap niya ang mga importanteng tao."Sweetie, my feet hurt!" Maarteng sabi ng babae sa kanya pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lamang sila sa paglalakad.I smirked upon hearing her whine. Sino ba kasing nagsabi na pwede siyang mag heels dito? Bukod sa hindi safe ay napaka uncomfortable din. Ano, gusto lang bang iparada ng lalaking 'yan ang girlfriend niya dito?"Celine, you can just stay in the office." Mahinahong sabi naman ni Rust dito dahil nga sa hindi siya pinansin ng sweetie niya. Tsk. Huh, may pangalan pala ang babae."But.." Magpo protesta pa sana ito nang magsal
"Is that you na mommy?! Mommy!" Sigaw ng anak ko kaya para akong naipako sa kinatatayuan ko!Hindi ako kaagad nakahuma pero muli itong sumigaw kaya wala na akong nagawa kundi sumagot sa kanya. "Yes, baby." Sagot kong parang namatanda."Aiden! Wait na lang natin si mommy dito sa loob!" Dinig kong suway ni Andrew sa kanya dahil kinakalampag na niya ang gate!Kung malakas na ang kabog ng puso ko kanina ay lalo pa ngayon! Nakita naman na niya si Aedin at kahit anong gawin ko ay alam kong hindi ko na siya maitatago sa kanya pero hindi ko pa din maintindihan. Kinakabahan ako!Aiden, huwag kang lalabas please.. Mag-isip ka, Jazzy! Lumingon ako kay Niko na para ding naitulos sa kinatatayuan pero wala na akong pakialam basta hinding hindi na dapat niya makita pa si Aedin!"Makakaalis ka na. Papasok na ako." Tipid kong sabi sa kanya pero bago ko pa mabuksan ang gate ay naunahan na ako ni Aedin!"Mommy! Mommy!" Nagtatatalon na ito at kaagad na nagpabuh
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.