Kahit nilalamon na ako ng anxiety sa pinagsasabi ng mommy ni Niko ay ayaw ko munang basta-basta na lang maniwala. Kailangan muna naming pag-usapan ‘to. Bakit hindi? Mag-asawa na kami! Yan ang gusto kong isigaw sa pagmumukha ng mommy niya kanina.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko pa ito pwedeng sabihin kay Niko ang tungkol dito dahil meron pa siyang exam bukas kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay hindi ako nagpahalata."Hi! How's my baby? I missed you!" Sinalubong ko siya kaagad ng yakap pagkapasok pa lang niya ng pintuan. Gumanti naman siya agad ng yakap at kinintalan ako ng halik sa labi. No. Hindi ko kayang mawalay sa asawa ko."Na miss? Agad-agad?" Biro ko sa kanya pero sa totoo lang mas na miss ko siya at parang ang tagal naming di nagkita. Ni hindi ko nga magawang bumitaw sa kanya. Pakiramdam ko kasi kapag bumitaw ako sa kanya ay bigla na lang siyang mawawala. Ayaw ko man ay hindi ko mapigilang matakot sa mga sinabi ng mommy niya."Why? Don’t you miss me? Hindi halata ah!" Tumatawa niyang sabi dahil hindi ko talaga magawang bumitaw sa kanya kaya habang humahakbang siya papunta sa sofa ay nakayakap ako sa leeg niya at umapak sa mga paa niya. Nagpatihulog siya sa sofa kaya napakandong ako sa kanya."Hmm my baby’s extra sweet today huh?" Tumatawa pa ding niyang sabi habang nakayakap siya sa bewang ko at hinahalikan ako sa leeg ko."Bakit? Ayaw mo ba? ‘Di wag!" Kunwaring naghihinampo kong sabi sa kanya at tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya at akmang aalis na sa kandungan niya."Hey! Ang bilis naman magtampo ng baby ko! Syempre gusto ko. Gustong gusto ko.." Tumatawa pa din niyang sabi pero humina ito sa mga huling katagang sinabi niya at nakatingin na siya sa aking mga labi! Hindi ko din napigilan ang sarili kong tumingin sa mapupula niyang mga labi at hindi ko namamalayan na napakagat na pala ako sa aking mga labi.“I love you..” Mahina niyang sabi sa akin at mabilis na tinawid ang distansya namin at hinalikan ako sa aking mga labi.Yumakap akong muli sa kanyang leeg at lalo pang lumalim ang paghahalikan namin. Naramdaman ko na lang na binuhat na niya ako at dinala sa kwarto at dahan-dahang inihiga sa aming kama. Itinukod niyang ang kanyang mga braso sa magkabilang tagiliran ko at tumitig sa akin sa namumungay niyang mga mata. Awtomatikong umangat ang mga kamay ko at hinaplos siya sa kanyang pisngi. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kakayanin na malayo sa kanya. Natatakot ako.“I love you, Niko.” Mahina kong usal at hindi ko din magawang bawiin ang paningin ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti at hinawi ng marahan ang mga buhok kong nakatabing sa aking mukha.“I love you more. You are my life, Jaz.” Sabi niya bago niya ako muling siniil ng halik. Sinuklian ko ng parehong intensidad ang maiinit niyang mga halik. Nagsimulang maging mapaghanap ang mga halik niya at unti-unting bumaba ito sa aking leeg at dako paroon.Napasabunot ako sa buhok niya at napaungol nang muling mapag-isa ang aming mga katawan. Naging mabilis ang kanyang paggalaw at halos kapusin kami ng hininga nang muli naming marating ang rurok ng kaligayahan.Pinaunan niya ako sa kanyang braso at iniyakap niya ang isa niyang braso sa aking bewang. Napangiti ako nang paulit-ulit niyang inuusal ang pagmamahal niya sa akin.
Lalo kitang minamahal sa bawat araw na dumadaan, Niko. Mahal na mahal kita.May duty ako kinabukasan ng maaga kaya maaga din akong gumising para makapagluto pa ng breakfast namin ni Niko. Huling araw na din ng exam niya ngayon."Good morning, wife! Hmmm bango ng luto mo ah. Adobong manok for breakfast?" Nagtataka niyang tanong dahil puro prito ang usual breakfast namin lalo na kapag ako ang nagluluto.
Hindi ko nga din alam basta parang natatakam lang ako sa adobong manok ngayong umaga kaya ako nagluto. Magbabaon na din ako para hindi ko na kailangang bumili ng pagkain sa labas mamayang lunch."You need heavy breakfast para makapag-isip ka maige mamaya sa exam mo. Galingan mo ha?" Sabi ko na lang sa kanya at nginitian siya ng matamis.Pagkatapos naming kumain at mag-ayos ay hinatid na muna niya ako sa ospital saka na siya dumiretso sa school kung saan siya mag-i-exam."Oh Jazmin, bakit parang ang tamlay mo ngayon? Okay ka lang?" Nag-aalalang sita sa akin ng senior staff namin."Okay lang po ako ma’am.” Ngumiti ako sa kanya at pilit na pinasigla ang itsura ko. Hindi dapat dinadala sa trabaho ang personal na problema, paalala ko sa sarili ko."Ganoon ba? Gusto mo bang mauna nang kumain tutal malapit na din namang mag lunch?" Nag-aalala pa din niyang sabi. Ganoon ba talaga ako ka obvious? Hindi kasi mawala sa isipan ko ang mommy ni Niko."Naku hindi na po ma'am. Hindi pa naman po ako gutom." Tumingin ako sa kanya sandali at ipinagpatuloy ang pag pi-prepare ng mga IV meds ng mga pasyente."Ikaw bahala. Basta sabihan mo lang ako ha?""Opo, salamat po ma'am." Napangiti ako dahil likas na maalalahanin ang senior staff namin.Parang napakabagal ng oras ngayon! Napabuntong hininga ako nang sa wakas ay natapos ang duty ko. Kanina pa kasi ako uwing uwi na. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko at parang gusto ko na lang matulog dahil nakakapagod mag-isip. Pagod na pagod din ako dahil sa dami ng mga pasyenteng na admit sa buong shift namin.
Tapos na kayang mag exam si Niko? Tinigil ko muna ang pag-aayos ng mga gamit ko sa locker at sandaling tinignan kung may text na ba siya pero pagkatingin ko ay wala pa. Baka hindi pa siya tapos. Tinext ko na lang siya na mauuna na akong umuwi. Pero naghintay muna ako sandali ng reply niya baka sakaling tapos na din siya pero nang wala pa ding reply ay nauna na nga akong umuwi.Naligo ako agad nang makapagpahinga ng kunti. Pagktapos ay nag tingin ng pwedeng mailuluto para sa dinner namin. Nang mailabas ko ang mga sangkap ay humiga na muna ako dahil napakabigat talaga ng katawan ko. Hindi ko namalayang tuluyan na nga akong nakatulog.Nakakakiliting halik sa tenga ang nagpagising sa akin."Wake up, sleepyhead! My poor baby. Eat first, alright?” Sabi nito sa akin habang hinahawi ang magulo kong buhok na nakatabing sa aking mukha."Kanina ka pa ba? Sorry, hindi ako nakapagluto. What time is it na ba?" Patamad kong tanong sa kanya. Inaantok pa din ako."It’s already eight. Let’s eat first." Dahan-dahan niya akong binangon. Nagpatianod na lang ako sa kanya kahit inaantok pa ako."Hmm sarap sarap talaga magluto ng asawa ko!" Ngayon ko lang naramdaman ang gutom nang matikman ko ang niluto niyang tinola.Nakangiti lang siyang nakatitig sa akin."Bakit? Kain ka na din." Nakakunot noo kong sita sa kanya."I love watching you eat." Nakangiti pa din nitong sabi at marahan akong pinisil sa pisngi."Aray naman!" Pabebe kong sabi sa kanya kahit hindi naman masakit. "Open your mouth, baby boy. Say ah!" Biro ko sa kanya habang inilalapit ang kutsara sa bibig niya dahil pinapanood niya lang akong kumain!Tumatawa naman siya pero sinubo pa din niya ang inuumang kong pagkain sa kanya. Natuwa naman ako kaya inulit kong muli pero umiling na siya at para pang masasamid."Baby, stop it! Kakain na po ako." Aniya dahil hindi ko talaga siya titigilan. Natawa na lang kaming pareho at nagpatuloy sa maganang pag kain. Masaya kaming nag kumustahan habang kumakain kami kaya pansamantala kong nakaligtaan ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko.Hinatid ako muli ni Niko sa ospital kinabukasan dahil may duty ako."Baby, we're here." Tumatawa niyang sabi pagkarating namin ng ospital dahil hindi ko magawang bumitaw sa kanya. Para akong koala na nakakapit sa braso niya at nakasandig sa balikat niya."I don't feel like going to work today." Malungkot kong sabi sa kanya pero napabuntong hininga na lang ako dahil kahit ayaw ko ay kailangan kong pumasok."Why? Are you not feeling well? You should've told me. You can file for a leave, right?" Nag-aalala naman niyang tanong sa akin."No, I’m okay. Mami-miss kasi kita eh." Sabi ko naman sa kanya at lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso niya."Clingy baby bear! ‘Gonna miss you, too!" Natawa na lang kaming pareho sa kadramahan ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil kailangan ko na talagang pumasok.Sana hindi totoo Niko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung iiwan mo ako. Ilang oras pa nga lang na di tayo magkasama na mi-miss na kita. How much more ang mga buwan? O taon? Naiiyak ako!"What was that for?" Tanong niya."Ang alin?""The heavy sigh?""Nothing. Ma mi-miss nga kita! Sige na baby at ma li late na din ako. Bye! I love you!" Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi at agad na din akong bumaba sa sasakyan niya bago pa magbago ang isip ko at hindi na nga ako makakapasok pa nang tuluyan!Hindi ko pa din magawang sabihin sa kanya. Natatakot kasi ako na baka nga totoo. Ayoko. Hindi ko kaya. Iniisip ko pa lang ay parang gusto ko nang bumunghalit ng iyak!Thank you for voting! ❤️🙏
"Get up lazy bones! Let’s go out!” Masayang sabi ni Niko at umupo siya sa kinahihigaan ko at hinaplos ako sa pisngi.Alam kong nag-aalala siya sa akin nitong mga nakaraang araw dahil lagi akong walang energy at nakakatulog ako agad pagka-uwi galing trabaho. Night shift na kasi ako kaya malamang ay dahil ‘to sa puyat at mababa din ang blood pressure ko. Idagdag pa ang alalahanin ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa nababanggit kay Niko ang tungkol sa sinabi ng mommy niya. Natatakot kasi akong malaman..na baka totoo nga. Natatakot akong malaman na aalis nga siya lalo pa at kasama si Gab.Hindi na din maipagkakaila ang ilap at lungkot sa mga mata niya at may mga pagkakataon na nahuhuli ko siyang nakatitig lang sa akin na tila mini-memorya niya ang bawat hugis sa mukha ko. Kaya lalo lang akong naduwag na itanong sa kanya ang bagay na ‘yon. Pero alam kong hindi ko na dapat ito patagalin pa dahil lalo lang bumibigat ang dibdib ko.
"Hi! How's my baby?" Tanong ni Niko pagka sagot ko sa video call niya.Napangiti naman ako kaagad at umayos ng pagkakahiga. Isang buwan na din ang nakalipas pero sobrang lungkot ko pa din. Ipinagpapasalamat ko na lang na may video call kaya kahit malayo siya ay nagkikita pa din kami araw-araw. Hindi ko nga lang siya mayakap!"Masaya kasi nakita na kita!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Napangiti naman siya ng matamis kahit mukhang kagigising pa lang niya. “Kumusta ka diyan? Malapit na mag start class mo?" Tanong ko naman sa kanya."Next week na. I miss you so much baby!" Naka pout nitong sabi kaya natawa ako sa itsura niya. Miss na miss ko na siya!Nagtagal din ng isang oras ang pag-uusap namin. Minsan umaabot kami ng dalawang oras pero alam niya kasing may pasok pa ako bukas kaya ayaw niya akong mapuyat. Nakapasok kasi agad sa isang private hospital na malapit lang sa bahay nila tita.Napapikit
"Salamat sa paghatid, Von. Ikukumusta ba kita kay Max?" Biniro ko pa siya pagkababa ko ng sasakyan niya dahil ayokong ipahalata ang bigat ng dibdib ko. Kanina pang gustong tumulo ng luha ko.Kaagad na akong nagpaalam sa lolo at daddy ni Niko pagkatapos naming mag-usap ng mommy niya at nagdahilan na lang ako na sumakit ang ulo ko. Hindi ko na din nakita ang ate ni Niko kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Magtataxi na lang sana ako nang magpilit si Von na ihatid ako kaya hindi na ako nakatanggi.Tipid lang itong ngumiti. "Hmm alam ko na kung saan kita papasyalan, Jazzy." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa bahay ni tita Jelai."Oo naman, welcome ka dito. Pasok ka muna?""Hindi na para makapagpahinga ka na din. Oh paano? Mauuna na ako ha? Pasok ka na Jazzy." Hinintay pa niya akong makapasok bago tuluyang umalis.Pagka-akyat ko ng kwarto ay bumuhos agad ang luhang kanina ko pa tinitimpi. Laking pasasalamat ko na lang na hindi ako bumigay k
Pagkagising ko kinaumagahan ay halos hindi ko maimulat ang mga mata ko sa sobrang pagkamugto nito. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko dahil umaasa akong magpapaliwanag si Niko..na wala lang ‘yon at nagkakamali lang ako ng iniisip. Na wala naman talagang dahilan para umiyak ako.Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa pag-iyak nang wala man lang kahit isang message akong natanggap mula sa kanya. Ilang araw at gabi kong nilabanan ang sarili ko sa pag-iisip na baka kung ano nang nangyari sa kanya pero mukhang okay na okay naman siya.Lalo lang akong naiyak nang maalalang may buhay sa loob ng sinapupunan ko at ni hindi man lang alam ni Niko ‘to. Umagang umaga ay pag-iyak ang inatupag ko!Kahit wala akong kagana gana ay pinilit ko pa din ang sarili kong bumangon at kailangan kong magpunta sa OB ngayon. Napahawak ako sa aking tiyan at nagawa ko pa ding ngumiti. Magiging maayos din ang lahat baby ko."Ate Jaz
Napakunot noo ako nang mayroong kumatok sa pintuan na napakalakas habang nanonood ako ng tv sa sala. Hindi ba naisara ni Andrew ang gate? Sigurado akong hindi siya 'yan o si tita dahil may sarili naman silang mga susi. Nag-aalangan akong buksan pero wala naman sigurong magnanakaw ng ganitong oras at tanghaling tapat. Kaya nagkibit balikat na lang ako at binuksan ito."Oh my gosh!" Halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw ni Max! At halos mapanganga din ako dahil hindi ko ini-expect na makita siya! Nasa likuran naman niya si Jen at Jeff na tumatawa sa kaingayan niya.Hindi naman ako nasurprisa sa presensiya ni Jen at Jeff dahil madalas nila akong puntahan dito sa bahay. Si Jeff kasi ay dito na sa Manila ipinagpatuloy ang med school nang malaman niya ang nangyari sa akin.Kaagad naman akong niyakap ni Max at sumunod naman si Jen na akala mo ay hindi kami nagkikita. Halos every weekend nga ay pinupuntahan niya ako basta hindi siya abala sa trabaho."Uy, tama na
“Baby boy Gonzales out!" Masayang sigaw ng OB ko.Kahit hapong hapo ako mula sa pagli-labor at pag-ire ay nakahinga na ako ng maluwag nang marinig ko ang iyak ng baby ko.“Heto na po ang baby niyo, ma’am.” Sabi ng nurse sa akin at ipinaranas sa akin ang unang yakap.“Hi baby..” Bati ko sa anak ko.Hindi ko na napigilan ang mga luhang nag-uunahan na sa pagtulo ng masilayan at mayakap ko siya. Napakaliit niya at mamula mula ang kutis. Napangiti ako habang lumuluha dahil walang makakapantay sa kaligayahan na narararamdaman ko ngayon. Pawing pawi ang lahat ng sakit at paghihirap na naranasan ko! Isa na nga akong ganap na ina. Pangako anak, pupunuin kita ng pagmamahal.“Kukunin ko na po muna si babay ma’am ha?” Sabi sa akin ng nurse makalipas ang ilang sandali at ipinasa niya ito kay Ethan na
"Really mommy?! You not joking?" Nabubulol at nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ng anak ko nang sinabi kong pupunta kami sa mall ngayon."Uh-huh! Mommy’s not joking po so get up na. Let’s take a bath na kasi lapit na si daddy doc!” Kanina ko pa kasi siya ginigising pero napasarap yata ang tulog niya ngayon.Napasinghap naman siya at kaagad na ngang bumangon! Naku, basta pasyal talaga ay napaka alisto."Lagot! Di pa nakaligo ‘yang baby na ‘yan. Aalis na si daddy doc niya!" Biro naman ni tita na nasa may pintuan na pala."Oh no! Mommy please hurry up! I’ll take a bath now!” Natawa na lang kami ni tita sa istura niyang aburido na at nagmamadali. Nagpa cute eyes pa kaya halos matunaw naman ang puso ko. Pagkatapos ko siyang paliguan ay si tita na ang nag boluntaryong bihisan siya para makaligo na din ako. Napangiti na lang ako dahil excited na excited na siya at minadal
“Isang buwan na lang!" Masaya kong sabi kay Jen pagkatapos naming kumain ng lunch."Mag-extend ka na Jaz..Gawin mo nang 6 months please? Malulungkot ako niyan eh." Maarte nitong sabi pero inirapan ko lang siya.Hindi naman mahirap ang trabaho ko dito at malaki din naman ang sahod kaso parang lagi akong kinakabahan. Wala akong peace of mind! Lalo na at alamkong nandito na siya sa Pilipinas. Ipinagpapasalamat ko na lang na sa dalawang buwan kong pagta trabaho dito ay hindi ko pa siya nakitang nagawi dito.Buti na lang at si Von pala ang may hawak sa project na ‘to. Nagulat siya nang makita niya ako dito at humingi siya ng pasensya nang hindi na daw niya ako nadalaw pa noon gawa ng lumipad din siya patungong Australia para kumuhang masters.Hindi rin naman niya nabanggit ang pinsan niya. Aware naman din siguro sila na wala na kami. I mean, na inabandona na niya kami.Hindi ko alam kung nag try din ba ang ate n
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng