"Hi! How's my baby?" Tanong ni Niko pagka sagot ko sa video call niya.
Napangiti naman ako kaagad at umayos ng pagkakahiga. Isang buwan na din ang nakalipas pero sobrang lungkot ko pa din. Ipinagpapasalamat ko na lang na may video call kaya kahit malayo siya ay nagkikita pa din kami araw-araw. Hindi ko nga lang siya mayakap!"Masaya kasi nakita na kita!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Napangiti naman siya ng matamis kahit mukhang kagigising pa lang niya. “Kumusta ka diyan? Malapit na mag start class mo?" Tanong ko naman sa kanya."Next week na. I miss you so much baby!" Naka pout nitong sabi kaya natawa ako sa itsura niya. Miss na miss ko na siya!Nagtagal din ng isang oras ang pag-uusap namin. Minsan umaabot kami ng dalawang oras pero alam niya kasing may pasok pa ako bukas kaya ayaw niya akong mapuyat. Nakapasok kasi agad sa isang private hospital na malapit lang sa bahay nila tita.Napapikit ako ng mariin pagkagising ko kinaumagahan dahil parang umiikot ang buong paligid ko sa biglaang pagbangon ko. Nanatili muna akong nakaupo dahil baka matumba ako kapag pinilit kong tumayo.
Puro night shift na naman kasi ako nitong mga nakaraan kaya malamang ay bumaba na naman ang dugo ko. Tinigil ko na naman kasi ang pagti-take ko ng iron nang bumuti ang pakiramdam ko noong nakaraang buwan dahil sa hindi ko talaga magustuhan ang lasang kalawang!Di pa ako nagtatagal sa pagkakaupo ay parang bumabaliktad ang sikmura ko kaya kahit nahihilo ako ay napatakbo ako sa banyo at nag duwal. Umagang umaga ubos ang energy ko kaya bumalik ako sa pagkakahiga at pinalipas muna ang pagkahilo ko. Buti na lang at maaga akong nagising ngayon dahil kung hindi ay mali-late ako. "Hi tita! Good morning." Bati ko kay tita nang madatnan ko siyang naghahain na sa mesa."Good morning! Halika na kain na tayo. Siguradong mamayang tanghali pa gigising yang pinsan mo." Tumingin lang siya sandali sa akin dahil nag-aayos siya sa hapag pero muli siyang napatingin sa akin na tila ako sinusuri kaya nagtaka ako."Bakit po tita?""Ang putla mo at mukha kang nananamlay, Jaz. Anemic ka di ba?" Nagpatingin kasi ako noon sa Baguio bago umalis si Niko dahil nga parang lagi akong walang energy at medyo mababa nga ang hemoglobin ko."Nahihilo nga po ako tita dahil siguro sa sunod-sunod na naman na night duty. Tinigil ko kasi ang pagti-take ng ferrous sulfate, pangit kasi ng lasa." Iniisip ko pa lang ang lasa ay naduduwal na naman ako! Ugh!"Naku, huwag ka ngang pasaway diyan, ha? Nurse ka nga, pasaway ka naman. Baka ikaw maging pasyente niyan ha kaya alagaan mo din sarili at nang hindi rin mag-alala asawa mo." Concern na sinabi sa akin ni tita."Opo tita. Bibili ako pagkatapos ng duty ko." Hindi ako masyadong nakakain dahil pakiramdam ko ay ilalabas ko din lahat ng kinain ko. Patingin-tingin naman sa akin si titan a tila nag-aalala kaya mag ti-take na talaga ako ng vitamins. Ang pangit din sa pakiramdam ang hilo na ‘to."Are you sure you're okay?" Tanong ni Niko nang mapatawag siya.Lagi niya akong tinatanong dahil napapansin niya din pala ang pamumutla ko pero pilit ko itong itinatago sa kanya dahil ayokong mag-alala siya sa akin lalo na at nagsimula na din siya sa pag-aaral niya. Mabilis na lumipas ang isang buwan at medyo bumuti naman ang pakiramdam ko kaya hindi na ako nag-abalang sabihin pa sa kanya ito.May mga pagkakataon pa din na nahihilo ako pero hindi na ganoon kadalas. Sa tingin ko nga ay kailangan ko na ding magpatingin sa ophthalmologist dahil mukhang mata ko na ang may problema. Hindi nga lang ako nagkakaroon ng libreng oras dahil sa hectic na schedule. As usual, understaffed na naman ang problema."Pagod lang baby. Ikaw, kumusta ka diyan?” Pilit kong pinasigla ang itsura ko."Mag resign ka na baby.” Pakiusap niya sa akin. Lagi niya akong kinukulit na mag resign na ako pero lagi ko din siyang tinatanggihan dahil ayoko namang umasa lang sa kanya.Ilang beses na din naming napag-usapan ‘yan. Hindi ko daw kailangang magtrabaho dahil siya daw ang gagawa noon. Sayang naman kasi ang pinag-aralan ko at tsaka isa pa wala pa naman kaming anak kaya wala din akong gagawin.Pati mga cards niya iniiwan niya sa akin at gamitin ko lang daw pero umayaw ulit ako. Halos awayin ko pa siya para lang hindi niya iwan sa akin ang mga ‘yon kaya wala na din siyang nagawa.At isa pa sa pinaka-inayawan ko ay ang kagustuhan niyang sa mansiyon nila ako manirahan. Alam ko naman na hindi ako gusto ng mommy niya kaya hindi ko ipipilit ang sarili ko doon. Darating din siguro ang time na magiging maayos ang lahat pero wala talaga akong lakas ng loob na tumira doon.“Baby, napag-usapan na natin yan di ba?” Masuyo kong sagot sa kanya kaya napabuntong hininga na lang siya."Stubborn.” Sabi nito sa akin pero nakangiti naman siya kaya napangiti din ako. “Oh by the way, I almost forgot. Its dad’s birthday next week. Punta ka please? Papasundo kita diyan." Pakiusap niya sa akin. Lagi ko na lang siyang tinatanggihan kaya para hindi siya madisappoint ay umoo na din ako. Bahala na."Ate Jaz! Andiyan na sundo mo!" Tawag sa akin ni Andrew.
"Oo, andiyan na!" Sabi ko naman at mabilis na tinignan muna ang sarili sa aking full length mirror.Nagsuot lang ako ng simpleng yellow dress na lalong nagpalutang sa kulay ko. Naglagay ako ng manipis na makeup para hindi masyadong pale ang mukha ko.Nakahinga din ako ng maluwag nang sabihin sa akin ni Niko na isang simple family dinner lang daw ang gaganapin at nalaman ko pang si ate Pamela ang susundo sa akin. Mabait kasi ang ate Niko at magkasundo kami. Lumabas na din kami minsan at nagbonding nang makaalis si Niko."You look gorgeous, Jaz!" Bati sa akin ni ate nang makalabas ako ng gate. Hindi na pala siya pumaosk sa loob."Thanks ate. Pero lalo ka na!" Puri ko din sa kanya dahil napakaganda naman talaga niya. She’s wearing a simple black dress and she really looked gorgeous.Medyo nabawasan ang kaba na nararamdaman ko dahil sa masayang pagkukwentuhan namin ni ate Pam pero muli itong kumabog ng malakas nang makarating kami sa bahay nila.“Relax, Jaz.” Napansin ata ni ate ang biglang pagka tensed ko kaya ngumiti na lang ako kahit halos manlambot na ang mga tuhod ko sa kaba.Sinalubong kami agad ng lolo at daddy niya nang makalapit kami sa kanila. Natuwa naman ako dahil mukha naman silang masaya na makita ako.“Happy birthday, tito.” Bati ko kay tito nang magmano ako sa kanya.“Oh thank you, hija!” Masayang sabi nito sa akin pero may kumausap sa kanya agad kaya doon na nabaling ang atensyon niya.“Hi apo! I’m glad you came. Feel at home, alright?” Sabi naman ng lolo nito sa akin nang sa kanya naman ako nagmano.“Opo lolo. Salamat po.” Nakangiti ko namang sabi bago ako iginiya ni ate at ipinakilala sa mga ibang kamag-anak pa nila. Medyo madami-dami din pala sila dahil inimbitahan daw nila ang ilan sa mga kaibigan nila ayon kay ate Pamela."Oh my! Look who's here!" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Von! Mabilis itong nakalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit kaya natawa ako dahil halos hindi ako makahinga!“Silly!” Tumatawa kong sabi niya pero bahagya akong nailang nang mapansin kong sa amin halos nakatuon ang tingin ng mga tao."I missed you, Jazzy girl!" Sabi pa nito at pinisil pa ako sa aking pisngi.“Andrew, ikaw muna ang bahala kay Jaz ha?” Sabi naman ni ate Pam at nagpaalam siya sa akin dahil may aasikasuhin lang daw siya kaya naiwan ako kay Von.“Kumusta?” Tanong ko sa kanya nang makaupo kami. Masaya kaming nagkwentuhan at laking pasasalamat ko talaga na nandito siya.Nakita ko na din ang mommy ni Niko at halatang umiiwas na mapadako kung nasaan ako kaya hindi na din ako nag-abalang lumapit pa. Napabuntong hininga na lang ako. Magiging maayos din ang lahat.. sa tamang panahon."So, talagang hindi ka na pinakawalan ni Nikolas ah! Daya nyo, hindi kayo nagasabi!" Kunwaring nagtatampo nitong sabi pero tinawanan ko na lang ang pag-iinarte niya.
"Alam mo naman siguro na ipapakasal siya sa iba kaya ayun. Hindi nga din alam ni Jen at Max eh kaya huwag ka nang magtampo diyan.” Sabi ko sa kanya pero bigla siyang natahimik. Ah nabanggit ko kasi si Max.Napabuntonghininga na lang siya at tipid na ngumiti sa akin. “Kumusta naman siya?” Tanong niya pero alam kong si Max ang tinatanong niya."Nag wo-work na siya sa Baguio." Sabi ko naman sa kanya. Sa totoo lang hindi ko din alam kung ano ba talagang meron sa kanila ni Max. Pareho ko silang hindi mabasa.Nang magsasalita pa sana siya ay biglang may lumapit at kinausap si Von kaya nagpaalam muna akong mag c-cr. Dahil kabisado ko naman na dito sa ay dumaan ako sa likuran at dumiretso na sa cr.Nang matapos ako ay agad na akong lumabas. Pero laking gulat ko pagkalabas ko dahil ang mommy ni Niko ang bumungad sa akin at halatang inaabangan ako dahil nakahalukipkip pa siya. Lumakas na naman ang pagkabog ng puso ko!"You seemed very happy ha kahit malayo ang anak ko?” Nakataas ang isang kilay nitong sabi sa akin kaya hindi ako nakapagsalita. “Well, sabagay.. masayang masaya din naman si Paulo doon at madalas maikwento sa akin ni Gab na lagi nga silang magkasama. Madalas din daw makitulog si Paulo sa apartment niya.” Patuya niyang sinabi sa akin.Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at bahagyang nanginig ang mga kamay ko kaya ikinuyom ko ito. Hindi pwedeng ganito na lang palagi dahil wala naman akong ginagawang masama! Bakit hindi niya kayang pakisamahan ako bilang asawa ng anak niya at hindi ganito na sisiraan pa niya si Niko sa akin. Bakit kailangan niyang ipamukha sa akin na masaya si Niko at Gab?"With all due respect ma'am pero kasal na po kami ni Niko kaya kung plano niyo po ay ang sirain kaming dalawa, sigurado po akong hindi kayo magtatagumpay." Magalang ko pa ding sinabi sa kanya at pinilit ko pa ding ngumiti kahit na gusto ko nang bumunghalit ng iyak.Nasasaktan ako sa pag trato niya sa akin at aaminin kong nasaktan din ako sa kaalamang laging magkasama si Niko at Gab at doon pa ito madalas na natutulog!"How dare you! Baka nakakalimutan mong merong annulment? Mabilis lang yan gawan ng paraan! Sigurado akong pinagsawaan ka na ng anak ko kaya nagpapakasaya na siya kay Gabrielle ngayon!" Sabi pa nito na halos matunaw ako sa kalse ng tingin na iginagawad niya sa akin. "Madalang siyang tumawag sayo, tama ba ako? Alam lahat ni Gab ‘yan. Kasi tuwing tumatawag ka, andun siya.. nabanggit ba yun sayo ng asawa mo?" Sabi pa nito.Kahit nanginginig na ako at nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa mga sinabi niya ay pinilit ko pa ding magpakatatag. Hindi ko hahayaan na matuwa siya kapag nagpakita ako ng takot."Mawalang galang po pero tapos na po kayo? Kasi kung tapos na po kayo ay aalis na po ako." Hindi ko napigilan ang pagtigas ng boses ko kaya napamulagat na lang siya sa akin at tila hindi makapaniwalang hindi ako apektado sa mga sinabi niya.Pero sa totoo lang ay durog na durog na ang puso ko kaya kinailangan ko nang lumayo dahil baka tuluyan na akong manlambot sa harapan niya."Bastos!" Galit na galit nitong sigaw sa akin nang makabawi siya pero hindi na ako lumingon pa."Salamat sa paghatid, Von. Ikukumusta ba kita kay Max?" Biniro ko pa siya pagkababa ko ng sasakyan niya dahil ayokong ipahalata ang bigat ng dibdib ko. Kanina pang gustong tumulo ng luha ko.Kaagad na akong nagpaalam sa lolo at daddy ni Niko pagkatapos naming mag-usap ng mommy niya at nagdahilan na lang ako na sumakit ang ulo ko. Hindi ko na din nakita ang ate ni Niko kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Magtataxi na lang sana ako nang magpilit si Von na ihatid ako kaya hindi na ako nakatanggi.Tipid lang itong ngumiti. "Hmm alam ko na kung saan kita papasyalan, Jazzy." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa bahay ni tita Jelai."Oo naman, welcome ka dito. Pasok ka muna?""Hindi na para makapagpahinga ka na din. Oh paano? Mauuna na ako ha? Pasok ka na Jazzy." Hinintay pa niya akong makapasok bago tuluyang umalis.Pagka-akyat ko ng kwarto ay bumuhos agad ang luhang kanina ko pa tinitimpi. Laking pasasalamat ko na lang na hindi ako bumigay k
Pagkagising ko kinaumagahan ay halos hindi ko maimulat ang mga mata ko sa sobrang pagkamugto nito. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko dahil umaasa akong magpapaliwanag si Niko..na wala lang ‘yon at nagkakamali lang ako ng iniisip. Na wala naman talagang dahilan para umiyak ako.Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa pag-iyak nang wala man lang kahit isang message akong natanggap mula sa kanya. Ilang araw at gabi kong nilabanan ang sarili ko sa pag-iisip na baka kung ano nang nangyari sa kanya pero mukhang okay na okay naman siya.Lalo lang akong naiyak nang maalalang may buhay sa loob ng sinapupunan ko at ni hindi man lang alam ni Niko ‘to. Umagang umaga ay pag-iyak ang inatupag ko!Kahit wala akong kagana gana ay pinilit ko pa din ang sarili kong bumangon at kailangan kong magpunta sa OB ngayon. Napahawak ako sa aking tiyan at nagawa ko pa ding ngumiti. Magiging maayos din ang lahat baby ko."Ate Jaz
Napakunot noo ako nang mayroong kumatok sa pintuan na napakalakas habang nanonood ako ng tv sa sala. Hindi ba naisara ni Andrew ang gate? Sigurado akong hindi siya 'yan o si tita dahil may sarili naman silang mga susi. Nag-aalangan akong buksan pero wala naman sigurong magnanakaw ng ganitong oras at tanghaling tapat. Kaya nagkibit balikat na lang ako at binuksan ito."Oh my gosh!" Halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw ni Max! At halos mapanganga din ako dahil hindi ko ini-expect na makita siya! Nasa likuran naman niya si Jen at Jeff na tumatawa sa kaingayan niya.Hindi naman ako nasurprisa sa presensiya ni Jen at Jeff dahil madalas nila akong puntahan dito sa bahay. Si Jeff kasi ay dito na sa Manila ipinagpatuloy ang med school nang malaman niya ang nangyari sa akin.Kaagad naman akong niyakap ni Max at sumunod naman si Jen na akala mo ay hindi kami nagkikita. Halos every weekend nga ay pinupuntahan niya ako basta hindi siya abala sa trabaho."Uy, tama na
“Baby boy Gonzales out!" Masayang sigaw ng OB ko.Kahit hapong hapo ako mula sa pagli-labor at pag-ire ay nakahinga na ako ng maluwag nang marinig ko ang iyak ng baby ko.“Heto na po ang baby niyo, ma’am.” Sabi ng nurse sa akin at ipinaranas sa akin ang unang yakap.“Hi baby..” Bati ko sa anak ko.Hindi ko na napigilan ang mga luhang nag-uunahan na sa pagtulo ng masilayan at mayakap ko siya. Napakaliit niya at mamula mula ang kutis. Napangiti ako habang lumuluha dahil walang makakapantay sa kaligayahan na narararamdaman ko ngayon. Pawing pawi ang lahat ng sakit at paghihirap na naranasan ko! Isa na nga akong ganap na ina. Pangako anak, pupunuin kita ng pagmamahal.“Kukunin ko na po muna si babay ma’am ha?” Sabi sa akin ng nurse makalipas ang ilang sandali at ipinasa niya ito kay Ethan na
"Really mommy?! You not joking?" Nabubulol at nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ng anak ko nang sinabi kong pupunta kami sa mall ngayon."Uh-huh! Mommy’s not joking po so get up na. Let’s take a bath na kasi lapit na si daddy doc!” Kanina ko pa kasi siya ginigising pero napasarap yata ang tulog niya ngayon.Napasinghap naman siya at kaagad na ngang bumangon! Naku, basta pasyal talaga ay napaka alisto."Lagot! Di pa nakaligo ‘yang baby na ‘yan. Aalis na si daddy doc niya!" Biro naman ni tita na nasa may pintuan na pala."Oh no! Mommy please hurry up! I’ll take a bath now!” Natawa na lang kami ni tita sa istura niyang aburido na at nagmamadali. Nagpa cute eyes pa kaya halos matunaw naman ang puso ko. Pagkatapos ko siyang paliguan ay si tita na ang nag boluntaryong bihisan siya para makaligo na din ako. Napangiti na lang ako dahil excited na excited na siya at minadal
“Isang buwan na lang!" Masaya kong sabi kay Jen pagkatapos naming kumain ng lunch."Mag-extend ka na Jaz..Gawin mo nang 6 months please? Malulungkot ako niyan eh." Maarte nitong sabi pero inirapan ko lang siya.Hindi naman mahirap ang trabaho ko dito at malaki din naman ang sahod kaso parang lagi akong kinakabahan. Wala akong peace of mind! Lalo na at alamkong nandito na siya sa Pilipinas. Ipinagpapasalamat ko na lang na sa dalawang buwan kong pagta trabaho dito ay hindi ko pa siya nakitang nagawi dito.Buti na lang at si Von pala ang may hawak sa project na ‘to. Nagulat siya nang makita niya ako dito at humingi siya ng pasensya nang hindi na daw niya ako nadalaw pa noon gawa ng lumipad din siya patungong Australia para kumuhang masters.Hindi rin naman niya nabanggit ang pinsan niya. Aware naman din siguro sila na wala na kami. I mean, na inabandona na niya kami.Hindi ko alam kung nag try din ba ang ate n
Years have passed and he has changed so much. He looks rough and gone is the sweet Niko I used to know. Well, I can't really tell dahil hindi naman ako ang babae sa buhay niya. But I must admit na lalo itong bumagay sa kanya. At nakadagdag pa ang kumpiyansa nito sa sarili. Napapailing na lang ako sa tinatakbo ng isip ko. Nasa unahan kasi sila at habang naglalakad kami ay kausap niya ang mga importanteng tao."Sweetie, my feet hurt!" Maarteng sabi ng babae sa kanya pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lamang sila sa paglalakad.I smirked upon hearing her whine. Sino ba kasing nagsabi na pwede siyang mag heels dito? Bukod sa hindi safe ay napaka uncomfortable din. Ano, gusto lang bang iparada ng lalaking 'yan ang girlfriend niya dito?"Celine, you can just stay in the office." Mahinahong sabi naman ni Rust dito dahil nga sa hindi siya pinansin ng sweetie niya. Tsk. Huh, may pangalan pala ang babae."But.." Magpo protesta pa sana ito nang magsal
"Is that you na mommy?! Mommy!" Sigaw ng anak ko kaya para akong naipako sa kinatatayuan ko!Hindi ako kaagad nakahuma pero muli itong sumigaw kaya wala na akong nagawa kundi sumagot sa kanya. "Yes, baby." Sagot kong parang namatanda."Aiden! Wait na lang natin si mommy dito sa loob!" Dinig kong suway ni Andrew sa kanya dahil kinakalampag na niya ang gate!Kung malakas na ang kabog ng puso ko kanina ay lalo pa ngayon! Nakita naman na niya si Aedin at kahit anong gawin ko ay alam kong hindi ko na siya maitatago sa kanya pero hindi ko pa din maintindihan. Kinakabahan ako!Aiden, huwag kang lalabas please.. Mag-isip ka, Jazzy! Lumingon ako kay Niko na para ding naitulos sa kinatatayuan pero wala na akong pakialam basta hinding hindi na dapat niya makita pa si Aedin!"Makakaalis ka na. Papasok na ako." Tipid kong sabi sa kanya pero bago ko pa mabuksan ang gate ay naunahan na ako ni Aedin!"Mommy! Mommy!" Nagtatatalon na ito at kaagad na nagpabuh
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng