"Get up lazy bones! Let’s go out!” Masayang sabi ni Niko at umupo siya sa kinahihigaan ko at hinaplos ako sa pisngi.
Alam kong nag-aalala siya sa akin nitong mga nakaraang araw dahil lagi akong walang energy at nakakatulog ako agad pagka-uwi galing trabaho. Night shift na kasi ako kaya malamang ay dahil ‘to sa puyat at mababa din ang blood pressure ko. Idagdag pa ang alalahanin ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa nababanggit kay Niko ang tungkol sa sinabi ng mommy niya. Natatakot kasi akong malaman..na baka totoo nga. Natatakot akong malaman na aalis nga siya lalo pa at kasama si Gab.Hindi na din maipagkakaila ang ilap at lungkot sa mga mata niya at may mga pagkakataon na nahuhuli ko siyang nakatitig lang sa akin na tila mini-memorya niya ang bawat hugis sa mukha ko. Kaya lalo lang akong naduwag na itanong sa kanya ang bagay na ‘yon. Pero alam kong hindi ko na dapat ito patagalin pa dahil lalo lang bumibigat ang dibdib ko.“Come on, baby.” Malambing nitong sabi sa akin habang nilalaro ang buhok ko.“Sing for me first.” Lambing ko din sa kanya.Tinatamad na naman akong bumangon dahil napakabigat ng katawan ko. Ilang gabi kasi akong nakaduty dahil nag emergency leave ang isa sa mga reliever namin kaya wala akong choice kung hindi saluhin ‘yon. Okay na din ‘yon para medyo mahaba din ang off ko.Agad naman siyang tumalima at tumayo para kunin ang gitara niya at muling umupo sa gilid ng kama. Napangiti ako nang magsimula siyang mag strum at paborito ko pa ang tinugtog niya.Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galing galing mong sumayaw
Mapa boogie man o cha-cha
Wala na, natunaw na naman ang puso ko! Bumangon na ako at yumakap sa likuran niya at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya habang ninanamnam ko ang pagtugtog at pag kanta niya. Napaka lamig talaga ng boses niya at napakasarap pakinggan.“Mas maginaw ngayon kahit summer na?” Sabi ko sa kanya habang magkahawak kamay kaming naglalakad sa Session Road. Naka sundress ako na above the knee at denim jacket pero giniginaw pa din ako.Bumitaw naman siya sa akin at akmang tatanggalin niya ang black trucker jacket niya nang pigilan ko siya. Napakunot noo naman ito nang tawanan ko siya.“I’m okay. Cute mo!” Nginitian ko siya nang matamis dahil napakagaling niyang magpakilig.“I though you’re cold?” Tanong niya.“Yeah but I’m fine. Mawawala din ‘to kasi maglalakad lakad pa tayo oh.” Sabi ko sa kanya at pinisil ko ang pisngi niya. Napailing na lang ito at napangisi at nabigla ako nang bigla niya akong hapitin sa bewang.“Niko! Pinagtitinginan tayo. Grabe ka naman kasing makahapit sa bewang ko!” Tudyo ko sa kanya.“Gwapo kasi ng asawa mo.” Nakangising bulong niya sa akin kaya kinurot ko siya ng marahan sa bewang niya.“Eh di ikaw na ang gwapo!” Tumatawa kong sagot sa kanya at yumakap na din ako sa bewang niya habang naglalakad kami.Nag crave kami pareho sa pizza kaya sa yellow cab na lang kami kumain. Nagpahinga lang kami ng kaunti pagkatapos naming kumain saka na kami ulit naglakad lakad.
“Baby, samahan mo nga ulit akong mag-ukay.” Kunwaring lambing ko sa kanya pero sa totoo lang ay sinusubukan ko lang siya."Baby?” Gulat nitong tanong at napatigil pa siya sa paglalakad kaya hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa! “You might be a photographer again so please." Nakangisi nitong pakiusap sa akin.“Yabang!” Pairap kong sabi sa kanya at siya naman ang natawa.“Let’s just sleep, baby. Corny niyang pinapanood mo.” Sabi niya sa akin dahil nanood pa kami ng tv pagkauwi namin at nagpapaantok lang. Hindi naman ako mahilig manood pero basta feel ko lang manood ngayon.
“Patapusin lang natin.” Lambing ko sa kanya at sumandig ako sa dibdib niya habang nakapulupot naman ang braso niya sa bewang ko.'Walang hiya kang babae ka! Layuan mo ang anak ko! Magkano ba kailangan mo?!'Natigilan ako sa linyahan ng matandang babae na maraming kolorete sa katawan sa tv. Biglang namawis ang mga kamay ko. Napansin ni Niko ang biglang pagka tense ko dahil agad niyang pinatay ang TV!"You okay baby? Let’s sleep?" Nakatingin siya sa mukha ko na tila nanantiya. Nag-uunahan na din ang tibok ng puso ko. Siguro panahon na din para harapin ko ang katotohanan?“Baby?” Nag-aalala nitong tanong nang hindi pa din ako kumikilos. Dahan-dahan akong umalis mula sa pagkakasandig ko sa kanya at humugot ako ng malalim na paghinga.“N-niko..” Huminga ulit ako ng malalim kaya napakunot noo na ito habang hinihintay ang sasabihin ko.
"Your mom went here pala.." Alumpihit kong sabi sa kanya at halata ang pagkagulat niya. Naging mailap din ang mga mata niya kaya parang nakumpirma ko na ngang totoo kahit hindi ko pa man din naitatanong! Lalo pang kumabog ang puso ko sa kaba."Totoo ba? Aalis ka?" Naiiyak kong tanong sa kanya.Hindi siya nakasagot at napatingala na lang sa taas na tila ba doon nya mahahanap ang kasagutan sa tanong ko sa kanya. Napasabunot siya sa buhok niya at nagpakawala ng malalim na buntong hininga! Hindi ko na nga napigilan pa ang sarili ko nang mag unahan nang tumulo ang luhang nagbabadyang bumagsak kanina pa. Hindi ko na din napigilan pa nang mapahikbi na din ako sa sobrang sakit. Napamura siya nang makita niya akong umiiyak at agad niya akong niyakap nang mahigpit.“I’m..I’m so sorry, baby.” Hirap na hirap nitong sabi sa akin kaya lalo lang akong napaiyak."Iiwan mo talaga ako, ha?” Putol putol kong tanong sa kanya gawa nang paghikbi ko."Babalik din ako agad..I promise. Please don’t cry.” Pang-aalo nito sa akin at nararamdaman ko ang pagdampi niya ng mga halik sa ulo ko. Ramdam ko din ang bigat sa dibdib niya pero may magagawa ba kami?"P-paano tayo?" Humihikbi kong tanong."Hindi kita pababayaan. And we have to tell our family about..us. Is it okay with you?”"Ayaw sa’kin ng mommy mo, Niko." Natatakot ako sa mommy niya. Natatakot akong paghiwalayin niya kami."Don’t worry about her. I will take care of that.” Masuyo niyang sabi sa akin."Kasama mo daw si Gab.""Yeah. Same university but that’s all. Malayo ang tirahan niya sa tirahan ko.”"May gusto sa’yo ‘yon eh." Nakasimangot kong sabi sa kanya."You're so cute, baby. Don't worry about that because it’s only you and it will always be just you. I love you so much, you know that.” Kahit papaano ay napanatag ang kalooban ko. Kakayanin namin ‘to.Sa isang buwan na pala agad ang alis niya. Gustuhin ko mang magtampo ay hindi ko magawa. Ilang araw na nga lang kaming magkakasama, aawayin ko pa ba. Lumuwas din kami ng Manila two weeks after ng confrontation namin at nang ma approve din ang leave ko. One week lang talaga ang hangganan na pwedeng ibigay sa akin dahil under staffed kami.Dinala niya ako sa mansiyon nila at ipinakilala niya ako bilang asawa niya. Nabigla silang lahat lalo na ang mommy niya na halos mahimatay sa pagkabigla. Ang lolo niya ay sobrang disappointed dahil nga sa kasunduan nila ng kaibigan niyang lolo ni Gab. Pero kalaunan ay natanggap naman na nila. Wala na daw silang magagawa at kinasal na nga kami. Tinanong pa nila kung buntis daw ba ako at bakit agad daw kaming nagpakasal. Syempre sinabi naming hindi at nagpakasal kami dahil mahal namin ang isa't isa.Nag punta din kami sa bahay ni tita Jelai. Gulat na gulat si tita pero masaya siya para sa amin. Nasabi na din namin kay mommy a day after naming mag usap ni Niko. Nag video call na lang kami. Alam kong nadisappoint ko si mommy pero di nya ‘yon ipinahalata. Nakapagtapos naman na daw ako at may trabaho na pero sana daw ay ikasal kaming muli kapag umuwi siya kaya masaya naman kaming nangako ni Niko. Magpapakasal kami ulit pagkauwi niya.Sa mansiyon nila Niko kami nag stay. Mababait naman sila lahat sa akin lalo na ang ate ni Niko pero ang mommy niya ay halos iwasan ako sa buong stay namin doon.Naging extra sweet pa si Niko sa akin kaya gumaan naman nang tuluyan ang dibdib ko. Nag celebrate din ang family niya dahil pumasa siya ng board at despidida na din. Hinatid niya ako sa Baguio ng ika limang araw na stay namin sa Manila dahil kailangan ko pang magpahinga at sasabak na naman ako sa trabaho. Hindi na siya pumayag na magtrabaho pa ako dito sa Baguio dahil pauwi na din si Jen kaya nagre-resign na din ako at sabay na kami ni Jen uuwi ng Manila.“Will you be okay?” Nag-aalala at malungkot nitong tanong nang pabalik na siya ng Manila. Hindi ko na din siya maihahatid sa flight niya dahil may trabaho na ako at isa pa, parang hindi ko din kakayanin na makita siyang umalis. Ngayon pa nga lang sobra-sobra na ang pag-iyak ko! Ayoko sanang ipakita sa kanya ang kalungkutan ko para hindi naman ganoon kabigat ang dibdib niyang aalis pero hindi ko mapigilan!“Yeah, I will be. Don’t worry about me.” Pilit ang ngiti kong sabi sa kanya pero para namang fountain ang mga mata ko at hindi na maawat sa pagluha.Pigil na pigil din siya at mabibigat ang kanyang paghinga. “I love you so much, baby. Wait for me.” Niyakap niya ako ng mahigpit at siniil ng halik bago tuluyang umalis.Pagkaalis niya ay hindi ko na talaga naawat pa ang sarili ko sa pag-iyak. Ilang araw din akong puro iyak kaya labis ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko dahil hindi talaga nila ako iniwan at lagi silang nandiyan kaya kahit papaano ay nakaya ko.Lalo pa kong nalungkot nang nagpaalam na kami ni Jen kay Max at Jeff dahil uuwi na din kami ng Manila. Kahit ayaw naming magkahiwa-hiwalay, kailangan na naming harapin na hindi na kami bumabata at dapat nang harapin ang reyalidad."Hi! How's my baby?" Tanong ni Niko pagka sagot ko sa video call niya.Napangiti naman ako kaagad at umayos ng pagkakahiga. Isang buwan na din ang nakalipas pero sobrang lungkot ko pa din. Ipinagpapasalamat ko na lang na may video call kaya kahit malayo siya ay nagkikita pa din kami araw-araw. Hindi ko nga lang siya mayakap!"Masaya kasi nakita na kita!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Napangiti naman siya ng matamis kahit mukhang kagigising pa lang niya. “Kumusta ka diyan? Malapit na mag start class mo?" Tanong ko naman sa kanya."Next week na. I miss you so much baby!" Naka pout nitong sabi kaya natawa ako sa itsura niya. Miss na miss ko na siya!Nagtagal din ng isang oras ang pag-uusap namin. Minsan umaabot kami ng dalawang oras pero alam niya kasing may pasok pa ako bukas kaya ayaw niya akong mapuyat. Nakapasok kasi agad sa isang private hospital na malapit lang sa bahay nila tita.Napapikit
"Salamat sa paghatid, Von. Ikukumusta ba kita kay Max?" Biniro ko pa siya pagkababa ko ng sasakyan niya dahil ayokong ipahalata ang bigat ng dibdib ko. Kanina pang gustong tumulo ng luha ko.Kaagad na akong nagpaalam sa lolo at daddy ni Niko pagkatapos naming mag-usap ng mommy niya at nagdahilan na lang ako na sumakit ang ulo ko. Hindi ko na din nakita ang ate ni Niko kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Magtataxi na lang sana ako nang magpilit si Von na ihatid ako kaya hindi na ako nakatanggi.Tipid lang itong ngumiti. "Hmm alam ko na kung saan kita papasyalan, Jazzy." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa bahay ni tita Jelai."Oo naman, welcome ka dito. Pasok ka muna?""Hindi na para makapagpahinga ka na din. Oh paano? Mauuna na ako ha? Pasok ka na Jazzy." Hinintay pa niya akong makapasok bago tuluyang umalis.Pagka-akyat ko ng kwarto ay bumuhos agad ang luhang kanina ko pa tinitimpi. Laking pasasalamat ko na lang na hindi ako bumigay k
Pagkagising ko kinaumagahan ay halos hindi ko maimulat ang mga mata ko sa sobrang pagkamugto nito. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko dahil umaasa akong magpapaliwanag si Niko..na wala lang ‘yon at nagkakamali lang ako ng iniisip. Na wala naman talagang dahilan para umiyak ako.Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa pag-iyak nang wala man lang kahit isang message akong natanggap mula sa kanya. Ilang araw at gabi kong nilabanan ang sarili ko sa pag-iisip na baka kung ano nang nangyari sa kanya pero mukhang okay na okay naman siya.Lalo lang akong naiyak nang maalalang may buhay sa loob ng sinapupunan ko at ni hindi man lang alam ni Niko ‘to. Umagang umaga ay pag-iyak ang inatupag ko!Kahit wala akong kagana gana ay pinilit ko pa din ang sarili kong bumangon at kailangan kong magpunta sa OB ngayon. Napahawak ako sa aking tiyan at nagawa ko pa ding ngumiti. Magiging maayos din ang lahat baby ko."Ate Jaz
Napakunot noo ako nang mayroong kumatok sa pintuan na napakalakas habang nanonood ako ng tv sa sala. Hindi ba naisara ni Andrew ang gate? Sigurado akong hindi siya 'yan o si tita dahil may sarili naman silang mga susi. Nag-aalangan akong buksan pero wala naman sigurong magnanakaw ng ganitong oras at tanghaling tapat. Kaya nagkibit balikat na lang ako at binuksan ito."Oh my gosh!" Halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw ni Max! At halos mapanganga din ako dahil hindi ko ini-expect na makita siya! Nasa likuran naman niya si Jen at Jeff na tumatawa sa kaingayan niya.Hindi naman ako nasurprisa sa presensiya ni Jen at Jeff dahil madalas nila akong puntahan dito sa bahay. Si Jeff kasi ay dito na sa Manila ipinagpatuloy ang med school nang malaman niya ang nangyari sa akin.Kaagad naman akong niyakap ni Max at sumunod naman si Jen na akala mo ay hindi kami nagkikita. Halos every weekend nga ay pinupuntahan niya ako basta hindi siya abala sa trabaho."Uy, tama na
“Baby boy Gonzales out!" Masayang sigaw ng OB ko.Kahit hapong hapo ako mula sa pagli-labor at pag-ire ay nakahinga na ako ng maluwag nang marinig ko ang iyak ng baby ko.“Heto na po ang baby niyo, ma’am.” Sabi ng nurse sa akin at ipinaranas sa akin ang unang yakap.“Hi baby..” Bati ko sa anak ko.Hindi ko na napigilan ang mga luhang nag-uunahan na sa pagtulo ng masilayan at mayakap ko siya. Napakaliit niya at mamula mula ang kutis. Napangiti ako habang lumuluha dahil walang makakapantay sa kaligayahan na narararamdaman ko ngayon. Pawing pawi ang lahat ng sakit at paghihirap na naranasan ko! Isa na nga akong ganap na ina. Pangako anak, pupunuin kita ng pagmamahal.“Kukunin ko na po muna si babay ma’am ha?” Sabi sa akin ng nurse makalipas ang ilang sandali at ipinasa niya ito kay Ethan na
"Really mommy?! You not joking?" Nabubulol at nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ng anak ko nang sinabi kong pupunta kami sa mall ngayon."Uh-huh! Mommy’s not joking po so get up na. Let’s take a bath na kasi lapit na si daddy doc!” Kanina ko pa kasi siya ginigising pero napasarap yata ang tulog niya ngayon.Napasinghap naman siya at kaagad na ngang bumangon! Naku, basta pasyal talaga ay napaka alisto."Lagot! Di pa nakaligo ‘yang baby na ‘yan. Aalis na si daddy doc niya!" Biro naman ni tita na nasa may pintuan na pala."Oh no! Mommy please hurry up! I’ll take a bath now!” Natawa na lang kami ni tita sa istura niyang aburido na at nagmamadali. Nagpa cute eyes pa kaya halos matunaw naman ang puso ko. Pagkatapos ko siyang paliguan ay si tita na ang nag boluntaryong bihisan siya para makaligo na din ako. Napangiti na lang ako dahil excited na excited na siya at minadal
“Isang buwan na lang!" Masaya kong sabi kay Jen pagkatapos naming kumain ng lunch."Mag-extend ka na Jaz..Gawin mo nang 6 months please? Malulungkot ako niyan eh." Maarte nitong sabi pero inirapan ko lang siya.Hindi naman mahirap ang trabaho ko dito at malaki din naman ang sahod kaso parang lagi akong kinakabahan. Wala akong peace of mind! Lalo na at alamkong nandito na siya sa Pilipinas. Ipinagpapasalamat ko na lang na sa dalawang buwan kong pagta trabaho dito ay hindi ko pa siya nakitang nagawi dito.Buti na lang at si Von pala ang may hawak sa project na ‘to. Nagulat siya nang makita niya ako dito at humingi siya ng pasensya nang hindi na daw niya ako nadalaw pa noon gawa ng lumipad din siya patungong Australia para kumuhang masters.Hindi rin naman niya nabanggit ang pinsan niya. Aware naman din siguro sila na wala na kami. I mean, na inabandona na niya kami.Hindi ko alam kung nag try din ba ang ate n
Years have passed and he has changed so much. He looks rough and gone is the sweet Niko I used to know. Well, I can't really tell dahil hindi naman ako ang babae sa buhay niya. But I must admit na lalo itong bumagay sa kanya. At nakadagdag pa ang kumpiyansa nito sa sarili. Napapailing na lang ako sa tinatakbo ng isip ko. Nasa unahan kasi sila at habang naglalakad kami ay kausap niya ang mga importanteng tao."Sweetie, my feet hurt!" Maarteng sabi ng babae sa kanya pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lamang sila sa paglalakad.I smirked upon hearing her whine. Sino ba kasing nagsabi na pwede siyang mag heels dito? Bukod sa hindi safe ay napaka uncomfortable din. Ano, gusto lang bang iparada ng lalaking 'yan ang girlfriend niya dito?"Celine, you can just stay in the office." Mahinahong sabi naman ni Rust dito dahil nga sa hindi siya pinansin ng sweetie niya. Tsk. Huh, may pangalan pala ang babae."But.." Magpo protesta pa sana ito nang magsal
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng