"Salamat sa paghatid, Von. Ikukumusta ba kita kay Max?" Biniro ko pa siya pagkababa ko ng sasakyan niya dahil ayokong ipahalata ang bigat ng dibdib ko. Kanina pang gustong tumulo ng luha ko.
Kaagad na akong nagpaalam sa lolo at daddy ni Niko pagkatapos naming mag-usap ng mommy niya at nagdahilan na lang ako na sumakit ang ulo ko. Hindi ko na din nakita ang ate ni Niko kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Magtataxi na lang sana ako nang magpilit si Von na ihatid ako kaya hindi na ako nakatanggi.
Tipid lang itong ngumiti. "Hmm alam ko na kung saan kita papasyalan, Jazzy." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa bahay ni tita Jelai.
"Oo naman, welcome ka dito. Pasok ka muna?"
"Hindi na para makapagpahinga ka na din. Oh paano? Mauuna na ako ha? Pasok ka na Jazzy." Hinintay pa niya akong makapasok bago tuluyang umalis.
Pagka-akyat ko ng kwarto ay bumuhos agad ang luhang kanina ko pa tinitimpi. Laking pasasalamat ko na lang na hindi ako bumigay kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit sa akin ng mommy niya kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya. At bakit niya ipagduduldulan sa iba ang anak niya kung may asawa na nga ito!
Hindi ko rin magawang tanggapin ang mga sinabi ni madame sa akin pero hindi dapat ako agad magpapadala sa mga sinabi niya. Ayoko 'tong nararamdaman ko pero hindi ko na maiwasang hindi magalit sa mommy niya dahil sumusobra na siya! Gusto pa talaga niya kaming maghiwalay ni Niko. Hindi ko 'yon kakayanin. Sigurado akong hindi ko kakayanin dahil ngayon lang ako nagmahal ng ganito katindi.
Nang kumalma ako ay agad akong naglinis ng katawan at tinignan ang cellphone ko kung may message ba si Niko pero wala. Hindi rin siya naka online kaya hinayaan ko na lang hanggang sa makatulog akong sobrang bigat ng dibdib.
"Ma'am Jazmin, parang namumutla ka ulit ah. Para ka nang babagsak!" Nag-aalalang sabi ni Bless, ang kasamahan kong nurse sa pedia ward.
Hindi ako nakaimik dahil talagang nahihilo ako. Napapikit ako ng mariin at napahawak sa upuan dahil pakiramdam ko ay babagsak na talaga ako.
"Magpahinga ka na at ako na muna ang bahala.." Sabi pa niya pero hindi ko na narinig ang iba pa niyang mga sinabi dahil bigla na lang nagdilim ang paningin ko.
"Salamat at nagising ka na ma'am! Kumusta ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang mukha ni Bless ang bumungad sa akin pagmulat ko.
Sandali akong na disorient at hindi ko maisip ang dailan kung bakit ako nakahiga sa isang.. hospital bed? Muli akong napapikit dahil nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo.
"How is she?" Narinig kong tanong ni Doc Ethan.
"Kagigising niya doc pero mukhang nahihilo pa din. Check ko lang ang blood pressure niya doc." Kahit hindi ko siya nakikitang nagsasalita ay alam kong sobrang tamis na naman ng ngiti niya ngayon dahil kay Doc Ethan.
"Thanks, Bless." Sabi naman ni doc na sobrang swabe ang boses.
Hindi ko rin masisi si Bless na siguradong halos mamamatay na sa sobrang kilig ngayon dahil boses pa lang ni doc ay akala mo ay isang dj sa radio. At hindi lang basta mukhang dj dahil mas guwapo pa siya sa mga bigating artista. Siya ang resident physician namin dito sa pedia ward.
"How are you, Jazmin?" Tanong sa akin ni doc nang magmulat ako ng mata.
"Hmm medyo nahihilo pa doc." Sabi ko naman. Nahilo pala ako kanina at bigla na lang nagdilim ang paningin ko.
"100 over 70 doc." Sabi naman ni Bless nang makuhanan ako ng bp.
"Medyo mababa. Are you taking your vitamins?" Nakakunot noong tanong sa akin ni doc.
"Hmm dati na kasi akong anemic doc pero na stop ang pagti-take ko ng iron." Mahina ko namang sagot sa kanya.
"Uh-huh. We ran some tests and yes medyo mababa nga ang hemoglobin mo but I think that's just but normal with your condition. You have to take your vitamins religiously." Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya kaya parang nagtaka din siya nang makita ang reaksyon ko.
Anong kondiyson ang sinasabi niya? May sakit ba ako? Kinabahan tuloy ako.Bahagya niya pang ikiniling ang ulo niya na tila nananantiya. "Don't you know?" Nakanunot noo niyang tanong.
Ang alin? Tumingin naman si doc Ethan kay Bless at tila naman nag-usap ang mga mata nila dahil napatikhim ang huli at nagpaalam na lalabas na muna.
"A-ang alin po doc?" Bigla tuloy akong kinabahan."You really have no idea? You're married, right?" Nagtataka nitong tanong kaya tumango ako.
Kinutuban na ako nang marinig ang huli niyang tanong. Could it be? Oh god!
"Geez! Jazmin, you are pregnant." Para akong nanigas sa kinahihigaan ko at tila ito pasabog sa pandinig ko! "You have to set an appointment to your OB." Sabi pa nito pero napakurap lang ako dahil hindi pa din ako makapniwala!
"P-pregnant doc?"
"Yeah, pregnant." Bahagya siyang natawa sa naging reaksyon ko pero hindi ito umabot sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan pero nakitaan ko siya ng pagkadismaya. Nagkakamali lang siguro ako.
"Ihahatid na kita sa inyo dahil pauwi na din naman ako. I won't take no for an answer." Sabi pa niya sa akin nang tuluyan nang bumuti ang pakiramdam ko.
Paano pa ako makakatanggi? Pangatlong beses na din 'to pero ang kaibahan nga lang ay wala si Bless ngayon. Nagpaalam na siya kanina dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin.
Hindi naman ako nailang kahit dalawa lang kami sa loob ng sasakyan niya dahil napakabait niya at magaling siyang magdala ng usapan. Kaya nga gustong gusto siya ng mga bata sa hospital at pati mga watchers ay hindi maiwasang magkagusto sa kanya. Bukod kasi sa napakagwapo at magaling siyang doctor ay matangkad din siya at mamula mula ang kutis na akala mo ay alaga talaga ng dermatologist. Hindi na rin nakakapagtaka na pati mga kapwa niya doctor ay patay na patay sa kanya lalo na ang mga nurses. Wala yatang hindi nahuhumaling sa kanya sa hospital! Pwera nalang siguro ako dahil may iba ng itinitibok ang puso ko pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi ako naga-gwapuhan sa kanya. Bulag na lang ang hindi makakapagsabi 'non.
Napabuntong hininga naman ako nang maalala ko na naman si Niko. Limang araw na siyang hindi nagpaparamdam sa akin mula noong nag birthday ang daddy niya. Kaya ilang gabi na din akong hindi nakakatulog ng maayos.
"Jazmin, I will refer you to my mom. Is it okay? O may iba ka ng OB?" Untag sa akin ni doc kaya napatingin ako sa kanya. Alam kong doctor ang mga magulang niya pero hindi ko alam na OB pala ang mommy niya.
"Hmm wala pa doc. Saan po ba ang clinic ng mommy niyo doc?" Tanong ko naman sa kanya.
"Huwag ng 'po', Jazmin. I feel old!" Nakangiti nitong sabi sa akin kaya napangiti din ako.
Nasa late 20s pa lang si doc pero syempre nakakahiya naman na maging casual lang ako sa pakikipag-usap sa kanya dahil siya pa din ang doctor namin.
"Sasamahan na lang kita. Off mo bukas, right?"
"Ha? Naku, hindi na doc! Makakaabala pa ako." Nagulat ako sa pagboboluntaryo niya at nakakahiya kaya tumanggi ako.
"I won't take no for an answer, Jazmin. I'll pick you up at around 10 o'clock in the morning." Napangiti na lang ako sa kakulitan ni doc at hindi na nga ako nakatanggi pa!
Pagkadating namin sa harap ng bahay ay kaagad itong bumaba at pinagbuksan pa ako ng pintuan at inalalayang bumaba.
"Salamat doc. Ingat ha?" Nakangiti kong paalam sa kanya.
"Don't mention it. So, see you tomorrow?" Sabi nito sa akin habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay sa jeans niya. Tumango na lang ako at bigla naman akong nagulat nang bigla niyang hawakan ang tiyan ko. "See you tomorrow, baby!" Masuyo niyang sabi at agad na itong nagpaalam sa akin.
Hindi pa din ako makapaniwalang buntis pala ako. Ito pala ang dahilan kung bakit dumalas ang pagkahilo at pagduduwal ko. Nakakahiya dahil nurse pa man din ako pero hindi ko talaga inakala. Irregular kasi ako at minsan ay umaabot pa ng apat na buwan na hindi ako dinadatnan kaya alam kong may hormonal imbalance ako at inisip kong mahihirapan din akong magbuntis.
Kinagabihan ay muli kong chineck kung naka online na si Niko at nagulat ako at kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makitang online siya! Ilang gabi na akong hindi nakakatulog dahil sa pag-aalala dahil hindi man lang niya magawang tawagan ako. Hindi ko maiwasang hindi magtampo dahil pati mga messages ko ay hindi niya binabasa kahit sa mismong mobile number niya. Napabuntong hininga na lang ako at inisip na hindi rin naman biro ang pag-aaral niya doon.
Kahit sobra ang kabog ng dibdib ko ay hindi na ako nag dalawang isip na pindutin ang videocall. Kahit kinakabahan ako ay nanaig pa din ang kasiyahang nararamdaman ko dahil miss na miss ko na siya at gusto ko na din agad ibalita sa kanya na magkaka baby na kami. Napasapo ako sa impis ko pang tiyan at napangiti.
"Oh, Jaz! Hello." Halos manigas ako sa kinauupuan ko at hindi ko nagawang magsalita nang ang nakangiting si Gab ang bumungad sa akin!
Naka white robe lang siya at mukhang katatapos lang maligo! Naiwan ba ni Niko ang cellphone niya? Hindi ko na makontrol ang pagkabog ng puso ko! Hindi ko alam pero matindi ang kabang nararamdaman ko at parang pinipiga ang puso ko sa sakit.
Bago pa ako makapagsalita ay nakita ko ang paglabas ni Niko sa bathroom na nakatapis din lang ng puting tuwalya sa likuran ni Gab! Pagkalabas nito ay nakatungo siyang nagpupunas ng basa niyang buhok.
"Who's that, Gabby?" Malambing niyang tanong kay Gab. Napaawang ang mga labi ko at kaagad ko nang pinutol ang tawag! Hindi ko na kayang makita pa sila at baka hindi ko na kayanin pa!
Hindi ako nakakilos ng ilang sandali. Bakit sila magkasama sa iisang kwarto na halos walang saplot sa mga katawan? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil parang sinaksak ang puso ko pero gusto kong matawa!
Nag-alala ako at hindi nakatulog ng ilang gabi dahil sa pag-aalala pero malalaman ko lang na magkasama sila ni Gab? Tama ang pinagsasasabi ni madame, kung ganoon? Para akong kandilang naupos at nanghina ako bigla!
Napatutop naman ako sa aking bibig at kahit nanghihina dahil sa nakita ko ay agad akong tumakbo patungo sa bathroom at nagduwal. Halos inilabas ko lahat ng kinain ko kaya hinang hina ako pagkatapos. Hindi ko na din naawat ang mga luha kong nag-uunahan na sa pagbagsak nang tuluyan kong mapagtanto ang mga nangyari. Hindi ko akalaing magagawa sa akin 'to ni Niko. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulog ako.
Pagkagising ko kinaumagahan ay halos hindi ko maimulat ang mga mata ko sa sobrang pagkamugto nito. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko dahil umaasa akong magpapaliwanag si Niko..na wala lang ‘yon at nagkakamali lang ako ng iniisip. Na wala naman talagang dahilan para umiyak ako.Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa pag-iyak nang wala man lang kahit isang message akong natanggap mula sa kanya. Ilang araw at gabi kong nilabanan ang sarili ko sa pag-iisip na baka kung ano nang nangyari sa kanya pero mukhang okay na okay naman siya.Lalo lang akong naiyak nang maalalang may buhay sa loob ng sinapupunan ko at ni hindi man lang alam ni Niko ‘to. Umagang umaga ay pag-iyak ang inatupag ko!Kahit wala akong kagana gana ay pinilit ko pa din ang sarili kong bumangon at kailangan kong magpunta sa OB ngayon. Napahawak ako sa aking tiyan at nagawa ko pa ding ngumiti. Magiging maayos din ang lahat baby ko."Ate Jaz
Napakunot noo ako nang mayroong kumatok sa pintuan na napakalakas habang nanonood ako ng tv sa sala. Hindi ba naisara ni Andrew ang gate? Sigurado akong hindi siya 'yan o si tita dahil may sarili naman silang mga susi. Nag-aalangan akong buksan pero wala naman sigurong magnanakaw ng ganitong oras at tanghaling tapat. Kaya nagkibit balikat na lang ako at binuksan ito."Oh my gosh!" Halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw ni Max! At halos mapanganga din ako dahil hindi ko ini-expect na makita siya! Nasa likuran naman niya si Jen at Jeff na tumatawa sa kaingayan niya.Hindi naman ako nasurprisa sa presensiya ni Jen at Jeff dahil madalas nila akong puntahan dito sa bahay. Si Jeff kasi ay dito na sa Manila ipinagpatuloy ang med school nang malaman niya ang nangyari sa akin.Kaagad naman akong niyakap ni Max at sumunod naman si Jen na akala mo ay hindi kami nagkikita. Halos every weekend nga ay pinupuntahan niya ako basta hindi siya abala sa trabaho."Uy, tama na
“Baby boy Gonzales out!" Masayang sigaw ng OB ko.Kahit hapong hapo ako mula sa pagli-labor at pag-ire ay nakahinga na ako ng maluwag nang marinig ko ang iyak ng baby ko.“Heto na po ang baby niyo, ma’am.” Sabi ng nurse sa akin at ipinaranas sa akin ang unang yakap.“Hi baby..” Bati ko sa anak ko.Hindi ko na napigilan ang mga luhang nag-uunahan na sa pagtulo ng masilayan at mayakap ko siya. Napakaliit niya at mamula mula ang kutis. Napangiti ako habang lumuluha dahil walang makakapantay sa kaligayahan na narararamdaman ko ngayon. Pawing pawi ang lahat ng sakit at paghihirap na naranasan ko! Isa na nga akong ganap na ina. Pangako anak, pupunuin kita ng pagmamahal.“Kukunin ko na po muna si babay ma’am ha?” Sabi sa akin ng nurse makalipas ang ilang sandali at ipinasa niya ito kay Ethan na
"Really mommy?! You not joking?" Nabubulol at nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ng anak ko nang sinabi kong pupunta kami sa mall ngayon."Uh-huh! Mommy’s not joking po so get up na. Let’s take a bath na kasi lapit na si daddy doc!” Kanina ko pa kasi siya ginigising pero napasarap yata ang tulog niya ngayon.Napasinghap naman siya at kaagad na ngang bumangon! Naku, basta pasyal talaga ay napaka alisto."Lagot! Di pa nakaligo ‘yang baby na ‘yan. Aalis na si daddy doc niya!" Biro naman ni tita na nasa may pintuan na pala."Oh no! Mommy please hurry up! I’ll take a bath now!” Natawa na lang kami ni tita sa istura niyang aburido na at nagmamadali. Nagpa cute eyes pa kaya halos matunaw naman ang puso ko. Pagkatapos ko siyang paliguan ay si tita na ang nag boluntaryong bihisan siya para makaligo na din ako. Napangiti na lang ako dahil excited na excited na siya at minadal
“Isang buwan na lang!" Masaya kong sabi kay Jen pagkatapos naming kumain ng lunch."Mag-extend ka na Jaz..Gawin mo nang 6 months please? Malulungkot ako niyan eh." Maarte nitong sabi pero inirapan ko lang siya.Hindi naman mahirap ang trabaho ko dito at malaki din naman ang sahod kaso parang lagi akong kinakabahan. Wala akong peace of mind! Lalo na at alamkong nandito na siya sa Pilipinas. Ipinagpapasalamat ko na lang na sa dalawang buwan kong pagta trabaho dito ay hindi ko pa siya nakitang nagawi dito.Buti na lang at si Von pala ang may hawak sa project na ‘to. Nagulat siya nang makita niya ako dito at humingi siya ng pasensya nang hindi na daw niya ako nadalaw pa noon gawa ng lumipad din siya patungong Australia para kumuhang masters.Hindi rin naman niya nabanggit ang pinsan niya. Aware naman din siguro sila na wala na kami. I mean, na inabandona na niya kami.Hindi ko alam kung nag try din ba ang ate n
Years have passed and he has changed so much. He looks rough and gone is the sweet Niko I used to know. Well, I can't really tell dahil hindi naman ako ang babae sa buhay niya. But I must admit na lalo itong bumagay sa kanya. At nakadagdag pa ang kumpiyansa nito sa sarili. Napapailing na lang ako sa tinatakbo ng isip ko. Nasa unahan kasi sila at habang naglalakad kami ay kausap niya ang mga importanteng tao."Sweetie, my feet hurt!" Maarteng sabi ng babae sa kanya pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lamang sila sa paglalakad.I smirked upon hearing her whine. Sino ba kasing nagsabi na pwede siyang mag heels dito? Bukod sa hindi safe ay napaka uncomfortable din. Ano, gusto lang bang iparada ng lalaking 'yan ang girlfriend niya dito?"Celine, you can just stay in the office." Mahinahong sabi naman ni Rust dito dahil nga sa hindi siya pinansin ng sweetie niya. Tsk. Huh, may pangalan pala ang babae."But.." Magpo protesta pa sana ito nang magsal
"Is that you na mommy?! Mommy!" Sigaw ng anak ko kaya para akong naipako sa kinatatayuan ko!Hindi ako kaagad nakahuma pero muli itong sumigaw kaya wala na akong nagawa kundi sumagot sa kanya. "Yes, baby." Sagot kong parang namatanda."Aiden! Wait na lang natin si mommy dito sa loob!" Dinig kong suway ni Andrew sa kanya dahil kinakalampag na niya ang gate!Kung malakas na ang kabog ng puso ko kanina ay lalo pa ngayon! Nakita naman na niya si Aedin at kahit anong gawin ko ay alam kong hindi ko na siya maitatago sa kanya pero hindi ko pa din maintindihan. Kinakabahan ako!Aiden, huwag kang lalabas please.. Mag-isip ka, Jazzy! Lumingon ako kay Niko na para ding naitulos sa kinatatayuan pero wala na akong pakialam basta hinding hindi na dapat niya makita pa si Aedin!"Makakaalis ka na. Papasok na ako." Tipid kong sabi sa kanya pero bago ko pa mabuksan ang gate ay naunahan na ako ni Aedin!"Mommy! Mommy!" Nagtatatalon na ito at kaagad na nagpabuh
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b
"Jaz! Di ka pa nagkukwento kung anong nangyari noong tinakbo ang lolo ni Niko sa ospital ha?"Kararating ko pa lang sa trabaho pero nakiki chismis na agad ang babaeng 'to pero napangiti pa din ako."Grabe ka Jennifer, kararating ko pa lang chumichika ka na agad." Kunwaring napapailing kong sagot sa kaniya."Kwento mo mamaya ha? Uy ako may chika din sa'yo! Kaya nga gusto ko sana mag kwento ka kasi ano.." Sabi nito pero agad nang tumalikod at tinuloy na ang ginagawa niya na parang walang nangyari! Aba't bitinin ba naman ako?!"Hoy! Anong ano?" Nahampas ko pa tuloy siya sa balikat pero mahina lang naman."Uy grabe ha! Walang hampasan! Hmp!" Sabi naman nito sa akin at inirapan ako. Natawa na lang ako sa itsura niya pero kinulit ko pa din siya."Hindi na si Von ang head engineer dito ngayon." Sabi nito nang nakangisi.
"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko."Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin."He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya."Oo naman.” Sabi ko lang at muli
Hindi ko naman tinatago ang anak ko sa kanila. Sila lang itong walang pakialam at wala din naman akong planong ipagpilitan ang anak ko sa kanila. Nunca.Walang nakapagsalita kaagad sa kanila lalo na nang lumingon si Aedin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni madame at napanganga pa.Hindi rin agad nakahuma ang daddy ni Niko na nakamata lang kay lolo at Aedin. They look puzzled."I told you not to come here!" Singhal ni lolo sa kanila nang makabawi ito."Oh! Look mommy! Your friend is here!" Masayang sabi ni Aedin at itinuro pa si Niko! Hay, anak! Napalingon tuloy ang tila nagulat ding babae na nakakapit sa braso ni Niko na parang tuko nang ituro siya ni Aedin.Napasinghap ako nang marahang tanggalin ni Niko ang kamay ni Celine na nakakapit sa braso niya at kaagad na lumapit kay Aedin nang hindi man lang lumingon sa babae! Lalo naman akong nagulat nang hindi siya nag alinlangang yakapin ng