“Ano ba kasi talaga ang nangyari, Niko? I think now is the best time for us to talk about what really happened." Tanong ko sa kanya habang nakaupo kami pareho sa sofa nila at nanonood ng movie. Umuwi na din pala ng Manila si Von.
Napabuntong hininga naman siya at tipid na ngumiti sa akin. "I saw your pictures with that bastard.”
"Anong picture ba yang sinasabi mo? May gumawa ng fake account ko at picture namin ni Jeff yung profile picture. ‘Yon ba?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"No, not only that. There’s a lot, actually. Meron sa school at meron din sa mga duty niyo. Magkasama kayo lagi..” Sabi nito at iwas na iwas ang tingin sa akin na parang nagpipigil magtampo.
"What?! That gave me goosebumps! Niko, sinong kukuha ng mga litrato namin? Kahit outside Benguet na duty namin?” Tanong ko sa kanya at tumango naman siya at nakitaan ko din sya ng pag-aalala.
May duda na agad akong kay Gab ‘yon galing pero paano mangyayari ‘yon eh hindi naman kami magka duty?
"I was mad and jealous.." Nakayuko nitong sabi.
"Jealous ka diyan. Bigla ka ngang sumama kay Gab tapos magseselos ka.." Inis ko namang sabi sa kanya dahil kay Gab siya sumama noong graduation ko.
"Di ako makatanggi dahil andoon sila dad. I already told you about that baby." Sabi nitong napapakamot sa batok.
"Hindi mo pa talaga ako pinansin noong graduation mo. I was really hurt, Niko.” Naghihinampo at naiiyak kong sabi sa kanya. Ayokong magtago ng sama ng loob kaya sasabihin ko na lahat. Agad naman niya akong niyakap at hinalikan sa ulo.
"I’m really sorry, baby. I was about to call you that day but somebody sent me your pictures..again. You were very happy hanging out with him and his family. I got blinded by jealousy. I am sorry baby." Mahina nitong sabi sa akin at patuloy akong hinahalikan sa ulo na tila ba binubura nito ang tampo ko sa kanya.
"I needed to be in Manila din the next day dahil birthday ni lolo kaya nakipag convoy na ako kila dad kinagabihan. Hindi na ako nakapagpaalam dahil masama pa ang loob ko kaya magpapalamig na din sana ako ng ulo. Babalik na sana ako dito after ng birthday ni lolo because I really missed you so damn much.. but the accident happened.” Paulit ulit pa siyang nag sorry kaya napabuntong hininga na lang ako. Siguro lesson na din sa aming dalawa ‘to na dapat pag-usapan ang mga bagay na hindi malinaw para hindi na lumaki pa."Next time pag-usapan natin ang problema ha? At lagi kang mag-iingat please?" Pakiusap ko sa kanya at yumakap ako sa kanya. Di ko ata kakayaning mawala sa akin si Niko. Hindi ko kakayanin.
Tumango siya at kinintalan ako ng halik sa aking mga labi. “I will. I love you."
"Jen, uuwi na muna ako ng Manila." Paalam ko sa kanya at doon na ako maghihintay ng result ng board exam.
"Kelan ka babalik?" Mukhang nagulat siya at tila aburido. Ayaw kasing mag-isa niyan dito sa bahay kung maaari dahil takot sa multo kahit wala naman.
"Kapag meron nang result. Saglit lang naman ‘yon. Siguro isang buwan mahigit. Hopefully, makapasa." Sabi ko naman sa kanya.
"Ano ka ba? Sigurado yan noh! Dito ka mag wo-work?”
"Oo, kailangan ko pa magtraining ng kung anu-ano saka kailangan ko pang mag volunteer ng ilang buwan siguro." Madami pang kailangang gawin at dito ka na lang sa Baguio tatapusin ang mga ‘yon.
"Hindi ba’t sa Manila na din mag i-stay si Niko?" Nakakunot noo niyang tanong sa akin.
"Hmm oo doon na siya. Mag re-review na din ata siya."
"Eh di doon ka na din mag training at mag work kung doon na pala si Niko."
"Eh paano ka?" Iniisip ko din kasi si Jen dahil wala na siyang makakasama dito. Five years kasi ang engineering.
"Anong paano ako? Malapit na din ako grumaduate. Huwag mo ako iisipin tsaka andito naman si Jeff. Dito mag mi-med school yun. Bantayan mong maige yang boyfriend mo at may mahaderang mang-aagaw doon." Nainis siya sa huli niyang sinabi.
"Pag-iisipan ko. Mami-miss ko kayo ni Max!" Malungkot kong sabi sa kanya at nagyakapan kaming dalawa. Hindi ko ma-imagine na magkakahiwalay na kami. Mahigit apat na taon din na kami lagi ang magkasama!
Kinagabihan ay nag bonding muna kaming magkakaibigan kasama si Jeff. Si Niko naman ay nakipagkita din sa mga dati niyang kaklase.
"Dito ka na din ba matutulog, Max?" Tanong ni Jeff kay Max.
Umiinom kami pero tig dadalawang bottle lang ng san mig. Gusto lang namin mag relax at hindi para maglasing.
"Yes, doc! Ikaw ba?"
"Doc ka diyan. Kung pwede sana dahil tinatamad na akong mag drive pauwi." Sabi nitong namumungay na ang mga mata.
"At bakit naman hindi pwede? Maluwag ang banyo oh!" Sabad namang biro ni Jen sa pinsan niya.
"Banyo?! Patutulugin mo'ko sa banyo? Grabe, Jen! Parang hindi tayo mag pinsan niyan ah." Kunwari namang naghihinampo nitong singhal kay Jen. Hindi ko naman napigilang tumawa maging si Jen at Max kaya lalo lang namang napasimangot si Jeff.
"Bakit Jeff Ivan? Wala ka bang babae ngayon ha?" Tumatawa kong tanong sa kanya.
"Ano namang tingin mo sa'kin, Jazzy? Napapansin ko minu-murder niyo ko ah. Sabihin niyo lang kung pinapauwi nyo na ako." Kunwari na namang naghihinampo nitong sabi. Napaka arte ng lalaking ‘to!
"Hoy di mo bagay mag drama!” Singhal ko sa kanya habang tumatawa.
"Anong magagawa namin eh sa babaero ka naman talaga?" Sabad naman ni Max na sumasakit na din ang tiyan katatawa. Basta si Jeff ang pinag tripan namin hindi talaga kami maawat sa katatawa dahil napaka pikon din kasi nito.
"Oh siya! Sige sige uuwi na ako! Sumusobra na kayo." Tumayo na siya agad at akma nang aalis pero hinayaan lang namin siya dahil alam naman naming hindi siya tutuloy. At tama nga kami dahil hindi pa man din siya nakakalabas ng pintuan ay humakbang na siya pabalik sa amin!
"Oh ba’t ka pa bumalik? May naiwan ka?" Biro ko pa sa kanya."Bahala kayo. Basta dito ako matutulog." Sabi niya at pabagsak nang humiga sa sofa! Napailing na lang ako habang tumatawa.
Nakakapagtaka din ‘tong si Jeff dahil wala kaming nababalitaang babae niya lately. Dati kasi ay hindi ‘yan nawawalan ng babae. Napaka playboy! Palibhasa ay gwapo. Kaya nga laging nagseselos si Niko diyan dahil hindi rin talaga papahuli ang kagwapuhan niya sa kanilang magkakaibigan. Pare-pareho silang tinitilian ng mga kababaihan.
"Mami-miss kita Max!" Sabi ko kay Max at niyakap ko siya nang mahigpit habang nakahiga na kami sa aking kama.
"Aw mas mami-miss kita!" Naiiyak niyang sabi at gumanti sa akin ng yakap.
"Dito ka na kasi mag training, Jaz." Malungkot niyang pakiusap sa akin.
"Hmm tignan na lang natin. Kung ikaw na lang kaya ang lumuwas ng Manila para maiba naman?"
"Hmm parang gusto ko. Pero pag-isipan natin ‘yan." Sang-ayon naman nito sa akin.
"Kumusta na pala kayo ni Von? Babalik pa ba siya dito?" Tanong ko sa kanya pero napabuntong hininga siya.
"I don't know. Wala namang kami. Sigurado akong nambababae na ‘yon doon."
"Wala ba talagang pag-asa na maging kayo? Alam kong gusto mo siya, Max." Seryoso kong tanong sa kanya.
She sighed. "I honestly like him pero natatakot ako Jaz.. natatakot akong sumugal. Natatakot akong masaktan ulit." Malungkot nitong sabi.
"Bakit di mo subukan? Malay mo naman worth it ang pag take mo ng risk."
"Hindi ko alam Jaz. Hindi ko talaga alam." Mahina niyang sabi kaya hindi na ako nagtanong pa.
Naiiintindihan ko siya dahil hindi lang siya nasaktan ng sobra sa first boyfriend niya kundi pati sa dad niya na nagkaroon pala ng mistress. Natatakot siyang matulad sa mommy niya. Grabe ang trauma niya.
Tatawagan ko sana si Niko para mag good night dahil inaantok na ako pero baka magising si Max kaya tinext ko na lang siya.Me: baby, matutulog na ako. Wag ka maglalasing ha? Good night. I love you!
Habang nag hihintay ako ng reply niya ay nag browse muna ako sa f******k.
Tinignan ko ang account ni Niko at nasurprisa ako dahil may mga bagong tag na pictures at ngayon lang ito. Tinignan ko talaga isa-isa at kung sinu-sinong mga babae ang nakadikit sa kanya. Nagkibit balikat na lang ako dahil halata namang sila ang dumidikit at di sila pinapansin ni Niko. Pero kinabahan ako sa mg hauling pictures dahil nandoon si Gab! Anong ginagawa niya doon? Bakit sila magkasama?
Mukhang mas nahuli ito ng dating dahil sila na halos ang magkatabi sa mga huling pictures. At wala ng ibang nakadikit kay Niko na babae kundi si Gab lang. Wow! Parang siya ang girlfriend ah! Hindi ko na mapigilan ang puso ko sa pagkabog nito ng malakas.
Mabilis ko ding tiningnan ko din ang account ni Gab. Wala siyang bagong post pero ang kapal din talaga niya dahil hindi pa siya nagpapalit ng profile picture niya. Akala mo talaga silang dalawa ang mag boyfriend. Hindi ko mapigilan ang sarili kong makadama ng selos!
Mabilis ko ding in-open ang IG at ini-stalk si Gab. Meron siyang bagong post sa story niya! Nanginginig na ako nang buksan ko ‘to. Hindi ko alam pero iba talaga ang pakiramdam ko!
20 minutes ago ang post niya. Nakasakay sila sa sasakyan ni Niko! Nag da drive si Niko at nakasandig ang ulo ni Gab sa balikat niya! At halos mahulog ko ang cellphone ko sa pagkabigla nang mabasa ko ang caption niya!
‘Road trippin’ with my fiancé!’
Napanganga ako sa gulat. Fiancé? What the hell, Niko?!
Please don't forget to rate. Thank you so much!
Hindi ako mapakali at ayaw kumalma ng puso ko! Ano na naman ba to? Sa tuwing masaya kami ni Niko, maya-maya may problemang dumarating.Bakit hindi siya nagre-reply? Niloloko ba ako ni Niko? I shivered with the thought! Hindi ko ‘yon kakayanin!Napaigtad ako nang tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali kong tinignan sa pag-aakalang si Niko yun. Nalaglag naman ang balikat ko nang makitang hindi pala siya ang nag message sa akin kundi si Jeff.Jeff: Naka online ka pa. Bakit gising ka pa?Nag type naman ako agad.Me: oo.Jeff: Nakita mo ba?Me: ooJeff: labas ka muna dito. May sasabihin ako.Lalo lang akong kinabahan sa message ni Jeff! Anong sasabihin niya? May alam ba siya? Hindi na ako mapakali kaya agad na akong bumangon at lumabas sa sala. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at tila may malalim na iniisip.
"Oh Jaz, ano na ngayon ah. Akala ko ba uuwi ka na ng Manila?" Tanong sa akin ni Jen.Isang linggo na din mula nang..ikasal kami pero umuuwi ako sa apartment namin tuwing gabi para hindi mag duda si Jen. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang naging desisyon namin ni Niko."Nakalimutan ko nga palang sabihin! Dito ko na lang muna hihintayin 'yong result ng board exam. Nasabi ko na din kila tita." Nanliliit ang mga mata niyang tumingin sakin. Napakalakas talaga ng radar ng babaeng to!"At bakit nagbago ang ihip ng hangin?" Nagdududa niyang tanong."Wala! Mami miss ko kayo ni Max!" Hindi kaso ako makatingin sa kanyang diretso siguro dahil hindi ko pa magawang umamin sa kanila."Weh?! Baka kamo si Niko! Akala ko ba sa Manila na din siya?" Nakakunot noo niyang tanong."May inaasikaso pa siya dito kaya dito na din muna ako. Daming tanong!" Inirapan ko na lang siya dahil gumagana na naman ang kakulitan niya."Nakakahalata
"Hello?" Nagmamadali kong sagot sa tawag ni Niko habang nag-aayos ng mga gamit ko. Katatapos lang ng duty ko at sinusundo na niya ako."You done, baby? I’m here already.” "Yep baby, diyan na po."Pagkatapos naming mag oath taking ay wala na kaming pinalampas na sandali at nag training na kami nila Max at Jeff sa Red Cross, at iba pang mga training tulad ng Basic Life Support, Advanced Cardiovascular Life Support, at IV Therapy Training. Napakarami pang dapat gawin katulad na lang ng kailangan pa namin ng magandang hospital experience bago ma hire talaga bilang staff nurse kaya pagkatapos naming mag training ay nag-apply na kami agad sa isa sa pinaka malaking hospital dito sa Baguio. Kaya heto, apat na buwan muna kaming magti-training at pagkatapos ay magti-take na naman kami ng exam dito para makapasok bilang job order. Ugh! Napaka komplikado din pala pero tyaga na lang talaga ang kailangan."Aysu
Kahit nilalamon na ako ng anxiety sa pinagsasabi ng mommy ni Niko ay ayaw ko munang basta-basta na lang maniwala. Kailangan muna naming pag-usapan ‘to. Bakit hindi? Mag-asawa na kami! Yan ang gusto kong isigaw sa pagmumukha ng mommy niya kanina.Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko pa ito pwedeng sabihin kay Niko ang tungkol dito dahil meron pa siyang exam bukas kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay hindi ako nagpahalata."Hi! How's my baby? I missed you!" Sinalubong ko siya kaagad ng yakap pagkapasok pa lang niya ng pintuan. Gumanti naman siya agad ng yakap at kinintalan ako ng halik sa labi.No. Hindi ko kayang mawalay sa asawa ko."Na miss? Agad-agad?" Biro ko sa kanya pero sa totoo lang mas na miss ko siya at parang ang tagal naming di nagkita. Ni hindi ko nga magawang bumitaw sa kanya. Pakiramdam ko kasi kapag bumitaw ako sa kanya ay bigla na lang siyang mawawala. Ayaw ko man ay hindi ko mapigila
"Get up lazy bones! Let’s go out!” Masayang sabi ni Niko at umupo siya sa kinahihigaan ko at hinaplos ako sa pisngi.Alam kong nag-aalala siya sa akin nitong mga nakaraang araw dahil lagi akong walang energy at nakakatulog ako agad pagka-uwi galing trabaho. Night shift na kasi ako kaya malamang ay dahil ‘to sa puyat at mababa din ang blood pressure ko. Idagdag pa ang alalahanin ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa nababanggit kay Niko ang tungkol sa sinabi ng mommy niya. Natatakot kasi akong malaman..na baka totoo nga. Natatakot akong malaman na aalis nga siya lalo pa at kasama si Gab.Hindi na din maipagkakaila ang ilap at lungkot sa mga mata niya at may mga pagkakataon na nahuhuli ko siyang nakatitig lang sa akin na tila mini-memorya niya ang bawat hugis sa mukha ko. Kaya lalo lang akong naduwag na itanong sa kanya ang bagay na ‘yon. Pero alam kong hindi ko na dapat ito patagalin pa dahil lalo lang bumibigat ang dibdib ko.
"Hi! How's my baby?" Tanong ni Niko pagka sagot ko sa video call niya.Napangiti naman ako kaagad at umayos ng pagkakahiga. Isang buwan na din ang nakalipas pero sobrang lungkot ko pa din. Ipinagpapasalamat ko na lang na may video call kaya kahit malayo siya ay nagkikita pa din kami araw-araw. Hindi ko nga lang siya mayakap!"Masaya kasi nakita na kita!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Napangiti naman siya ng matamis kahit mukhang kagigising pa lang niya. “Kumusta ka diyan? Malapit na mag start class mo?" Tanong ko naman sa kanya."Next week na. I miss you so much baby!" Naka pout nitong sabi kaya natawa ako sa itsura niya. Miss na miss ko na siya!Nagtagal din ng isang oras ang pag-uusap namin. Minsan umaabot kami ng dalawang oras pero alam niya kasing may pasok pa ako bukas kaya ayaw niya akong mapuyat. Nakapasok kasi agad sa isang private hospital na malapit lang sa bahay nila tita.Napapikit
"Salamat sa paghatid, Von. Ikukumusta ba kita kay Max?" Biniro ko pa siya pagkababa ko ng sasakyan niya dahil ayokong ipahalata ang bigat ng dibdib ko. Kanina pang gustong tumulo ng luha ko.Kaagad na akong nagpaalam sa lolo at daddy ni Niko pagkatapos naming mag-usap ng mommy niya at nagdahilan na lang ako na sumakit ang ulo ko. Hindi ko na din nakita ang ate ni Niko kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Magtataxi na lang sana ako nang magpilit si Von na ihatid ako kaya hindi na ako nakatanggi.Tipid lang itong ngumiti. "Hmm alam ko na kung saan kita papasyalan, Jazzy." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa bahay ni tita Jelai."Oo naman, welcome ka dito. Pasok ka muna?""Hindi na para makapagpahinga ka na din. Oh paano? Mauuna na ako ha? Pasok ka na Jazzy." Hinintay pa niya akong makapasok bago tuluyang umalis.Pagka-akyat ko ng kwarto ay bumuhos agad ang luhang kanina ko pa tinitimpi. Laking pasasalamat ko na lang na hindi ako bumigay k
Pagkagising ko kinaumagahan ay halos hindi ko maimulat ang mga mata ko sa sobrang pagkamugto nito. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko dahil umaasa akong magpapaliwanag si Niko..na wala lang ‘yon at nagkakamali lang ako ng iniisip. Na wala naman talagang dahilan para umiyak ako.Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa pag-iyak nang wala man lang kahit isang message akong natanggap mula sa kanya. Ilang araw at gabi kong nilabanan ang sarili ko sa pag-iisip na baka kung ano nang nangyari sa kanya pero mukhang okay na okay naman siya.Lalo lang akong naiyak nang maalalang may buhay sa loob ng sinapupunan ko at ni hindi man lang alam ni Niko ‘to. Umagang umaga ay pag-iyak ang inatupag ko!Kahit wala akong kagana gana ay pinilit ko pa din ang sarili kong bumangon at kailangan kong magpunta sa OB ngayon. Napahawak ako sa aking tiyan at nagawa ko pa ding ngumiti. Magiging maayos din ang lahat baby ko."Ate Jaz