Bakit ba parang gulat na gulat sila? Anong meron? Bakla ba dati si Niko? Imposible naman! Inaaliw ko lang ang sarili ko at malapit na talaga akong mahimatay at pakiramdam ko ay hahatulan na nila ako kung makatingin sila.
"Oh, im sorry hija. Ngayon lang kasi may ipinakilalang girlfriend itong si Nikolas after ni-" Bigla namang pinutol ng ate niya ang sinasabi ng daddy niya.
"Jazmin, right? Ikaw yung kasama ni Niko kanina?" Nakangiting tanong sa akin ng ate niya. Nag-init na naman ang mukha ko nang maalala ko iyon. Nakakahiya talaga at gusto ko na lang lamunin ako ng lupa ngayon!
"A-ah opo." Tipid kong sagot.
"Oh.. " Nakangiti lang siyang tumango-tango. Mukha naman siyang friendly pero hindi ko pa din talaga maiwasang kabahan. Baka kung ano na ang iniisip niya tungkol sa akin. At lalo pa itong nakakahiya kung sakaling nagsumbong pa ito sa mga magulang nila! Naku, huwag naman sana.
"Magkaklase ba kayo ni Niko, Jazmin? Nag-aaral bang mabuti to?" Nakangiti pa niyang dagdag. Napaka awkward kasi talaga!
"We're at the same university but different course. She’s a nursing student." Si Niko na ang sumalo sa akin at napansin niya siguro na uneasy ako. Napatingin naman ako sa mommy niya nang tumikhim ito.
"So Jazmin, where are your parents? Are you from here?" Nakataas ang isang kilay nito nang tanungin niya ako. Grabe pakiramdam ko hahatulan na ko nito eh.
"I’m from Manila po, ma'am. My mom is working in London po and my dad passed away years ago." Magalang kong sagot. Lihim akong nagpasalamat dahil hindi ako nautal.
"Oh. What’s her job? Domestic helper?" Tanong pa niya uli. Bahagya akong napasinghap dahil nakitaan ko siya ng pang-uuyam pero mukhang ako lang ang nakapansin. Eh ano naman kung sakaling domestic helper nga ang mommy ko. I don’t see anything wrong with that.
"She’s working as a nurse in a hospital, ma'am." Kinompleto ko na para hindi na ulit siya magtanong. Na-guilty naman ako bigla dahil hindi ko gusto ang itinatakbo ng isip ko.
Saglit naman siyang natahimik. "I see. I guess susundan mo din siya doon after you graduate?" Pilit na ngiti niyang sabi sa akin.
"Hopefully, ma'am." Sabi ko na lang kahit sa totoo lang ay wala pa akong kahit na anong plano.
Napatingin sa akin si Niko pagkarinig niya sa sagot ko na yon. Di pa kasi namin napag uusapan ang mga plano namin pagkatapos naming grumaduate. Nginitian ko na lang siya dahil parang nagtatanong ang mga mata niya.
Buti na lang nagsalita ang ate ni Niko at sinabing mag-oorder na kami ng food. Si Niko naman ang kinumusta nila habang kumakain kami.
"Hi tita, tito!" Nagulat ako nang biglang dumating si Gab nang nasa kalagitnaan kami ng pag kain. Tuwang tuwa siyang nakipag beso sa parents ni Niko at maging sa ate niya.
"Gab! Im so happy, you're here! Come, sit beside me sweetheart!" Malambing na turan ng mommy niya kay Gab.
Masayang nakipag kwentuhan ang mommy niya kay Gab pagkaupo nito. Kapansin pansin ang pagbabago ng mood ng mommy niya pagkadating ni Gab. Panaka-naka ding sumasali sa usapan ang daddy niya pero tila walang pakialam ang ate niya at nagpatuloy lang sa maganang pag kain. Patingin tingin sa akin si Niko pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagnguya kahit na wala akong ganang kumain.
Inabot naman ni Niko ang kamay ko at pinisil ito. Nginitian ko lang siya ng tipid dahil hindi ko talaga magawang maging komportable. Pakiramdam ko isa lang akong intruder dito. Kahit wala akong gana, pinilit ko pa ding ubusin ang inilagay na pagkain ni Niko sa plato ko. Gusto ko na kasing matapos dahil kating kati na akong umalis. Gusto ko nang umuwi.
After 1 million years, napansin ako kuno ni Gab. "Oh hi, Jaz! Nandito ka pala!" Gusto kong maiyak sa kaplastikan niya. Ang laki talaga ng ipinagbago niya.
"Ah oo." Tipid kong sagot at pinilit kong ngumiti.
"You know each other?" Tanong ni madame kay Gab. Nakatutok na naman sa akin ang mga mata nila! Mas gusto ko pa yung kanina na tila hindi ako nag-i-exist.
"Yes, tita. Magkaklase po kami." Magiliw nyang sagot kay madame.
"Oh, right. Nag nu-nursing ka ngayon bilang preparation mo sa pag do-doctor mo di ba?" Tanong ulit ni madame. Pinangalanan ko na siyang madame sa isip ko. Ganun kasi sya kung makaakto, madame na madame.
"Oh yes, tita!" Hindi ko alam na mag-mi-med pala siya.
"Family of doctors talaga kayo. Bagay na bagay kayo ng anak ko! Engineers are for doctors, right?" Tatawa tawang sabi nito kay Gab at kunwari namang biglang nahiya ang huli. Napatigil din ako sa pag nguya at natahimik naman ang lahat. Doctors are for engineers daw? Hindi kaya. Nurses are for engineers yun. Nagawa ko pa talagang aliwin ang sarili ko. Ang awkward.
"You done?" Malambing na tanong ni Niko sa akin at alam kong ramdam na din nya ang namumuong tensyon.
"Yeah. Sa restroom lang ako Niko.” Paalam ko sa kanya. Halos hindi na ako makangiti kahit na anong pilit ko.
"Samahan na kita." At akmang tatayo na siya pero pinigilan ko siya at sinabing kaya ko na. Nag excuse naman ako sa kanila bago ako tumayo at nagpuntang cr. Hindi na ako makahinga dito kaya gusto kong makalayo kahit sandali.
Sinadya kong magtagal at parang ayoko na ngang bumalik doon kaso magmumukha naman akong bastos nun. Habang nag huhugas ako ng kamay ay biglang pumasok ang ate niya. Nagkasalubong ang mga mata namin sa salamin. Nginitian niya ako na tila nakiki simpatya kaya kahit naiilang ako ay sinuklian ko din siya ng tipid na ngiti.
"Hi Jazmin.” Bati pa nito sa akin. “Uhm I just want to apologize for what mom said. She’s being insensitive.” Sabi nito at napabuntong hininga pa siya.
“It’s okay po." Sabi ko lang. Hindi ko inaasahan na hihingi siya ng paumanhin.
"Call me ate, okay? Wag kang maiilang sa akin." Tinapik pa niya ako sa likod na tila ina-assure nya ako. Yumuko lang ako dahil nahiya ako.
"Jazmin, I like you. I know my brother loves you. Fight for your love no matter what.” Nakangiti nitong sinabi sa akin at nagpaalam na siyang babalik sa table. Sinadya niya lang ako dito kaya kahit papaano ay napangiti ako dahil mabait ang ate niya at mukhang makakasundo kami.
Ramdam na ramdam ko nang ayaw sa akin ng mommy ni Niko at ito ang nakikita kong threat sa aming dalawa ngayon. Kung kelan nagiging matibay kami, doon naman kami parang susubukin ng pagkakataon. Huminga ako ng malalim at napagpasyahan kong bumalik na sa table.
Pagkaupong-pagkaupo ka pa lang ay agad na bumaling sa akin ang mommy niya. "Oh Jazmin, I forgot to ask. Why are you studying here in Baguio by the way when there are lots of nice universities in Manila?" Parang naaamoy ko na ang sabwatan nila ni Gab. Alam na alam ni Gab na patay na patay ako dati sa bestfriend ko. Napatingin ako sa kanya pero nagpatay malisya lang siya at kunwaring nagpatuloy lang sa pag kain.
Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko rin talaga alam ang isasagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sinundan ko dito ang first love ko. Nagulat naman ako nang biglang magsalita si Gab at napatingin kaming lahat sa kanya.
"Oh tita! Napaka sweet kasi niyang si Jaz! Sinundan niya yung first love niya dito sa Baguio!" Humahagikhik pa nitong sabi kaya napaawang na lang ang aking mga labi. Nasaktan ako sa pagiging careless niya na alam ko namang sinasadya niya.
"Oh! Really? So meron ka na palang-?" Tila nanunuya nitong sinabi sa akin pero pinutol ko na ang sasabihin pa sana niya. Alam kong magmumukha akong bastos pero hindi ko kaya ang ka plastikan nilang dalawa ni Gab!
"Dati po yun ma'am." Magalang ko pa din namang tugon. Naku, hindi ito isang teleserye na hahayaan ko na lang silang pagkaisahan ako.
Tumikhim bigla si Niko. "Excuse us. Dad, mauuna na kami ni Jaz." Sabi ni Niko sa daddy niya at tumayo na siya. “C’mon baby.” Yakag nito sa akin at inalalayan niya akong makatayo. Natahimik silang lahat na nakatingin sa amin ni Niko.
"Ha? Bakit aalis ka na? Gab is still here!" Sabad naman ng mommy niya pero ni hindi man lang lumingon si Niko sa mommy niya.
"Let them go, Victoria. Sige na anak." Sabi naman ng daddy niya. "Hija, I’m glad nakilala ko ang nagpapatibok sa puso ng aking anak. It’s really nice meeting you.” Sabi naman niya sa akin at nginitian niya ako ng matamis. Ngumiti din ako sa kanya at maging ang ate Nikole ni Niko nang magpaalam kami.
"Salamat po. Same here po." Yumuko ako at nagpaalam na sa kanilang lahat.
Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas na pagkalabas namin ng restaurant! Hinawakan niya ang kamay ko at akala ko ay didiretso na kami sa parking pero niyakag niya ako papunta sa garden. Tahimik lang kaming naglakad lakad habang magkahawak ang kamay.
Maya-maya ay tumgil siya at inihirap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko at masuyo niya akong tinignan ng diretso sa mga mata ko. "I love you, baby." Mahinang usal niya at dinampian niya ako ng halik sa noo.
Maya-maya ay napabuntong hininga siya. "I’m sorry about my mom." Parang nananantiya siyang nakatingin sa akin. Nginitian ko naman siya at niyakap bilang assurance. Narinig ko pa ang pagsinghap niya tila nabunutan ng tinik. Akala niya siguro ay magagalit ako sa kanya. Hindi naman niya kasalanan kung ganoon man ang mommy niya.
Kung akala ng mommy niya ay susukuan ko si Niko nang dahil lang sa kanya ay nagkakamali siya. Ipaglalaban ko ang pag-iibigan naming dalawa kahit na anong mangyari..come hell or high water. Wow, teleserye lang. Gumaan naman ang pakiramdam ko nang yakapin niya ako nang mahigpit.
"Happy graduation, baby! I’m so proud of you!" Niko hugged me tightly. Hanggang yakap lang muna at nandito sila mommy, tita Jelai, at Andrew.Si Jen naman ang photographer namin. Syempre hindi lang ako ang ipinunta nito dito dahil sabay kaming grumaduate ng pinsan niya. Bukas naman ang graduation nila Niko."Thank you, baby! Advance happy graduation din!" Masayang bati ko din sa kanya at mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi."Jazzy! Congrats!" Si Jeff at nakalapit na pala siya kasama ang parents niya. Malapit din ako sa kanila at halos di kami mapaghiwalay niyan dati."Congrats din sa’yo, Jeff!" Sabi ko din sa kanya at bumitaw ako kay Niko para batiin din ang parents niya."Hi tita, tito! Congrats po!" M
"Oh, hi hija! Come here! How are you?" Bati sa akin ng daddy ni Niko dahil agad siyang napalingon sa akin. Napatingin naman sa akin ang mommy niya at napataas na naman ng kilay to nang makita niya ako."Good afternoon po." Magalang kong bati sa kanila at bahagya pa akong yumuko.Kung gaano ka warm ang daddy niya ay siya namang kabaliktaran ng mommy niya.Tipid lang itong ngumiti sa akin. Pinaupo naman ako ni tito sa tabi niya. Magkatabi naman si Gab at madame.Nang matapos ang ceremony ay lumapit na si Niko sa amin. Tila nagulat naman ito nang makita ako. Nginitian ko siya pero tumingin lang siya sa akin ng seryoso at hindi niya ako pinansin! Nakita ko pang napangisi si Gab at tila nasiyahan pa siya sa pag snob sa akin ni Niko. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makapaniwa
"A-anong ibig sabihin niyan?" Gulat kong tanong sa kanila. Agad namang inagaw ni Max ang cellphone ni Karen at napanganga din siya at hindi agad nakapag salita.Merong gumawa ng fake facebook account ko dahil pangalan ko ang nakalagay doon at may post pa na sinasabing yun ang bago kong account. Pinag a-add din nito ang mga friends namin. At ang higit na nakakaloka ay ang profile picture! Nakaakbay sa akin si Jeff at parang masayang masaya kaming dalawa. Iisipin talaga ng kung sino mang makakakita na mag boyfriend kami dahil saktong sakto na nakatingin kami sa isa’t isa at malaki ang mga ngiti sa aming mga labi.Stolen shot ito at halatang naka zoom in lang. Itong yung gabi ng graduation namin na kung saan ay nag celebrate kami kasama ang family ni Jeff.Naglolokohan kasi kami nun nila Jen ha
"Baby!" Tawag niya ulit sa akin nang hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa mabilis na paglalakad nang makabawi ako. Kahit na medyo nahihilo pa din ako ay hindi ko na inalintana.Baby mo mukha mo! Kapal naman ng mukha mong bigla ka na lang babalik. Bumalik ka na lang dun sa Gab mo!Patawid na sana ako nang matapilok ako kaya natumba ako. Ouch naman! Ang sakit ah! Nakakainis naman. Tatayo na sana ako nang muli na naman akong natumba. Para lalo tuloy akong nahilo.“Are you hurt? Are you okay?” Nakalapit na nga siya at hinawakan niya ako sa braso pero agad kong iwinaksi ang mga kamay niya pero mapilit pa din siya.“Bitawan mo nga ako! Umalis ka na nga at hindi kita kailangan dito!” Sigaw ko sa kanya pero kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi pa din siya nagpaawat at napasigaw na lang ako nang bigla niya akong buhatin!“Ano ba! Ibaba mo’
"Hi, sleepyhead!" Nakangiting bati sa akin ni Niko pagmulat ko ng mata ko. Kalalabas niya ng bathroom at bagong ligo. Naka boxer shorts lang siya and oh-my! Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi umagang umaga kaya agad akong nag-iwas ng mukha. Tinawanan naman niya ako at agad na nilapitan. "You're so cute, baby.." Nakangiti nitong sabi at kinintalan ako ng halik sa labi. "Still sleepy?" Tanong niya pa ulit habang sinusuklay ang buhok ko ng kamay niya. Tumango naman ako dahil inaantok pa talaga ako. "What time is it?" Tanong ko naman sa kanya dahil hindi ko makapa ang cellphone ko. Hindi ko alam kung saan ko naipatong. "It's 1 in the afternoon, baby. Matulog ka pa if you're still sleepy. I'll just cook." Sabi naman niya at muli akong dinampian ng halik sa labi. Nakakahiya, hindi pa ako ng tu-toothbrush! Nagbihis muna siya ng maong pants at tshirt saka na siya na
“Ano ba kasi talaga ang nangyari, Niko? I think now is the best time for us to talk about what really happened." Tanong ko sa kanya habang nakaupo kami pareho sa sofa nila at nanonood ng movie. Umuwi na din pala ng Manila si Von. Napabuntong hininga naman siya at tipid na ngumiti sa akin. "I saw your pictures with that bastard.” "Anong picture ba yang sinasabi mo? May gumawa ng fake account ko at picture namin ni Jeff yung profile picture. ‘Yon ba?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya. "No, not only that. There’s a lot, actually. Meron sa school at meron din sa mga duty niyo. Magkasama kayo lagi..” Sabi nito at iwas na iwas ang tingin sa akin na parang nagpipigil magtampo. "What?! That gave me goosebumps! Niko, sinong kukuha ng mga litrato namin? Kahit outside Benguet na duty namin?” Tanong ko sa kanya at tumango naman siya at nakitaan ko din sya ng pag-aalala. May duda na agad akong kay Gab ‘yon galing pero paano mangyayari ‘yon eh hindi
Hindi ako mapakali at ayaw kumalma ng puso ko! Ano na naman ba to? Sa tuwing masaya kami ni Niko, maya-maya may problemang dumarating.Bakit hindi siya nagre-reply? Niloloko ba ako ni Niko? I shivered with the thought! Hindi ko ‘yon kakayanin!Napaigtad ako nang tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali kong tinignan sa pag-aakalang si Niko yun. Nalaglag naman ang balikat ko nang makitang hindi pala siya ang nag message sa akin kundi si Jeff.Jeff: Naka online ka pa. Bakit gising ka pa?Nag type naman ako agad.Me: oo.Jeff: Nakita mo ba?Me: ooJeff: labas ka muna dito. May sasabihin ako.Lalo lang akong kinabahan sa message ni Jeff! Anong sasabihin niya? May alam ba siya? Hindi na ako mapakali kaya agad na akong bumangon at lumabas sa sala. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at tila may malalim na iniisip.
"Oh Jaz, ano na ngayon ah. Akala ko ba uuwi ka na ng Manila?" Tanong sa akin ni Jen.Isang linggo na din mula nang..ikasal kami pero umuuwi ako sa apartment namin tuwing gabi para hindi mag duda si Jen. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang naging desisyon namin ni Niko."Nakalimutan ko nga palang sabihin! Dito ko na lang muna hihintayin 'yong result ng board exam. Nasabi ko na din kila tita." Nanliliit ang mga mata niyang tumingin sakin. Napakalakas talaga ng radar ng babaeng to!"At bakit nagbago ang ihip ng hangin?" Nagdududa niyang tanong."Wala! Mami miss ko kayo ni Max!" Hindi kaso ako makatingin sa kanyang diretso siguro dahil hindi ko pa magawang umamin sa kanila."Weh?! Baka kamo si Niko! Akala ko ba sa Manila na din siya?" Nakakunot noo niyang tanong."May inaasikaso pa siya dito kaya dito na din muna ako. Daming tanong!" Inirapan ko na lang siya dahil gumagana na naman ang kakulitan niya."Nakakahalata