Home / Romance / My Ella / Chapter 3

Share

Chapter 3

'Yon! Ang aga ko pa! 

Ani ni Zander sa kanyang isipan habang papalapit pa lang ito sa gusali ng kanilang opisina.

Isang linggo na rin ang nakalipas at sobrang ginaganahan si Zander na pumasok sa firm na kanyang pinapasukan. Marami s'yang natututunan at nakukumpara na n'ya ang kanyang mga pinag-aralan sa kanyang trabaho. Kahit nag-training pa lang s'ya ay talaga nagpapakitang gilas na ang binata at mabilis na nakisama sa lahat.

    

Naglalakad ito patungo sa kanilang gusali ng naisipan nitong dumaan muna sa coffee shop katabi nito upang mag-kape. Alas-sais asado pa lang noon ng umaga at alas-otso pa ang pasok ng binata. Matapos mag-order ng kape ay agad itong nakahanap ng pwesto sa may sulok.

    

Habang nagkakape ay nagmasid ito sa kanyang paligid ng may natanaw si Zander, isang babaeng papasok sa pinto.

    

Balingkinitan ang katawan, may itim na buhok na hanggang  balikat at maputi. Tila napukaw nito kaagad nito ang atensyon ng binata. Sa hindi mawaring dahilan ay sinundan lang ito ng tingin ni Zander habang ito ay nakatayo sa cashier. Titig na titig ito sa babae at pinagmamasdan ang pigura nito mula sa malayo. 

Hinala ni Zander ay papasok din ito sa opisina dahil naka-semi formal attire ang dalaga at tulad n'ya ay nagpapalipas lang ng oras.

    

Ilang sandali pa at nakuha na ng babae ang kanyang order at naupo hindi kalayuan sa kinauupuan ni Zander. Hindi parin maalis ang ngiti ng binata dahil napagmamasdan n'ya ang magandang dalaga.

    

Sa kabila ng pagtitig ni Zander ay hindi nito maiwasang maging malikot ang kanyang isipan. Gusto nitong lapitan ang babae at makipagkwentuhan. Nahalina masyado si Zander sa pinis ngunit kakaibang dating ng dalaga. 

    

Hindi naman siguro masamang makipagkilala?

    

Nagpailang pa ito ng ilang minuto at lakas loob na nilapitan ang dalaga sa kabilang lamesa.

    

"Hi?" bati ni Zander sa dalaga.

    

Sa tantya kasi ng binata ay halos magkasing edad lang sila o baka nga mas matanda pa s'ya dito ng bahagya.

    

Tinignan lang ito ng babae.

    

"May kasama ka ba? O hinihintay?" sunod na tanong ng binata.

    

Umiling lang ang babae bilang tugon.

    

"Pwede ba kitang samahan? Nakakainip mag-isa," nakangiting sabi ni Zander.

    

Hindi sumagot ang dalaga ngunit nginitian nito si Zander.

"Good morning," masayang bati ni Zander kay Junel. Kararating lang nito ng opisina.

    

"Oh good morning ang aga natin?" tanong ni Junel habang abala sa pag-type sa kanyang cellphone. Pagtingin nito sa binata ay agad nitong napansin ang kakaibang awra nito.  

    

"Maaga ko po kasing hinatid si Dennise, kaya po maaga akong nakarating," tugon ng binatang abot tenga ang ngiti.

    

"Ah, ganoon ba. Alam mo ang tyaga mo ring ihatid sundo ang katipan mo," ani ni Junel.

    

"Nakasanayan na po kasi," sambit ni Zander.

    

"Sana all may katipan!" sabi ni Junel sabay unat ng braso. "Parang naka-score tayo, hanggnag tenga ang ngiti mo," puna ni Junel dahil walang tinag ang ngiti ng binata sa mga labi nito.

    

"Ay hindi po, masaya lang ako kasi may nakilala ako sa coffee shop kanina," sagot ni Zander.

    

Umayos ng upo si Junel sa gulat at naging interisado sa sinabi ng binata. "Chixs ba 'yan?" usisa nito.

    

Nginitian lang ito ni Zander.

    

"Ayon, may Dennise ka na nga, suma-sideline ka pa, mamigay ka naman," biro ni Junel.

    

"Hindi po, nakipagkilala lang, kayo naman," ngiting ngiting sabi ni Zander.

    

Ngumisi na lang si Junel. "S'ya nga pala, nag-cut ng leave si Tan, mamaya nandyan na s'ya. Excited pa naman si Baron na i-train ka, sabi kasi ni Tan extend s'ya ng isa pang linggo tapos kagabi biglang nagsabi papasok na raw s'ya bukas."

    

Ang kaninang abot tenga na ngiti ay napalitan ng kaba. Kumabog ang dibdib ng binata sa kanyang narinig. "Po?" tanong ni Zander.

    

"Si Tan kako, darating na mamaya, i-turn over na kita sa kanya. Kaya ihanda mo na ang sarili mo. 'Yung mga bilin ko, 'wag mong kakalimutan," paalala ni Junel.

    

Hindi malaman ni Zander kung pinagbabantaan s'ya ni Junel o tinatakot.

    

Hindi kaagad nakasagot ang binata. Nakatingin lang si Junel kay Zander at hinihintay ang tugon nito. Natawa nalang bigla si Junel ng masilayan ang unti-unting pamumutla ni Zander. 

     

"Relax, hindi ka naman kakainin ng buo ni Tan, paunti-unti lang," biro ni Junel.

    

Wala pa ring reaksyon si Zander. Pakiramdam nito ay haharap s'ya sa thesis defence at kaylangan n'yang galingan upang makapasa.

    

"Ikaw Soriano, tinatakot mo si Alvarez,"  sabat ni Anica. "Alvarez, 'wag kang makinig d'yan kay Soriano. Mabait si Tan at magaling magturo, basta lagi mong tatandaan, mas okay na magtanong kaysa magmagaling. Pwede ka pa rin naman magtanong sa amin, hindi ka namin papabayaan," payo ni Anica sa binata.

    

"Asus, talaga ba Flores? E kahit lalake ang ipahawak mo kay Tan, laging umuuwing luhaan. Fresh grad man o hindi," kantyaw ni Junel.

    

"Nako, mahihina lang ang loob ng mga 'yon! Mga batugan at hindi marunong tanggapin na si Tan ang pinaka magaling sa firm kahit na mas bata si Tan sa kanila at mukhang bata talaga," pagtatanggol ni Anica sa kaibigan.

    

Wala na sa sarili si Zander, wala na itong maintindhan sa mga sinasabi ng dalawa.

    

"Sa bagay, totoo naman. Nakaka-intimidate lang talaga siguro si Tan lalo na kapag-nagtatrabaho," pagsang-ayon ni Junel.

    

"Basta, tatagan mo lang ang loob mo. Malay mo ikaw ang makapagpabago ng ugali ni Tan. Mukha kasing matyaga ka at hindi mapagmataas, kaya ramdam ko, ikaw na ang makakapagpalambot sa puso ni Tan," sabi ni Anica. "O, sige babalik na ako sa pwesto ko. Work work na,"  wika ni Anica at saka umalis.

    

Hindi maalis sa isipan ni Zander ang mga haka-hakang kanyang narinig tungkol kay Tan. Ngunit pilit nitong kinalma ang sarili.

    

Nagugunita nito ang isang masungit na babae, may malaking salamin at nakataas ang buhok na ubod ng gulo. Laging salubong ang kilay at naka mahabang damit na ubod ng baduy. Na may braces at puro trabaho lang ang inaatupag. Old fashion o hindi kaya ay hindi na magawang iayos ang sarili dahil sa pagka-workaholic.  

    

"Zander Aalvarez!" tawag ni Junel. 

   

"Po!" sagot ni Zander.

    

"Relax ka lang, i-endorse kita ng maayos kay Tan. 'Wag kang mag-alala sa naging training mo sa akin ng isang linggo, mukhang papasa ka naman sa standards n'ya. 'Wag ka lang susuko na paamuhin s'ya," payo ni Junel. "Palibasa wala kasing katipan ang babaeng 'yon kaya masungit!"

    

Huminga ng malalim si Zander. "Opo Soriano, tatatagan ko po," sagot ni Zander.

    

"Malulungkot naman ako n'yang wala ng taga organize ng mesa ko at mag-update ng mga papel ko," wika ni Junel.

    

Ngumiti lang ang binata ngunit sa likod ng kanyang ngiti ay naghuhumiyaw ang kabang kanyang nadarama. Halos tumalon ang kanyang puso sa nalalapit nilang pagkikita ni Michaella Tan.

    

Kung ano-ano ng pigura ng masungit na babae ang kanyang nagugunita. May mataba, may payat, may kamukha ni Betty La Feya, may kamukha ni Miss Tapia at kung sino-sino pang masusungit na karakter na kanyang napapanuod. Naiisip din nitong sana ay ibigay s'ya muli kay Junel o hindi kaya isa kayna Anica o Baron. Tutal ay ganoon daw ang ginagawa ng kanilang boss tuwing magbabalak ng mag-resign ang tine-train ni Tan.

    

Ilang araw kaya ang itatagal ko doon sa Tan. Hay Zander ano ba 'yang mga iniisip mo!

Kasalukuyang nag-photocopy ng mga papel si Zander. Matapos nilang mag-usap ni Junel ay sinimulan na nito ang kanyang mga gagawin.

    

Kalma! Para sa mga pangarap  mo! 

At pinagpatuloy nito ang kanyang pag-photocopy upang hindi na mag-isip ng kung ano-ano.

    

Walang kaalam alam ang binatang nasa likuran n'ya lang sina Anica at Ella.

    

"Tan, s'ya ang bago mong i-train." Itinuro ni Anica si Zander na kasalukuyang nakatalikod sa kanilang dalawa. "Parang awa mo na, maging mabait ka sa kanya. Magaling at magaan ang katawan ni Alvarez, hindi ka magsisisi. Kahit anong iutos mo susunood 'yan ng walang reklamo," pagkukumbinsi ni Anica sa kaibigan.

    

"Tignan natin," maiksing tugon ng dalaga habang tinititigan ang likuran ng binata.

    

"Nako Tan, noong huling binaggit mo 'yan, isang araw lang sa 'yo tumagal 'yung tine-train mo!" sumbat ni Anica.

    

"Oh, hindi ba noong si Cruz ang nag-train lumabas ang tunay na ugali. Batugan at mataas ang ihi? Nilabas ko lang kaagad ang pangil ko, kaya para s'yang pusang kinawawa pero noong nakikita n'yang parang maamong tupa si Cruz. Sinakmal n'ya kaagad at ayon akala mo amo kung umasta," inis na sabi ni Ella sabay inum ng tubig.

    

"Okay, chill. May point ka doon. Pero this time sure ako, hindi mo pagsisisihan ang batang 'to," pilit ni Anica.

    

"Si Mr. Villanueva ba ang nagpasok?" tanong ni Ella.

    

"Oo, family friend. Pero trust me, iba s'ya sa lahat," ani ni Anica.

   

Tinitigan muli ni Ella ang binata kahit na hindi nito nakikita ang mukha nito. Maganda ang tindig ni Zander kahit nakatalikod, hindi mawari ni Ella ngunit ngayon lang s'ya nakaramdam ng kaba na tila may kakaiba sa binatang kanyang tuturuan.

    

"Sige, susubukan kong maging mabait pero hindi ko maipapanggako," sagot ni Ella.

    

Ilang sandali pa at dumating na ang oras ng paghaharap nina Ella at Zander.

    

"Tara na Alvarez, i-endorse na kita kay Tan. Magpapakabit ka," sabi ni Junel na parang naghahabilin sa maliit na anak.

    

"Opo Soriano, salamat po pala sa mga tinuro n'yo sa akin," wika ni Zander.

    

"Naku ginawa ko lang ang makakaya ko, pero sabi ko nga sa 'yo kung ano man ang ituturo sa 'yo ni Tan 'yun ang sundin mo. 'Wag na 'wag kang aangal at sasalungat kung hindi bubugahan ka n'ya ng apoy at magiging abo ka," muling payo ni Junel.

    

Tumango si Zander, lalo itong kinakabahan sa mga binibilin ni Junel ngunit kaylangan n'yang tatagan ang kanyang loob. 

    

Nagtungo na ang dalawa sa pwesto ni Ella.

    

"Tan," tawag ni Junel kay Ella, kasalukuyan itong nag-aayos ng kanyang lamesa.

    

Nanglalabo naman ang mga mata ni Zander sa kaba, dinig nito ang pagtibok ng kanyang puso. 

    

Pagharap ni Ella ay laking gulat ni Zander sa kanyang nakita. Luminaw ang lahat at ang kaninang pamumutla ay napalitan ng pamumula.

    

"Tan, ito nga pala si Alvarez, Zander Alvarez, s'ya ang i-train mo. Parang awa mo na Tan, mabait 'tong si Alvarez. Maging mabait ka rin naman sa kanya," pakiuspa ni Junel kay Ella.

    

Tinitigan lang ni Ella si Zander sa mga mata. Samantalang, ilang na ilang naman si Zander, pulang pula ito at hindi makatingin kay Ella.

    

"Michaella, Michaella Tan. And you?" seryong tanong ni Ella.

    

"Z---Zander, Zander Alvarez po," nakayukong sagot ni Zander.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status