Humahangos na binuksan ni Junel ng pinto ng kwarto ni Ella, matapos ay kaagad n’yang nakita si Ellang nakaupo sa kama at kausap ang doctor. Seryoso ang lahat habang nakikinig sa mga sinasabi ng doctor at kasama na dito si Ella. Nakatulala lang ang dalaga at tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng doctor.“Congratulations Miss Tan, magiging mommy ka na,” wika ng doctor na may ngiti sa mga labi.Nakatingin lang si Ella at halatang hindi alam kung anong magiging reaksyon sa kanyang narinig. Napahawak din ito sa kanyang tiyan at unti-unti itong napayuko. Samantalang napatulala na lang si Junel sa kanyang narinig.Nahagip ng tingin si Junel ng doctor. “Oh, is he the father?” tanong ng doctor.Walang umiimik, napatingin ang lahat sa kinaroroonan ni Junel.A—-Ako? Fa—-Father? Sandali lang ano bang nangyari? Magkaka-anak na ako? A—-Anak namin ni Michaella? Pe—Pero.Pinagpawisan bigla at nanlalamig si Junel.Ilang minutong naghihintay ang lahat sa sagot ni Junel, ng biglang nag salita si El
Nakatitig ang lahat kay Baron at nagtataka kung anong pakay nito sa kanyang pagbisita. At dahil dito ay nanlalamig ang buong katawan ni Baron ng mga oras na ‘yon, gustuhin man n’yang umatras ay hindi na n’ya magagawa.Ito na ‘to, wala ng atrasan ‘tong. Baron, para kay Anica at at para kay baby. Tama para ‘to lahat kay baby.“Gu—-Gusto ko po sanang sabihin na—-na,” napatikhim pa si Baron. “Sabihin na—-.”“Baron? Ano bang gusto mong sabihin? At ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan? Naiinitan ka ba?” sunod sunod na tanong ng ina ni Anya. “Tapatan n’yo kasi ng electricfan si Baron, nakakahiya sa bisita,” utos ng kanyang ina.Tumayo naman ang kuya ni Anya at iinapat ang bintilador kay Baron. Ngunit imbis na mapreskuhan ay nangilabot si Baron at mas naramdaman ang kaba.“Po?” Hinipo nito ang kanyang noo at naramdaman ang nanlalamig n’yang pawis.Makakauwi pa kaya akong buhay? “Baron,” tawag ni Anya. Sa mga titig ni Anya, sinasabi nitong sabihin na nito ang kanyang tunay na
“A—-Ano ‘to?” tanong ni Ella kay Zander. Nagningning ang mga mata ni Ella sa kanyang nakita.“Hmmm, dinner under the stars?” ngiting ngiti nitong ni Zander. Bakas sa mukha nito ang pananabik.“Pe—-pero para saan? May okasyon ba?” pagtataka ni Ella. May magarang gayak sa likuran ng isang sasakyan, naguguluhan man sa nangyayari ay walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang nararamdaman.“Wala namang dapat na maging okasyon para surprisahin kita ng ganito. Gusto lang kitang makasama ngayon kaya ko ginawa ‘to. Gusto kong maging espisyal ang gabing ‘to dahil kasama kita. Pwede na bang dahilan ‘yon kaya ko ginawa ‘to?” sambit ni Zander na hanggang tenga ang ngiti.“Pe—Pero—-,” sambit ni Ella. “Wala ng pero pero.” Inilahad ng binata ang kanyang kamay. “Tara?” aya nito.Tumango ang dalaga, hinawakan nito ang kamay ng binata at lumapit ang dalawa sa sasakyan. Isinampa si Zander si Ella ng marahan. “Mukhang bumibigat ka ‘ata ngayon?” biro nto pagkasampa ni Ella sa sasakyan.Nang mga sandaling ‘yon a
"Good morning sa inyong lahat, i-welcome natin si Mr. Zander Alvarez sa ating firm," pakilala ni Mr. Villanueva sa binatang kanyang kasama. "O, ituro ninyo ang tama at hindi ang shortcut!" ani ni Mr. Villanueva sa lahat. "At isa pa, mag-take 'to ng boards kaya tulungan natin s'yang makapasa okay? 'Yung mga topnotchor natin d'yan, ipakita ang husay n'yo sa pagtuturo sa kanya!" sabi ni Mr. Villanueva. "Fresh grad. si Zander at unang trabaho n'ya ito. Kaya be nice to him," dagdag nito. "Good morning, Zander Alvarez po," pakilala ng binata sa kanyang sarili at nginitian ang lahat. Abot tenga ang kanyang ngiti dahil sa tuwang kayang nadarama. Ito ang unang araw ni Zander sa trabaho at malaki ang pasalamat nito dahil mainit ang pagsalubong sa kanya ng lahat. Nilapitan ni Boron si Zander at tinapik ang kanyang balikat. "Yes sir! Don't worry ipap
Dumaan ang maghapon ni Zander sa opisina, panay lang ang tingin nito ng mga file sa lamesa ni Junel. Nagtatanong ng mga routine nila sa opisina at kung ano-anong bagay tungkol sa kanilang trabaho. Natutuwa naman si Junel dahil nakakitaan nito ng pagiging interisado ang binata. Ngunit hindi ito nakakasiguro kung hanggang saan tatagal ang baguhang si Zander. Ilang taon na rin kasi s'ya sa kumpanya at marami na rin s'yang nahawakang mga tao, karamihan sa kanila ay hindi nagtatagal dahil sa dalawang dahillan. Una, mababang sahod bilang panimula at pangalawa, ang pagka-culture shock sa tunay na mundo bilang isang empliyado. Lalo na kung ang hahawak sa kanila ay ang batikang si Ella na walang patawad kahit gaano pa kataas ang iyong pinag-aralan. Wala pa talagang pinagawa si Junel sa binata, tulad ng sinabi nito ay mag-relax at magmasid muna sa paligid para sa kanyang unang araw. Sadyang mabait si Junel, at away nito
'Yon! Ang aga ko pa!Ani ni Zander sa kanyang isipan habang papalapit pa lang ito sa gusali ng kanilang opisina.Isang linggo na rin ang nakalipas at sobrang ginaganahan si Zander na pumasok sa firm na kanyang pinapasukan. Marami s'yang natututunan at nakukumpara na n'ya ang kanyang mga pinag-aralan sa kanyang trabaho. Kahit nag-training pa lang s'ya ay talaga nagpapakitang gilas na ang binata at mabilis na nakisama sa lahat. Naglalakad ito patungo sa kanilang gusali ng naisipan nitong dumaan muna sa coffee shop katabi nito upang mag-kape. Alas-sais asado pa lang noon ng umaga at alas-otso pa ang pasok ng binata. Matapos mag-order ng kape ay agad itong nakahanap ng pwesto sa may sulok. Habang nagkakape ay nagmasid ito sa kanyang paligid ng may natanaw si Zander, isang babaeng papasok sa pinto. Balingkinitan ang katawan, may itim na buhok na hanggang
"Nice meeting you Alvarez," pormal sa wika ni Ella. Tinignan ito ng dalaga mula ulo hanggang paa, tila kinikilatis nito ng maigi si Zander.Ah, ikaw pala si Zander Alvarez. Hmmm. Hanggang saan kaya ang itatagal mo? Fresh graduate at mukhang totoo nga ang sinabi ni Anica na mabait ka. Mabait at humble ka naman, baby face, mala anghel ang itsura, pero ibahin mo ako Zander. Hindi ako mabilis magpalinlang sa mga ganyang itsura. Kung sila nakuha mo ang loob ng isang linggo, ako hindi ako kasing bait ng tatlong 'yan. Iba si Ella iba si Tan.Nabalot ng katahimikan ang paligid, tila may pwersang nilalabas si Ella na sobrang nagpapakaba sa binata kahit wala pa itong ginagawa sa kanya. Sa mga titig pa lang ni Ella, nangangatog na ang binata, idagdag pa ang mga sabi-sabi sa paligid. Magkahalong pagka-ilang at kaba ang kanyang nararamdaman habang tumatagal ang pagkilatis sa kanya ng dalaga."So paano ba 'yan, Alvarez, magpapakabait ka ha. 'Yung mga bilin ko, 'wag na '
"Walang dyo! Talaga ba? Ginawa n'ya 'yon!" wika ni Junel habang tumatawa. "Grabe talaga 'tong si Tan, walang patawad! Nag-ala HR naman ngayon!" dagdag pa nito."'Wag naman po kayong ganyan, kanina ko pa nga po iniisip kung tama po ba ang mga sagot ko sa mga tinanong n'ya. Para nga po akong naga-apply ulit, pero mas matindi." Nakatungong sabi ni Zander.Sumabak si Zander sa isang matinding interview. Simula sa tell me about yourself hanggang sa what do you expect to this company. Bukod doon ay nagtanong din si Ella tungkol sa pagiging accountant. Debit at credit, mga terms na ginagamit. Mga basic computation na madalas gamitin at kung ano ano pa. Kung sa ilalim ni Junel ay naging chill at relax ang binata, pagdating naman kay Ella ay kabaliktaran ang lahat.Pinipigil ni Junel ang kanyang pagtawa, nakita n'ya kasi ang pamumula ng binata dahil sa hiya. Naisip nitong baka mapikon ang binata sa kanyang magiging reaksyon kung s'ya ay tatawa. "Okay lang 'yon, noong nak