Home / Romance / My Ella / Chapter 1

Share

My Ella
My Ella
Author: Ma. Zaira Cailles

Chapter 1

"Good morning sa inyong lahat, i-welcome natin si Mr. Zander Alvarez sa ating firm," pakilala ni Mr. Villanueva sa binatang kanyang kasama. "O, ituro ninyo ang tama at hindi ang shortcut!" ani ni Mr. Villanueva sa lahat. "At isa pa, mag-take 'to ng boards kaya tulungan natin s'yang makapasa okay? 'Yung mga topnotchor natin d'yan, ipakita ang husay n'yo sa pagtuturo sa kanya!" sabi ni Mr. Villanueva. "Fresh grad. si Zander at unang trabaho n'ya ito. Kaya be nice to him," dagdag nito.

 

"Good morning, Zander Alvarez po," pakilala ng binata sa kanyang sarili at nginitian ang lahat.

 

Abot tenga ang kanyang ngiti dahil sa tuwang kayang nadarama. Ito ang unang araw ni Zander sa trabaho at malaki ang pasalamat nito dahil mainit ang pagsalubong sa kanya ng lahat.

 

Nilapitan ni Boron si Zander at tinapik ang kanyang balikat. "Yes sir! Don't worry ipapa-handle namin 'to sa pinaka magaling nating Certified Public Accountant ng firm. Ang ating topnotcher at kilabot ng lahat!" pagmamalaking sabi ni Baron.

 

Tinitigan lang ito ng binata. "Baron Cruz nga pala." Pakilala ng lalake sa kanyang sarili kay Zander. "Kaso nga lang nasa bakasyon pa s'ya. Kaya pagbalik n'ya ihanda mo na ang sarili mo. Sigurado mauubos ka!" biro ni Baron Cruz sabay tawa. Nagkantyawan na rin ang iba pa nilang katrabaho tungkol sa tinutukoy na kilabot ng kanilang firm.

 

Nakitawa na lang si Zander kahit na kinabahan ito bigla sa mga sinambit ni Baron.

 

"Nako, Mr. Cruz, ipinasa mo na naman ang pagtuturo kay Ms. Tan. Siguradong magugulat 'yon!" sabi ni Mr. Villanueva sabay iling. "Next week pa ang balik ni Ms. Tan kaya kayo muna ang mag-train sa kanya, understood?" ani ni Mr. Villanueva. "Pero sa kanya ko rin talaga ipapa-train si Mr. Alvarez. Alam ko kasing puro kalokohan lang ang ituturo n'yo!" biro ng kanilang amo.

 

"Paano ba 'yan dahil next week pa si Tan babalik, mukhang isa muna sa atin ang sasapo ng mga accounts n'ya for this week," sambit ni Junel.

 

"Ikaw na Soriano ang mag turo kay Alvarez, ikaw na rin ang humawak ng acounts ni Tan. Panay absent ka naman noong nakaraan hindi ba? Para fare!" kantyaw Baron sa kaibigan n'yang si Junel Soriano.

 

Napakamot na lang ng kanyang ulo si Junel dahil wala na itong nagawa. "Sige na kaysa kung ano pang ituro n'yong kabulastugan kay Alvarez, ako na ang mag-train sa kanya habang wala si Tan." Pag-ako nito sa gawain. Bumaling ito ng tingin sa binatang si Zander. "Ako muna ang mag-train sa'yo Alvarez," sabi ni Junel Soriano. "O, ako ang sasagot ng turo this week, pag nga-extent si Tan kayo naman," dagdag nito sa kanilang mga kasama.

 

"Salamat po," tugon ng binatang si Zander.

 

Hindi ito makapaniwalang ito na ang simula ng pagpasok n'ya sa tunay na mundo.

 

"Okay! Alvarez, under ka muna ni Soriano. Isa din s'ya sa mga batikan dito sa firm. Pero pagbalik ni Tan ililipat na kita sa kanya," sabi ni Mr. Villanueva.

 

"Okay po sir," tugon ni Zander.

 

"Soriano, take over," sabi naman ni Mr. Villanueva kay Junel. "Okay! Back to work!" sigaw ng kanilng amo.

 

Nagsipulasan na ang lahat at bumalik sa kanilang mga pwesto. Naiwan sa hallway sina Zander at Junel. 

 

"Alvarez, ako nga pala si Junel, Junel Soriano." Inabot nito ang kanyang kamay. "Ako muna ang mag-train sa 'yo habang wala pa si Tan," muli nito sabi.   

 

"Okay po sir," bibong sagot ng binata.

 

"Ano ka ba, masyadong formal," sabi ni Junel. "Ganito, i-orient muna kita sa mga kalakaran dito si office, pati na rin sa mga nakasanayang tawagan dito. Saktong sakto nga ang pagka-hire mo, kakatapos lang ng tax season kaya maluwag pa ang mga work load namin. Matuturuan kita ng maayos, lalo na kapag si Tan ang humawak sa'yo," paliwanag ni Junel kay Zander.

 

"Okay po. Teka lang po, ano po ang itatawag ko sa inyo?" tanong ni Zander.

 

"Tama, d'yan ko sisimulan ang lahat. Dito sa office nakasanayan ng surname basis ang pagtawag namin sa isa't isa, para formal at kilala namin kaagad sa signatories. Pero pag nasa labas na or nasa gimikan, first name basis na tayo. Lalo na pag nasa bar o hindi kaya nasa inuman. Makakasanayan mo rin lahat ng 'to 'wag kang mag-alala," sabi ni Junel. "Teka, umiinun ka ba? May bisyo ka ba?" tanong nito sa binata.

 

"Umiinom po ako at vape," sagot ni Zander.

 

"Ayos lang 'yan, may ilang hindi nag-yosi o nag-vape dito, pero lahat kami marunong uminom. Iba-iba nga lang ang level ng lakas namin sa alak," paliwanag ni Junel. "At least alam naming hindi ka kill joy, don't worry isa ako sa mababa ang tolerance sa alak kaya 'wag kang mangamba kung hindi ka malakas uminom," dagdag nito.

 

"E 'di kayo po ang itatawag ko Soriano lang? Kahit senior ko po kayo?" sunod na tanong ni Zander.

 

"Tumpak! 'Wag mo ng lagyan ng Mr. or Ms. kasi minsan akala mo Mr. pero Ms pala dapat," bulong ni Junel. "Malalaman mo rin kung sino-sino ang mga 'yon dito," biro nito sa binata.

 

Sinimulan na ring ipakilala ni Junel ang iba pa nilang kasama kay Zander.

 

"Alvarez sila nga pala sina Baron Cruz at Anica Flores," pakilala ni Junel sa dalawa.

 

"Good morning po," bati ni Zander sa kanila.

 

"Good morning din Alvarez, I'm Flores, Anica Flores, 'wag kang mahihiyang magtanong sa akin ha. Anything under the sun, yakang yaka 'yan. At isa pa." Lumapit si Anica bahagya kay Zander. "Kung may gusto kang orderin, pagkain, damit, appliences o kung ano pa, sa akin ka na kumuha. Lahat mayroon ako, 'wag lang jowa," bulong nito sa binata.

 

Natawa bahagya si Zander sa tinuran ni Anica. "Opo Flores salamat po. Sa inyo po ako o-order promise," sagot ni Zander.

 

"Ayon! Dumali na naman ang negosyente ng grupo! Nako Alvarez scam 'yang si Flores," biro naman ni Baron. "Pero support local, kaya naman mapagtyatyagaan na ang mga tinda n'ya," asar ni Baron.

 

"Ikaw talaga Cruz ang dami mong satsat! Magbayad ka na lang ng utang mo sa aking brief at sando!" d***g ni Anica.

 

"Ay talagang dito tayo magsisingilan? Sa harapan ng bago!" sagot naman ni Baron. "Flores naman bigyan mo naman ako ng kahihiyan, mamaya magaabot ako promise," sagot nito kay Anica.

 

Binaling ni Baron ang kanyang tingin kay Zander. "Baron Cruz, ang pinaka-romantiko at pinaka-gwapo sa firm na ito," papuri nito sa kanyang sarili.

 

"Nice meeting you agian po Cruz," sabi naman ni Zander.

 

Subalit hindi nagpaawat si Anica sa paniningil nito kay Baron. "Oo! Kasi naman Cruz---." At nagtalo na ang dalawa.

 

Tinapik ni Junel si Zander, titig na titig kasi ito sa pagtatalo ng dalawa. Parang aso't pusa na nagbabangayan sa knailang harapan. "Nagulat ka ba?" sabi nito sa binata.

 

"Po? Sa--- sakanila po?" balik na tanong ni Zander.

 

"Oo, pero 'wag kang mag-alala masasanay ka rin sa dalawang 'yan. Mababait 'yan, normal nila 'yan, kapag tumahimik ang isa d'yan either may sakit o hindi kaya may tampuhan silang dalawa," paliwanag ni Junel. "Tara ipapakilala naman kita sa mga chikas ng firm," sabi ni Junel.

 

Dumako ang dalawa sa iba pang nilang mga katrabaho at inilibot na rin ni Junel si Zander sa iba pang bahagi ng kanilang opisina upang maging pamilyar ito sa kanilang lugar.

 

Makisig at balingkinitan ang pangangatawan ni Zander. Malakas din ang dating ng kanyang singkit na mga mata, kaya naman hindi maiwasan ng ibang kiligin habang pinapakilala ni Junel ang bawat isa sa binata.

 

"Nako, mukhang marami kang madadagit dito Alvarez. Matanong ko lang may nobya ka na ba?" tanong ni Junel.

 

"Opo meron po," mabilis na sagot ni Zander.

 

"Ay patay tayo d'yan," sabi ni Junel at napakamot pa ito sa kanyang ulo.

 

"Po? Bakit po?" Nagtaka ang binata sa reaksyon ni Junel sa kanyang sagot.

 

"Alam mo bang sa kisig mong 'yan, marami kang maaakit na babae dito! Hindi mo ba napansin, panay na ang pa-cute nina Surio at Dantes sa 'yo?" paliwanag ni Junel. Tinutukoy nito an dalawang clerk ng firm.

 

 "Nako, loyal po ako. Matagal na po kami ng girlfriend ko," panimula ni Zander. "Sa totoo lang po pagkatapos naming mag- boards, pasado man o hindi, magpapakasal na po kami," sagot naman ni Zander. "Kaya po naghanap po kami kaagad ng trabaho, para makapag-ipon po kami kaagaad."

 

"Oh! Talaga, nako pag nagkataon pala makaka-attend kami ng kasal mo! Congrats in advance!" bati ni Junel kay Zander. 

 

"Salamat po, Soriano," sabi ni Zander.

 

"Napakilala ko na sa 'yo silang lahat, na tour na kita sa buong office, tara na sa ating working area habang wala pa talaga ang mag-train sa 'yo," aya ni Junel.

 

Muling namuo ang kaba ni Zander ng marinig ang pangalan ng totoong mag-train sa kanya. Nahihiwagaan na rin si Zander kung sino si Tan.

 

Nakarating na ang dalawa sa lamesa ni Junel.

 

"Dito ka muna for one week, ako ang magtuturo sa'yo ng mga basic na kaylangan mong gawin. Basic lang naman ang mga 'yon, para hindi ka maguluhan sa ituturo sa'yo ni Tan pagdumating na s'ya," wika ni Junel.

 

"Tan? Nasaan po s'ya? Bale, s'ya po 'yung naka-leave?" lakas loob na tanong ni Zander.

 

"Yap, nasa vication leave s'ya, one week 'yon. Kaya next week mo pa s'ya makikita. Dipende kung mag-extent s'ya o hindi. Ewan ko sa babaeng 'yon. Actually same university kayo kaya siguro s'ya ang napili ni Mr. Villanueva na mag-train sa'yo. Baka nga nakikita mo s'ya noon sa university n'yo," kwento ni Junel.

 

"Tan? Ang dami po kasing Tan sa university, pero baka nga po," sagot ni Zander.

 

"Next week naman makikilala mo na s'ya. 'Wag lang s'yang masasarapan sa bakasyon n'ya, kung hindi, si Cruz o hindi kaya kay Flores kita ipapasa. Kaya for now tayo muna ang mag-uutuan maghapon hanggang byernes," sabi ni Junel.

 

Matapos ng maiksing huntahan, pinaliwanag na ni Junel ang mga gagawin ni Zander para bukas.

 

"Sabi ko nga kanina, ituturo ko sa'yo ang mga baisc na ginagawa dito sa firm. Bookkeeping is the place to be," panimula ni Junel.

 

Kasabay ng pagpapaliwanag ni Junel ay inoobserbahan na rin nito ang ugali ni Zander. Bilang baguhan at unang trabaho ng binata, gustong ipaalam ni Junel na hindi mabait ang mundong kanyang pinasok.

 

Nakatuon si Zander sa sinasabi ni Junel, maigi itong nakikinig ang iniintindi ang mga sinasabi ng nagtuturo sa kanya. Isang magandang ugali para sa isang baguhan.

    

"Maraming nagsasabing bakit pa natin kaylangang aralin ang bookkeeping, kaya naman 'yang gawin ng iba. Para saan pa at nakatapos tayo ng accountancy kung bookkeeping din naman ang bagsak natin," sabi ni Junel. 

   

Natutuwa si Junel dahil walang angal si Zander sa kanyang mga sinasabi.

    

"Pero basic is the key, lagi mo lang tatandaan, sa ibaba lahat nag uumpisa. Mas masarap ang tagumpay kung pinaghihirapan," paliwanag ni Junel. "Si Tan na lang ang magsasabi sa'yo kung bakit ganito kami magturo dito. Kahit na CPA na sila o sa fresh grad."

    

"Okay po," sa lahat ng sinabi ni Junel ay 'yon lang ang naging tugon ng binata.

    

Laking gulat ni Junel sa asal ni Zander. Karamihan kasi ay nagmamaktol na sa kanilang gagawin mabanggit pa lang ang bookkeeping.

    

"Su---sure ka wala kang tanong? Any violent reactions?" tanong ni Junel.

 

"Wala naman po, naiintindihan ko naman po na bukas bookkeeping ako," sagot ng binata.

    

"Wala kang violent reactions or reklamo?" nagtatakang tanong nito.

    

Nagulumihanan tuloy si Zander sa mga tanong ni Junel. Para bang hindi ito makapaniwalang sumasangayon s'ya sa mga sinasabi nito. Pakiramdam tuloy ni Zander ay may mali s'yang sinagot.

    

"Wala naman po, may dapat po ba akong ireklamo?" tanong ni Zander.

    

Inayos ni Junel ang tono ng kanyang boses, upang hindi mapuna ng binatang nagtataka ito sa kanyang mga sagot. Inisip na lang nito na baka hindi pa naiintindihan ni Zander na matagal n'yang gagawin ang bookkeeping at isa ito sa kinasusumpang gawin ng mga baguhan. 

    

"Wala naman, pero sabi ko nga bukas na tayo mag simula, maging pamilyar ka muna sa lugar dito. At isa pa chill ka lang kapag ako ang kasama mo." Samandal na si Junel at tinaas ang kanyang paa sa kanyang lamesa.

    

Tumango lang si Zander. 

    

Ilang segundo lang may sumagi sa isipan ni Junel. 

    

"Oo nga pala, kapag si Tan na ang mag-train sa 'yo, lahat ng tinuro ko kakalimutan mo," bilin ni Junel.

    

Naguluhan na naman si Zander sa sinabi ni Junel. "Po? bakit naman po?" tanong ng binata.

    

"Malalaman mo kapag dumating na si Tan, basta ang advise ko lang sa'yo 'wag kang papalinlang sa itsura n'ya," paalala ni Junel. 

    

"Si--sige po, tatandaan ko po," tugon ni Zander.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status