Dumaan ang maghapon ni Zander sa opisina, panay lang ang tingin nito ng mga file sa lamesa ni Junel. Nagtatanong ng mga routine nila sa opisina at kung ano-anong bagay tungkol sa kanilang trabaho.
Natutuwa naman si Junel dahil nakakitaan nito ng pagiging interisado ang binata. Ngunit hindi ito nakakasiguro kung hanggang saan tatagal ang baguhang si Zander. Ilang taon na rin kasi s'ya sa kumpanya at marami na rin s'yang nahawakang mga tao, karamihan sa kanila ay hindi nagtatagal dahil sa dalawang dahillan. Una, mababang sahod bilang panimula at pangalawa, ang pagka-culture shock sa tunay na mundo bilang isang empliyado. Lalo na kung ang hahawak sa kanila ay ang batikang si Ella na walang patawad kahit gaano pa kataas ang iyong pinag-aralan. Wala pa talagang pinagawa si Junel sa binata, tulad ng sinabi nito ay mag-relax at magmasid muna sa paligid para sa kanyang unang araw. Sadyang mabait si Junel, at away nitong biglain si Zander sa bigat ng kanyang haharapin kapag dumating na si Micahella Tan. Nakakainip man ngunit ayaw magmagaling ng binata kaya nakiramdam na lang ito sa kanyang paligid. Sinunod ang mga sinabi ni Junel at kinilala na lang ang kanyang mga kasama. Magiliw namang kinwentuhan ni Junel ang binata ng pahapyaw upang magkaroon ito ng ideya sa ugali ng bawat isa. Ngunit nangingimi si Zander na magtanong muli tungkol kay Ella kaya ni itusuura ay wala itong kaalam alam tungkol sa dalaga. Malapit ng pumatak ang uwian, kaya naman nagsimula ng magligpit ang mga empliyado. Kasama na rito si Zander na hanggang sa mga oras na ito ay nangangapa sa kanyang kapaligiran. Ibang iba ang awra ng eskwelahan at ng opisina sa lahat ng bagay. "S'ya nga pala Alvarez," tawag ni Junel sa binata. "Sumabay ka na sa amin palabas," aya ni Junel habang nagliligpit ito ng kanyang mga gamit. "Malapit lang ang dorm na inuupahan ko sa gawi ninyo." "Ay, susunduin ko pa po si Dennise sa ospital," sagot ni Zander. "Saang ospital ka pupunta?" sabat naman ni Anica na bigla na lang sumulpot sa gilid ng dalawa. "Sa may General Hospital po," tugon ni Zander kay Anica. "Sakto, umangkas ka na sa akin. May dilivery ako banda roon," aya ni Anica. "Hoy! Baron, nasaan na 'yung helmet ko?" sigang sabi ni Anica kay Baron na papalapit pa lang sa kinaroroonan nina Zander upang maki-osyoso sa kumpulan nilang tatlo. "Ay 'wag na po. Mag-commute na lang po ako," pagtanggi ni Zander. Bilang baguhan, nahihiya pa ito sa alok ni Anica. Isa pa, parang ang sagwa namang tignan kung s'ya 'tong lalake subalit s'ya pa ang nakaangkas sa motor ni Anica. Sa kabilang banda ay malinis naman ang intensyon ni Anica para sa bago nitong ka trabaho. At sa totoo lang ay wala itong pakialam kung anong iisipin ng iba, basta para sa kanya, gusto lang nitong alukin si Zander tutal ay doon din naman s'ya papunta. "Ito, bakit?" sabi ni Baron habang papalapit sa tatlo. Hindi nito narinig ang usapan kay naman wala itong ideyang uuwi pala s'yang mag-isa. "Akin na, isasabay ko papuntang General si Alvarez," sabi ni Anica habang kinukuha ang helmet. Nagulat si Baron sa sinabi ni Anica. "Oy! Teka lang, akala ko ba isasama mo ako sa pag-deliver?" "Nagbago na isip ko, baka imbis na makabenta pa ako, bigla akong malasin kapag nakita ka ng ka meet up ko!" asar nito sa kaibigan. "Ay, grabe naman 'to! Hay ano pag-kukumyutin mo ako?" tanong ni Junel. "Cruz, tinatanong pa ba 'yan! Aba, 'wag puro pa kabig ha! Ginagawa mo na nga akong service ganyan ka pa," sita ni Anica kay Baron. "Ni pang-gasulina hindi ka makapag-abot! 'Wag ako Cruz." Napatingin si Zander kay Junel habang nagbabangayan na naman ang dalawa. Hinatak na lang ni Junel ang binata upang makaalis sa gitna. "Ganyan sila maglambingan," sabi ni Junel sabay kindat. Natawa na lang si Zander sa sinabi ni Junel. "Sumabay ka na lang kay Anica, 'wag ka ng mahiya. Hindi ka rin tatantanan n'yan kapag hindi ka sumabay," payo ni Junel. "Para po kasing nakakailang kung si Flores ang nag-drive at ako 'tong lalake nakaangkas," nahihiyang sabi ni Zander. Natawa si Junel bago ito magsalita, "Ayos lang 'yan, one of the boys 'yang si Flores kaya ganyan 'yan. Pagbigyan mo na lang, daig mo pa si Cruz, sadyang makapal ang mukha n'yan. Wala s'yang pakialam sa tingin ng iba, basta s'ya aangkas kay Flores para libre pamasahe," kantyaw ni Junel kay Baron. "Sa susunod naman hindi na papayag si Cruz na hindi s'ya isama ni Flores. Kaya pagbigyan mo na." Wala ng nagawa ang binata pumayag na itong sumabay kay Anica tulad ng sinabi ni Junel kahit na nahihiya talaga ito. Sumapit na ang uwian at naglabasan na ang mga empleyado ng firm. "Oy! Bukas ha, 'wag kang ma-late sa kanto!" bilin ni Baron kay Anica. "Ito daig pa jowa mag-utos? Jowa ba kita?" inis na sabi ni Anica. "Jowa soon, malay mo," pang-aalaska ni Baron kay Anica. "Chooosy mo kasi ayaw mo pa sa akin." "Ay nako, uuwi na lang tayo ganyan pa kayong dalawa!" saway ni Junel. "Anica alalahanin mo isasabay mo si Zander mamaya mas matagal pa kayong magbangayan kaysa sa byahe n'yo. Kaya bukas n'yo na ipagpatuloy ang pagtatalo." "Opo! Ito na po!" sabay na wik nina Baron at Anica. Namamangha ang binata sa kanyang mga nakikita. Hindi ito makapaniwala na ang mga kaharap n'ya ngayon ay ang mga batikang CPA ng kanyang pinapasukang kumpanya. Para bang abot kamay n'ya lang ang tatlo, hindi mo aakalaing mga dikalibre silang mga tao. Mas pinis at mas mukhang professional pa ang mga clerk nila dahil sa pusturta ng mga ito subalit kung tutuusin ay sila pa ang nasa mababang pusisyon. Samantalang ang tatlo ay simple at parang ordinaryong empliyado lamang. Walang bakas ng yabang at hangin sa katawan. Naglalakad ang dalawa papuntang parking lot. Humiwalay na ng daan sina Baron at Junel para mag-abang ng jeep na masasakyan. "Kamusta naman ang unang araw mo sa firm?" tanong ni Anica. "A---ayos lang po, Flo--- ay mali Anica. Ate Anica," sabi nito. "Nako Anica na lang, nakakatanda ang ate Anica!" sabi nito sa binata. "Kaso po parang feeling close naman po kung hindi ko po kayo tatawagin na ate. Mas matanda at senior ko po kayo," paliwanag ni Zander. Napakamot ng kanyang ulo si Anica. "Nararamdaman ko kasi ang edad ko," sabi nito habang napapangisi. "Hindi pa naman ako ganoon katanda ang itsura ko hindi ba?" Umiling ang binata bilang tugon. Napaisip din si Anica sa sagot ni Zander bilang paggalang narin sa kanya. "Sige na nga! Pero dapat sina Baron at Junel tatawagin mo ring kuya," banta ni Anica. "Opo ate Anica, pati po sina Kuya Baron at Kuya Junel," nakangiting sabi ng binata. "Ayan, buti naman," sambit ni Anica. Ilang hakbang pa at huminto na si Anica at sinusian ang kanyang motor. "Alam mo, ang swerte mo, dahil si Ella ang hahawak sa'yo. Sure akong malaking tulong s'ya para sa boards mo," sabi ni Anica. "Po?" tanong ng binata, nagulumihanan kasi ito sa sinabi ni Anica. "Maswerte ka kako kay Ella, si Ella, Michaella Tan," sabi ni Anica. "Ah, Tan. 'Yung pong mag-train po talaga sa akin." Doon lang nalaman ni Zander na Michaella Tan pala ang buong pangalan nito. Parang naririnig n'ya ang pangalang Michaella Tan sa kanilang university ngunit hindi n'ya matandaan ang itsura nito. "Oo, tiisin mo na lang ang kasungitan no'n ha. Pero mabait 'yon, promise," sabi ni Anica at sumakay na ito sa kanyang motor. Astig na astig ang itsura ni Anica sa kanyang tindig, lalo na nang sumakay na ito sa kanyang X-ADV Honda na motor. Lalo pang umangas ang dating nito sa pula at itim nitong kulay. Sabayan pa ng pagsuot nito ng itim n'yang helmet. "Sakay na! Para magkita na kayo ng girlfriend mo," aya ni Anica. Nabasag ang pakatulala ng binata. Dali-dali itong sumakay sa likuran ni Anica. Biglang sumagi sa isipan Zander na kay siguro gustong gusto ni Baron na sumabay kay Anica ay dahil sa astig nitong motor. Mabilis na nakarating ang dalawa sa ospital, natanaw kaagad ni Zander ang kasintahan. Nag-aabang na ito sa kanyang pagdating. "Si Dennise ba 'yung nakaabang sa gilid?" tanong ni Anica. "Opo ate," tugon nito. Hininto ni Anica sa tapat ni Dennise ang kanyang motor. Kaagad na bumaba si Zander at inabot kay Anica ang pinaheram nitong helmet. "Love," bati ni Zander sa kanyang kasintahan na may ngiti sa kanyang mukha. Hindi pinansin ni Dennise si Zander bagkus nakatuon ang mga mata nito sa babaeng nakasakay sa motor. Inangat ni Anica ang sheild ng kanyang helmet upang batiin sana si Dennise, ngunit hindi nagustuhan ni Anica ang reaksyon ng mukha ng kasintahan ng binata. Bahagya kasing tumaas ang kilay ni Dennise kay Anica. Napansin ito kaagad ni Anica at ngumisi. "Wow, girl, 'yang kilay mo," natatawa nitong sabi. Inalis nito ang kanyang helmet upang ipakita ang kanyang buong mukha kay Dennise. "Baka makarating 'yang kilay mo sa rooftop ng ospital," birong sabi nito. Ngunit ang totoo ay nakakaramdam na ito ng inis. Nagulat si Zander sa sinabi ni Anica. Nasaksihan ng binata ang kung paano taasan ng kilay ni Dennise si Anica, nabalot ito ng hiya dahil sa inasta ng kanyang kasintahan. "Ate, ano so---," hindi na natapos si Zander ang kanyang sinabi ng biglang nagsalita muli si Anica. Papagitna dapat ito sa dalawa upang mabasag ang tensyong namumuo sa pagitan nila. "You don't have to apologize. Miss, may i-deliver lang ako d'yan. By the way I'm Anica Flores, workmate ni Alvarez. Chief Accountant sa pinapasukan ni Alvarez." Akmang iaabot ni Anica ang kanyang kamay ngunit nagdalawang isip ito sa mga titig sa kanya ni Dennise. Nagulat din ang binata dahil pormal at nakakakilabot ang tinig ni Anica habang nagsasalita. Halatang hindi n'ya talaga nagustuhan ang inaasal ni Dennise. "I guest, una't huling angkas mo na 'to sa motor ko Alvarez," wika ni Anica sa binata. Dama ni Zander ang madilim na awrang bumabalot sa kanyang kasintahan. Ngunit hindi nito makuha kung bakit ito nagkakaganito. "Sige na Alvarez, bukas na lang," paalam ni Anica. Sinuot na nito ang kanyang helmet at pinihit ang silinyador ng kanyang motor, paandar na dapat ito ngunit hindi pa rin inaalis ni Dennise ang pagkakataas ng mga kilay nito kay Anica. Umiling na lang si Anica at hindi na napigilan ang kanyang bibig. "Miss, watch out. Ayusin mo ang mga titig mo. Hindi lahat ng tao nagagandahan sa 'yo," sabi nito sabay harurot ng motor. Nanlaki ang mga mata ni Dennise at balak pa yatang habulin si Anica. Ngunit hinawakan ng binata ang kamay nito upang mapigilan. Paglingon ni Anica kay Zander ay agad tumambad sa binata ang nanggagalaiting itsura ng kanyang kasintahan. "Zander! Bakit ka nakaangkas sa babaeng 'yon!" sigaw na sabi ni Dennise. "Denisse, ano bang masama sa pag-angkas ko?" tanong ni Zander. "Lahat! Hindi mo ba nararamdaman lalandiin ka lang ng babaeng 'yon!" galit na sabi ni Dennise. "Maghulos dili ka nga love! Hepe ko 'yon, sa palagay mo ba papatulan ako noon? Wala pa nga ako sa kalingkingan ng mga tao sa firm. Kakaumpisa ko palang ngauon Love! Ano ba 'yang mga iniisip mo! At isa pa nagsabi ako sa'yo hindi ba? Isinabay ako ng katrabaho kong babae. Naka-motor kami, alam mo 'yan, nag-reply ka ng ingat. Tapos ng makita mo kami aasta ka ng ganyan? Dennise naman, nakakahiya sa hepe ko," paliwanag ni Zander nadiismaya rin ito ng todo ngunit nangyari na ang lahat. Nahimasmasan si Dennise, may punto nga naman si Zander. Alam n'ya namang nakaangkas ang kanyang kasintahan sa motor ng isa sa kanyang katrabaho, nagpaalam ito ng maayos. Hindi n'ya akalaing maganda at astig ang masasbayan ni Zander kaya nakadama ito kaagad ng matinding selos at hindi na napigilang magmataray. Napahiya si Dennise sa mga sinabi ni Zander ngunit wala itong balak aminin ang kanyang pagkakamali. "Sa susunod, 'wag kang aangkas kahit kanino. Lalo na sa babaeng 'yon," sabi ni Dennise sa kasintahan.'Yon! Ang aga ko pa!Ani ni Zander sa kanyang isipan habang papalapit pa lang ito sa gusali ng kanilang opisina.Isang linggo na rin ang nakalipas at sobrang ginaganahan si Zander na pumasok sa firm na kanyang pinapasukan. Marami s'yang natututunan at nakukumpara na n'ya ang kanyang mga pinag-aralan sa kanyang trabaho. Kahit nag-training pa lang s'ya ay talaga nagpapakitang gilas na ang binata at mabilis na nakisama sa lahat. Naglalakad ito patungo sa kanilang gusali ng naisipan nitong dumaan muna sa coffee shop katabi nito upang mag-kape. Alas-sais asado pa lang noon ng umaga at alas-otso pa ang pasok ng binata. Matapos mag-order ng kape ay agad itong nakahanap ng pwesto sa may sulok. Habang nagkakape ay nagmasid ito sa kanyang paligid ng may natanaw si Zander, isang babaeng papasok sa pinto. Balingkinitan ang katawan, may itim na buhok na hanggang
"Nice meeting you Alvarez," pormal sa wika ni Ella. Tinignan ito ng dalaga mula ulo hanggang paa, tila kinikilatis nito ng maigi si Zander.Ah, ikaw pala si Zander Alvarez. Hmmm. Hanggang saan kaya ang itatagal mo? Fresh graduate at mukhang totoo nga ang sinabi ni Anica na mabait ka. Mabait at humble ka naman, baby face, mala anghel ang itsura, pero ibahin mo ako Zander. Hindi ako mabilis magpalinlang sa mga ganyang itsura. Kung sila nakuha mo ang loob ng isang linggo, ako hindi ako kasing bait ng tatlong 'yan. Iba si Ella iba si Tan.Nabalot ng katahimikan ang paligid, tila may pwersang nilalabas si Ella na sobrang nagpapakaba sa binata kahit wala pa itong ginagawa sa kanya. Sa mga titig pa lang ni Ella, nangangatog na ang binata, idagdag pa ang mga sabi-sabi sa paligid. Magkahalong pagka-ilang at kaba ang kanyang nararamdaman habang tumatagal ang pagkilatis sa kanya ng dalaga."So paano ba 'yan, Alvarez, magpapakabait ka ha. 'Yung mga bilin ko, 'wag na '
"Walang dyo! Talaga ba? Ginawa n'ya 'yon!" wika ni Junel habang tumatawa. "Grabe talaga 'tong si Tan, walang patawad! Nag-ala HR naman ngayon!" dagdag pa nito."'Wag naman po kayong ganyan, kanina ko pa nga po iniisip kung tama po ba ang mga sagot ko sa mga tinanong n'ya. Para nga po akong naga-apply ulit, pero mas matindi." Nakatungong sabi ni Zander.Sumabak si Zander sa isang matinding interview. Simula sa tell me about yourself hanggang sa what do you expect to this company. Bukod doon ay nagtanong din si Ella tungkol sa pagiging accountant. Debit at credit, mga terms na ginagamit. Mga basic computation na madalas gamitin at kung ano ano pa. Kung sa ilalim ni Junel ay naging chill at relax ang binata, pagdating naman kay Ella ay kabaliktaran ang lahat.Pinipigil ni Junel ang kanyang pagtawa, nakita n'ya kasi ang pamumula ng binata dahil sa hiya. Naisip nitong baka mapikon ang binata sa kanyang magiging reaksyon kung s'ya ay tatawa. "Okay lang 'yon, noong nak
"Miss Ta---," napahinto si Zander nang biglang lumingon si Ella sa kanya. "Tan, Tan pala," wika nito."Yes?" ani ni Ella habang walang emosyong nakatingin sa binata."Ano po kasi." Hindi alam ni Zander kung paano sasabihin kay Ellang uwian na. Hindi sinasadyang sumulyap ito sa wall clock na hindi kalayuan sa kanilang pwesto. Saktong alas-singko pa lang naman ngunit nagsisilabasan na ang karamihan. Nakita ito ni Ella, pasimpling tinignan nito ang kanyang relo, uwian na pala at hindi nito namalayan ang oras."Yes?" ulit na tanong ni Ella.Bakas sa mukha ni Zander ang tensyon. Akala n'ya ay nawala na ito kanina ngunit ng binalot muli silang dalawa ng katahimikan at ang tanging naririnig n'ya lamang ay ang pagtipa ni Ella, umusbong unti-unti ang kaba sa kanyang dibdib."Mauuna na po ako?" magalang na tanong ni Zander.Tumalikod si Ella at nagbuklat ng mga files sa kanyang harapan. "Sige," maiksi nitong tugon.Parang nabunatan ng tinik si
Kitang kita ni Ella ang mga nangyari, nakaramdam ito ng awa para kay Zander ng mga oras na 'yon. May kasungitang taglay ang dalaga, akala mo ay walang paki-alam sa iba. Ngunit tao lang din s'ya na nakakaramdam ng awa kahit minsan."S'ya siguro ang nobya ni Zander," usal ni Junel, pinagmamasdan din pala nito ang magkasintahan mula sa kanilang kinatatayuan.Napalingon si Ella kay Junel. "Girlfriend?" tanong ni Ella.Tumango si Junel ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. "Mukhang nag-away yata 'yung dalawa, kawawa naman si Zander. Ano kayang pinag-awayan nila?" saad nito.Sinundan ng tingin nina Junel at Ella ang magkasintahan. Halata sa kilos ni Dennise ang iyamot kay Zander, hindi kasi ito pumapantay sa paglalakad sa kasintahan at halos iwan na si Zander."Baka na-late, kaya nag-away," ani ni Ella."Baka nga," sabi ni Junel. Bigla itong napalingon kay Ella. "Oy! Baka naman late mong pinag-out si Zander kaya na late s'ya sa pagsundo
Kinatok ni Junel ang bintana ng sasakyan at agad naman itong binaba ni Baron. "Baron, ingat! Si Anica iuwi mo 'yan ha," bilin ni Junel kay Baron."Oo, diretso uwi na kami! Salamat, ingat din kayo ni Ella ha," paalam ni Baron sabay turo nito kay Ella. Matapos ay tuluyan ng umandar ang taxing kinuha ni Ella para kayna Baron at Anica. Tinanaw ng magkaibigan ang taxi haggang sa makalayo na ito."'Yung susi ni Anica?" tanong ni Ella.Inangat ni Junel ang kanyang kamay at inilawit ang susi. "Ito po," tugon nito.Sabay ng pumasok ang dalawa sa resto bar at bumalik sa kanilang upuan."Ano, ubusin na lang natin 'to o order pa tayo?" tanong ni Junel. "Maaga pa naman, kaso mag-drive pa tayo ng motor."Walang kaabog-abog na tinaas ni Ella ang kanyang kamay upang tumawag ng waiter. Agad namang may lumapit na waiter sa dalawa."Kuya, pa-take out nitong natirang sisig tapos o-order pa ako ng isa pang sisig at kahit
"Huh!" hiway ni Junel pagpasok nito sa kwarto ni Ella. Pagkasara nito ng pinto ay humakbang ito ng kaunti, ngunit ang kanyang pagkahilo ay mas tumutindi. "Kunti pa! Kaya mo 'to Junel."Naupo ito sandali sa papag at sumandal sa pader. Hinahabol nito ang kanyang hininga at sunod-sunod na rin ang kanyang pagdighay. Umiikot na rin ang kanyang paligid."Ang baho ng hininga ko! Amoy alak na," inis nitong sabi.Nakatitig lang ito sa katapat na pader habang pinapakiramdaman ang sarili. "Alam mo ikaw, pader ka, ikaw na lang palagi ang nakakarinig ng mga gusto kong sabihin sa amo mo! Bigyan mo nga ako ng payo, para maging kasing tigas mo ang loob ko!" sabi nito sa walang kamuwang-muwang na pader. "Alam mo 'yon, kung kaylan nagsusumigaw ang damdamin ko, saka naman ako nasa harapan mong pader ka! Lagi na lang ganito! Kung siguro babae ka, na inlove ka na sa akin. Kasi alam mo 'yon, ikaw lang ang nasasabihan ko?" May pagduro pa ito sa kaharap na pader. "Ika
"Huh!" hiway ni Junel pagpasok nito sa kwarto ni Ella. Pagkasara nito ng pinto ay humakbang ito ng kaunti, ngunit ang kanyang pagkahilo ay mas tumutindi. "Kunti pa! Kaya mo 'to Junel."Naupo ito sandali sa papag at sumandal sa pader. Hinahabol nito ang kanyang hininga at sunod-sunod na rin ang kanyang pagdighay. Umiikot na rin ang kanyang paligid."Ang baho ng hininga ko! Amoy alak na," inis nitong sabi.Nakatitig lang ito sa katapat na pader habang pinapakiramdaman ang sarili. "Alam mo ikaw, pader ka, ikaw na lang palagi ang nakakarinig ng mga gusto kong sabihin sa amo mo! Bigyan mo nga ako ng payo, para maging kasing tigas mo ang loob ko!" sabi nito sa walang kamuwang-muwang na pader. "Alam mo 'yon, kung kaylan nagsusumigaw ang damdamin ko, saka naman ako nasa harapan mong pader ka! Lagi na lang ganito! Kung siguro babae ka, na inlove ka na sa akin. Kasi alam mo 'yon, ikaw lang ang nasasabihan ko?" May pagduro pa ito sa kaharap na pader. "Ika