Home / Romance / My Ella / Chapter 4

Share

Chapter 4

"Nice meeting you Alvarez," pormal sa wika ni Ella. Tinignan ito ng dalaga mula ulo hanggang paa, tila kinikilatis nito ng maigi si Zander.

Ah, ikaw pala si Zander Alvarez. Hmmm. Hanggang saan kaya ang itatagal mo? Fresh graduate at mukhang totoo nga ang sinabi ni Anica na mabait ka. Mabait at humble ka naman, baby face, mala anghel ang itsura, pero ibahin mo ako Zander. Hindi ako mabilis magpalinlang sa mga ganyang itsura. Kung sila nakuha mo ang loob ng isang linggo, ako hindi ako kasing bait ng tatlong 'yan. Iba si Ella iba si Tan.

Nabalot ng katahimikan ang paligid, tila may pwersang nilalabas si Ella na sobrang nagpapakaba sa binata kahit wala pa itong ginagawa sa kanya.  Sa mga titig pa lang ni Ella, nangangatog na ang binata, idagdag pa ang mga sabi-sabi sa paligid. Magkahalong pagka-ilang at kaba ang kanyang nararamdaman habang tumatagal ang pagkilatis sa kanya ng dalaga.

"So paano ba 'yan, Alvarez, magpapakabait ka ha. 'Yung mga bilin ko, 'wag na 'wag mong kakalimutan okay?" habilin ni Junel kay Zander. Matapos ay bumaling naman ito ng tingin kay Ella. "Tan."

Inalis na ni Ella ang tingin n'ya sa binata at binaling ang tingin kay Junel.

"Please, maging mabait ka kay Alvarez. Promise iba s'ya sa lahat," sabi naman nito kay Ella.

Pati ba naman ikaw Junel 'yan ang sasabihin mo sa batang 'yan? Ano kayang ginawa nitong si Zander kay na Junel at Anica, masyado nilang bini-bulid up sa akin. Ngayon mo sa askin patunayan ang galing mo Mr. Alvarez.

Tinitigan lang ni Ella si Junel, walang reaksyon ang kanyang mukha.

"Ayan na naman ang mga titig mo! Hay nako Tan. Wish ko talaga magkaroon ka na ng katipan, para bumait ka naman! Kahit mga 5% lang," biro nito kay Ella sabay ngisi.

Hindi pa rin natinag ang titig ni Ella kay Junel bagkus sinamaan na nito ng tingin ang kanyang kaibigan. 

Kitang kita ni Zander ang mga titig ni Ella kay Junel. Nangingilabot na ito at mas kinakabahan.

Anong mayroon sa mga mata n'ya? Bakit nakakatakot? Partida hindi pa s'y nagsasalita, paano kung magalit si miss Tan sa akin at pagalitan ako? Papakian na lang ako sa lupa.

Napapalunok na rin ng laway ang binata sa kaba.

"Ikaw talaga Tan! Ang cute cute mo!" Biglang pinisil ni Junel ang kanang pisngi ni Ella na kinagulat ni Zander. Hindi pa rin nabago ang pagkasulimpat na mga mata ni Ella kay Junel. "O, sige na." Binutawan na nito ang pisngi ng dalaga. "Ikaw ng bahala kay Alvarez, 'wag mo munang bibiglain. Tinuro ko na sa kanyang 'yung mga basic, pero diskarte mo naman kung babaguhin mo 'yung mga tinuro ko o hindi, tapos---" nagsimula ng iendorso ng maayos ni Junel si Zander, sinabi nito ang mga gawaing kayang gawin ng binata mag-isa. Mula sa pag-encode hanggang pag-aayos ng mga files at kung ano ano pa. 

Nakatayo lang sa gilid si Zander at maiging pinagmamasdan ang nakakatakot na si Ella.

Hindi ko akalaing ibang iba s'ya sa mga na-imagine ko mula kanina. Ito pala 'yung sinsabi ni kuya Junel na 'wag akong magpapalinlang sa itsura ni Tan. Nako po, sa paanong paraan ko kaya s'ya tatawagin? Lalagyan ko ba ng Miss? Nang Ma'am o Tan lang. Hay nako Zander! Ang bilis naman ng karma! Landi pa more! Pero hind ko naman alam na ganito ang kakahinatnan, nakipagkilala lang naman ako kanina.

"S'ya nga pala, may bago tayong account. Balita ko sa 'yo ibibigay ni Mr. Villanueva ang account," ani ni Junel matapos iendorso si Zander kay Ella.

"O, bakit sa akin? Ako lang ba ang CPA rito?" Nanlalaki ang mga mata nito sa kanyang narinig. " So may kapalit na kaagad ang pagbabakasyon ko ganoon?" nakaismid nitong sabi.

"Tan, chill. Relax ka lang! 'To, highblood kaagad!" bulyaw nito kay Ella.

Tinaliman lang ng tingin ni Ella si Junel, pumwesto ito ng maayos at humalikipkip. Sumandal pa ito na parang boss at tila hinihintay ang paliwanag ni Junel.

Lord, hindi ko alam na ganito ang pinasok ko! Ayan, sinasampolan na ako! Ganito ang kakahinatan ko kapag pumalpak ako. Kaylangan ko laging mag-focus! Mag-focus!

Lalong nasindak si Zander kay Ella, kung paano n'ya ipahayag ang kanyang pagtanggi sa account at ang matatalim nitong  titig kay Junel. Kaya pala kinatatakutan s'ya ng mga tao, titig pa lang n'ya ay titiklop ka na kaagad.

"'Di ba kilala mo sina Mr. Guevarra, ni-request ka raw kasi ng ungas na 'yon. 'To namang si Mr. Villanueva hindi na nakapalag, kaya ayon, may bago ka na namang account. Alam mo na, para magpapansin sa 'yo," paliwanag ni Junel.

Ngumisi ang dalaga. "No!" bulyaw nito. "Ibibigay ko s'ya sa 'yo o kaya kay Cruz, 'yang account na 'yan. Kakausapin ko mamaya si Mr. Villanueva," madiing sabi ni Ella. "Mamili s'ya ako o ang account na 'yon," hamon ng dalaga.

Umiling na lang si Junel at tinapik ang balikat ni Ella. "Ikaw ang bahala, pero sige ganito na lang, sa'kin mo na lang ipasa 'yung account kung papayag si Mr. Villanueva. Ano okay na? Relax," wika ni Junel upang kumalma ang dalaga. "O, paano ba 'yan, iiwan ko na sa 'yo si Alvarez. Uulitin ko, please maging mabait ka sa kanya. Parang aya mo na. At 'wag ka magpka-stress kay Mr. Guevarra, malay mo hindi matuloy," bilin nito kay Ella.

Tumalikod na ito kay Junel at bumalik ito sa pag-aayos ng kanyang lamesa.

"Oy Tan, kumalma ka na ha," ani ni Junel at ginulo ang buhok ng dalaga.

"Alvarez, mauna na ako. 'Yung mga gamit mo nga pala kunin mo na lang sa akin mamaya," paalam ni Junel kay Zander.

Tumango lang si Zander at tuluyan ng lumisan si Junel pa balik sa kanyang lamesa.

Naiwang nakatayo si Zander, hindi nito alam kung s'ya ba ang unang magsasalita o kung magtatanong ba s'ya kay Ella ng kanyang mga gagawin. O hihintayin n'yang matapos ito sa kanyang ginagawa. Kahit nakakaramdam na ng pangangatog ng katawan si Zander ay pilit pa rin n'yang kinakalma ang kanyang sarili at tumatayo ng maayos. 

Ilang sandali pa at hininto si Ella ang kanyang inaayos sa lamesa. Agad na inayos ni Zander ang kanyang tindig at pilit pa ring inaalis ang kabog sa kanyang dibdib.

"Take a sit," ani ni Ella habang nakatalikod sa binata.

"Y---Yes ma'am," wika ni Zander, agad n'yang hinatak ang silyang nasa tabi n'ya at naupo. Halata sa boses nito ang pangangatog at pagkataranta. Nang nakaupo na ang binata ay inikot na ni Ella ang kanyang upuan upang humarap kay Zander.

Nakahalukipkip ito at sumandal sa kanyang upuan. "Tell me about yourself," sambit ni Ella sa binata.

Pagpatak ng lunch break ay dinaanan ni Junel si Zander. Nadatnan nitong nag-aayos si Zander ng mga papel sa katabing lamesa ni Ella. Samantang tutok na tutok naman si Ella sa kanyang computer.

"Lunch break oy! 'Wag kang magpaka bayani d'yan, tara na," aya ni Junel kay Zander. "Hindi mo ikakayaman 'yan. Work smart not hard!"

Napatingin si Zander sa kanyang relo, hindi nito namalayang lunch break na pala. Ni pagkalam ng kanyang tyan o pagka-uhaw ay hindi na n'ya naramdaman, parang ang bilis ng oras. Lumingon ang binata kay Ella, matapos ay tinignan naman si Junel.

"Tara na," muling wika ni Junel sa binata.

Paano ba 'to, magpapaalam ba ako? O sasabayan ko si miss Tan mag-break? Ang hirap naman mangapa! Hindi naman s'ya pipi, kaso baka naman bugahan n'ya ako ng apoy kapag may mali akong kinilos. Ano ba 'yan. Para akong may kasamang multo, magpaparamdam lang kung kaylan n'ya gusto.

Nakutuban naman ni Junel kung bakit hindi makasagot si Zander. Umiling na lang ito saka nagsalita, "Tan, lunch break na. Isasabay ko lang si Alvarez," paalam nito sa dalaga.

Hindi umimik ang dalaga, tuloy lang ito sa kanyang ginagawa.

"Tara na, okay na 'yan," aya ni Junel.

Lumingon si Zander kay Ella. "M----Ma'am, ay mali." Napapikit pa ito at umiling. "Miss Ta---Tan. Mag-lunch lang po ako," paalam ng binata kay Ella.

Hindi pa rin natinag si Ella sa kanyang ginagawa, ni tumango ay hindi ginawa ng dalaga. Parang wala itong narinig mula kanina.

Bumaling ng tingin ang binata kay Junel, hindi kasi nito alam kung tama ba na umalis s'ya ng walang sinasabi si Ella. O Hintayin n'ya na lang iton payagan s'ya.

"Tumayo ka na d'yan, narinig ka n'yan. Tara na!" Hinatak ni Junel si Zander patayo at lumakad na ang dalawa papunta sa canteen. Naiwan si Ella sa kanyang lamesa ng hindi man lang inimikan ang dalawa.

Habang naglalakad ay doon lang nakaramdam ng gutom ang binata, kumalam ang kanyang tyan bigla at nakaramdam ng panghihina. Samantalang kanina ay ni paghinga ay hindi n'ya maramdaman.

Hindi ko namalayan ang oras, nagugutom na pala ako. Grabe, tanghali na pala pero parang kakaumpisa ko pa lang. Hay nako. Tama kaya 'yung ginawa ko? Dapat yata hindi muna ako tumayo, baka mamaya sabihin ni Miss Tan atat ako mag-break. Kaso sabi naman ni kuya Junel okay na 'yun. Hay naguguluhan ako, anong gagawin ko.

Napansin ni Junel na malalim ang iniisip ni Zander habang naglalakad.

"Relax!" sabi ni Junel sa binata at inakbayan ito. "Ganoon lang talaga si Tan, masasanay ka rin sa kanya, unang araw mo pa lang naman sa kanya. May sapak kasi ang utak ng babaeng 'yon. Hayaan mo't makakausap mo rin 'yon ng matino sa susunod. But for the mean time alisin mo muna s'ya sa isipan mo para makakain ka ng maayos," payo ni Junel.

"O---Opo, gagawin ko po,"  tugon ni Zander.

Sana ganoon lang kadaling gawin 'yon. Pakiramdam ko, ang presko ko pa kanina sa kanya. Talaga naman Zander, talaga naman!

Bumuntong hininga na lang ang binata habang sinusundan si Junel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status