"Huh!" hiway ni Junel pagpasok nito sa kwarto ni Ella. Pagkasara nito ng pinto ay humakbang ito ng kaunti, ngunit ang kanyang pagkahilo ay mas tumutindi. "Kunti pa! Kaya mo 'to Junel."
Naupo ito sandali sa papag at sumandal sa pader. Hinahabol nito ang kanyang hininga at sunod-sunod na rin ang kanyang pagdighay. Umiikot na rin ang kanyang paligid."Ang baho ng hininga ko! Amoy alak na," inis nitong sabi.Nakatitig lang ito sa katapat na pader habang pinapakiramdaman ang sarili. "Alam mo ikaw, pader ka, ikaw na lang palagi ang nakakarinig ng mga gusto kong sabihin sa amo mo! Bigyan mo nga ako ng payo, para maging kasing tigas mo ang loob ko!" sabi nito sa walang kamuwang-muwang na pader. "Alam mo 'yon, kung kaylan nagsusumigaw ang damdamin ko, saka naman ako nasa harapan mong pader ka! Lagi na lang ganito! Kung siguro babae ka, na inlove ka na sa akin. Kasi alam mo 'yon, ikaw lang ang nasasabihan ko?" May pagduro pa ito sa kaharap na pader. "Ikaw kasi! Dapat sinasabi mo sa amo mo 'yung mga sinasabi ko sa 'yo, e 'di sana may nag-build up sa akin! Nakakinis," d***g nito. "Ikaw lang naman ang nakakakita kung gaano ko s'ya inaalagaan. Ikaw ang witness ko, kung gaano kataas ang respeto ko sa kanya!"Dumighay muli ito at sa pagkakataong ito ay may naramdaman itong pag-angat ng kung ano mula sa kanyang sikmura hanggang lalamunan."Sh*t!" dali-dali itong tumakbong CR.Samantala, mag-isang nagmumunimuni si Ella. Tulala ito at nag-iisip ng mga bagay bagay."Kaylan ba matatapos 'tong ganitong pakiramdam! Ayaw ko ng mag-isip! Kahit ano namang gawin ko, wala pa ring magbabago," sabi nito ng may kalakasan at ininum ang alak sa baso.Biglang sumagi sa kanyang isipan si Zander. Naalala ni Ella ang pagtatalo nito at ng kanyang kasintahan. Kamusta na kaya 'yon? Kamusta na kaya sila ng girlfriend n'ya? Teka bakit ko ba biglang naisip 'yung batang 'yon?Sinalinan n'ya ang kanyang baso hanggang huling patak nito. "Ako na naman ang naka-ubos mag-isa. Akala ko strong na! Hay nako, naisahan na naman ako," ani nito at nilaro ang labi ng baso.Nakatitig ang dalaga sa may bukana ng sala, inaabangan ang paglabas ni Junel.Teka, hindi na lumabas 'yon?Pagtataka ng dalaga. Kaya tumayo ito at nagtungo sa kanyang kwarto."Junel!" tawag nito."U---wak, u----u-----uwak," tinig na nang gagaling mula sa CR.Napailing ang dalaga.Hay nako, sinasabi ko na nga ba.Pumunta ito sa CR, pagbukas nito sa pinto ay nakita n'ya si Junel na yapos-yapos ang inidoro. Pikit at hinahabol ang hininga."Ano kaya pa ba? Hindi ka pa ba tapos?" tanong ng dalaga habang nakapamaywang at nakasandal sa pinto.Umiling si Junel habang pinipunasan ang bibig ng kanyang kamay. "O---Okay lang a---ako. U---u---wak.""Sige sabi mo," ani ng dalaga at isinara ang pinto.Feeling strong na naman, akala ko pa naman nasabayan na n'ya ako.Nilabas na ni Ella ang folding bed sa stockroom at inayos, katabi ng kanyang kama. Dito ang magiging pwesto ni Junel."Ella!" tawag nito sa dalaga.Muling binalikan ni Ella ang kawawang si Junel sa CR. "Oh," sabi nito habang tinititigan lang si Junel."Sakit ng tyan ko," inda nito."May dala ka bang gamot?" tanong ng dalaga.Umiling lang ito at nagumpisa na namang dumuwal.Napahawak na lang si Ella sa kanyang noo. "D'yan ka lang bibili lang ako sa labas," paalam nito."Nakakainis!" d***g ni Zander at sinipa ang isang lata. "Oo kasalanan ko! Pero bakit naman ganoon, hindi ba reasonable ang dahilan ko? Pagod na pagod kasi ako sa trabaho, bakit hindi n'ya maintindihan 'yon? Ngayon lang naman nangyari 'yon. Nakakainis!" At sinipa muli ni Zander ang lata ng may kalakasan.Naglalakad ang binata papuntang convenient store na malapit sa kanila para bumili ng maiinom.Pressured na nga ako buong araw tapos nagkaganito pa. Nagkaroon ng pagtatalo ang magkasintahan hanggang sa pag-uwi. Hindi tinanggap ni Dennise ang paliwanag ni Zander dahil hindi ito nagpaabiso at pinaghintay s'ya ng matagal."Paano ko nga masasabi sa'yo na lumagpas ako! Kanina ko pa sinasabi na nakatulog nga ako hindi ba? Malay ko bang makakatulog ako," paliwanag ni Zander. "At sabi ko nga mula pa kanina, sobrang pressured ako maghapon. Kaya siguro nakatulog ako sa byahe. Konsiderasyon naman."Nasa sala ang magkasintahan, inihatid na rin kasi ni Zander si Dennise sa kanilang bahay."Noong nagising ka, hindi mo man lang ako in-inform? At isa pa hindi lang naman ikaw ang pagod sa trabaho, ako rin naman. Mahirap bang mag-text?" bulway nito sa kanyang kasintahan."Hindi naman sa ganoon, alam ko rin naman 'yon. Sinasabi ko lang 'yung side ko, pakinggan mo naman ako. Naaligaga na ako kanina, hindi na ako nakapag-text kasi naghanap na ako kaagad ng masasakyan pabalik. Alam mo namang punuan ang mga sasakyan sa terminal hindi ba?" paliwanag nito.Tumahimik si Dennise sandali pero bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. Unang beses kasing mangyari ito sa dalawa. Sa sampong taon nilang magkasintahan ay ito pa lang ang unang beses na nahuli si Zander ng ganoon katagal. Kaya yamot na yamot si Dennise, hindi n'ya matanggap ang dahilan ni Zander dahil ang pinaka ayaw n'ya ay ang naghihintay ng matagal.Para naman kay Zander, hindi makatuwiran ang pagmamaktol ni Dennise. Tulad ng kanyang sinabi, pressured s'ya sa maghapon at ito ang unang araw ng kanilang pagkikita ng terror na si Michaelle Tan. Kinekwento naman ng binata kay Dennise kung gaano ito kinakabahan kay Ella, ngunit mukhang hindi pala ito iniintindi ni Dennise. "Umiwi ka na nga lang," sabi nito."Love," ani ni Zander."Pagod ka hindi ba? Magpahinga ka na sa inyo. Maaga pa ako bukas, kaylangan mga 5:00 nakaalis na tayo dito sa bahay. Kasama na kasi ako sa rotation ng sched," sabi nito sa kasintahan."Si---sige uuwi na ako," sabi nito sa kanyang kasintahan.Matapos magpaalam sa mga magulang ni Dennise ay umuwi na ito sa kanila. Hindi kalayuan ang bahay nina Dennise sa kanilang bahay, ilang kanto lang kang kanilang pagitan."Salamat," sabi ni Zander sa kahera. Bumili ito ng alak pangpatulog, sumama ng lubos ang kanyang loob sa kanyang kasintahan."Nakakainis talaga!" Nakita n'ya muli ang latang kanayang sinisipa mula kanina at sinipa ng malakas. Tumama ito sa pader. "Nakakainis!" "'Wag mong pagdiskitahan 'yung lata, kawawa," sabi ng isang babae mula sa kanyang likuran.Sino 'yon.Paglingon ng binata ay nakita n'ya ang isang babae."Kung may problema ka, 'wag mong sipain 'yang lata. Paano kung tinamaan ako?" sabi nito."Miss," hindi nito mabanggit ang pangalan ng babaeng nasa kanyang harap.Umiling ang dalaga. "Akala ko ba na-orient ka na ni Junel?" wika nito.Iba ang awra ng dalaga ngayong gabi, tila normal itong tao. Hindi nakakasindak, hindi matatalim ang mga tingin. Ngunit hindi pa rin nito maitatago ang gandang taglay."S---sorry, ano pala Ella. Ate Ella," nahihiya nitong sabi.Napatingin si Ella sa plastic na hawak ni Zander at muling binaling ang tingin sa binata. Napansin ito ni Zander."Ano po kasi, pangpatulog," wika nito. Sa pagkakataong ito, walang naramdamang kaba ang binata. Normal at mas natitignan n'ya ang dalaga ng maayos. Iba rin ang tono ng pananalita ni Ella. Ibang iba sa kinatatakutan n'yang Miss Tan.Hindi lang umimik ang dalaga."Ano po, kayo po?" tanong nito."May binili lang, masama kasi ang tyan ni Junel," sagot nito."Ah," tumango-tango ang binata at tinitigan ang dalaga.Magkasama sila sa bahay ni kuya Junel? Sa isang appartment sila nakatira? Kaya siguro sabay sila kanina. Ang swerte naman ni kuya. Iba talaga ang gandang hatid ni Ella para kay Zander. Kahit na malaki ang agwat ng kanilang edad ay nabibighani ang binata sa alindog ni Ella. Kung kanina ay niinis ito sa pag-aayaw nilang magkasintahan, ngayon ay napawi ito ng dalaga. Lalo na't normal n'ya itong nakausap, tulad ng una nilang pagkikita. Umiwi na ang binata at nagsimula ng uminom mag-isa. Habang nakikinig sa kanyang player, nagunita nito ang una nilang paghaharap ng dalaga sa labas ng kumpanya. Hindi bilang si Alvarez at Tan, kung hindi bilang si Zander at Ella."Zyler nga pala," pakilala nito sa kanyang sarili. "Nice meeting you miss?" tanong nito habang nakatitig sa dalagang nasa kanyang harapan."Michaella," maiksi nitong sagot."Ahm, saan ka pala nag-work?" tanong ng binata."Sa buiding malapit sa mall," tugon nito."Oh I see," wika ng binata.Yes, malaki ang tyansang makikita ko s'ya madalas."D'yan naman ako sa sumundod ng building," sabi nito. "Matagal ka na dito?" sumunod nitong tanong.Tumango lang ang dalaga.Minsan lang ako makakursonada, hindi ko dapat palagpasin 'to. Makikipagkilala lang naman, wala namang masama dito, friendly naman talaga ako.Pagkukumbinsi ng binata na tama ang kanyang ginagawa.Nabalot sandali ng katahimikan ang ang dalawa, ramdam ng binatang walang interes ang dalaga sa kanilang pag-uusap kaya naman nag-isip ito ng mapag-uusapan. "M---Madalas ka rito? Bago lang kasi ako rito? Pwede mo ba akong samahan sa ilang lugar dito?" tanong ng binata. "Kung may free time ka?"Napatingin ang dalaga kay Zander na nagpakilalang Zyler. "S---Sige wala namang problema," alanganing sagot nito."So, kung i-tour mo ako, pwede ko bang makuha ang number mo?" tanong ng binata. "Para ma-contact kita if ever?"Umiwas ng tingin ang dalaga. "May magagalit ba?" sabi ng binata. "Okay lang naman kung hindi pwede, gusto ko lang sanang makipagkaibigan," nanghihinayang nitong sambit at pinagpatuloy na lang ang pag-inom ng kape.Sana umubra 'tong style na 'to! Ang hirap talaga kapag good boy na, kinakalawang na ata ako sa babae."Ha, wala naman. Sige," ani ng dalaga.Tinititigan ni Zander ang numero ni Ella.Hindi ko akalaing 'yung babaeng nakita ko sa coffee shop, s'ya rin pala 'yung terror na CPA sa firm. Hindi nito maiwsang ngumiti. Ibang-iba ka kaninang umaga sa shop, lalo na sa firm. Pero hindi pa rin nagbabago sa mga mata ko ang ganda mo Miss Tan. Nanghihinayang ako, kung single lang sana ako.Pinagpatuloy nito ang kanyang pag-inom.Dahil sa impluwensya ng alak, ang takot nito kay Ella ay nawala. Mas nanaig ang paghanga nito sa dalaga, dala na rin sa sama ng loob n'ya sa kanyang kasintahan. Para kay Zander, normal lang siguro ang kanyang nararamdaman. Ang humanga sa isang magandang dilag na tulad ni Ella."Huh!" hiway ni Junel pagpasok nito sa kwarto ni Ella. Pagkasara nito ng pinto ay humakbang ito ng kaunti, ngunit ang kanyang pagkahilo ay mas tumutindi. "Kunti pa! Kaya mo 'to Junel."Naupo ito sandali sa papag at sumandal sa pader. Hinahabol nito ang kanyang hininga at sunod-sunod na rin ang kanyang pagdighay. Umiikot na rin ang kanyang paligid."Ang baho ng hininga ko! Amoy alak na," inis nitong sabi.Nakatitig lang ito sa katapat na pader habang pinapakiramdaman ang sarili. "Alam mo ikaw, pader ka, ikaw na lang palagi ang nakakarinig ng mga gusto kong sabihin sa amo mo! Bigyan mo nga ako ng payo, para maging kasing tigas mo ang loob ko!" sabi nito sa walang kamuwang-muwang na pader. "Alam mo 'yon, kung kaylan nagsusumigaw ang damdamin ko, saka naman ako nasa harapan mong pader ka! Lagi na lang ganito! Kung siguro babae ka, na inlove ka na sa akin. Kasi alam mo 'yon, ikaw lang ang nasasabihan ko?" May pagduro pa ito sa kaharap na pader. "Ika
Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi napansin ng binatang mag-iisang bwan na s'ya sa kumpanyang kanyang pinapasukan. Nasanay na rin ito sa katahimikan ni Ella. Bilang lang ang mga pagkakataong nakakapag-usap silang dalawa. Ngunit kahit ganoon, natuturuan naman ng maayos ng dalaga si Zander. Ito rin ang preparasyon ni Ella kay Zander para sa kanyang board exam."Very good Alvarez, nice work," papuri ni Mr. Villanueva sa binata habang binubuklat ang report na kanyang pinasa. "For beginners, mabilis kang matuto. May mga glitches, pero ma-work out pa 'to through time. Keep it up.""Salamat po Mr. Villanueva," nakangiting tugon nito."Tama ang desisyon kong kay Tan ka mapunta, will never know baka maging katulad ka rin n'ya," ani nito at ipinatong ang report ni Zander sa kanyang lamesa.Napakamot sa kanyag ulo si Zander. "H---Hindi naman po siguro ako magiging kasing galing ni Miss Tan, ginagawa ko lang po kung anong mga tinuro n'
Mula sa kinatatayuan ni Zander ay tanaw n'ya ang malamlam na mga mata ng dalaga, nakatitig ito sa mga batang naglalaro sa kanyang harapan. Gustong lapitan ni Zander si Ella ngunit nag-aalangan ito dahil baka kasama ni Ella si Junel. Sumagi rin sa kanyang isipang baka maging sagabal lang s'ya sa pag-date ng dalawa. Aalis na dapat si Zander ngunit ayaw gumalaw ng kanyang mga paa at patuloy pa ring pinagmasdan si Ella.Nag-away kaya sila? Bakit ang lungkot ng mga mata ni Miss Tan. O hala! Umiiyak ba s'ya?Nanlaki ang mga mata ni Zander ng makitang pinupunasan ni Ella ang kanyang pisngi. Hindi ito sigurado kung may luhang tumulo sa mga mata nito ngunit nataranta na lang s'ya bigla sa nakita.Panyo! Panyo!Kinapa ni Zander ang kanyang bulsa, pagsalat nito ay tanging wallet at mga balat ng candy lang ang kanyang nakapa. Paglingon nito sa isang stall, nakita ni Zander ang bugkos ng tissue sa tabi ng counter."Ate," tawag ni Zander sa tindera pagkalapit nito. "Pwede ba 'kong humingi ng tissu
"Mama, may nabanngga ako," umiiyak na sabi ng bata sa kanyang mama. Makaraang magsabi ay lumingon ang bata sa kinaroroonan ng dalawa. Kasalukuyan namang pinupunasan ni Ella ang sugat ni Zander sa kamay.Agad na lumapit ang mag-ina."Mahapdi?" tanong ni Ella. Napansin kasi nito ang pag-ngirit ni Zander tuwing madadaplisan ng tela ang sugat."Ha, o---oo. M---Medyo," sagot ng binata habang nakatingin sa dalaga."Mag-sorry ka sa kanila," utos ng babae sa bata habang papalapit sila sa dalawa."Kuya, sorry po talaga," lumuluhang sabi ng bata. "Hindi ko po sinasadya."Lumingon si Zander sa bata at ngumiti. "Okay na ako, kaya 'wag ka ng umiyak," sagot ni Zander at bumwelo upang tumayo. Inalalayan naman ito ni Ella gayun din ang ina ng bata. "Next time, mag-iingat ka na lang ha," sabi nito sa bata at ginulo ang buhok nito."Kuya, so---." Natigilan ang babae ng makitang mabuti ang mukha ni Zander. "Ikaw 'yung nanghingi ng tissue kanina!" gulat na gulat na sabi ng nanay ng bata at may pagduro pa.
Zander! Ang presko ng dating mo! Ano ang akala mo? Kaedad mo lang ang kausap mo? Palpak ka talaga kahit kaylan. Itinapon na ni Zander ang sigarilyo sa basurahan. Nadismaya man ito sa kanyang sinabi ngunit hindi nabawasan ang paghanga nito kay Ella.Samantala, sinundan lang ng tingin ni Ella si Zander at hinintay makabalik. Matapos ay tinabihan nito ang dalaga at naupo rin si lapag."A---Ano kasi ate," nauutal na sabi nito. Gusto nitong ipaliwannag ang kanyang dahilan kung bakit n'ya 'yon na sabi.Nakatingin lang si Ella sa binata. "Ayos lang, tutal may hika," sabi nito.Napayuko ang binata ang kumamot ng ulo, bukod sa pagkadismaya ay nadagdagan pa ng hiya ang kanyang nararamdaman. Iniwas na lang ni Ella ang kanyang tingin kay Zander ng mapansin n'ya ito.Hayan tuloy! Na badtrip pa yata sa akin si MIss Tan. Bida bida ka kasi.Nabalot ng katahimikan ang dalawa, nakatitig lang si Ella sa langit, samantalang si Zander ay naktingin sa maliit na mukha ng katabi.Kung wala lang akong Dennis
"Ipaparada ko lang sa loob 'to," sabi ni Ella matapos bumaba ni Zander. Tumango naman ang binata, nasa tapat na sila ng bahay ni Ella."O!" sabi ni Ella at biglang initsa ang susi ng kanyang bahay. "Susi 'yan sa front door, buksan mo na lang. Hintayin mo na lang ako sa loob," utos nito.Mabuti na lang at nasapo ito ni Zander ng maayos. "Sige 'te," tugon ni Zander. Kusa na nitong kinuha ang kanilang mga pinamili at nagtungo sa loob. Nakaramdam ng kilig si Zander ng nakatungtong na ito sa loob ng bahay ng dalaga. Hindi n'ya mawari ang kanyang nararamdaman kahit araw-araw naman silang magkasama ni Ella ay tila iba ang hatid ng araw na ito para sa binata. Lalong nanaig ang kagustuhan nitong makilala ang dalaga ng personal. Hindi bilang Michaella Tan na ubod ng sungit at tila walang pakialam sa nangayayari sa mundo. Kung hindi si Ella Tan, ang dalagang nakita n'ya sa bakanteng lote at kasama n'ya ngayong gabi.Nilibot ng binata ang kanyang mata.Ang linis ng bahay ni Miss Tan. Masyado ta
Nasamid bigla si Ella habang kumakain. Inabutan kaagad ito ni Zander ng tubig."Ate dahan dahan lang, mayroon pang natira roon," sabi ni Zander."Ang sarap kasi," sabi nito matapos uminom."Dapat pala pinagluto na lang kita at hindi na tayo uminom," pabiro nitong sabi sa dalaga.Nahinto si Ella sa pagsubo at tinignan ni Zander. "Okay lang naman kung ayaw mo," wika nito at pinagpatuloy ang pagkain.Patay, ayon na e! Nakuha ko na ang kiliti n'ya. Wrong move!"Ano ate, biro lang. Ikaw naman." Kinuha ni Zander ang bote ng alak at binuksan. "Masarap 'yan 'te kung sasabayan mo nito." Kaso ang weird naman yata? Habang umiinum kumakain ng kanin at ulam? Hindi ka na naman nag-iisip Zander!Napapikit na lang ang binata sa kahihiyan. Ngunit narinig nito ang paglagok ni Ella habang umiinom."Sarap," wika nito.Minulat ni Zander ang kanyang mga mata, sa kanyang pagmulat ay nakita n'yang patuloy pa rin si Ella sa pagkain. Tila hindi nito ininda kung magkapares ba ang alak at kanin.Nasasarapan s'y
Wala na, bagsak na si Miss Tan.Tinungga na lang ni Zander ang laman ng huling bote sa kanyang harapan.Ang lakas ding uminon ni Miss Tan, siguro kung wala lang s'yang pinagdaraanan, malamang mapapatumba n'ya ako. Buti nasa kundisyon akong uminom ngaon kung hindi paraho kaming bagsak.Pinagmasdan ng binata ang maamong mukha ni Ella. Nakasandal ito sa sofa at mahimbing na natutulog. Ang itim nitong buhok na nakalapat sa maputi nitong balikat. Nakakaakit ang mahabang leeg ng dalaga na tila hinahatak si Zander na ito'y halikan. Dala ng impluewensya ng alak ay nagpadala si Zander sa tukso ng alindog ni Ella. Nilapitan n'ya ang dalaga, hindi na ito nag-isip at sinunod na lang ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan. Hinawi ni Zander ang mangilan-ngilang buhok na nasa mukha ni Ella saka mas kinikilatis ang maamong mukha ng dalaga. Mula sa noo, kilay, maliit na mata, ilong at mamula mulang labi. Nanginginit na ang kanyang mukha, malalim na rin ang kanyang paghinga. Inilapit ni Zander a