Zander! Ang presko ng dating mo! Ano ang akala mo? Kaedad mo lang ang kausap mo? Palpak ka talaga kahit kaylan.
Itinapon na ni Zander ang sigarilyo sa basurahan. Nadismaya man ito sa kanyang sinabi ngunit hindi nabawasan ang paghanga nito kay Ella.Samantala, sinundan lang ng tingin ni Ella si Zander at hinintay makabalik. Matapos ay tinabihan nito ang dalaga at naupo rin si lapag."A---Ano kasi ate," nauutal na sabi nito. Gusto nitong ipaliwannag ang kanyang dahilan kung bakit n'ya 'yon na sabi.Nakatingin lang si Ella sa binata. "Ayos lang, tutal may hika," sabi nito.Napayuko ang binata ang kumamot ng ulo, bukod sa pagkadismaya ay nadagdagan pa ng hiya ang kanyang nararamdaman. Iniwas na lang ni Ella ang kanyang tingin kay Zander ng mapansin n'ya ito.Hayan tuloy! Na badtrip pa yata sa akin si MIss Tan. Bida bida ka kasi.Nabalot ng katahimikan ang dalawa, nakatitig lang si Ella sa langit, samantalang si Zander ay naktingin sa maliit na mukha ng katabi.Kung wala lang akong Dennise siguro niligawan na kita Miss Tan. Hala! Ano ba 'tong naiisip ko? Bura bura bura. Siguro na intimidate lang ako at humahanga ng sobra kay Miss Tan kaya ganito. Tama! At saka s'ya halos ang kasama ko araw araw, maganda naman talaga si Miss Tan at hanggang paghanga lang. Tama, hanggang paghanga lang. Hindi naman siguro masama 'yon."Medyo nakakailang 'yang titig mo. May dumi ba ako sa mukha?" tanong nito."Ha! Ano kasi ate ano!" Hindi akalain ni Zander na napansin pala ni Ella ang kanyang pagtitig.Biglang tumunog ang cellphone ni Ella. Kinuha n'ya ito sa kanyang busa at tinignan.Mama calling....Tinitigan lang ito ni Ella. "Tsss," ani nito.Napansin ni Zander ang pagdaing ng kanyang katabi. Lumingon ito at sinipat kung ano ang tinititigan ni Ella. "Wala ka bang balak sagutin? Mama mo ang tumatawag," puna nito. Makailang beses na rin kasi ang tawag, pagka end call agad na tumatwag muli ang kanyang mama. Hindi pinansin ni Ella si Zander at tinititigan pa rin ang kanyang cellphone na walang humpay sa pagtunog."Wala ka bang balak sagutin? Ano ate baka emergency?" wika ni Zander.Dito pa lang s'ya pinansin ni Ella. Hindi nito maiwasang maiyamot, hindi dahil kay Zander, kung hindi sa paulit-ilit na pgtawag ng kanyang mama. "Wala," agad na sagot ni Ella."Ah, okay," 'yon na lang ang nasabi ni Zander at nanahimik na lang sa isang tabi.Habang tumatagal ay gumugulo na naman ang isipan ni Ella. Bukod sa pag-alis ni Junel sa kanyang bahay ay ngayon pa talaga ito nangyari. Kung kaylan kaylangan n'ya ng taong makaka-usap at iintindi sa kanya ay ngayon pa s'ya nawalan ng kasama.Magkahalong galak at inis ang kanyang nararamdaman sa bawat pagtawag ng kanyang mama. Galak, dahil sa kulang isang bwan na wala ang kanyang mama ay sa wakas, naisipan din n'yang kamustahin si Ella. Ngunit sa kabilang banda ay inis dahil alam nitong may pabor lang itong hihilingin kaya ito tumatawag. Kabisado n'ya ang kanyang ina, kilala lang s'ya nito kung ito'y nagigipit o may kaylangan. Bumuntong hininga si Ella, gusto na lang nitong umuwi at magpakalunod sa alak. Ngunit paano n'ya gagawin 'yon ng hindi mag-aalala kay Zander. "Sinubukan mo na bang tawagan ang parents mo?" tanong ni Ella."Ha! Ano ate hindi pa," sagot ni Zander."Tawagan mo na ang parents mo, may pangtawag naman ako," utos ng dalaga. Inibot na nito ang cellphone kay Zander."S---Sige po." Kinuha ni Zander ang cellphone at tinawagan ang kanyang mama.Wala na I'm dead! Minsan kasi Zander ang kadaldalan talaga naman. Wala na paano ka n'yan bukas? Nainis na talaga siguro si Miss Tan sa akin kaya gusto na n'yang malaman kung na saan sina papa. "Ma, si Zander po ito," wika ni Zander ng sagutin ng kanyang mama ang tawag. "Ha! Mama naman, nagpaalam po ako sa inyo hindi ba? Anong natutulog? Ay nako naman, e paano 'yan? Wala kayong sinabi na ngayon kayo aalis. Sabi n'yo sa weekend pa." Napapangirit na lang si Zander habang nakikipag-usap sa kabilang linya. Nakamasid lang si Ella sa tabi ni Zander."Ma, alam mo namang hindi ako nakikitulog kayna Dennise pagwala s'ya. Ano sa labas n'yo ako patutulugin?" bulyaw nito sa kanyang mama. "Sige na po, opo. Sorry, may pasok po kasi ako bukas. Tapos wala akong dalang cellphone, naiwan ko sa kwarto. Opo sige na po. Ako na pong bahala, bukas n'yo na po paluwasin si papa pabalik. Ingat na lang po kayo d'yan. Hihintayin ko na lang po si papa bukas," sambit ni Zander at tinapos na ang tawag. Bumaling na ito ng tingin kay Ella. "Heto na, salamat ate," malungkot nitong sabi."Anong oras daw sila uuwi?" tanong ni Ella sa binata.Bumuntong hininga si Zander. Bakas din ang pagkaiyamot nito, ngunit wala naman s'yang magagawa. Nangyari na ang lahat at mukhang katabi n'ya ang kanyang aso ngayon gabi sa patulog. "Bukas pa ng tanghali si papa makakauwi. Sinundo raw sila ng tita ko sa Cavite para pumuntang Laguna. At nasa byahe na sila ngayon, sabi ko bukas na lang umiwi si papa masyado na rin s'yang gagabihin kung babalik pa s'ya rito," saad ni Zander.Ayaw ko ng mag-isip. Bahala na, gusto ko lang na may makasama ngayong gabi. Kahit ngayong gabi lang. Ayaw kong malunod ako sa lungkot, baka mamaya magpatiwakal na lang ako bigla kung mag-isa lang ako."Tara," aya ni Ella. Tumayo ito at pinagpag ang kayang likuran."Ha?" tanong ni Zander habang nakatinga sa dalaga."Sabi ko tara," muling aya ni Ella at tinignan si Zander sa mata.Namula si Zander. "Saan?" muling tanong ni Zander."Sa bahay," maiksing sagot nito at lumkad na palapit sa kanyang motor."S----Sa S----Sa bahay?" Napatulala si Zander sa kanyang narinig. Pinaandar na ni Ella ang kanyang motor. "Zander Alvarez!" hiyaw ni Ella.Taranta na ang binata, dali-dali itong tumayo at lumapit kay Ella. "Ate hindi na, ano," nauutal na naman nitong sabi. Sobra sobra na ang abalang kanyang ginawa kay Ella. Bukod sa pagsama sa kanya sa labas ng bahay ay masyado s'yang naging madaldal mula kanina. Iniisip nitong naperwisyo na n'ya masyado si Ella ngayong gabi."Sabi mo hindi ka nikikitulog sa bahay ng girlfriend mo kapag wala s'ya. Ako ang huling kasama mo, konsensya ko pa kung anong mangyari sa'yo kung iiwan kita rito. Ano sa kalsada ka matutulog?" dirediretsong sabi ni Ella.Napalunok na lang si Zander. "Ano, mag-rent na lang ako sa apartel sa may bayan, kasi ano---." Napahinto si Zander ng nakita ang pagkadismaya ni Ella dahil sa kanyang pagtanggi.Ano ba 'yan! Ang hirap naman nito. Pero kung sa bagay, nagmamagandang loob lang naman si Miss Tan sa akin. Ay bahala na!"Sige," wika nito at sumakay na lang sa motor ng dalaga."Junel!" tawag ni Baron. "Bakit may problema ba?" tanong nito sa kaibigan.Nagkita ang magkaibigan sa kanto hindi kalayuan sa tinitirahan ni Baron. "Tara, shot?" aya ni Junel.Nanlaki ang mga mata ni Baron sa kanyang narinig. Suntok sa bwan kapag si Junel ang nag-aya ng inuman. Bukod sa mahina ito uminom ay kuripot ito pagdating sa alak. "Seryoso?" balik na tanong ni Baron."Huwag na nga lang ako na lang!" inis na sabi ni Junel at mabilis na nilayasan si Baron."Oy! Sandali lang hindi ka naman mabiro! Hoy!" Hinabol ni Baron si Junel. Para silang magkasintahang nasa isang eksena at naghahabulan dahil nagtampo ang isa sa kanila. "Hoy! Junel Soriano, hintay!"Habang naghahabulan ang dalawa, may dumaang motor sa harapan ni Junel. Muntik na itong mahagip, mabuti na lang at nakaiwas ito kaagad. Subalit imbis na magalit at habulin ang motor ay napahinto na lang si Junel at sinundan ito ng tingin. Pagkalagpas ng motor kay Junel ay bumagal bahagya ang takbo nito hanggang sa mawala na sa tanaw ni Junel ang motor.Nasaksihan ni Baron ang nangari kay Junel. Agad n'ya nilapitan ang kanyang kaibigan. "Mukhang alam ko na kung bakit. Tara sa bahay, doon na lang tayo," aya ni Baron at inakay ang kaibigan."Anong gusto mo?" tanong ni Ella. "Kumuha ka na lang d'yan."Nasa harapan sila ng mga estante ng alak."Ito na lang ate," sagot ni Zander. Matapos ay pumunta sila sa counter. "Ako na," sabi ni Ella.Maglalabas na kasi dapat ng wallet ang binata, ngunit inunahan na ito ni Ella."Ako na lang sa chicha. May alam akong masarap na ihawan," pagmamalaki ni Zander.Hindi lang umimik ang dalaga. Diretso lang ito sa pagbabayad at kinuha ang mga pinamili pagkatapos."Ako na ate ang magbibitbit," sabi ni Zander at pilit na kinuha ang plastic. "Dapat ang babae hindi pinagbibitbit," dagdag pa nito.Hindi lang ito pinansin ni Ella at diretso lang sa paglalakad.Makaraan ay itinuro na ni Zander kung saan sila bibili."Te!" tawag nito sa mag-iihaw. "'Yung tulad ng dati," sabi nito na may malaking ngiti."Oy!" gulat na sabi ng mag-iihaw. "Ngayon ka na lang nagawi rito. Ano kamusta?" bati nito sa binata. Nabaling din ang tingin nito kay Ella na kasalukuyang nakatayo lang sa gilid at tinitignan ang nakahilerang paninda. "Bago?" pabulong na tanong ng tindera.Napakamot si Zander. "Hindi! Ate talaga issue! Good boy na ako. 'Yung order ko muna!" bulyaw ni Zander."Ito naman, na-miss lang kita. Sige pakihintay lang sandali," sabi ng tindera sa binata.Ang dami! Bakit ang tagal ko na rito, ngayon ko lang nalaman ang ihawang 'to! At may pwet pa ng manok! OMG, grabe, bukas babalik ako rito para bumili.Nilapitan ni Zander si Ella na kasalukuyng nalilibang sa mga nakahilerang hilaw na pagkain."Ate, gusto mo ba n'yan?" tanong ng binata.Tumango si Ella na parang bata. "Ito!" kinuha nito ang pwet ng manok. "Gusto ko nito," ngiting ngiting sabi ni Ella. Namangha si Zander sa itsura ni Ella. Ang ngiti at kislap ng kanyang mga mata, ang tono ng kanyang pagsasalita na para bang nasasabik. Ngunit mabilis na binawi ni Ella ang kanyang mga ngiti ng maalala nitong si Zander ang kanyang kaharap. Umatras ito bahagya at tumayo ng maayos."Ano, o---oo ito sana," muling wika ni Ella at inabot kay Zander pwet ng manok na nakatuhog sa stick.Ngumiti si Zander ng ubod ng tamis. "Sige 'te pili ka lang dyan. Akong bahala," sabi nito sabay kindat sa dalaga."S---Sige," tugon ni Ella.Kung kanina ay si Zander ang nauutal sa pagsasalita, ngayon naman ay nabaliktad na.Ella ano? Tuwang tuwa?Natatawa nito sabi sa kanyang sarili."Ipaparada ko lang sa loob 'to," sabi ni Ella matapos bumaba ni Zander. Tumango naman ang binata, nasa tapat na sila ng bahay ni Ella."O!" sabi ni Ella at biglang initsa ang susi ng kanyang bahay. "Susi 'yan sa front door, buksan mo na lang. Hintayin mo na lang ako sa loob," utos nito.Mabuti na lang at nasapo ito ni Zander ng maayos. "Sige 'te," tugon ni Zander. Kusa na nitong kinuha ang kanilang mga pinamili at nagtungo sa loob. Nakaramdam ng kilig si Zander ng nakatungtong na ito sa loob ng bahay ng dalaga. Hindi n'ya mawari ang kanyang nararamdaman kahit araw-araw naman silang magkasama ni Ella ay tila iba ang hatid ng araw na ito para sa binata. Lalong nanaig ang kagustuhan nitong makilala ang dalaga ng personal. Hindi bilang Michaella Tan na ubod ng sungit at tila walang pakialam sa nangayayari sa mundo. Kung hindi si Ella Tan, ang dalagang nakita n'ya sa bakanteng lote at kasama n'ya ngayong gabi.Nilibot ng binata ang kanyang mata.Ang linis ng bahay ni Miss Tan. Masyado ta
Nasamid bigla si Ella habang kumakain. Inabutan kaagad ito ni Zander ng tubig."Ate dahan dahan lang, mayroon pang natira roon," sabi ni Zander."Ang sarap kasi," sabi nito matapos uminom."Dapat pala pinagluto na lang kita at hindi na tayo uminom," pabiro nitong sabi sa dalaga.Nahinto si Ella sa pagsubo at tinignan ni Zander. "Okay lang naman kung ayaw mo," wika nito at pinagpatuloy ang pagkain.Patay, ayon na e! Nakuha ko na ang kiliti n'ya. Wrong move!"Ano ate, biro lang. Ikaw naman." Kinuha ni Zander ang bote ng alak at binuksan. "Masarap 'yan 'te kung sasabayan mo nito." Kaso ang weird naman yata? Habang umiinum kumakain ng kanin at ulam? Hindi ka na naman nag-iisip Zander!Napapikit na lang ang binata sa kahihiyan. Ngunit narinig nito ang paglagok ni Ella habang umiinom."Sarap," wika nito.Minulat ni Zander ang kanyang mga mata, sa kanyang pagmulat ay nakita n'yang patuloy pa rin si Ella sa pagkain. Tila hindi nito ininda kung magkapares ba ang alak at kanin.Nasasarapan s'y
Wala na, bagsak na si Miss Tan.Tinungga na lang ni Zander ang laman ng huling bote sa kanyang harapan.Ang lakas ding uminon ni Miss Tan, siguro kung wala lang s'yang pinagdaraanan, malamang mapapatumba n'ya ako. Buti nasa kundisyon akong uminom ngaon kung hindi paraho kaming bagsak.Pinagmasdan ng binata ang maamong mukha ni Ella. Nakasandal ito sa sofa at mahimbing na natutulog. Ang itim nitong buhok na nakalapat sa maputi nitong balikat. Nakakaakit ang mahabang leeg ng dalaga na tila hinahatak si Zander na ito'y halikan. Dala ng impluewensya ng alak ay nagpadala si Zander sa tukso ng alindog ni Ella. Nilapitan n'ya ang dalaga, hindi na ito nag-isip at sinunod na lang ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan. Hinawi ni Zander ang mangilan-ngilang buhok na nasa mukha ni Ella saka mas kinikilatis ang maamong mukha ng dalaga. Mula sa noo, kilay, maliit na mata, ilong at mamula mulang labi. Nanginginit na ang kanyang mukha, malalim na rin ang kanyang paghinga. Inilapit ni Zander a
"Mas kaylangan ako ng papa mo anak," wika ng isang ina sa musmos na bata."Pero mama, masakit po ang tyan ko," daing ng anak habang umiiyak.Dali-daling hinimas ng ina ang tyan ng kanyang anak. "Masakit pa?" tanong nito. Parang mahikang nawala bigla ang sakit ng tyan ng bata. "Ang galing mama nawala po 'yung sakit ng tyan ko noong hinipo n'yo," sambit ng bata.Ngumiti ang ina at muling nagsalita, "Ngayong magaling kana, kaylangan ko ng puntahan ang papa mo. Mas kaylangan n'ya ako." Tumalikod na ang ina sa kanyang anak at naglakad palayo."Mama ko! Mama ko!" tawag ng bata ngunit hindi na muling limingon ang kanyang ina hanggang mawala na ito sa kanyang paningin."Mama!" umiiyak na tawag ni Ella. Napaginipan ni Ella ang kanyang mama, kahit tulog ay umiiyak ang dalaga dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman. Nang nakita s'ya ni Junel sa waiting shed, kasasakay lang ng kanyang mama sa bus papuntang Caloocan para puntahan ang kanyang magaling na ama. Hindi na maganda ang pakiramdam ni E
"Ate Ella," tawag ni Zander sa dalaga matapos nitong magligpit ng kanilang pinag-inuman.Hindi kumibo si Ella, mahimbing na itong natutulog ngunit hindi naman maatim ni Zander na doon lang matulog ang dalaga. Siniyasat ng binata ang bahay ng dalaga, roon ay may nakita s'yang dalawang kwarto. Isang nakasara at ang isa naman ay hindi naka kandado. Doon napagdisisyonang dalhin ni Zander si Ella upang makahiga ito ng ayos. "Bubuhatin na kita ha, para makahiga ka na nang maayos," paalam ni Zander.Binuhat pangkasal ni Zander si Ella, magaan lang ang dalaga kaya naman hindi ito nahirapan. Pagpasok ng dalawa at pagkasara ng pinto ay inihiga na ni Zander ang dalaga at inayos ang higa, kinumutan pa nito si Ella. Hinaplos nito ang noo ng dalaga upang humimbing pa lalo ang tulog nito. Habang hinahaplos nito ang noo ni Ella ay nakaramdam din ito ng antok."Five minutes, patabi muna Miss Tan. Promise tatabi lang ako," sabi ni Zander at nilapitan si Ella sa kama."E---," nahinto si Junel sa pagta
Mabilis na dumaan ang umaga at malapit ng magtanghalian. Napadaan si Anica sa pwesto ni Ella. "Oh, nasaan ang apprentice mo? Hindi ata nakabuntot sa'yo?" tanong ni Anica kay Ella. "Half day," maiksing sagot ng dalaga. Kasalukuyan iton nag-type sa kanyang computer at nag-input ng mga data."Ah," tumango-tango si Anica. "Tan," bulong nito. Nagawa pa nitong lumapit ng bahagya sa kanyang kaibigan.Hindi sumagot si Ella at patuloy pa rin sa pagtipa sa keyboard."Kagabi, nag-inuman sina Soriano at Cruz," siwalat nito. Pagkarinig ni Ella ay nahinto ito ng ilang segundo sa pagtitipa. Tila huminto ang mundo at napaisip kaagad ang dalaga.Uminon sila? Kaya pala nandoon s'ya kagabi sa kanto nina Baron. Akala ko babae ang pinuntahan n'ya roon. Pero ano nga bang pakialam ko kung sino ang kasama n'ya magdamag. S'ya nga hindi ako inalala na wala akong kasama sa bahay. Kahit alam n'yang natatakot akong mag-isa, ako pa kaya? Ay bakit ko ba dapat isipin ang mga bagay na 'to.Hindi sumagot si Ella at
Bumalik na si Zander sa kanyang pwesto. Dala ang isang malaking ngiti at masiglang masigla ito sa muli nilang pagkikita ng dalaga. Bago pa lang pumasok si Zander ay wala na itong mapagsidlan ng tuwa dahil sa mga nangyari kagbi."Tan, nandito na ako ulit," sabi nito kay Ella na may galak.Binubuklat ni Ella ang ilang papelas sa kanyang mesa. "Nasa table mo na 'yung mga files na ipapa-input ko mamaya. Ayusin mo muna by company at by year, saka mo sa akin sabihin kung tapos na. Itutro ko sa'yo kung paano kami mag-input ng mga ganyan sa spreadsheet at ayusin 'yung format," utos nito. Ni lingunin si Zander ay hindi nito ginawa."Okay po," tugon ni Zander.Hala, kanina naman bago n'ya ako iwan sa tapat ng bahay, good mood naman s'ya. Bakit umaariba na naman ang pagiging masungit n'ya? Nag-expired na ba ang pagiging mabait ni Miss Tan. Back to masungit at hindi mangiting Miss Tan na ulit s'ya, nakakapanghinayang naman. Pero ayos lang, mas na-attract ako sa kasungitan n'ya, lalo na at nakita
Nakakainis talaga! Hapon na hindi pa rin ako iniimikan ng lalaking 'yon! Ano, ako pa ang lalapit para kausapin s'ya? Samantalng s'ya ang may atraso sa akin? Parang may ginawa akong mali kung umasta s'ya! Daig ko pa ang hangin kung lagpasan n'ya. Haist! Napipikon na ako, palaging si Zander ng si Zander na lang ang kinakausap. Sabihin n'ya sa akin kung may problema s'ya, napaka unfair mo talaga Junel Soriano! Alam mo kung bakit ako nagkakaganito, alam mong ayaw kong sumisira sa pangako. Nangako ka na sasamahan mo ako habang wala si mama tapos, dahil lang sa napapansin ni Zander na masaydo na tayong malapit sa isa't isa, iiwan mo ako? Ano, sa tuwing may makakapuna na close tayo iiwan mo ako sa ere?Pero ang nakakinis, hindi ako pwedeng mag-inarte ng ganito dahil magkaibigan lang tayo! Ang sarap manumbat pero wala akong karapanta! Nakakainis, nakakagigil!Halos mabarag at magtalsikan ang spring sa keyboard ni Ella sa bilis nitong mag-type. Ang diin din ng bawat tipa ng dalaga sa mga keys n